You are on page 1of 8

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ___________________ Petsa:___________Iskor:__________

ARALING PANLIPUNAN 5
Kuwarter 3 - Linggo 2
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa
Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa Panahon ng Kolonyalismong Espanyol.
Pamagat (Lesson): Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol.

Layunin: Napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong


Espanyol.

Konsepto:
Mga Pag-aalsa Laban Sa Mga Espanyol
May tatlong pangunahing sanhi ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol. Una, politikal; ikalawa, panrelihiyon; at ang ikatlo, ekonomiko.

Mga Pag-aalsang Politikal


Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamatataas na
pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan
bilang mga pinuno ng aspektong espirituwal. Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang
mga dating datu at babaylan upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa
kanilang nasasakupan.

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni 1574 Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni Gobernador –
Lakandula Heneral Miguel Lopez de Legazpi na malibre sa pagbabayad ng
buwis at polo ang mga kaanak ni Lakandula, ang huling hari ng
Maynila.

Tinanggal ang mga pribiliheyong ito nang palitan si Legazpi


ni Guido Lavesarez bilang gobernador-heneral ng Pilipinas.

1
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
Pag-aalsa ng 1587- Ninais ng mga datu-sa pangunguna nina Magat Salamat,
mga Datu ng 1588 Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro Balingit- na mabawing
Tondo muli ang kanilang kalayaan at karangalan.
(Pagsasabwatan
Maagang natuklasan kaya ipinapatay o ipinatapon sa
sa Tondo)
ibang bahagi ng bansa (hal. Mexico) ang mga nadakip na
pinuno.

Mga Pag-aalsang Panrelihiyon


Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming Pilipino ang
tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano.
Halimbawa nito ay ang may 30 babaylan sa Bohol na noong 1611 ay binasag ang kanilang mga
anito at dambana at pinalahok pa sa katekismo ang kanilang mga anak.
Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang pinamunuan ni Francisco
Dagohoy sa Bohol noong 1744. Simula nang magpataw ng mga bagong patakarang pang-
ekonomiya ang mga Espanyol ay mahigpit na itong tinutulan ni Dagohoy. Higit na nagpaalab
sa galit ni Dagohoy ay ang hindi pagpapahintulot ng isang prayleng Jesuit na bigyan ng
Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na constable na namatay sa pagtugis sa isang tulisan.
Dahil dito, hinimok ni Dagohoy ang iba pang Boholano na mag-aklas laban sa mga Espanyol.
Tumagal ang pag-aalsa hanggang 1829.
Iba pang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo bilang protesta sa Kristiyanismo.
Marami sa kanila ang pinugutan, itinuhog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga Espanyol
sa mga Indio bilang babala sa maaari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa simbahan.
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ng 1601 Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng hilagang Luzon sa
mga Igorot Kristiyanismo alinsunod sa utos ni Gobernador-Heneral Francisco
de Tello de Guzman. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na
ipasailalim ang mga Igorot
Pag-aalsa ni 1621 Pinamunuan ni Datu Bancao ng Carigara na lumaban sa
Bancao Simbahang Katolika ng Leyte.
Katuwang ang babaylan na si Pagali (na gumamit umano ng
“mahika”) ay nagtayo ng mga dambana para sa mga anito, at
hinikayat ang mga ilang bayan na sumapi sa kanila at makilahok sa
pag-aalsa.
Nasupil ang kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo si Bancao

2
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni 1621- Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo sa pamumuno ng
Tamblot 1622 dating babaylan na si Tamblot. Isinagawa ito sa unang araw ng pista
ni St. Francis Xavier
Nasupil ang pag-aalsa pagsapit ng Bagong Taon ng 1622
Pag-aalsa ni 1625- Pinamunuan nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng
Itneg 1627 Apayao
Pinugutan ng ulo ang dalawang misyonerong Dominican at
hinikayat ang mga Itneg na magnakaw, dumihan ang mga imahen ng
santo, at sunugin ang mga lokal na simbahan bilang protesta sa
sapilitang pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo.
Nasupil noong 1627 sa utos ni Gobernador-Heneral Fernando de
Silva
Pag-aalsa ni 1663 Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na naghahangad na magtayo ng
Tapar sa bagong sangay ng Kristiyanismo sa bayan na Oton kung saan ay
Panay kikilalanin siya bilang “Diyos na Makapangyarihan”
Agad na nasupil at pinapatay ang mga lumahok sa rebelyon.
Pag-aalsa 1744- Nagalit si Dagohoy na isang dating cabeza de barangay, dahil sa
ni Dagohoy 1829 pagtutol ng kura na bigyan ng kristiyanong libing ang kanyang
sa Bohol kapatid na namatay sa duwelo.Ito ang pinakamahabang pag-aalsa sa
kasaysayan.
Pag-aalsa ni 1840- Nagalit si Apolinaro dela Cruz o mas kilala bilang Hermano
Apolinario 1841 Pule dahil tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang
dela Cruz sa samahang panrelihiyong kanyang itinatag na tinawag na Confradia
Tayabas de San Jose.
Quezon
Dinakip at pinatawan ng kamatayan.

