You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
ZAPOTE ELEMENTARY SCHOOL
GARNET STREET, BRGY. ZAPOTE II, BACOOR CITY, CAVITE

Ikatatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan IV

Pangalan:______________________________________ Iskor:_____________________
Baitang/Pangkat:________________________________ Guro: _____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

____1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa samahan o organisasyon na gumagawa at nagpapatupad
ng mga batas para sa kanyang nasasakupan.
A. bansa B. mamamayan C. kapangyarihan D. pamahalaan
____2. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas?
A. Monarkiya B. Demokratiko C. Diktatoryal D. Totalitaryan
____3. Ano ang tawag sa pinuno ng bansang demokratiko?
A. Prime Minister B. Hari C. Sultan D. Pangulo
____4. Paano nailuluklok sa posisyon ang isang pinuno ng demokratikong bansa tulad ng Pilipinas?
A. Sa pamamagitan na rekomendasyon ng pinuno ng ibang bansa
B. Pagpili ng mga tao o pagboto sa panahon ng eleksyon.
C. Sa pamamagitan ng kayaman na meron ang isang tao.
D. Pagpapamana ng posisyon sa kapamilya.
____5. Alin ang katangian ng mga opisyal na dapat nating ihalal?
A. Mayabang, masungit at maramot
B. Mayaman, maganda at matalino
C. Matapang, makasarili at mahina
D. Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa
____6. Ang sangay na gumagawa ng mga batas ay ang _______________.
A. Sangay na Tagapagbatas C. Sangay na Tagapagpaganap
B. Sangay na Tagapaghukom D. Kapulungan ng mga Kinatawan
____7. Ang ________________ ay sangay na nagbibigay ng interpretasyon ng batas.
A. Sangay na tagapagbatas C. Sangay na tagapagpaganap
B. Sangay na tagapaghukom D. Mababang kapulungan
____8. Itinuturing na pinakamataas na hukuman na siyang pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief
Justice.
A. Sangay ng Tagapaghukom C. Sangay ng Tagapagpaganap
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Gabinete
____9. Ito ay bilang ng mga sangay ng pamahalaan ng ating bansa.
A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat
____10. Ang sangay na tagapagpaganap ay pinamumunuan ng _____ ng bansa.
A. Pangulo B. Senador C. Kapitan D.Gabinete
____11. Ang Sangay na Tagapagbatas ay nahahati sa kapulungan.
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
____12. Taon ng panunungkulan ng Pangulo ng Pilipinas.
A. 6 B. 7 C. 5 D. 4
____13. Katuwang ng Pangulo sa pamamahala ng bansa.
A. Pangalawang Pangulo B. Hukuman C. Kongreso D. Senado
____14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. Bumubuo ng mga programa para sa kapakanan at pangangailangan ng mga tao.
B. Pangangalaga sa mga gawaing hindi naaayon sa batas ng bansa.
C. Pagpapatupad sa mga batas, programa at proyekto ng bansa.
D. Pinagsisilbihan at pino-protektahan ang mga mamayan.
____15. Nangangasiwa sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan sa elementarya at sekondarya.
A. Kagawaran ng Kalusugan C. Kagawaran ng Enerhiya
B. Kagawaran ng Edukasyon D. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
____16. Nagsasagawa ng mga proyekto at pagsasaliksik para sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa
ating bansa.
A. Kagawaran ng Pagawaan at Lansangang Bayan
B. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
D. Kagawaran ng Enerhiya
____17. Nagpaplano kung paano dapat gamitin ang pondo ng pamahalaan o ang pambansang badyet.
A. Kagawaran ng Enerhiya
B. Kagawaran ng Edukasyon
C. Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
D. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
____18. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata, deworming sa mag-aaral at libreng
gamot para sa mga nangangailangan nito. Sa iyong palagay, anong uri ng serbisyo o gampanin ang
naibibigay sa mga tao?
A. Pang-ekonomiya C. Katarungang Panlipunan
B. Panseguridad D. Kagalingang Palipunan
____19. Aling gawain ang nagpapakita ng tamang tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan?
A. Pagnanakaw ng badyet sa isang proyekto.
B. Pagprotekta sa mga maling gawain ng mga kaibigan.
C. Pagpili ng mga taong tutulungan sa panahon ng kalamidad.
D. Pagpapatupad sa mga programa ng gobyerno para sa kabutihan ng mga mamamayan.
____20. Ang mga sumusunod ay mga gampanin o gawain ng pamahalaan para sa mga tao. Alin dito ang
gawaing o serbisyong pangkapayaan?
