You are on page 1of 51

Epekto ng Kaisipang

Liberal sa Pag-
usbong ng
Damdaming
Balik-aral:
SAGISAG
KULTURA
Ibigay ang katumbas na sagisag kultura ng mga
sumusunod:
(Halimbawa: pambansang bahay-bahay kubo)
1. pambansang prutas - ________________________
mangga
bangus
2. pambansang isda - __________________________
3. pambansang dahon - ________________________
anahaw
Dr. Jose P. Rizal
4. pambansang bayani - ________________________
5. pambansang sayaw - _______________________
Cariñosa
Ibigay ang katumbas na sagisag kultura ng mga
sumusunod:
(Halimbawa: pambansang bahay-bahay kubo)
6. pambansang awit - ________________________
Lupang Hinirang
Filipino
7. pambansang wika - __________________________
8. pambansang puno- ________________________
Narra
agila
9. pambansang ibon - ________________________
10. pambansang hayop - _______________________
kalabaw
Gawain :
Hulaan Mo!
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

1. Mahalaga para sa kinabukasan ng tao. Ano ito?

E KNDOU S A Y
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

1. Mahalaga para sa kinabukasan ng tao. Ano ito?

E DU K A S Y ON
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

2. Unang dayuhang sumakop sa bansa. Ano ito?

P E A S Y L NO
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

2. Unang dayuhang sumakop sa bansa. Ano ito?

E S PANYO L
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

3. Buhay sa hinaharap. Ano ito?

I NK BA KUAAN S
Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng
sagot.

3. Buhay sa hinaharap. Ano ito?

K I NA BUK A S AN
Layunin:
Nasusuri ang epekto ng kaisipang
liberal sa pag-usbong ng
damdaming nasyonalismo.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Mestiso - anak ng
magkaibang lahi. Ito ay isang
uri ng mamamayan sa lipunan
na may kaugnayan sa Tsino o
Espanyol ang isa sa magulang
(ama o ina).
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Ang pagsasama ng magkaibang lahi ay karaniwan lamang
sa panahon ng Espanyol. Sa katunayan, simula pa taong
1750 kinilala ang mga mestiso na isa sa mahalagang uri ng
mamamayan sa lipunan. Subalit, higit na mataas pa rin
ang tingin sa lahing Espanyol o Tsino. Iniuugnay ang mga
mestiso sa uri ng mga Pilipino o Indiyo. Indiyo ang tawag
ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Mestizo de sangley - ito ang tawag sa mga anak ng Tsino
at Pilipino bago ang ika-19 na siglo. Ang mga mestisong
Tsino ay madaling nakasasalamuha sa mga katutubong
Pilipino o Indiyo.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Nang buksan ang mga daungan ng Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan, dumami na ang Mestisong Espanyol. Ito ay marahil sa
napadaling paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas lalo na sa
pagbukas ng Kanal Suez, ang artipisyal na daanang tubigdagat
kung saan dumadaan ang malalaking barko mula Europa
patungong Asya. Dito rin napabilis ang paglalakbay ng mga
mangangalakal.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Sa gitnang bahagi ng ika-19 na siglo, marami na sa mga mestiso
ang lumago ang kalakalan. Dagdag pa rito ang nagmay-ari ng
lupa, nakapag-aral, at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan.
Tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan at naging aktibo sa mga
gawaing may kinalaman sa pagpapatalsik sa pamahalaang
Espanya.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Ilan sa kanila ay kaanib ng sekularisasyon ng mga parokya,
kilusang propaganda at himagsikan. Ang ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal ay anak nina Francisco Mercado at
Teodora Alonzo na pawang mula sa pamilyang mestiso at naging
ilustrado.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Ilustrado - tawag sa Pilipinong
may mataas na pinag-aralan,
nakababasa at
nakapagsasalita ng wikang
Espanyol. Karamihan sa kanila
ay mula sa mga pamilyang
mayayaman at nakapag-aral
noong mga panahong 1835.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Kursong medisina at abogasya ang kanilang pinag-aralan sa mga
kolehiyo ng Pilipinas at Europa. Dito rin nagmula ang mga lider ng
Kilusang Propaganda at namuno sa Himagsikang 1896. Ang mga
ilustrado ay pawang mga matatalinong Pilipinong nag-aral at
nanirahan sa Espanya.
Mga Uring Mestiso at Ilustrado
Nagsama-sama ang mga ilustradong nag-aaral at mga
naninirahang Pilipino sa Espanya. Bumuo sila ng grupo at inilunsad
ang Kilusang Propaganda. Isa sa mga layunin ng kilusang ito ang
ipaabot sa pamahalaang Espanya ang hangaring magkaroon ng
reporma sa Pilipinas at pigilin ang pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino.
Tanong:
Ano ang nasyonalismo at paano
ito umusbong?
Nasyonalismo:
Mula sa salitang German na nationalismus, ay nilikha ni
Johann Gottfried Herder noong ika-17 siglo. Ito ay isang
sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal ng
kamalayang makabansa, pagkakilanlan nang may
pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at
paghahangad ng pambansang pagsulong.
Ayon kay Benedict
Anderson, isang iskolar na
Irish, ang pagkalat ng mga
limbag na teksto at ang pag-
unlad ng sistema ng
palimbagan sa kabuuan ang
lumilikha at pumupukaw ng
kamalayang makabansa ng
mga tao.
Nasyonalismo:
Sa Pilipinas, ang nasyonalismo ay nagsimula lamang sa
ika-19 na siglo, resulta ng mahigit tatlong siglong
pananakop ng mga Espanyol. Bunga ito ng mahahalagang
salik tulad ng pagbabagong pang-ekonomiya at pagkabuo
ng mga uring ilustrado.
Sa ika -18 siglo, umusbong ang Rebolusyong Pranses,
isang pagaaklas ng mga Pranses laban sa mapang-abusong
pananakop sa kanilang bansa. Naging matagumpay ang
rebolusyong ito na naglayon ng kalayaan, pagkakapantay-
pantay at pagkakapatiran. Ito ang nagpamulat sa kaisipang
liberal ng mga ilustradong nakapag-aral sa Europa at
naging inspirasyon nila upang bumuo ng samahang
naglalayong makamit ang reporma sa kanilang lupang
sinilangan.
Sa pamamagitan ng panulat nina
Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez
Jaena, Jose Rizal, at iba pang ilustrado ay
lumawak ang nasyonalismo sa loob at
labas ng Pilipinas. Isang pahayagan ang
inilimbag nila sa wikang Espanyol, ang La
Solidaridad na naging instrumento nila
upang maiabot ang kanilang layuning
pangreporma
Ang La Líga Filipína ay isang
samahang itinatag ni Jose Rizal
sa panahong umuusbong ang
nasyonalismo. Hindi kalayaan
ang nais ng mga kasapi nito
kundi hangad lamang nila na
magkaroon ng reporma o
pagbabago sa pamamalakad ng
mga Espanyol.
Ito ay naglayon ng pagkakaisa ng buong
Pilipinas, pagtaguyod ng mga reporma, pagbigay
ng suporta sa edukasyon, agrikultura, at
komersiyo, paglaban sa anumang uri ng
karahasan o di makatarungang gawain, at
pagbigay ng proteksiyon at tulong sa bawat
mamamayan.
Katanungan:

