You are on page 1of 277

SOUTHERN LUZON TECHNOLOGICAL COLLEGE FOUNDATION. INC.

Ramon Santos St. Brgy 33, Peñaranda, Legazpi City

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Legazpi City

Modyul
sa
Filipino
10

Prepared By:
Sarah Broncano
Teacher
MODYUL 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MEDITERRANEAN

I – Panimula
Ang Dagat ng Mediterranian ay matatagpuan sa pagitan ng Europe, hilaga ng Africa, at
timog-kanlurang Asia. Sinasaklaw ny Mediterranean ang dalawampu’t dalawa na ibat’
ibang bansa mula sa tatlong kontinete nf Africa, sa kontinente naman ng Asia – Cyrus,
Isarael, Lebanon, Syria at sa kontinente ng Europe – Albnia, Bornia at Herzegovina,
Croatia, France, Greece, Italy, Malta, Monaco, Montenegro, Slovenia, Spain at Turkey.
Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng Sistema ng pagsulat na
nagpabago at humubog sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang pagsulat
mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon tungo sa likhang-sining at
panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterraean ay nagin batayan ng iba’t ibang uri
ng panitikan sa buong mundo.
Sa pagkatatapos ng Modyul 1, inaasahang mauunawaan at mapahalagahan
moa ng mga akdang pampanitikang makaimpluwensiya sa buong daigdig tulad ng
mitolohiya ng Rome, sanaysay ng Greece, parabulang mula sa Syria, nobela at
maikling kuwento ng France, epiko ng Mesopotamia (iran) at tula ng Egypt. Mallinang
mo rin ang iyong kasanayan sa gramatika at retorika. Masusi mong mapag-aralan ang
mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw, mga piling
pang-ugnay sa pagsalaysay, panghalip bilang panuring sa mga tauhan, mga hudyat sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, pagpapahayag ng mga emosypn, paggamit ng
mga pananda sa mabisang paglalahad. Pagkatapos mong mapag-aralan ang lahat ng
mga ito, malalaman mo kung paano nakatutulong ang paggamit ng gramtika at retorika
sa pagunawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
(panitikan at iba’t iabgn uri ng teksto). Mapatutunayan mo kung masasalamin b ang
kaugalian, uri ng pamumuhay, paniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa
kanilang mga akdang pampanitikan. Mahahambing mo ang mga banyagang panitikan
sa ating sariling panitikan. Tiiyak na ang lahat ng iyong pag-aaralan sa modyul na ito ay
mapapaunlad sa iyong pagkatuto at pagkatao, at mapapalawak sa iyong pananaw
bilang mamamayan ng Pilipinas at ng daigdig.
II – Panimulang Pagtataya
Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. Dagli c. alamat
b. Epiko d. mitolohiya
2. Katutubong panitikan sa Pilipnas na nagsasalaysay ng kabayanihan at
supernatural na mga pangyayari.
a. Mito c. alamat
b. Epiko d. mitolohiya
3. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid
a. Pastoral c. soneto
b. Elehiya d. dalit
4. Mga kwentong madalas na hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na
landas ng buhay.
a. Dagli c. pabula
b. Nobela d. parabola
5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak
na paksa?
a. Dula c. sanaysay
b. Tula d. maikling kwento
6. Isang uri ng kwento na ang higit na binibigyan halaga o diin ay kilos o galaw,
ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan
a. Kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. Kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan
7. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay
buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
a. Motilohiya c. alamat
b. Epiko d. korido
8. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kuna-unahang
dakilang likha ng panitikan.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Iliad at Odyssey d. Beowulf
9. Hayun dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay
nagpapakita ng halimbawa ng relasyon __________________.
a. Layunin at resulta c. paraan at resulta
b. Paraan at layunin d. sanhi at bunga
10. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang
lugar_______________, karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang
susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat
gamitin upang mabuo ang pangungusap.
a. Tiyak c. dahil sa
b. Tuloy d. kung gayon
Para sa bilang 11 at 12
Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap:
11. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang Makita niya ang labas na
paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche
a. Aksiyon c. pangyayari
b. Karanasan d. Proseso
12. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche
a. Aksiyon c. pangyayari
b. Karanasan d. proseso
13. “Hindi matatalo ng sinuman ang taong iyan.” Anong konstruksyong gramtikal
ang gamit sa pangungusap upang maipahayag ang emosyon?
a. Pariralang nominal c. negatibong ekspresiyon
b. Tanong retorikal d. ekspresiyong digri ng kasukdulan
14. Ang Pangulo ng pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo.
Maliban sa paaralan at palaruan, _______________ rin ang nagpatayo ng
ating simbahan. Kaya naman, ang parangal na Pilantropo ng Taon ay
karapat-dapat lamang para sa kaniya. Anong mga panghalip panao ang
maaring isulat sa patlang.
a. Ito c. ikaw
b. kami d. siya
15. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak
kaya’t nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y ama,_____________
napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskuro ang angkop sa
patlang?
a. Sa wakas c. sa dakong huli’y
b. Pagkaraa’ y d. pagdating ng panaho’y
16. Lubhang nalibang si Marko sa pakikisayaw kaya’t mag-iikapat na ng
madaling-araw naang silang mag-asawa’y umuwi. Taning isang lumang dokar
na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar isang_________________.
a. Maliit na Bangka c. pampasaherong dyip
b. Lumang kotse d. kalesa
17. ____________naangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Alin ang tamang isulat ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbaabgo o pag-
iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala
18. Ang tauhang si Frolio sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang
paring nag-aalaga sa kubang si Quisimoto. Paano siya ipinakilala bilang
kontrabida sa akda?
a. Stereotype c. tauhang bilog
b. Hindi stereotype d. tauhang lapad
19. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano
binigyang-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng pangungusap?
a. Nagtataglay ng talinghaga c. maraming taglay na kahulugan
b. Taglay ang literal na kahulugan d. lahat ng nabanggit
20. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang_______________.
a. Amo c. Diyos
b. Bathala d. siga
III – YUGTO NG PAGKATUTO

Tuklasin

Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang ubos mong maunawaan,
mapahalagaan, at masuri ang panitikang Mediterranean. Gayundin upang masuri mo
kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwal at kultura ng mga
bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang pampanitikan. Malalman mo rin kung
paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na gramatika at retorika sap ag-
unawa at pagpahalaga sa mga tekstong nagbibigy impormasyon (panitikan at ibat ibang
uri ng teksto).
Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa mga paksang iyong
pag-aaralan. Magiging batayan ito ng guro kung paano ka tutulungnan o paanong higit
na pagyayamanin ang iyong kaalaman. Subukin mong isagawa ang kasunod na
gawain.

Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Bilang pagpapahalaga sa ilang akda mula sa ibat ibang bansa. Natiro ang isang
gawaain na susubok sa iyong kaalaman. Gaano na ang alam mo sa kilalang akda ng
ibang bansa. Piliin sa kolum B anong uri ng panitikan ang mga pamagat ng akdang
nasa Kolumn A. Isualt sa sagutang papel

Kolum A Kolum Bz
_______1. Cupid at Psyche A. epiko
_______ 2. Gilgamesh B. mitolohiya
_______ 3. Ang Kuwintas C. Tula
_______ 4. Alegoryo ng Yungib D. Nobela
_______ 5. Ang Kuba ng Notre Dame E. Maikling kuwento
_______ 6. Ang Tusong katiwala F. Parabula
_______ 7. Ang Tinig ng ligaw Gansa G. Pabula
H. Sanaysay
Gawain 2: Salamin ng Impluwensiya
Suruin mo ang lawak ng impluwensiya ng pantikang mula sa Mediterranean sa
kaugalian, pamumuhay, kultura at paniniwala ng mga Pilipino

Kaugalian

Pamumuhay Kultura

Paniniwala

Aralin 1.1

Layunin:
❖ Naiuugnay ang mga kahulugan ng mga salita batay sa
kayarian nito (F10PT-lb-61)
❖ Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa
nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
(F10PT-lb-62)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian: TG. 5-7
LM p. 14-20 Mitolohiya mula sa Rome-Italy Cupid
b. Iba pang kagamitang Panturo
• NAgkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
• Panitikang pandaigdig p. 23-24
Panitikan: Cupid at Psyche isinalaysay ni Apulelus
Wika: Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang Aksyon, Karanasan at
Pangyayari

LINANGIN

Naririto ang mga aralin na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
mapahalagahan, at masuri ang panitikang Mediterranean, gayundin upang maunawaan
mo kung masasalamin baa ng kaugalian, uri ng pamumuhay, paniniwala at kultura ng
mga bansa sa Mediterranean sa knilang mga akdang pampanitikan. Malalaman mo rin
kung paano makatutulong ang paggamit ng mga angkop na gramtika at retorika sa pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon.

Panimula

Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome,


gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin lamang ito sa
kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasan, sining, at panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na kanilang
sinakop. Isang patunay nito ay ang kanilang mitolohiya mula sa Rome. Bagaman ang
mga ito ay halaw lamang mula sa mga Greek, binigyan ito ng bagong mukha at lalong
pinagyaman ng mga taga-Rome. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang
pinagbatayan ng mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya,
astrolohiya, sining, at panitikan sa buong daigdig.
Ang Aralin 1.1ay tungkol sa klasikong mitolohiya mula sa Rome, Italy. Itatampok
ang “Cupid at Psyche” na isa sa mga pinagmulan na mito mula sa Rome. Makikilala
moa ng iba’t ibang diyos at diyosa na pinaghugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buog daigdig. Sa pagtatapos ng aralin ito, ikaw ay
inaasahang makapagsasalaysay ng mito at maibahagi ito sa klase batay sa sumusunod
na pamatayan: a. wastong pagbigkas b. hikayat sa madla, at c. tinig.
Aalamin mo rin kung paano mabisang magagamit ang pandiwa sa
pagpapahayag at pagsalaysay ng mg aksiyon, karanasan, at pangyayari buhat sa
binasang mito o iba pang kauri nito. Pag-aralan mo rin kung paano nakatutulong ang
mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa kasunod na mga Gawain, tuklasin kung may alam ka na tungkol sa pandiwa


at mitolohiya. Alamin kung nauunawaan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya
mula sa Rome sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino, at paano nakatutulong ang
pandiwa sa pagpapahayag ng mga karansan, at pangyayari?
Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katanigan ng mga diyos
na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa patlang sa tapat ng
Kolum A. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Kolum A Kolum B
_________1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati
ang sagisag niiya
_________ 2. Cupid B. Diyos ng propesiya, araw, at
musika
_________ 3. Mercury C. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng
kaharian sa ilalim ng lupa
_________ 4. Pluto D. Hari ng mga diyos at kalawakan
_________ 5. Jupiter E. Diyos ng pagmamahal at
sinasabing anak ni Venus
F. Mensahero ng mga diyos at kilala
rin sa tawag na Hermes ng mga
Greek
.
Gawain 2: Alam- Nais- Natutuhan
Gayahin ang pormat talahayan sa sagutang papel at isulat ditto ang hinihiling na sagot
sa sumusunod
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya at angkop na gamit ng pandiwa
bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya at angkop na gamit
ng pandiwa bilang aksyon, karanasan at pangyayari?
Natutuhan: Batay sa talakayan, anu ang natutuhan mo tungkol sa mitolohiya at angkop
na gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan, at pangyayari?
(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa mitolohiya)
Marahil ay nasiyahan ka sa iyong natuklasang mga bagong kaalaman. Magiging
kapana-panabik pa ang mga sumusunod mong gawain.
Babasahin at uunawain ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Mitolohiyang mula sa Rome
upang iyooong matuklsan kung paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa
pagpaunlad ng Panitikang Pilipino?

Alam mo ba ?
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng
mga mito/myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula
sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galling sa salitang latin na mythos at mula
sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw
sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na
Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at
takot ng mg sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga
katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin ditto ang nakatatakot
na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat,
baha, kamatayan, at apoy. It ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit
at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos,
diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalang totoong
naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang miot ay kinabibilangan ng mga kuwentong-
bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kwentong - bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa
kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan
sulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao.
Inilarawan sa kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig.
Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging
nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa
kanilang nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.
Greek Roman Katangian at Kapangyarihan taglay

Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag angpuwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyin
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng
sangkatauhan

Ang Mitolohiya ng Taga-Rome


Ang mitolohiya ng mga Taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, riwal,
at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa Sinaunang
Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan ng ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang
parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang
karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihhisan nila ng ibang katangian.
Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwla at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang
kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang pambansang epiko ng Rome at
nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin. Isinalaysay ni Virgil ang
pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang imperyo. Ito
ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang “Dalawang
Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang
makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at
Virgil sa kaniyang “Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng
Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na
may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng
magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa
mga akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga manunulat
at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon.
1. Zeus Jupiter -hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
panahon
- tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidla
2. Hera Juno -reyna ng mga diyos
- tagapangalaga ng pagsasama ng mag-
asawa,
- asawa ni Jupiter
3. Poseidon Neptune - kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng
impiyerno

5. Ares Mars - diyos ng digmaan


- buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
6. Apollo Apollo - diyos ng propesiya, liwanag,
araw, musika, panulaan
- diyos din siya ng salot at paggaling -
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva - diyosa ng karunungan, digmaan, at
katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
8. Artemis Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at
ng buwan
9. Hepphaestus Vulcan - diyos ng apoy,bantay ng mga diyos

10. Hermes Mercury - mensahero ng mga diyos, paglalakbay,


pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at
panlilinlang
11. Aphrodite Venus - diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
-Kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya
12. Hestia Vesta -kapatid na babae ni Jupiter
-diyosa ng apoy mula sa pugon

Ang mga nabanggit mula sa aklat na Mitolohiya ni Hamilton ay mahahalagang


tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong Panahong Klasiko.
Ang impluwensiya ng panahong ito’y nasasalamin sa ating panitikan noong Panahon ng
Panitikang Katutubo kung saan ang unang uri ng panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila
tulad ng alamat, mito, kuwentong-bayan, epiko, at mga karunungang-bayan. (mula sa
Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban, Panganiban,1998
Gawain 3:Magmina ng Kaalaman
Magsaliksik at alamin ang katangian ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang
pinagbatayan ng pangalan ng planeta, mga araw ng linggo, produkto o kompanya at
terminolohiya sa medisina. Alamin ang katangian o kaugnayan ng diyos at diyosa sa
mga ipinangalan sa kanila. Kopyahin ang halimbawang talahanayan o lumikha ng
sariling grapikong presentasyon.

Pangkat 1: Planeta Pangkat 3: Produkto o Kompanya


Pangkat 2: Araw Pangkat 4: Medisina

Planeta Katangian Pinagbatayang na Katangian


diyos at diyosa
Jupiter Pinakamalking planeta Jupiter pinakamalakas at hari ng
mga diyos at diyosa
Product
Dove Sabon pampaganda Venus diyosa ng kagandahan,
kalapati ang ibong
maiuugnay sa kaniya

Linangin

Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Rome. Isinalaysay ito ni Apuleius, isang manunulat
na Latino. Ito ay bahagi lamang ng nobelang Metamorphosesna kilala rin sa tawag na
The Golden Ass (donkey). Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung
paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino

Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae.
Ang pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at
sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan,
ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng
alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay wala nang mga alay,
naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa
kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid,
ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na
niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad
tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang
nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling
puso.

Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis
namang nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa
ng kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.

Gayunman, hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche sa


isang nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang
umiibig sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit
hindi ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay
niyang kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa
kani-kaniyang palasyo. Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang
nais magmahal sa kaniya.

Nabahala ang
magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring
ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay
Apollo. Hiniling niyang payuhan siya ni Apollo
kung paano makahahanap ng mabuting
lalaking iibig sa kaniyang anak. Lingid sa
kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong
si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang
sitwasyon at nagmakaawang tulungan siya.
Kaya sinabi ni Apollo sa hari na
makapangangasawa si Psyche ng isang
nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang
hari na bihisan ng pamburol si Psyche, dalhin
siya sa tuktok ng bundok at iwan nang mag-
isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang
mapapangasawa na isang halimaw, isang
ahas na may pakpak.

Labis na kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo


subalit agad pa rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si
Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat
ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng
bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang lahat sa maaaring mangyari kay
Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon, buong tapang na hinarap ng dalaga
ang kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong
kagandahan ang sanhi ng panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama.
Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche ang kaniyang mga kasama at sinabing
masaya niyang haharapin ang kaniyang katapusan.

Naghintay si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok.


Takot na takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.
Patuloy siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang
malambing na ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang
parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak.
Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan. Nakatulog
siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog, natanaw niya sa
pampang nito ang isang mansiyon na parang ipinatayo para sa mga diyos. Nagmasid-
masid siya at labis ang kaniyang pagkamangha sa kagandahan nito. Yari sa pilak at
ginto ang mga haligi, at ang sahig ay napalamutian ng mga hiyas. Nag-aalinlangan
niyang buksan ang pinto subalit may tinig na nangusap sa kaniya. “Pumasok ka, para
sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa
iyo. Kami ang iyong mga alipin,” wika ng mga tinig.

Nalibang si Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain. Buong


araw siyang inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya
nakikita. Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon.
Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating
ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon nang hindi niya namamalayan.
Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan niya. Naramdaman niya ang pagdating
ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki sa kaniyang
tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng takot na kaniyang
nararamdaman. Sa kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang lalaki kundi isang
mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may
panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong
mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika ng asawa.
“Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng
matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si
Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.

Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng


kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang
kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais
niyang ibsan ang kanilang kalungkutan at
patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa maging
siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa
siya ng kaniyang asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki
na maaari na niyang makita ang kaniyang mga
kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang
babala. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong
kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang
pabubuyo kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito,
magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “Nanaisin kong mamatay nang
isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang
kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong pagmamakaawang
hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.

Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni


Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid. Walang
mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa
mansiyon labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay nakatira sa
palasyo subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang
napangasawa ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako inilihim ni Psyche ang tunay na
pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid,
dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga kapatid.
Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang
naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi
maihahambing sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang
labis na inggit ang kanilang puso na humantong sa pagpaplano nila ng ikapapahamak
ng kanilang bunsong kapatid.

Noong gabi ring iyon, muling kinausap ng lalaki si Psyche. Nagmakaawa siyang
huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan
mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong pangako,” masidhing
paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal
kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat ni Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang
asawa na makita ang kaniyang mga kapatid.

Kinabukasan, muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang


malagim na balak sa kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa
hanggang malito na si Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan siyang
sabihin ang katotohanang bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi
niya alam ang anyo nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa
na ang asawa ni Psyche ay isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni Apollo.

Nagsisisi sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na
dapat na niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Mabait lamang daw
ang kaniyang asawa ngayon subalit darating ang araw na siya ay kakainin nito.Takot
ang nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na pagmamahal. Ngayon lamang niya
napagtagni-tagni ang katanungan sa kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang
makita ang hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito. At kung hindi man ito
halimaw, bakit ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong takot at pagkalito ang
naramdaman ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid. Isinagawa na ng
nakatatandang mga kapatid ang masama nilang balak. Pinayuhan nila si Psyche na
magtago ng punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag natutulog na ang kaniyang
asawa sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang itarak ang punyal sa dibdib
ng asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di kalayuan lamang ang
dalawa. Kapag napatay na ni Psyche ang asawa sasamahan siya ng kaniyang mga
kapatid sa pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na mahal niya ang
kaniyang asawa subalit paano kung halimaw nga ito? Nabuo ang isang desisyon sa
kaniya. Kailangan niyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa.

Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si


Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito.
Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking
ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa
unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita
kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang
kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis
na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili.
Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang
kamay, at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas
at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan ng
kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis ang balikat
nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang kaniyang pagtataksil. Lumisan ang lalaki
nang hindi nagsasalita.

Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang
lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang
talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang
lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang
asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya.

Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili.
Inipon niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat
patak ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal
sa akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche
ang kaniyang paglalakbay.

Sa kabilang banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang


kaniyang sugat. Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si
Venus at lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang
hindi man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita
kay Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi nasiyahan sa isang
mortal.

Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.


Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa
kanila ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni Psyche na wala siyang
pag-asa sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus
at ialay ang kaniyang sarili na maging isang alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa
siyang lalambot din ang puso ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit.
Nagbabakasakali rin siyang naroon sa kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na niya ang
paglalakbay.

Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas ang


diyosa. Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng
mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo,
sapagkat muntik na siyang mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong
langis na dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka
magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa
na tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang
isang malaking lalagyan na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo
niya. Inutusan niya si Pysche na bago dumilim dapat ay napagsama-sama na niya ang
magkakauring buto. Agad lumisan ang diyosa.

Tinitigan lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napaka-


imposible ng ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche
nang pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay hindi
naaawa sa kaniya, hindi ang maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng
kanilang mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga buto. Agad natapos
ang gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita. Sinabi
niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si Psyche ng
matigas na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa na
kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda.
Samantala, tiniyak ni Venus na hindi makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang
pinahihilom nito ang kaniyang sugat. Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng
mga pangyayari.

Kinaumagahan, isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay


Psyche. Pinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog.
Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog,
natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang
paghihirap. Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog. “Huwag kang
magpapakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo
lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng tupa.
Pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na halamanan ay magtutungo
dito sa ilog upang magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha ng mga
gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang
nasa tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo
ng tupa.

“May tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa nang
mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong
patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni
Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya si Psyche ng praskoat
pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita niyang
malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib ng
tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng
inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni
Psyche at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang
prasko.

Hindi pa rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang


magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng
kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa.
Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat napagod siya sa
pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit. Katulad ng mga nauna agad tumalima si
Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades.

Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang


patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas
na lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang
sumakay sa isang bangkang ang bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng
pera si Charon upang siya ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo sa
palasyo. Sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag
binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa
palasyo.

Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni Proserpine ang
kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa kaniyang
pagbaba. Gayunman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng
karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang
kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman
subalit nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.

Sa mga panahong ito ay magaling na si


Cupid. Sabik na siyang makita ang kaniyang asawa
subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap
bihagin ang pagmamahal. Kaya humanap si Cupid
ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang
bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap
niya agad si Psyche malapit sa palasyo. Agad
niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad
sinilid ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang
tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang
magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang
asawa dahil sa pagiging mausisa nito na
humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi
niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at
ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang
pagpapahirap ng kaniyang ina.
Masayang nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay
lumipad patungo sa kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na
tiyaking hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si


Venus. Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala
nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa
kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia , ang pagkain
ng mga diyos upang maging imortal. Naging panatag na rin si Venus na maging
manugang si Psyche sapagkat isa na itong diyosa. At kung maninirahan na ang
manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na muling makagagambala si Psyche sa
pagsamba ng tao kay Venus.

Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait


na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman

Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan


1. Suriin ang katangian ni Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng
bawat isa. Gawin sa iyong sagutang papel.
2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa
kanyang buhay?
3. Bakit ganon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche.
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manu
gang si Psyche?
6. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag.

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si


Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga
diyos ang ating mga panalangin!”

Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma
tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan na


magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko
ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan


sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa
ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa.
Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng
Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak
ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige
magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga


diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit
ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng
lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang
buwaya at nagsabing, “ Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”

Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan


ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap
niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay
walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.”

Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda
mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong
paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad
patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na
sina Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga
siya sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa
kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang
hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na
nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang
kinikilala kung si Bugan nga iyon.

“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami
nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si


Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy,
manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin tuturuan
ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at
pamumuhay.”

Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng
panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni
Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng
ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na
tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.

Gawain 5:Hamon sa Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong
1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?
2. NInais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
3. Ano ang Kultura ng mga Filipinio na masasalamin sa epikong ito?
4. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa mitolohiyang “Cupid
at Psyche” at Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan,” Sagutin sa tulong ng
diagram.

Nagkaroo
Cupid at n ng Anak
Psyche sina
Wigan at
Bugan
Pagkakatulad
5. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na ang mga
mitolohiya ng mga taga-Rome sa, mga mitolohiya ng Pilipinas? Pangtuwiranan
ang sagot?

Alam mo ba ?
Iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayaag ng aksiyon,
karanasan at pangyayari.
Gamit sa Pandiwa:

1. Aksiyon
May aksyon ang pandiwa kapag may actor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panalaping: -um, mag-,
ma-, mang, maki-, mag-an.
Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus

Pandiwa Naglakbay
Tumalima
Aktor si Bugan
si Psyche

2. Karanasan
• Nagpapahayag ng karansan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil
dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhuyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
damdamin/emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng
damdamin o saloobin.
Halimbawa:
a. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Karanasan Tumawa
Nalungkot
Actor si Bumabbaker
Ang lahat
3. Pangyayari
Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
a. Sumasayaw ng mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
b. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
Pandiwa Kimukulo
Nalunod
Pangyayari sa napangasawa ng kanilang anak
Isang matinding baha

Nauunawaan mon a ang iba’t ibang gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasa, at
pangyayari. Isagawa moa ng sumusunod na pagsasanay upang mahasa ang iyong
kasanayan kung paano mo mabiang magagamit ang pandiwa.
Pagsasanay 1: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa
patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginagamit bilang aksiyon, karanasan,
o pangyayari.
________1.Ginawa ni Psycheang lahat upang maipaglaban ang kanilang pagmamahal
kay Cupid.
________ 2. Labisna nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche
________ 3. Nalungkot si Bantugan s utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na
lamang.
________ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
________ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay
Psyche.
________ 6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit makuha ang panig ng mga
diyos.
________ 7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
________ 8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan ng puno.
________ 9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
________ 10. Dahil sa paghihrap natukso siyang tumalon
Aralin 1.2

LAYUNIN
❖ Nagbibiyang reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda.
(F10PB-Ic-d-64)
❖ Naitala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig. (F10PU-Ic-d-66)
❖ Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw. (F10WG-Ic-d-59)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Ang Alegorya ng Yungib


o Panitikang pandaigdig pp. 32-36
• Ang Ningning at Ang LIwanag
o Panitikang pandaigdig p. 38
Panitikan : “Ang Alegorya ng Yungib” Sanaysay mula sa Greece
“Allegory of the Cave” ni Plato

Wika : Mga Ekspresiyon sa Pahpapahayag sa Konsepto ng Pananaw

Panimula

Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad na kung minsan ay may layuning
makakuha ng ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din. Ang pangunahing
katangian ng sanaysay ay ang pagsasalita mismo ng may-akda sa akda.
Ipinapahayag ng kumatha ang sariling pangmalas, ang kaniyang pagkukuro, at
damdamin.

SaAralin 1.2, inaasahan na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at


pagpapahalaga sa sanaysay na pinamagatang

Alegorya ng Yungibna isinalin ni Willita A. Enrijo sa Filipino mula sa sanaysay na


isinulat ng Griyegong Pilosopo na si Plato, ang Allegory of the Cave.Bahagi rin ng aralin
ang pagtalakay sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na
makatutulong para sa malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing
sanaysay.
Bilang pangwakas na gawain sa aralin, inaasahang makagagawa ka ng isangphoto
essayna magtatampok sa napapanahong isyu ng alinmang bansa sa Mediterranean.
Angphoto essayay itataya sa sumusunod na pamantayan: a.) natatalakay ang isang
kalagayang panlipunan, b.) naipakikilala ang kultura ng bansac.), nailalahad ang
pananaw o kaisipan, at d.) nakasusunod sa balangkas ng isang sanaysay.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo nang may pag-unawa ang


mga pokus na tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng
kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling
pananaw? At paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag sa
pagbibigay ng pananaw?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Narito ang mga gawaing makatutulong sa iyo upang masagot ang pokus na
tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa kultura
at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw? At paano mabisang magagamit
ang mga ekspresiyong pagpapahayag sa pagbibigay ng pananaw? Gawin ang
sumusunod upang masagot ang mga tanong na ito.

