You are on page 1of 4

HOLY FAMILY ACADEMY OF ZAMBALES, Inc

Agpalo St. Brgy. Rizal, San Marcelino Zambales


S.Y. 2020-2021

ARALING PANLIPUNAN 4
3rd QUARTER SUMMATIVE EXAMINATION (Week 1-2)
Name:___________________________ Score:_____________
Grade:__________________________
I. MULTIPLE CHOICE-Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Anong mayroon ang pamahalaan na ipinatupad sa mga mamamayan upang
maging mapayapa, masaya at maunlad ang bansa?
a. Mga tagubilin b. Mga batas c. Mga utos d. Mga aral
2. Ang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na________.
a. Gabinete c. Kagawaran
b. Lokal na Pamahalaan d. Pambansang Pamahalaan
3. Gumagawa ng batas para sa kapakanan ng lahat?
a. Kongreso b. Senado c. Mayor d. Governor
4. Aling opisyal ang nakakatulong sa bansa?
a. Makasarili c. Walang malasakit
b. Walang pakialam d. Matapat sa tungkulin
5. Alin ang katangian ng mga opisyal na dapat nating ihalal?
a. Mayabang, masungit at maramot
b. Mayaman, maganda at matalino
c. Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa
d. Matapang, makasarili at mahina
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan
ng pamahalaan?
a. Nagbibigay ng mga libreng gamot at mask sa mga mahihirap.
b. Naniningil ng mataas na buwis sa mga mamamayan sa
panahon ng COVID - 19.
c. Naglalaan ng pondo para sa mga taong nagkaroon ng sakit na
COVID -19.
d. Namamahagi ng tulong sa mga taong nawalan ng trabaho
sa panahon ng COVID -19.
7. Ang pamahalaan ang ________ sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto
para sa mga nasasakupan nito.
a. namumuno c. sumusunod
b. iresponsable d. sumasalungat
8. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pamahalaan?
a. Ito ay may mga kapangyarihan.
b. Ito ay nagpapayaman sa mga negosyante.
c. Ito ay nakakakolekta ng mga buwis at pondo.
d. Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng bansa.
9. Ang Pambansang Pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at
pagpapatupad ng mga programa para sa mga __________.
a. turista c. dayuhan
b. namumuno d. mamamayan
10. Ang ating bansa ay mayroong pamahalaang _______.
a. sibil c. politikal
b. komunismo d. demokratiko
11.Alin ang sangay ng pamahalaan ang gumagawa ng batas ng bansa?
a. Tagapagbatas c. Tagapagpaganap
b. Tagapaghukom d. Tagapagpatupad
12. Ilan ang senador sa ating bansa?
a. 12 c. 24
b. 36 d. 48
13. Saan dumudulog ang sino mang tao na hindi sumasang-ayon sa
anumang desisyon ng mababang hukuman?
a. Senado c. Kongreso
b. Gabinete d. Korte Suprema
14. Alin dito ang iba pang tawag sa sangay tagapagbatas?
a. Ehekutibo c. Lehislatibo
b. Hudikatura d. Kapulungan
15.Bakit mahalaga ang sangay ng tagapagpaganap?
a. Ito ang naniningil ng buwis sa mga mamamayan.
b. Ito ang naglilitis ng mga kaso ng paglabag ng batas.
c. Ito ang nagbibigay hatol sa mga kaso sa paglabag ng batas.
d. Ito ang tumitiyak na ang batas na ginawa ng kongreso ay naipatutupad.
16. Alin ang sangay ng pamahalaan ang nagbibigay interpretasyon ng batas?
a. Tagapagbatas c. Tagapagpaganap
b. Tagapaghukom d. Tagapagpatupad
17. Sino ang namumuno sa sangay ng tagapagpaganap?
a. Pangulo c. Gabinete
b. Senador d. Kalihim
18. Alin ang kapanyarihang taglay ng pangulo na tanggihan ang isang panukalang
batas na ipinasa ng Kongreso?
a. veto power c. super power
b. special power d. personal power
19. Alin ang sangay ng pamahalaan ang tumitiyak na ang batas na ginawa ng
kongreso ay naipatutupad?
a. Tagapagbatas c. Tagapagpaganap
b. Tagapaghukom d. Tagapagpatupad
20. Bakit mahalaga ang sangay tagapaghukom?
a. Ito ang nagpapatupad ng batas.
b. Ito ang humihirang sa mga pinuno ng bansa.
c. Ito ang may kapangyarihang gumawa ng batas.
d. Ito ang nagpapasya kung mayroong naganap na
pagsasamantala at paglabag sa batas.

You might also like