You are on page 1of 7

DIVISION OF MAKATI SCHOOLS

EAST REMBO ELEMENTARY SCHOOL


J.P. RIZAL EXTN., EAST REMBO, MAKATI CITY

IKATLONG MARKHAN
SY 2015 - 2016
ARALING PANLIPUNAN 4
PANGALAN:
_________________________________________________ISKOR:____________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________________________PETSA:________________
___

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:


1. Ang isang lugar ay matatawag lamang na isang bansa kung ito ay binubuo
ng apat na elemento isa na rito ang pamahalaan. Mahalaga ang
pamahalaan sa isang bansa dahil ito ay___________.
A. may sangay na binubuo lamang ng tagapagpaganap
B. namumuno sa pagpapatupad at nangunguna sa pagbabalangkas ng
mga programa para sa mga mamamayan
C. may sangay na binubuo lamang ng tagapagbatas
D. may sangay na binubuo lamang ng tagapaghukom
2. Ang Pambansang Pamahalaan ay nasasakop ang buong_________.
A. bansa B. pulo C. barangay D. lalawigan
3. Ang Pambansang Pamahalaan ay may mga sangay. Ilang sangay ang
bumubuo dito?
A. 4 B. 5 C. 3 D. 6
4. Ang pamahalaan ay isang samahang politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong ___________.
A. magtatag ng samahan na magbubuo ng isang aklas upang magkagulo
ang lipunan
B. magtatag ng kaayusan ng isang sibilisadong lipunan
C. magtatag ng isang grupo upang mapatalsik ang namumuno ng bansa
D. magtatag ng isang oranisasyong politikal na ang layon nito ay ang
gumawa ng katiwalian.
5. Tinitiyak ng Pambansang Pamahalaan ang kapakanan ng mga
mamamayan dito sa ating bansa kahit sa ibang bansa man.
A. Mali B. Minsan C. Tama D. Seguro
6. Ang Sangay ng Tagapagbatas ay gumagawa ng mga batas ng bansa.
Bukod sa paggawa ng mga batas, nakasalalay rin sa kongreso ang
pagsagawa ng___________.
A. nagsasaysay ng bansa ay nasa estado ng pakikipagdigmaan
B. nangangasiwa ng kataastaasang hukuman
C. humihirang ng mga puno ng mga kagawaran, embahador, konsul,
koronel at iba pang opisyal
D. kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas
7. Ang ikatlong sangay ng Pambansang Pamahalaan ay ang sangay ng
Tagapaghukom. Ano ang taglay niyang kapangyarihan?
A. Ipinapatututupad niya ang batas upang mapangalagaan ang kapakanan
ng mga mamamayan.
B. Nagbibigay ng interpretasyon ng batas
C. Nakasalalay sa kanila ang pagsasagawa ng mga imbestigasyon at
pananaliksik para makatulong sa kanilang mga gagawing batas
8. Upang mapabilang na lalawigan ang isang bayan, may batayan ang antas
ng lokal na pamahalaan. Alin sa mga ito?
A. May sukat ng lupa na 100 km. kuwadrado
B. May sukat ng lupa na 40 km. kuwadrado
C. May sukat ng lupa na 2000 km. kuwadrado
D. May sukat ng lupa na 25 km. kuwadrado
9. Ang bawat bansa ay pinamumunuan ng isang lider na siyang nagbibigay
ng direksiyong politikal at may mga ahensiya siyang itinatalaga sa bawat
sangay ng pamahalaan. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa mga usapin
sa ugnayang panlabas ng bansa?
A. DFA B. DOJ C. DOF D. DOH
10. Ang mga miyembro ng bawat sangay ng pamahalaan ay dumadaan
sa pagpili batay sa mga pamantayan ng Serbisyo Sibil. Ang Pangulo at ang
Pangalawang Pangulo ay pareho lamang ang kuwalipikasyon. Lahat ng ito
ay taglay nila maliban sa isa. Alin dito?
A. Katutubong mamamayan ng Pilipinas C. Napabilang sa mayayaman
na antas ng lipunan
B. Rehistradong botante D. Marunong bumasa at sumulat
11. May dalawang kapulungan ang Mambabatas, ang Senado at ang
Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang bawat kapulungan ay may mga
espesyal na kapangyarihan. Alin ang espesyal na kapangyarihan ng
Senado?
A. Kapangyarihang lumitis ng mga kasong impeachment
