You are on page 1of 9

Pag aalsa ni tapar

-Isang babaylan si tapar. Itinatag niya sa Oton, panay ang isang bagong relihiyon na parang
binagong anyo ng kristiyanismo noong 1663.
-Si Tapar ay taga iloilo na nag hahangad na magtayo ng bagong sangay ng kristiyanismo sa bayan
ng Oton kung saan kilala siya bilang 'Diyos na makapangyarihan'
-Balak ni Tapar na patayin si De Mesa.
-Ang kanilang pakikipaglaban ay sumiklab dahil sa mga maling paraan ng pag trato ng mga
espanyol.
-Ang mga pilipinong nasa Visayas lalong lalo na ang mga nasa isla ng panay ay umaklas din ng
sinakop ng mga espanyol ang bansa.
-Naapektuhan ang relihiyon, ekonomiya, agraryan, at iba pang personal na hinaing ng mga pilipino.

Pag-aalsa ni tamblot
- Si Tamblót ay isang babaylan na naging lider ng pag-aalsa sa Bohol laban sa mga Español noong
1621.

- Si Tamblot ay taga sunod o nananampalataya kay AY SONO at sa mga diwata,ispiritu ng


kalikasan. Ang mga ibang babaylan sa bohol ay may sariling paniniwalang ispiritwal bago dumating
ang mga Espanyol.
- Ang loboc ang nagsilbing tirahan ng mga jusuit.
- Bilang pagaalsa nagkaroon ng tanggulian ang kung sino ang mas makapangyarihan sa kanilang
mga diyos at kailangan gumawa ng himala. nanalo si tamblot dahil sa ritwal ng pagaalay kay Ay
Sono. Tumagas ang tuba at may mga siksik na palay at bigas na nakapaloob sa kawayan.
- Ang ginawa ni tamblot na himala ay sinabing kagagawan ng demonyo at ang ginawa na
panggagamot ng ibang pare dahil sa sagradong anak ay tinuring na himala.
- 2000 bol-anon ang sumama kay tamblot na magaklas.
- Tumagal ang rebolusyon ng isang taon 1621-1622.

Pag-aalsa ni Bankaw.
-Si Bankaw ay datu ng Limasawa at mga karatig na lugar sa Leyte na namuno ng isang pag-aalsang
pampananampalataya laban sa mga Español.
- Noong 1565, malugod na tinanggap ni Bankaw ang pagdating ng kongkistador na si Miguel Lopez
de Legazpi
- Isa siya sa mga unang katutubong Filipino na nagpabinyag sa Kristiyanismo.
- Noong 1622, itinakwil ni Bangkaw ang relihiyon at pinamunuan ang isang pag-aaklas sa edad na
humigit-kumulang 75 taon.
- Ipinagbawal ng mga misyonerong Español ang katutubong pananampalataya, halos lahat, maging
bata, babae at matanda, ay lumahok sa pag-aalsang ito.
-Tinawag ng mga misyonero na demonyo ang mga diwata at bathala, at sinunog ang mga
katutubong imahen.
- Winasak ni Bangkaw kasama ang kaniyang mga anak at si pagil (isang babaylan na sinangguni ni
Bankaw tungkol sa pagbabangon) ang mga simbahanag katoliko ang nagtayo ng sariling dambana
para sa mga diwata.
- Nalaman lamang ang pagaalsa nung nagpadala ng mga hukbo mula Cebu ang mga Español.
- Dahil sa Pagaalsa pinugutan ng ulo si Bankaw at pinatay ang isang anak na lalaki habang si pagil
naman ay binitay.
Saksi and isla ng Bohol sa naging pinaka mahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas.
Tumagal ito ng 85 taon mula 1744 hanggang 1828. Isa ito sa maituturing na unang tagumpay ng
mga Pilipino laban sa pananakop ng mga Kastila. Tinatawag itong “Dagohoy Rebellion” dahil
pinamunuan ito ng magiting, matapang at magaling na Boholano, si Fransicso Dagohoy.

Ang Dagohoy Rebellion ay isa sa dalawang makasaysayang pag-aaklas na naganap sa Bohol. Ang
isa ay ang Tamblot Uprising noong 1621 kung saan si Tamblot, isang babaylan o katutubong pari
ang nag-aklas kontra sa paglaganap ng Kristyanismo sa kanilang lugar.

