You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
Porac East District
MANIBAUG PARALAYA ELEMENTARY SCHOOL
Porac, Pampanga
Ikatlong Markahang Pagsusulit sa ARALING PANLIPUNAN 4
PT 2019-2020

Pangalan: __________________________________ Iskor: ________


Baitang at Pangkat: __________________________ Petsa: _______

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May dalawang antas ang ating pamahalaan. Ang isa ay may tatlong sangay na ehekutibo,
lehislatibo, at hudikatura na may magkakapantay na kapangyarihan. Ito ay tinatawag na ________.
A. Pamahalaang lokal
B. Pamahalaang pambansa
C. Pamahalaang tagapagbatas
D. Pamahalaang tagapagpaganap
2. Mahalaga ang tatlong sangay ng pamahalaan. Naipatutupad ang mga batas ng bansa at
naitataguyod ang mga pambansang adhikain upang maiangat ang kabuhayan ng lahat ng
mamamayan. Ito ay pangunahing tungkulin ng ________.
A. Sangay ng Pamahalaan o Gobyerno
B. Sangay ng Lehislatibo o Tagapagbatas
C. Sangay ng Hudikatura o Tagapaghukom
D. Sangay ng Ehekutibo o Tagapagpaganap
3. Pangunahing layunin ng ________ ang alamin kung ang mga gawain at mga hakbangin ng mga
ahensiya ng pamahalaan ay naaayon sa mga batas at alinsunod sa itinatadhana ng Saligang
Batas ng Pilipinas.
A. Sangay ng Pamahalaan o Gobyerno
B. Sangay ng Lehislatibo o Tagapagbatas
C. Sangay ng Hudikatura o Tagapaghukom
D. Sangay ng Ehekutibo o Tagapagpaganap
4. Sa Sangay ng Hudikatura, nabibilang ang sumusunod maliban sa isa. Alin ito?
A. Senado
B. Korte Suprema
C. Court of Appeals
D. Mabababang Hukuman
5. Alin ang bumubuo sa Sangay ng Lehislatibo?
A. Senado
B. Kongreso
C. Kapulungan ng mga Matatanda
D. Kapulungan ng mga Kinatawan
6. Piliin ang tanggapang hindi nabibilang sa Sangay ng Ehekutibo.
A. Mabababang Hukuman
B. Tanggapan ng Pangulo
C. Mga Ahensiya ng Pamahalaan
D. Mga Kagawaran ng Pamahalaan
7. Lahat ng nakasaad na sumusunod ay katotohanan, maliban sa isa. Alin ito?
A. Ang tatlong sangay ay magkakapantay.
B. Ang bawat sangay ay may kaniya-kaniyang responsibilidad.
C. Ang sistema ng paghihiwa-hiwalay ng kapangyarihan at pagpuna sa tungkulin ay nakasaad
sa konstitusyon.
D. Maaaring maimpluwensiyahan ng bawat sangay ang desisyon at galaw ng bawat isa kahit
naaayon sa batas.
8. Ang Sangay ng Ehekutibo ay may kapangyarihang ipatupad ang batas. Ginagawa ito ng ________
sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga kautusan na sinusunod ng mga ng pamahalaan, at ng
mga lokal na pamahalaan.
A. Senado
B. Pangulo
C. Kongreso
D. Korte Suprema
9. Ang ________ ay may kapangyarihang magtakda ng taunang badyet na gugugulin ng pamahalaan
para sa pagpapatakbo ng bansa.
A. Senado
B. Pangulo
C. Kongreso
D. Korte Suprema
10. May dalawang antas ang ating pamahalaan. Ang isa rito ay binubuo ng pamahalaang
panlalawigan, panlungsod, pambayan, at pambarangay. Alin ito?
A. Korte Suprema
B Pamahalaang lokal
C. Mabababang hukuman
D. Pamahalaang pambansa
11. Aling mga yunit ang direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa bawat
teritoryo?
A. Pamahalaang Pangkalawakan
B. Pamahalaang Pangkalahatang Pantao
C. pamahalaang pambayan at pambarangay
D. pamahalaang panlalawigan at panlungsod
12. Lahat ng sumusunod ay tama tungkol sa antas ng ating pamahalaan, maliban sa isa. Alin ang
mali?
A. May dalawang antas ang ating pamahalaan.
B. d. Ang pamahalaang lokal ang gumagawa ng mga batas.
C. May kalayaang mamahala sa kani-kaniyang nasasakupan ang mga lokal na pamahalaan.
D. Kailangan ring makipagtulungan sa pambansang pamahalaan para sa kaunlaran at
kapayapaan.