Mga Pag-aalsang Ekonomiko


Mahigpit na tinutulan nga mga katutubong Pilipino ang mga patakarang
pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang
paggawa, monopolyo, at kalakalang galyon. Pinakatanyag sa pag-aalsang ito ang isinigawa ni
Diego Silang. Ang pag-aalsa ni Diego Silang sa Ilocos ay bunsod ng malabis na pagbabayad
ng tributo sa mga Espanyol. Sa pag-aalsa noong Disyembre 14, 1762 ay matagumpay nilang

3
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
napababa sa puwesto ang gobernador at Obispo ng Vigan, at agad na idineklara ang
Malayang Ilocos. Ipinapatay siya ng mga Espanyol sa kanyang kaibigang si Miguel Vicos.
Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang kanyang pakikipaglaban hanggang
sa ito ay madakip at pugutan ng ulo noong Setyembre 10, 1763.
Ang ilan pang pag-aalsang may motibong ekonomiko ay ang sumusunod:

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni 1596 Kasama ang kanyang kapatid, tinutulan ni Magalat, isang
Magalat rebelde mula Cagayan, ang di-makatuwirang paniningil ng buwis
ng mga Espanyol
Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga indio na nakilahok sa
pag-aalsa ni Magalat
Nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Pilipino bunsod ng sumusunod na
dahilan:
1. pagiging watak-watak ng Pilipinas;
2. kawalan ng komunikasyon higit sa mga Pilipinong nasa liblib na lugar;
3. pagkakaiba-iba ng diyalekto;
4. kakapusan sa salapi at armas;
5. walang sapat na kaalaman sa pakikidigma;
6. pagiging mas makabago ng armas ng mga Espanyol; at
7. ang pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo upang talunin ang
kapwa katutubong nag-aalsa.

GAWAIN 1

Panuto: Basahing mabuti ang pangalan ng mga Pilipinong nag- alsa laban sa mga
Espanyol. Isulat kung Relihiyon,Politikal at Ekonomiko ang dahilan ng kanilang mga
pag-aalsa. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.
_____1. Tapar ng Panay _____6. Magat Salamat ng Tondo
_____2. Francisco Dagohoy ng Bohol _____7. Diego Silang ng Ilocos
_____3. Magalat ng Cagayan _____8. Datu Bancao ng Carigara Leyte
_____4. Igorot ng Hilagang luzon _____9. Hermano Pule ng Tayabas Quezon
_____5. Lakandula ng Maynila _____10. Itneg ng Cagayan

4
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
GAWAIN 2

Panuto:Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ang ating mga ninuno ay may mga pinaniniwalaang diyos -diyosan bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Nang dumating ang mga Kastila, anong relihiyon ang kanilang
pinalaganap?
A. Aglipay B. Budismo C. Kristiyanismo D. Paganismo
2. Dumating ang mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas. Bakit naging madali kay Miguel
Lopez de Legazpi ang pananakop sa ating bansa?
A. dahil sama-sama ang mga bayan
B. dahil may pagkakaisa ang mga katutubo
C. dahil nagtutulungan ang mga katutubo
D. dahil sa pagkawatak- watak ng mga bayan
3. Madaling nasakop ng mga Espanyol ang mga kapuluan dahil sa pagkawatak-watak ng
maraming pulo at dahil sa mabisang paraan ng kanilang pananakop. Ano ang mga paraang
ito?
A. krus at espada C. krus at bibliya
B. lapis at papel D. relihiyon at korona
4. Ang espada ay ginamit upang supilin ang pagtatanggol ng mga katutubo. Ano ang ginamit
nila upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo?
A. bibliya B. lakas C. korona D. krus
5. Kung ang krus ay ginamit upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo. Ano naman
ang ginamit laban sa mga Pilipinong tumangging magpasakop sa mga Kastila?
A. espada B. korona C. bibliya D. krus
6.Bakit nahirapan ang mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga katutubo?
A. Sapagkat iba’t iba ang diyalekto o wika ng mga Katutubo
B. Sapagkat marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa
C. Sapagkat layu-layo ang kanilang mga tirahan
D. Lahat ng nabanggit ay tama

