You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.Gumamit ng isang buong
papel.(intermediate paper)

1. Ayon sa World Health Organization (2014), ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki,isa sa mga katangian nito ay hindi ito nagbabago.
A. gender B. heterosexual C. homosexual D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki,kadalasan ito ay kakikitaan ng inekwalidad.
A. gender B. heterosexual C.homosexual D. sex
3. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian,mga lalaki na mas gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.Ano ang tawag sa kanila?
A. bisexual B homosexual C.gay / bakla D. heterosexual
4. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha .
A. bisexual B. homosexual C. gay / bakla D. heterosexual
5. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.Ang tawag sa kanila ay ________.
A. bisexual B. homosexual C. gay / bakla D. heterosexual
6. Sa panahong pre-kolonyal,ano ang tawag
sa mga babae na tinatago sa mata ng publiko,itinuturing silang prinsesa,hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang magdalaga.
A. asog B. binukot C. babaylan D. catalonan
7. Sa panahong ito,limitado pa din ang karapatan ng mga kababaihan.Ito ay dahil sa sistemang legal na kanilang dinala sa
ating bansa,nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
A. Panahong Pre – Kolonyal B.Panahon ng Espanyol C.Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Hapon
8. Sa panahong pre-kolonyal,sa simula ang mga babaylan ay babae lamang,ngunit ng lumaon mayroon na ding lalaking
babaylan,hindi lamang nagbibihis – babae kundi nagbabalat-kayo ring mga babae upang ang kanilang mga panalangin
umano ay pakinggan ng mga espiritu.Ano ang mahihinuha sa pahayag?
A. mas pinapakinggan ang mga lalaki ng mga anito
B. hindi pantay ang karapatan ng mga babae at lalaki
C. may boses na ang kababaihan sa panahong pre-kolonyal
D. mayroon ng pantay na karapatan ang mga babae at lalaki
9. Sa panahong ito nagsimula ang pampublikong paaralan na bukas sa kababaihan at kalalakihan at binigyan ng karapatan sa
pagboto ang mga kababaihan.
B. Panahong Pre – Kolonyal B.Panahon ng Espanyol C.Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Hapon
10. Sa kasalukuyang panahon,mayroon ng gender and development,gender equality kahit na sa mga miyembro ng LGBT.Ano
ang mahihinuha mo sa pahayag.
A. pantay na ang karapatan sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan
B. pagbibigay ng higit na karapatan at oportunidad sa mga kababaihan
C. pagbibigay ng higit na oportunidad sa mga miyembro ng LGBT
D. pagbibigay ng pantay na karapatan at oportunidad sa babae,lalaki at miyembro ng LGBT
11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kalalakihan sa tradisyonal na lipunan?
A. sumusunod sa mga pagpapasya ng kanilang kabiyak
B. may karapatang magpakasal sa kapwa nila lalaki
C. gumagawa ng mga pambahay na gawain tulad ng pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga ng kanilang mga anak
D. naghahanapbuhay upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
12. Si Julie ay isang housewife na may tatlong maliliit na anak. Ang kaniyang asawang si Jimmy ay naghahanapbuhay sa
malapit na pagawaan ng sapatos. Isang araw, nagsara ang pinagtatrabahuhan ni Jimmy at nawalan siya ng hanapbuhay.
Mula sa sitwasyong ito, ano ang maaring mangyari na makabubuti para sa pamilya nina Julie at Jimmy?
A. kapwa susubukan ng mag-asawa na maghanap ng ikabubuhay
B. hahayaan ng mag-asawang wala silang hanapbuhay sa loob ng anim na buwan
C. aasa ang kanilang pamilya sa mga kamag-anak upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan
D. kahit malakas ang pangangatawan nito, pipiliin ni Jimmy na maging househusband habang ang kaniyang asawa ay
housewife
13. Ang FGM ( Female Genital Mutilation ) ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan ng walang benepisyong
medikal.Maaring maapektuhan ang kababaihan sa iba’t – ibang aspeto maliban sa?
A. emosyonal B. sikolihikal C.pinansyal D. sosyal
14. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit isinasagawa ang FGM.
A. paniniwalang panrelihiyon
B. paniniwalang hindi magtataksil ang babae
C. paniniwalang mas maganda ang kababaihan na sumailalim dito
D. paniniwala na mapapanatili nito na walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal
15. Ibigay ang mga pisikal na kumplikasyon na dulot ng FGM.
A. impeksyon sa ihi B. hirap sa panganganak C.hirap sa pakikipagtalik D. vaginal cysts
16. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri,eksklusyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala,paggalang,at pagtatamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. diskriminasyon B.pang-aapi Cpangungutya D.pagmamalupit