13. Ito ang sangay na namamahala sa bansa.
A. Korte Suprema
B. Sangay ng Ehekutibo
C. Sangay ng Lehislatibo
D. Sangay ng Hudikatura
14. Pinamumunuan ng Sangay ng Ehekutibo ang bansa. Sino ang kasalukuyang pangulo ng
Republika ng Pilipinas?
A. Grace Poe
B. Leny Robredo
C. Rodrigo Duterte
D. Benigno Aquino, Jr.
15. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, sino ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal ng
pamahalaan?
A. Senado
B. Kongreso
C. Korte Suprema
D. Pangulo ng Republika
16. Sa ating kasalukuyang pamahalaan, paano nailuklok na pangulo si Pang. Rodrigo Duterte?
A. Inihalal siya ng mga mamamayan.
B. Na-impeach ang dating pangulo ng bansa.
C. Nagkaroon ng sapilitang pag-agaw ng posisyon.
D. Ipinalit siya ni Benigno Aquino, Jr. sa kaniyang puwesto.
17. Ang Pangulo ng Pilipinas ay maaaring manungkulan sa loob ng ________ na taon.
A. apat
B. anim
C. siyam
D. labing-apat
18. Ang Pangulo rin ang pinuno ng ________.
A. Senado ng Pilipinas
B. Kongreso ng Pilipinas
C. Korte Suprema ng Pilipinas
D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
19. Nasa Kongreso ang kapangyarihang gumawa ng batas. Ang ________ ay nag-uugnayan sa
paggawa ng mga panukalang batas.
A. Korte Suprema at Kongreso
B. Senado at Mababang Hukuman
C. Pangulo at Sandatahang Lakas ng Pilipinas
D. Mataas na Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga
Kinatawan
20. Ang Kongreso ay may kapangyarihang magtakda ng badyet na gugugulin ng pamahalaan para
sa pagpapatakbo ng bansa. Ito ay masusing nakikipag-ugnayan sa ________ upang tukuyin ang
mga pangangailangan at mga programang kaliangang tustusan ng pamahalaan.
A. Sangay ng Ehekutibo
B. Sangay ng Lehislatibo
C. Sangay ng Hudikatura
D. Sangay ng Pamahalaan
21. Sakaling hindi pagtibayin ng Pangulo ang isang batas na ginawa ng Kongreso, maaaring
balewalain ang veto ng Pangulo sa pamamagitan mga miyembro ng Kongreso. Ilang bahagi ng
Kongreso ang kailangang sasang-ayon sa pagbalewala sa veto?
A. kalahati
B. tatlong-kapat
C. dalawa’t-ikatlo
D. Lahat ng miyembro
22. Ang ________ ang mayroong kapangyarihang humirang sa mga Kalihim ng mga kagawaran at
mga mahistrado ng Korte Suprema.
. A. Senado
B. Pangulo
C. Kongreso
D. Kataas-taasang Hukuman
23. Nasa ________ ang kapangyarihang gumawa ng batas.
A. Senado
B. Pangulo
C. Kongreso
D. Kataas-taasang Hukuman
24. Ang ________ ang natatanging sangay na may kapangyarihang suriin ang batas.
. A. Senado
B. Pangulo
C. Kongreso
D. Kataas-taasang Hukuman
25. Inaaprubahan ng Kongreso ang paghirang sa mga mahistrado. Samantala, maaaring alisin sa
tungkulin ang mga mahistrado sa pamamagitan ng ________.
A. veto
B. eleksiyon
C. konstitusyon
D. impeachment
26. Inaaprubahan ng Kongreso ang mga paghirang ng Pangulo subalit maaari nitong pawalang bisa
ang pagtanggi o ________ ng Pangulo sa mga batas.
A. veto
B. eleksiyon
C. konstitusyon
D. impeachment
27. Hinihirang ng Pangulo ang mga mahistrado ng Korte Suprema at maaaring ideklara ng Korte
Suprema na labag sa ________ ang isang kautusan.
A. veto
B. eleksiyon
C. konstitusyon
D. impeachment
28. Sa panahon ng kagipitan tulad ng malawakang rebelyon o pananakop ng dayuhang puwersa,
maaaring suspendihin ng Pangulo ang ________, na tumutukoy sa karapatan ng mamamayan
laban sa di-mkakatarungang pagkukulong, o isailalim ang bansa sa Batas Militar.
