You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI- Western Visayas
Division of Iloilo
DISTRICT OF LEGANES

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4


SY. 2018 – 2019

Pangalan: _________________________________________ Petsa: __________


Paarlan: _________________________________________ Iskor: __________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa bawat
bilang.

1. Maituturing na isang bansa ang Pilipinas. Ang mga sumusunod ay element ng isang bansa
maliban sa isa. Alin dito ang hindi?
A. Tao C. Teritoryo
B. Soberanya D. kultura

2. Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-Silangang Asya. Kung pagbabatayan ang lokasyong bisinal,
anong bansa ang matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas?
A. India C. Taiwan
B. Indonesia D. Thailand

3. Ang Pilipinas ay isang bansang maritime. Ano ang nakapaligid sa kapuluan nito?
A. Tao C. Katubigan
B. Lupa D. Hayop

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pangangasiwa ng yamang tubig.


A. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.
B. Pagtapon ng mga basura sa ilog.
C. Pagpapatayo ng tahanan sa gilid ng mga kanal at estero.
D. Magpatayo ng mga water treatment plant para linisin ang mga maruruming tubig mula sa
pagawaan,tahanan at taniman.

5. Ang Pilipinas ay nakakaranas ng klimang tropical. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng
bansang tropical?
A. Nakararanas ng apat na uri ng klima C. Nakararanas ng dalawang uri ng panahon
B. Umuulan ng yelo sa buong taon D. Hindi direktang nasisikatan ng araw

6. Isa samga salik na nakakaapekto sa klima ay ang hanging monsoon. Alin dito ang tamang
paglalarawan sa hanging monsoon?
A. Paiba-ibang direksyon ng ihip ng hangin C. malamig na hangin
B. Hangin na dala ng bagyo D. mainit na hangin

7. Paiba-iba ang klimang nararanasan ng mga tao sa bawat lugar. Ano ang tawag sa pagbabago ng
klima na sanhi ng mga Gawain ng tao na makapagbabago sa komposisyon ng atmospera.
A. Temperatura C. Climate Change
B. Hanging monsoon D. Bagyo

8. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa klima ng isang lugar ay ang temperature. Aling
pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperature ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperature ng isang lugar C.magkakatulad ang temperature sa Pilipinas
B. malamig na malamig ang temperature sa Pilipnas D. magkaiba ang temperature sa Pilipinas

9. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng Pilipinas?


A. Napakainit sa Pilipinas C. Napakalamig sa Pilipinas
B. Hindi gaanong malamig at mainit sa Pilipinas D. umuulan ng yelo sa Pilipinas

10.Ito ay tumutukoy sa lugar o bahagi ng mundo kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at
kung saan nagaganap ang madalas na paglindol. Ano ito?
A. Pangheorapiya C. Pacific Ring of Fire
B. Lokasyong Insular/maritime D. Tiyak na Lokasyon

11. Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan. Ano ito?
A. PAGASA C. PHIVOLCS
B. DRMMC D. DSWD

12. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga likas na yaman. Ang pinakamalawak na taniman ng tubo ay
matatagpuan sa _________.
A. Cagayan Valley C. Iloilo
B. Negros Occidental D. Nueva Ecija
13. Tumutukoy ito sa pangkalahatang lagay ng panahon sa isang lugar. Ano ito?
A. hanging monsoon C. Panahon
B. Klima D. Temperatura

14. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera o papawirin sa isang araw. Ano ito?
A. hanging monsoon C. Panahon
B. Klima D. Temperatura

15. Tanyag ang Boracay Beach sa kanyang pino at maputing buhangin kaya naman dinarayo ito ng
napakaraming turista. Saan matatagpuan ang Boracay?
A. Pampanga C. Baguio
B. Malay, Aklan D. Lanao del Norte
16. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang
Gawain sa mga likas na yaman?
A. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. Tumulong sa paglilinis ng mga ilog at pagkonserba sa mga likas na yaman
C. Itapon ang mga basura sa bakawan
D.Tiradurin ang mga ibon at paglaruan ang mga ito.

