You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Rizal

TERESA NATIONAL HIGH SCHOOL


Teresa, Rizal

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: ______________________________________________ LRN: ______________________________
Taon at Pangkat: _______________________ Petsa: ___________ Iskor: ______________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
(Globalisasyon 1-20)
_____1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Malawakang pagbabao sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomiya sa mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at pulitika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mamamayan sa
buong mundo.
D. Proseso ng pagdalaoy at paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na
nararanasan sa ibat’t ibang bahagi ng daigdig.
_____2. Ano ang pangyayaring lubusan nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
_____3. Suriin ang mga sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interprestasyon.
A. Globalisayon ang susi sa suliraning lipunan.
B. Globalisayon ang sentro ng suliraranin ng pamumuhay ng tao
C. Saklaw ng globalisasyon ang aspetong ekonomikal, political at kultural.
GLOBALISASYON
D. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng
tao.
_____4. Dahil sa mabilisang ugnayan at paglipat ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig, Ang _____________ay
mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at mga institusyong panlipunan.
A. Paggawa B. Migrasyon C. Terorismo D. Globalisasyon
_____5. Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at mga perennial institutions na matagal nang naitatag. Alin sa nasa ibaba ang hindi kabilang sa mga
perennial institutions na ito?
A. Pamahalaan B. Simbahan C. Paaralan D. Pamilihan
_____6. Suriin sa mga sumusunod ang pahayag na hindi nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa tahanan.
A. Si Nanay Merling na nakikipag-usap sa kanyang anak na nasa ibang bansa gamit ang messenger.
B. Si Juan na buong araw na lang nakatutok sa panonood sa telebisyon.
C. Si Bunso na nakikipaglaro ng taguan sa kanyang mga kalaro sa loob ng kanilang bahay.
D. Si Tatay Ador na inaayos ang kanilang nasirang aircon at kompyuter.
_____7. Suriin sa mga sumusunod ang pahayag na hindi nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa paaralan.
A. Ang guro sa Araling Panlipunan na laging gumagamit ng projector sa pagtuturo sa kanyang mga klase.
B. Si Joseph na nahihilig sa pagbabasa ng mga libro sa silid-aklatan ng kanilang paaralan.
C. Ang paggamit ng cellphone ng mga mag-aaral habang oras ng klase at nagsasalita si teacher.
D. Ang magkaibigan na tuwing walang teacher ay nagbabasa ng mga aralin sa kanilang cellphone.
_____8. Itinuturing din ang globalisasyon bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga
_____________________. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tinutukoy nito.
A. Mamimili B. Kompanya C. Samahang Pandaigdig D. Bansa
_____9. Maaring suriin ang Globalisasyon sa iba’t ibang anyo maliban sa isa. Ano ito?
A. Sikolohikal B. Ekonomikal C. Teknolohikal D. Sosyo-kultural
_____10. Alin sa mgapangungusap sa ibaba ang kumatakatan sa pahayag ng “binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga mangagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ng kalidad ng mangagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
D. Paghulog,Pagbabayad at pagwiwidraw gamit ang mga Automatic Teller Machine (ATM)
____11. Bakit itinuturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
C. Naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binabago at hinahamon ang pamumuay at mga “perennial” na institusyon na matagal nang
naitatag.
____12. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansaang globalisasyon.
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.
D. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na nagdudulot ng kapinsalaan at
panganib
____13. Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad.
A. Offshoring B. Outsourcing C. Nearshoring D. Onshoring
____14. Maaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano Ito?
A. Inshoring C. Onshoring
B. Offshoring D. Nearshoring
____15. Ito ay ang mabilisang ugnayan ng mga bansa, samahang rehiyunal, at maging pandaigdigang organisasyon na
kumakatawan sa kani-kanilang pamahalaan.
A. Globalisasyong Ekonomikal C. Globalisasyong Sosyo-Kultural
B. Globalisasyong Teknolohikal D. Globalisasyong Politikal
____16. Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Piliin sa ibaba ang hindi kabilang sa mga solusyon na inyong pinag-aralan.
A. No Passport, No Travel Policy C. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
B. Guarded Globalization D. Pagtulong sa Bottom Billion
____17. Alin sa mga sumusunod sa nasa ibaba ang nagsasaad ng pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang-proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
A. Pagtulong sa Bottom Billion B. Guarded Globalization C. Fair Trade D. Subsidies
____18. Ang liberisasyon ay kalakalang walang taripa at kota. At karamihan sa mga bansa ngayon ito ay kanilang
ipinatutupad. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot nito sa ekonomiya ng isang bansa, maliban sa?
A. Pamumuhunan ng mga dayuhang negosyante
B. Pagkakaroon ng empleyo ng mga walang trabaho.
C. Pagbabayad ng mataas na bahagdan ng buwis ng mga mamamayan
D. Paghubog sa kasanayan ng mga manggagawa dahil sa teknolohiya.
____19. Isa sa mga anyo ng organisasyong pang-negosyo ay Multinasyunal o Transnasyunal, paano maituturing na
ang negosyo ay isang multinasyunal?
A. May operasyon ng mga produksiyon at pagbebenta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
B. Hindi ito nagdudulot ng polusyon, aksidente at di makataong gawain labor conditions.
C. Pangunahing tagapagsulong ng ekonomikong globalisasyon at neo-liberal na polisiya.
D. Maliit ang kita at capital ng mga korporasyong ito kaysa sa maraming bansa sa daigdig.
_____20. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa aplikasyon ng siyentipikong pamamaraan upang mapadali ang gawain.
Paano nagdulot ng hindi mabuting epekto ang teknolohiya sa kabila ng pagpapabilis nito ng oras at pagpapalapit
nito sa mga malalayong lugar.
A. Lumaganap ang kultura ng konsumerismo o pagkahumaling sa pagbili ng material na bagay.
B. Umusbong ang kultura ng kaahasan tilad ng terorismo, hacking, child pornography, cyber bullying.
C. Nagging banta ang dominasyon ng mga Amerikanong industriya ng entertainment at advertising na unti-
unting lumilipol sa mga kultura ng iba’t ibang komunidad sa mundo.
D. Lahat ng nabanggit.

