You are on page 1of 5

Department of Education

Region III
Division of City School
West District
Edilberto M. Ganzon Elementary School
IKATLONG MARKHAN PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN4
SY 2018 - 2019

PANGALAN: _________________________________________________ISKOR:____________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________________________PETSA:___________________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:


1. Ang isang lugar ay matatawag lamang na isang bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento isa na
rito ang pamahalaan. Mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa dahil ito ay___________.
A. may sangay na binubuo lamang ng tagapagpaganap
B. namumuno sa pagpapatupad at nangunguna sa pagbabalangkas ng mga programa para sa mga
mamamayan
C. may sangay na binubuo lamang ng tagapagbatas
D. may sangay na binubuo lamang ng tagapaghukom
2. Ang Pambansang Pamahalaan ay nasasakop ang buong_________.
A. bansa B. pulo C. barangay D. lalawigan
3. Ang Pambansang Pamahalaan ay may mga sangay. Ilang sangay ang bumubuo dito?
A. 4 B. 5 C. 3 D. 6
4. Ang pamahalaan ay isang samahang politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
___________.
A. magtatag ng samahan na magbubuo ng isang aklas upang magkagulo ang lipunan
B. magtatag ng kaayusan ng isang sibilisadong lipunan
C. magtatag ng isang grupo upang mapatalsik ang namumuno ng bansa
D. magtatag ng isang oranisasyong politikal na ang layon nito ay ang gumawa ng katiwalian.
5. Tinitiyak ng Pambansang Pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan dito sa ating bansa kahit sa
ibang bansa man.
A. Mali B. Minsan C. Tama D. Seguro
6. Ang Sangay ng Tagapagbatas ay gumagawa ng mga batas ng bansa. Bukod sa paggawa ng mga batas,
nakasalalay rin sa kongreso ang pagsagawa ng___________.
A. nagsasaysay ng bansa ay nasa estado ng pakikipagdigmaan
B. nangangasiwa ng kataastaasang hukuman
C. humihirang ng mga puno ng mga kagawaran, embahador, konsul, koronel at iba pang opisyal
D. kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas
7. Ang ikatlong sangay ng Pambansang Pamahalaan ay ang sangay ng Tagapaghukom. Ano ang taglay
niyang kapangyarihan?
A. Ipinapatututupad niya ang batas upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
B. Nagbibigay ng interpretasyon ng batas
C. Nakasalalay sa kanila ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa
kanilang mga gagawing batas
8. Upang mapabilang na lalawigan ang isang bayan, may batayan ang antas ng lokal na pamahalaan. Alin
sa mga ito?
A. May sukat ng lupa na 100 km. kuwadrado
B. May sukat ng lupa na 40 km. kuwadrado
C. May sukat ng lupa na 2000 km. kuwadrado
D. May sukat ng lupa na 25 km. kuwadrado
9. Ang bawat bansa ay pinamumunuan ng isang lider na siyang nagbibigay ng direksiyong politikal at may
mga ahensiya siyang itinatalaga sa bawat sangay ng pamahalaan. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa
mga usapin sa ugnayang panlabas ng bansa?
A. DFA B. DOJ C. DOF D. DOH
10. Ang mga miyembro ng bawat sangay ng pamahalaan ay dumadaan sa pagpili batay sa mga
pamantayan ng Serbisyo Sibil. Ang Pangulo at ang Pangalawang Pangulo ay pareho lamang ang
kuwalipikasyon. Lahat ng ito ay taglay nila malibansa isa. Alin dito?
A. Katutubong mamamayan ng Pilipinas C. Napabilang sa mayayaman na antas ng lipunan
B. Rehistradong botante D. Marunong bumasa at sumulat
11. May dalawang kapulungan ang Mambabatas, ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang
bawat kapulungan ay may mga espesyal na kapangyarihan. Alin ang espesyal na kapangyarihan ng
Senado?