5
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
7.Sino sa mga sumusunod na katutubo ang nagpakita ng matapang na pagtutol sa mga
armadong mananakop?
A. Ang mga Ita o Negrito na nakatira sa mga kabundukan
B. Ang mga Babaylan na may sariling paniniwala at kultura
C. Ang mga Muslim na lubos na nagpahalaga sa sariling relihiyon at paniniwala
D. Ang mga Itneg na bumalik sa kabundukan upang hindi marating ng mga Espanyol
ang kanilang mga tirahan
8. Anong katangian ang ipinakita ng mga katutubo na nag-alsa laban sa mga mananakop na
Espanyol?
A. Katapangan at pagkamakabayan C. Katapangan at kayabangan
B. Katapangan at kadakilaan D. Katapangan at kamangmangan
9.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpakita ng pagtanggap ng mga katutubo sa
mga mananakop?
A. Ang pag-anib sa sandatahang lakas ng mga Espanyol
B. Ang pagpapabinyag ng ilang mga katutubo upang maging Kristiyano
C. Ang pagtakas ng mga katutubo at pagtungo sa malalayong bahagi ng kabundukan
D. Ang paglimot sa mga kultura at paniniwala na nakagisnan nila at pagtanggap sa
relihiyong Kristyanismo
10.Maituturing kayang matagumpay ang naging pagsakop ng mga armadong pangkat sa mga
katutubo? Bakit?
A. Opo, sapagkat maraming katutubo ang naging Kristiyano
B. Hindi po, sapagkat maraming katutubo ang tumakas at nagtago
C. Hindi po, sapagkat marami pa ring katutubo ang napanatili ang sariling
kultura at paniniwala
D. Opo, sapagkat maraming katutubo ang namatay at nawalan ng sariling
paniniwala at paninindigan

6
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
GAWAIN 3

Panuto:Basahing mabuti ang mga pangyayari. Kilalanin kung sino-sino ang mga
Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Tapar Hermano Pule Igorot Mga Datu ng Tondo


Magalat Tamblot Francisco Dagohoy Muslim
Bancao Lakandula Diego Silang

1. Kasama ang kanyang kapatid, tinutulan nila ang di-makatwirang paniningil ng buwis ng
mga Espanyol.
2.Pinakatanyag na pag-aalsa. Tinutulan niya ang labis na pagbabayad ng buwis sa mga
Espanyol. Napababa nila sa puwesto ang gobernador at obispong Vigan.
3.Nagalit sila ng tanggalin ni Guido de Lavesares ang mga prebilihiyong ibinigay sa kanila ni
Legaspi.
4.Ninais nila na mabawing muli ang kanilang kalayaan at karangalan.
5.Nag-alab ang kanyang galit ng tanggihan ng mga prayleng Jesuit na bigyang ng
Kristiyanong libing ang kanyang kapatid.
6.Tumutol sila sa pagpapabinyag sa Kristiyanismo.
7.Nagtayo ng mga dambana para sa mga anito at hinikayat ang ilang baya na sumapi sa
kanila.
8.Tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang samahang panrelihiyong kanyang itinatag.
9.Pagtutol sa Kristiyanismo
10.Naghangad na magtayo ng bagong sangay Kristiyanismo at kilalanin siya bilang Diyos na
Makapangyarihan.

7
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol
SANGGUNIAN:
1. Araling Panlipunan MELCs; Kayaman 5 ( Batayang at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan)
2. www.slide share.net
3. https://www.google.com/search?

Inihanda ni:

JENNIFER M.URMENETA
(Mandaluyong Elementary)
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

JOVY A. SWING WENDY ANN N. DIZON


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

CEASAR A. NACHOR
Superbisor, Araling Panlipunan

8
Kuwarter 3 : Linggo: 2 Competency Code: AP5KPK-III-1
Kasanayan: Pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng
mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol

You might also like