You are on page 1of 5

Panuto: Piliin at isulat sa papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ang Pilipinas ay pinamumunuan ng _________________.


A. Kongresista B. Sekretarya C. Pangulo D. Senador

2. Ang sangay na nagbibigay-kahulugan sa mga batas ng bansang Pilipinas.


A. Tagapagbatas B. Tagapagpaganap C. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod

3. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan na ang karapatan ng mga mamamayan ay mapapangalagaan ng


tamang serbisyo maliban sa _______________
A. pansarili B. pangkalusugan C. pangkultura D. pangkabuhayan
4. Ang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas ay _________________ .
A. dalawa B. apat C. tatlo D. lima
5. Ang nagpapatupad ng batas ay ang sangay na _______________.
A. Tagapagbatas B. Tagapagpaganap C. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod
6. Ang sangay na gumagawa ng batas ay ang sangay na ________________.
A. Tagapagbatas B. Tagapagpaganap C. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod
7. Ang sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng batas ay ang sangay na _________________ .
A. Tagapagbatas B. Tagapagpaganap C. Tagapaghukom D. Tagapagtaguyod
8.Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa para sa
________________.
A. kaibigan B. nasasakupan C. kamag-anak D. turista
9. Mahalaga para sa isang bansa ang isang Pambansang Pamahalaan maliban sa isa.
A. Ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa mga nasasakupan nito
B. Ito ang nangunguna sa pagbabalangkas ng pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa.
C. Bumubuo ang pamahalaan ng mga programa sa iba-ibang larangan na karaniwang nababatay sa
mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
D. Ang mamamayang Pilipinong nasa labas ng bansa ay hindi sakop ng pambansang pamahalaan at
hindi nito matitiyak ang kanilang kaligtasan laban sa pananamantala.
10. Ang pangulo ang inaatasang pumili ng punong mahistrado dahil _____________.
A. tumutulong ito sa kanyang pagkapanalo
B. isa ito sa kapangyarihan na inilaan ng batas ng Pilipinas
C. ang punong mahistrado ang nagpanumpa sa kanya bilang pangulo
D. dahil ang pangulo ang siyang pinakamakapangyarihang tao sa buong kapuluan ng Pilipinas
11. Pinakamaliit na politikal na yunit.
A. bansa B. lalawigan C. barangay D. lungsod
12. May kitang 20 milyon o higit pa.
A. bansa B. lalawigan C. barangay D. lungsod
13. Tawag sa lehislatibong sangay ng lalawigan.
A. kagawaran B. Sangguniang pambayan C. kasamahan D. Sangguniang panlalawigan
14. Lehislatibong sangay ng bayan.
A. kagawaran B. Sangguniang pambayan C. kasamahan D. Sangguniang panlalawigan
1 5. Namumuno sa bayan o lungsod.
A. Alkalde B. Kapitan C. Gobernador D. Konsehal
16. Aling sitwasyon ang saklaw ng lokal na pamahalaan?
A. ugnayang panlabas
B. koleksiyon ng basura
C. pagpapatayo ng paaralan
D. pagpapataw ng parusa sa taong nagkasala
17. Ang antas ng pamahalaan ay nahahati sa ________________.
A. dalawa B. apat C. tatlo D. lima 9
18.Maaring baguhin ang mga lalawigan ,lungsod , at bayan kung _____________.
A. iniutos ng gobernador
B. may batas na pinagtibay para dito
C. ginusto ito ng pangulo ng isang lugar
D. may pagsang ayon sa mga mamamayan
19. Ito ay mga sangay na lehislatibo sa lokal na antas ng pamahalaan maliban sa isa.
A. pambansa B. panlalawigan C. pambarangay D. panlungsod
20. Ilang sangay ng pamahalaan ang saklaw ng pambansang antas ng bansa?
A. isa B. tatlo C. dalawa D. apat
21. Ito ay kagawarang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programang pangkarunungan sa mga mamamayan ng
bansa.
A. Agrikultura B. Kalusugan C. Edukasyon D. Turismo
22. Ano ang kagawaran na nangangasiwa sa mga programa hinggil sa pagsasaka, paghahayupan, pangingisda at iba pa?
A. Agrikultura B. Katarungan C. Edukasyon D. Pananalapi
23. Ito ang kagawaran na nangangasiwa sa mga usaping may kinalaman sa pinansyal ng bansa.
A. Agrikultura B. Katarungan C. Enehiya D. Pananalapi
24. Ito ang kagawarang nangangasiwa sa mga usaping may kaugnayan sa hustisya gaya ng pagkakaloob ng payong legal,
parole o lubos na paglaya ng isang bilanggo.
A. Agrikultura B. Katarungan C. Edukasyon D. Pananalapi
25.Lahat ng mga usapin sa ugnayang panlabas ng bansa maging ang kapakanan ng mga mamamayan ay
pinangangasiwaan ng kagawarang ito.
A. Industriya at Kalakalan
B. Repormang Pansakahan
C. Paggawa at Empleyo
D. Ugnayang Panlabas
26. Tungkulin ng kagawarang ito na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa loob o labas man ng bansa.
A. Industriya at Kalakalan
B. Repormang Pansakahan
C. Paggawa at Empleyo
D. Ugnayang Panlabas
27. Bakit pinangangasiwaan ng ahensiya ng Industriya at Kalakalan ang ating bansa? Upang _______________.
A. gawing mayayaman ang mga negosyante ng bansa
B. mapanatiling matataas ang presyo ng mga bilihin sa bansa
C. maprotektahan ang mga mga imported na produktong binibenta sa bansa
D. matiyak ang tamang presyo ng mga bilihin para maprotektahan ang mamimili.
28. Gaano ka importante ang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon sa bansa?