A. Kapangyarihang lumitis ng mga kasong impeachment
B. Kapangyarihang muling pag-aral ng apela gaya ng habeas corpus
C. Kapangyarihang suspendihin ang writ of habeas corpussa panahon ng rebelyon
D. Kapangyrihang patawarin ang mga nahatulan ng life sentence o habang- buhay na pagkabilanggo at
pababain ang parusa
12. Malaya ang bawat sangay ng pamahalaan na gumawa ng desisyon bilang pagtupad sa kanilang gawain.
Hindi maaaring makialam ang alin mang sangay sa kani-kanilang gawain maliban kung ito ay may
paglabag sa kapangyarihang nakatadhana sa Saligang Batas. Ano ang tawag sa kapangyarihang ito?
A.“check and balance” C. “veto power”
B. “separation of powers” D. “habeas corpus”
13. Sa kabila ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay, pinangangalagaan nila ang kanilang
tungkulin dahil____________.
A. malaya ang bawat sangay sa isa’t isa C. may check and balanceang bawat sangay
B. magkakaugnay pa rin ang mga sangay D. iisa laman ang pinaggalingan ng kanilang
kapangyarihan
14. Ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan ay isang paraan
upang maiwasan ang ______________.
A. pagsusuri ng kapangyarihan C. pag-aabuso sa kapangyarihan
B. pagsagawa ng check and balance D. pagpapatupad ng tungkulin
15. Maaari bang punahin ang kamalian ng bawat sangay ng pamahalaansa ilalim ng check and balance?
A. Minsan B. Hindi C. Oo D. Seguro
16. Hindi maaaring pakialaman ng alin mang sangay ang bawat isa maliban kung____________.
A. may kasunduan sila
B. nanghimasok ang mga sangay sa isa’t isa
C. hindi nagkakasundo ang mga mambabatas
D. may paglabag sa kapangyarihang nakasaad sa Konstitusiyon
17. Sa pagkakaroon ng separate of powers ng tatlong sangay at check and balance ng kanilang mga
kapangyarihan ay nakatutulong upang maging epektibo ang pinuno. Kailan epektibo ang namumuno?
A. Maunlad na mga negosyo o kalakalan C. Baku-bakong kalsada
B. Hindi nakahihimok ng mamumuhunan D. Maraming may sakit sa komunidad
18. Ang isang mahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ay ang pagiging mabuting
pamumuno. Ang ilan dito ay epekto ng mabuting pamumuno maliban saisa. Alin dito?
A. Matatag at walang kaguluhan
B. Maayos na pangangasiwa sa mga yaman at patakaran
C. Hindi tumitingin sa mga aspektong nangangailangan ng tulong o atensiyon ng mamamayan
D. May pananagutan at pakikipagkaisa at pantay na pagtingin mapatao man o mapamahalaan
19. Ang mabuting mamumuno ay may maayos na polisiya kung kaya’t ang ekonomiya ng bansa ay
umuunlad. Paano mo masasabi na tumaas ang ekonomiya ng bansa?
A. Walang puwang o daan sa mga serbisyong pangkalusugan
B. Ang mga boses ng mamamayan ay hindi napapakinggan
C. Laganap ang katiwalian sa pamahalaan
D. Pagtaas ng kita ng komunidad at ng bansa sa pangkalahatan
20. Ang isang makabuluhang epekto ng mabuting pamumuno ay pagkakaroon ng daan sa mga serbisyong
pangkalusugan. Paano mo masabi na epektibo ang pamumuno niya sa kalusugan ng mga mamamayan?
A. Ang mayayaman ang nakakakuha ng libreng pagpagamot
B. Kulang ang bakuna sa mga batang nangangailangan ng bakuna
C. Tinutugunan ng mga doktor ang kalusugan ng mga mamamayan kahit sa mga liblib na lugar
D. Maraming maysakit sa komunidad
21. Ang mabuting pamumuno ay hindi lamang sa loob ng bansa mapapakinabangan. Ang lahat ng ito ay
makikita sa mabuting pamumuno maliban sa isa.
