You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
EAST BAJAC BAJAC ELEMENTARY SCHOOL

IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN2

Pangalan:___________________________________ Puntos: ___________


I. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at alamin kung anong karapatan ang inilalarawan.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

a. Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan


b. Karapatang makapaglaro
c. Karapatang mag-aral
d. Karapatang magkaroon ng malusog na pangangatawan
e. Karapatang mabigyan ng pangalan
f. Karapatang magkaroon ng tahanan.
g. Karapatan sa pangangalagang medikal
h. Karapatang mabigyan ng proteksiyon

_____1. Maagang gumigising si Jilliane upang pumasok sa paaralan.


_____2. Binibilhan ni Gng. Joy ng bitamina at masustansiyang pagkain
ang anak na si Eimuel.

_____3. Pagkatapos gawin ni Cassiophea ang kaniyang mga takdang


aralin ay pinahihintulutan siya ng kaniyang mga magulang na maglaro kasama
ang mga kaibigan.
_____4. Tuwang-tuwa ang mag-asawang sina Ginoo at Ginang Vino
Sa kanilang bagong panganak na sanggol.
_____5. Si Kyllee ay nakatira sa ligtas at maayos na kapaligiran.
_____6. Si Trexie ay nagkasakit at ipinagamot ng kanyang mga
magulang.
_____7. Ang bawat karapatan ay may katumbas na______________.
A. pagpapahalaga B. pagsasaayos C. pananagutan D. talino
II. Piliin ang letra ng tungkuling tumutugon sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik sa patlang
bago ang bilang.
a. Pagtupad sa Batas Trapiko
b. Pagtulong sa mga nangangailangan
c. Pangagalaga sa kalikasan
d. Paggalang sa mga tuntuning pampubliko

______8. Ibinigay ni Joy ang kanyang lumang bag sa nasunugang bata.


______9. Sa pedestrian lane dumadaan ang tatay ko kung tumatawid.
_____10. Ang mga gamit sa museo ng munisipyo ay hindi ko ginagalaw.
_____11. Naghihintay ako ng dyip sa tamang sakayan.
_____12. Sa panahon ng quarantine, nagkaroon ng paligsahan sa aming
barangay na may temang - Gulayan sa Barangay.
_____13. Dahil ako ay bata, hindi ako lumalabas ng aming tahanan sa
panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
_____14. Nagbigay ako ng isang daang piso para sa Bayanihan Project sa
aming barangay.
_____15. Tumutulong ako sa aking nanay sa paghihiwa-hiwalay ng mga
basura sa aming bakuran.
III. Basahin ang tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
16. Siya ang nagkukumpuni at gumagawa ng mga iba’t-ibang
kasuotan.
a. bumbero b. Doktor c. Mananahi d. kapitan
17. Siya ang masipag na nagtatanim upang may makain ang mga
naninirahan sa komunidad.
a. basurero b. bumbero c. kaminero d. magsasaka
18. Siya ang tumutulong sa doktor upang magbigay ng serbisyo sa
komunidad.
a. guro b. karpintero c. mananahi d. nars
19. Siya ang nag-aayos at nagkukumpuni ng tubo na linya ng tubig
patungo sa mga tahanan at iba pang gusali.

a.kaminero b. Karpintero c. Tanod d. tubero

20. Siya ang nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto ng iba’t ibang asignatura at
kagandahang asal.
a. guro b. Kaminero c. Karpintero d. magsasaka 
21. Sino ang namumuno sa isang barangay?
a. kapitan b. kagawad c. Pulis d. tanod
22. Sino ang gumagamot ng mga may sakit sa komunidad?
a. basurero b. Doktor c. Magsasaka d. guro
23. Sino ang tumutulong sa pagsugpo ng apoy kung may nasusunog na kabahayan, gusali
at iba pa?
a.basurero b. Bumbero c. Doktor d. magsasaka
IV. Kumpletuhin ang talata tungkol sa pagpapahayag ng kahalagahan ng pagtutulungan at
pagkakaisa ng mga kasapi ng komunidad. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at
titik lamang ang isulat.
A. pagkakaisa F. komunidad
B. kaayusan G. kalinisan
C. resulta H. kaligtasan
D. kapaligiran
E. gawin
Ang pagtutulungan at (24.)________________________ sa komunidad ay mahalaga
upang mapanatili ang kalinisan at (25.)______________________________ ng
komunidad. Sa paglilinis ng (26.)______________________kinakailangan ma magkaisa
ang isang komunidad para magkaroon sila ng magandang bunga o
(27.)______________________. Kapag lahat tayo ay magtutulungan, walang
imposibleng hindi natin kayang ______________________.
May mga mahahalagang tao sa komunidad na nagbibigay ng
serbisyo para sa kapakanan ng mga tao tulad ng:
● pangunahing pangangailangan ng(28) _____________________;
● pangkalusugan at(29) __________________________ng komunidad; at
● pangkapayapaan at (30)________________________ng komunidad.

You might also like