B. Kapangyarihang muling pag-aral ng apela gaya ng habeas corpus
C. Kapangyarihang suspendihin ang writ of habeas corpus sa panahon
ng rebelyon
D. Kapangyrihang patawarin ang mga nahatulan ng life sentence o
habang- buhay na pagkabilanggo at pababain ang parusa
12. Malaya ang bawat sangay ng pamahalaan na gumawa ng desisyon
bilang pagtupad sa kanilang gawain. Hindi maaaring makialam ang alin
mang sangay sa kani-kanilang gawain maliban kung ito ay may paglabag
sa kapangyarihang nakatadhana sa Saligang Batas. Ano ang tawag sa
kapangyarihang ito?
A. check and balance C. veto power
B. separation of powers D. habeas corpus
13. Sa kabila ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay,
pinangangalagaan nila ang kanilang tungkulin dahil____________.
A. malaya ang bawat sangay sa isat isa C. may check and balance
ang bawat sangay
B. magkakaugnay pa rin ang mga sangay D. iisa laman ang
pinaggalingan ng kanilang
kapangyarihan
14. Ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong
sangay ng pamahalaan ay isang paraan upang maiwasan ang
______________.
A. pagsusuri ng kapangyarihan C. pag-aabuso sa
kapangyarihan
B. pagsagawa ng check and balance D. pagpapatupad ng
tungkulin
15. Maaari bang punahin ang kamalian ng bawat sangay ng pamahalaan
sa ilalim ng check and balance?
A. Minsan B. Hindi C. Oo D. Seguro
16. Hindi maaaring pakialaman ng alin mang sangay ang bawat isa
maliban kung____________.
A. may kasunduan sila
B. nanghimasok ang mga sangay sa isat isa
C. hindi nagkakasundo ang mga mambabatas
D. may paglabag sa kapangyarihang nakasaad sa Konstitusiyon
17. Sa pagkakaroon ng separate of powers ng tatlong sangay at check
and balance ng kanilang mga kapangyarihan ay nakatutulong upang
maging epektibo ang pinuno. Kailan epektibo ang namumuno?
A. Maunlad na mga negosyo o kalakalan C. Baku-bakong kalsada
B. Hindi nakahihimok ng mamumuhunan D. Maraming may sakit sa
komunidad
18. Ang isang mahalagang salik sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang
bansa ay ang pagiging mabuting pamumuno. Ang ilan dito ay epekto ng
mabuting pamumuno maliban sa isa. Alin dito?
A. Matatag at walang kaguluhan
B. Maayos na pangangasiwa sa mga yaman at patakaran
C. Hindi tumitingin sa mga aspektong nangangailangan ng tulong o
atensiyon ng mamamayan
D. May pananagutan at pakikipagkaisa at pantay na pagtingin mapatao
man o mapamahalaan
19. Ang mabuting mamumuno ay may maayos na polisiya kung kayat
ang ekonomiya ng bansa ay umuunlad. Paano mo masasabi na tumaas
ang ekonomiya ng bansa?
A. Walang puwang o daan sa mga serbisyong pangkalusugan
B. Ang mga boses ng mamamayan ay hindi napapakinggan
C. Laganap ang katiwalian sa pamahalaan
D. Pagtaas ng kita ng komunidad at ng bansa sa pangkalahatan
20. Ang isang makabuluhang epekto ng mabuting pamumuno ay
pagkakaroon ng daan sa mga serbisyong pangkalusugan. Paano mo
masabi na epektibo ang pamumuno niya sa kalusugan ng mga
mamamayan?
A. Ang mayayaman ang nakakakuha ng libreng pagpagamot
B. Kulang ang bakuna sa mga batang nangangailangan ng bakuna
C. Tinutugunan ng mga doktor ang kalusugan ng mga mamamayan kahit
sa mga liblib na lugar
D. Maraming maysakit sa komunidad
21. Ang mabuting pamumuno ay hindi lamang sa loob ng bansa
mapapakinabangan. Ang lahat ng ito ay makikita sa mabuting pamumuno
maliban sa isa.
A. Positibo ang kalagayang pangkapayapaan
B. Nakahihimok ng maraming mamumuhunan sa bansa
C. Maraming magbabalikbayan at gusto ng mamirmihan sa sariling bansa
D. Matataas ang angkat ng mga kalakal galing sa ibang bansa tulad ng
langis
22. Ang opisyal na sagisag ng Pangulo ng bansa ay may opisyal na selyo
