You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 6
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
(Week 1-3)
Mga Hamon sa Nagsasariling Bansa

MELC: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong


kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972
(AP6KDP-IIIa-c-3)

Inihanda nina:

ARLYN R. DUMAOAL
Teacher III
Sideg Elementary School

MARY JEAN C. RICO


Master Teacher I
Evangelista Elementary School
Subukin

Pagtugmain ang mga nasa hanay A at hanay B. Isulat sa patlang ang


titik ng tamang sagot.
A B
____ 1. panukala A. ipukos
____ 2. imprastraktura B. paniniwalang kaisipan
____ 3. paghihikahos C. mungkahi
____ 4. ituon D. pagrarally
____ 5. ideolohiya E. paghihirap
____ 6. pag-aaklas F. sangkap sa pagpapaunlad
(patubig, elektisidad)

2
Aralin
Ang Pilipinas Matapos ang
1 Digmaan
Sa araling ito iyong pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas matapos ang
digmaan. Handa ka na ba?

Balikan

Panuto: Bago ka magsimula sa iyong bagong aralin ay sikapin mo munang


iugnay ang mga larawan sa hanay A sa mga salita sa hanay B.

HANAY A HANAY B

1. A. Sangay Tagapaghukom

2. B. Mababang Kapulungan

3. C. Mataas na Kapulungan

3
Tuklasin

Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? Nakahanda na kaya ang mga


Pilipino na tumayo sa kanilang sariling paa matapos ng sunod-sunod na
pananakop ng mga dayuhan? Ano- anong katangian ang dapat taglayin ng
isang malayang Pilipino upang malampasan ang mga suliraning dulot ng
digmaan?

Suriin

Nagtapos ang pamahalaang Commonwealth sa pagsilang ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Nasaksihan ito ng maraming
Pilipino, mga panauhin at mga kinatawan ng iba’t ibang bansa. Sa isang
marangal na seremonya, ibinaba ang bandila ng US habang itinataas ang
watawat ng Pilipinas. Ito ang naging hudyat ng kalayaan ng Pilipinas tungo
sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan ng pambansang kabuhayan
sa ilalim ng iba’t ibang pamunuan.

Pinasinayaan ang Ikatlong Republika ng Pilipinas at nanumpa sina


Manuel A. Roxas bilang Pangulo; Elipidio Quirino, Pangalawang Pangulo;
Jose Avelino, Pangulo ng Senado; at Eugenio Perez, Speaker ng Kapulungan
ng mga Kinatawan.

4
Anyo ng Pamahalaan

Ang 1936 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na nawalan ng bias


noong panahon ng pananakop ng mga Hapones ang ginamit ng Ikatlong
Republika upang maibangon at maitatag muli ang pamahalaan. Malinaw na
nakasaad dito ang kayariaan, tungkulin, at kapangyarihan ng gobyerno.

Pampanguluhan ang sistema ng pamamahal ng Ikatlong Republika na


may uring demokratiko at binubuo ng tatlong sangay: ang Sangay na
Tagapagpaganap, Sangay na Tagapagbatas, at Sangay ng Tagapaghukom.

Ang Sangay na Tagapagpaganap (Executive Department)

Tungkulin ng Sangay ng Tagapagpaganap ang pagpapatupad ng mga


batas. Kasama ng Pangulo ang Pangalawang Pangulo at ang mga kasapi ng
gabinete. Ang gabinete ay binubuo ng iba’t ibang kagawarang
tagpagpaganap na pinamumunuan ng mga kalihim.

Ayon sa probisyon ng 1935 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,


ang Pangulo ang punong tagapagpaganap at pinuno ng Republika. Tuwirang
inihahalal ng taumbayan ang Pangulo at Pangalawang Pangulo na
manunungkulan sa loob ng apat na taon. Maaari siyang ihalal muli para sa
panibagong termino subalit hindi sila maaaring maglingkod nang higit sa
walong taon.

Ang mga sumusunod ay mga kwalipikasyong pinagbabatayan sa


pagiging Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Republika ayon sa isinasaad
ng Konstitusyon:

1. katutubo o likas na mamamayan ng Pilipinas;

2. hindi bababa sa 40 taong gulang sa araw ng halalan;

3. rehistradong botante; at

4. naninirahan sa Pilipinas nang hindi kukulangan sa sampung taon


bago ang

5
halalan.

Hinihirang ng Pangulo ang mga kalihim ng gabinete at ipinagtitibay


ng Commission on Appointments (CA) na binubuo naman ng 12 Senador at
12 kinatawan ng Kongreso.