Araling Panlipunan Grade 10 - Mga Kontemporaryong Isyu Page 1 of 3


17. Ano ang ipinaglaban ni Malala Yousafzai?
A. ang adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan
B. mabigyan ng pagkakataon na makapagmaneho ang mga babae sa Saudi Arabia
C. makaboto ang mga babae sa Kuwait
D. makapaglakbay ang mga kababaihan sa Yemen
18. Ano-ano ang mga naging reaksyon ng mga tao sa pag-atake kay Malala?
A. nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan
B. naglaan ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae
C. ginawaran siya ng iba’t-ibang parangal
D. nakapagpatayo ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae
19. Bilang isang mamamayan,ano-ano ang mga aral na maari mong makuha sa buhay ni Malala?
A. pagbutihin ang pag-aaral
B. makapagtapos ng pag-aaral
C. ipaglaban ang karapatan ng mga batang babae sa usapin ng edukasyon
D. pahalagahan ang edukasyon na tinatamasa ko ngayon
20. Sa kasalukuyang panahon nauuso ang tinatawag na house husband,ano ang implikasyon nito?
A. kaya na din ng mga lalaki ang gawaing bahay
B. ayaw na ng mga babae na gumawa ng gawaing bahay
C. pantay na ang kababaihan at kalalakihan pagdating sa gawaing bahay
D. pinakikita nito ang pagkakapantay ng mga kababaihan at kalalakihan sa lahat ng aspeto ng buhay
Mga pagpipilian sa mga aytem 21 – 30
A. pisikal na pang –aabuso
B. emosyonal/sikolohikal na pang-aabuso
C. ekonomik / pinansyal na pang-aabuso
D. sekswal na pang-aabuso
Anong uri ng karahasan ang mga sumusunod na sitwasyon:
21. Sa konting pagkakamali na nagagawa ni Bella ay nakakatikim siya ng pananampal mula sa kanyang ama.
22. Matagal ng mag-asawa sila Martin at Macy ngunit sa hindi malaman na dahilan nagbago ang ugali ni Martin at pinipilit niya
ang kanyang asawa na makipagtalik sa kanya kahit labag ito sa kalooban.
23. Sa sobrang galit ni Aries sa kanyang asawa bigla niya itong tinutukan ng baril.
24. Matagal nang hiwalay sila Jon at Sheryl ngunit nakakatanggap si Sheryl ng mga tawag mula kay Jon na siya ay papatayin.
25. Si Alma ay ginahasa ng kanyang dating kasintahan.
26. Si Elsa ay sinusuntok at sinasampal ng kanyang ama sa tuwing ito ay lasing.
27. Kamakailan lamang kinasal si Anna at Kristoff,dahil sobrang seloso ng asawang lalaki,madalas niya na ipinapahiya si Anna
kapag may nakikita ito kausap na iba at madalas at kinukulong siya nito sa bahay.
28. Mababanaag ang matamis na pagmamahalan sa magkasintahang Belle at Maui,ngunit sa pagdaan ng panahon nagbago
ang ugali ni Belle at napagdesisyonan ni Maui na makipaghiwalay, ngunit hindi natutuloy dahil sa tuwing susubukan niya ay
nagbabanta si Belle na magpapakamatay.
29. Dahil sa kagandahang taglay ni Moana,maraming kabinataan ang humahanga sa kanya.Maraming nagtetext at
nagpepersonal message sa kanya na hindi naman niya kakilala at ang ikinatatakot niya ay alam ng mga ito ang kanyang
ginagawa,kung sino ang kanyang kasama at kung saang lugar siya naroroon.
30. Si Ricky ay miyembro ng LGBT,dahil sa hindi matanggap ng kanyang ama na siya ay bakla,lagi siya nitong inuuntog para
matauhan.
31. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito ni Ban Ki – Moon,“LGBT rights are human rights” ?
A. ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao
B. ang mga LGBT ay may karapatang-pantao
C. may pantay na karapatan ang lahat ng tao
D. ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
32. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta
Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
D. bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
33. Sa Pilipinas,nahalal si Geraldine Roman,isang transgender,bilang kinatawan ng lalawigan ng Bataan.Ang sitwasyong ito ay
pang – ilan sa Yogyakarta Principles?
A. 4 B. 16 C.12 D. 25
34. Ayon sa Prinsipyo ____ng Yogyakarta Principles, ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong
nag-uugat at sanhi ng oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian.
A. 4 B. 16 C. 12 D. 25
35. Si Rico ay miyembro ng LGBT,siya ay CEO ng isang kompanya sa Amerika na kilala sa paggawa ng armas.Ang sitwasyong ito
ay nakapaloob sa prinsipyo ____ ?
A. 4 B. 16 C.12 D. 25
36. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan
at pampamilya.
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC)

