You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: _________________________ Antas: Markahan: Ikatlo Linggo: 6

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong


ng nasyonalismong Pilipino.

II. Pangkalahatang Ideya

Naging mapang-abuso at mapaniil ang pangangasiwa ng mga Espanyol sa


Pilipinas. Nagdulot ito ng kaguluhan at pag-aalsa mula sa iba’t-ibang panig ng
Pilipinas. Sa pagkakataong ito, nagkaisa ang mga katutubong pangkat sa pag-
aaklas laban sa mga kalabisan sa pagpapatupad ng mga Espanyol ng mga
patakaran. Hindi man lubusang nagtagumpay, natuto ang mga katutubo sa mga
isinagawa nilang pag-aalsa, nabuo sa mga Pilipino ang kamalayang makabansa na
siyang nagsulong sa kanilang pagnanais na makalaya mula sa pananakop ng mga
Espanyol.

Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong sa


tahasang pagtutol ng mga Pilipino. Ilan sa kanilang tinutulan ay ang mataas na
buwis, sapilitang paggawa, diskriminasyon sa lipunan at malupit na pamamalakad
ng mga Prayle at Pinunong Espanyol. Ang pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga
katutubo sa iba’t ibang sektor sa lipunan at maging mga binyagang-katoliko na
nakaranas ng kalupitan ng mga Espanyol.

Ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino ay nahahati sa tatlong


kadahilanan – politikal, panrelihiyon at ekonomiko.

Pag-aalsang Politikal

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


1. Pag-aalsa ni 1574  Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni
Lakandula Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi na
malibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga
kaanak ni Lakandula, ang huling hari ng Maynila.
 Tinanggal ang mga pribilehiyong ito nang palitan
si Legazpi ni Guido Lavezares bilang gobernador-
heneral ng Pilipinas.
2. Pag-aalsa ng 1587-  Ninais ng mga datu sa pangunguna ni Magat
mga Datu ng 1588 Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro
Tondo Balingit – na mabawing muli ang kanilang
kalayaan at karangalan.
 Maagang natuklasan kaya ipinapatay o
ipinatapon ang mga nadakip na pinuno.
Pag-aalsang Panrelihiyon

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


1. Pag-aalsa ng mga 1601  Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot
Igorot ng hilagang Luzon sa Kristyanismo
alinsunod sa utos ni Gobernador
Heneral Francisco de Tello de Guzman.
 Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol
na ipasailalim ang mga Igorot
2. Pag-aalsa ni Bancao 1621  Katuwang ang babaylan na si Pagali,
nagtayo ng mga dambana para sa mga
anito, at hinikayat ang ilang bayan na
sumapi sa kanila at makilahok sa pag-
aalsa.
 Nasupil ang kanilang rebelyon at
pinugutan si Bancao.
3. Pag-aalsa ni Tamblot 1621-  Pagtutol ng mga Boholano sa
1622 Kristyanismo sa pamumuno ng dating
babaylan na si Tamblot.
 Nasupil ang pag-aalsa sa pagsapit ng
Bagong Taon ng 1622.
4. Pag-aalsa ng mga 1625-  Pinugutan ang dalawang misyonerong
Itneg sa pamumuno 1627 Dominican at hinikayat ang mga Itneg
nina Miguel Lanab ng na magnakaw, dumumi sa mga imahen
Cagayan at Alababan ng santo, at sunugin ang mga simbahan
ng Apayao. bilang protesta sa sapilitang
pagbibinyag sa kanila.
 Nasupil noong 1627 sa utos ni
Gobernador-Heneral Fernando de Silva.
5. Pag-aalsa ni Tapar sa 1663  Naghangad na magtayo ng bagong
Panay sangay ng Kristyanismo sa bayan ng
Oton kung saan kikilalanin siya bilang
“Diyos na Makapangyarihan”
 Agad na nasupil at pinapatay ang mga
lumahok.
6. Pag-aalsa ng mga 1718  Pinigilan ang mga taga-Tuguegarao na
Magtangaga ng tangkilikin ang Kristyanismo at
Cagayan sa nanghimok na isauli ang mga rosaryo at
pamumuno ni iskapularyo sa mga prayle.
Francisco Rivera na  Marami sa mga kasapi ang tumalikod sa
ninais matawag na marahas na pamumuno ni Rivera at
“Papa Rey” nasupil ng mga Espanyol.
7. Pag-aalsa ni Dagohoy 1744-  Nagalit nang tinutulan ng kura na bigyan
1829 ng marangal na libing ang konstableng
kapatid.
8. Pag-aalsa ni 1840-  Tinanggihan maging pari at kilalanin ang
Apolinario Dela Cruz o 1841 kanyang samahang Cofradia de San
“Hermano Pule” sa Jose
Tayabas  Dinakip at pinatawan ng kamatayan
Pag-aalsang Ekonomiko
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
1. Pag-aalsa ni Magalat 1596  Tumutol sa di-makatwirang paniningil ng
buwis ng mga Espanyol
 Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga
indio na nakilahok sa pag-aalsa ni
Magalat.
2. Pag-aalsa ni Ladia sa 1643  Kinumpiska ang kanyang ari-arian ng
Malolos, Bulacan mga Espanyol
 Dinakip at sinentensyahan ng
kamatayan sa Maynila
3. Pag-aalsa ni Agustin 1649-  Pinadala sa Cavite ang mga Waray,
Samuroy ng Samar 1650 malayo sa kanilang tahanan, para sa
kanilang polo y servicio.
 Humina ang pag-aalsa at nadakip at
pinapatay si Samuroy at ibang kalahok
sa pag-aalsa.
4. Pag-aalsa ni Francisco 1660-  Tumutol ang mga Kapampangan sa
Maniago ng Mexico 1661 sapilitang paggawa at hindi pagbabayad
Pampanga ng pamahalaan sa binili sa kanilang
mga palay.
 Nasupil ni Gobernador-Heneral
Sabiniano manique de Lara gamit ang
“divide and rule policy”
5. Pag-aalsa ni Andres 1660-  Hindi nagbayad ang mga Espanyol sa
Malong sa San Carlos, 1661 libu-libong katutubong nagtrabaho sa
Pangasinan paggawa ng barko.
 Agad na nasupil ng Espanyol
6. Pag-aalsa ni Don 1661  Sumuporta sa pag-aalsa ni Malong sa
Pedro Almazan sa San Pangasinan.
Nicolas, Laoag Ilocos  Matapos niyang ipapugot ang ulo ng
Norte dalawang prayleng Dominican ay
pinadakip at binigti sa plaza at natigil
angrebelyon.
7. Pag-aalsang Agraryo 1745-  Sanhi ng pangangamkam ng mga lupain
sa katagalugan 1746 sa katagalugan.
 Walang lupang naibalik sa mga
magsasaka
8. Pag-aalsa ni Diego 1745-  Ninais ni Diego Silang na mapaalis ang
Silang at Gabriela 1746 mga Espanyol subalit piñata siya ng
Silang kaibigang si Miguel Vicos.
 Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglaban ng asawa subalit siya ay
nahuli at binitay.
9. Pag-aalsang Basi sa 1807  Nag-ugat sa paghihigpit ng mga
Pamumuno ni Pedro Espanyol sa produksyon at pagbebenta
Ambaristo ng Ilocos ng basi-isang uri ng alak mula sa tubo.
Norte  Makalipas ang ilang linggo, nasupil ang
pag-aalsa ng mga Espanyol.
III. Mga Gawain
Gawain 1. Tanong Ko, Sagot Mo!
Panuto: Batay sa teksto, suriin at sagutin ang mga katanungan tungkol sa
pakikipaglaban at pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