Gawain 1: Tala-Kaalaman

Basahin ang ilang bahagi ng isang sanaysay. Ilahad ang pananaw/kaisipang nalaman at tukuyin kung
saan maaaring matagpuan ito sa isang sanaysay. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Anong pananaw Saang bahagi ito


Bahagi ng Sanaysay /kaisipan ang matatagpuan?
nakapaloob?
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong
ipakita ko ang isang anyo kung gaano
dapat mabatid o hindi mabatid ang tungkol
sa ating kalikasan. Pagmasdan! May mga
taong naninirahan sa yungib na may bukas
na bunganga patungo sa liwanag na
umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon
mula pagkabata, at ang kanilang mga binti
at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi
sila makagalaw, ito’y hadlang sa pagkilos pati ng
kanilang mga ulo.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin


ng dukhang panginoon.” At matututuhang
tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang
kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng
kanilang gawi?

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko;


maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon sa mga dating katuwiran. Ang
bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw
ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali
kung pagpapakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag-ahon
ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na
mundo batay sa mahina kong paniniwala.

Gawain 2:Pagtibayin ang Palagay


Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag saspeech balloonng iyong nabuong
konsepto, o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag.
Sa aking pananaw,_________________________________________ ________________________
_______________________________________________________________

Sa kab ilan g dako ,


_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ayon sa, __________________________________________________________________________


____________________________________________________________________.

Sang-ayon sa , _______________________________________________________________________
Inaasahan ko na nagkaroon ka ng kaalaman tungkol sa nakapaloob na pananaw at
kamalayang panlipunan taglay sa binasang bahagi ng sanaysay at mga ekspresiyong
ginagamit sa pagbuo ng sariling pananaw. Maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Alam mo ba na...

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan? Makikita sa salitang
“sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng
sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang
paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-
bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon namakatutulong sa pagbuo ng
sariling pananaw.

Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:


1.PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-
akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o
pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad
na pangunahing kaisipan.

3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang


palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa
katawan ng akda.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda
tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.

Halimbawa :
Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat
ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa wastong
paraan.

Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang


sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos
na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-
unawa sa sanaysay.

Halimbawa :
Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang
buong tatag.
Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo.
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.

Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa lipunan. Ang isang
mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung paano tutuklasin ang kanilang
natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng pagkakaroon ng munting
negosyo.

Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”
Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
Halimbawa:
Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito


aynakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple,

Halimbawa:

Sadyang mahirap ang buhay ngayon.

• Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di maanyo


samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita.
Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na
paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may-akda.

Halimbawa:

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kontento
na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.

Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin


nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.

Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng Maaaring masaya, malungkot,


mapanudyo at iba pa.
Linangin

Sa babasahing sanaysay na isinulat ni Plato, higit mo siyang makikilala na taglay niya


ang mataas na karunungan. Masasalamin mo rin ang pilosopiyang pinagbatayan niya
mula sa paksang kaniyang tinalakay sa sanaysay. Gayundin, bigyan mo ng pansin kung paano
nakatutulong ang sanaysay sa pagbuo ng sariling pananaw at paano ito magagamit
upang magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Ang
sanaysay na ito ay salaysay ukol sa dalawang taong nag-uusap: ang marunong na si
Socrates at ang kapatid ni Plato na si Glaucon.

Ang Alegorya ng Yungib


ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o
hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa
yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y
naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t
hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di kalayuan, sa taas at
likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang
papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad
ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may
dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang
iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba
nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili
nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat
lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung
nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay
tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa
ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may
ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino
ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na
magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa
kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo,
lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito
mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos
isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit
ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag
na pananaw- ano ang magiging tugon niya?
O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na
dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya
mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga
bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita
sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at
bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi
ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay
maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa
kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita
niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang
bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng
buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at
mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang
repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba
pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At
ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang
siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan
tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan
sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang
sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa
kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino
ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para
sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal
at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin
ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang
tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng
kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga
huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa
mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling
ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang
– alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin)
hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala
ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung
sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang
hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.

Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon
ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay
ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay
maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong
paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit
tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng
kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at
kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang
pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may
kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid
kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong


maunawaan ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw
na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa
itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan;
magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay
mapagkakatiwalaan.

Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na


pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago
siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol
sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga


paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng
liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na
magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong
kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y
maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang
bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa
isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa
liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa
kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

Matapos mong mabasa ang akda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni
Plato sa halaga ng pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng tao at
ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan. Ngayon, alam kong handa ka nang
isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong na:
Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa kultura at
kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling pananaw?

Gawain3 : Pag-unawa sa akda

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ibigay ang paksa ng sanaysay.


2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila
tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.
3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang “katotohanan” ng
mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay. Bigyang-kahulugan ang naramdaman ng
bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais
ipakahulugan ng pangyayaring ito?
4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa
liwanag na nasa labas ng yungib.
5. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon.

a. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.

b. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.

c. Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.

d. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang


nang may pagpupunyagi.

e. Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay,


kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

6. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng “katotohanan” at “edukasyon”


sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag.
7. Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang
sanaysay tungkol sa “katotohanan” at “edukasyon?” Pangatuwiranan ang iyong sagot.
8. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng sanaysay?
Patunayan.
9. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng bansang
Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?

Batay sa mga naunang gawain, napaunlad mo ang iyong pag-unawa sa isang paksa sa
tulong ng paglalahad ng iyong pananaw. Higit na magiging malinaw ang iyong pananaw sa isang
paksa o isyu kung makikilala at magagamit mo ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng
pananaw.

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Suriin ang mga pangungusap na hango sa sanaysay:


• Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng
mga imahe.
• At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na
pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal.Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago
siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol
sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Sa unang pangungusap, naipahayag ng may-akda ang kaniyang pananaw batay sa


kaniyang iniisip o sinabi. At sa ikalawang pangungusap ginamit ang ekspresiyong
Samantalana nagkaroon ng pagbabago sa unang bahagi sa ikalawang bahagi na
ginamit ang ekspresiyo.
Alam mo ba na...

may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahi-watig ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?

1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para,
sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
• Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commision On Higher
Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng
General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
• Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
• Alinsunodsa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.”
• Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang isang bayan,
taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng


• Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang
saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya.

• Sa aking pananawang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang
magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
• Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang
nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta sa
kanilang mga anak.

c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip


• Pinaniniwalaan konghigit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
• Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy
silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko


• Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang
nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
• Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na
karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.
1. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw,
tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di tulad ng naunang mga
halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang
ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
a. Sa isang banda, Sa kabilang dako
• Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya sa kanilang
pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa
kanilang lungsod.
• Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng
sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang
mamuno dito.

b. Samantala
• Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang
kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang
karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

Pagsasanay 1: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
Konsepto ng Pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng


Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. _____ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw
nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit
na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang
laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa
pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga
bata ang paglalaro ng mga marahas na internet gamelalo na’t nasa developmental
stagepa lamang ang isang bata.
5. . _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang
miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan
upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.

Pagsasanay 2: Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw


tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig na nakasulat sa kahon.

ayon sa sa palagay ko sa kabilang banda


batay sa sa ganang akin sa kabilang dako
sang-ayon sa sa tingin ko samantala
KAHIRAPAN KARAPATANG PANTAO
Pananaw:Pananaw: ______________________________
_____________________________ ______________________________
_____________________________ ______________________________
_____________________________

EDUKASYON CHILD LABOR

Pananaw: Pananaw: ______________________________


_____________________________ ______________________________
_____________________________ ______________________________
_____________________________

Aralin 1.3

LAYUNIN:

❖ Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggan parabola na naglalahad ng


katotohanan,kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-Ib-c-63)
❖ Nasusuri ang nilalaman element at kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong. (F10PB-Ib-c-63)
❖ Nabibigayang puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita ekspresyong
ginagamit ng akda. (F10PT-Ib-c-62)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Pausa: Pag-aayunong Islam


Panitikang pandaigdig pp. 45-46
• Ang Tusong Katiwal
Panitikang pandaigdig p. 47-48
• Mensahe ng Butil ng Kape
Panitikang pandaigdig p. 50-
Panitikan Ang Tusong Katiwala
Parabula Naganap mula sa Syria
Wika: Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
(Pagsisimula, Pagpapadaloy ng Pangyayari,
Pagwawakas)

Panimula

Matapos mong pag-aralan ang isa sa mga sanaysay mula sa Greece, ikaw ay
gagabayan naman ng mga mensaheng matututuhan sa akdang pampanitikan na umaakay sa
tao sa matuwid na landas ng buhay – ang parabula. Sinasabing ito ay natagpuan sa
kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa mayamang wika ng mga taga-
Silangan. Ang salitang ito ay buhat sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit ito ng
Tayutay na Pagtutulad at Metapora upang bigyang-diin ang kahulugan.

Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel,
Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasingkahulugan sa
Levant (kilala sa Arabic bilang al-sham) habang sumasaklaw sa mga modernong
estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang kaharian at imperyo. (wikipedia.org).

Ang Aralin 1.3 ay naglalaman ng parabulang pinamagatang “Ang Tusong Katiwala” mula sa
Bagong Tipan. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
– pagsisimula, pagdadaloy ng pangyayari at pagwawakas na makatutulong upang
maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob dito.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng tuntunin kung paano


magiging isang huwarang kabataan sa daigdig na batay sa sumusunod na pamantayan:
a.) nasusunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin; b.) nakaugnay sa layon ang
tuntuning nabuo, c) nagtataglay ng holistikong dulog na saklaw ang lahat ng kabataan,
at d) nagtataglay ng payak na salita ngunit madaling maunawaan at sundin na mga
tuntunin.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo ang mga pokus na tanong na:
Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang
pampanitikan? At paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysayupang
mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong
mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin sa bahaging ito at
masagot ang pokus na tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan
ang parabula bilang akdang pampanitikan? Simulan natin sa pamamagitan ng gawain
na susukat sa lawak ng iyong Kaalaman.

Gawain1: Larawan ng Buhay

Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang kaisipang


dapat mabatid sa anumang uri ng babasahin. Suriin mo ang kasunod na mga larawan.
Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?


2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?
3. Paano makatutulong ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa ugali ng isang tao?
Pangatuwiranan ang sagot.

4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong


nagpapamalas/kakikitaan ng kagandahang-asal.
Gawain 2: Bawat Pangyayari, MahalagaBasahin ang akda at itala sa kasunod na
talahanayan ang bahaging para sa iyo ay naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang-asal ng isang tao.

Puasa: Pag-aayunong Islam


Halaw sa Ingles na isinalin sa Filipino ni Elvira Estravo

Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa Pilipino at Saum sa
Arabic. Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur’an na nagsasaad ng ganito: “Kayo
na naniniwala! Ang pag-aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo,
upang inyong matutuhan ang disiplina sa sarili.”

Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang


ano mang masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog
nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng
Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam. Napili ang buwang ito dahil
dito nangyari ang unang paghahayag ng Qur’an kay Propeta Mohammad, sa
kuweba ng Hira.

Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o


grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa
puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao. Naghahanda
ng kanduli o pagkain ang bawat bahay. Kung minsan, ang mga pagkain sa iba’t ibang bahay
ay dinadala sa mosque at ipinakakain sa mga naroon. Ang kanduli at paliligo ang
simula ng gawaing Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong
buwan.

Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na may
kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na saul.
Pagkakain ng saul o kaya’y bago sumikat ng araw, lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano
mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal. Pagkakain, maaaring bumalik sa pagtulog o
magbasa ng Qur’an.

Ipinagpapatuloy ang araw-araw na gawain sa panahong ito ng puasa. Ang ila’y umuuwi nang
maaga sa bahay o nagtitipon sa mosque kasama ang mga kaibigan, nagbabasa ng
Qur’an o nag-uusap ukol sa relihiyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtsitsimis.

Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw. Sa ilang pagkakataon, ang pagtigil ng pag-
aayuno ay ginagawa sa bahay ng datu o sinuman sa komunidad na boluntaryong
maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembukaang paghahandang ito.
Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal

Gawain3: Isalaysay ang Nangyari


Gamit ang story frame, isalaysay ang mahahalagang pangyayaring nagaganap sa
panahon ng pag-aayuno o puasa. Sikaping makagamit ng angkop na piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay tulad ng unang, sunod, saka, sumunod na araw, sa dakong huli.
STORY FRAME
KUWADRO 1 (Pagsisimula)

KUWADRO 2
(Pagpapadaloy ng Pangyayari)

KUWADRO 3 (Pagwawakas)

Alam mo ba na...
ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan? Realistiko ang
banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi
at maaaring may sangkap ng misteryo.

Inaasahan ko na nagkaroon ka ng pagpapahalaga at pag-unawa sa binasang


parabula at kung paano nakatutulong ang pang-ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensahe ng parabula. Maaari mo nang ipagpatuloy ang
pag-aaral!

Linangin

Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan
mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na
tanong na: Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang
akdang pampanitikan?

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang
katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5)Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya
ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis
po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin
mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7)At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi
niya. ‘Isulat mo, walumpu.’8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang
ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng
paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
9)At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin
ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan. 10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking
bagay. 11)Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong
ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12)At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang
para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at
hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat
sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid
sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso.
Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng
Diyos.
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa
pamamagitan ng pagkilala sa damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula.
Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.
1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
5. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay
sa inyo ng talagang para sa inyo?”

lungkot galit panghihinayang


pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan

Gawain 5: Pag-unawa sa Akda


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.
2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala
para sa iyong negosyo?
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa
kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?

Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita sa mga gawaing ito. Ang
susunod mo namang babasahin ay isang tekstong nagsasalaysay. Unawain ang nilalaman nito at
bigyang pansin ang mensahe upang mapahalagahan ito bilang isang akdang pampanitikan.
Mensahe ng Butil ng Kape
“The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean”
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang


nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak
ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa
sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap
na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya
papunta sa kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano
mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila ang nakasalang na mga palayok.
Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa
pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na
aking inilahok?” tanong ng ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.


Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit
ang anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.


Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya
ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang
itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.


“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng
carrot, itlog, at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit
iba-iba ang naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag


subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot
na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na
balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging
matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang
ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito
ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay
katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka
tutugon? Ikaw ba ay magiging
carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay
naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay
nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang
itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit
kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay
nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala.
O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig?
Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang
kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng


pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid
mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay


sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang
maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng
positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape…”
katulad mo mahal na ama.

Gawain 5: Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.

1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok
sa kumukulong tubig.
2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng
maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

• Sa pagsasalaysay, gumamit ng mga pang-ugnay na nagdaragdag o nag-iisa-isa ng mga


impormasyon o pangyayari. Bigyang-pansin ang mga salitang may salungguhit
upang higit itong maunawaan.
• Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring
kinalabasan ng pangyayari.

Unang lumaban si Sulayman sa halimaw na umalipin sa mga kaawa-awang taga-


Maguindanao.Sa dakong huli si Indarapatra ang nagwagi sa laban sa mga halimaw. Sa
madaling sabi, nailigtas nina Indarapat at Sulayman ang mga taga-Maguindanao.

May pagsusulit bukas si Boboy kaya hindi siya mapakali


“O, bakit anong problema?” ang pansin ng kaniyang nanay.
“Para kang sinisilihan sa puwit, a! Nahihilo tuloy ako sa iyo. Bakit nga ba?”
“E, Ma, may test ho kasi ako sa Math bukas,” nagkakamot ng ulong sagot ni Boboy.
“O, e ano nga problema? Kung nag-aaral kang mabuti tiyak na magiging madali sa iyo
ang test mo.”
“E, ‘yon nga ho ang problema, Ma. Hindi ho kasi ako nag-aral ng ilang araw na. “Dahil ho
kay Jenny, ang sarap kasi niyang kausap sa telepono.”
“Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ba, maliban na lang kung mag-aaral
kang mabuti, tiyak na maipapasa mo ang kahit anong test.”
“Lagot, nasermonan na tuloy ako!” at lalong napakamot na lamang sa ulo si Boboy.
Suriin ang maikling pagsasalaysay:
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang
paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga
kasunod na ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa
komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga
ito. Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali
ngayong matutukoy ang mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pang-ugnay
na ginagamit sa pagsasalaysay. Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito
upang mabatid kung paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay
upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang pampanitikan.

Alam mo ba…

Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang


pandiskurso? Narito ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaradag at pag-iisa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa
dakong huli, pati, isapa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng
kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa,
sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang
pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

Pagsasanay 1: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin


sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay.

1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala


ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang
tapayang langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
4. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo
mula sa isandaang trigo.
5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
Pagsasanay 2: Pumili ng paksana gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o
pangyayari. Salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit sa pagsulat.

Mga Paksang Pagpipilian:


1. Edukasyon

2. Pag-ibig

3. Pamilya

4. Propesyon

Aralin 1.4

LAYUNIN

❖ Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap


sa tunay na buhay. (F10PB-If-g-67)
❖ Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit
sa akda batay sa konteksto ng pangungusap.(F10PT-If-g-66)
❖ Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdigan na inuugnay
sa buhay ng mga Pilipino.(F10PU-If-g-68)
❖ Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga
tauhan.(F10WG-If-g-61)

Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Ang Kuwintas
o Panitikang pandaigdig pp. 58-64
• Kultura ng France:Kaugalian at Tradisyon
o Panitikang pandaigdig p. 67-68
Panitikan: Ang Kuwintas
Maikling Kuwento mula sa France ni Guy de Maupassant
Wika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan

Panimula

Ang France o French Republic ay isang malayang bansa sa Kanluran ng Europe. Ang
France ay pangatlo sa pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union.
Ang kapitolyo ng France ay ang Paris, ang pinakamalaking lungsod ng bansa at sentro
ng kultura at komersyo. Katulad ng iba pang bansa sa Mediterranean, mayaman sa
panitikan ang France. Ang panitikang ito ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang mga
sinaunang kaugalian tradisyon, at kultura sa kabuuan.
Sa Aralin 1.4, pag-aaralan mo ang isang maikling kuwento na pinamagatang
“Ang Kuwintas.” Uunawain mo upang masalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-
uugali ng mga taong pinanggalingan nito. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa
paggamit ng panghalip upang ikaw ay makapagsalaysay ng nabuong sariling wakas ng
kuwento sa pamamagitan ng story board batay sa sumusunod na pamantayan: a.)
nilalaman, b.) pagkamalikhain, at c.) daloy ng kaisipan.

Tutuklasin mo kung masasalamin sa katauhan ng mga tauhan sa kuwento ang


pag-uugali ng mga taong pinanggalingan ng akda. Gayundin, kung paano magagamit ang
panghalip sa mabisang pagsasalaysay.
Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranean at tuklasin ang kultura
ng mga taga-France sa pamamagitan ng kanilang maikling kuwento.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
kultura ng iba’t ibang bansa upang sa gayo’y matulungan kitang matuklasan kung
masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng mga taong pinanggalingan
ng akda at paano magagamit ang panghalip bilang panuring sa mga tauhan sa
mabisang pagsasalaysay.
Gawain1:Hanapin Mo
Tukuyin mo kung aling bansa ang nagmamay-ari ng sumusunod na larawan ng kasuotan. Piliin
ang iyong sagot mula sa mga bansang nakasulat sa loob ng kahon sa ibaba ng mga
larawan. At pagkatapos ilarawan ang kultura ng mga taong nasa larawan batay sa
kanilang kasuotan.

1. ____________ 2. ____________3. ____________ 4. ____________

5. ____________ 6. ____________ 7. ____________

a. Thailand b. France d. Vietnam f. Russia

c. India e. Greece g. Spain


Gawain 2:Pangngalan Mo, Palitan Mo

Suriin ang kasunod na talata. Mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong, piliin ang
angkop na panghalip.

Ang natural na kagandahan ni Donnalyn ay lalong tumingkad nang 1. (siya’y, ito’y, nito’y)
magdalaga. Idagdag pa ang taglay na talino 2. (niya, kaniya, siya). Kaya naman
alagang-alaga ni Aling Girlie ang anak. Inaako 3. (nito, niya, siya) ang lahat ng gawaing
bahay para hindi masira ang magagandang hubog ng mga daliri ng kaniyang prinsesa.
Hindi 4. (ito, siya, niya) tumutulong sa mga gawain sa bukid para hindi umitim ang
makinis at maputing balat 5. (nito, niya, dito). Sa kabila ng 6. (kaniyang, kanilang,
aming) kahirapan ay iginagapang nilang mag-asawa ang pag-aaral ni Donnalyn sa
isang Catholic School sa bayan.Subalit ni minsan ay hindi nagawang silipin ng ina ang
anak sa loob ng paaralan nito. Kabilin-bilinan ni Donnalyn na huwag 7. (siyang, niyang,
kaniyang) pupunta roon, higit sa lahat huwag 8. (itong, siyang, niyang) magpapakilalang
nanay 9. (niya, nito, siya). Ito’y labis 10. (niyang, kaniyang, siyang) ipinagdaramdam.

- Mula sa “Iisang Mata” ni Joselyn Calibara-Sayson

Sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral, babasahin mo ang isang maikling kuwento


na isang kuwento ng tauhan. Alam mo ba kung ano ang kuwento ng tauhan?

Alam mo ba na...

ang kuwento ng tauhan ay isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-


halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan?
Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa. Kumakatawan
siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng ano mang nangingibabaw na ideya o ng
mga kabuluhan sa kuwento. Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at
paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha.

Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng buong pagkatao ng


tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang panloob na anyo – ang isipan, mithiin, damdamin, at
gayon din sa kaniyang panlabas na anyo – pagkilos at pananalita. Nakatutulong din sa
pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa
kaniya. Ngunit sa pamamagitan na rin ng tauhan nagkakaroon ng pinakamabisang
paglalarawan ng katauhan at maipakikita ito sa kaniyang reaksiyon o saloobin sa isang
tiyak na pangyayari.
Linangin

Babasahin mo ngayon at pag-aaralan ang maikling kuwento ng France upang sa gayo’y


maunawaan mo kung masasalamin sa katauhan ng mga tauhan ang pag-uugali ng mga
taong pinanggalingan ng akda.

Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant

Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng


tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang
abang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang
siya’y makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag
na lalaki.

Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya
kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari niya’y alangan sa
kaniya ang lalaking nakaisang-dibdib sapagkat sa mga babae ay walang pagkakaiba-
iba ng katayuan sa buhay. Ang ganda’t alindog ay sapat na upang maging kapantay ng
sinumang hamak na babae ang isang babaing nagmula sa pinakadakilang angkan.

Ang isang babaing nagbuhat sa karaniwang angkan ay magiging kasinghalaga


ng mga maharlika sa pamamagitan ng pinong asal at pag-uugali, pagkakaroon ng
pang-unawa sa tunay na kahulugan ng magara at makisig at kakaibang kislap ng diwa.

Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang


isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na
maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan
niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan,
ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay
napakapangit. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang gumaganap
ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang
at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa
buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang
anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng
matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang naglalakihang
bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon. Naiisip
niya ang mahahabang bulwagang nagagayakan ng mga sedang tela ng unang panahon
na nagsisilbing palamuti, mga mamahaling kasangkapan na ang mga hiwaga at
kababalaghan ay walang kapantay na halaga, mga silid-bihisang marangya at
humahalimuyak sa bango, mga taong tanyag na pinagmimithing makilala ng balana at
makikisig na ginoong pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng
kababaihan.

Sa hapunan, sa tuwing uupo siya kaharap ang asawa sa harap ng mesang


nalalatagan ng isang kayong pansapin na tatlong araw nang ginagamit ay iba ang
laman ng kaniyang kaisipan. Kahit na naririnig niya ang malugod na pagsasabi ng
asawa pagkabukas ng supera ng “A, ang masarap na potau-feu! Aywan nga ba kung
may masarap pa riyan!” Ang nasa isip niya sa mga gayong sandali ay ang nakakainggit
na masarap na hapunan, ang mga nagkikinangang kubyertos at ang marangyang
kapaligiran. Kaagad na naiisip din niya ang mga malinamnam na pagkaing nakalagay
sa magagandang pinggan. Naiisip din niya ang mga papuring ibinubulong sa kaniya na
kunwari’y hindi niya napapansin ngunit sa katotohanan ay nakakikiliti sa kaniyang
damdamin samantalang nilalasap niya ang malinamnam na mamula-mulang laman ng
isda o kaya’y pakpak ng pugo.

Sa pakiwari niya’y iniukol siya ng tadhana na magkaroon ng mga bagay na


lubhang malapit sa kaniyang puso katulad ng magagarang damit at mga hiyas ngunit
wala siya ng mga iyon. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-
halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae.

May isang naging kaklase siya sa kumbento na naging kaibigan niya. Mayaman
iyon. Dati’y malimit niyang dalawin ang kaibigan ngunit nitong mga huling araw ay
iniwasan na niyang dumalaw roon sapagkat lalo lamang tumitindi ang kapighatiang
kaniyang nadarama sa kaniyang pag-uwi pagkatapos ng pagdalaw.

Isang gabi’y masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong pagmamalaking


iniabot sa kaniya ang hawak na malaking sobre. “Para sa iyo ito,” ang sabi sa kaniya.

Kaagad niyang inabot ang sobre at nagmamadaling pinunit ang dulo nito.
Nabasa niya ang nakalimbag na mga salitang: “Malugod na inaanyayahan ng Ministro
ng Instruksyon Publiko at ni Gng. George Ramponneau sina G. at Gng. Loisel sa isang
kasayahang idaraos sa palasyo ng Ministeryo sa Lunes ng gabi, Enero 18.”

Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ng


kaniyang asawa sa ibabaw ng mesa ang paanyaya. Bumubulong na sinabing ano ang
gagawin niya rito.

“Mahal, akala ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya. Nais ko


lamang na malibang ka, kailanma’y hindi ka nakapaglilibang at naisip kong ito’y isang
mabuting pagkakataon para sa iyo. Nagnanais makadalo ng lahat kaya’t lubha akong
nahirapang makakuha ng paanyaya. Matataas na tao sa pamahalaan ang inanyayahan
at dadalo. Piling-pili lamang ang mga panauhin. Hindi sila nagbigay ng maraming
paanyaya sa mga tagasulat.”
Pagalit na pinagmasdan ng babae ang asawa at payamot na sinabing, “Ano ang
isasampay ko sa aking likod?” Naging pauntol-untol ang sagot ng lalaki dahil sa hindi
niya kaagad naisip iyon.

“Para sa akin ay maganda ang damit mong isinusuot kung pumapasok tayo sa
teatro kaya maaari na iyon.”

Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa.
Naitanong niya kung ano ang nangyayari rito.

Pinagsikapan ng babaing mapaglabanan ang paghihinagpis at nang huminahon


na siya’y sumagot, “Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo
sa kasayahang iyan. Ipamigay mo na lang ang paanyaya sa isa mong kasamahan na
may nakahandang damit na isusuot ang asawa.”

Walang malamang gawin ang lalaki, pagkuwa’y nangusap sa asawa, “Hintay,


Mathilde, tingnan muna natin. Sa palagay mo’y magkano ang magiging halaga ng isang
bestidong magiging kasiya-siya sa iyo at maaari mo pang gamitin sa mga ibang
pagkakataon?”