17. Ang Talon ng Maria Cristina ay makikita sa Iligan City sa Lanao del Norte. Ano ito?
A. Arkipelago C. Kapuluan
B. Anyong Tubig D. Anyong Lupa

18. May mga puno at iba pang halaman ang tumutubo sa mga dalampasigan. Alin sa mga
sumusunod ang tumutubo rito?
A. Narra C. Apitong
B. Almaciga D. Bakawan

19. Mapalad ang Pilipinas dahil dito matatagpuan ang pinakamaliit na isda na tinatawag na
sinarapan. Saan ito matatagpuan?
A. Lake Buhi C. Pasig River
B. Taal Lake D. Bicol

20. May iba’t-ibang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng isang bansa. Ito ay ang pagtukoy gamit ang
mga nakapaligid na anyong tubig?

A. bisinal C. insular
B. Kontinental D. tiyak na Lokasyon

21. Ang klima ay may kaugnayan sa lokasyon ng isang lugar sa mapa o globo. Anong rehiyon ang
nakararanas ng klimang malamig na malamig kasi umuulan ng yelo sa buong taon sa mga lugar na
ito?
A. Rehiyong Katamtaman C. Rehiyong Polar
B. Rehiyong Tropikal D. Rehiyon 6

22. Ang Pilipinas bilang bansang maritime ay napapaligiran ng mga katubigan. Anong anyong tubig
ang nasa silangan ng Pilipinas?
A. West Philippine Sea C. Bashi Channel
B. Pacific Ocean D. Dagat Celebes

23. Ano naming katubigan ang nasa timog nito?


A. West Philippine Sea C. Bashi Channel
B. Pacific Ocean D. Dagat Celebes
24. Nangunguna sa pagtatanim ng mais ang Cebu. Ang Tagaytay at Baguio na mabulubundukin ay kilala
naman sa taniman ng ____________?
A. gulay at bulaklak C. palay
B. tubo D. pinya

25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangasiwa sa yamang lupa ng bansa?
A. Gumawa ng hukay sa lupa at dito itapon ang nabubulok na basura
B. Paggamit ng plastic sa pamimili
C. Pagsisira ng mga halaman sa paligid
D. Paggamit ng mga kemikal sa pananim

26. Angkop ang klima ng Pilipinas sa mga maraming pananim na maaring tumubo at lumaki sa mga
lupain sa bansa. Kinakailangan ng katamtamang dami ng ulan ng mga tanim na ito. Ano ito?
A. mais C. tubo
B.abaka D. palay

27. Alin sa mga sumusunod ang yamang lupa?


A. butanding C. ginto
B. pusit D. palay
28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na pangangalaga sa kalikasan?
A. Hindi na kailangang gumamit ng wastong pataba para sa mga tanim na palay at mais.
B. Linisin ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagsunog nito at pagkakaingin
C. Paggamit ng mga pestisidyo sa mga pananim.
D. pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan.

29. Saang direksyon sa Pilipinas naroroon ang Dagat Celebes?


A. Sa Timog C. Sa hilaga
B. Sa Silangan D. Sa Kanluran

30. Ang NCR ay isa sa may pinakamliit na sukat sa mga rehiyon sa bansa ngunit pumapangalawa ito sa
tala ng may malaking populasyon. Ano ang dahilan kung bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. sentro ng pamahalaan, edukasyon at kalakalan C. maraming pagawaan at pabrika
B.maraming opurtunidad at trabaho D. a,b,at c ang sagot
31. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa topogapiya ng bansang Pilipinas?
A. layo layo ang mga isla C. matubig ang mga pulo
B. watak watak ang mga pulo D. buo ang kapuluan

32. Isang element ng pagiging isang bansa kung saan sumasaklaw ito sa lawak ng lupain sa ilalim ng
isang namumuno, estado, lungsod at iba pa. Ano ito?
A. soberanya C. teritoryo
B. mamamayan D. kalayaan

33. Paiba-iba ang direksyon ng ihip ng hangin na nagdudulot ng pag-iba ng klima sa isang lugar. Hanging
monsoon na nagmula sa timog-kanluran at nagdadala ng mainit na hangin at malimit na pag-ulan?
A. Hanging Amihan C. Hanging Habagat
B. Hanging Silangan D. Hanging Timog