A. Positibo ang kalagayang pangkapayapaan
B. Nakahihimok ng maraming mamumuhunan sa bansa
C. Maraming magbabalikbayan at gusto ng mamirmihan sa sariling bansa
D. Matataas ang angkat ng mga kalakal galing sa ibang bansa tulad ng langis
22. Ang opisyal na sagisag ng Pangulo ng bansa ay may opisyal na selyo na makikita sa bahaging ibaba nito.
Ano ang sinisimbolo nito?
A. Tatlong bahagi ng bansa, Luzon, Visayas at Mindanao
B. Nangangahulugan naangating bansa ay may kalayaan at may soberanya
C.Sumisimbolo sa kasaysayan na ang ating bansa ay naimpluwensiyahan ng pananakop ng mga
Amerikano
D. Sumisimbolo sa hangarin ng bansa na maging malaya at may kasarinlan
23. Ang Leon na makikita sa sagisag ng Pangulo ng Bansa ay sumisimbolo ng_________________.
A. Naimpluwensiyahan ng mananakop ng Amerikano
B. Naimpluwensiyahan ng mananakop na Hapones
C. Naimpluwensiyahan ng mananakop na Espanyol
D. Naimpluwensiyahan ng mangangalakal na Tsino
24. Ang sinasagisag ng simbolo ng Tanggulang Pambansa ay ang __________________.
A. pagtanggol sa bansa laban sa mga dayuhangg mananakop at anumang himagsikang panloob
B. pagiging malaya at may kasarinlan
C. pagsakatuparan ng mga tungkulin at gawain ng pambansang pamahalaan
D. pantay-pantay sa pagbibigay ng hustisya
25. Ang sagisag ng tanggapan ng Senado ay halos katulad ng sa Pangulo ngunit may dagdag itong mga
sampaguita sa magkabilang gilid na kumakatawan sa mga rehiyon ng bansa at _________.
A. 24 na kasapi ng Senado C. dangal at dignidad ng mga mambabatas
B. kinatawan ng bansa noong 1987 D. pagtatanggo sa bansa laban sa dayuhang mananakop
26. Ang sagisag ng Tagapaghukom ay tulad din ng sa Pangulo mayroon lang itong espada na makikita rito.
Ano ang isinasagisag nga espadang ito?
A. Ang kapangyarihan sa pagbibigay ng hustisya
B. Ang walang sinuman ang higit na mataas kaysa batas, lahat ay pantay-pantay
C. Ang sampung utos
D. Ang taon kung kalian ibinalik ang Kongreso
27. May sagisag din ang Kapulungan ng mga Kinakatawan. Magkahawig din sa sagisag ng Pangulo ngunit
may taon sa ibaba ng sagisag nito. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kung kailan sinakop ang Pilipinas C. Kung kailan itinatag ang Kongreso
B. Kung kailan ibinalik ang Kongreso D. Kung kalian naging malaya ang Pilipinas
28. Iba-iba ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan isa na rito ang _________.
Ang programang ito ay upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng
may kalidad na mga pasilidad, serbisyong pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan.
A. PHILHEALTH C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna D. Programa sa mga Ina at Kababaihan
29. Malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata.
A. Complete Treatment Pack C. Programa para sa Ina at Kababaihan
B. Pagbabakuna D. Programa laban sa iba pang mga sakit
30. Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ay regular na pagpapatingin ng mga
nagdadalang-tao sa sentrong pangkalusugan. Anong programa ito?
A. Programa laban sa iba pang mga sakit C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna sa mga bata D. Programa para sa Ina at Kababaihan
31. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga paniniwala na
natutuhan niya sa kaniyang pag-aaral.