Nag-isip sumandali si Mathilde. Mabilisang gumawa siya ng pagtataya kung


magkano ang maaari niyang hinging halaga sa matipid na asawa nang hindi masindak
ito at tumanggi. Nag-aatubili siyang sumagot ng “Hindi ko natitiyak ang halaga, ngunit
sa palagay ko’y maaari na ang apat na raang prangko.”

Natigilan sumandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang natitipon


niyang gayong halaga ay ipambibili niya ng isang baril na pang-ibon. Binabalak niyang
mamaril ng ibon sa Kapatagan ng Nanterre sa darating na tag-araw. Sasama siya sa
ilang kaibigang dati nang namamaril ng mga ibon doon.

Gayunpaman ay sinabi niya sa asawa, “Ayos na, ibibigay ko sa iyo ang apat na
raang prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda.”

Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya
mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong
kaniyang gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. “Magtapat
ka sa akin, anong nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo.”

Payamot na sumagot ang babae, “Mabuti pa kaya’y huwag na akong dumalo sa


sayawan. Wala man lamang akong maisusuot kahit isang hiyas. Magmumukha akong
kaawa-awa.”

“Usong-uso ang mga sariwang bulaklak sa ganitong panahon. Maaaring iyon ang
isuot mo. Sapat na ang sampung prangko upang makabili ka ng dalawa o tatlong
alehandriya.”
Waring hindi sang-ayon ang babae at ang sabi, “Hindi! Wala nang kahabag-
habag na kalagayan kung hindi magmukhang maralita sa gitna ng mga babaing
maykaya sa buhay.”

Napabulalas ang lalaki. “Napakahangal mo! Bakit hindi mo hanapin ang


kaibigan mong si Madame Forestier. Humiram ka ng ilang hiyas sa kaniya. Hindi kaniya
marahil tatanggihan dahil sa matalik mo siyang kaibigan.” Napasigaw sa tuwa si
Mathilde, “Oo nga, hindi ko naalaala ang aking kaibigan.”

Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Mahtilde. Ipinagtapat niya rito ang


kaniyang problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at
kinuha mula rito ang isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang kaibigan,

“Mamili ka, mahal.”

Ang una niyang nakita’y ang ilang pulseras, ang sumunod ay isang kuwintas na
perlas at pagkaraan ng isang krus na Benesiyanong ginto na may mahahalagang bato
at talagang kahanga-hanga ang pagkakayari. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap
ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli
o hindi. Paulit-ulit siyang nagtatanong sa kaibigan, “Wala ka na bang iba pa?”

“Aba, mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung alin ang ibig mo.” Walang ano-
ano’y may napansin siyang isang kahong nababalot ng itim na satin, nasa loob nito ang
isang kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-hanga. Sumasal ang tibok ng
kaniyang puso at nanginginig ang mga kamay na dinampot ang kuwintas. Isinuot niya
ang kuwintas sa ibabaw ng kaniyang damit na may kataasan ang pinakaleeg.

Mahabang sandaling nalunod siya sa kaligayahan sa pagmamalas sa sariling


alindog sa salamin. Pagkaraan ay nag-uulik-ulik siyang nagtanong, “Ipahihiram mo ba
ito, ito lamang?” “Oo, mangyari pa?” Mahigpit na niyakap ni Mathilde ang kaibigan,
pinupog ng halik at maligayang nagpaalam dito.

Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay


si Madame Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya, at sa
pagiging kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw sa puso ang
kaligayahan. Napako sa kaniya ang paningin ng kalalakihan at gumawa sila ng paraan
upang makilala si Mathilde. Ninais siyang makasayaw ng lahat ng kagawad ng
gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng pansin pati ang ministro.

Buong pagkahaling siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian ng


tagumpay na tinamo sa pamumukod ng kaniyang kagandahan. Tila siya lumulutang sa
ulap dahil sa paghanga ng lahat sa kaniya na napakatamis at walang katumbas sa puso
ng isang babaing katulad niya.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Hatinggabi
pa lamang, ang asawa niya kasama ng tatlong lalaking ang mga asawa’y
nagpapakalunod din sa kaligayahan, ay nakatulog na sa isang maliit na tanggapan.

Ibinalabal ng asawa sa balikat ni Mathilde ang isang abang pangginaw na


ginagamit ng mga karaniwang tao, isang pangginaw na nakapupusyaw sa karangyaan
ng pananamit ni Mathilde. Dinamdam niya ang pagkakaroon ng abang pangginaw at
ninais niyang makatalilis agad upang hindi siya maging kapansin-pansin sa ibang
babaing dumalo na nagsisipagsuot ng mamahalin nilang balabal.

Pinigil siya ng lalaki, “Hintayin mo ako rito sandali, sisipunin ka sa labas.


Tatawag ako ng sasakyan.” Ngunit hindi niya pinansin ang asawa at nagdudumali
siyang nanaog sa hagdanan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y
nagsimulang maghanap. Tinahak nila ang daang patungo sa pampang ng ilog Seine.

Kapwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pag-asang makakita pa ng kanilang


masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila sa daungan ng isa sa matatandang dokar na
dahil sa ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag ng araw ay sa pagkagat ng dilim lamang
nakikita sa mga lansangan ng Paris.

Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa kanilang tinitirhan ay malungkot


silang umakyat sa hagdanan. Tapos na ang maliligayang sandali kay Mathilde. Sa lalaki
naman ay wala siyang iniisip kundi kailangan niyang makasapit sa Kagawaran sa
ganap na ika-10:00 ng umaga.

Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang minsan


pang malasin ang kaniyang kagandahan. Napasigaw siya nang malakas. Wala sa
kaniyang leeg ang kuwintas! Nag-usisa ang asawang noon ay nangangalahati na sa
pagbibihis. “Anong nangyari sa iyo? Bakit?” Parang baliw niyang binalingan ang asawa.
“Wala ang kuwintas ni Madame Forestier.” Ang nabiglang lalaki’y napalundag halos sa
pagtayo. “Ano! Paanong nangyari? Imposible!”

Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng damit


ni Mathilde, sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba pang lugar.

Hindi nila natagpuan ang kuwintas. “Natitiyak mo bang nakasuot sa iyo nang
umalis tayo sa sayawan?” ang tanong ng lalaki. “Oo, natitiyak ko, nahipo ko pa nang
nasa pasilyo ako ng palasyo,” ang tugon ni Mathilde. “Kung iyon naman ay sa daan
nawala ay di narinig sana natin ang lagapak. May palagay akong nawala sa dokar.”

“Marahil nga. Kinuha mo ba ang numero ng dokar?”

“Hindi! At ikaw, napansin mo ba?”

“Hindi rin.”
Balisang nagkatinginan ang mag-asawa. Muling nagbihis si M. Loisel.

“Pagbabalikan kong lahat ng pinagdaanan natin. Baka sakaling makita ko.”


Nanaog na ang lalaki. Ang babae ay naghintay sa isang silya, hindi na niya inalis ang
damit na ginamit sa sayawan. Tila nawalan siya ng lakas, kahit magtungo sa kama
upang matulog. Labis ang kaniyang panlulumo, nawalan siya ng sigla at nawalan ng
kakayahang mag-isip ng anoman.

Mag-iika-7:00 na ng umaga nang bumalik ang lalaki. Nanlulupaypay siya at


ibinalita sa asawa na hindi niya nakita ang kuwintas. Sa harap ng gayong nakagigimbal
na pangyayari, si Mathilde ay maghapong naghihintay na sapupo ng di-matingkalang
pangamba.

Bumalik kinagabihan ang lalaki, pagod na pagod, namumutla at nanlalalim ang


mga mata; hindi niya natagpuan ang kuwintas. Pinayuhan ng lalaki ang asawa na
sumulat sa kaibigan nito at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at kasalukuyan
pang ipinapagawa upang magkapanahon silang makapag-isip-isip. Ginawa naman ng
babae ang payo ng asawa.

Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa


maikling panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon.

Nagpahayag ang lalaki sa asawa na kailangang isipin nila kung paano


mapapalitan ang nawalang kuwintas. Kinabukasan, ang mag-asawa’y nagtungo sa
tanggapan ng alaherong nakasulat ang pangalan at direksyon sa loob ng kahon ng
kuwintas. Hinanap ng alahero sa kaniyang talaan ang sinasabing kuwintas.

“Hindi ako ang nagbili ng kuwintas na ipinagtatanong ninyo, wala pong


nanggaling sa akin kundi ang sisidlan lamang,” ang wika ng alahero kay Madame
Loisel. Pinuntahan ng mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang makakita ng
katulad ng nawala na ang anyo ay buong pagsisikap na inalala samantalang kapwa sila
nanlulupaypay sa pagkabigo at paghihirap ng kalooban.

Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog ng


diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas.
Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa
halagang tatlumpu’t anim na libo. Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng tindahan
na huwag munang ipagbili ang kuwintas sa loob ng tatlong araw. Pinakiusapan din nila
ang may-ari ngtindahan na kung sakaling bago magtapos ng buwan ng Pebrero ay
makita nila ang nawawalang kuwintas, matapos nilang bayaran ang bagong kuwintas
ay bibilhin itong muli ng may-ari ng tindahan sa halagang tatlumpu’t apat na libong
prangko.

May namanang labingwalong libong prangko si M. Loisel sa namatay na ama.


Hiniram niya ang kapupunan nito. Gayon din ang ginawa ng lalaki. Kung kani-kanino
siya nanghiram, lumagda sa mga kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na
kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot.

Inilagay niya ang buong buhay niya sa alanganing katayuan, nakipagsapalaran


sa paglagda sa gayong hindi niya natitiyak kung matutupad o hindi ang nilagdaan at
ngayo’y nanggigipuspos siya dahil sa mga hirap na maaari pa niyang sapitin, ng
nakaambang pagdurusa ng pangitain ng bukas na puspos ng pagsasalat at paghihirap
ng kalooban. Nang matipon nang lahat ang halagang kinakailangan ay tinungo ni M.
Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang bilangan ng may-ari ng
tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko.

Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang
kuwintas. Nagsalita ito sa tuyot na tinig ng “Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka
sakaling kinailangan ko ito.” Hindi na binuksan ng kaibigan ang kahon ng kuwintas.
Naisip ni Matilde na kung sakaling nahalata ng kaibigan ang pagkakapalit ng kuwintas,
ano kaya ang aakalain at sasabihin nito sa kaniya? Hindi kaya iisiping siya’y
magnanakaw?

Ngayo’y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na


karalitaan. Nabigla man siya sa bagong papel na kailangan niyang gampanan ay
tinanggap niya iyon at buong tatag na ginampanan. Dapat mabayaran ang napakalaki
nilang pagkakautang. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang tirahan,
nagtiis sila sa pangungupahan sa isang maliit na silid sa kaituktukan ng isang bahay-
paupahan.

Naranasan ni Mathilde ang mabibigat na gawain; ang nakayayamot na


pangangasiwa sa kusina, paghuhugas ng mga pingggan, paglilinis ng mga kaldero at
kawaling mamantika, paglalaba ng mga damit, mantel, serbilyeta at pamunas.

Ipinapanaog niya sa lansangan ang kanilang kakaning baboy sa tuwing umaga


at nagpapanhik siya ng tubig na gamit nila sa itaas. Suot niya ang pananamit ng
pangkaraniwang babae, siya’y nagtutungo sa tindahan ng prutas, de lata, at sa
magkakarne. Nakasabit sa isang braso ang pangnan, nakikipagtawaran siya, nilalait at
ipinakikipaglaban ang kakarampot niyang pamalengke. May pagkakautang silang
binabayaran nang buwanan, may pinagkakautangan silang pinakikiusapan, humihingi
ng kaunti pang panahon sa pagbabayad.

Pagsapit ng gabi, habang maaga pa’y inaayos na ni M. Loisel ang talaang


tuusan ng sinumang mangangalakal na nangangailangan ng gayong paglilingkod at sa
kalaliman ng gabi sa halagang limang sentimos isang pahina na ginagawa naman niya
ang mga salin ng mga katha.

Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na mag-asawa. Sa


wakas ay nabayaran din nila ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at
nagkapatong-patong na tubo ng mga tubo.
Mukhang matanda na ngayon si Madame Loisel. Isa na siyang tunay na babae
ng mga maralitang tahanan – matipuno ang katawan, matigas ang mga laman at
magaspang ang mga kamay na namumula. Nakasabog ang kaniyang buhok at
patabingi ang kaniyang saya. Matinis ang kaniyang tinig. Nanlalamira ang sahig kung
siya’y mag-isis. Paminsan-minsan, kung nakaalis na ang asawa patungong opisina, si
Madame Loisel ay nauupo sa tabi ng bintana. Pinagbabalikan niya sa gunita ang
napakasayang gabing iyon na malaon nang nakalipas. Ang kaniyang kagandahang
naging tampok sa sayawan at naging dahilan upang siya’y maging tampulan ng
paghanga.

Ano ang maaaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino ang
nakaaalam? Tunay na ang buhay ay kakatwa at mahiwaga! Sukat ang isang maliit na
bagay upang tayo’y mapahamak at mapabuti!

Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad sa Champs


Elysees, nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain
sa bahay ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si
Madame Forestier, bata pa rin ang anyo, maganda pa ring katulad ng dati at taglay pa
rin ang panghalina.

Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. “Magandang araw sa iyo,


Jeanne.” Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan
ang palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae.

Pauntol-untol na wika nito, “Ngunit ginang, hindi ko kayo nakikilala. Marahil ay


nagkakamali kayo.”

“Hindi! Ako’y si Mathilde Loisel.”

Napabulalas ang kaibigan. “O, kaawa-awa kong Matilde! Kay laki ng ipinagbago
mo!”

“Oo nga, mahabang panahon ang ipinagtiis ko ng hirap mula nang huli nating
pagkikita, at labis na kalungkutan ang dinanas ko… at ikaw ang dahilan ng lahat.

Napamulagat si Madame Forestier, “Dahil sa akin! Paano nangyari iyon?”

“Naaalaala mo pa ba ang hiniram kong kuwintas na diyamanteng isinuot ko sa


sayawan sa kagawaran?”

“Oo, ay ano?”

“Ano pa, naiwala ko ang kuwintas na iyon.”

“Anong ibig mong sabihin? Isinauli mo sa akin ang kuwintas?”


“Isinauli ko sa iyo ang isang kuwintas na katulad na katulad ng hiniram ko sa iyo.
Sampung taon kaming nagbayad ng mga utang. Alam mo namang hindi madali sa
katulad naming mahirap ang gayong bagay. Ngunit nakalipas na ang lahat ng iyon at
ngayon ay galak na galak na ako.”

Natigilan si Madame Forestier.

“Sabi mo’y bumili ka ng kuwintas na diyamante na ipinalit mo sa hiniram mo sa


akin na naiwala mo?”

“Oo, samakatuwid ay hindi mo pala napansin. Talagang kamukhang-kamukha


iyon ng hiniram ko sa iyo.”

Ngumiti si Matilde nang may pagmamalaki, isang ngiting puspos ng kawalang-


malay katulad ng ngiti ng isang paslit. Nabagbag nang gayon na lamang ang kalooban
ng kaibigan.

“O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay


imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon
marahil ay limang daang prangko.
- Mula sa Hiyas ng Wika nina Dominguez et. al. 1990. Abiva Publishing

Gawain 3: Unawain Mo

Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit hindi masaya si Matilde sa piling ng kaniyang asawa?


2. Ano ang ginawa ni G. Loisel upang mapapayag ang asawa na dumalo sa
kasayahang idaraos ng kagawaran?
3. Ano-ano ang nais mangyari ni Mathilde sa kaniyang buhay? Natupad ba ang
mga ito?
4. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang mga pangarap
mo sa buhay?
5. Sa kasalukuyang panahon, sa iyong paligid ba ay may mga Matilde kang
nakikita? Ilarawan.
6. Anong pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ang masasabi mong tatak ng
kanilang kultura? May pagkakatulad ba o pagkakaiba ito sa ating kultura?
Patunayan.
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang panuring sa mga tauhan sa
kuwentong “Ang Kuwintas.” Nakatulong ba ang mga ito sa malinaw na paglalahad ng
mga pangyayari sa kuwento? Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito at
pagkaraan ay sagutin ang mga pagsasanay na kasunod.

Sulyapan mo ang tekstong “Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyonˮ upang


mabigyan ka ng kabuuang pananaw tungkol sa kanilang kultura at higit mo maunawaa

Kultura ng France: Kaugalian at Tradisyon


Isinalin sa Filipino ni Joselyn C. Sayson

Kadalasan ay kinakabit ang kulturang Pranses sa Paris, na sentro ng moda, pagluluto,


sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay ibang-iba
at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng Franceay
naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks, isang tribong
German. Ang
Franceay una nang tinawag naRhineland subalit noong panahon ng Iron Ageat Roman era
ay tinawag na Gaul.

Habang ang malawak na pagkakaiba ay naghiwalay sa mga lungsod at punong -


lungsod, sa loob ng nakalipas na 200 taon na digmaan – ang Digmaang Franco-
Prussian, Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig –
nagkaroon ng magkaisang lakas.

Mga Wika sa France


French ang pangunahing wika ng 65.4 milyong mamamayan, subalit may iba pang wika
ang mga rehiyon. Ang French, ang wikang opisyal ng France ay ang unang wika ng
88% ng populasyon samantalang ito naman ang ikalawang wika ng mga tao rito na hindi
Frenchang mother tongue o unang wika.

Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, nangingibabaw ito sa


mga probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemishsa
Hilagang-Silangan. Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit.

Italiannaman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basquena


ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.

Ang iba pang wika ay Catalan, Breton ( the Celtic language), Occitan dialects, at mga
wika mula sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.

Relihiyon ng France

Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France – tinatayang 80% ay nagsasabing sila ay


Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam, (karaniwang relihiyon ng mga
dayuhan mula sa hilagang Africa), Protestante, at Judaism.

Pagpapahalaga ng mga taga-France

Malaki ang pagpapahalaga ng mga taga-France sa kanilang bansa at pamahalaan at


karaniwang nagagalit kapag nakaririnig ng negatibong komento tungkol sa kanilang
bansa. Ang pag-uugali nilang ito ay karaniwang itinuturing ng mga turista lalo na ng
mga Amerikano na kawalang-galang.

Ang ekspresiyong “chauvinism” ay nagmula sa France. Bagaman ang


kababaihan ay gumaganap ng mahahalagang papel sa pamilya at negosyo, marami pa
rin ang naniniwalang ang France aymale-dominated culture.

Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki


nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.

Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang


pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite,
Fraternite.” Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-
pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang huling salita sa kanilang
motto.

Lutuin
Ang pagkain at alak ay sentro ng buhay sa lahat ng antas ng lipunan, at maraming mga
pagtitipon ang nagaganap sa isang marangyang hapunan. Palaging may tinapay sa
bawat oras ng pagkain, at karaniwan nang makakita ng mahaba, crusty
baguettes na iniuuwi sa bahay. Ang keso ay mahalaga ring sangkap ng bawat pagkaing
French.

Bagaman marami na ang pagbabago sa estilo ng pagluluto, marami pa rin ang nag-
uugnay sa kanilang lutuin sa malapot na sarsa at komplikadong paghahanda. Ang ilan sa
matataas na uri ng pagkain nila ay boeuf bourguignon – nilagang baka na kinulob sa
red wine, beef broth at nilagyan ng bawang, sibuyas at kabute – at coq au vin, ulam na
may manok, alak na Burgundy, Jardons (maliliit na hiwa ng taba ng baboy), button mushrooms,
sibuyas at maaari ring lagyan ng bawang.

Pananamit
Ang Paris ay kilala sa matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay
kilala sa hindi matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay
sopistikado kung manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style),
ngunit hindi sobra sa dekorasyon(overly fussy). Ang karaniwang damit nila ay
mahahabang amerikana, terno, mga bandana (scarves) at berets o bilog at malalambot
na sombrero.

Sining
Ang sining ay nasa lahat ng sulok ng France– lalo na sa Paris at iba pang pangunahing
lungsod – at ang impluwensiyang Gothic, Romanesque Rococoat Neoclassic ay
makikita sa maraming simbahan at iba pang pampublikong gusali. Marami sa mga
kilalang artist ng kasaysayan, kabilang ang Espanyol na si Pablo Picasso at Dutch-born
Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at sila rin ang nagpasimuno ng
impressionism movement.

Ang Louvre Museumsa Paris ay ilan sa pinakamalalaking museum at ang tahanan ng


maraming kilalang gawa ng sining, kasama na ang Mona Lisa at Venus de Milo.

Mga Piyesta at Pagdiriwang


Ipinagdiriwang ng mga taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano
tulad ng Pasko at Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day, kilala rin bilang Araw ng mga
Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alaala
sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Araw ng Bastilleay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang
fortressng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang masimulan na ang
Rebolusyon sa France.
Alam mo ba na...

ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga


pangungusap o sugnay? Ang mga pangungusap o sugnay na
ito bagaman magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-
ugnay o kohesyong gramatikal. Ginagamit na pang-ugnay na ito ay
referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.
Anganapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa
mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.Narito ang mga halimbawa ng
anapora.
1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang
sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura.
2. Ang Franceay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at
Roman era, ito ay tinawag na Gaul.

Pansinin na sa unang halimbawa, ang pangngalang Paris sa unang


pangungusap ay hinalinhan ng panghalip na ito samantalang sa ikalawang
pangungusap ang France ay pinalitan din ng panghalip na ito.
3. Hindi nakapagtataka ang matinding pagnanais ni Matilde na magkaroon ng
magarang damit para sa kasayahan. Siya ay isang babaing Frances na kilala sa
pagkakaroon ng pinakamaiinam na moda sa pananamit.
4. Marami sa mga kilalang artist ng kasaysayan, kabilang na ang Espanyol na
sina Picasso at Dutch-born Vincent van Gogh ay naghanap ng inspirasyon sa Paris, at
sila rin ang nagpasimuno ng impressionism movement.

Suriin ang mga panghalip na siya sa ikatlong halimbawa at sila sa ikaapat na


halimbawa. Ang mga panghalip na ito ay ginamit bilang panuring sa mga ngalan ng tao
na binanggit sa unahan. Ang mga ito ay mga panghalip na ginamit bilang panuring sa
tauhan.
Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga
bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.Narito ang mga halimbawa ng
katapora:

1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at alak.
Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.

2. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang isinilang
siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni
Mathildeang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.

Sa mga halimbawang binanggit ang panghalip na sila, ay ginamit bilang panuring


sa pangngalang taga-France samantalang ang panghalip na siyang at siya sa
ikalawang halimbawa ay ginamit namang panuring sa pangalang Mathilde.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa
isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng mga ito kung gagamit
tayo ng panghalip. Tandaan na ang mga panghalip ay hindi lamang ginagamit na panghalili sa
pangngalang binanggit sa unahan ng pangungusap. Ito’y maaaring ipalit sa
pangngalang nasa hulihan din ng pangungusap. Anapora ang tawag dito kapag ito ay
pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa unahan at katapora naman kapag
ito ay pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa hulihan nito. Pag-aralan
ang kasunod pang mga halimbawa ng anapora at katapora.
1. “O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.”
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathildedahil sa may paniniwala
siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan na
maidudulot ng salapi.
3. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ni
Mathilde ang paanyaya.
4. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at sinabi ni Mathilde sa asawa na,
“Ano ang isasampay ko sa aking likod?”

Ngayong napag-aralan mo na ang mga panghalip na anapora at katapora,


sagutin ang kasunod na mga pagsasanay upang lalo pang lumalim ang iyong
pagkaunawa tungkol dito.

Pagsasanay 1: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na


panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa loob ng panaklong.

1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng


tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala ___ (akong, kaming,
siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay
na maidudulot ng salapi.
3. Malimit na sa pagmamasid ___ (niya, nito, siya) sa babaeng Briton na gumaganap ng
ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihinayang at
napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng
malaking tagumpay si Madame Loisel.
Aralin 1.5

LAYUNIN
❖ Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang
diyalogo. (F10PN-Ig-h-67)
❖ Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugang ipinahahayag nito. (F10PT-Ig-h-67)
❖ Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa
kabanata(F10PS-Ig-h-69)
❖ Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod –sunod ng
mga pangyayari.(F10WG-IG-h-62)
Mga kakailanganin:
b. Sanggunian:

• Dekada ’70 (Buod)


o Panitikang pandaigdig pp. 81-83
• Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)
o Panitikang pandaigdig pp. 77-79
Panitikan: Ang Kuba ng Notre Dame
Nobela mula sa France
Wika: Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Panimula

Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of


Enlightenment sa Europe. Kilala rin ang bansa sa hindi maitatatwang kagandahan ng
estruktura ng mga gusali. Kakambal ng kagandahan ng bansa ang kagandahan ng kanilang
panitikan. Hindi mabilang na aklat at nobela ang naisulat sa France na likha ng
itinuturing na mga tanyag sa pagsulat ng panitikan.

Sa Aralin 1.5,inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


nobela na pinamagatangAng Kuba ng Notre Dame. Buod lamang nito ang babasahinna
isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang ito ay isinulat ni Victor Hugo na
itinuturing na isa sa mahusay na manunulat sa mundo. Bahagi rin ng aralin ang
pagtalakay sa mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pahayag na makatutulong
para sa malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing nobela.
Bilang pangwakas na gawain, inaasahang makabubuo ka ng dalawang minutong
movie trailer na magtatampok sa alinmang bahagi ng nobela. Ito ay itataya batay sa
sumusunod na pamantayan: a.) orihinalidad ng iskrip, b.) pagganap, c.) produksiyon,
(kasuotan/props), at d.) paglalapat ng musika/tunog.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na masasagot mo ang mga pokus na


tanong na: 1.) “Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa
kultura at kaugalian ng isang bansa? 2.) At paano nakatutulong sa pagsasalaysay ang
mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa buod ng isang nobela?”

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Makatutulong ang mga gawain sa iyo upang masagot mo ang mga pokus na tanong na:
1.) “Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at
kaugalian ng isang bansa? 2.) At paano nakatutulong sa pagsasalaysay ang mga
hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa buod ng isang nobela?”

Gawain 1: Katangian Ko… Diyalogo Ko

Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng
buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y nawala.”

Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”,


LM Grade 9, pp. 15
2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng babae.

Halaw sa nobelang “Isang Libo’t isang


Gabi (Thousand and One Nights) Saudi Arabia
3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana
mo.” (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong...) O, e, di don ka magtrabaho.
Burahin ko nang pangalan mo?”
Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”
4. “Kasalanan n’yo ang nangyari, e! Natataranta kasi kayo basta may kostumer kayong
kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya
binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino.”
Halaw sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista

5. “Walang ibang babae akong minahal.”


Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame”

Mga Gabay na Tanong


1. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan?
2. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may-akda?
3. Nalaman ba sa diyalogo ang pagkakilanlan ng isang tauhan? Patunayan.

Gawain2 : Nabasa ko… Itatala ko

Magtala ng mga nabasang akdangpampanitikan at magbigay ng isang katangian ng


akdang binasa. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot at sagutin ang gabay na tanong.

Akdang Pamagat Pinagmulang Bansa Katangian Akda


Pampanitikan
Maikling Kuwento
Sanaysay
Nobela

Mga Gabay na Tanong


1. Paano nakatulong ang akdang pampanitikan sa pagkilala sa bansang pinagmulan?
2. Anong pagkakatulad/pagkakaiba ng mga katangian ng akdang pampanitikan?
3. Ibigay ang naidulot ng pagbabasa ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa iyo bilang
mambabasa. Ipaliwanag ang sagot.
Alam mo ba na...

ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos


pang- aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at
diyalogo? Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas.
Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela
ay 1.) isang kuwento o kasaysayan, 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit ng malikhaing
guniguni.
Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan, ito’y
maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o
magbigay ng isang aral.
Mga Pangyayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari
ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng
tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa wakas.
Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan.
Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na
tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang bukambibig,
sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan
nating kilalanin at pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay
sa mga taong nakapaligid sa atin

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Nobela

1. Sa isang mahusay na nobela, ang mga tauhan ay hindi pinagagalaw ng may-akda. Sila’y
gumagalaw ng kusa–lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nang-aapi,
tumatangkilik- alinsunod sa angkin nilang lakas, mga hangarin, at mga nakapaligid sa
kanila. Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at ng
mga pangyayaring inilalarawan ng kumatha.
2. Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela ay dapat sumunod sa
masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobela’y may pauna, na tumutugon sa mga
katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan?
Sa pagsusuri ng mga akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ang
paglalapat ng mga pananaw. Ang teoryang humanismo ay itinatanghal ang buhay, dignidad,
halaga, at karanasan ng bawat nilalang maging ang karapatan at tungkulin ng sinuman
para linangin at paunlarin ang sariling talino at talento.
Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha na may
kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita, ang humanismo ay
naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang siyang pinanggagalingan ng
lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang pagsusuri ng panitikan:
a. pagkatao
b. tema ng akda
c. mga pagpapahalagang pantao
d. mga bagay na nakaiimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema
Linangin

Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang Kuba ng Notre Dame.”
Alamin kung makikita ba ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan mula
sa akdang ito. Gayundin, bigyang-pansin mo rin kung paano naiiba ang nobela sa iba pang uri
ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at kaugalian ng isang bansa.

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)


ni Victor HugoIsinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan


upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-
taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng
Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na
pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at
ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong
naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang
nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang
kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang
sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas.
Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si
Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa
Notre Dame na kasama niya.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La


Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi.
Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya
ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang
dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan siya ng
malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni
Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo.
Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at
nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa
lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa
kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat
latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang
pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na
kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na
nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga
taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga
taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang
kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang
dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di
kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng
babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”Kilala ang babae sa tawag na
Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang
mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.

Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng


Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si
Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig
ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala.
Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng
matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La
Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim
na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago
sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si
Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang
bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding
naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang
siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang
kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay
nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at
ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at
magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La
Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa
lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng
Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw
niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya.
Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang
pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame
patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa
Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay
napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala
man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano
itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang
dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang
dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di
nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila
ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang dalaga
sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La
Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga
lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo,
sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang
pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang
mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga
na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na
sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng
dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa
ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang
tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng
dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang
nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid
niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang
mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay
inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa
kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La
Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si
Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa
si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng
puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang
katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.

Gawain 3: Pag-unawa sa Akda

Sagutin ang mga tanong.

1. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo. Ano ang suliranin na


bumabagabag sa kaniya?
2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at magnanakaw?
3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La Esmeralda?
4. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng mga patunay.
Pamilya Pag-ibig
5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa nobela?
Pangatuwiranan ang sagot.
6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan sa binasang
akda?
Dekada ’70 (Buod)
Ni Lualhati Bautista

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang


Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa
daing ng mamamayan. Laganap sa bansa ang iba’t ibang klaseng krimen gaya ng
salvaging. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito
ang lubhang bumagabag kay Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ina ng 5 anak na
pulos lalaki. Ang kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at asawa at
nakuntento na siya sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya para sa
sarili. May mga pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring niya na lang na
ang katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparan na niya rin. Una,
ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang komunista, di man
matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya natagpuan ang katuparan ng
kaniyang pangarap, pangarap ng isang makataong lipunan para sa anak nila ni Mara at
sa iba pang kabataan naghahangad ng mabuting kinabukasan. Sumunoday si Gani,
maagang nag-asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn.
Pagkatapos, siya’y nanirahan na sa abroad kapiling ng kaniyang bagong pamilya. Ang
pangatlo si Em, pinakamatalino sa magkakapatid naging isang magaling na manunulat
sa isang lingguhang pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.

Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyande ay


matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak. Isang araw, sa di-
inaasahang pagkakataon, natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang basurahan,
hubo’t hubad, labimpito ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka
din ng itinaling alambre sa pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita’t, tuhod, basag
pati bayag. Malagim at malupit ang pagkamatay ni Jason, salvagedahil kung bakit at
kung sino ang may gawa walang makapagsabi. Ang kaso ng pagkamatay ni Jason ay
hindi na nagkamit ng hustisya.

Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at


walang katiyakan, ngayo’y magtatapos na ng kolehiyo.

Iba’t iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa loob ng 27 taon
ng pagiging asawa at ina, sa kaniyang palagay hindi siya ganap na umunlad bilang tao.
Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan
niya bilang tao, sa paglaki ng kaniyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan
at kahalagahan.

Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan


nadarama ng kaniyang asawa, naging walang kibot sa mga problemang kinakaharap ng
kanilang pamilya. Kaya minsan napag-isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito,
sa kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang ipaalam kay Julian ang pagkukulang
niya sa kaniyang pamilya, lalo na kay Amanda. Pinigilan siya ni Julian at nangakong
magbabago at kaniya namang tinupad ang pangakong iyon.
Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng
kaniyang mga anak. Masarap ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo,
habang wala pa silang sinasaktan sa ‘yo kundi kalingkingan ng paa mo na natatapakan
nila sa kasusunod at kapipilit magpakarga pero hintayin mo ang panahong kasintaas mo
na siya, ‘yong panahon ng pagkakaroon niya ng sariling isip at buhay, buhay na hiwalay na sa’yo,
at matitikman mo sa kamay niya ang mapapait na kamatayan habang inihahanda mo
ang kasal na hindi niya gusto. Habang nagpuputukan sa tapat ng kongreso sa isang
pagkakataong hindi pa siya umuuwi. Habang binabasa mo ang balitang nasugatan siya
sa isang sagupaan. Habang ibinibigay nila sa’yo ang selyadong kabaong ng batang
kailanma’y di mo malilimutan hinugot mula sa tiyan mo. Ito ang nadama ni Amanda nang
pumunta sila sa burol ni Willy, kaibigan at kasamahan ni Jules sa NPA na napatay sa isang
engkwentro. Naging mahirap para kay Amanda na tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang
pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-aalala sa kalagayan nito na
minsan pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang sugatan sa kanilang tahanan upang
ipagamot sa ina. Maging ang pagkasira ng relasyon nila Gani at Evelyn. Ang
pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawa niyang isisi sa sarili,
iniisip niya na marahil mayroon siyang pagkakamali sa pagpapalaki sa mga ito. Natamo
niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa pagtulong na kaniyang ginagawa sa mga
sugatang kasama na dinadala ni Jules. Pagtulong na bukal sa kanyang puso, tungkulin
hindi naman iniatas sa kanya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man
kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan.Tuloy pa rin ang laban tungo sa
kalayaan, nakaalpas man tayo sa pagmamalupit ng diktador, tuloy pa rin ang laban na sinumulan
pa ng ating mga ninuno at hindi ito matatapos hanggang may mga taong gahaman sa
kapangyarihan. Sa madaling sabi, marami pang buhay na handang ibuwis at marami
pang tulad nila Jules at Mara na handang makipaglaban upang makamtan ang
kalayaan ng ating bayan. Bilang pagtatapos, natutuhan niyang pangibabawan ang
kahinaa’t kahirapan. Sa mga kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting siyang
nanindigan

Gawain 4:Pagpapalawak ng Kaalaman

Suriin ang binasang buod sa pamamagitan sa pagsagot ng mga tanong sa sagutang


papel.
1. Paano makikita kay Amanda Bartolome ang mga katangiang pagkakakilanlan ng
kaniyang bansa?
2. Batay sa binasang buod, ano ang tema ng akda? Tukuyin ang mga bahaging
nagpapatunay.
3. Ilarawan ang kaugalian o kultura na masasalamin sa binasang buod?
4. Isa-isahin ang mga kultura/kaugalian nakaimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan.
5. Paano nakatulong ang paglalapat ng teoryang humanismo sa pagpapakilala ng
kultura o kaugalian ng bansa?
PAGSANIB NG GRAMATIKA

AT RETORIKA

Balikan ang buod ng Dekada ‘70. Bigyang-pansin kung paano nakatulong ang mga
hudyat o panandang pandiskurso sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.

• Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip.


• Sumunoday si Gani, maagang nag-asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din silang
nagkahiwalay ni Evelyn. Bunga nito, siya’y nanirahan na sa abroad kapiling ng kanyang
bagong pamilya.

• Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyande ay


matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak.
• Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at
walang katiyakan, ngayo’y magtatapos na ng kolehiyo

Mapapansin ang salita sa unahan ng mga pangungusap na nagbigay-linaw sa mahihirap na


bahagi ng babasahin. Nakatulong ito sa pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Alam mo ba na...

ang mga panandang pandiskurso ay maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari o di kaya’y maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso? Karaniwan
nang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig.

Halimbawa:

• at, saka, pati – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon


• maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
• tuloy, bunga nito, kaya, naman – nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan kapag, sakali, kung
– nagsasaad ng kondisyon o pasubali
Pagsasanay 1:Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari. (sa madaling sabi, saka, dahil, kung, bukod sa )

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan


ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan
ng bansa noong dekada ’70 sa ilalim ng Batas Militar. (1)______ isang babae, kumikilos siya
bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at
ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang
kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)______ kaya’t lumaki ang kanilang mga
anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3)______ dito’y sumali sa
kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4)______ naging makata at
manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman
ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga
kapatid. (5) ______ nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng
napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama
nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang
isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

Pagsasanay 2: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panandang pandiskurso o


hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay ng isang
napanood na palabas.

1. magsisimula ako sa ____________________________________________


2. huwag lang ___________________________________________________
3. bunga nito ____________________________________________________
4. sakali ________________________________________________________
5. sa ibang salita _________________________________________________

Aralin 1.6

LAYUNIN
❖ Nagbibiyang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may-akda sa pangunahing tauhan ng epiko. (F10PB-Ie-
f-65)
❖ Nabibigyang-puna ang bias ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdamin. (F10PT-Ie-f-64)
❖ Naisususlat ang paglalahad na nagpapahayag ng pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba, pagkakatulad at ng mga epikong pandaigdigan.
(F10PU-Ie-f-67)
Mga kakailanganin:
A. Sanggunian:
• Epiko ni Gilgamesh
o Panitikang pandaigdig pp. 105-107

Panitikan: Epiko ni Gilgamesh Epiko mula sa Mesopotamia Salin


sa Ingles ni N.K. Sandars Saling-buod sa Filipino ni
Cristina S. Chioco
Wika Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

Panimula

Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan


ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagang-
silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa
kasalukuyan ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman
ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris
at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist
na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula
ang sibilisasyon ng Mesopotamia. Mayaman sa panitikan ang Mesopotamia. Ang
kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura. Makikilala
sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng
pamumuhay, ugali, at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi.
Sa Aralin 1.6, pag-aaralan mo ang epiko ni Gilgamesh. Hihimayin ito upang
mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may supernatural na
kapangyarihan. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga pananda sa
mabisang paglalahad ng pahayagupang ikaw ay makibahagi sa pagtatanghal ng isang
bahagi ng epiko sa pamamagitan ng Chamber Theater batay sa sumusunod
na pamantayan: a.) iskrip, b.) pagganap, at c.) teknikal.

Tutuklasin mo kung ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay nagtataglay ng


supernatural na kapangyarihan. Gayundin, kung paano mabisang magagamit ang mga
pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng Chamber Theater.

Tayo na at sama-sama nating tawirin ang dagat ng Mediterranean at tuklasin ang kultura ng
mga taga-Mesopotamia sa pamamagitan ng kanilang epiko
Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
mga epiko at upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan.

Gawain1:Hanapin Mo

Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan ng mga
ito at isulat sa Kolum B. Alamin din kung ano ang supernatural na kapangyarihan nito at
isulat sa Kolum C.

Kolum A Kolum B Kolum C


Pamagat ng Epiko Pangunahing Tauhan Supernatural na
kapangyarihan
1. Indarapatra at
Sulayman
2. Ibalon
3. Tuwaang
4. Illiad at Odyssey
5. Divine Comedy
6. Song of Roland

Gawain 2: Kilalanin Mo

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at


mitolohiya.
Epiko Mitolohiya

Alam mo ba na...

ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa? Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego epos na ang salawikain o awit
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa


damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na
naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay
ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakahaharap, lalong magaling kung ganap
ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong
makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982).

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang


kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay
nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para
sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang
iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian”
na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang
salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shūtur eli sharrī (“Surpassing All Other
Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy
o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC
at may incipit na Sha naqba īmuru (“He who Saw the Deep”), sa makabagong salita:
(“He who Sees the Unknown”). Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang
tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho
ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal.

The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014 Mula sa


en.Wikipedia.org/wiki/Epic of Gilgamesh
Paano nagsimula ang epiko? Saang bansa ito nagmula at ano-ano ang tanyag na epiko sa buong
mundo at sino-sino ang sumulat ng mga ito? Upang masagot ang mga tanong na ito,
halika at basahin mo ang “Kasaysayan ng Epiko.”

Malinaw na ba sa iyo kung ano ang epiko? Isang epiko mula sa Mesopotamia
ang pag-aaralan natin. Ayon kay Joshua J. Mark, ang Mesopotamia (mula sa salitang
Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa
timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhan bahagi nito ay ang Iraq
samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na
tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala
bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay
tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.

Upang maging handang-handa ka sa pag-aaral ng epikong mula sa


Mesopotamia na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan, halika’t
silipin mo muna ang kasaysayan ng epiko.

Kasaysayan ng Epiko
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala


bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may
manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.

Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800
BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and
Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri
ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba
pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod,
Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula


sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing
paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man,
at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.

Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano.


Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at
nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong
Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang
sulatin niya ang Paradise Lost.

Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagaman ito’y hindi madalas


basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa
Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay
ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming
dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana.
Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga
kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat
noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar
na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).

Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de
Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques
at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.

Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na


siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay
kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay
nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.

Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa
Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga
kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring
epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat
ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at
ikalabinlimang siglo.

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga


epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo sa Mountain
Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa
mga mamamayang Kristiyano.

Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at


mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni
Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at
marami pang iba.

Gawain 3: Sipiin Mo

Mula sa binasang Kasaysayan ng Epiko, sipiin at uriin ang mga salitang nagpapahayag
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, nagpapakita ng sanhi at
bunga, paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin,
halimbawa at paliwanag, at mga pangatnig.
Salita Uri
1. _________ 1. ____________
2. _________ 2. ____________
3. _________ 3. ____________
4. _________ 4. ____________
5. _________ 5. ____________
6. _________ 6. ____________
7. _________ 7. ____________
8. _________ 8. ____________
9. _________ 9. ____________
10. _________ 10. ___________

Linangin

Basahin mo at unawain ang epikong kasunod upang mapatunayan na ang pangunahing


tauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan.

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Mga Tauhan:

Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama


Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na
nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng
tao
Siduri- Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng
kamatayan patungo sa tahanan ngUtnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang
sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay
na walang hanggan.

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk,
na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno,
matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang
kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang
kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.
Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa
bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-
kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag
nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng
pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin
ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang
toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya
itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay
sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob


ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong
Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon,
tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako
noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang
taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang
layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang
kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako,
sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa
niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla,
ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay
hindi na makababalik.

4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon
na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng
liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at
nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga
makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na
minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na
tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na
maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga
sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish,
na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng
mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na
nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga
patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagdala
sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang
tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha.
Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-
paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong
puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong
paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa
isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At
nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit
niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa
pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman.


Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay
Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”
Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh
upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay
halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang
pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan,
pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi
ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay,
ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng


pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.

Gawain4:Paglinang ng Talasalitaan

Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag.
Piliin at salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito.

_____ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong


kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakakahiya ang pagkamatay.”
_____ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”
_____ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman
ng iyong puso?”
_____ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng
panaginip.”
_____ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”

Gawain5:Unawain Mo

Sa iyong sagutang papel, sagutin ang sumusunod na tanong.

Kung ikaw si Enkido,


Ilarawan si Gilgamesh nanaisin mo bang Bakit kaya kahiya-hiya
ang pangunahing maging kaibigan ang para kay Enkido ang
tauhan sa epiko. isang tulad ni kaniyang kamatayan?
Gilgamesh? Bakit?

Kung ikaw si
Gilgamesh at namatay Anong mahalagang Ipaliwanag ang
si Enkido, ano ang kaalaman tungkol sa mensaheng ibinahagi
iyong buhay ang ng akda tungkol sa
mararamdaman? ipinahiwatig ng akda? pagkakaibigan?
Bakit?

Sa inyong palagay, Nasasalamin bas a


bakit kailangngang epiko ang paniniwala
iparanas ng may-akda ng mga taga-Ehipto Kung bibigyan ka ng
ang mga suliranin sa tungkol sa buhay na pagkakataong
pangunahing tauhan walang hanggan? baguhin ang wakas ng
ng epiko? Maituturing Patunayan. Ano kuwento, paano mo
ba silang mga bayani angkabahan nito sa ito wawakasan?
ng kanilang panahon? paniniwal natting mga
Bakit? Pilipino?
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang


paglalahad ng mga pahayag tungkol sa kasaysayan ng epiko. Nakatulong ba ang mga
ito upang maging malinaw ang paglalahad ng bawat impormasyon? Tunghayan mo ang kasunod
na aralin tungkol dito upang mabisang maunawaan ang gamit ng mga pananda sa
mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng chamber theater.

Alam mo ba na...

nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag? Sa ating wika, may
mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga
pahayag o maging interaksyunal.

Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng


pahayag:

1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa


panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:

una, pangalawa, pangatlo, nang


noon pagkatapos
sumunod samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:

dahil dito bunga nito


resulta ng sa mga pangyayaring ito
kung gayon samakatuwid
dulot nito sa gayon
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring
gamitin ang mga salitang:
sa halip na sa kabilang dako
di tulad ng sa kabilang banda
higit pa rito sa magkatulad na dahilan

4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga
salitang:
kabilang dito at saka
bukod dito karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:
sa madaling salita sa totoo lang
higit sa lahat tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay
maaaring gamitin:
Halimbawa nito dagdag pa rito
Bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod

Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang
pangkat ang mga pangatnig.

1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na


makatatayong mag-isa, tulad ng:

at ngunit ni datapwat
saka pero maging at iba pa
o pati subalit

2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng:


kung kaya pag kapag
dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat
at iba pa

Ngayong napag-aralan mo na ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag,


sagutin ang mga pagsasanay na kasunod upang lalo pang lumalim ang iyong pagkaunawa.

Pagsasanay 1:Basahin ang bahagi ng iskrip ng chamber theater sa pinamagatang “Bakit


Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” Sumulat ng sariling iskrip ng maaaring
susunod na pangyayari hanggang sa wakas. Sikaping gumamit ng mga pananda sa
mabisang paglalahad.
Chamber Theater
Ang chamber theater ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Ito ay isang dulang
isinasalaysay. Tulad ng dula, ito ay naitatanghal at may mga tauhang gumaganap. Ngunit ito
ay nangangailangan pa ng isang tagapagsalaysay. Siya ay maaaring makilahok sa mga
tauhang gumaganap. At ang mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng
tagapagsalaysay.

Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng stage


props. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw ng
imahinasyon sa mga kilos na wari’y binubuksan ang pinto at bintana.
Narito ang bahagi ng iskrip ng “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?”
isang chamber theater . Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na gawain.

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN?


Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara-Sayson

LIGHTS ON
(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa
kaliwang bahagi nito).

Tagapagsalaysay:Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa na


nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay palagi na lang nilang pinag-
aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan naman
siya ni Imelda. Kung ano-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo. Kung mahuling
sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad
namang tatakbo ang kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas ng
galit ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda
ng...

Ka Maldang: Ka Maldang!
Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo ng ______
Ka Ugong: Ka Ugong.
Tagapagsalaysay: Isang araw, patapos na silang kumain, matigas na sinabi ni Ka Ugong
na...
Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!
Ka Maldang: At sino?!
Ka Ugong: Huwag mong sabihing ako? Aba! Buong umaga na nga akong nag-aararo
sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit
isang pinggan.
Tagapagsalaysay: Tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka Ugong habang
natatakot sa dulo ng mesa.
Ka Ugong: Ikaw. (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat magtrabaho sa
bahay.
Ka Maldang: Sige nga! Anong gagawin mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw mo sa
bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba iyon?! (Malungkot na parang
naglalambing namang sasabihin ni Ka Maldang). Ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng
bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang
gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na (mangingilid ang luha sabay sigaw
kay Ka Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!!
Ka Maldang:(Tinitigan si Ka Ugong at ang kaniyang walis, kinuha ang walis, at akmang
hahabulin si Ka Ugong) Ikaw! Tamad!
Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo akong paluin! May
naisip na akong paraan na lulutas sa problema natin!
Ka Maldang:Sige, labas d’yan! Sabihin mo ngayon kung anong paraan ‘yang sinasabi
mo! (Itinago ni Ka Maldang ang walis.)
Tagapagsalaysay: Umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang.
Ka Maldang: O, ano?
Ka Ugong: Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang paghuhugas ng pinggan. Daanin na
lang natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang
umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga pinggan,
ha? Kasama ng mga palayok at kawali?
Ka Ugong: Oo! Kapag nagsalita ka sa akin, o kanino man o kahit ano man, ikaw ang
palaging maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Napakadali niyan! Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang buwan. Ikaw?
Kahit kalabaw kinakausap mo.
Ka Ugong: Handa ka na ba?
BLACKOUT
(Dance: Di Bale na Lang by Gary V.)
(sing/dance: Season of Love by RENT)
Entire Cast: CURTAIN
May-akda: Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. DionesioMuling isinaayos para sa modyul na ito ni
Joselyn Calibara-Sayson
Aralin 1.7

LAYUNIN
❖ Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw batay sa napakinggan.
(F10PN-Ii-j-68)
❖ Naibubuod sa isang critique ang sariling panunuri ng alinmang akdang
pampanitikang Mediterranean. (F10PB-Ii-j-69)
❖ Naisusulat ang isang critique ng alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean (F10PU-Ii-j-70)
❖ Nagagamit ang komunikatibong kasanayan sa paggamit ng wikang
Filipinoisang simposyum. (F10PN-Ii-j-63)

Pagnilayan at Unawain (para sa Modyul 1)

Ang panitikan ay salamin ng lahing pinagmulan nito. Ito ay


kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at
masining na paraan, nakasulat man o hindi.

Tulad ng isang minahan ang taglay na yaman ng bawat panitikan na ating


binabasa. Mamimina lamang natin nang lubos ang gintong kaisipang taglay nito kung
susuriing mabuti ang ating binabasa. Upang maging lubos ang iyong pagkatuto gagawa ka ng
suring-basa ng isa sa mga akdang pampanitikang tuluyan ng napili mong bansa sa
Mediterannean. Ang gawaing ito ay paghahanda mo sa pangwakas na gawain na
pagdaraos ng isang simposyum sa inyong klase.
Bago mo isagawa ang suring-basa, sagutin mo muna ang mga gawaing inihanda
ko upang masukat kung ano ang antas ng iyong pagkatuto sa mga natalakay natin sa
buong modyul 1.
Gawain 1:Gintong Kaisipan!
Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa bawat kahon ang mahalagang kaisipan
hinggil sa panitikan at gramatika na natutuhan mo sa bawat aralin. Gumamit ng
sagutang papel.

Mitolohiya Sanaysay

Maikling
Parabula Panitikang Mediterranean
Kuwento

Tula Epiko

Gawain 2:Suriin Mo
Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterannean sa panitikan,
pamumuhay, kaugalian, paniniwala, at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gawin sa sagutang
papel.

Gawain 3: Pagmuni-munihan Mo
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga kaalaman sa gramatika at retorika
sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
(panitikan at iba’t ibang uri ng teksto).
2. Bakit mahalagang mapag-aralan ang panitikan at kultura ng ibang lahi?
3. Paano naimpluwensiyahan ng mga panitikan sa Mediterannean ang sarili
nating panitikan?
4. Paano napanatili ng bawat akdang pampanitikang nabasa mo sa modyul 1
ang pagkakakilanlan ng kanilang bansa?
5. Bilang isang Pilipino, sa iyong palagay anong mabubuting bagay ang dapat
tularan kaugnay ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, o kaugalian ng mga taga-Mediterannean
na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan?

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.


2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling
lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa

I. Panimula

Uri ng panitikan– Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o


damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan– Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.

Pagkilala sa may-akda– Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa


pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok
sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa,
magprotesta, at iba pa.

II.Pagsusuring Pangnilalaman -

- Tema o Paksa ng akda– Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at


mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa-
- Mga Tauhan/Karakter sa akda– Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng
lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong
kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o namamatay. Kung
walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan.

- Tagpuan/Panahon– Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang


kasaysayan? kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at
sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.

- Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang


inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang
mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo
ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari
mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng
akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?

- Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay,


paniniwala, kaugalian o kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya
ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

III. Pagsusuring Pangkaisipan -

- Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay


nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema
ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa
akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
- Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga
salita?

Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng


akda?
May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba
ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng
mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

IV.Buod
- Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa
mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.

Ang Simposyum

Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang Griyego na sympineinna


nangangahulugang sama-samang pag-inom. Mahihiwatigang ang pagsasalo-salong ito ay
sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon kaugnay ng mga
kasalukuyang pangyayari.
Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang isang pagtitipon kung saan may
malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Maaari ding pagpupulong kung saan
may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa isang paksa o
iba’t ibang aspekto ng naturang paksa. Ito’y isang mahalagang paraan upang matalakay,
mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan. Ito ay may isang
modereytor na:
a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan

Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila ayon


sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat ng
bumubuo sa pangkat, ito ay susundan ng lahatang diskusyon o
open forum kung saan maaaring magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito
nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang bagay na kaugnay ng paksang tinatalakay.
Mahalagang paghandaang mabuti ng mga panauhing tagapagsalita ang saklaw ng
kanilang paksa at ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga tagapakinig upang
maging malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.

Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang nakasalalay sa kahandaan ng mga


tagapagsalita. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga tagapakinig sa gawain.
Ang aktibong tagapakinig ay makatutulong upang maging produktibo ang simposyum.
Ang mabuting pakikinig ay nangangahulugang pagpapakita ng interes sa paksang
tinatalakay, paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa tagapakinig, maayos na paraan
ng pagtatanong at matalinong pagbibigay ng reaksiyon ukol sa mga napakinggan.

Modyul – 2 Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang Kanluran

I. Panimula

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pag-aaral ng Modyul 1.