na makikita sa bahaging ibaba nito. Ano ang sinisimbolo nito?
A. Tatlong bahagi ng bansa, Luzon, Visayas at Mindanao
B. Nangangahulugan na ang ating bansa ay may kalayaan at may
soberanya
C. Sumisimbolo sa kasaysayan na ang ating bansa ay naimpluwensiyahan
ng pananakop ng mga Amerikano
D. Sumisimbolo sa hangarin ng bansa na maging malaya at may
kasarinlan
23. Ang Leon na makikita sa sagisag ng Pangulo ng Bansa ay
sumisimbolo ng_________________.
A. Naimpluwensiyahan ng mananakop ng Amerikano
B. Naimpluwensiyahan ng mananakop na Hapones
C. Naimpluwensiyahan ng mananakop na Espanyol
D. Naimpluwensiyahan ng mangangalakal na Tsino
24. Ang sinasagisag ng simbolo ng Tanggulang Pambansa ay ang
__________________.
A. pagtanggol sa bansa laban sa mga dayuhangg mananakop at anumang
himagsikang panloob
B. pagiging malaya at may kasarinlan
C. pagsakatuparan ng mga tungkulin at gawain ng pambansang
pamahalaan
D. pantay-pantay sa pagbibigay ng hustisya
25. Ang sagisag ng tanggapan ng Senado ay halos katulad ng sa
Pangulo ngunit may dagdag itong mga sampaguita sa magkabilang gilid
na kumakatawan sa mga rehiyon ng bansa at _________.
A. 24 na kasapi ng Senado C. dangal at dignidad ng mga
mambabatas
B. kinatawan ng bansa noong 1987 D. pagtatanggo sa bansa laban sa
dayuhang mananakop
26. Ang sagisag ng Tagapaghukom ay tulad din ng sa Pangulo mayroon
lang itong espada na makikita rito. Ano ang isinasagisag nga espadang
ito?
A. Ang kapangyarihan sa pagbibigay ng hustisya
B. Ang walang sinuman ang higit na mataas kaysa batas, lahat ay pantay-
pantay
C. Ang sampung utos
D. Ang taon kung kalian ibinalik ang Kongreso
27. May sagisag din ang Kapulungan ng mga Kinakatawan. Magkahawig
din sa sagisag ng Pangulo ngunit may taon sa ibaba ng sagisag nito. Ano
ang ibig sabihin nito?
A. Kung kailan sinakop ang Pilipinas C. Kung kailan itinatag ang
Kongreso
B. Kung kailan ibinalik ang Kongreso D. Kung kalian naging
malaya ang Pilipinas
28. Iba-iba ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan isa na
rito ang _________.
Ang programang ito ay upang magkaroon ng seguro ang lahat ng
mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na mga pasilidad,
serbisyong pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan.
A. PHILHEALTH C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna D. Programa sa mga Ina at
Kababaihan
29. Malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang
malubhang pagkakasakit ng mga bata.
A. Complete Treatment Pack C. Programa para sa Ina at
Kababaihan
B. Pagbabakuna D. Programa laban sa iba pang
mga sakit
30. Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ay
regular na pagpapatingin ng mga nagdadalang-tao sa sentrong
pangkalusugan. Anong programa ito?
A. Programa laban sa iba pang mga sakit C. Complete Treatment
Pack
B. Pagbabakuna sa mga bata D. Programa para sa Ina at
Kababaihan
31. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa
kanilang mga paniniwala na natutuhan niya sa kaniyang pag-aaral.
A. Magkukunwari akong nakikinig
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami
C. Makikinig ako para may matutuhan din ako
D. Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi niya
32. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Nalaman mo sa paaralan na
may prorama sa edukasyon para sa mga nahinto sa pag-aaral.
A. Hayaan na lamang ang kuya dahil matanda na siya
B. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito
C. Hindi na sasabihin sa kuya kasi namamasukan na siya sa karinderya
D. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado
ang iyong kuya