A. Magkukunwari akong nakikinig
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami
C. Makikinig ako para may matutuhan din ako
D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi niya
32. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Nalaman mo sa paaralan na may prorama sa edukasyon para sa
mga nahinto sa pag-aaral.
A. Hayaan na lamang ang kuya dahil matanda na siya
B. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito
C. Hindi na sasabihin sa kuya kasi namamasukan na siya sa karinderya
D. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya
33. Nag-anunsiyo ang kapitan sa inyong barangay na maaari nang magpalista sa inyong paaralan ng mga
nais pumasok sa Kinder. May kapatid kang limang taon gulang na.
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo
B. Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid
D. Hindi papansinin ang sinasabi sa anunsiyo
34. Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan, may mga ahensiya ang
pamahalaan na tumutugon sa pangangailagang ito. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa
mga kaaway o mananakop, lokal man o banyaga. Alin dito?
A. LGU B. DND C. AFP D. PAMANA
35. Isa sa tumutulong sa pangkapayapaan ng ating bansa ayang PNP (Philippine National Police ). Anong
tulong ang ginagawa nila?
A. katahimikan at kaayusan sa mga lungsod at bayan
B. Katahimikan sa loob at labas ng buong bansa
C. Pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas
D. Pagtanggol ng bansa laban sa mga kaaway o mananakop
36. Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa. Sa pamamagitan nito, nalalaman kung
ang isang bansa ay maunlad,papaunlad, o mahirap. May paraan ang pamahalaan sa pagtataguyod ng
ekonomiya ng bansa isa na rito ang pagbibigay pansin laban sa mga di kanais-nais na gawaing
pangkalakalan. Aling programa ito?
A. Pangangalaga sa mga lokal na industriya at kalakal
B. Pangangalaga sa mga Manggagawa
C. Pagpapaunlad ng Agrikultura
D. Pagpapaunlad ng Kagubatan
37. Ang pagbibigay ng pamahalan ng suporta sa mga magsasaka gaya ng pagtuturo at pagsasanay sa kanila
hinggil sa makabagong mga paraan sa pagsasaka ay isang paraan ding makatulong sa ekonomiya nga
bansa. Anong paraan ito?
A. Pagpapaunlad ng Agrikultura
B. Pagpapaunlad ng Yamang Tubig
C. Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo
D. Pangangasiwa sa Monopolyo
38. Napakarami nang pagbabagong pang-impraestruktura na nagaganap sa bansa. Anong programang
impraestruktura ang sinimulan noong 2012 sa ilalim ng administrasyong Aquino?
A. Pasig River Rehabilitation Commission C. Farm-to-market roads
B. Chinese-funded North Rail Contract D.Public-Private Partnership
39. Ang programang pang-mimpraestruktura ay isa sa mga paglilingkod na gingawa ng pamahalaan. Ang
paggamit ng makabagong teknolohiya na nakapagpablis sa komunikasyon ng mga tao at nakatutulong
sa mabilis na pag-uugnayan ng mga tao gaya ng mobile phones, telepono at internet ay programa
ng_____________________.
A. DPWH B. NTC C.DepEd D. DoTC
40. May mga karapatan ang bawat mamamayan ng Pilipinas ayon sa Artikulo III ng Saligang Batas na
napaloob sa” Katipunan ng mga Karapatan”. Isa na rito ang karapatan sa pagiging lihim ng
komunikasyon at korespondensiya at tungkulin din ng pamahalaan na proteksiyonan ang may-ari ng
liham. Ano ang ibig sabihin ng karapatang ito?
A. Walang maaaring magsalita maliban sa may-ari ng liham
B. Walang makakabasa o makakabukas ng liham na hindi pinahihintulan ng may-ari ng liham
C. Walang maaring magpadala ng liham maliban sa may-ari
D. Walang maaring makakita ng liham ng may-ari
41. Karapatan ng mga tao na lumahok sa mga pulong upang maiparating sa pamahalaan ang mga ninanais
ngunit may tungkulin ang pamahalaan na parurusahan ang sinumang maglathala ng maling balita,
kuwento o komentaryo at maaaring makasuhan ng _________.