Ngayon natitiyak ko na magugustuhan mo ang susunod nating mga aralin sa
Modyul 2. Ito’y tungkol sa mga akdang pampanitikan ng South America at ngmga
bansang Kanluranin tulad ng Brazil, rehiyon sa isa sa mga isla ng Caribbean, Estados
Unidos, Inglatera, Iceland, at England.
Ang panitikan ng ilang bansa sa Kanluran at South America na tumutukoy sa
malaking bahagi ng panitikan mula sa ancient era tungo sa kasalukuyang panahon ng
Indo-Europeo ay binubuo ng English, Español, French, Italy, at Russia — na pawang
ang pinagmulan ng kanilang pamanang panitikan ay sa sinaunang Greece at Rome.
Ang naturang pamanang ito ay pinangalagaan at kalaunan ay nagbagong-anyo sa
pamamagitan ng paglaganap ng Kristiyanismo. Nagpalipat- lipat ito sa buong kontinente
ng Europe hanggang sa umabot sa mga bansa sa Kanluran. Mula noon hanggang
ngayon, masasalamin sa panitikan ng mga bansasa Kanluran ang pagkakaisa sa
kanilang mga tema o paksain at ang pagkakabuo ng kanilang mga akda na nagbigay ng
sarili nilang pagkakakilanlan sa iba pang kontinente ng mundo.
Sa Modyul na ito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan tulad ng talumpati, dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling
kuwento na mula sa mga bansa sa Kanluran. Mapag-aaralan mo rin dito ang
pagpapalawak ng pangungusap, paggamit ng salitang nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin, wastong gamit ng iba’t ibang uri ng pokus tulad ng pokus tagaganap, layon,
pinaglalaanan, kagamitan, ganapan, at sanhi. Mauunawaan mo rin ang mabisang
paggamit ng matatalinghagang pananalita at ng mga pahayag sa pagsang-ayon at
pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan. Sa daloy ng pagtalakay sa
mga aralin, inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong kung paano nga ba naiiba
ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa Kanluran sa iba pang mga bansa?
Gayundin, kung paano nakatutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para
higit mong maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng mga
bansa sa Kanluran? Malalaman mo ang sagot sa mga tanong na ito sa patuloy mong
pag-aaral sa mga sulating nakapaloob dito.

Sa pagtatapos ng Modyul na ito ikaw ay inaasahang makapaglalathala ng iyong


sariling akda sa hatirang pangmadla (social media) na itataya batay sa sumusunod na
pamantayan: a). orihinalidad, b.) makatotohanan at napapanahong paksa, c.)
kakintalan, d.) wasto at angkop na gramatika/retorika, at e.) hikayan kaaliwan sa
mambabasa.

II – Panimulang Pagtataya

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng


modyul na ito. Sagutin moa ng lahat ng aytem. Piliin moa ng letra ng tamang sagot at
isulat ito sa patlang.
1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro
ng sumulat tungkol sa isang paksa.
a. editorial c. sanaysay
b. talumpati d. talambuhay
2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga
sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang
banghay at mga paglalarawan lamang.
a. kuwentong bayan c. dagli
b. maikling kuwento d. komiks
3. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na _______.
a. tagaganap c. pinaglalaanan
b. layon d. sanhi
4. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa
walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
a. Samson at Delilah c. Florante at Laura
b. Romeo at Juliet d. Thor at Loki
5. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
a. magkaaway ang kanilang mga angkan
b. pakakasal na si Juliet kay Paris
c. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
d. wala sa nabanggit
6. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang
isakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa?
a. diyamanteng kuwintas c. gintong relos
b. buhok d. mamahaling suklay
a. b at d b. c at d c. b at c d. a at d
7. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung
pantig sa bawat taludtod.
a. soneto c. haiku
b. tanaga d. alegorya
8. Sa anong taon nailimbag ang nobelang “Ang Matanda at ang Dagat?”
a. 1950 c. 1952
b. 1951 d. 1953
9. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,”
wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
a. pag-aalala c. pagkainis
b. pagtataka d. pagtatampo
10. Sa pangungusap na, “Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo,” ano ang ipinokus ng pandiwang ipinanggising?
a. Rizal c. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
b. Pilipino d. wala sa nabanggit
11. Sa pangungusap na, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,”
anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?
a. ganapan c. layon
b. pinaglalaanan d. direksiyon
12. “Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran.” Anong pandiwa ang dapat
gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?
a. nilangoy c. kalalangoy
b. pinaglanguyan d. nilanguyan
13. Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhitisang
___________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
a. ingklitik c. pang-uri
b. komplemento d. pang-abay
14. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng
pandiwa ay _________.
a. tagaganap c. pinaglalaanan
b. layon d. sanhi
15. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-
buti na ang ibig sabihin ay _________.
a. magaling c. maayos
b. magaling-galing d. katamtamang ayos
16. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _________.
a. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
b. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
c. kapani-paniwala ang wakas
d. may salamangka at mahika
17. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap?
a. lumikas, nag-ani, magsusulat
b. ibinili, malaman, pag-aaralan
c. ipinambili, ipansulat, ipanghakot
d. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi
18. Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
a. pagwawangis
b. pagtutulad
c. pagbibigay-katauhan
d. pagmamalabis
19. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa
tindi ng damdamin?
a. pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog
b. pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal
c. pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta
d. pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
- Ang Aking Pag-ibig

20.Alin sa mga sumusunod ang katangiang hindi taglayng persona sa tula?


a. mapagtiis c. masayahin
b. mapagkumbaba d. mapagmalsakit

III. YUGTO NG PAGKATUTO

Tuklasin

Natutuwa ako at nakarating ka na sa Modyul 2. Ngayon lalakbayin mo


naman ang mga bansa sa Kanluran at South America sa pamamagitan ng
kanilang mga akdang pampanitikan. Muli nating palalawakin at pagyayamanin ang
iyong kaalaman at kakayahan tungkol dito. Tuklasin natin kung ang iyong ideya
ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Halika, simulan mo na sa
pamamagitan ng gawaing susukat sa abot ng iyong kaalaman.

Gawain 1: Hanggang Saan ang aking Kaalaman?


Gamit ang concept map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa panitikan
ng mga bansa sa Kanluran at South America.

Panitikan
Mga Manunulat May Akda
Ng Kaunlaran

Kultura

Matapos mong mapunan ang concept map, bigyan mo naman ng hinuha ang
mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng ANA (Alam na, Nais malaman, Ang
Nalaman ko na). Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum. Pagkatapos nating
pag-aralan ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum.

a. Paano ng aba naiiba ng mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanluran


sa iba pang mga bansa.
b. Paano naktutulong ang mga kaalaman sa gramatika at retorika para higit na
maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa
kanluran at South America.

Paano Makikita ang Ano ang iyong


Ano ang alam mo Ano ang nais mong
nais mong natutuhan
na? malaman?
malaman? naunawaan?

Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman, ang dati at


ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling
ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan.
Tayo na, oras na para pag-aralan mo ang ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng malaking ambag sa kasaysayan ng mga bansa sa Kanluran at South
America.

Linangin
Narito ang mga aralin na pag-aaralan sa Modyul 2. Nakapaloob dito ang
mga paksa, pamantayang pangnilalaman, at pagganap.

Aralin 2.1

LAYUNIN
❖ Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang
anririnig na balita, komentaryo , talampati, at iba pa. (F10PN-IIg-h-69)
❖ Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: Paksa, paraan ng
pagbabalita at iba pa. (F10PD-IIg-h-68)
❖ Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kailaman at opinion
tungkol sa isang paksa sa isang talumpati. (F10PS-IIg-h-71)
❖ Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontobersyal na
isyu.(F10PU-IIg-h-71)
Mga kakailanganin:
2. Sanggunian:

• Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang


Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Panitikang pandaigdig pp. 131-132
• Kahirapan: Hamon sa Bawat Piliipino
Panitikang pandaigdig pp. 135-136
Panitikan: Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
(Talumpati mula sa Brazil)
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Wika: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap

Panimula

Ang Aralin 2.1 ay naglalaman ng talumpating pinamagatang Talumpati


ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon na isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina.
Ano kaya ang mahahalagang mensaheng ipinabatid ni Pangulong Rousseff sa
kaniyang mga kababayan? Ang sagot ay malalaman mo sa pagbabasa ng talumpati.
May mga gawain din na inilaan na makatutulong sa pagsusuri sa kaisahan at
kasanayan mo sa pagpapalawak ng pangungusap.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isangtalumpati
tungkol sa isang napapanahong isyu. Dapat taglay rin ng talumpating iyong isusulat ang
sumusunod na bahagi: a.) panimula (may pagpapaliwanag sa layunin), b.) katawan
(kalinawan at tibay/lakas ng argumento), c.) pangwakas (pagbibigay ng lagom o
kongklusyon), at d.) kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap.
Inaasahang sa pagtatapos ng araling ito ay masagot mo nang may pag-unawa
ang mga pokus na tanong na: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan
ng bansang pinagmulan nito? At paano nakatutulong ang kasanayan
sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga


karunungan na iyong matututuhan sa araling ito. Ang mga gawaing inilaan ay
inaasahang makatutulong sa iyo upang
masagot mo ang mga tanong na: Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang
panlipunan ng bansang pinagmulan nito? At paano nakatutulong ang kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati?

Gawain 1: Character Profile


Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma Roeusseff.
Pagkatapos ay punan ng impormasyon ang talahanayan sa kasunod na bahagi.

Sino ba c Dilma Rousseff?

Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil


matapos manalo sa eleksiyon noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama
ay isang Bulgarian at ang kaniyang ina ay isang Brazilian. Estudyante pa lamang si
Dilma ay naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo kung saan nakasama
niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siya niyang naging pangalawang asawa. Noong
1970, dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng
tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap tulad
ng electric shocks. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang pag-aaral (1977)
at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ng
dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na

Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha
niya si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister
ng Enerhiya. Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha
ni Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan
niyang tumakbo sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Sagutin:
Anong impresiyon ang iyong nabuo matapos mong malaman ang ilang
impormasyon kay Pangulong Dilma Rousseff?

Gawain 2:Concept Mapping


Bumuo ng hinuha at palagay kung ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rousseff sa
kaniyang kababayan. Pagkatapos ay subuking palawakin ang ideyang ibinigay sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Gawain 3: Bigyan ng Opinyon!

Ano kaya ang sasabihin ni Pangulong Rouseff


sa kaniyang kababayang Brazillian? Bakit?

Basahin nang malakas at may damdamin ang sumusunod na pahayag at pagkatapos


ay magbigay ng iyong sariling opinyon tungkol dito.

1. “Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansamula


sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting
pamamalakad sa pamahalaan.” – Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III
(Inagurasyong Talumpati, 2010)
2. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di
pagkakaunawaan sa ibang nasyon nang mapayapa – hindi dahil naduduwag
tayong harapin ang mga panganib, kundi dahil ang pakikipagkasundo ang
matibay na mag-aalis sa pagdududa at takot.” – Pangulong Barack Obama (Salin
mula sa Inagurasyong Talumpati, 2013)
3. “Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng
edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon.
Ang pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng metatag na
kinabukasan.” – Prime Minister Helle Thorming Schmidt (Salin mula sa Opening
Ceremony ng Danish Presidency, 2012)
4. “Ang pangunahing banta sa kapayapaan ng mundo ay hindi ang di-magandang
ugnayan ng mga bansa, kundi ang paglaganap ng kasamaan. Ang tinutukoy ko
ay ang terorismo, drug trafficking, organisadong krimen at ang sindikatong mafia.
Ang lahat ng krimeng ito ay nagsilbing banta sa buhay, progreso at pag-unlad
lalo na ng mahihirap. Sa kasalukuyan, ang mga krimeng ito ang pangunahing
hadlang sa pagkakamit ng mga layunin ng United Nation.” – Peru Pres. Ollanta
Humala (Salin mula sa 68th Session ng General Assembly ng United Nation,
Set. 25, 2013, New York)
5. “Hindi natin mahihiling na makaiwas sa kaguluhan ng mundo. Ngunit kung tayo
ay makatutulong sa paglutas nito at makikiisa sa paghubog ng magandang
kinabukasan. Masasabing tunay na makabuluhan ang pakikiisa ng Germany sa
European Cooperation.” – Pres. Joachim Gauck (Salin mula sa talumpati sa
pagbubukas ng Munich Security Conference noong Enero 31, 2014)

Alam mo ba na...

kung paanong may tinatawag na tulang pambigkasan, may sanaysay rin nabinibigkas –
ang talumpati? Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa
pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. May
paksang pinagtutuunan ng pansin at isinasaalang-alang din ang tagapakinig o
bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang
nilalaman ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay
extemporaneous.

Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?


Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng
paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang
pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng paksa ng isangtalumpati?
1. Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na
layunin:
1.1 magturo
1.2 magpabatid
1.3 manghikayat
1.4 manlibang
1.5 pumuri
1.6 pumuna
1.7 bumatikos
2. Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa
okasyong ipinagdiriwang

Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?


May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan.
Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain.

Ano ba ang editoryal? Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng


isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o
makalibang sa mambabasa.
Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat. Hindi ito
kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng
madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing layunin
nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.

Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal, at lathalain ay naglalayon na


magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa priyoridad
na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng
mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at
maunawaan ng mga tagapakinig.

Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon (Kauna-


unahang Pangulong Babae ng Brazil
Enero 1, 2011 Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Minamahal kong Brazilians,
Tinitiyak ng aking pamahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan,
gayundin, ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula
kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili
sa kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga
hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag,
may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at
habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng
pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang
pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na
dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong
hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng mga
partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad, ang ating
kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan para sa
kapwa.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang
mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha
ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan
upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na
pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng
katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang
matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa
kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na
sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.
Patuloy nating palalakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na
balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin
nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad
at pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang bansa laban sa
hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng kapital na
ipinakikipaglaban.
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang
sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang
sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap.
Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.
Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na
nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan
ito na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga
serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay
kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng
antas ng pamumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng
negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa
pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life
Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na pagsusuri
ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrumento ang Growth Acceleration Program na
pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng
pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin
nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na pinahahalagahan
ang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga pondong pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng
pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng
rehiyon.
Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na
transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki ang ating mga
paliparan para sa World Cup at Olympics. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay
nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.
Gawain 4: Pag-unawa sa Akda Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang nais na makamit ni Pangulong Rousseff sa kaniyang pamumuno sa
Brazil?
2. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng Brazil batay sa mga sinabi ni Pangulong
Rousseff. Ayon sa kaniya, paano niya ito mapabubuti? Sagutin sa tulong ng T-
Chart. Gawin sa sagutang papel.

Brazil
Ano ang kanilang kalagayang Paano mapabubuti ang kanilang
panlipunan? kalagayang psnlipunan?

3. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, paano mo sosolusyunan ang mga nabanggit
ng problema?

Gawain 5: Pagsusuri sa Pagkakabuo ng Talumpati


Suriin ang pagkakabuo ng binasang talumpati sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong. Mga Tanong Sagot Panimula

Mga Tanong Sagot


Panimula
1. Ano ang paksa ng binasang talumpati?
2. Ano ang layunin ng nagsasalita?
Katawan o Nilalaman
1. Ano ang punto ng nagsasalita?
2. Ano-ano ang ebidensiya o katunayang
kaniyang inilahad?
Pangwakas
1. Bigyang-pansin ang wakas na bahagi,
ano ang masasabi mo rito.
Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino
ni Manny Villar
Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na pagandahin
ang larawan ng bansa sa kabila ng matitinding suliranin, pero kung minsan ay tila
nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa lawak
ng kahirapan.
sa sa mga binago ay ang pinakamababang komposisyon ng pagkain ng mga
nasa Metro Manila upang ang isang pamilya ay hindi mabilang na dukha.
Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, sinangag,
kape para sa matatanda at gatas para sa bata.
Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong itlog, kape na may
gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa mga bata. Marami ring nawala sa bagong
panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.
Dahil sa mga pagbabagong ito, bumaba ang katumbas na sustansiya mula sa
kinakain ng mga Pilipino para hindi mabilang na dukha.
Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang
pamilyang may limang miyembro para hindi mabilang na mahirap, mula sa dating
P7,953.00 hanggang P7,017.00.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba
mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at ang bilang ng mamamayang dukha ay
bumaba ng isang milyon – mula sa 24.1 milyon hanggang 23.1 milyon.
Sa aking pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang
kahirapan. Kahit ang 23.1 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin.
Tinatalakay ko ang paksang ito hindi para tuligsain ang pamahalaan kundi para
ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.
Ang unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay
suliranin ng bansa. Sa isang maysakit, walang magagawa ang sinumang manggagamot
hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya ay maysakit.
Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang
mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay, na magtataas ng antas sa pamumuhay
ng bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang ng
mahihirap.
Gawain 6: Unawain Mo
Sagutin ang mga tanong batay sa binasang teksto.
1. Ano ang paksa ng binasang lathalain?
2. Ilahad ang pananaw ng sumulat tungkol sa pagbabago sa pagsukat ng
kahirapan sa Metro Manila. Magbigay ng reaksiyon ukol dito.

Pananaw ng sumulat
tungkol sa
pagbabago sa
pagsukat ng
kahirapan sa bansa

3. Ano ang iyong pananaw sa sinabi ng sumulat na “Ang unang hakbang para malutas
ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ang suliranin ng bansa?”
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mabisang hakbang sa paglutas sa kahirapan ng
bansa?
5. Tulad ng talumpati ang lathalaing iyong binasa ay isang tekstong naglalahad. Narito
ang patunay: Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtaya sa
lawak ng kahirapan.

Para sa akin ang mabisang hakbang sa paglutas


sa kahirapan ng bansa ay
______________________________________
______________________________________

Ikaw naman ang magbigay ng tatlo pang patunay na ang binasa ay tekstong
naglalahad.
Balikan natin ang tanong sa panimula: Paano nakatutulong ang kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati? Ipagpatuloy mo pa ang iyong
pagtuklas!
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Bigyan ng pansin kung paano pinalawak ang mga pangungusap sa akda at tekstong
binasa.

Alam mo ba na…
ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap? Ang panaguri at
paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi. Napalalawak ang pangungusap sa
mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at
paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalalawak. Upang
masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga paraan kung
paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng panaguri at paksa
gayundin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit pang pangungusap.
Hindi dapat na pinalalawak lamang ang pangungusap, kailangang suriin ang
kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.

Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri


Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa
panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay, at iba pa. Napalalawak
naman ang pangungusap sa tulong ng paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon,
pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng pagmamay-ari.
Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa.
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangungusap: Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil.
• Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
• Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
Batayang Pangungusap: Ibinaba ang poverty income threshold. Ibinaba rin ang poverty
income threshold o ang halagang dapat kitain ng isang pamilya na may limang
miyembro.
2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa
panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap
ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
• Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. (Tagaganap)
• Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa matatanda,
gatas para sa bata. (Tagatanggap)
• Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (layon)
• Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
• Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa
mga panukat. (kagamitan)
• Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay bumaba
mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon. (sanhi)
• Nagtungo ang mga tao sa harap ng Palasyo upang makinig sa talumpati ng
pangulo. (direksyunal)
4. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pangabay.
Batayang Pangungusap : Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay
na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.

Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap

1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap

Halimbawa:
• Pakinggan mo ang nagpapaliwanag na opisyal na iyon.
• Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.

2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay


nagpapahayag ng lugar
Halimbawa:
• Inaayos ang plasa sa Brazil.
• Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.
3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na
nagpapahayag ng pagmamay-ari.
• Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
• Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.
Pagsusuri sa Kasanayan at Kaisahan sa Pagsusuri ng Pangungusap
Mahalaga ang pagsusuri sa kasanayan at kaisahan sa pagsusuri sa pangungusap.
Sa kasanayan at kaisahan, nagiging gabay ang mga ito upang malaman kung paano
gagamitin ang bahagi ng panalita sa pagpapalawak ng pangungusap. Nasusuri na
mula sa batayang pangungusap, nasasanay at nagkakaroon ng kaisahan kung paano
lumalawak ang pangungusap sa tulong ng pagdaragdag ng salita at parirala na angkop
sa ginawang pagpapalawak. Sa kaisahan, kailangan ng konsistensi ng gamit ng mga
paraan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Pagsasanay 1: Basahin at unawain ang usapan ng tatlong mag-aaral. Pumili ng


limang pangungusap. Suriin ang ginamit na paraan sa pagpapalawak ng pangungusap
maaaring nasa panaguri o paksa. Gawin sa iyong kuwaderno.

Isang araw, nag-uusap ang tatlong opisyales ng Student Government.


Jhasmine: Naisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon mo?
BJ: Siyempre kinukuha ng mga basurero at ito ay dinadala sa tambakan ng
basura.
Jhasmine: Eh, paano kung hindi naitapon nang maayos. Halimbawa, ang lata na
itinapon sa kalsada ay maaaring makabara sa kanal.
Calyx: At ang balat ng kendi na itinapon sa dagat ay maaaring makain ng hayop.
Jhasmine: Tama! Halikayo at basahin natin ang tekstong ito na pinamagatang
“Pangangalaga ng Basura.”
Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook rural ay lumilikha ng mahigit
kumulang na 0.3 kg. na basura habang sa pook urban o siyudad ay mayroon kada araw
ng 0.5 kg na basura. Nasa 60% ng mga basura na itinatapon ay biodegradable o
nabubulok, 20% ay recyclable o maaaring mabalik-anyo, at 18% ang residual waste o
mga hindi na magagamit pang muli na basura. Higit kumulang 80% naman ang mga
basura na hindi naman dapat itinatapon at dinadala sa tambakan. Dahil sa dami ng
basura sa tambakan dumadami rin ang nililikha na methane galing sa mga nabubulok
na basura. Ito ay sanhi rin ng pagkapal ng greenhouse gases sa atmospera at
nagdudulot ng pandaigdigang pag-init ng mundo.
BJ: Ah, ganun pala! Kaya sabi ng mama ko ibang-ibang na ang mundo ngayon.
Hindi mo masabi kung kailan uulan o aaraw.
Jhasmine: Kaya bago mo itapon ang bagay na hawak mo, isipin mo muna kung ito ay
kailangan mo, maaari mong i-reduce o bawasan ang paggamit.
Calyx: O dapat bang i-reuse o tingnan kung magagamit pa itong muli?
Jhasmine: O i-recycle o magbalik anyo sa pamamagitan ng paglikha ng bagong
bagay mula sa lumang bagay
Pangungusap Paraang Ginagamit sa pagpapalawak
ng Pangungusap

Aralin 2.2

LAYUNIN
❖ Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na
mga elemento nito (F10PB-IIf-78)
❖ Naisusulat ang suringbasa ng nobelang nabasa o napanood.(F10PS-IIf-
76)
❖ Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring –basa o panunuring pampanitikan. (F10WG-IIf-69)

Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Ang Matanda at Ang Dagat


• Panitikang pandaigdig pp. 158-162
Panitikan: Ang Matanda at Ang Dagat
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel
Santiago (halaw mula sa nobelang
“The Old Man and The Sea” ni Ernest Hemingway)
Wika: Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at Pagtutol sa
Pagbibigay ng puna o Panunuring Pampanitikan

Panimula
Ang Aralin 2.2 ay naglalaman ng isa sa obra maestrang nobela ni Ernest Hemingway
na pinamagatang “The Old Man and the Sea “(Ang Matanda at ang Dagat). Bahagi ng aralin
ang pagtalakay sa paggamit ng pahayag na pagsangayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o
panunuring pampanitikan.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasagawa ng isang suring-
basa ng isang nobelang isinapelikula. Itataya ang iyong ginawa batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) kabuluhan ng nilalaman at lalim ng mga pananaw, b.) lohikal na pagkakaayos
ng mga kaisipan, c.) isinaalang-alang ang elemento ng suring-basa, at d.) makabuluhang
presentasiyon.
Inaasahan sa katapusan ng aralin, masasagot mo nang may pag-unawa ang mga
tanong na: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa elemento nito at
kung paano nakatutulong ang paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa
pagsasagawa ng isang suring-basa.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa


panitikang kinagiliwan at isa sa naging popular sa bansang United States of America.
Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang
iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa
pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman.
Gawain 1: Ang Aking Kaalaman, Hanggang Saan? Batay sa iyong nalalaman, subukin
mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag
kang mag-aalala, ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa
pag-aaralan natin. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
Matapos na mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang alamin
naman ang iyong nalalaman kaugnay ng paksang tatalakayin. Subukin mong sagutin
ang kasunod na gawain.

Ano ang
Nobela

NOBELA
Paano ito
lumaganap sa
Kanluran

Ihambing ang
Nobela sa iba
pang akdang
pampanitikan

Gawain 2: Tuklas Suri


Basahin at unawaing mabuti angsumusunod na teksto:

ISANG SURING-PELIKULA
“Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”

Ang Harry Potter and Sorcerer’s Stone (Philosopher’s Stone) ay unang libro ni
J.K. Rowling mula sa serye ng Harry Potter. Sinasabing ang nobelang ito ay naghatid
kay Rowling ng kasikatan bilang isang mahusay na manunulat sa buong mundo.
Isinapelikula ito noong 2001 na idinirek ni Chris Columbus at ibinahagi ng Warner Bros.
Pictures. Pinagbibidahan ito nina Daniel Radcliffe bilang Harry Potter, Rupert Grin
bilang Ron Weasley at Emma Watson bilang Hermione Granger. Tinatayang umabot sa
$980 milyon ang kinita nito na naging worldwide box office hit at kinilala sa iba’t ibang
award-giving bodies tulad ng Academy Awards.
Nagbukas sa isang pagdiriwang ang kuwento na kadalasang palihim dahil sa
ang mga nagdaang taon ay laging ginugulo ni Lord Voldemort. Bago ang gabing iyon,
natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng tagong mag-anak ng Potter, at pinatay
sina Lily at James Potter. Ngunit nang itinuro na niya ang kaniyang wand sa sanggol
nitong anak na si Harry, ang sumpang patayin ito ay bumalik sa kaniya. Ang kaniyang
katawan ay nasira, at si Voldemort ay naging isang walang kapangyarihang kaluluwa
naghahanap ng isang lugar sa mundo na walang makaka-istorbo samantalang si Harry
naman ay naiwang may marka ng kidlat sa kaniyang noo, ang natatanging palatandaan
ng sumpa ni Voldemort. Ang misteryosong pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay
nagresulta sa pagkakakilalang “ang batang nabuhay” sa mundo ng mga wizard.

Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kaniyang malupit, at


walang kapangyarihang kamag-anak, ang Dursleys, na walang pakialam sa pinagmulan
ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa paparating na ikalabingisa niyang
kaarawan, nagkaroon si Harry ng kanyang unang kontak sa daigdig ng mahika nang
makatanggap siya ng sulat galing sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, na
kinuha naman ng kaniyang Tiya at Tiyo bago pa niya ito magawang mabasa, Sa
kaniyang ikalabing-isang kaarawan, sinabihan na siya ay isang wizard at inaanyayahan
na pumunta sa Hogwarts. Sinabihan siya ni Hagrid na nagturo sa kaniya kung paano
gumamit ng mahika at gumawa ng potions. Natutuhan din ni Harry na malampasan ang
mga panlipunan at emosyonal na hadlang sa kaniya sa paglaban niya hanggang sa
kaniyang pagbibinata at pagharap sa makapangyarihang si Voldemort.
Marami man ang nangyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa tulong ng
kaniyang mga kaibigan na sila Ron at Hermione. Katulong din niya si Professor
Dumbledore na laging nariyan nagbibigay ng payo at paalala sa kaniya.
Totoo naman na nakuha ng pelikulang ito ang kiliti ng masa lalo ng kabataan.
Ang mga karakter na ginamit dito ay nagpapaalala ng mga taong kilala na natin at sa
mga taong dapat pa nating kilalanin. Tulad ng batang mataba na laki sa layaw na si
Dudley o kaya ang mala ‘boss’ at mapanghimasok ngunit may malambot na pusong si
Hermione. Malaking bilang rin ng mga batang manonood ang makaka-relate kay Harry
partikular sa kaniyang inisyal na damdamin ng ganap na pagkakahiwalay at di kasali sa
isang pamilya ngunit dumating ang panahon na dapat na niyang iwanan ang naturang
buhay niya upang pumunta sa lugar kung saan siya kabilang at magiging ganap na
masaya.
Sadyang nailarawan nang mabuti at detalyado ang Hogwarts bilang kaakitakit na
lugar na hindi lamang puno ng salamangka at mahika na tunay na katangiang
pinapangarap na mapuntahan ng pangunahing tauhan. Iba’t ibang pakikipagsapalaran
ang dinaanan ni Harry kasama ang dalawang kaibigan (Ron at Hermione) sa lugar ng
Hogwarts. Malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkaibigan na
naipakita sa mahusay na pagkakaganap ng mga artista. Mas lutang na lutang ang
kahusayan ni Daniel bilang si Harry na dumanas ng malaking hamon sa buhay.