A. Writ of Habeas Corpus.
B. Kawanihan ng Imigrasyon
C. Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
. D. Tanggapan ng mga Pampublikong Abogado
29. Tinitiyak ng ________ na ang lahat ng mga programa at proyekto ng pamahalaan ay
naipatutupad ng mga kagawaran at tanggapan nito.
A. Konsul
B. Hukom
C. Pangulo
D. Abogado
30. Pinangangasiwaan ng ________ ang maayos at wastong pamamahagi ng mga lupain sa mga
magsasaka.
A. dti
B. DoH
C. DAR
D. DepED
31. Pinangangasiwaan ng ________ ang maayos at wastong pangangalakal sa iba’t ibang pamilihan
sa bansa.
A. dti
B. DoH
C. DAR
D. DepED
32. Ito ang namamahala sa mga paaralan at nagpapatupad sa mga programang magpapaunlad sa
kalidad ng edukasyon at kaalaman sa mga paaralan sa bansa.
A. dti
B. DoH
C. DAR
D. DepED
33. Ang ________ ang nangangasiwa sa pangongolekta ng buwis para sa pamahalaan na nasa
ilalim ng Kagawaran ng Pananalapi.
A. Kawanihan ng Adwana
B. Kawanihan ng Imigrasyon
C. Kawanihan ng Pagsisiyasat
D. Kawanihan ng Rentas Internas
34. Ang ________ ang kumukolekta ng buwis mula sa mga inaangkat na produkto sa ating bansa.
A. Kawanihan ng Adwana
B. Kawanihan ng Imigrasyon
C. Kawanihan ng Pagsisiyasat
D. Kawanihan ng Rentas Internas
35. Tinutulungan ng ________ ang mga magsasakang napagkalooban ng mga lupain sa
pamamagitan ng mga pautang at mga programang pangkabuhayan.
A. Kagawaran ng Reporma sa Lupa
B. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
C. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
D. Kagawaran ng Pambansang Pagawain at mga Lansangan
36. Pangunahing proyekto ng ________ ang pagpapagawa ng mga daan, mga tulay, at mga
pampublikong gusali.
A. Kagawaran ng Reporma sa Lupa
B. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
C. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
D. Kagawaran ng Pambansang Pagawain at mga Lansangan
37. Pinangangalagaan ng ________ ang mga manggagawang lumuluwas sa ibang bansa o mga
OFW sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA.
A. Kagawaran ng Reporma sa Lupa
B. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
C. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
D. Kagawaran ng Pambansang Pagawain at mga Lansangan
38. Nagbibigay ang _______ ng tulong pinansiyal, mga serbisyong legal, at pabahay sa mga
nangangailangan bilang programang panlipunan at pagtulong sa mga mahihirap at mga biktima
ng karahasan o sakuna.
A. Kagawaran ng Reporma sa Lupa
B. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
C. Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
D. Kagawaran ng Pambansang Pagawain at mga Lansangan
39. Lahat ng mga nakasaad na sumusunod ay totoo maliban sa isa. Alin ang mali?
A. Ang bawat kagawaran ay pinangangasiwaan ng isang Kalihim na hinihirang ng Pangulo.
B. Bawat isa ay gumaganap ng mahahalagang tungkuling nagsusulong sa kaayusan at
kaunlaran ng bansa.
C. Ang mga kagawaran ng pamahalaan ay magkakahiwa-hiwalay ng programa at walang
pananagutan sa isa’t isa.
D. Ang mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong sa Pangulo sa \
pagpapatupad ng mga programa at mga kautusan.
40. Alin ang nagpapakita ng paraan ng pagtutulungan ng pamahalaang pambayan, panlalawigan, at
iba pang tagapaglingkod ng pamayanan?
A. Nagpapaligsahan ang mga ito para manguna sa paglilingkod upang maipagmalaki ang mga
nagagawa.
B. Iniiwasan ang pakikipag-ugnayan sa iba upang mapangalagaan ang mga naisakatuparang
programa at proyekto.
C. Pinangangalagaan nila ang kapakanan ng mga mamamayang nasasakupan sa
pamamagitan ng iba’t ibang programa at pagbibigay ng mga kinakailangang paglilingkod.
D. Inaasahan nila na may mga ipararating na programa ng pagtulong sa mga tao na ayaw
makipag-ugnayan sa kapwa tao at sa pamahalaan kung saan sila nakatira at naghahari-
harian.

You might also like