Ang Sangay na Tagapagbatas (Legislative Department)

Ipinagkaloob ng 1935 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas sa


Kongreso ng Pilipinas ang karapatang bumuo at magpatibay ng mga batas
na ipatutupad sa Ikatlong Republika. Binubuo ng dalawang kapulungan
ang Sangay ng Tagapagbatas: ang Senado o Mataas na Kapulungan na
pinamumunuan ng Pangulo ng Senado at ang Kapulungan ng mga
Kinatawan o Mababang Kapulungan na pinamumunuan naman ng Speaker.

Inihahalal ng taumbayan ang mga tagapagbatas: 24 na senador ang


bumubuo sa Senado. Ang 16 na senador na nakakuha ng pinakamaraming
boto ay manunungkulan sa loob ng anim na taon. Tuwing ikalawang taon
naman ng panunungkulan, papalitan ang natitirang walong senador:

Maaaring maging senador ang isang taong may katangiang katulad ng


mga sumusunod:

1. katutubo o likas ang pagkamamamayang Pilipino;


2. hindi bababa sa 35 taong gulang sa araw ng halalan;
3. rehistradong botante; at
4. naninirahan sa Pilipinas nang hindi kukulangin sa dalawang taon
bago ang halalan.
Binubuo naman ng 107 mambabatas ang Kapulungan ng mga
Kinatawan.
Maaring madagdagan ang bilang na ito nang hindi hihigit sa 120. Ang mga
botante ng bawat distrito o purok ang naghahalal sa mga kinatawan na
manunungkulan sa loob ng tatlong taon.

Dapat nilang taglayin ang sumusunod na mga kwalipikasyon;

1. katutubong mamamayan ng Pilipinas;


2. may edad na hindi bababa sa 25 taong gulang sa araw ng halalan;

6
3. rehistradong botante; at
4. isang taon nang naninirahan sa distrito o purok na pagsisilbihan
bago ang halalan.
Tinatatawag na sesiyon ang mga pulong ng Kongreso. Nagdaraos ng
isang
regular na sesiyon sa isang taon na tumatagal ng 100 araw, hindi kabilang
ang Linggo at pista opisyal. Nagsisimula ito tuwing ikaapat na Lunes ng
taon. Sa panahon ng regular na sesiyon ng Kongreso, ang mga panukalang
batas ay pinagtitibay upang maging isang ganap na batas.

Ang Sangay na Tagapaghukom (Judiciary Department)

Ang Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema ang Sangay na


Tagapaghukom. Binubuo ito ng iisang punong mahistrado at 14 katulong
na mahistrado. Nasa kamay ng sangay na ito ang kapangyarihang litisin at
pagpasiyahan ang mga kasong iniharap sa hukuman.

Katulong ng Korte Suprema ang mga mababang hukuman tulad ng


Hukuman sa Paghahabol (Court of Appeals), Hukuman ng Unang Dulugan
(Court of First Instance), at Hukumang Pamayapa (Justice of Peace Court).

Ang panunungkulan ng mga hukom ay ayon sa paghirang ng Pangulo


at pagsang-ayon ng Commision on Appointments (CA). Nararapat na ang
mga hinirang na hukom ay mag mabuting pag-uugali, matapat sa
paglilingkod, at may maayos na pakikisama. Hanggang sa gulang na 65
maaring manungkulan ang mga hukom.

Mga Suliranin ng Ikatlong Republika

1. Pagkasira ng Ekonomiya
Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa bansa lalo na sa
ekonomiya.
Bukod sa milyon-milyon ang namatay, napakarami ring nawasak na mga ari-
arian. Lumaganap ang kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng mga tao.
Nasira rin ang mga patubig at makinarya na ginagamit sa pagsasaka.

7
Dulot nito, humina ang produksiyon ng bansa at naging suliranin ang
kawalan ng pagkain.

Naging isang malaking suliranin ng Pilipinas ang muling


pagpapaunlad ng kabuhayan. Ito ang dahilan kaya itinuon ng pamahalaan
ang pansin nito sa pagpapatatag ng agrikultura, kalakalan, at industriya
bilang unang hakbang tungo sa pagbangon ng ekonomiya. Inuna nito ang
pagpapagawa at pagpapakumpuni ng mga lansangan at tulay sa mga
proyektong imprastruktura. Lumikha rin ng mga hanapbuhay ang
pamahalaan upang may pagkakitaan ang mga tao.