Ang pag-aaklas ni Dagohoy ay dahil sa mga pang-aaping naranasan ng mga Indio sa kamay ng
mga Kastila.

Noong Abril 1828, isang paglusob ng mga Kastila na pinamunuan ni Kapitan Manuel Sanz ang
tuluyang umapula sa pag-aalsa ni Dagohoy.
🔸When the Spaniards conquered Luzon in 1571, Tondo was part of the Province of Pampanga
which at that time was the first colonial province. According to a census that was made by Miguel de
Loarca in 1583, the people of Tondo reportedly spoke the same dialect as that spoken by the
Kapampangans. The dividing line between Kapampangan (ka pampang) and Tagalog (taga-ilog)
was the Pasig River, Pasig - an old Malayan word pertaining to the coast or strand. Tondo became a
separate province in the later half of the Spanish colonial era and today's Tondo exists as the first
district of the City of Manila.
🔸 The cause of conspiracy was the injustice committed by the Spanish Encomendieros against the
people of the kingdom and their lack of respect to treaty obligations with the local aristocracy
🔸In 1857, Augustin de Legazpi enlisted the help and had made contact with a Japanese sea captain
Juan Gayo
🔸A secret agreement was concluded in which Captain Gayo would supply arms and recruited
soldiers from Japan to help the Filipino rebellion and recognize Augustin de Legazpi as king of the
Philippine kingdom.
🔸Augustin de Legazpi and Martin Pangan were brutally hanged, their heads cut off and exposed on
the gibbet in iron cages; their properties, assets were seized by the Spanish authorities and the sites
of their homes plowed and sown with salt so that they would remain barren. Magat Salamat was also
hanged, his goods were to be employed for the erection of the new fortress of Maynilad.
* According to Fray Gaspar de San Agustin in "Conquistas de las Islas Filipinas 1565–1615", as
cited by Kimuell-Gabriel (2013), Lakandula had ruled Tondo from an elevated site near Manila bay,
facing the shore and fronted by fishermen's dwellings.[16] According to local oral histories, this site
eventually became the site of the Sto Niño of Tondo Parish church.

Pananakop ng mga Briton

INDIA

*Masamang epekto*
● Ang pananakop ng mga Briton (Gran Britanya) sa bansang india. Ilan sa mga nagging
epekto nito ay ang malawakang di-pagkakapantay-pantay, kawalan ng pagpaparaya ng
mga tao sa ibat ibang paniniwala at relihiyon, ang pagtingkad ng caste system, at ang
pagkakawatak-watak ng India na nagging sanhi ng pagsibol ng mga bansang Pakistan at
Bangladesh
*Tagumpay ng Britain sa India*
● Ang pangunahing kinontrol ng bansang England o mga British ay ang kalakalan sa India,
ngunit ang kanilang pananakop ay nagging daan din ng pag-usbong ng nasyonalismong
magpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng rebelyong sepoy at
nagpatatag ng sariling republika.

Pananakop ng mga Briton sa Maynila

● Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi


ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang
kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan
sa Kabite.
● Noong October 6 tuluyan na sumuko sa kamay ng mga Briton ang mga espanyol at
tuluyan na nasakop ng Briton ang Maynila.
● Isang buwan bago mapasakamay ng mga Briton ang maynila, inilukluk ng Britanya na si
Dawsonne Drake ang magiging Gobyernador ng Maynila.
● Ilang buwan ang nakalipas noong February 10, 1763, inilagda ang Treaty of Paris tanda
ito ng pagtatapos ng di matapos tapos na Seven Years War.
● Hanggang sa nagkaroon noong March 1764 ng sulat galling sa London na mag withdraw
na sila tungkol sa pamamahala at paghawak ng mga Briton sa maynila at karatig lugar sa
Cavite.
● Unang lingo ng April 1764 matapos ang isa’t kalahating taon na pamumuno sa Maynila,
nakaalis na ang mga barko kasama ang mga kawal at tauhan galing Britanya at India.
Kaganapan bago ang pananakop
● Noong panahong iyon, mayroon nang digmaan ang Britanya at Pransiya na tinatawag
ngayong Pitong Taon Digmaan.
● Habang tumatagal ang digmaan, ang walang pinapanigang pamahalaan ng mga Kastila
ay nag-aalala na ang mga pagkatalo ng mga Pranses sa mga Ingles ay magiging isang
malaking banta sa interes ng Espanya.
●  Unang naghayag ng digmaan ang Britanya laban sa Espanya noong 4 Enero 1762, at
noong 18 Enero 1762 ay naglabas din ang Espanya ng kanilang sariling pagpapahayag ng
digmaan laban sa Britanya.
● Matagumpay na nakagawa ng kasunduan ang Pransiya at Espanya na kinilala
bilang Pacte de Famille na nilagdaan noong 15 Agosto 1761. Sa isang lihim na
pagpupulong, madaling nakapaghanda ang Espanya upang makipagdigma sa Britanya.
Pag-aalsa ni Diego at Gabriela Silang 1730-1763