33. Nag-anunsiyo ang kapitan sa inyong barangay na maaari nang
magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok sa Kinder. May
kapatid kang limang taon gulang na.
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo
B. Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid
D. Hindi papansinin ang sinasabi sa anunsiyo
34. Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan,
may mga ahensiya ang pamahalaan na tumutugon sa pangangailagang
ito. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o
mananakop, lokal man o banyaga. Alin dito?
A. LGU B. DND C. AFP D. PAMANA
35. Isa sa tumutulong sa pangkapayapaan ng ating bansa ay ang PNP
(Philippine National Police ). Anong tulong ang ginagawa nila?
A. katahimikan at kaayusan sa mga lungsod at bayan
B. Katahimikan sa loob at labas ng buong bansa
C. Pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas
D. Pagtanggol ng bansa laban sa mga kaaway o mananakop
36. Ang ekonomiya ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa. Sa
pamamagitan nito, nalalaman kung ang isang bansa ay maunlad,
papaunlad, o mahirap. May paraan ang pamahalaan sa pagtataguyod ng
ekonomiya ng bansa isa na rito ang pagbibigay pansin laban sa mga di
kanais-nais na gawaing pangkalakalan. Aling programa ito?
A. Pangangalaga sa mga lokal na industriya at kalakal
B. Pangangalaga sa mga Manggagawa
C. Pagpapaunlad ng Agrikultura
D. Pagpapaunlad ng Kagubatan
37. Ang pagbibigay ng pamahalan ng suporta sa mga magsasaka gaya
ng pagtuturo at pagsasanay sa kanila hinggil sa makabagong mga paraan
sa pagsasaka ay isang paraan ding makatulong sa ekonomiya nga bansa.
Anong paraan ito?
A. Pagpapaunlad ng Agrikultura
B. Pagpapaunlad ng Yamang Tubig
C. Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo
D. Pangangasiwa sa Monopolyo
38. Napakarami nang pagbabagong pang-impraestruktura na
nagaganap sa bansa. Anong programang impraestruktura ang sinimulan
noong 2012 sa ilalim ng administrasyong Aquino?
A. Pasig River Rehabilitation Commission C. Farm-to-market roads
B. Chinese-funded North Rail Contract D.Public-Private
Partnership
39. Ang programang pang-mimpraestruktura ay isa sa mga paglilingkod
na gingawa ng pamahalaan. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya na
nakapagpablis sa komunikasyon ng mga tao at nakatutulong sa mabilis na
pag-uugnayan ng mga tao gaya ng mobile phones, telepono at internet ay
programa ng_____________________.
A. DPWH B. NTC C.DepEd D. DoTC
40. May mga karapatan ang bawat mamamayan ng Pilipinas ayon sa
Artikulo III ng Saligang Batas na napaloob sa Katipunan ng mga
Karapatan. Isa na rito ang karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon
at korespondensiya at tungkulin din ng pamahalaan na proteksiyonan ang
may-ari ng liham. Ano ang ibig sabihin ng karapatang ito?
A. Walang maaaring magsalita maliban sa may-ari ng liham
B. Walang makakabasa o makakabukas ng liham na hindi pinahihintulan
ng may-ari ng liham
C. Walang maaring magpadala ng liham maliban sa may-ari
D. Walang maaring makakita ng liham ng may-ari
41. Karapatan ng mga tao na lumahok sa mga pulong upang
maiparating sa pamahalaan ang mga ninanais ngunit may tungkulin ang
pamahalaan na parurusahan ang sinumang maglathala ng maling balita,
kuwento o komentaryo at maaaring makasuhan ng _________.
A. Libelo B. Arson C. Vandalism D. Estafa
42. Ang karapatan sa paglalakbay ay karapatan din ng bawat tao. Hindi
mahahadlangan ng pamahaaan ang sinumang nagnanais magtungo sa
isang lugar maliban kung ang nasabing lugar ay_________________.
A. maraming turista C. ligtas sa anumang
pangkalusugan