1.Bakit naging maunlad ang mga Pilipinong


mestiso?
2.Ano ang naging layunin ng mga ilustrado sa
paglimbag ng pahayagan? Makatuwiran ba ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Katanungan:

1.Bakit naging maunlad ang mga Pilipinong


mestiso?
2.Ano ang naging layunin ng mga ilustrado sa
paglimbag ng pahayagan? Makatuwiran ba ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawain :
Mestiso o
Panuto:

Ilarawan ang dalawang gitnang uri ng mamamayan sa


panahon ng kolonyalismong Espanyol. Gamitin ang venn
diagram upang maisulat ang kanilang pagkakapareho sa
gitnang bahagi at pagkakaiba sa magkabilang bahagi.
Pumili ng mga sagot sa loob ng kahon.
A. matatalinong nakapag-aral sa Europa
B. anak ng mag-asawang Pilipino at ibang lahi
C. magagaling sa wikang Espanyol
D. lumago sa larangan ng kalakalan at nagmay-ari ng mga
lupain
E. nakapag-aral at tumaas ang pagkilala sa lipunan
F. nagsama-sama upang bumuo ng isang kilusan sa ibang
bansa
G. anak ng mayayamang Pilipino
H. mga lahing Pilipino na may pagpapahalaga sa pag-aaral o
edukasyon
Gawain :
Itambal Mo
Epekto Nito
Panuto: Pagtambalin ang mga pangyayaring
naganap sa bansa sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol at ang naging epekto nito sa bansa.
Isulat lamang ang katumbas na titik sa iyong
papel.
Tayahin:
Basahin at unawain ang bawat
tanong. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa iyong
papel.
1. Ano ang tawag sa mga anak ng
mag-asawang magkaiba ang lahi?

a. Mestiso c. Indiyo
b. Ilustrado d. Espanyol
2. Ano ang tawag sa lugar na nabuksan at
nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na
magaral sa ibang bansa?

a. Kanal Ehipto c. Ilog Panama


b. Ilog Mississippi d. Kanal Suez
3. Anong kilalang kalakalan ang namayani ng
daan-daang taon sa panahon ng kolonyal?

a. Kalakalang Espanyol
b. Kalakalang Frances
c. Kalakalang German
d. Kalakalang Amerikano
4. Ang salitang nasyonalismo ay isang sistema
ng paniniwala ng pagiging ______________.

a. makabansa
b. b. makatao
c. c. makaDiyos
d. d. makakalikasan
5. Ang _________ ay tawag sa mga Pilipinong
nakapag-aral sa ibang bansa at magaling sa
wikang- Espanyol.
a. Mestiso
b. Ilustrado
c. Indiyo
d. Espanyol
6. Sa gitnang bahagi ng siglo-19, maraming
Mestisong Pilipino ang __________.

a. naging katipunero
b. yumaman at nakapag-aral
c. naging marahas
d. naging makasarili
7. Ano ang kilusang nabuo nina Dr. Jose Rizal at iba
pang ilustrado na naglalayong ipaabot sa
pamahalaang Espanyol ang ninanais na reporma?

a. La Liga Filipina
b. b. Propaganda
c. c. Katipunan
d. d. Himagsikan
8. Ang mga simbolo tulad ng pambansang watawat
at pambansang awit ay naglalarawan ng ________
ng isang bansa.

a. pagsakop
b. pagkakabuklod-buklod
c. pagkahiwa-hiwalay
d. pagdadalamhati
9- 10. Ito ang mga karaniwang kurso ng mga unang
Pilipino na nakapagaral sa labas ng bansa. Pumili ng
dalawang sagot.

a. guro
b. doktor
c. Sundalo
d. abogasya
Group Activity:

Magbigay ng 3-5 minutong pagsasadula tungkol


sa sitwasyon ng mga Pilipino noong sinakop tayo
ng mga Espanyol. Ipakita rin kung paano lumaban
ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
Rubrics:

Kawastuhan – 20 pts.
Pagkamalikhain – 15 pts.
Kooperasyon – 10 pts.
Kabuoan – 45 pts.
“Mag-aral ng
Mabuti upang
buhay ay bumuti”

You might also like