Totoong magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Ang kasaysayan nito ay inilahad


sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik at pag-iisip. Buhay na buhay ang pelikula
kung saan nakatulong ng malaki ang kulay na nakaangkop sa kapaligirang kinunan ng
kamera bagaman hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw.
Sa kabuuan, ang pelikulang Harry Potter and Sorcerer’s Stone ay isang
napakagandang pelikula. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, nakikilala natin ang kultura
ng ibang bansa at impluwensiyang nadala nito sa atin

NOBELA PELIKULA

PAGKAKAIBA

Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Batay sa iyong nabasa, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng nobela at pelikula?


Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram. Gawin ito sa sagutang papel. Gayahin ang
kasunod na pormat.
2. Makikita ba sa bawat paksa ng nobela at pelikula ang tatak ng kultura ng bansang
pinagmulan o pinanggalingan nito? Patunayan.
3. Ano-anong elemento ang lumutang dito?
4. Bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nasa nobela?
5. Kung ikaw ang prodyus, gugustuhin mo bang isapelikula ang nobelang tulad Harry
Potter/ Bakit?

Alam mo ba na...

ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at
pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling


kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at
maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga
pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng
mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.

Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.) pagsaalang-alang
sa kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d.) pumupuna sa
lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at
relihiyon, e.) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f.) nag-iiwan
ng kakintalan.

Elemento ng Nobela

a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


b. Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda (a. una-kapag kasali ang
mayakda; b. pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo-
batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda)
e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
f. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita - diyalogong ginamit
i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay,
at pangyayari

Linangin
Basahin at unawain ang bahagi ng nobela

Ang Matanda at Ang Dagat


Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway (bahagi lamang)

Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa


tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may
sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy sa
buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak na totoo
ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating. Hindi aksidente ang pating.
Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang tumitining at kumakalat ang
maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim. Napakabilis niyang
pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na tubig at
nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at
nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda.

Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o
kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para
sundan ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang para
lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang
kabuuan maliban sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang
likod, at pilak ang tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng
espada maliban sa kaniyang dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin
siyang lumalangoy, halos nasa rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas
niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang panga, nakahilig paloob ang
kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad ng karaniwang hugis-piramidong
ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga daliri ng tao kapag nakabaluktot na
parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang
talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng
dagat, napakabilis at napakalakas at armadongarmado kaya wala silang sinumang
kaaway. Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa
sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod.

Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na
walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang
at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng pating. Maigsi ang
lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.
Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero
halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito.
Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit nito.
Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko siya
mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya.
Malasin sana ang nanay mo.

Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita
ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok
na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng
buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at naririnig ng
matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya
ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang
guhit ng ilong. Walang gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at
matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos,
nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda.
Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na
nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya
at lubos na hangaring maminsala. Kumampay ang pating at nakita ng matanda na
walang buhay ang mga mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng
dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng
pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga
panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed-boat. Puti ang
tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan ang nakaangat
sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na humigang tahimik
sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y dahan-dahan
itong lumubog.

“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay
nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang
isda ko at marami pang susunod.
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang
sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.

Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong
panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa
mga diyaryo.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang
tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loobloob niya.
Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit
ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa
kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa
paglalayag at harapin ang anumang dumating.”

Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin.
Iyon at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang
pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang gawin
iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay ko kaysa
mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa
aking sakong maliban noong minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya
nang lumalangoy at naparalisa ang ibabang binti at kumirot nang napakatindi.

“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y


papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala
ng kuwarenta libras.”

Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob
na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.

“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa
puluhan ng isang sagwan.”

Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.

“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang
bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.

Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong
kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang
problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan.

Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon.


Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para
ako mabuhay at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag
kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong
binabayaran para gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka
para maging isang mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda.
Mangingisda si San Pedro at gayundin ang ama ng dakilang DiMaggio.

Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at


nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang
isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay
mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong
siya’y buhay pa at minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang
patayin mo siya. O mas malaking kasalanan ‘yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.

Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa
buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang
gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang
kinakatakutan.

“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda. “At


pinatay ko siyang mahusay.”

Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung
paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ng
bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang aking sarili.

Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan


ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas
ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang
mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal ang amoy nito
sa tubig at alam ng matanda na may dumating na malaking kamalasan.

Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang silangan at alam niya
ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala
siyang makitang mga layag at wala na rin siyang makitang ni balangkas o usok ng
anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang isdang-lawin na patalon-talon sa
magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga dilaw na kumpol ng damong Gulpo. Ni
wala siyang makitang isa mang ibon.

Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at


paminsanminsa’y ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na
magpahinga at magpalakas, nang makita niya ang una sa dalawang pating.

“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa
lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam
sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.

“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng


pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na
hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa pahalihaw
na galaw ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang
matinding gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan.
Pero palapit sila nang palapit.

Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik ang timon. Pagkaraa’y


kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat
ito dahil nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y ibinukas-sara niya
ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit
at huwag mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating. Nakikita niya
ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang kanilang malalapad,
puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating, masama ang
amoy, tagahalukay ng basura at mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat nila ang
sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at
kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang
sila ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan
ang tao.

“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”

Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho
sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka
habang kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang
dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa dakong nakagat na.
Kitang-kita ang guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan
ng utak at gulugod at inulos ng matanda ang lanseta sa sagwan sa hugpungan, hinugot
ito, at muling iniulos sa dilaw, tila sa pusang mata ng pating. Binitiwan ng pating ang
isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang siya’y namamatay.

Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at


binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating
mula sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito.
Laman lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang
lanseta. Hindi lamang ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pagulos
kundi pati ang kaniyang mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una
ang ulo, at tinamaan ito ng matanda sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw
sa tubig ang nguso at inginasab sa isda. Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos
sa dating lugar ang isda. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak
ito ng matanda sa kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.

“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod
at utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid ang litid.
Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng pating para
buksan ito. Pinilipit niya ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang
talim at habang dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka
nang isang milya ang lalim. Sumige ka at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon
ang iyong ina.”

Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan.


Pagkaraa’y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa
dating paglalayag.

“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na laman,”
malakas niyang sabi. “Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit
kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali ang lahat.
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at
lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang
mga paha.

“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa
akin. Ikinalulungkot ko, isda.”

Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo


kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami pang darating.

“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos


tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang
dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras
para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano ang
naririyan.

“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.”


Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang umuusad ang
bangka.

“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero hamak
na mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng
isda. Alam niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas ang karne at
ngayo’y sinlapad ng haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na
pagsusumundan ng lahat ng pating.

Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya.
Huwag mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa
ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa mga kamay ko
ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong nagdurugo.
Walang anumang sugat na dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang pagdurugo para
huwag pulikatin ang kaliwa.
Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong
dapat isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa
loobloob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa ‘yon.

Alam mo ba na…

litaw na litaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat ang pananaw Realismo?”
Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong
mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong
paggagad sa lipunan.
Inilalarawan din sa linyang ito ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na
buhay. Ninanais na ilarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kaniyang kapaligiran na
pareho ng kanilang pagkilos at ng kanilang anyo sa buhay.
Naniniwala ang may-akda sa teoryang ito na hindi ito na hindi dapat pigiliin ang
katotohanan mas higit na binibigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay

Gawain 3: Mga Gabay na Tanong Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Mula sa nobela, gumawa ng maikling balangkas hinggil dito. Sundan ang dayagram
sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Kasukdulan

Tunggalian

Pagpataas ng pangyayari Kakalasan

suliranin

simula Wakas

2. Balikan ang tauhan sa nobelang binasa. Isa-isahin ang mga kilos o gawi, paniniwala
at saloobing taglay nito na maaaring gawing huwaran tungo sa mabuting pamumuhay.
Ihanay ang sagot sa talahanayan sa ibaba.

Santiago Kilos o Gawi Saloobin o Paano gagawing


Paniniwala huwaran?

3. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago (ang matanda) sa nobela?


Isa-isahin ang mga ito, gayundin kung anong uri ng tunggalian at ang naging bunga
nito.
Pakikipagsapalaran ni Uri ng Tunggalian Bunga
Santiago

4. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Saan ito


maaaring maugat o nagmumula? Ipaliwanag ang mga sagot.
5. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela? Ano
ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?
6. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa
nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?
7. Magtala ng tatlong mahahalagang kultura mula sa nobela. Iayos ito ayon sa
kahalagahan. Gamitin ang kasunod na pabaligtad na piramid. Ipaliwanag sa klase ang
iyong sagot.

Gawain 4: Panunuri sa Suring Basa Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng


buhay ng isang tulad mong mag-aaral. Nalilibang ka sa pagbabasa ng anumang akda
gayundin pag nanonood ka ng mga palabas o pelikula na nagtataglay ng
makatotohanang pangyayari sa buhay. Upang masabing naunawaan mo ito, ang
pagbibigay-puna o panunuri ay kailangan.
Alam mo ba…
ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-
sining? Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito’y isang paraan ng
pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at
maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at sa lipunang
kinabibilangan niya.
Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento,dapat suriin ang mga elementong
taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magagandang
kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas.
Samantala sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang
napapaloob sa akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento); inaalam din ang
aspektong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan, at pangkultural na nakapaloob sa
nobela at paggamit ng angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri.
Panunuri o Suring Basa
Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda
tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba pang gawa/uri ng panitikan.
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan
(importance) at ang estilo ng awtor o may-akda (author’s writing style). Sa
pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o format ng suring-basa tulad
ng sumusunod:
I. Pamagat, may-akda, genre
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang


pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, balikan
isa-isa ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang
buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing
tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas.
Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
Tumutukoy naman sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip/utak/ o paraan ng
pag-iisip ng mambabasa ang bisa sa isip. Bisa sa damdamin naman ay kung ano ang
nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa. Tumutukoy ang mensahe sa
kung ano ba ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa, o maaari ding gustong
sabihin ng sumulat ng teksto. Nagpapahiwatig ang manunulat at hinihinuha naman ng
mambabasa ang pahiwatig nito.
Mas madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung ang mambabasa ay
may malalim na pag-unawa sa panitikan. Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang
pampanitikan na lumutang sa nasabing akda. Halimbawa kung mas binigyangdiin ang
tungkol sa pagiging marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng
awtor sa pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay
bunga ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili.
Eksistensiyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng
tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na
ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang kapalaran.
Mahalagang makapagbigay ng maraming halimbawa ang guro para mas malawak ang
sakop ng pagtalakay. Sa teoryang ginamit madalas nakikita din ang kahalagahan ng
panitikan sa lipunan lalo na kung ang teksto ay nasulat sa isang mahalagang panahon
ng kasaysayan.
Sa Mga Kuko ng Liwanag
(Isang Suring Basa)
Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway
Magazine ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Isinasalaysay
nito ang buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa galing probinsiya.
Kinakatawan nila ang libo-libong kapuspalad na nakipagsapalaran sa Maynila
Si Ligaya ang naunang nagbakasakali kasama ng isang matronang babae na
nagnangangalang Mrs. Cruz na nangako sa kaniya ng isang simpleng trabaho na may
posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting tulong sa
naiwan niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon na hindi
nakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kaniyang mga magulang at pati na rin kay Julio,
naisip nito na sundan sa Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Tulad
ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga naggagandahang
liwanag ng Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Kuko. Ang mga simbolong tulad
ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito na bakal,
graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga
kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na
tandaan, na sa kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng
lungsod.
Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang tugma
ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang mapupuntahan,
mararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang
makatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang
kuwento nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng kalye
sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister Balajadia at
Misis Cruz, gawin lang mas modern ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin lang kahit
minsan si Julio sa LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang
gawin muling pelikula ang librong ito, magiging swak pa rin ito sa panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi at alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela,
mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni
Julio na mabubuting tao, kapos man sila sa mismo sa materyal na mga bagay at kahit
hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang
pangangailangan, nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan
ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita
nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong
pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at Ligayang
ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa
probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng
lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga
manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod,ang
diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni
Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi
siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang kapalaran. Hindi siya
ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kaniya.
Hindi si Ibarra si Julio na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kaniya ng
kaniyang mga kaaway. Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na
kasamaan din ang dapat iganti sa kaniyang mga kaaway. Sa huli,sabi nga ng may-
akda, paano mo mamahalin ang isang tulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na
redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kaniyang
kinasapitan? Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na
iyan.
Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang
kaniyang nobela. Ipinauubaya niya marahil sa ating ang paghahanap ng mga sagot,
ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito
tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nito palawakin ng mambabasa ang kaniyang
kamalayan sa realidad na ito at harinawa, sabayan ng pagkilos.
Gawain 5: Alamin, Suriin, Tuklasin
Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring basa. Isulat ito sa
talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. Mga Elementong Ginamit Patunay

Mga Elementong Ginamit Patunay

2. Naging patas ba ang ginawang pagsusuri? Patunayan.


3. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anomang uri ng panitikan?
4. Pansinin ang mga salitang maysalungguhit sa suring-basa ng “Sa Mga Kuko ng
Liwanag,” paano ito nakatulong sa pagsasagawa ng panunuri?

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA
Alam mo ba na...
kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon
hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig at nabasa? Sa pagbibigay
ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsangayon o pagtutol.
Gayunpaman, ang konsepto ng pagtutol o kawnter-asersiyon at pagsang-ayon o
konsesyon ay maaari ring mapagsama sa isang pangungusap. Maaari ring maipahayag
ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol sa tulong ng mga pang-ugnay.
Suriin ang mga halimbawa sa ibaba:
1. Totoo/Tinatanggap ko/Tama ka/ Talaga/ Tunay (nga)/pero/ subalit/ngunit/ Datapwat
Halimbawa:
Talagang mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula.
2. Tama ka/ Totoo ang sinasabi mo, pero/ ngunit/ subalit
Halimbawa:
Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena, ngunit nagpakita pa rin ng
kahusayan sa pagganap bilang dalagang katutubo si Angel Aquino.
3. Sadyang/Totoong/Talagang, pero/ngunit
Halimbawa:
Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.

Pagsasanay 1: Balikang muli ang nobelang Harry Potter at ang Sa Mga Kuko ng
Liwanag. Itala sa talahanayan sa ibaba ang pagsang-ayon at pagtutol na ginamit.
Pagkatapos gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.

Pagsang-ayon/Pagtutol Pangungusap
Aralin 2.3

LAYUNIN
❖ Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan (collocation)(F10PT-IIa-b-71)
❖ Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa
mitolohiya. (F10PS-IIa-b-73)
❖ Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa
pagsulat ng paghahambing. (F10WG-IIa-b-66)
Mga kakailanganin:
A. Sanggunian:

• Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Panitikang pandaigdig pp. 174-177
Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
(Mitolohiya mula sa Iceland) ni Snorri Sturluson
(Isinalin ni Sheila C. Molina)
Wika: Paggamit ng Wastong Pokus ng Pandiwa na
Tagaganap at Layon sa Pagsusuri

Panimula

Nagsasaad ang Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang


Europa kabilang dito ang kanilang pinaniniwalaang mga diyos at diyosa na
matutunghayan sa kanilang mitolohiya. Tinatawag na mitolohiyang Norse o
mitolohiyang Eskandinaba ang mitolohiyang mula sa hilagang Europa kung saan ang
mga tao ay nagsasalita ng Germanic languages. Kabilang dito ang Svandinavia,
Sweden, Norway, Denmark, at Iceland.
Matutunghayan mo sa araling ito ang mitolohiya ng Iceland na pinamagatang
Sina Thor at Loki sa Lupainng mga Higante na orihinal na isinulat ni Snorri
Sturluson. May mga gawain na inilaan upang makita mo ang mga elementong taglay ng
mitolohiya na wala sa ibang akdang tuluyan at magamit mo ang mga pokus na
tagaganap at layon sa pagsusuri at ang tekstong nagsasalaysay.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makasusulat ka ng pagsusuri sa mga
elemento ng mitolohiya ng alinmang bansa. Ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng
sumusunod na pamantayan: a.) naipakilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya,
b.) nailalarawan nang mabuti ang tagpuan, c.) naisasalaysay nang maayos ang mga
pangyayari, at d.) nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya.
Inaasahan ding masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano naiiba ang
mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan? At paano magagamit sa pagsusuri ng
mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus sa layon.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mahahalagang
tanong na: Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan At paano
magagamit sa pagsusuri ng mitolohiya ang pokus tagaganap at pokus sa layon.
Gawain 1: Magbasa at Magsuri
Basahin at unawain ang mitolohiya na nagsasalaysay ng pagkakalikha ng
mundo. Pagkatapos, sa kasunod na bahagi ay lagyan ng tsek (a) ang kahon kung ang
binabanggit na elemento ng mitolohiya ay taglay ng binasa at isulat sa kuwaderno kung
ang may salungguhit na paksa ng pangungusap ay nasa pokus tagaganap o pokus sa
layon.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?
Si Odin kasama ang dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin
ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga
higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at iba’t ibang bagay mula
sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao mula sa
katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng kalupaan at
mga bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang makalikha ng karagatan at iba’t ibang
anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at
hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na
duwende sa apat na sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan,
Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng kagubatan
sa buong mundo na magpoprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante.
Tinawag nila itong Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap.
Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa Muspelheim,
isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang
nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak na
babae ng isang higante na pinangalanang Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa
isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing
bata. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga
kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila ay inutusang magpaikot-ikot habang
nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay
siyang nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay
naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito masunog.
May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng Middle-Earth ay
nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang asong-lobo.
Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang
magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya nagkakaroon
ng paglubog at paglitaw ng araw.
Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang mga ito ay
naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak,
tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng
light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga diwata at
espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng
mundo.
Mga Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan
mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan
mga karaniwang mamamayan sa komunidad
2. Tagpuan
may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan
sinaunang panahon naganap ang kuwento ng mitolohiya
3. Banghay
maraming kapana-panabik na aksyon at tunggalian
maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga
pangyayari
nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at interaksiyong
nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema
ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
pinagmulan ng buhay sa daigdig
pag-uugali ng tao
mga paniniwalang panrelihiyon
katangian at kahinaan ng tauhan
mga aral sa buhay

Gawain 2: Pagtatala ng mga Impormasyon


Basahin ang paglalahad tungkol sa mga diyos ng Norse. Pagkatapos sa tulong ng
grapikong representasiyon, itala ang nakuha mong impormasyon at sagutin ang tanong.
Ang mga Diyos ng Norse
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga
diyos ng digmaan at ng kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas
malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo sa mga tao hindi tulad ng
Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong
pinapangarap na makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito
ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na kamatayan. Alam ng mga
diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga
kalaban na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal
nilang kalaban ay ang mga higante na nananahan naman sa Jotunheim.

Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng mga nanahan sa Asgard lalo na
sa kanilang pinuno na si Odin. Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at
lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na pigilan ang araw ng
pagwawakas. Ang kaniyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang diyosa na
may kakayahang makita ang hinaharap.
Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang
pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.
Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos. Ang kaniyang kamatayan
ang maituturing na pinakalamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang
diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa
kaniya ring pangalan hinango ang araw ng Huwebes. Makikitang madalas niyang dala
ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng mga
prutas sa mundo ay nasa kamay ni Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng
Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa Asgard. At si Try ang diyos ng digmaan at sa
kaniyang pangalan hinago ang araw ng Martes.

Paglalarawan sa
Asgard

odin

Balder
Paglalarawan sa
Thor
Asgard
Freyr

Hemdall

Tyr

Tanong: Suriin ang tagpuan at mga tauhan na inilarawan sa binasang teksto. Ano ang
masasabi mo rito?
Inaasahan ko na nagkaroon ka ng kabatiran tungkol sa mga elementong taglay
ng mitolohiya at nakilala mo ang pokus na tagaganap at pokus sa layon. Ipagpatuloy
mo pa ang pag-aaral!

Alam mo ba na…
ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa
salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay isang
natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at
ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang
mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng
mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan
ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa
sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at
kamatayan.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga
natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang
panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin
ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan.
Ano-ano ang elemento ng mitolohiya?
1. Tauhan
Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan
May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang
panahon.
3. Banghay
Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga
pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay
Linangin

Alam kong handa ka nang basahin ang paglalakbay ni Thor sa lupain ng mga higante.
Makatutulong ito upang matuklasan mo kung paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang
akdang tuluyan.
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Mga Tauhan:
diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki – kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan
higante: Skymir – naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki - hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli - kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka
Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga
higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng
karuwahe na hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay,
nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at
inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. Inanyayahan ni Thor na
sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng
magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni
Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi
sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati
ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso,
itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay
bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor. Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang
kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya. Halos
magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni
Thor kung gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang
kalooban at hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging
alipin niya pagkatapos.

Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi sa lupain


ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim humanap sila ng
matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at nagpasyang manatili roon.
Hatinggabi na nang gulatin sila ng malakas na lindol, umuuga ang buong paligid at
pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid
ay nakakita sila ng isang silid. Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niya ang
kaniyang maso at humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang
malakas na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante.
Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor ng kaniyang
maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan ng
higante. Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba
ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman ni Thor na higante na pala ang kanilang
tinulugan at ang hintuturo nito ang inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang
paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon niyang
bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito ay nasa ibang
lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga baon. Pumayag si
Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon sa isang bag at ibinuhol ito.
Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay
nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog
agad at napakalakas humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol
nito ngunit hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang
kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at inaakalang may
nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung sila ay kumain na. Sinabi
nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat sila ng ibang puno. Hatinggabi na
nang marinig na naman ni Thor ang malakas na hilik ng higante. Nagising si Thor,
kinuha ang kaniyang maso at muling pinukpok ang higante. Nagising ang higante at
tinanong kung may acorn ba na nahulog sa kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo
Thor?” sabi ng higante. Sinabi nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa
ang oras para matulog. Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si
Skrymir ay maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang
higante.
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo
nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon
ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa
kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at
magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan
na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita
ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong
magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito. Nagpatuloy sa
paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na tanggulan.
Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila
ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang malalaking
tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari
na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas
kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama?
Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” wika nito.
Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin. Walang
sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang
nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang mga
hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo ang dalawang magkatunggali.
Kinain nila nang sobrang bilis ang karne, buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki
ngunit ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t malinaw na natalo si Loki sa
nasabing labanan.
Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ng
batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang paglalaban, masyadong malayo
ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi
si Hugi.
Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito.
Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t
tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng
mga panauhin.
“Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang lagukan, ang iba ay
kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang tatlong lagukan,” sabi ng
pinuno ng mga higante.
Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok
niya nang malaki ang lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang
lalagyan ay parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok.
Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa pangatlong
pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t
ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila wala pa ring nabawas sa laman ng
tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa matapon lahat ng laman.
“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming iniisip.
Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-
Loki. “Anong labanan ang maimumungkahi mo?” sagot ni Thor. “Isang laro na paborito
ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula sa lupa.” Isang abuhing pusa ang
lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at
sinubok na itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni
Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si Thor sa
aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki.
“Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang
makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor.
“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan mong
tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya ang labanan mo ng
wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na tulad mong malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang kaniyang
buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang mawalan ng
balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na ang labanan. Hindi na
kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa tagapaglingkod. Malalim na noon
ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-Loki kung saan sila makapagpapahinga at
inasikaso nang maayos.
Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at
humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang masaganang
agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip
nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at kung may nakilala ba itong lalaki na higit
na malakas kaysa kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na hindi niya maikakaila na
nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil iniiisip nito na siya ay
walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko
sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi
mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking salita, ni hindi ka makakapasok dito
kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan
sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong
magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang
pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos
noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una ay mahina pero kung
umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo ang burol na tila upuan ng kabayo
malapit sa aking kuta kung saan naroon ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay
napakalalim, ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis
kabayo sa harap ng iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita. Gayun din ang
nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod. Ang una,
nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero
ano ang laban niya kay Logi na tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang
kakahuyan. At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay
lumaban sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong
ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking
salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi mo ito
nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin
kamanghamangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para
sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang
iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na
upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas
halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang
matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala
kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti
para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang
pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi
manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol ngunit
wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang
paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
Matapos mong mabasa ang akda, alam kong handa ka nang isagawa ang mga
gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang tanong na: Paano naiiba ang
mitolohiya sa iba pang akdang tuluyan.
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong
salita upang makabuo ng iba pang kahulugan. Gawin sa iyong kuwaderno.
Halimbawa:
ulan

Tubig
alat pamligo

kanal

MATA
BAHAY KUWENTO

Gawain 5: Unawain Mo
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ikinagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Paano sila
pinarusahan ni Thor?
2. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay
hinahampas niya ng maso si Skymir?
3. Ano-anong paligsahan ang nilahukan ng mga panauhin sa kaharian ni
UtgaroLoki? Ilahad ang naging resulta nito.
a. Loki vs Logi
b. Thjalfi vs Hugi
c. Thor vs cupbearer
4. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na? Iparinig ito
sa klase. Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng
mga tauhan.
5. Kung ikaw si Thor at kaniyang mga kasama, ilarawan ang iyong magiging
damdamin kapag nalaman mong nalinlang ka sa paligsahan? Bakit?
6. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa sa
pamumuhay ng tao ngayon?

Gawain 6: Magsanay Magsuri


Basahin ang mitolohiya mula sa Pilipinas at pagkatapos ay suriin ang taglay
nitong elemento sa tulong ng talahanayan.
Rihawani
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na
pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng
puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw
ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay
ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan, pinananahanan
ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay na maaari
nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamanggubat,
at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong
naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at
prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang
diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang
nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad ang
mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga tao ay mabilis na humangos itong
tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa
bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay
lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso o
mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat
marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit
isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding
huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama ng
mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan.
Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong
maghiwahiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit
lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na
pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar
na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad naman
at nagsipatsipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi ng
matanda. Nang mapadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang pangkat ng
mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga
ito at nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang
matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad
inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang
lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang
puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha nang ang
usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang
mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki
ay naging isang puting usa at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong
hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito
ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamang
gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula
noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay
pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.

Tauhan Tagpuan Banghay Tema

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA
Alam mo ba..
isang di-pangkaraniwang katangian ng wikang Filipino ang pagtiyak ng semantic na
relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap sa tulong ng iba’t ibang panlapi?
Napapaloob ito sa konsepto ng pagpopokus. Maipopokus o maitutuon ang pandiwa sa
tagaganap o aktor ng kilos, sa layon o gol, gayon din sa tagatanggap o benepisyari,
direksiyon, sanhi o dahilan, ganapan o lokasyon, gamit o instrumento.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang pokus tagaganap at pokus sa layon. Nasa
pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang
gumaganap ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-
um. mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag- an/han. Pananda ng pokus o
paksa ang si/sina at ang, at magagamit din bilang pokus tagaganap ang mga
nominatibong panghalip na ako, ka,kita, siya, tayo, kami, kayo, at sila.
Pansinin ang isa sa mga pangungusap na ginamit sa parabula:
Umibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na naging dahilan ng kaniyang
pagbagsak.
Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay umibig at ang tinutukoy ay si Samson. Ito
ay nasa pokus na tagaganap dahil ang paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang siyang
gumanap ng kilos nito at gumamit ng panandang si.
Iba pang halimbawa:
1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kaniyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.
Ang pokus ay nasa pokus sa layon kung ang pinag-uusapan ang siyang layon ng
pangungusap. Ginagamit na panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/-han, ma, paki, ipa, at
pa at panandang ang sa paksa o pokus.
Pansinin naman ang pangungusap na ito:
Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson
Sa pangungusap sa itaas ang ginamit na pandiwa ay malaman na tumutukoy sa
ang sikreto na siyang paksa ng pangungusap at makikita rin ang panandang ang.
Tunghayan ang iba pang halimbawa:
1. Isinakay ni Thor sa kaniyang karuwahe ang kaniyang kambing.
2. Iniutos ni Thor sa magsasaka na ihiwalay ang buto sa balat ng kambing.
3. Kinuha ni Thor ang baon niyang bag.