34. Kung pagbabatayan ang dami at distribusyon ng ulan may ilang uri ng klima ang nararanasan ng
Pilipinas?
A. isa C. dalawa
B. tatlo D. apat

35. Ang Pilipinas ay parating nakakaranas ng bagyo dahil nakakaapekto rito ang kanyang lokasyon. Ito
ay lugar na malapit sa Pilipinas kung saan dito nabubuo ang mga bagyo. Saan ito?
A. West Philippine Sea C. Japan
B. Pacific Ocean D. Bashi Channel

36. May mga hayop na sa Pilipinas lamang nabubuhay dahil sa klima nito. Anong hayop ang sa Mindoro
lamang makikita?
A. Pilandok C.tarsier
B. tamaraw D. Kalabaw

37. Iba-iba ang anyong lupang at anyong tubig ang. makikita sa bansang Pilipinas. Ito ay mahaba at
paliko likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat. Ano ito?
A. look C. karagatan
B. ilog D. lawa

38. Anyong lupa na mas mababa kaysa sa bundok. Ano ito?


A. bulubundukin C. talampas
B. bulkan D. burol

39. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?


A. napapaligiran ng mga dagat at karagatan.
B. kakikitaan ng maraming baybayin
C. mayaman sa yamang-dagat
D. napapaligiran ng mga bansa sa Asya

40. Ang kilalang bulkan sa Pilipinas na halos may perpektong kono na matatagpuan sa Albay. Ito ay
ang?
A. Mt. Pinatubo C. Mt. Bulusan
B. Taal Volcano D. Mayon Volcano

GOOD LUCk!!!

IJSUDAYAN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
DISTRICT OF PILILLA

TALAAN NG ESPISIPIKASYON
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUBOK
ARALIN PANLIPUNAN 6

LAYUNIN Code BLG NG KINALA


AYTEM LAGYAN
Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas
A. Natatalakay ang sistema ng edukasyong 3 1-3
ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto nito
B. Natatalakay ang kalagayang pangkalusugan ng
mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano 1 4
C. Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at AP6KDP-IIa-1
komunikasyon at epekto nito sa pamumuhay ng 1 5
mga Pilipino
D. Nasusuri ang mga patakaran ng malayang
kalakalan ( free trade ) na pinairal ng mga AP6KDP-IIb-2 1 6
Amerikano
E. Natutukoy ang mahalagang pangyayaring may
kinalaman sa unti-unting pagsasalin ng AP6KDP-IId-3 6 7- 12
kapangyarihan sa mga Pilipino tungo sa
pagsasarili
F. Nasusuri ang kontribusyon ng pamahalaang
Komonwelt AP6KDP-IId-4 4 13 – 16
G. Nasusuri ang pamahalaang kolonyal ng mga
Amerikano AP6KDP-IIb-2 4 17 - 20

Pamamahala ng mga Hapon sa Pilipinas


H. Natatalakay ang mga mahalagang pangyayari
sa pananakop ng mga Hapones
Hal.: Labanan sa Bataan AP6KDP-IIe-5 14 21- 34
Death March
Labanan sa Corregidor
I. Nailalarawan ang Sistema at balangkas ng
pamahalaaang kolonyal ng mga Hapones 4 35 - 38
J. Naipapaliwanag ang kontribusyon ng pagtatag AP6KDP-IIf-g-7
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas at mga 2 39 – 40
patakarang may kinalaman sa pagsasarili

KEY TO CORRECTION

1. C 11. D 21. C 31. A 41. B


2. C 12. A 22. A 32. C 42. E
3. A 13. C 23. A 33. D 43. D
4. A 14. B 24. D 34. C 44. A
5. A 15. C 25. D 35. B 45. C
6. B 16. D 26. B 36. D 46.
7. D 17. A 27. B 37. C 47.
8. A 18. D 28. B 38. A 48.
9. A 19. A 29. A 39. C 49.
10. B 20. A 30. C 40. C 50.

You might also like