1. Ano ang patakaransa paglilingkod ng kalalakihan ang tinutulan ng labis ng


mga Pilipino?
a. mataas na buwis c. diskriminasyon sa lipunan
b. sapilitang paggawa d. malupit na pamamahala
2. Ano ang tatlong pangunahing kadahilanan ng pag-aalsa ng mga Pilipino
laban sa mga Espanyol?
a. politikal, panrelihiyon at ekonomiko
b. politikal, panrelihiyon at kultural
c. panrelihiyon, ekonomiko at panlipunan
d. ekonomiko, politikal at kultural
3. Bakit nag-alsa si Lakandula noong 1574?
a. Tinutulan niya ang pagbibinyag
b. Nagalit dahil di natupad na malibre sa pagbabayad ng buwis
c. Di nabayaran ng tamang sahod
d. Pagnanais na palayasin ang mga Espanyol
4. Sino ang tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari at di kinilala ang
itinatag na Confradia de San Jose?
a. Francisco Dagohoy c. Apolinario dela Cruz
b. Francisco Rivera d. Apolinario Mabini
5. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pag-aalsang ekonomiko?
a. Pag-aalsa ng mga Igorot c. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo
b. Pag-aalsa ng mga Itneg d. Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan

Gawain 2. Alin ang naiiba?


Panuto: Bilugan ang salita o pangalan na di-kabilang sa pangkat.
1. Tamblot, Bancao, Tapar, Lakandula
2. Diego Silang Agustin Sumuroy, Pedro Ambaristo, Magat Salamat
3. Politikal, Panrelihiyon Ekonomiko, Kultura
4. Gabriela Silang Hermano Pule, Andres Malong Martin Panga
5. Magat Salamat, Juan Banal, Pedro Balingit, Francisco Rivera

Gawain 3. Tukuyin ang pag-aalsa o ang pinuno nito sa bawat bilang.


1. Nagalit nang tutulan ng kura na bigyan na ____________________________
marangal na libing ang kanyang kapatid.
2. Ninais nilang mapaalis ang mga Espanyol ____________________________
sa Ilocos.
3. Nag alsa nang ipadala ang mga Waray sa
paggawaan ng barko sa Cavite, malayo ____________________________
sa kanilang tirahan.
4. Naganap sa pangunguna ng dating
babaylan bilang pagtutol ng mga ____________________________
Boholano sa Kristiyanismo
5. Nangyari nang hindi magbayad ang
pamahalaan sa biniling mga palay sa mga ____________________________
magsasaka sa Pampanga.
IV. Susi sa Paggawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. b 1. Lakandula (kabilang sa pag-aalsang politikal)
2. a 2. Magat Salamat (kabilang sa pag-aalsang politikal)
3. b 3. Kultural
4. c 4. Gabriela Silang (tanging babae sa pagpipilian)
5. d 5. Francisco Rivera (kabilang sa pag-aalsang panrelihiyon)

Gawain 3
1. Dagohoy
2. Diego Silang
3. Sumuroy
4. Tamblot
5. Maniago

VI. Mga Sanggunian:


MELCs- Grade 5
Pilipinas BIlang Isang Bansa pp. 232-235

Inihanda ni:

ALLAN REY B. CALWIT


Paulba Elementary School
Ligao City

You might also like