You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARA NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
Lungsod ng Dabaw
ARALING PANLIPUNAN 10 – MGA KONTEMPORARYONG ISYU
2nd Quarter REVIEWER

Ano ang Globalisasyon

 Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis
ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Mahalaga ang globalisasyon sa buhay ng tao dahil nagbigay-
daan ito mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t-
ibang panig ng daigdig. Ang globalisasyon ay isyung panlipunan dahil tuwiran nitong binago at
hinamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag. Sinasabi na
isa sa mga ugat ng pag-usbong ng globalisasyon ay ang paghahangad ng isang maayos na buhay
at oportunidad.

 Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang


intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.

 Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago
at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay
matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin
nito.

 Ang sumusunod ang pinakamabisang pagtugon ng globalisasyon:


A. Mga Skilled Workers ang mangagawang nagtatrabaho sa loob at labas ng bansa.
B. Gumagamit ng Responsible Media ang mga kabataan sa kasalukuyan.
C. Globally Competent ang mga mangagawang nandarayuhan.

Perspektibo at Pananaw

1. Ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan
Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.
2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’
na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon
kung kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang
siklong pinagdaanan nito.
3. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula
ang globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina.
a. Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century) - Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng
Islam at Kristiyanismo)
b. Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century) - Pananakop ng mga Europeo
c. Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo( late 18th-
early 19th century) - Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-daan sa
globalisasyon

Page 1 of 6
d. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 - Rurok ng Imperyalismong
Kanluranin
e. Post-World War II - Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo
f. Post-Cold War - Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbigay-
daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa
pangunguna ng United States

4. Ikaapat na pananaw, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong


pangyayaring naganap sa kasaysayan.

Mga Anyo ng Globalisasyon

1. GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Multinational at Transnational Companies

Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang


TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na
rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T.
consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell,
Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay
sensodyne at panadol).

Ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang


kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi
nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever,
Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota
Motor, Dutch Shell, at iba pa.

Outsourcing

Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang


kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng
isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit
card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-
outsource mula sa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang.
1. 1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng
mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng
mga outsourcing companies mula United States, at mga bansa sa Europe na makatipid sa
mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng serbisyo sa mga
kompanya mula sa bansang Asyano tulad ng India at Pilipinas.
2. 2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na
ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man
pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.
3. 3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na
mababang gastusin sa operasyon.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon


Nang makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa
ang pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang
sa kasalukuyan.

Page 2 of 6
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis
na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis
na transaksiyon sa pagitan ng mga tao

GLOBALISASYONG POLITIKAL

Nabuo ang mga pandaigdigang organisasyon ng mga bansa na sumusunod sa mga internasyunal na
mga polisiya.

NEGATIBONG epekto ng globalisasyon:?


 Dahil sa paglaganap ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa Nalulugi ang mga lokal na
industriya dahil sa mahigpit na kompetisyon.
 Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong dayuhan.

Positibong epekto:
 Bumilis ang palitan ng mga produkto, ideya at mga kahusayang teknikal.
 Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng mga
impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at
patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyokultural
 Nariyan ang iba’t ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa
ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.
 Dumarami ang outsourcing companies na nagbibigay trabaho sa mga mamamayang Pilipino

MGA ISYU SA PAGGAWA

 Job mismatch – magtrabaho kahit na hindi angkop sa kasanayan dahil sa walang ibang
mapasukang trabaho. Ang mga tao ay may pagkakataong makapag-aplay sa isang
bakanting posisyon subalit hindi kwalipikado sa diskripsiyon ng trabaho. Matutugunan ito
Pagsasaayos ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas at paglikha ng mga trabaho.
 Kontraktwalisasyon - nagpapatuloy ito dahil Sobra-sobra ang ganansyang nakukuha ng
mga kapitalista at nakakatipid na sila sa gastusin sa paggawa at nakakaligtas pa sila sa
mga pananagutan sa mga manggagawa.

Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa


Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga manggagawang kontraktuwal/kaswal. Hindi sila
binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular. Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS,
PhilHealth at iba pa. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining
Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring magbuo o sumapi
sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang kanilang security of tenure. Maliban pa rito,
hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga manggagawang
nasa empleyo ng isang ahensya

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)


Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan,
pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw
ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-
ekonomiyang sistema sa daigdig.

Page 3 of 6
UNEMPLOYMENT

Dahilan ng Unemployment:
D. Mabilis na paglaki ng populasyon at kakulangan ng oportunidad dahil sa di sapat na
kakayahan.
E. Ang unemployment ay sitwasyon kung saan ang mga manggagawa ay walang mapasukang
trabaho kahit sila ay may sapat na kakayahan at pinag-aralan.
F. Ang pamahalaan ay magpapatupad sa alin mang polisiya ng expansionary monetary policy
at expansionary fiscal ayon sa pangangailangan at kakayahan ng bansa.
G.

Uri ng unemployment:
Voluntary, Frictional, Casual, Seasonal, Structural, Cyclical at Technological

Mura at flexible labor


 Ito ay paraan ng mga kapitalista na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mabababng pagpapasahod at paglilimita sa panahon
ng paggawa ng mga manggagawa.
 Kinakailangan itong matugunan upang Higit na maunawaan ang napapanahong isyu na
may kinalaman sa suliranin sa paggawa.

Labor-only Contracting. Walang sapat na puhunan ang subcontractor upang gawin ang trabaho o
serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may directang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin
ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain
ng kompaya;

Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho
at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa
mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito
ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.

iskemang subcontracting - Ito ang sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

MIGRASYON

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Ang dahilan ng
pag-alis o paglipat ay kalimitang mauugat sa sumusunod:
 hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang
pamumuhay;
 paghahanap ng ligtas na tirahan;
 panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa;
 pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.

Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang
inflow, entries or immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa
na madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa
bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.
Ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock
naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.

Page 4 of 6
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga
bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States
ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang
pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin
America at Aprika.

2. Mabilisang paglaki ng migrasyon


Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng
daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga
destinasyong bansa.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon


Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang
nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees
migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-sabay. Bukod sa nabanggit,
mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants.

Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.

Temporary migrantsnaman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa


na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may
takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at
mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan permanent
migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal


Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang
usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa
pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.

5. Paglaganap ng ‘migration transition


Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa
iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain, Morocco,
Mexico, Dominican Republic at Turkey.

6. Peminisasyon ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang
panahon, ang labour migration at refugeesay binubuo halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang
1960, naging kritikal ang ginampanan ng kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang
mga manggagawang kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at
Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon


Forced Labor, Human Trafficking and Slavery

Page 5 of 6
Terms:
 Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon
 Iskemang Subcontracting - Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
 Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
 MNC- multinational corporations
 Mura at Flexible Labor - Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
 Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan
maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng
pagpapahayag
 Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na
magpapalaki ng kanilang kita.
 Perennial institutions - matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng
pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan
 PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng Department of Labor and Employment
o DOLE upang ilatag ang mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas at sa
mga susunod pa na mga taon.
 Prosumers - tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o serbisyo maging ito man ay
bagay o ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya
 Subsidiya- tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong pinansyal at
serbisyo.
 Self employed without any paid employee – tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa
sinasabing vulnerable employment.
 TNC- transnational corporations
 Unpaid family labor – uri ng paggawa na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro na hindi
palagian ang sahod o sweldo (DOLE)

Page 6 of 6

You might also like