Pagsasanay 1: Salungguhitan ang pandiwang ginamit at bilugan ang paksa ng


pangungusap. Pagkatapos ay isulat ang pokus ng pandiwa. Gawin sa sagutang papel.

1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.


2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga.
3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino.
4. Habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah ay ginupit ng
mga kalaban ang buhok nito.
5. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim.
6. Gumawa ng paraan si Utgaro-Loki upang hindi sila madaig ng
kapangyarihan ni Thor.
7. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa natutulog na higante.
8. Nilagok ni Thor nang malaki ang lalagyan ng alak ngunit tila wala pa
rin itong bawas.
9. Tumakbo nang mabilis si Thjalfi upang mahabol ang kalaban.
10. Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang maiwan

Aralin 2.4

LAYUNIN
❖ Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)
❖ Nasusuri ang mga elemento ng tula.(F10PB-IIc-d-72)
❖ Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang
pagbigkas ng tula (F10PS-IIc-d-72)
Mga kakailanganin:
B. Sanggunian:

• Ang Aking Pag-ibig


Panitikang pandaigdig pp. 187-188
Panitikan: Ang Aking Pag-ibig
Tulang Pandamdamin mula sa England
Isinalin sa Filipino Alfonso O. Santiago
Mula sa Ingles na “How Do I Love Thee” Sonnet 43
ni Elizabeth Barrett Browning)
Mula sa Pandalubhasang Panitikan nina Pineda et. al.
1990, Quezon City
Wika: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

Panimula

Matapos mong pag-aralan ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa mito na mula sa


bansang Iceland, maglakbay ka naman sa makulay at madamdaming daigdig ng
Inglatera. Ang Aralin 2.4 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pagibig” mula sa Italya
na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa
pag-unawa mo sa tula na tatalakayin gayundin ang paraan ng paglalarawan nito.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagtatanghal ng


Sabayang Pagbigkas mula sa likhang tula na may hawig sa paksang tinalakay ng tula
batay sa sumusunod na pamantayan: a.) angkop ang lakas ng tinig para sa mga
nakikinig, b.) taglay ang mga elemento ng sabayang pagbigkas, c.) kaangkupan ng
emosyon batay sa binasang tula, d.) pagtitiwala sa sarili.

Alamin natin kung naging mabisa bang paraan ang tula sa paglalawan ng
karanasan at damdamin ng mga bansang Kanluran. Gayumdin kung paano naktutulong
ang angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa paglalarawan.

Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na sa


pagkakaibang tulang liriko sa iba pang uri ng tula.
Makikinig ka ng isang awiting inihanda sa iyo ng guro. Matapos itong
mapakinggan, gawin mo ang Gawain 1.
Awit kay Inay
mula sa awit ni Carol Banawa

May hihigit pa ba sa isang katulad mo


Inang mapagmahal na totoo
Lahat nang buti ay naroon sa puso
Buhay man ay handang ialay mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika’y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito ay alay ko sa iyo


Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika’y nag-iisa Ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

Lahat ibibigay lahat gagawin mo


Ganyan lagi ikaw sa anak mo
Lahat ng buti niya ang laging hangad mo
Patawad ay lagi sa puso mo...

Walang inang matitiis ang isang anak


Ika’y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito


Ay alay ko sa iyo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika’y nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

Gawain 1: Lantad-Damdamin

1.1 Ilahad ang mga damdamin na naghahari sa nasabing awitin. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
1.2 Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
2. May mga damdamin ba ng pag-ibig ang inilahad dito?
3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng awit?
4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong
mapakinggan ang nasabing awit?

Gawain 2: Tula-Awit… Ano ang Pinagkaiba?


Makinig sa isahang pagbigkas ng tula. Suriin kung paano binigkas ang tula.
Pagkatapos, ihambing mo ito sa awit na iyong pinakinggan (Awit Kay Inay). Gayahin mo
ang kasunod na pormat sa sagutang papel

Pagkakaiba Pagkakatulad

Tulang binigkas

Awit na pinakinggan

Linangin

Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth


Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang hinihingi ng
kasunod na mga gawain.

ANG AKING PAG-IBIG

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang

Alam mo ba na...

ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at


damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan,
kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na
kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng
kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan.
Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa
paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan
at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko,
tulang pasalaysay, tulang padula at tulang patnigan.
Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o
tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na
taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang
karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay
na likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng
isang manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin at kaisipan ay
nagpapakilala ng matinding damdamin.

Gawain 3: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.
SUKAT

SIMBOLO TUGMA

TULA

TALINGH
TONO
AGA

1. Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito. Gawin sa sagutang papel.
2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?
3. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.
4. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kaniyang tula?
5. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?
6. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at kariktan nito?
Patunayan ang sagot.
7. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid ng
may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
8. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng makata?
Ipaliwanag ang sagot.
9. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. “Ang pag-ibig ay buhay, ang buhay
ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat sapol pa sa
pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan ng pagibig.”

Alam mo ba na...
ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng
pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang uring ito
ng tula.

Uri ng Tulang Liriko:

a. Pastoral – ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor.” Ang


tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay
tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.

Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na


nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pag-aralan
ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas
sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple

Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalaga


sa gawain at pamumuhay sa bukid.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraigb.
b. Elehiya – Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa
paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y
pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati
dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa
kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandali ay
agad lumipas.

Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus

c. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin,


kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng
likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.

Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon

d. Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri


ng damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng
taludtod sa isang saknong.Nagpapahayag ang oda ng matayog na
damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan,
karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang
nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o
patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.
Halimbawa: Tumangis si Raquel
e. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan.
Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit
hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin,
karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang
sinisinta.
Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener

f. Dalit – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa


Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng
pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at
pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at
dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring
dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang
dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.

Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros Macaraig

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay
karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat


taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-
d-a.
Halimbawa:

Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)


Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
3. Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A.
Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay
nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa
salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang
mga pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
5. Kariktan – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan
ng mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong
mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula

1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga


halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan
ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata
ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang
paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw
na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid niya o bunga
lamang ng kanyang makulay na imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting
salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng
kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniwang paraan
ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan
sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama
(nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi
lamang niya ito sinasabi.

Gawain 4: Suriin at Ihambing


Bigkasing mabuti at unawain ang isa pang halimbawang tula. Suriin ang pagkakabuo
nito at ihambing sa iba pang uri ng tulang pandamdamin.

Babang-Luksa
salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante
sa isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw


Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin


Naalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay


Na kung saan una tayo’y nag-ibigan
Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw

Sa matandang bahay napuno ng saya


Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit, kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan
At iniwan akong sawing kapalaran
Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni Bathala


Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata

Sa paraang ito, kung nagkaedad na


Ang puting bundok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahal


Ay hanggang matapos ang kabataan
Itong alaala ay laging buhay
Lalaging sariwa sa kawalang hanggan

Kaya, aking mahal sa iyong pagpanaw


Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin


Isang taon akong magluluksa mandin
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling

Sagutin ang mga gabay na tanong;


1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-anong pangyayari ang ginugunita ng makata? Ang mga pangyayari bang ito ay
karapat-dapat pang gunitain? Pangatuwiranan.
3. Ihambing ang tulang “Babang-Luksa” sa tulang “Ang Aking Pag-ibig.” Isulat ang sagot
sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat

Paraan ng paglalarawan ng pag-ibig


\

Mga salitang ginamit na


nagpatunay sa kahulugan ng pag-
ibig

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Suriin ang halaw na bahagi sa tulang “Ang Aking Pag-ibig” at “Ang Pamana.”

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila bagay nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.
- Ang Pamana

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

- Ang Aking Pag-ibig

Alam mo ba na...
isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o
pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan itong
ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga
mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-
bagay na alam ng taumbayan. Ang talinghaga ang mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o
tayutay.
Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung
kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng
tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran
ang ginagawang paghahambing
3. Pagmamalabis o hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag
4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay

May napansin ka ba sa gamit ng mga salita? Naglalaman ng talinghaga ang


dalawang saknong buhat sa binasang mga tula.
Kung naunawaan mo ang paliwanag tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng
matatalinghagang pananalita, bibigyan kita ng pagsasanay na susubok sa iyong
natutuhan. Natitiyak ko, makakaya mo itong gawin.

Pagsasanay 1: Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Isulat sa sagutang papel


ang tayutay na ginamit.
• Pagtutulad (Simile)
• Pagwawangis (Metaphor)
• Pagmamalabis (Hyperbole)

1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa.


2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.
5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata.
6. Diyos ko! Patawarin mo sila.
7. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
8. O buhay! Kay hirap mong unawain.
9. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
10. Naku! Kalungkutan mo ay di na matapos-tapos.

Aralin 2.5

LAYUNIN
❖ Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa
napakinggang usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)
❖ Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito.(F10PD-IIa-b-70)
❖ Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaaanan at
kagamitan) sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa. (F10WG-
IIa-b-67)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Sipi mula sa Sintahing Romeo at Juliet


Panitikang pandaigdig pp. 201-209

Panitikan: Sipi mula sa Sintahing Romeo at Juliet


(Dula mula sa England)
Ni William Shakespeare
Salin ni Gregorio C. Borlaza
Wika: Wastong Gamit ng Pokus sa
Pinaglalaanan at Pokus sa
Kagamitan sa Pagsulat ng Sariling Damdami

Panimula

Ang Aralin 2.5 ay naglalaman ng “Sintahang Romeo at Juliet” na hango sa


Romeo at Julieta ni Gregorio C. Borlaza sa orihinal na akdang Romeo at Juliet ni
William Shakespeare. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa Wastong Gamit ng Pokus
sa Pinaglalaanan at Pokus sa Kagamitan na makatutulong sa pagsulat ng damdamin at
saloobin.
Sa daloy ng aralin, inaasahang masasagot nang may pag-unawa ang mga pokus
na tanong na: Paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng
isang bansa; at Paano nakatutulong ang pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan
sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magiging bahagi ng
pagtatanghal ng isang dulang trahedya na naglalarawan sa kultura ng isang bansa na
may kaugnayan sa tema ng binasang akda. Mamarkahan ka ayon sa sumusunod na
pamantayan: a.) kaangkupan sa tema/paksa, b.) orihinalidad/ sining at estilo ng
paglalarawan, c.) kaaliwan, at d.) kasuotan/props/musika.
Aalamin din natin kung paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at
kultura ng isang bansa. Gayundin, kung paano nakatutulong ang pokus sa
pinaglalaanan at sa kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Paglakbayin ang iyong diwa sa pag-aaral mo sa bagong aralin. Aaralin mo muna


kung gaano na ang nalalaman mo sa aralin upang sa gayo’y higit mong maunawaaan
kung paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang
bansa at kung paano nakatutulong ang pokus sa pinaglalaanan at sa kagamitan sa
pagsulat ng sariling damdamin at saloobin.
Subukin mong paglakbayin ang iyong kaisipan sa bansang pinagmulan ng
araling tatalakayin. Sagutin mo ang sumusunod na gawain upang magkaroon ka ng
sapat na kaalaman uk ol dito.
Gawain 1: Lakbayin Natin Magbigay ng impormasyon tungkol sa bansang England
batay sa sumusunod na aspekto. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagsagot
sa Gawain

Relihiyon Turismo Kaligiran Kasaysayan

Rehiyon Rehiyon Rehiyon

ENGLAND

Rehiyon
Panitikan Mga Tao Kultura/Tradisyon

Rehiyon Rehiyon Rehiyon


ugali

Pananaww

Pamumuhay

Gawain 2:Tayo na’t Magkuwentuhan


Magsalaysay ng kuwentong nabasa, napanood, narinig, at nasaksihan na humantong
sa trahedya ang wakas. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagsago

KUWENTONG NABASA

KUWENTONG NAPANOOD

KUWENTONG NARINIG

KUWENTONG NASAKSIHAN

Gawain 3:Punan Mo
Punan ng angkop na pandiwa ang patlang upang mabuo ang diwang ipinapahayag ng
bawat pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot.
1. __________ ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet.
2. __________ ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan.
3. Ang prinsesa’y __________ ng kapatawaran at ang prinsipe’y __________ ng
kaparusahan.
4. __________ ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pagibig sa
prinsesa.
5. __________ ni Romeo ng lason ang apatnapung ducado sa isang butikaryo.

Tumanggap Ipinang-akit Ipinambili


Ipinatakot Ginawaran Inalayan

Bago mo basahin ang nilalaman ng dulang Romeo at Juliet, pag-aralan ang


katangian ng dula bilang isang anyo ng panitikan. Gayundin, alamin mo ang katangian
ng dulang trahedya na uring kinabibilangan ng dulang iyong pag-aaralan.

Alam mo ba na...
ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng
ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot
na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot
ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang
Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya na
sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides.
Ngayong nalaman mo na ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa dula,
marahil handa ka nang galugarin ang isa sa dakilang akda ni Shakespeare. Pag-igihin
mo ang pag-aaral.

Linangin

Ang pag-ibig na dapat sanang makapaghihilom sa lahat ng mga suliranin sa pagitan ng


kanilang angkan ang nagdulot ng mga pangyayaring humantong sa kamatayan.
Sundan mo kung paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na
trahedya. Basahin at unawain ang dula upang sa gayo’y matuklasan mo rin kung paano
nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa.

Sintahang Romeo at Juliet


Hango sa Romeo at Juliet
na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

Unang Tagpo
(Sa pag-iisa ni Romeo. Kinakausap ang sarili)
ROMEO: Bata pa ba ang araw? Mahaba ang malungkot na mga oras.
Walang paglingap ng aking minamahal.
O, nag-aaway na pag-ibig!
O, pag-ibig na nagagalit!
O, kahit na anong sa wala nanggagaling!
Ganito ang pag-ibig kong walang pag-ibig na nadarama.
Pakitaan ako ng isang babaing labis na marikit,
Di ba’t ganda nito’y isa lamang pantawag ng isip
Sa lalo pang may malaking kagandahan?
Sa paglimot, di mo ako ma’aring turuan.
(Sa pag-iisa ni Juliet. Kinakausap ang sarili.)

JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap.


Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina,
Mga dalaga dito ay nagiging ina na.
Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo?
Maiibig ko ba ang ginoo?
Hangad ng magiting na ito, ang pag-ibig ko.
Sa piging mamayang gabi, siya’y makikita ko.
Sa pagbasa ng aklat ng kay Paris na mukha,
Sana nga ay matagpuan ang itinitik ng kagandahang tuwa;

Ikalawang Tagpo
(Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan. Naroon din si Juliet na
nakikipagsayawan. Darating si Romeo at makikita niya si Juliet sa hanay ng mga
babaeng sumasayaw.)

ROMEO: Liwanag ng tanglaw, sa pagtuturo niya’y lumalaki,


Para siyang nakabitin sa pisngi ng gabi,
Katulad ng mamahaling hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia,
Kagandahang di dapat gamitin pagkat lubhang mahalaga,
Parang puting kalapating kasama ng mga uwak
Ang binibini ko sa piling ng mga hamak.
Pagkatapos nitong sayaw, titingnan kung saan siya uupo,
Mabibindita ang kamay kong magaspang pag ang kaniya ay nahipo,
Puso ko ba’y mayroon nang minahal? Itakwil mo, mata,
Pagkat ang tunay na ganda’y ngayon ko lamang nakita.
(Makikita ni Tybalt si Romeo. Sisitahin niya ito.)

TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague.


Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan,
Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.
CAPULET: Bakit pamangkin ko, ano ang ipinagpuputok mo?
TYBALT: Tiyo, ito ay ating kaaway na isang Montague;
Isang buhong na dahil sa galit naparito,
Upang libakin ang kasayahang ito.

CAPULET: Siya ba ang batang si Romeo?

TYBALT: Siya nga, si Romeong buhong.

CAPULET: Masiyahan ka pinsan ko, pabayaan siya.


Parang maginoong tunay ang mga kilos niya,
Dahil sa taglay na dangal at kilos niyang sakdal buti.
Kahit ibayad sa akin ang yaman ng buong bayan,
Hindi ko siya sisiraan sa aking tahanan.
Kaunting tiyaga, huwag mo siyang pansinin.

TYBALT: ‘Pag panauhin ay isang buhong ay angkop iyan.


Hindi ko siya mapagtitiyagaan.

CAPULET: Pagtitiyagaan siya. Bakit, iho


Ganiyan ang sabi ko. Alis ka diyan!
Ako ba ang panginoon dito o ikaw?
Alis ka diyan! Nais mong sumikat, nais mo na ikaw ang masunod!

TYBALT: ‘Pag ang pasensiya’y pinilit kong pumigil sa galit na pag-ayaw,


Nanginginig sa tagisan ang lahat kong mga laman.
Ako ay aalis; subalit ang ganitong panghihimasok
Na ngayo’y waring matamis ay magiging mapait na lubos.
(Lalabas si Tybalt. Magtatagpo ang paningin nina Romeo at
Juliet)

ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,


Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.

JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala


Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita;
Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-pakay;
At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.

ROMEO: Kung gayon, santa ko,bayaang gawin ng labi ang gawain


na pangkamay!
Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet.)
JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.

ROMEO: Salang buhat sa labi ko?


O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet.)

JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.

NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.

ROMEO: Sino ang kaniyang Ina?

NARS: Aba, binata. Ang nanay niya ay ginang nitong tahanan.

ROMEO: Siya ba’y Capulet?


O kay samang kapalaran!
Ang buhay ko’y utang ng aking kaaway.
Ito na ang ikinatatakot ko, lalo akong hindi mapalagay.

Ikatlong Tagpo
JULIET: O Romeo, Romeo!
Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet

ROMEO: Maghintay pa kaya ako, o ngayon din ay tumugon?

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,


Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,
Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.
O, magpalit ka na ng pangalan!
Ang rosas kung tagurian,
Sa ibang taguri’y mananatiling mabango ang pangalan

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.


Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.

JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,


Na nakatuklas sa aking lihim?

ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring


katauhan.
Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko
Pagka’t yao’y isang kaaway mo.
Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ko pa nalalanghap,’ sandaang kataga,


Ng sinabi ng dilang yan, ngunit alam ko na yata.
Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, o santang butihin, kung kamumuhian mo rin.

JULIET: Paano ka naparito, sabihin sa akin, at saan nanggaling?


Pader dito ay mataas. Mahirap akyatin,
At kung iisipin, ang pook ay kamatayan,
‘Pag natagpuan ka rito ng sino mang aking kasamahan.

ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.
Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin,
Kaya’t ang mga pinsan moy hindi sagabal sa akin.

JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,


Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

ROMEO: Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin,


Hindi baleng matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.

JULIET: Sinong nagturo sa iyo ng lugar na ito?

ROMEO: Ang pag-ibig na nagturo sa aking magmatyag,


Binigyan ako ng payo’t binigyan siya ng pangmalas.

JULIET: O mabait na Romeo, Kung ikaw ay umiibig ay tatapatin mo.


O kung akala mo’y ako’y napakadaling mahuli,
Ang totoo, butihing Montague, labis akong mapagmahal,
Dahil, dito’y maaari mong sabihing kilos ko’y buhalhal;
Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako
Kaysa mga mukhang mahiwaga dahilan sa tuso.

ROMEO: Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon


Na nagpuputong ng pilak sa lahat na nariritong punong kahoy.

JULIET: Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman


Na buwan-buwan ay nagbabago sa kaniyang ligiran.
Baka ang pag-ibig mo ay maging kasinsalawahan
Masyadong kaparis ng kidlat na biglang nawawala
Bago masambit ang ‘kumikidlat’. Paalam na mahal!

ROMEO: Iiwanan mo ba akong ganitong di nasisiyahan?

JULIET: Anong kasiyahan ang maaari mong ngayon ay makamtan?

ROMEO: Magpalitan tayo ng tapat ng sumpa ng pag-ibig.

JULIET: Ibinigay ko na sa iyo ang akin bago mo hiningi.

ROMEO: Babawiin mo ba? Anong dahilan sa iyo’y muling ibigay?

JULIET: Tatapatin kita, upang sa iyoy muling ibigay.


Ang kagandahang-loob ko ay kasing lawak ng dagat,
Pag-ibig koy kasinlalim; habang binibigyan kita
Lalong marami ang natitira, kapwa sila walang hanggan.
Maging tapat ka Montague kong matamis
Maghintay ka, ako ay muling babalik.

ROMEO: O, gabing lubhang pinagpala, ako’y nangangamba pagkat ngayong


gabi’y baka ito ay pangarap lamang,Masyadong mapanlito upang
maging katotohanan.

JULIET: Tatlong salita, mahal kong Romeo’t paalam nang tunay.


Kung marangal ang hangarin ni’yong iyong pagmamahal,
at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako,
Sa tulong ng isang susuguin ko sa iyo,
Kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay ganapin;
Ang lahat kong kayamana’y sa paanan mo ay ihahain,
Sa buong daigdig kita susundin.

JULIET: Subali’t kung hindi wagas ang iyong hangarin,


Hinihiling ko sa iyo-
Na ihinto ang iyong pagsuyo’t sa lungkot ako’y iwanan
Bukas ako’y magpapasugo sa iyo.

ROMEO: Mabuhay nawa ang kaluluwa ko

JULIET: Adios, adios matamis na lungkot ng paghihiwalay


Di ako titigil ng kapapaalam hanggang kinabukasan.

Ikaapat na Tagpo
PADRE: Pagpalain ng langit itong banal na gagawin upang pagkatapos ang
pagsisisi’y huwag nating kamtin.

ROMEO: Amen, Amen, ngunit ano man ang lungkot na darating


Ang kagalakan kong matatamo’y hindi dadaigin
Sa sandaling siya’y aking masilayan.
At ang kamatayang salot sa pag-ibig, bayaang dumating
Kasiyahan ko nang siya’y maging akin.

PADRE: Ang marahas na ligaya’y may marahas na hanggahan.


Parang apoy at pulburang namamatay sa tagumpay,
Naghahalikan ay nauubos. Ang pulot na matamis na lubha
Dahilan sa sarap ay nakasusuya,
At ang tamis ay nakasisira sa panlasa.
Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta;
Ang mabilis ay kasabay ng mabagal, dumating sa pinupunta.

JULIET: Magandang gabi po sa mabunying kumpesor ko.

PADRE: Para sa aming dalawa, si Romeo ang pasasalamat sa iyo.

JULIET: Gayon din ako sa kaniya;


O, ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.

ROMEO: A, Juliet, kung ang kaligayahan mo kagaya ng aki’y iipunin at ang


kakayahang iyong angkin.
Ang maglalarawan doon, patamisin ng iyong hininga

JULIET: Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi,


Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti,
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman;
Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
Kahit kalahati ay hindi ko mabilang

PADRE: Madali nating tatapusin na,


Pagkat di kayo nararapat bayaang nag-iisa

Ikalimang Tagpo
BENVOLIO: Si Tybalt na nahulog kay Romeong kamay;
Si Romeo ang nagsabi sa kaniyang malumanay
Na walang k’wenta ang pagtatalunan,
Itong lahat – sinabi niya nang buong hinahon, maaamo ang tingin
at yukod ang tuhod –
Hindi makapayapa sa pusong mapusok ni Tybalt na bingi sa
payapang panawagan,
Umulos ng armas sa dibdib ni Mercutiong matapang;
Sa galit, ay lumaban, armas sa armas,
At parang isang sundalo’y tinabig ng isang kamay niya
Ang kamatayang malamig, saka ibinalik ng ikalawang kamay
Kay Tybalt na dahilan ang liksing taglay ay biglang gumanti.
Isang inggit na saksak ni Tybalt ang lumagot
Sa buhay ng matapang na si Mercutio.
Kumaykay ng takbo si Tybalt at saka binalikan si Romeo
Na bago la’ng nakaisip na gumanti rito,
At parang kidlat silang nagtagis; bago ko nakuha
Ang armas upang sila’y nabubuwal ay tumakbo si Romeo
Ito ang katotohanan, mamatay man si Benvolio

PRINSIPE: At dahil sa kasalanang iyan.


Siya’y aking ipatatapong biglaan.
Palayasin agad si Romeo,
Katapusan niyang araw pag nahuli rito.
Iligpit ang bangkay at ang utos ko ay sundin
Ang awa’y nakamamatay sa paglingap sa salarin.

Ikaanim na Tagpo
JULIET: Huwebes ng umaga!
Ako’y namamangha sa pagmamadali,
Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw.
Hay, ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin.
Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat
Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat,
O, matamis kong ina, h’wag akong talikuran!
O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal
Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan.
Ako’y tutungo kay Padre Laurence na silid,
Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit.

Ikapitong Tagpo
PADRE: Ah, Juliet, batid ko na ang iyong hinagpis;
Ako’y nababahalang labis na abot nitong pag-iisip.
Narinig kong kailangan at hindi mapipigilang
Sa Huwebes na darating ang Konde ay iyong pakasalan.

JULIET: H’wag sabihin, padre, na narinig mo ‘yan


Kundi masasabi kung paano ninyo’y ito maaaring hadlangan.
Kung sa karunungan ninyo’y di makatutulong,
Sabihin man lamang na tama ang nilalayon
At sa tulong ng lansetang ito’y gagawin ko.
Huwag nang mag-atubili, nais kong mautas
Kung ang inyong sasabihin ay hindi makalulunas.

PADRE: Umuwi ka, matuwa’t pumayag kay Paris pakasal .


Miyerkules bukas. At bukas ng gabi, mahiga kang nag-iisa;
Matapos mahiga’y kunin ang garapang ito
At ang lamang alak nama’y tunggain mo.
Pagkatapos nito’y sa mga ugat mo’y maglalagos
Ang pagdaramdam ng antok at ang tibok
Ng pulso mo’y titigil at mawawala,
Walang init o hiningang sa buhay mo’y magbabadha;
Ang rosas mong labi’t mga pisngi ay kukupas
Parang kamatayang nagpipinid sa araw ng buhay:
Bawa’t bahaging malambot ng iyong katawa’y
Maninigas, manlalamig at parang tunay na patay;
Sa ganitong hiram na anyo ng kamatayan
Mamamalagi ka sa loob na apatnapu’t dalawang oras.

Ikawalong Tagpo

NARS: Binibini! Ano ba, binibini!


Juliet! Ano’t nakabihis, magara ang damit, at nahiga uli?
Kailangang gisingin ka. Binibini! Ano ba, binibini!
Juliet! Naku, naku, naku.
Tulong, tulong ang binibini ko’y patay
O kay sawi, bakit pa ba ako isinilang
Kumuha ng alak, madali! Aking ginoo! Aking ginang!
Araw na kasumpa-sumpa, malungkot, hamak, nakamumuhi!

kasiyam na Tagpo
(Romeo at Baltazar.Dumating si Baltazar mula sa Verona dala
ang masamang balita para kay Romeo.)
ROMEO: Balitang buhat sa Verona! Baltazar, anong iyong masasabi?
Wala ka bang dalang sulat na buhat sa Padre?
Kumusta ang aking ginang? Mabuti ba ang aking ama?
Ang muli kong itatanong, kumusta ba ang aking Juliet?
Walang magiging masama kung mabuti ang kalagayan niya

BALTAZAR: Kung gayo’y mabuti, siya’y walang magiging masama.