● Ipinagmamalaki ng mga Ilokano ang kanilang mga kilalang kalalakihan at kababaihan at


isa rito ang matapang at nag-aalab sap ag-ibig sa bayan na mag-asawang Silang.
● Ang pag-aasla sa Ilokos noong 1762 na pinamumunuan ni Diego Silang ay isa sa mga
pinaka madugong kabanata sa kasaysayan ng bansa.
● Ito’y ibinusod upang matamo ang kalayaan at maputol ang pang-aalipin ng mga
dayuhang kastila.
● Si Diego ay matagumpay na naging rebelde laban sa mga kastila sa Ilocos noong ika-17
siglo.
● Dahil sa mga talumpati ni Diego, siyay pinarusahan. Ipinapalo siya nang lantaran sa
publiko ni Alkalde Mayor Antonio Zabala.
● Dahil sa sama ng loob ni Miguel Vicos pataksil na binaril niya ang kaibigang si Diego.
● Ang kaniyang buhay ay nagging maigsi dahil sa pagtataksil ni Miguel Vicos. At ang
kaniyang asawa ang nagpatuloy ng kanilang ipinaglalabang kalayaan.
● Bago si Diego nalagutan ng hininga,ipinagbilin niya sa kaniyang asawa ang mga salitang
ito” Gabriela, ipagpatuloy moa ng ating pakikilaban sa kapakanan ng ating kalayaan”.At
my binilin din ito sa kaniyang tiyo na “tulungan mo si Gabriela”
● Namatay si Diego noong Mayo 28, 1763 sa gulang na 32 lamang.
● Si Gabriela ay taong hindi agad-agad sumusuko kahit na ang nangyayari sa kanya sa
Ilocos Sur ay pagkabigo at nawalan siya ng mahigit sa dalawang libong rebelde.
● Noong Agosto 1763 si Henerala Gabriela Silang ay nakasakay sa puting kabayo at
pinangungunahan ang may 2,000 matatapang na kalalakihan na dala-dala ang kanilang
mga baril, itak, pana at iba pang sandata.
● At sa pangalawang pagkakataon ang mga tauhan ni Gabriela ay nagawang umatake sa
may 6,000 malalakas na puwersang Espanya.
● Nahuli si Gabriela at ang kanyang mga tauhan sa ganitong bitag na inihain ng Espanya sa
kanila. Ang sunod na atakeng ginawa ng Espanya ay naging dahilan ng pagkalumpo ng
kanyang mga tauhan.
● Isa-isa sa mga nahuli ay binitay sa bayan, ang mga natirang 80 rebelde ay pinugutan ng
ulo sa tabing dagat upang magsilbing babala sa mga taong magnanais na magrebelde sa
Espanya.
● Ang walang takot na pinunong Rebolusyonaryo ng mga Ilocano, Si Gabriela Silang ay
binitay noong umaga ng Setyembre 20, 1763 sa Vigan. Siya ay nakaharap sa nagbitay sa
kanya hanggang sa huling hininga.
● At ang kapanalig niyang si Juan Dela Cruz Pilaris ay binitay rin sa harap ng publiko. Ito
ang tumapos sa buhay ni Gabriela Silang, ang unang Pilipinong Heneral, isang bayani, at
ipinagmamalaki ng mga Ilokano.

You might also like