Araling Panlipunan Grade 10 - Mga Kontemporaryong Isyu Page 2 of 3


B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW)
C. Yogyakarta Principles
D. Magna Carta for Women
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa mundo?
A. wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan
B. sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan
C. itaguyod ang tunay na pagkakapantay –pantay
D. magkaroon ng pantay na karapatan ang kababaihan at mga LGBT
38. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Dahil dito ano ang
inaaasahang gagawin ng Pilipinas sa isyu ng diskriminasyon sa kababaihan.
A. ipagpatuloy ang stereotyping
B. pahintulutan ang mga patakarang umaagrabyado sa kababaihan
C. ipagpatuloy ang mga naunang batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
D. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa kababaihan pamamagitan ng iba’t-ibang hakbang kondisyon at karampatang
aksiyon
39. Ang Violence Against Women and Child ( VAWC) ay isang public crime kaya’t hindi lang biktima ang maaring magsampa ng
kaso.Sino sa mga sumusunod hindi pwedeng magsampa ng kaso?
A. abogado B. kamag-anak C. abusado D. kapitbahay
40. Si Fe ay 35 taong gulang,may asawa,may 5 anak na nasa edad 1,4,5,6 at 8.Madalas siyang bugbugin ng asawa na walang
trabaho (tambay)at lasinggero.Siya ang tanging nagtatrabaho sa kanyang pamilya bilang isang labandera.Isang gabi
,bugbog sarado na naman si Fe.Tumakbo siya sa kanyang nanay.Napag-isipan niya na kailangan na nyang humingi ng
tulong.Ano ang unang hakbang na maari niyang gawin?
A. counseling B. medical assistance C. legal assistance D. financial assistance
41. Ano ang mga naging tugon ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon?
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC) C. Yogyakarta Principles
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW) D. Magna Carta for Women
42. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,nagbibigay lunas at proteksiyon sa
mga biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC)
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW)
C. Yogyakarta Principles
D. Magna Carta for Women
43. Sino-sino ang maaring bigyan ng proteksiyon ng Anti – VAWC?
A. kababaihan at mga anak B.kababaihan C.kababaihan at nanay D. kababaihan at mister nito
44. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-
unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
C. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC) C. Yogyakarta Principles
D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW) D. Magna Carta for Women
45. Ito ay tumutukoy sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan
namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
A. Marginalized Women C. Women in Especially Difficult Circumstances
B. Women with Disabilities D. Working Women
46. Ito ay tumutukoy ito sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.
A. Marginalized Women C. Women in Especially Difficult Circumstances
B. Women with Disabilities D. Working Women
47. Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC) C. Yogyakarta Principles
B.Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW) D. Magna Carta for Women
48. Alin sa mga sumusunod ang kasunduan na ginawa para sa mga miyembro LGBT?
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC) C. Yogyakarta Principles
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW) D. Magna Carta for Women
49. Alin sa mga sumusunod ang kasunduan na ginawa para sa mga kababaihan?
A. Anti – Violence Against Women and Their Children Act(Anti – VAWC) C. Yogyakarta Principles
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women(CEDAW) D. Magna Carta for Women
50. Bilang isang mag-aaral, anong hakbang ang maari mong gawin para isulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian?
A. maging open minded sa mga isyung may kinalaman sa babae.lalaki at lgbt
B. magsagawa ng campaign na may kinalaman sa isyu sa kasarian
C. makilahok sa mga symposium na tumalakay sa kasarian
D. manguna sa pagpapalaganap ng impormasyon

Araling Panlipunan Grade 10 - Mga Kontemporaryong Isyu Page 3 of 3

You might also like