A. Libelo B. Arson C. Vandalism D. Estafa
42. Ang karapatan sa paglalakbay ay karapatan din ng bawat tao. Hindi mahahadlangan ng pamahaaan ang
sinumang nagnanais magtungo sa isang lugar maliban kung ang nasabing lugar ay_________________.
A. maraming turista C. ligtas sa anumang pangkalusugan
B. hindi ligtas para sa publiko D. maraming naninirahan
43. May mga proyekto at iba pang programa ang itinatag ang pamahalaan para sa mga tao upang
makapamuhay ng maayos, mapayapa, at maunlad isa na rito ang pangangalaga at paglilingkod sa mga
inaabuso at inabandonang bata. Anon proyekto ito ng pamahalaan?
A. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda C. Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan
44. Upang maging mabilis ang pagluluwas ng mga produktoat maging mabilis ang pagbibiyahe, itinatag ng
pamahalaan ang proyekton ito.
A. Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
B. Transortasyon at Komunikasyon
C. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan
D. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda
45. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong maliliit
ang kita. Anong programa ng pamahalaan ito?
A. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda C. Transportasyon at Komunikasyon
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pabahay
46. Sa panahon ng mga sakuna, ang pangunahing ahensiyang ngtataguyod a kapakanan ng mga
mamamayn ay ng NDRRMC, anong programa an kanilang tinutugunan?
A. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan C. Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
B. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda D. Malinis at Maayos na Pagkain
47. May mga ahensiya rin na sumusubaybay sa presyo at kalidad ng bilihing pagkain at gamot ito ay ang
National Food Authoriy. Ano ang tinitiyak ng mga inspector ng ahensiyang ito?
A. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan C.Transportasyon at komunikasyon
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
48. Sa pagkatatag ng pamahalaang lokal, napadali ang pagsasakatuparan ng iba pang uri ng ugnayan bukod
sa ugnayang politikal. Alin sa mga ito ang naisakatuparan ng pagtutulungan?
A. Hindi agarang naibibigay sa mga mamamayan ang serbisyo pangkalusugan, pangkabuhayan at iba pa
B. Mabagal na pag-unlad ng isang lugar
C. Hindi nakatatanggap ng pantay na serbisyo
D. Napabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa mga lalawigan ,lungsod at bayan
49. Sa pagkatatag ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang pambayannaisakatuparan ang mabilis na
pag-unlad ng mga lalawigan at bayan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Tinanggap ni AlkaldeMatipuno ang mga PhilHealth IDs galing sa Gobernador para sa 238 na
pamilyang benepisyaryo ng libreng health insurance
B. Kulang ang mga guro sa Elementarya ng Brgy Maalinsangan dahil mabagal ang paghingi ng dagdag
ng Barangay Kapitan sa Alkalde nila
C. Madilim pa rin ang Barangay Walangilaw dahil hindi natugunan ang kanilang pakiusap sa
Gobernador para sa street lighting
D. Mabagal ang pagdating ng mga tulong pinansiyal at relief goods sa mga nasalanta ng bagyo dahil
hindi nakipag-ugnayan ang Alkalde ng Bayang Marikit sa kanilang Gobernador
50. Nagkakaroon ng mabuting epekto sa mabuting ugnayan ng Sangguniang Bayan at Sangguniang
Barangay malibansa isa. Alin dito?
A. Nalinis kaagad ang mga bumarang estero ng Barangay Matubig
B. Nabigyan ng pabahay ang mga nasunugan sa Barangay Mausok
C. Agarang pagbigay ng patubig sa Barangay Tuyo
D. Hindi kaagad nasolusyunan ang problema sa Barangay Malamok sa dami ng nagkakasakit
ng dengue

You might also like