B. hindi ligtas para sa publiko D. maraming naninirahan
43. May mga proyekto at iba pang programa ang itinatag ang
pamahalaan para sa mga tao upang makapamuhay ng maayos,
mapayapa, at maunlad isa na rito ang pangangalaga at paglilingkod sa
mga inaabuso at inabandonang bata. Anon proyekto ito ng pamahalaan?
A. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda C. Pagtulong sa mga Biktima
ng Kalamidad
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pagtulong sa mga Taong
may Kapansanan
44. Upang maging mabilis ang pagluluwas ng mga produkto at maging
mabilis ang pagbibiyahe, itinatag ng pamahalaan ang proyekton ito.
A. Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
B. Transortasyon at Komunikasyon
C. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan
D. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda
45. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang
mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita. Anong programa ng
pamahalaan ito?
A. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda C. Transportasyon at
Komunikasyon
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pabahay
46. Sa panahon ng mga sakuna, ang pangunahing ahensiyang
ngtataguyod a kapakanan ng mga mamamayn ay ng NDRRMC, anong
programa an kanilang tinutugunan?
A. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan C. Pagtulong sa mga
Biktima ng Kalamidad
B. Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda D. Malinis at Maayos na
Pagkain
47. May mga ahensiya rin na sumusubaybay sa presyo at kalidad ng
bilihing pagkain at gamot ito ay ang National Food Authoriy. Ano ang
tinitiyak ng mga inspector ng ahensiyang ito?
A. Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan C.Transportasyon at
komunikasyon
B. Malinis at Maayos na Pagkain D. Pagtulong sa mga
Biktima ng Kalamidad
48. Sa pagkatatag ng pamahalaang lokal, napadali ang
pagsasakatuparan ng iba pang uri ng ugnayan bukod sa ugnayang
politikal. Alin sa mga ito ang naisakatuparan ng pagtutulungan?
A. Hindi agarang naibibigay sa mga mamamayan ang serbisyo
pangkalusugan, pangkabuhayan at iba pa
B. Mabagal na pag-unlad ng isang lugar
C. Hindi nakatatanggap ng pantay na serbisyo
D. Napabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa mga
lalawigan ,lungsod at bayan
49. Sa pagkatatag ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang
pambayan naisakatuparan ang mabilis na pag-unlad ng mga lalawigan at
bayan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Tinanggap ni Alkalde Matipuno ang mga PhilHealth IDs galing sa
Gobernador para sa 238 na pamilyang benepisyaryo ng libreng health
insurance
B. Kulang ang mga guro sa Elementarya ng Brgy Maalinsangan dahil
mabagal ang paghingi ng dagdag ng Barangay Kapitan sa Alkalde nila
C. Madilim pa rin ang Barangay Walangilaw dahil hindi natugunan ang
kanilang pakiusap sa Gobernador para sa street lighting
D. Mabagal ang pagdating ng mga tulong pinansiyal at relief goods sa mga
nasalanta ng bagyo dahil hindi nakipag-ugnayan ang Alkalde ng Bayang
Marikit sa kanilang Gobernador
50. Nagkakaroon ng mabuting epekto sa mabuting ugnayan ng
Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay maliban sa isa. Alin dito?
A. Nalinis kaagad ang mga bumarang estero ng Barangay Matubig
B. Nabigyan ng pabahay ang mga nasunugan sa Barangay Mausok
C. Agarang pagbigay ng patubig sa Barangay Tuyo
D. Hindi kaagad nasolusyunan ang problema sa Barangay Malamok sa
dami ng nagkakasakit
ng dengue

Prepared by:

DELSIE D. NOBLEZA
Grade IV Teacher

Noted by:

MRS. CRISTY P. VILLASOR


AP School Coordinator

You might also like