You are on page 1of 7

Araling Panlipunan

(first quarter)

MGA LAYUNIN

1. Maipaliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu:


2. Masusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa
lipunan at daigdig ; at
3. Makikilala ang mga primarya at sekundaryang sanggunian pati ang mga uri ng
pahayag: katotohanan (fact), opinyon (opinion), pagkiling (bias), hinuha
(inference), paglalahat (generalization), at konklusyon (conclusion)

Konsepto ng Kontemporaryong Isyu

Ang Salitang KONTEMPORARYO ay ginagamit sa iba’t - ibang konteksto.

1. Naglalarawan sa panahon mula ika- 20 dantaon hanggang sa kasalukuyan


2. Tumutukoy sa panahon sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan
3. Ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan

Ang ISYU naman ay nangangahulugan ng mga:

1. Paksa
2. Tema
3. Suliraning nakakaapekto sa lipunan

Kontemporaryong isyu ang tawag sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o


gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa
kalasalukuyang panahon.

Ito ay maaring may kaugnayan sa iba’t ibang tema tulad ng lipunan, karapatang pantao,
relihiyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, pananagutang pansibiko, at
pagkamamamayan.

Para maituring ang isyu bilang kontemporaryong isyu ito ay:

- Mahalaga at makabuluhan
- May malinaw na epekto o impluwensiya
- Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya
- Mga temang napag-uusapan at maaring may maganda o positibong impluwensiya
o epekto sa lipunan

1
Aspekto ng kontemporaryong Isyu

- Kahalagahan
- Pinagmulan
- Perspektibo o pananaw
- Mga pagkakaugnay
- Personal na damdamin
- Epekto
- Maaring gawin

Mga kasanayang kailangan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu

1. Pagkilala sa primarya at sekondaryang sanggunian


2. Pagtukoy sa katotohanan at opinyon
3. Pagtukoy sa pagkiling o bias
4. Pagbuo ng hinuha, paglalahat at konklusyon

Some benefits of studying contemporary issues

- It helps us become part of the global village


- It leads us to build informed opinions
- It stimulates discussion
- It helps us establish more personal relationships
- It helps us learn about cultural relativism

Climate Change

Mga layunin:

1. Maipaliwanag ang aspektong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng Climate


Change
2. Matatalakay ang iba’t ibang programa, polisya, at patakaran ng pamahalaan at ng
mga pandaigdigang samahan tungkol sa climate change
3. Matataya ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng
tao sa bansa at daigdig.
4. Matatalakay ang iba’t-ibang pamamaraan ng paglutas sa suliranin ng climate
change.

2
Greenhouse gasses:

- Water vapor/tubig-singaw
- Carbon dioxide
- Methane
- Nitrous oxide
- Chlorofluorocarbons (CFC)
- Hydrochlorofluorocarbon (HCFC), hydrofluorocarbons (HFC), perfluorocarbons
(PFC)
- Sulfur hexafluoride

POLITIKAL, PANG-EKONOMIYA AT PANLIPUNANG ASPEKTO NG CLIMATE CHANGE

Iba’t ibang programa, polisiya at patakaran ng pamahalaan at ng mga pandaigdigang


samahan tungkol sa Climate Change

● Earth Summit
● United Nations Framework Convention on Climate Change
● United Nations Climate Change Conferences (COP)
● Kyoto Protocol
● Paris Agreement
● Republic Act 9729 / Climate Change Act of 2009
● Budget Tagging
● Pagbuo ng mga ECOTOWN
● Paggamit ng Climex Exposure Database
● EO 174 (climate mitigation policy)
● Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and Reporting System

Epekto ng climate change

● Weather pattern
● Extreme weather events
● Pagtaas ng lebel ng dagat
● Produksiyon sa agrikultura
● Wildlife
● Bleaching
● Paglaganap ng mga sakit

Mungkahing Paraan Upang Tugunan ang Climate Change

● Carbon sequestration
● Pagbabawas sa pagkonsumo ng mga fossil fuel
● Mga international na kasunduan
● Kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, negosyo, mga kabayahan at mga
indibidwal

3
Mga kalamidad at panganib sa komunidad at bansa

Bagyo/tropical cyclone

● Ito ay tumutukoy sa malakas na hanging kumikilos nang paikot na madalas ay


may kasamang malakas at matagal na pag-ulan
● Public storm warning signal ay ang mga babalang inilalabas ng PAGASA upang
malaman ang mga detalye tungkol sa bagyong parating
● PSWS 1-5
● Klasipikasyon ng Bagyo

Storm surge

● Ito ay ang hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig dagat na kaugnay


ng low pressure weather system gaya ng mga tropical cyclone at malalakas na
extratropical cyclone.

Storm tide

● Ang water level ng dagat ay


tumataas dahil sa kombinasyon ng
storm surge at astronomical tide.

