You are on page 1of 9

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6

Modyul
2
Bilang
Petsa
Paksa Ang Kilusang Propaganda
Pangkalahatan Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga bayaning lumaban para sa pagkamit ng
g Ideya kasarinlan ng Pilipinas at mga samahang kanilang nabuo.
 Naipapaliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at
Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino
Layunin  Naiisa-isa ang mga tao na nagkaroon ng kontribusyon sa Kilusang Propaganda
 Nakasusulat ng blog ukol sa mga epektong dulot ng mga samahang ginawa ng mga
Pilipino noon
Aralin

HANDA KA NA BA?

Isa-isahin ang mga mabubuting bagay na naidulot ng wastong paggamit ng


pluma sa inyong buhay gamit ang akronim na PLUMA.

P_____________________________________
L_____________________________________
U_____________________________________
M_____________________________________
A______________________________________

Ang di makatarungang pagbitay sa tatlong paring martir at pang-aabuso sa mg


pangkaraniwang Pilipino ng mga Espanyol ay higit na gumising sa kamalayan ng mga
Pilipino upang ipaglaban ang Kalayaan at karapatang pantao.

MGA LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA

Panoorin natin ang bidyo na ito upang malaman natin ang layunin ng kilusang
propaganda.

Reference: Bernadeth. (8 June 2020). ARALING PANLIPUNAN 6-Naipaliliwanag ang layunin at


resulta ng pagkakatatag ng kilusang propagandaQ1 [YouTube]. Retrieve from

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

https://www.youtube.com/watch?v=hLnEmOm82uM

PAG-USAPAN NATIN

 Sa paanong paraan lumaban ang kilusang propaganda sa mga Espanyol? Paano ito
nakatulong upang matapo ang minimithi ng mga Pilipino?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PANGUNAHING PROPAGANDISTA

Sa lahat ng propagandista itinuturing na tatlo ang pinakalider nito, sina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar, at Graciano Lopez Jaena.

 DR. JOSE RIZAL

NOLI ME TANGERE – sa aklat na ito ay nailantad


ang kasamaang naghahari sa lipunan sa
pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas.

EL FILIBUSTERISMO – Ito ay tumatalakay sa uri


ng pamahalaan na meron ang Pilipinas noong
panahon ng mga Espanyol.

CAIINGAT KAYO – Ito ay


pabirong pagkutya at
tumutuligsa sa mga
Espanyol
 MARCELO H. DEL PILAR

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

DASALAN AT TOCSOHAN – Tinatalakay nito ang


kasamaang dinulot ng mga prayle

 GRACIANO LOPEZ JAENA

FRAY BOTOD – Tumutuligsa sa mga immoral na


buhay ng mga prayle.

MGA ALAMAT NG
BULAKAN –
 MARIANO PONCE Naglalaman ng mga
alamat at kuwentong
bayan.

NINAY –
Tumatalakay sa
 DR. PEDRO PATERNO
diwang
makabansa.

LUPANG
TINUBUAN –
Tumatalakay sa
 JOSE MARIA PANGANIBAN kahalagahan at
pagtatanggol ng
Pilipinas.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

NOCHE BUENA –
Naglalarawan ng
 ANTONIO LUNA tunay na

ALAM MO BA?

Ang Buong pangalan ni Dr. Jose Rizal ay JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y
ALONZO REALONDA.
Ang nobela na noli me tangere ay kilala din sa ingles bilang TOUCH ME NOT at sa
tagalog ay HUWAG MO AKONG SALINGIN

Gumagamit ang mga manunulat noon ng mga pen name o sagisag na panulat
upang hindi sila makilala ng mga Espanyo o hindi sila mahuli sapagkat lingid sa
ating kaalaman na higit na ipinagbabawal noon ang pagsusulat laban sa mga
Espanyo.
 Jose Rizal – Dimasalang at Laong laan
 Marcelo H. Del Pilar – Plaridel
 Graciano Lopez Jaena – Diego laura, Siling Labuyo, At Dolores Manapat

Ang Kilusang Propaganda ay gumagamit ng lapis, papel at kaarunungan upang


maipaabot ang kanilang mga hinaing sa lipunan.
Ang mga kasapi ng kilusang propaganda ay tinatawag na PROPAGANDISTA.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

LA SOLIDARIDAD

Samahan ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya. Layunin nitong Magkaroon ng


kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes. Ang pangalang ng samahan ay siya ring
tawag sa pahayagang kanilang inilathala. Si Galicano Apacible ang pangulo ng La
Solidaridad.

Ano po ang Spanish


Cortes?

Ang Spanish Cortes at


tumutukoy sa bahagi ng
pamahalaan ng bansang
Espanya (Spain) na
katumbas ng ating
kongreso.

Layunin ng La Solidaridad

Natigil ang paglalathala ng La Solidaridad Bunga ng maraming balakid na


kinaharap nito tulad ng kakulangan ng nanunustos at kawalang Kalayaan ng opirasyon at

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

hindi pagkakaisa ng mga Pilipino.

LA LIGA FILIPINA

Ang La Liga Filipina isang pansibikong organisasyong sinimulan ni Rizal. Ito ay


isang mapayapang samahang nagsasabing ang sinumang Pilipinong nagmamahal sa
bansa ay maaaring umanib sa samahan.

Subalit hindi rin nagtagal ang samahang ito sapagkat ng naghinala ang mga Kastila
na ang Liga ay isang kilusang panrebolusyon, dinakip si Rizal at ikinulong sa Fort
Santiago at ipinatapon ni Gobernador Despujol sa Dapitan.