2. Kapayapaan at Kaayusan
Ang kapayapaan at kaayusan sa bansa ay lubhang naapektuhan
pagkatapos ng digmaan. Dahil sa kahirapan, marami ang napilitang
lumabag sa batas upang kumite ng pera. Lumaganap ang nakawan at
holdapan sa mga lungsod, bayan at maging sa mga lalawigan. Ang buhay at
ari-arian ng mga mamamayan ay nanganib dahil sa pangyayaring ito.
Naging malubha rin ang suliraning pangkapayapaan at pangkaayusan ng
bansa dahil sa paglawak ng samahang HUKBALAHAP. Pagkatapos ng
digmaan, tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata nang
hindi ipagkaloob ng pamahalaan ang kanilang kahilingan sa repormang
pansakahan. Maraming magsasakang taga Central Luzon ang sumali rito sa
pangakong mabibigyan sila ng sariling lupang magsasaka.

3. Suliraning Panlipunan at Pagbaba ng Moralidad


Matinding paghihikahos at pagdurusa ang nagging epekto ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Kapos na kapos sa pagkain ang mga mamamayan
lalo na sa mga lugar kung saan nagkaroon ng labanan. Nanirahan ang
marami sa dikit-dikit at sira-sirang mga bahay at gusali. Naging
pangunahing hanapbuhay ng mga tao ang buy and sell na nakilala noong
Panahon ng mga Hapones. Tumaas ang halaga ng mga bilihin dahil na rin
sa kakulangan ng paninda at pananalapi.

Dahil kailangang mabuhay, nakalimutan ng mga tao ang kagandahang asal


at pamantayang moral ng lipunan. Ang mga mamayan ay namuhay nang

8
walang pagkakaisa at walang pagtitiwala sa isa’t-isa. Lumaganap ang
katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan, dayaan at suhulan sa mga opisyal
ng pamahalaan.

4. Kakapusan sa Pananalapi
Pagkatapos ng digmaan, dumanas ang Pilipinas ng kakulangan sa
pananalapi.
Halos walang natira sa kaban ng bayan. Ang pondo mula sa buwis ng mga
mamamayan ay hindi maaasahan dahil marami sa mga ito ay walang
hanapbuhay. Maging ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay nahinto
dahil kulang pa para sa pangangailangan ng mga tao ang kakaunting
produksiyon ng mga pananim. Bunga nito, napilitan ang pamahalaan na
makipagkasundo sa mga bansang may matatag na ekonomiya tulad ng US
upang matugunan ang mga programang makatutulong sa pagbangon ng
bansa.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa patlang ang inilalarawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

________________1. Pinuno ng Republika

________________2. Pinuno ng Mataas na Kapulungan

________________3. Pinuno ng Mababang Kapulungan

________________4. Pinuno ng Korte Suprema

________________5. Kasama ng Pangulo sa Sangay na Tagapagpaganap

Gabinete Pangulo
Speaker ng Mababang Kapulungan Pangulo ng Senado
Kalihim Punong Mahistrado

9
Isaisip

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Ang Pamahalan sa Ikatlong Republika ng Pilipinas ay may


sistemang ________ at may uring ________________.
2. Ang pamahalaan sa ilalim ng Ikatlong Republika ay may tatlong
sangay:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Naging suliranin ng bagong pamahalaan ang mga sumusunod na
bunga ng digmaan:
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
__________________________________________________________

Isagawa

Gumuhit ng isang simbolo na sa palagay may kinalaman sa ating uri nang


Pamahaalan, sumulat nang 2 pangungusap kung bakit ito ang napili mo?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

10
Tayahin

Panuto: Pagpasiyahan kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pahayag sa


ibaba. Kung sa iyong palagay ito ay mali, ipaliwanag ang dahilan kung bakit

1. Ang 1935 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay nawalan ng


saysay sa panahon ng Amerikano.
2. Magkaiba ang demokratiko at pampanguluhang Sistema ng
pamahalaan.
3. Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa ekonomiya ng Pilipinas.
4. Kahit sinong nakatapos ng kolehiyo ay may karapatang mahalal
bilang pinuno ng bayan.
5. Kinakailangang pagtibayin ng Mataas na Kapulungan at Mababang
Kapulungan ang mga panukalang batas bago maging ganap na batas
ang mga ito.
6. Dahil sa kahirapan ng buhay, maraming tao ang lumabag sa batas
upang may pagkakitaan lamang.
7. May epekto ang pagkasira ng tulay, daan at komunikasyon sa
ekonomiya ng isang bansa.
8. Mahalagang mapanatili ang moralidad ng isang tao kahit nasa gitna
ng kagipitan.
9. May katwirang mangutang ang isang mahirap na bansa sa isang
mayamang bansa kung kinakailangan.
10. May mahalagang papel na ginagampanan ang bawat Pilipino sa
pagsasaayos at pagpapabuti ng lipunan at pagpapataas ng moralidad.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

25

You might also like