4
Baha

● Kapag tumataas ang tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng
tubig na ang resulta ay ang pag-apaw nito sa lupa
● Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan,
pagbabara ng mga daluyan ng tubig, pagkakalbo ng kagubatan

Flash flood

● Ang biglaang pagragasa ng agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato,
kahoy at iba pa.

Land slide

● Pagguho ng lupa kapag tuloy tuloy ang buhos ng malakas na ulan sa matataas na
lugar, pagputok ng bulkan o paglindol.
● Maari ring magkaroon nito dahil sa quarrying. Pagkaputol ng mga puno sa
kagubatan.

Pagputok ng bulkan

● Sa halos 200 na bilang ng bulkan sa Pilipinas, ito ang ilan sa mga aktibo rito.
● Mayon, Taal, Pinatubo, Banahaw, Bulusan, Iriga - Luzon
● Kanlaon, Biliran - Visayas
● Matutum, Ragang, Calayo, Hibok-Hibok - Mindanao

Lindol

● Ito ay ang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at


pagbabangaan ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan ang mga
pwersang naiipon sa mahabang panahon.
● Intensity (Katindihan) - tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar
● Magnitude (Kalakasan) - nasusukat gamit ang seismograpo upang matukoy ang
enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol.

Buhawi

● Tinatawag ding alimpuyo, tornado, o ipo-ipo. Ito ay karaniwang nabubuo kasama


ng thunderstorm.
● Ang mga buhawi ang sinasabing pinaka mapaminsalang bagyo ng kalikasan.
Lumilitaw ang mga ito at walang babala.

5
Tsunami

● Ang mga lindol, pagputok ng bulkan, at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng
dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng bulalakaw, at pagsubok ng mga
kagamitang nukleyar o atomiko sa karagatan ang maaaring maging sanhi nito.

Epidemic, endemic, pandemic

● Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit nang
mas mabilis kaysa sa normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar.
● Ang mga halimbawa nito ay tigdas, dengue, malaria, diarrhea, cholera, flu virus

Gawain na nagdudulot o nagpapalala sa kalamidad

● Polusyon (Hangin, Tubig, Lupa)


● Deporestasyon
● Pagmimina at Quarrying
● Paninirahan sa estero, baybayin ng ilog o dagat
● Pagtangging lumikas ng mga tao

Flood alerts

- Yellow rainfall advisory - 7.5mm to 15mm na ulan sa susunod na isang oras at


inaasahang magpapatuloy ito, binibigyang babala na maaaring bumaha sa mga
mabababang lugar
- Orange rainfall advisory - 15mm to 30mm na buhos ng ulan sa susunod na isang
oras. Nagbabadya na ang pagbaha sa mga pamayanang nakakaranas ng pag-ulan
- Red rainfall advisory - 30mm at mahigit pa sa loob ng isang oras, agarang
paglikas tungo sa mas ligtas na lugar ang ipinapayo rito

The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (The Philippine Disaster
Act of 2010)

“An Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System,
Providing for the National Disaster Risk Reduction and Management Plan, Appropriating
Funds Therefore and for Other Purposes”

The State Shall develop, promote, and implement a comprehensive National Disaster
Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) that aims to strengthen the capacity
of the national government and the LGU’s, together with partner stakeholders, to build
disaster resilience in communities, and to institutionalize arrangements and measures
for reducing disaster risks, including projected climate risks, and enhancing disaster
preparedness and response capabilities at all levels.

6
Ang Disaster Risk Mitigation (Disaster Risk Reduction) ay naglalayong mabawasan ang
pinsalang bunga ng mga sakuna, lalo na ng mga likas na panganib (natural hazards) o
kalamidad tulad ng lindol, baha, at bagyo. Ito ay nagsusulong ng Tamang paghahanda at
wastong pag-iwas sa mga sakuna at kalamidad.

Layunin ng disaster risk mitigation

● Pagpapatupad ng mga building code at matitibay na disenyo ng impraestruktura


● Pagpapalano ng maayos at sustainable na paggamit at pamamaha ng lupa,
kabilang na ang pagbabawas o pagpigil ng mga konstruksyon sa mga seismec fault
lines, sa mga baybaying rehiyon na madalas tamaan ng storm surge, at mga
tabing-ilog na madalas bahain
● Pagpapakalap ng kamulatan at kaalaman tungkol sa kalamidad.

Mga Ahensya ng Pamahalaan na Katulong ng NDRRMC

● Dept. of Social Welfare and Development


● Dept. of Interior and Local Government
● Metropolitan Manila Development Authority
● Dept. of Education
● Dept. of Health
● Dept. of Public Works and Highways
● Dept. of National Defense
● Dept. of Environment and Natural Resources
● Phil. Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

You might also like