A. Tinitiyak nito ang tamang presyo ng mga bilihin.
B. Pinagtutuunan nito ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
C. Nangangasiwa at nagkakaloob ng iba’t ibang serbisyong panlipunan lalo na sa mga kapuspalad na
mamamayan
D. Pangangasiwaan nito ang mga programang impraestruktura tulad ng mga gusali, daan, at tulay ay nasa ilalim
ng kagawarang ito.
29. Ang Kagawaran ng Katarungan ay mahalaga sapagkat ito ang nangangasiwa sa ________________.
A. mga likas na yaman ng bansa
B. pangangalaga sa seguridad ng bansa
C. usaping may kaugnayan sa hustisya ng bansa
D. kapakanan ng mga manggagawa sa loob o labas ng bansa.
30. Nahahati sa tatlong sangay ang pamahalaan ng Pilipinas; ang tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom. May
kani- kaniyang saklaw na gawain ang bawat sangay gayun paman iisa ang ______________.
A. kanilang ipinaglalabang prinsipyo
B. batas na kanilang pinaiiral at sinusunod
C. namumuno sa lahat at ito ay ang pangulo ng bansa
D. layunin sa pagpapaunlad ng bansa at mamamayan nito
31. Ang mga sumusunod ay epekto ng mabuting pamumuno maliban sa isa _________________________.
A. paglaganap ng krimen at kahirapan
B. pag-unlad ng mga negosyo at kalakalan
C. pagpigil sa katiwaliang gawi ng namumuno
D. pagbigay ng mabuting serbisyong pangkalusugan
32. Ano ang mabuting pamumuno?
A. maraming kaguluhan at katiwalian
B. hindi pantay na pagtingin sa mga mahihirap
C. matatag at maayos na pangangasiwa sa nasasakupan
D. tumutulong lamang sa mga mayayaman na nangangailangan ng tulong
33. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pamumuno sa pamahalaan maliban sa isa ________________.
A. namumuno sa pagpapatupad ng proyekto
B. nangangalaga sa gawaing ilegal sa ating bansa
C. nangangasiwa sa pagpapanatili ng kaayusan ng bansa
D. bumubuo ng programa na nababatay sa pangangailangan ng tao
34. Ano ang tawag sa lider o isang tao na namumuno o nangunguna sa isang grupo ng mga tao?
A. alipin B. pinuno C. tagasunod D. utusan
35. Ano-ano ang mga tungkuling ginagampanan ng mamamayan sa komunidad?
A. hindi sumusunod sa batas
B. nagtatapon ng basura kahit saan
C. nag-aaway ang mga tambay sa kalsada
D.nagtutulungan sa mga proyekto sa komunidad
36. Ang mga sumusunod ay epekto ng mabuting pamumuno sa negosyo at kalakalan maliban sa isa
______________________.
A. naaayos ang polisiya
B. karagdagang kabuhayan
C. maraming namumuhunan
D. paglaganap ng katiwalian
37. Ibinoto ka ng mamamayan para maging lider o pinuno ng barangay. Ano ang dapat mong ugaliin sa iyong
nasasakupan?
A. maging iresponsable C. huwaran sa mga maling gawi
B. maging tapat sa tungkulin D.inuuna ang pansariling kapakanan
38. Ano ang malaking bahaging ginagampanan ng isang pinuno?
A. naglilingkod ng may kapalit
B. nagpapabuti ng pamumuhay sa komunidad
C. nagkawatak-watak ang mga tao sa isang komunidad
D.nagpapabaya sa layunin para sa kanyang nasasakupan
39. Bakit mahalaga ang maayos na pamamahala?
A. para lumaganap ang krimen at katiwalian sa pamahalaan
B. napapabayaan ang pangunahing pangangailangan sa kalusugan
C. para maging masaya at mabuhay ng maayos ang mga mamamayan
D.nahihimok ang mga mangangalakal na mamuhunan sa ibang bansa
40. Paano mo pahahalagahan ang ginagawa ng mga namumuno upang matugunan ang pangangailangan ng bansa?
A. makiisa sa mga rebeldeng grupo
B. gumawa ng mga ilegal na gawain
C. may respeto at paggalang sa batas
D.nakikisali sa paninira ng imahe ng mga namumuno
41. Alin ang pambansang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan?
Ito ay ang Kagawaran ng ___________________.
A. Agrikultura B. Edukasyon C. Enerhiya D. Kalusugan
42. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan na naglalayong malabanan ang sakit na
polio,
tigdas at trangkaso.
A. pagbabakuna
B. libreng pagpapaospital
C. libreng pagkonsulta sa dentista
D. programa para sa kababaihan
43. Ano ang ahensyang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programa sa edukasyon sa bansa maging publiko man o
pribadong paaralan? Ito ay ang Kagawaran ng ____________.
A. Agrikultura B. Edukasyon C. Katarungan D. Turismo
44. Ito ay programang pangkalusugan ng pamahalaan na pinangangalagaan ang kalusugan ng mga nagdadalang tao,
libreng bitamina at libreng bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus.
A. Complete Treatment Pack
B. free dental check-up
C. feeding program
D. programa para sa kababaihan
45. Si Sandra ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Libre ang kaniyang pag-aaral dito. Ano ang dapat niyang
gawin?
A. Mag-aral nang mabuti hanggang makapagtapos.
B. Maaari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.
C. Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman ang pag-aaral.
D. Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa dahil siya naman ay nasa pampublikong paaralan.
46. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
A. Kumain ng masustansiyang pagkain.
B. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
C. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin.
D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.

47. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mga paglilingkod na pangkalusugan maliban sa isa
_______________________.
A. mabibigyan ng libreng gamot ang mga mamamayan
B. makapagpapagamot ang pinakamahihirap na mamamayan
C. mapagkalooban ng agarang tulong ang mga nangangailangan
D. mapapabayaan ang mga mamamayang may malubhang karamdaman
48. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga paniniwala na natutunan niya sa
kaniyang pag-aaral. Ano ang mabuting gawin mo?
A. Magkukunwari akong nakikinig .
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.
C. Makikinig ako para may matutunan din ako.
D.Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.
49. Nag-anyaya ang inyong Kapitan sa mga nais lumahok sa livelihood program sa barangay. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag na lang pumunta.
B. Magsasawalang-kibo dahil hindi ito kayang gawin.
C. Huwag pansinin dahil hindi naman ito nakakatulong.
D. Pupunta ako upang makatulong sa programang pambarangay.
50. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung paano ito gagawin. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Ipagawa ang proyekto sa kapatid.
B. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
C. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
D. Magtanong uli sa guro upang maintindihan ito
51.Tumutulong sila sa katahimikan at kaayusan sa mga lungsod at bayan ng kani-kanilang nasasakupan.
A. Local Government Unit
B. Philippine National Police
C. Department of National Defense
D. Armed Forces of the Philippines
52. Ito ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
A. Pang-edukasyon B. Pang-ekonomiya C. Pang-kapayapaan D. Pang-impraestruktura
53. Ang pangunahing lakas na tagapagtanggol ng bansa ay ___________________________________.
A. Local Government Unit
B. Philippine National Police
C. Armed Forces of the Philippines
D. Department of National Defense
54. Pangkat ng tao na binigyan ng pamahalaan ng permiso na magkaroon at mamahala ng negosyo.
A. Dayuhan
B. Isang tao o korporasyon
C. Mamamayang Pilipino lamang
D. Grupo ng mga mayayamang tao
55. Sila ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng krimen.
A. Local Government Unit
B. Philippine National Police
C. Department of National Defense
D. Armed Forces of the Philippines

You might also like