You are on page 1of 4

1.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?

A. bi-sexual C. gender B. transgender D. sex

2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki.

A. sex C. bi-sexual B. gender D. transgender

3. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

A. pang-aabuso C. pagsasamantala B. diskriminasyon D. pananakit

4. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog
Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay
ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?

A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law

5. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations
at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?

A. South Africa C. Uganda B. Pakistan D. United Arab Emirates

6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang
kababaihang tinutukoy sa batas na ito?

A. Kababaihan na may edad 15 pataas


B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.

7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit
nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag
na:

A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual

8. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga
Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga
Tchambuli ay:

A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente


B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at
naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili,
at mahilig sa kuwento.

9. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang
1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang
kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.


_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban
sa mga Hapon.

_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna
Carta of Women.

_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng
mga lalaki.

A. 1,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2

10. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.

A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.


B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.

11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang
China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong
pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng
mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging
hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?

A. Babaylan C. Lotus Feet B. Purdah D. Dowry

12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.

A. Pambubugbog
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki
C. Sexual Harassment
D. Sex Trafficking

13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized
Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in
especially difficult circumstances?

A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.


B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
15. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima
ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?

A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala


B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal

16.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.

KUMILOS MGA KALALAKIHAN

Noel Cabangon

Titik at Musika

Kumilos mga kalalakihan

Makiisa laban sa karahasan

Maging kasama, kapatid, at kaibigan

Ano ang mensahe ng awit na ito?

A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan. B. Ang mga babae ay mahina at
kailangang alagaan ng kalalakihan. C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang
karapatan ng kababaihan D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila
dapat saktan at paglaruan

17. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?

A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.


B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.

19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga
bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong
gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.

20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa
Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?

A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT


B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.

You might also like