(Isyu sa Paggawa 21-34)


______21. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible
labor. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhuna na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang
magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na
malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng manggagawa.
D. Ito ay paraan ng pagpapatupad na palakihin pa ng mga internasyunal na kumpanya at kanilang tax at tubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mataas na pasahod at walang limitasyon sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
______22. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kanilang pinapasukang kumpanya o trabaho
subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang
subcontracting?
A. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
B. Pagkuha sa isang ahensiya o individual na subcontractor sa isang maggagawa sa loob ng mas mahabang
panahon.
C. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa
pagsasagawa ng isang trabaho o serbisyo.
D. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
_______23.mahalagang maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod
at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito
maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kumpanya at kapitalista
B. Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga
ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalismo o may-ari ng kompanya sa
pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
_______24. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupat ng mga karapatan ng mga manggagawa.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_______25. Ano ang tawag sa pagtitiyak ng paglikha ng mga sustenableng trabaho, Malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace para sa manggagawa.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_______26. Paghihikayat sa mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mekanismo para
sa proteksiyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_______27. Ito ang paglikha ng mga collective bargaining unit upang palakasin at lagging bukas na pagpupulong sa
pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at mga kompanya.
A. Employment Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Worker’s Rights Pillar D. Social Protection Pillar
_______28. Sino manggagawa ang nakakaranas na hindi pantay na oportunidad at mas vulnerable sa mga pangaabuso?
A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor ng Serbisyo
B. Sector ng Industriya D. Sector ng DOLE
_______29. Bunsod din ng globalisasyon mas nagiging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas
pinatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhan at local na kompanya at korporasyon sa bansa. Ano ang
tawag sa ganitong uri ng paggawa?
A. Labor-only contracting C. Iskemang Subcontracting
B. Contractual Project based D. Probationary Workers and learners
______30. Paano nakakatulong ang mga OFW sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa?
A. Sila ay nagtratrabaho sa ibang bansa upang bayaran ang mga pagkakautang ng bansa.
B. Dahil sa kanilang kasipagan ay nakikilala ang bansa at dinarayo tayo ng maraming turista.
C. Dahil sa ipinapadala nilang dolyar kung bakit patuloy ang pag-unlad ng ating bansa.
D. Sila ang dahilan kung bakit umuunlad ang bansa sa kabilang ng maraming problema
_______31. Isang uri ng pagtatrabaho na kung saan ang sub-contractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang
trabaho at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya
A. Job-Contacting C. Labor-only Contracting
B. Apprentice Learners D. Contractual project Based worker
_______32. Isa sa isyung kinakaharap ng ating bansa sa paggawa na kaugnay ng pagdami ng unemployment at under-
employment. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pinakawasto?
A. Ang nililikhang trabaho ay para lang sa mga nagsipagtapos ng kolehiyo.
B. Maraming kurso sa mga higher education institustion (HEIs) at kolehiyo.
C. Ang Patuloy ng paglaki ng bilang ng job-skills
D. Pagkakaroon ng job-mismatch
______33. Paano nakakaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng manggagawa sa pangkasalukuyan?
A. Hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan ng entry requirement.
B. Hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng pagpili ng mga
manggagawa.
C. Patuloy ng paglaki ng mga job-mismatch sa bansa na maituturing na krisis batay sa ulat ng DOLE sa kanilang
records.
D. Lahat ng nabanggit.
_______34. Ano ang mabuting epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?
A. Pagpapatupad ng iba’t ibang flexible working arrangements base sa ILO.
B. Naiiwasan ng mga kompanya ang hindi magbayad ng mga benipisyo ng SSS at iba pa.
C. Hindi na sila kasali sa Collective Bargaining Agreement dahil ang kanilang gawain ay labor-only.
D. Hindi na pinapayagan na sumapi sa alinmang organisasyon o union sapagkat ang kanilang trabaho ay
pansamantala lang ang kanilang security of tenure.
______35. Kung ikaw ay magiging Pangulo ng Pilipinas, ano ang tama mong gagawin upang mabawasan ang mga isyu
sa paggawa sa bansa? Piliin sa ibaba ang pinakatamang dapat gawin?
A. Gumawa ng mas maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
B. Magpanukala ng batas na papayagan ng senado at kongreso.
C. Mas palawigin at paramihin ang mga benipisyaryo ng 4P’s ng pamahalaan.
D. Magpanukala at pumirma ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