A. Pagbibigay ng mga puhunan sa mga tao.
B. Pagbibigay ng lupang pansakahan sa mga magsasaka.
C. Pagbibigay ng tamang sahod at benipisyo ng mga manggagawa.
D. Pagbabantay ng mga hukbong pandagat sa mga baybaying dagat ng bansa.
____21. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutuhan mo sa paaralan na may programa sa Edukasyon
para sa mga nahinto ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya.
B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na siya.
C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya.
D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
____23. Si Mario ay inakusahan sa pagkakasalang pagnanakaw ng kanyang kapitbahay. Ano kaya ang
maaaring gawin niya para maipagtanggol ang sarili?
A. Humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office para mabigyan ng abogado na magtatanggol.
B.Tumakas at balikan ang nag-aakusa upang takutin na huwag na siyang kasuhan.
C. Hayaan na lamang na makulong sa salang hindi naman ginawa.
D. Ipost sa social media para makahingi ng tulong sa mga tao.
____24. Sa nagdaang bagyo tulad ng Rolly at Ulysses, maraming bahay at kabuhayan ang naapektuhan ng
mga nito.Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad?
A. Pagbibigay ng relief goods, gamot at pangkabuhayang maaring pagsimulan ng mga biktima ng
kalamidad.
B. Pagpapautang ng puhunan para sa maitayong muli ang kanilang bahay.
C. Putulin ang mga natitirang puno upang ipamigay sa mga nasalanta ng bagyo.
D. Hayaan na lamang ang mga nasalanta ng bagyo na magsumikap sa sariling paraan.
____25. Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng pamahalaan upang masugpo ang mga sakit
gaya ng polio, tigdas, diarrhea, at trangkaso?
A. PhilHealth C. Complete Treatment Pack
B. Pagbabakuna D. National Health Insurance Program
____26. Alin sa mga programang ito ng pamahalaan ang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga
ina?
A. Bakuna laban sa Neo Tetanus C. Edukasyon Para sa Lahat
B. Complete Treatment Pack D. Abot-Alam
____27. Napanood mo sa telebisyon ang tungkol sa pag-aangkin ng China sa kalupaan at karagatang pag-aari
ng Pilipinas.
A. Ipabahala sa China ang dapat gawin ng dalawang bansa.
B. Panatilihin ang payapang pakikipag-ayos at pakikipag-usap.
C. Labanan ang China kung anuman ang nais nitong gawin o mangyari.
D. Bantayan lagi ang mga karagatan at kalupaang inaangkin ng China.
____28. May banta ng puwersahang pag-aalis ng pinuno ng lokal na pamahalaan.
A. Maging handa ang kapulisan sa anumang maaaring mangyari.
B. Ipagbigay-alam ng lokal na pamahalaan sa pambansang pulisya.
C. Hayaan ang mga tao sa nais nilang gawin dahil sila ang maaapektuhan nito.
D. Magbigay ng babala ang lokal na pamahalaan sa napag-alamang maaaring mangyari.
____29. Nagtayo ng irigasyon sa bayan ng Luna. Tuwang-tuwa ang mga .
A. magsasaka dahil may nakahanda na silang pagkunan ng tubig.
B. mangingisda dahil dito sila mangunguha ng isda.
C. opisyales ng bayan dahil mangangampanya na sila.
D. ang mga kabataan dahil dito sila magpipiknik.
____30. Ahensiyang nagpapatayo ng mga impraestruktura upang mapabuti ang mga daungan, at paliparan sa
bansa.
A. Department of Agriculture
B. Department of Agrarian Reform
C. Department of Public Works and Highways
D. Department of Transportation and Communication
____ 31. Bakit sinimulan ang Public-Private Partnership Program noong taong 2012?
A. Kailangan ng bansa ng maraming sasakyan.
B. Gustong tugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng transportasyon.
C. Walang pera para sa mga proyektong pang-impraestruktura ng bansa.
D. May layunin ang bansa na umangkat ng mga iba’t ibang sasakyan para sa mga opisyales ng
bansa.
____32. Bakit mahalaga ang ahensiyang National Telecommunications Commission?
A. May mga cellphone lahat ang mga tao.
B. Papalakasin ang signal ng mga cellphone.
C. Makakatulong sa maayos na signal ng internet.
D. Pinapangasiwaan ang mabilis at maayos na ugnayan sa telepono, cellular at mobile phone,
computer, internet at fax machine.
____33. Paano pinaunlad ng pamahalaan ang transportasyon at komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa?
A. Nagpagawa ng mga tulay na gawa sa kawayan.
B. Pinakipot ang mga kalsada.
C. Pinatanggal ang mga daang bakal.
D. Nagpatayo ng mga daan, tulay, skyway, daang bakal at tunnel
____34. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong

maliliit ang kita. Anong ahensiya ang tumutulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan?
A. Kagawaran ng Repormang Pansakahan
B. Kagawaran ng Enerhiya
C. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
D. Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay
____35. May mga pamilyang masuwerteng nabigyan ng murang pabahay ng pamahalaan. Paano nila ito

pahahalagahan?
A. Mag imbita ng mga kaibigan sa bahay
B. Sulatan ang mga dingding
C. Magpaliban sa buwanang pagbabayad
D. Magbayad ng buwanang bayad sa pabahay ng pamahalaan
____36. Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang bumalangkas ng mga patakaran ukol sa mga isyu ng
mga may kapansanan at alalahanin?
A. Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Development Authority o
MMDA)
B. Komisyon sa mga Karapatang Pantao (Commission on Human Rights o CHR)
C. Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain (National Food Authority o NFA)
D. National Council on Disability Affairs (NCDA)
____37. Nakararanas ang Pilipinas ng iba-ibang kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol at pagputok ng
bulkan. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang pangunahing nagtataguyod sa kapakanan ng mga
mamamayan sa panahon ng sakuna?
A. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
B. Land Transportation Office (LTO)
C. Bureau of Foods and Drugs (BFAD)
D. National Food Authority (NFA)
____38. Aling ahensiya ng pamahalaan ang naatasang tumulong sa mga batang inabuso, inabandona, mga
nasa lansangan at mga nasa mapanganib na sitwasyon?
A. Kagawaran ng Katarungan
B. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
C. Komisyon ng Karapatang Pantao
D. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
____39. Paano ka makakatulong sa pamahalaan na pahahalagahan ang mga matatandang inabandona ng

kanilang mga kamag-anak?


A. Magbigay ng tulong pinansiyal sa mga matatandang inabandona ng kanilang mga kamag-anak.
B. Ang pamahalaan lamang ang dapat magpahalaga sa kanila.
C. Wala akong responsabilidad na tulungan sila.
D. Magkikibit balikat na lamang.
____40. Ang pamilya ni Eduardo ay nakatira malapit sa ilog. Tuwing may papalapit na bagyo, inaabisuhan sila
ng kanilang Punong Barangay na lumikas sa mataas na lugar. Kalimitan sa malapit na paaralang

pampubliko sila dinadala upang pansamantalang palipasin ang bagyo. Kung ikaw si Eduardo paano
mo pahahalagahan ang ginawang pag-aabiso at paglilikas sa inyo ng lokal na pamahalaan?
A. Lilipat sa pampublikong paaralan kung mataas na ang tubig sa ilog at kung malakas na ang ulan.
B. Susundin ang abiso ng Punong Barangay at magdadala ng mahahalagang gamit gaya ng damit,
pagkain at iba pa.
C. Mananatili na lamang sa bahay, dahil mainit at walang magandang higaan sa mga pampublikong
paaralan na paglilipatan.
D. Susundin ang abiso ng Punong Barangay ngunit hindi na magdadala ng mahahalagang gamit dahil
bahala na ang pamahalaan sa mga ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
ZAPOTE ELEMENTARY SCHOOL
GARNET STREET, BRGY. ZAPOTE II, BACOOR CITY, CAVITE

Susi sa Pagwawasto sa Araling Panlipunan IV

1. D 21. D
2. B 22. A
3. D 23. A
4. B 24. A
5. D 25. B
6. A 26. A
7. B 27. B
8. A 28. D
9. C 29. A
10. A 30. D
11. B 31. C
12. A 32. D
13. A 33. D
14. B 34. D
15. B 35. D
16. B 36. D
17. C 37. A
18. D 38. C
19. D 39. A
20. D 40. B

Prepared by:

MA. HERA GENEVA B. LILANG


Master Teacher

Checked by:

IMELDA S. BAUTISTA
Principal II

ZAPOTE ELEMENTARY SCHOOL


Address: Garnet Street, Brgy. Zapote II, Bacoor City, Cavite
Contact Number: (046) 850-9522
Email: 107891@deped.gov.ph
Facebook URL: www.facebook.com/DepEdTayoZES107891

You might also like