You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: ________________

Guro: _________________________________ Puntos: _________________________

I. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang anumang pangayayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon ay tinatawag na __________.
A. Balita
B. Kasaysayan
C. Isyung showbiz
D. Kontemporaryong Isyu
_____ 2. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas
maliban sa:
A. Solid Waste
B. ilegal na droga
C. Climate Change
D. pagkasira ng mga likas na yaman
_____ 3. Ang mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya ay tinatawag na _____________.
A. Risk
B. Hazard
C. Disaster
D. Resilience
_____ 4. Ang tawag sa isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna
kung may lindol ay tinatawag na __________.
A. Fun Run
B. Fire Drill
C. Athletic Meet
D. Earthquake Drill
_____ 5. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ________.
A. Pagtugon sa Kalamidad
B. Paghahanda sa Kalamidad
C. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
D. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
_____ 6. Ang mga sumusunod na MNCs at TNCs na nakarating sa iba’t ibang panig ng
mundo ay pag-aari ng mga Pilipino, maliban sa:
A. Unilab
B. Jolibee
C. McDonalds
D. San Miguel Corporation
_____ 7. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa labor. Alin dito ang naglalarawan
sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo
sa pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita
sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at
pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
_____ 8. Ang ibig sabihin sabihin ng migrasyon ay ___________.
A. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
C. Proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
_____ 9. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinagkukunan ng pera ng pamahalaan. Alin
dito ang pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na
siyang nakakatulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang
pinagtatrabahuan nila?
A. Tariff
B. Subsidy
C. Remittance
D. Forced labor
_____ 10. Ang tawag sa kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki
o babae o pareho.
A. homosexual
B. heterosexual
C. oryentasyong seksuwal
D. pagkakakilanlang pangkasarian
_____ 11. Ang sumusunod ay halimbawa ng karahasan sa mga kababaihan maliban sa
isa.
A. berbal
B. pisikal
C. seksuwal
D. biyolohikal
_____ 12. Ang batas na ito ay isinagawa upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for All
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women
_____ 13. Ang prinsipyo ng Yogyakarta ay binubuo ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang
mga ito?
A. Batas Pambansa

B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano

C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan


D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao
_____ 14. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado?
A. Makabayan
B. Makabansa
C. Mamamayan
D. Pagkamamamayan

_____ 15. Ang konseptong ito ay tinagurian bilang “world’s first charter of human rights.”
A. Cyrus Cylinder
B. Petition of Right
C. Universal Declaration of Human Rights
D. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
_____ 16. Ang tawag sa obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng
ating Saligang Batas ng 1987?
A. Pagsali
B. Pagpili
C. Pagboto
D. Pagtamasa
_____ 17. Ang konseptong ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa
lawak ng katiwalian sa isang bansa.
A. Participatory Governance
B. Global Corruption Barometer
C. Corruptions Perception Index
D. Progressive development Perspective
_____ 18. Kailan mo masasabing epekto ng globalisayon ang pagpapatupad ng
mura at kakayahang maka-angkop ng mga manggagawang Pilipino sa ibang
bansa?
A. kapag naipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang
bansa
B. kapag nakabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang
Pilipino
C. kung naibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa
sa pandaigdigang kalakalan
D. kung may pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng
produksiyon sa iba’t ibang bansa
_____ 19. Ang sumusunod ay naghahayag ng pagkakaiba ng babae sa lalaki maliban sa:
A. Ang pribadong bahagi ng katawan ng mga lalaki ay iba sa mga babae.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw, ang mga lalaki
ay hindi.
C. Ang lalaki ay may titi at testosterone habang ang babae ay may suso at
estrogen.
D. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay
inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
_____ 20. Ang iyong inang nagdadalang-tao ay empleyado ng Kagawaran ng Edukasyon.
Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa gobyerno
kapag siya ay nanganak na?
A. Paternity Leave
B. Maternity Leave
C. Leave for Fathers
D. Paternity Leave of Absence
_____ 21. Ang mga sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas
maliban sa:
A. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
C. yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon
D. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-
batas na ito
_____ 22. Ang mga sumusunod ay nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas, maliban sa:
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad
ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang
malayang pagpapasya.
_____ 23. Ang barangay Labnig ay nakaranas ng pagbaha, ngunit ang lokal na pamahalaan
ng barangay ay aasa pa sa pagtugon ng Panlungsod na Pamahalaan. Anong uri ng
CBDRM Approach ang inilalarawan sa ganitong sitwasyon?
A. Top-down Approach
B. Bottom-up Approach
C. Ascending Approach
D. Community-based Approach
_____ 24. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng iba’t-ibang mga tugon upang mapuksa ang
karahasan at diskriminasyon sa kasarian. Paano mo ito mapapahalagahan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng adbokasiya.
B. Sa pamamagitan ng pagrespeto sa bawat isa.
C. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan.
D. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa mga tugon ng
pamahalaan laban sa karahasan at diskriminasyon sa kasarian.
_____ 25. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan nang ating paggamit ng ating mga
karapatan. Alin dito ang nagpapakita ng kahalagahan ng paggamit ng ating
karapatan para bumoto?
A. maaaring mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto
B. ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ipaglalaban ang ating mga
interes
C. upang maiwasan natin na masangkot sa mga kaguluhan at karahasan tuwing
eleksyon
D. upang mailuluklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang
kagamitan
_____ 26. Batay sa iyong mga natutunan, alin sa mga sumusunod ang nagpalala sa
kawalan ng trabaho na maaaring humantong sa krisis pang-ekonomiya sa
kasalukuyan?
A. Hindi pagkakaunawaan ng Tsina at Estados Unidos.
B. Pag-aagawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
C. Paglaganap ng Corona Virus Infectious Disease (COVID-19).
D. Paglaganap ng sistemang kapitalismo sa maraming bansa sa mundo.
_____ 27. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga
mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan
ang mga mamamayan.
B. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring
magdulot ng kapahamakan.
C. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at
tulong sa mga maaapektuhan.
D. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
_____ 28. Batay sa mga naging talakayan sa klase, alin sa ibaba ang naging dahilan
ng pagtaas ng ekonomiya sa Gitnang Silangan na siyang dahilan sa
pagtaas din ng pandarayuhang pagtatrabaho sa rehiyong ito noong 1973?
A. iba’t ibang proyektong konstraksyon
B. pag-unlad at pagtaas ng presyo ng langis
C. pangangailangan sa mga babaeng manggagawa
D. pagsabak sa Digmaang Golpo at ang pananakop ng mga Iraqi
_____ 29. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay
para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga
kababaihan?
A. pinahahayag ang opinyon ng kababaihan
B. pinaghuhusay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan

C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan


D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa
kababaihan
_____ 30. Ang mga sumusunod ay gampanin ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala maliban sa:
A. paglahok sa civil society
B. politikal na pakikilahok tulad ng pagboto
C. Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at ang mga mamamayan ng
Mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.
D. Pagsasawalang imik sa mga gawaing makabuluhan kagaya ng mga diskurso sa
pamamahala upang matugunan ang mga hamong panlipunan.

You might also like