( Migrasyon 36-50)
_______36. Ano ang Migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa isang
lugar pansamantala man o permanente.
______37. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang
inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers
ng mga industriyang nabanggit.
A. Migration transition C. Peminisasyon ng globalisasyon
B. Globalisasyon ng Migrasyon D. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
______38. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa?
A. Tirahan C. Edukasyon
B. Turismo D. Hanapbuhay
______39. Ano ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang permit para
magtrabaho na sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Irregular Migrants C. Temporary Migrants
B. Permanent Migrants D. Acquired Migrants labor
______40. Sila naman ang mga taong nagtatrabaho sa mga bansang kanilang pinuntahan at may kaukulang papepeles
at manirahan nang may takdang panahon.
A. Irregular Migrants C. Temporary Migrants
B. Permanent Migrants D. Acquired Migrants labor
______41. Ang mga OFW na may layunin sa pagpasok sa ibang bansa na hindi lamang upang magtrabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya kalakip ditto ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

A. Irregular Migrants B. Permanent Migrants C. Temporary Migrants D. Acquired Migrants labor


______42. Dahil sa migrasyon ay tila nagkaroon na ng konseptong _____________ kung saan inaako na ng lalaki ang
lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina (kung ang ina ang nangibang bayan o bansa.
A. house boy B. super man C. house daddy D. house husband
______43. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang pangunahing naitutulong ng mga remittance ng mga OFW sa
kanilang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas?
A. Pag-ahon sa ng pamilya sa kahirapan. C. Pagpapagawa ng bahay para sa pamilya.
B. Pagkakaroon ng sasakyan ng pamilya. D. Pantustos sa pagpapaaral sa mga anak.
______44. Ang mga sumusunod ay mga isyung kalakip ng migrasyon na banta sa kalagayan ng mga migrante maliban
sa isa. Piliin ito sa ibaba.
A. Forced Labor B. Slavery C. Kontraktuwalisasyon D. Human Trafficking
______45. Alin sa mga sumusunod ang pinakanararapat gawin upang hindi mabiktima ng human trafficking?
A. Mag-apply sa mga recruitment agency na masyadong maliit ang bayad papunta sa ibang bansa.
B. Sumama sa kakilala o kaibigan na mag iillegal migrants sa ibang bansa upang makapagtrabaho.
C. Magtungo sa tamang ahensya ng gobyerno at magtanong ng mga trabaho at kung paano mag-apply.
D. Humingi ng tulong sa mga sindikatong nagtatawid ng mga gustong makapunta sa ibang bansa.
______46. Kung isa kang OFW sa Kanlurang Asya na nakakaranas ng matinding pang-aabuso ng iyong amo, ano ang
iyong pinakatamang gawin?
A. Makipagtalo at sabihin na wala siyang karapatan na abusuhin ka pa dahil hindi ka niya pag-aari.
B. Sumigaw at humingi ng tulong sa mga upang marinig ng mga kapitbahay.
C. Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay humingi ng tulong sa kapwa OFW o sa embahada ng Pilipinas.
D. Labanan o gantihan ang iyong mapang-abusong amo upang hindi ka na niya abusuhin pang muli.

Tama O Mali: (Migrasyon) isulat sa bawat patlang ang letra ng tamang sagot. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang
ideya ng pangungusap, MALI naman kung ito ay mali.

__T___47. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging polisiya tungkol sa pambansang
seguridad ay naapektuhan ng isyu ng migrasyon.
___T__48. Ang Migration transistion ay nagaganap kapag ang kasanayang bansang pinagmulan ng mga dayuhan ay
nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
___M__49. Sa usaping Migrasyon hindi masyadong binibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan sa pangingibang
bansa. Sa datos ng nagdaang panahon, ang labour at migration refugees ay binubuo lamang ng mga manggagawang
lalaki.
___T__50. Kapag ang lalaki ang nangingibang bansa hindi masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad
ang pinag-uusapan sa dahilang patuloy na ginagawa ng babaeang kanyang responsibilidad bilang asawa.

“Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng nag-eexam.


Hindi tumitingin sa iba, kahit nahihirapan na.”

Inihanda nina:

JERICK DL. TEODORO


MARK ALVIN R. MALAYA
ROBERT CATAPUSAN
Guro, Araling Panlipunan 10

You might also like