You are on page 1of 3

REVIEWER sa ARALING PANLIPUNAN 4

S.Y. 2022- 2023

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang isang panukalang-batas?


A. Amnestiya B. Humirang C. Veto D. Vote

2. Isang organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong ayusin at mapapanatili ang
sibilisadong lipunan.
A. kapatiran B. kapulungan C. kasamahan D. pamahalaan

3. Anong sangay ng pamahalaan ang nagbibigay ng interpretasyon ng mga batas ?


A. Tagapagbatas C. Tagapagpaganap
B. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod

4. Sino ang pinuno sa mataas na kapulungan?


A. Ispiker C. Pangulo ng Senado
B. Pangulo D. Punong Mahistrado

5. Anong sangay ng pamahalaan ang tumitiyak na ang mga batas ay naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan
ng mga mamamayan.
A. Tagapagbatas C. Tagapagpaganap
B. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod

6. Sino ang punong ehekutibo ng bansa?


A. Alkalde B. Gobernador C. Kapitan D. Pangulo

7. Ito ay may lawak na lupain na 100 kilometro kwadrado


A. bayan o munisipalidad C. lalawigan
B. barangay D. lungsod

8. Ang isang lugar para maging lalawigan ay kailangang may kakayahang kumita ng hindi bababa sa _ milyong piso bawat
taon .
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40

9. Ano ang tawag sa lehislatibong sangay ng bayan?


A. kagawaran C. Sangguniang pambayan
B. kapitan D. Sangguniang panlalawigan

10. Siya ang namumuno sa lungsod.


A. Alkalde B. Gobernador C. Kapitan D. Konsehal

11. Ito ay nasa pamamahala ng Pangulo.


A. Kongreso B. Gabinete C. Mahistrado D. Senado

12. Ito ang kagawaran na nangangasiwa sa mga usaping may kinalaman sa pinansyal ng bansa.
A. Agrikultura B. Edukasyon C. Katarungan D. Pananalapi

13. Ang sangay na tagapagpaganap ay pinamumunuan ng __________.


A. Alkalde B. Kapitan C. Pangulo D. Senador

14. Lahat ng mga usapin sa ugnayang panlabas ng bansa maging ang kapakanan ng mga mamamayan ay
pinangangasiwaan ng kagawarang ito.
A. Industriya at Kalakalan C. Repormang Pansakahan
B. Paggawa at Empleyo D. Ugnayang Panlabas
15. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng isang punong mahistrado at __________.
A. 12 na katulong na mga mahistrado
B. 14 na katulong na mga mahistrado
C. 16 na katulong na mga mahistrado
D. 18 na katulong na mga mahistrado

16. Sino ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing itinakda sa isang pangkat, samahan o katipunan ng mga tao?
A. grupo ng mga tao C. pari
B. mga samahan D. pinuno

17. Ang mga sumusunod ay epekto kung ang isang lider o pinuno ay naglilingkod nang tapat sa kaniyang nasasakupan
MALIBAN sa isa ______________________.
A. pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
B. sinisiguro ang katahimikan ng komunidad
C. maraming naghihirap na mga mamamayan
D.natutugunan ang pangangailangan sa kalusugan

18. Ang mga sumusunod ay katangian ng mabuting pamunuan MALIABAN sa isa ____________.
A. may sabwatan C. may paggalang sa batas
B. walang katiwalian D. maayos na pangangasiwa

19. Ano ang magiging epekto sa komunidad kapag maganda ang pamumuno ng pinuno sa inyong komunidad?
A. maraming krimen C. walang makain ang pamilya
B. bagsak ang ekonomiya D. maunlad ang pamumuhay ng mga tao

20. Ano ang katangian ng isang mabuting lider?


A. walang disiplina sa sarili C. modelo ng mabuting gawa
B. may negatibong pananaw D. walang tiwala sa kakayahan ng iba

21. Ito ay ang programang naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral, pagpasok sa
kolehiyo at pag-eempleyo.
A. BEC B. K-12 Program C. PRODED D. RBEC

22. Ito ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na mga
pasilidad at serbisyong pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan.
A. Complete Treatment Pack
B. National Health Insurance Program
C. Pagbabakuna
D. Programa para sa Kababaihan

23. Layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa.
A. Complete Treatment Pack C. Pagbabakuna
B. National Health Insurance Program D. Programa para sa Kababaihan

24. Ito ay programa sa paaralan upang mapanatiling malusog ang mga mag-aaral.
A. Deworming C. Fogging
B. Feeding Program D. Pagbabakuna

25. Anong programa mayroon ang pamahalaan para sa mga nahintong mag-aral?
A. Pagbabakuna C. K to 12 Program
B. Indigenous People D. Out of School Youth

26. Ang pangunahing lakas na tagapagtanggol ng bansa ay _________________________.


A. Local Government Unit C. Armed Forces of the Philippines
B. Philippine National Police D. Department of National Defense
27. Tungkulin nitong pangalagaan ang katahimikan sa loob at labas ng buong bansa.
A. Local Government Unit C. Department of National Defense
B. Philippine National Police D. Armed Forces of the Philippines

28. Tumutulong sila sa katahimikan at kaayusan sa mga lungsod at bayan ng kani-kanilang nasasakupan.
A. Local Government Unit C. Department of National Defense
B. Philippine National Police D. Armed Forces of the Philippines

29. Ito ay nararanasan ng isang komunidad na nagkakaunawaan at nagkakaisa.


A. kaguluhan C. kapayapaan
B. kalituhan D. katahimikan

30. Sila ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng krimen.


A. Local Government Unit C. Department of National Defense
B. Philippine National Police D. Armed Forces of the Philippines

31. Anong ahensiya ang nangangasiwa para sa impraestruktura ng bansa?


A. DA B. DepEd C. DOTC D. DPWH

32. Pinangangasiwaan ng ahensiyang ito ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya na nakapagpapabilis sa
komunikasyon ng mga tao.
A. DA B. DepEd C. DOTC D. NTC

33. Anong bansa ang nagpundo ng halos P46.88 bilyon para sa flood control at mga proyekto sa irigasyon at mga daan sa
buong bansa?
A. Amerika B. Australia C. China D. Japan

34. Ang ahensiyang nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.


A. DAR B. DENR C. DILG D. DOJ

35. Ang ahensiyang ito ang namamahala sa mga paliparan, daungan, at iba pang sistema ng transportasyon.
A. DA B. DepEd C. DOTC D. NTC

36. Saan pinangangalagaan ang mga matatandang walang kumukupkop na kamag-anak?


A. DSWD B. Golden Acres C. NCDA D. NDRRMC

37. Ito ay isa sa mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan.
A. DSWD B. DPWH C. NCDA D. NHA

38. Ito ay ahensya ng pamahalaan na nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng mga sakuna at
nagsisilbing tagapag-ugnay ng iba-ibang ahensiya ng pamahalaan o pribadong institusyon upang mabigyan agad ng
tulong ang mga taong naapektuhan ng kalamidad.
A. DPWH B. LTO C. NDRRMC D. NFA

39. Ang namamahala sa pagrerehistro ng mga sasakyan upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mga
mamamayan habang naglalakbay.
A. DPWH B. DSWD C. LTO D. NCDA

40. Ang inatasan ng pamahalaan upang bumalangkas ng mga patakaran at makipag-ugnay sa mga gawain ng lahat ng
mga ahensiya, publiko o pribado, tungkol sa mga isyu ng kapansanan at alalahanin.
A. DOH B. NCDA C. NFA D. NHA

You might also like