ASOCIACION HISPANO-FILIPINO

Ito ay isang samahan na binubuo ng mga Espanyo at Pilipino o tinatawag na


Kapisanang Espanyol-Pilipino. Ang pahayagan na kanilang binuo upang malathala ang
kanilang mga saloobin ay tinatawag na Revista Del Circulo Hispano-Filipino.

Layunin ng Asociacion Hispano-Filipino

 Pagtuturo ng wikang kastila sa lahat ng paaralan sa Pilipinas


 Pagsawata sa paggamit ng pataw ng kadena sap aa at ng yantok sa mga karsel
 Reporma sa buwis
 Pagkakataon na makapagrehistro ng mga ari-arian at sibil
 Pagpapaunlad ng produksyon ng bulak.
 Pagtatayo ng mga kalsada at riles ng tren

Ngunit dahil sa problemang pamunuan at kakulangan sa pananalapi ay hindi


nakapagpatuloy ang samahan at nasabing pahayagan.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

BUOIN NATIN

Ibigay ang kahulugan at ang naitulong ng mga sumusunod na samahan sa


pagbubukas ng kaisipang liberal at damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
SAMAHAN LAYUNIN KONTRIBUSYON
La solidaridad

La Liga Filipina

Asociacion
Hispano-Filipino

KINAHANTUNGAN NG KILUSANG PROPAGANDA


Nabigo ang mga propagandista sa kanilang mga layunin. Ang mga pagbabago
hinihingi sa mga Kastila ay hindi nila nakamit. Ang naging sanhi ng pagbagsak ng
samahan ay ang pagkakaroon ng pansariling suliranin ng bawat kasapi ng samahan,
kawalan ng pondo at pagkakaisa at nagkawatak watak ang mga kasapi mula ng ipatapon
si Rizal sa dapitan.

ISAISIP NATIN

Ang pagbitay sa GOMBURZA ang siyang nagbigay ng dahilan sa mga Pilipino


upang ipaglaban ang Karapatan ng bawat Pilipino at sugpuin ang pang-
aabusong ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Bukod sa kilusang propaganda ay mayroong tatlong samahan ang nagpakita g
kanilang malasakit sa bayan ito ay ang La Liga Filipina, La Solidaridad at
Asociacion Hispano-Filipino.
Maraming salik kung bakit hindi nagtagumpay ang mga samahang ito. Kabilang
na ang Kakulangan ng pagkakaisa, kakulangan ng pondo, kalagayang
pampolitika, at ang mga personal na suliranin ng bawat kaanib.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Pagtataya
Pagtataya Bilang 1

Panuto: Kumpletuhin ang layunin ng kilusang propaganda ayon sa iyong sariling


pagkaunawa. (10 Puntos)

Pagtataya Bilang 2
Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy na Sagisag ng mga manunulat sa hanay A.
Titik lamang ang isulat sa linya.

A B
________1. Jomapa a. Dr. Jose Rizal
________2. Laong laan b. Antonio Luna
________3. Plaridel c. Graciano Lopez-Jaena
________4. Taga-ilog d. Mariano Ponce
________5. Dolores Manapat e. Pedro Paterno
________6. Ramiro Franco f. Dominador Gomez
________7. Justo Desiderio g. Jose Ma. Panganiban
________8. Diego Laura h. Marcelo H. del Pilar

Pagtataya Bilang 3
Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang
mga pahayag na nagpapakita ng mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit
ng Kalayaan at mukhang nakasimangot ( ) kung hindi.

_______1. Sumapi ang mga nakapag-aral na Pilipino sa Kilusang Propaganda.


_______2. Ginamit ng kilusan ang kanilang kakayahan sa pagsulat upang maipaabot ang
kanilang mga hinaing.
_______3. Sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso ng mga Espanyol at
ng tungkol sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

_______4. Nagtatag ng mga kilusan upang makamit ang hinahangad na pagbabago.


_______5. Nanahimik ang lahat ng Pilipinong nakapag-aral upang hindi sila madamay sa
sa pang-aapi ng pamahalaang Espanyol.
_______6. Sumulat ng mga pahayagan ang mga Pilipino upang makamit ang
pagkakapantay-pantay.
_______7. Sumulat si rizal ng nobela bilang alay sa tatlong paring martir.
_______8. Bumuo ng samahan ang mga Pilipinong tanging panulat at talino lamang ang
ginamit.

Pagtataya Bilang 4

Panuto: Gumawa ng Blog Tungkol sa mga epektong dulot ng mga samahang ginawa ng
mga Pilipino noon at kung paano maipakikita ng isang kabataang tulad mo ang maalab
na pagmamahal sa bayan habang kayo ay nag-aaral pa lamang kagaya ng ginawa ng
mga propagandista. Gawin ito sa inyong Genyo feature na Shared Blog.
https://genyo.com.ph/

• Lontoc, Baisa-Julian., Bagong Lakbay ng LAHING PILIPINO 6, PHOENIX


Publishing House
• Del Rosario, Glenda P., Araling Panlipunan mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa
6, KLEAFS Publishing
Sanggunian • Bernadeth. (8 June 2020). ARALING PANLIPUNAN 6-Naipaliliwanag ang layunin
at resulta ng pagkakatatag ng kilusang propagandaQ1 [YouTube]. Retrieve from
https://www.youtube.com/watch?v=hLnEmOm82uM

Inihanda ni: Iniwasto ni:

GNG. MAAN R. GALLOS MS. ELAISA C. ABRUGENA


Guro sa AP AP Koordineytor

Binigyang-puna ni: Sinang-ayunan ni:

GNG. DIVINA G. AGONCILLO DR. RANDY M. BAJA


Katulong na Punungguro Punungguro

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited

You might also like