Ang kaniyang bangkay sa libinga’y namamayapa,
At ang kaniyang kaluluwa’y kasama ng mga anghel.
Nakita ko siyang inilibing sa tumba ni Capel.

ROMEO: Gayon ba? Kung gayon ay humarang na ang mga bituin!


Aalis ako ngayon din! Wala bang sulat ang Padreng sa iyo’y
padala?

BALTAZAR: Wala po, mabuti kong panginoon.

ROMEO: Ano ang dapat kong gawin?


May naalala akong isang butikaryo,
Na sa dakong ito nakatira, napansin ko.
(Sa may Butikaryo)

BUTIKARYO: Sinong tumatawag nang kaylakas?

ROMEO: Nakikita kong ikaw ay mahirap.


Heto ang apatnapung ducado.
Bigyan ako agad ng isang lagok na lasong kakalat
Upang mamatay ang iinom na sa buhay ay nagsawa na.

BUTIKARYO: Mayroon nga akong lason; ngunit parusa ng batas ng Mantua’y


kamatayan sa magbili na pangahas.

ROMEO: Ang mundo’t ang batas ay hindi mo kaibigan;


Walang batas sa mundong sa iyo ay magpapayaman;
Huwag mamalagi sa hirap, labagin ang batas, kunin mo iyan.

BUTIKARYO: Ilahok mo ito sa kahit na anong tunaw at saka inumin.


At kung ang lakas mo’y katimbang
Ng sa dalawampung katao, ay bigla kang mamamatay.

Ikasampung Tagpo
JUAN: Banal na padreng Pransiskano, kapatid ko!
Samantalang humahanap ng kasama,
Pinakuan ang pintuan at di kami pinalabas
Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa Mantua ay napigil agad.

PADRE: Sino ang nagdala ng sulat ko kay Romeo?

JUAN: Wala akong mapagdala – narito nang muli –

PADRE: Malungkot na kapalaran!


Ang sulat ay hindi biro
kundi mayrong nilalamang mahalagang bagay

Ikalabing-isang Tagpo
ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!
Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)
O tapat na butikaryo! Mabisa ang lason.
Matapos ang isang halik, mamamatay ako.

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram


na kamatayang sinapit ni Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang
tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit
konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y
mamatay

(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)

BABAE: Kapayapaang mahilom ang dulot nitong umaga


Ang araw ng kalungkuta’y hindi ngayon pakikita
Lumakad na kayo’t pag-uusapan pa ang malungkot na naganap
Ang iba’y patatawarin at sa iba’y parusa ay ilalapat;
Sapagkat wala pang makakasinlungkot
Ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kaniyang irog.

Alam mo ba na…
ang Romeo at Juliet ay isang dulang sinulat ni William Shakespeare tungkol sa
dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging
magkaaway? Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula sa Italy
na isinaling wika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and
Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke
noong 1562 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of
Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567.

Gawain 4:Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang pinag-ugatan ng mga salitang may salungguhit. Gawing batayan ang
kasunod na halimbawa. Pagkatapos gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
Salita: susundin
Pinagmulan: su (pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat) + sunod+in
= susunodin (pagkakaltas)
= susundin
Pangungusap: Susundin ko ang wika mong binitiwan.
1. ang ganitong panghihimasok mapait na lubos
2. sa ngalan ng buwang matimtiman
3. mabait na mamamakay
4. O, gabing pinagpala, ako’y nangangamba
5. Sa tulong ng isang susuguin ko
6. Ang marahas na ligaya
7. Madilim na libingang hinihigan
8. Hahagkan ko iyong mga labi
9. Titingnan kung saan siya uupo
10. Kasiyahang maaari mong makamtan

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA
Alam mo ba na...
ang pahayag na nakasalungguhit ay nasa Pokus sa Kagamitan at Pokus sa
Pinaglalaanan? Kadalasan nang ginagamit ang katangiang ito ng pandiwa sa
paghahatid ng mabisang pagpapahayag. Mahalagang alam mo ang pokus na nabanggit
dahil malaking tulong ito sa pagsasagawa mo ng inaasahang pagganap. Naririto ang
paliwanag na dapat tandaan.
Pokus sa Kagamitan ang tawag sa instrumento o kasangkapan sa pagsasagawa ng
kilos na isinasaad ng pandiwa na gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.
Gumagamit ang pokus na ito ng mga panlaping ipang-, ma-+ipang
Halimbawa:
1. Ipanlalaban niya ang sariling niyang mga kuko sa malalaking bato.
2. Ipinambaril niya ito sa kawawang anak.
3. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso.

Sa unang pahayag, ang simuno o paksang sarili niyang mga kuko ang
nagsisilbing instrumento sa kilos ng pandiwang ipanlalaban. Samantala, ang panghalip
na ito naman sa ikalawang pangungusap ang gumanap na simuno o paksa ng
pangungusap at kasangkapan para sa pandiwang ipinambaril. Ang sampung libong
piso na paksa sa ikatlong pangungusap ang pokus ng pandiwang ipang-areglo.
Tinatawag naman na Pokus sa Pinaglalaanan/Kalaanan ang pandiwa kapag ang
pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng pangungusap. Ginagamit sa pokus na
ito ang mga panlaping makadiwang i-, ipag-, ma+ipag-, ipagpa
Halimbawa:
1. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga.
2. Upang ihingi ng tawad ang ginawa nito sa kaniyang anak.
3. Ipinaghiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde.
Sa unang pangungusap, ang pariralang sinapit ng kaniyang dalaga ang
nagsisilbing kalaanan sa kilos ng pandiwang ihahanap. Samantala, ang pariralang
ginawa nito sa kaniyang anak naman sa ikalawang pangungusap ang gumanap na
simuno o paksa ng pangungusap at kalaanan para sa pandiwang ihingi. Gayundin, ang
paksang ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde sa ikatlong pangungusap ay pokus ng
pandiwang ipinaghiganti
Ngayong natutuhan mo na ang gamit at kahalagahan ng pokus sa kagamitan at
pinaglalaanan sa iba’t ibang pahayag, tatayahin ang lawak ng iyong natutuhan.
Pagsasanay 1: Basahin ang mga pangungusap at punan ang talahanayan.
1. Ang kapangyarihan niya ay ipinanakot sa mahihina.
2. Ipinangregalo ng pamilya Lopez ang mga natipong donasyon para sa nabiktama ng
kalamidad.
3. Ang bitbit bi Tony ay hiningi ng kaniyang pagtatapat sa ina.
4. Ipinagkaloob ng tadhana ang naganap sa Leyte.

5. Ang inabot na salapi ay itinulong sa mga mag-aaral na mahihirap

Pangungusap Paksa Pandiwa Pokus


1
2
3
4
5

Aralin 2.6

LAYUNIN
❖ Naisalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kwento. (F10PS-IIe-75)
❖ Nagagamit ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa isinulat na
sariling kuwento (F10WG-IIc-d-68)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:
• Aginaldo ng mga Mago
Panitikang pandaigdig pp. 219-222
Panitikan: Aginaldo ng mga Mago
Maikling Kuwento mula sa United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi” ni O. Henry (William Sydney Porter)
Wika: Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi
Gamit sa Pagsasalaysay ng mga Pangyayari

Panimula

Ang Aralin 2.6 ay tatalakay sa isang maikling kuwentong Aginaldo ng mga Mago
na orihinal na akda ni O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro. Bahagi rin ng
aralin ang pagtalakay sa araling ito ang tungkol sa Pokus sa Ganapan at Pokus sa
Sanhi na makatutulong sa pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naipamamalas mo ang pagpapahalaga
sa maikling kuwento at nakapagtatanghal ka ng isang tableau na may kaugnayan sa
mahalagang tema o mensahe ng akda. Mamarkahan ka ayon sa inaasahang pagganap
batay sa sumusunod na pamantayan: a.) mensahe/ kaangkupan sa tema, b.)
kahusayan sa pagtatanghal (pag-arte/ ekspresiyon ng mukha, c.) paglalarawan sa set
(production set/props, kasuotan), at d.) kawilihan
Inaasahan din na masasagot mo ang mga pokus na tanong kung paano
maisasabuhay ang mahahalagang tema o kaisipan na nakapaloob sa akda at ang sagot
sa mga tanong na ito ay matutuklasan mo sa masusing pag-unawa sa aralin sa modyul
na ito. Handa ka na ba sa gagawin mong paglalakbay? Kung handa ka na ay simulan
mo na ang pag-aaral.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Subukin mong sagutin ang kasunod na gawain upang sa gayo’y masagot
mo ang pokus na tanong kung paano maisasabuhay ang mga mahalagang tema o
kaisipang nakapaloob sa akda?

Gawain 1: Alamin Mo Magsaliksik tungkol sa bansang Amerika. Maglahad ng mga


umiiral na kultura tungkol sa pagbibigayan ng regalo. Ipakita kung may pagkakatulad ito
sa kultura ng mga Pilipino. Ibahagi ito sa klase.

KULTURA NG
AMERIKA TUNGKOL PAGKAKATULAD SA
SA PAGBIBIGYAN PILIPINAS
NG REGALO
Gawain 2: Ikuwento Mo Magsalaysay ng isang pangyayari mula sa napanood na
palabas o nabasang kuwento na may kinalaman sa kulturang umiiral sa pagbibigayan
ng regalo .

Pamagat Pangyayari Reaksyon

Bago mo pag-aralan ang araling inihanda para sa iyo, basahin mo nang may pagunawa
ang mahalagang impormasyong maaaring makapagbigay ng dagdag na kaalaman sa
iyo tungkol sa akdang iyong pag-aaralan.

Alam mo ba na…
ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring
mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo? (Mateo 2: 1-12) Ang mga Mago ang
nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban
sa Belen ng Judea sa Jerusalem. Sila ang sinasabing nagpasimula sa pagbibigayan ng
mga regalo.

Linangin

Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal nang tunay at


tapat ay handang ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa kasiyahan ng taong
minamahal. Tuklasin natin sa kasunod na maikling kuwento kung paano pinatunayan
nina Jim at Della ang wagas na pagpapakasakit para sa isa’t isa. Basahin mo ito nang
may pag-unawa upang sa gayo’y maunawaan mo kung paano maisasabuhay ang mga
mahalagang tema o kaisipang nakapaloob sa akda?
Aginaldo ng mga Mago O. Henry
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay
barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan
noon ay Pasko.
Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa
at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi.
Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang
isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang para ipambili ng pangaginaldo kay Jim. Kung ilang buwan
siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal
ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos
kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong
sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming oras
ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay Jim. Isang pang-
aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing karapat-
dapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin.
Nagniningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan
ng kulay ang kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang
buhok.
Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ariariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap na
parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng
kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod
niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang
sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang
kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at
lumabas sa lansangan.
Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme.
Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa
unang hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.
“Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang
makita ko ang hitsura niyan.”
ni Della ang alon-alon niyang buhok.
“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok.
“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa
loob ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin
ang mga tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang
ipinasadya. Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang
platino, na ang disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay
talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos.
Pagkakitangpagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang
bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t
isang piso ang ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang
dalawampu’t pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa
kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang
mga kaibigan. Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim
upang tingnan ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-
iingat. Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang
kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob. Nang alas-siyete
na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim ay hindi kailan ginagabi
ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa sulok ng
mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya ang mga yabag ni Jim
sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya ang magdasal nang
kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y
bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y
maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang pamilya!
Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang
guwantes.
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka,
ni pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni
Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang
damdaming hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit
kay Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang
papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako
makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang
aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang
kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin
mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano
kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng
pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na
putol ang aking buhok?”
Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay
ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa
pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo
kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na
tili ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga
suklay na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya
sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang
dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika,
“Malakas humaba ang buhok ko, Jim.”
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della
sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng
apoy ng kaniyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita
ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit
na ang kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang
kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.
Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili
ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –
napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang
may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong,
pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay
yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinaginutan
kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na
nakatira sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa
kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang
tahanan.
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat
sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang
pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang
pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.
Gawain 3: Pag-unawa sa Akda
Sagutin ang sumusunod na mga tanong
1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento. Paano nila
ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa isa’t isa?
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda ng
pamasko sa isat isa. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa nilang
paraan upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatuwiranan.
3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento? Patunayan
ang sagot.
4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa Pasko ang
ipinakita sa maikling kuwento? Patunayan.
5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo
mapaligaya mo lamang ang iyong mahal?
6. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?
7. Anong mahahalagang mensahe/kaisipan ang ibinibigay ng akda? Magbigay ng
tiyak na mga halimbawa kung papaano mo ito isasabuhay. Gamitin ang
dayagram sa pagsagot.
MAHALAGANG
KAISIPAN AGINALDO NG
MGA MAGO

MAHALAGANG KAISIPAN PAANO ISASAGAWA?


Matapos mong mapag-aralan ang mga pangyayari sa maikling kuwentong Aginaldo ng
mga Mago, hinihikayat kitang basahin ang kasunod na kuwento. Subukin mo namang
alamin kung paano nakatulong ang Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi upang
mapalutang ang mensahe sa akda.
Sa maiklling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago,” nalaman mo ang wagas na
pagmamahal na ipinakita ng mga tauhan alang-alang sa taong pinakamamahal nila.
Ganito rin kaya ang uri ng pagmamahal na malalaman mo sa kasunod na teksto?
Basahin mo ang kasunod na teksto upang mapaghambing mo ang paglalarawan
tungkol sa kakaibang pag-ibig.

Sa Loob ng Love Class


ni Eric O. Cariño

Lunes na naman. At tulad ng iba pang mga Lunes na nagdaan sa mga nakalipas na
mga linggo, wala itong ipinagkaiba. Muli na naman akong maghahanda para sa isang
buong linggong pakikipagsapalaran sa piling ng mahigit dalawandaang mag-aaral – ng
iba’t ibang mag-aaral na may iba’t ibang kuwento rin ng buhay.
Pagkatapos ng maikling programa upang ianunsiyo ng iba’t ibang departamento ang
nakamit na parangal sa mga paligsahang dinaluhan at pinanalunan, sabay-sabay
naming tutunguhin kasama ng aking advisory class ang aming silid-aralan sa unang
palapag sa gusali ng JDV. Doon ang aming kaharian at lugar na tinatahanan.
Payak lamang ang maraming pangyayari sa aming klase sa araw-araw na nagdaraan.
Kung hindi man aralin sa mga pahina ng aklat ang aming pinagaaralan, sama-sama
kaming nakikipagsapalaran upang tuklasin at pag-aralan ang tungkol sa buhay-buhay –
ng kanilang mga problema sa buhay, sa pamilya, sa mga kaibigan, at maging sa mga
napupusuan. At ang tanging pang-aliw na ginagawa ko sa kanila ay ang busugin sila ng
maraming katatawanan, punchline, at mga joke upang kahit sa sansaglit makita nilang
masaya ang buhay at may mga dahilan para tumawa at maging maligaya.
Halos lahat ng mga mag-aaral ko sa aking klase ay malapit sa akin at “in love” ako sa
kanila – isang kakaibang uri ng pagmamahal na nasa hanggahan ng pagiging
nakatatandang kapatid at tapat na kaibigan sa kanila.
Kinaibigan ko ang marami sa kanila at sinadya ko iyon sapagkat sa paraang iyon ko
maaaring mapasok ang buhay at maintindihan ang pagkatao ng ilan sa kanila. Hindi ko
lubos na maunawaan kung bakit madalas silang taguriang “pasaway” – mga hanay ng
mag-aaral na madalas ay ituring ng iba pa nilang mga guro bilang “problem students,”
mga tinaguriang trouble makersng taon dahil sa maraming negatibong komento sa
kanila. Ngunit hindi sa klase ko. Hindi ko kailanman tinitingnan ang kapintasang
ipinupukol sa kanila bilang isang negatibong puwersa upang kamuhian ko rin sila.
Marahil kung katulad din ako ng iba nilang mga guro, sino pa kaya ang magmumulat sa
kanila na kailanman ay hindi sila pasanin sa loob ng eskuwelahan? Sino pa ang
magpapaunawa sa kanila na sila ay mga espesyal na indibidwal at maaaring
kapakinabangan ng lipunan sa paglipas ng mga taon? Sila ay mga bata at
nangangailangan ng paglingap na hindi nila maramdaman o makita sa kanilang sariling
mga tahanan.
Marami sa mga mag-aaral sa aking klase, kung hindi man produkto ng brokenfamily ay
walang mga magulang na kumakalinga sa kanila. Mga batang napapabayaan.
Alam ko iyan at nalaman ko iyan nang minsang dinalaw ko at nagsagawa ng home visit
at background check. Doon, namulat ang aking isipan sa masaklap na karanasan ng
kabataang ito – bagay na hindi alam ng iba pa nilang mga guro.
Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral. Si
Aldrin, iniwan ng kaniyang ina, nangibang-bansa at iniwan sa pangangalaga ng isang
malayong kamaganak. Sinasaktan siya ng pinag-iwanan sa kaniya kaya’t lumayas siya
at nakikitira ngayon sa mga kaibigan. Napasok ko rin ang buhay ni Sarah na minsan o
dalawang beses lamang nakapapasok sa eskuwela. Nalaman ko sa kaniyang ina na
siya lamang ang nakatutulong niya sa pag-aalaga sa apat pang maliliit na kapatid
habang sila ay nasa bukid. Si Miguel naman, bagsak sa mga major subject niya dahil sa
gabi-gabing pagpupuyat sa pagtitinda ng lugaw at kape sa plasa. Ang plasa ay buhay at
pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay sa piling ng paralisadong ama. Lalo pang
kinurot ng malungkot na kapalaran ni Jessa ang aking damdamin nang mabatid kong
dalawang buwan siyang buntis sa kaniyang lasenggong tiyuhin. Ang masaklap pa nito,
hindi alam ng kaniyang mga magulang ang pangmomolestiya nito sa kaniya.
Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamangugat si Aling Loring upang wakasan
ang buhay ng nasa kaniyang sinapupunan subalit napigilan lamang siya ng kaniyang
kasintahan. Lahat ng mga pangyayaring ito ay hindi lantad sa paningin ng marami sa
aking mga kasamahang guro. Isang maling panghuhusga ang walang kabutihang
maitutulong sa kanila upang kahit papaano’y malaman nila na kailanman ay hindi sila
pasanin at may mabibigat na problemang dinadala.
Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pang-
unawa. Simula noon, tinalikdan ko ang pagtuturo lamang ng mga aralin at sinimulan ko
silang turuan ng mga aralin tungkol sa buhay, ng mga aralin sa labas ng paaralan, at ng
mga karanasan na wala sa mga pahina ng mga aklat. Nagbago ang aking pananaw at
doon ko sinimulang iparamdam ang higit na pagmamahal, pagunawa at pagkalinga sa
kanila. Ang tanging kailangan lamang nila ay isang pusong magpaparamdaman at
magpapaunawa sa kanila na higit pa palang mas mahirap ang mga aralin sa buhay na
kinakaharap nila kaysa mga leksiyon sa Agham, Ingles, o Matematika. Doon ko lubos
na naunawaan ang kuwento ng kanilang buhay na salat sa pagmamahal. Dito man
lamang sa loob ng pangalawa nilang tahanan maramdaman nilang ang mga “problem
maker” ay maaari namang maging “dream makers.”
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit itinuturing na pasanin sa eskuwelahan ang mga mag-aaral na binanggit sa
teksto? Bigyang patunay.
2. Paano ipinakita sa salaysay ang naiibang pagmamahal ng guro sa kaniyang mga
mag-aaral?
3. Sino ang maaaring makaimpluwensiya kung bakit maraming mag-aaral ang
nagiging problema ng mga guro? Patunayan ang iyong sagot.

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Napansin mo ba ang mga pahayag na may salungguhit sa tekstong iyong binasa? Ano-
ano ito?

Alam mo ba na...
ang mga pahayag na nakasalungguhit ay mga pandiwang nasa Pokus sa Ganapan at
Sanhi? Sa pagsasalaysay o pagpapahayag ng mga pangyayari, gumamit tayo ng mga
pook na ginaganapan ng kilos at mga kadahilan ng isang kaganapan upang ipakita ang
relasyong sanhi at bunga. Ang ganitong pahayag na kinapapalooban ng pook o lunan
ay maipakikita sa Pokus sa Ganapan at ang Sanhi o dahilan naman ay maipakikita sa
pamamagitan ng Pokus sa Sanhi.
Pokus sa Ganapan ang tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay o maging ng tao na
ginaganapan ng pandiwa ang paksa o simuno ng pangungusap. Ginagamit sa
pagpapahayag ng pokus sa ganapan ang mga panlaping makadiwang -an/-han, pag-
an/-han, mapag-an/-han, paki-an/-han, at ma-an/han.
Halimbawa:
1. Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay sa piling ng
paralisadong ama.
2. Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang-ugat si Aling Loring.
Sa pangungusap na, “Ang plasa ay buhay at pinagkukunan niya ng pang-agdong buhay
sa piling ng paralisadong ama at “Pinagkunan na niyang minsan ng mga halamang ugat
si Aling Loring” ipinokus ng pandiwang pinagkukunan at pinagkunan ang paksa o
simunong plasa at Aling Loring na parehong nasa pokus sa Ganapan.
Pokus sa Sanhi naman ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o simuno ay
nagpapakilala ng sanhi o dahilan ng kilos. Ginagamit sa pokus na ito ang mga
panlaping makadiwang i-, ika-, at ikapang-.
Halimbawa:
1. Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pang-
unawa.
2. Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga mag-aaral.
Sa pahayag na, “Ikinalungkot ko ang mga pangyayari sa buhay ng ilan sa aking mga
mag-aaral,” ang pangyayari sa buhay, ang ipinokus ng pandiwang Ikinalungkot. Sa
ikalawang pahayag naman na “Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala
ng aking mulat na pang-unawa,” ang paksa o simuno ng pangungusap na lahat ng
katotohanang natuklasan ko ang itinuon ng pandiwang natuklasan upang tukuyin ang
pokus sa sanhi.
Kung naunawaan mo ang paliwanag tungkol sa pokus sa Ganapan at Sanhi at ang
gamit nito sa pagsasalaysay ng mga pangyayari, bibigyan kita ng gawaing susubok sa
iyong natutuhan. Alam kong kayang-kaya mo ito.
Pagsasanay 1:Bumuo ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na lunan o
ganapan sa pagsasalaysay ng isang pangyayari. Gumamit ng iba’t ibang panlaping
makadiwang Pokus sa Ganapan.
1. plasa 3. lansangan 5. eskuwelahan
2. unang palapag ng gusali 4. lungsod 6. bukid

LAYUNIN
Aralin 2.7
❖ Naibabahagi nang buong sigla ang inilathalang sariling akda (F10PS-IIi-j-77)
❖ Nagagamit ang kahusayan san gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda. (F10WG-IIi-j-70 )
Panimula

Kung halos araw-araw kang gumagamit ng internet, malamang na gumagamit ka


ng social media tulad ng blog o pinaikling salita para sa weblog na naglalaman ng mga
komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa. Para sa ilan ito ay ginagamit para gawing
online diary (talaarawang nasa internet). Nasubukan mo na rin marahil ang microblogs
gaya ng twitter. Ito naman ay microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa
gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
Naaliw ka rin ng mga napapanood mong video sa youtube. Sa pamamagitan ng
multimedia sharing site na ito ay maaari mong ibahagi ang mga video at nagbibigay-
daan para sa mga gagamit (user) nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video
clips. Ang mga videong ito ay maaaring husgahan ayon sa dami ng “likes” at ang dami
ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Gayundin, nasubukan mo na ring makipag-
ugnayan sa friendster. Nakatuon ang friendster sa pagtulong sa mga tao na makakilala
ng mga bagong kaibigan, makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga
nilalamang midya sa web. Ginagamit din ang websayt sa pagtatala at pagtutuklas ng
mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan, at marami pang iba. At
siyempre, makalilimutan ba naman ang facebook. Maaaring magdagdag rin ng mga
kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling
sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang
sarili. Bago mo isagawa ang pagsulat ng sariling akda, sagutin mo muna ang gawaing
inihanda ko upang masukat ang antas ng iyong pagkatuto sa mga araling natalakay sa
Modyul 2.
Gawain 1: Magbalik-tanaw Gumawa ng paglalagom sa kabuuan ng Modyul sa tulong
ng grapikong representasyon. Ituon ang sagot sa umiiral na kulturang natutuhan at
natuklasan mo sa mga aralin.

MODYUL 2 – MGA PANITIKAN NG MGA BANSA SA KANLURAN

Natutunan ko sa modyul Natuklasan ko na Masasabi ko na..


Gawain 2 Subukin natin.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga akda sa Kanluran?
2. Naimpluwensiyahan ba ang iyong pananaw pagkatapos mong pag-aralan ang kultura
ng mga bansang kanluranin? Paano?
3. Ihambing ang kultura ng Pilipinas sa mga bansang pinagmulan ng mga saling
akdang pampanitikang pinag-aralan. Ano ang mga pagkakahalintulad? Ano ang
pagkakaiba?
4. Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng Kanluraning bansa sa iba pang mga
bansa?

Naririto ang ilang gabay na dapat isaalang-alang sa paggawa nito.


Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Sariling Akda
1. Ang akdang ilalathala sa hatirang pangmadla ay dapat na orihinal.
2. Ang paksa ng akda ay dapat na tumatalakay sa umiiral na kultura ng alinman sa mga
bansa sa kanluran.
3. Ang kabuuan ng akda ay hindi lalagpas sa 300 na salita na nakalimbag sa arial (font
style) at 12 (font size)
4. Lagyan ng pamagat ang akda.
5. Maglaan ng talaan, sanggunian, at glosaryo

Modyul – 3 Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran)

I. Panimula

Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong


bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng
pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na
masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamit ng
kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing
pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng
paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.
Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang
pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng mitolohiya ng
Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling
kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng Nigeria. Matututuhan din ang mga
kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa
pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at di-tuwirang
pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon, mga ekspresiyon sa
pagpapahayag ng layon, o damdamin, at pang-ugnay na nagpapaliwanag na
magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa Modyul.
Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba
ang mga akdang pampanitikan ng sa Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang
panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa
pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bansa. Inaasahang makalilikha ka
ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon. Mamarkahan ang
iyong pagganap sa sumusunod na pamantayan a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.)
kawastuhan, at d.) kawilihan.
Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel.
Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga araling pag-aaralan.
Simulan mo na.
II. PANIMULANG PAGTATAYA

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin?
a. panlapi c. pagpapakahulugan
b. gramatika d. pagsasaling-wika

2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.


a. pangangatuwiran c. paglalahad
b. paglalarawan d. pagsasalaysay
3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng
maraming tao.
a. tula c. talumpati
b. sanaysay d. balagtasan
4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nagiiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. nobela c. dula
b. karilyo d. maikling kuwento
5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. idyoma c. simbolismo
b. matatalinghagang pananalita d. tayutay
6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang
pananalita.
a. pandamdamin c. blangko berso
b. malaya d. tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging
tuluyan.
a. epiko c. sanaysay
b. anekdota d. mitolohiya
8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng
kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi
Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na
papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano. Ginagamit
din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila
kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat
isaalang“Love excuses everything believe all things,hopes all things,endures all things”.
“Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa
mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. Basahin nang paulit-ulit. b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin. d. May sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot.
10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

Para sa bilang 11 at 12

11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay
ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan
ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

“A negative mind will never give you a positive life”.

“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang


isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong
inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking
ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan
nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama
ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose
Rizal

Para sa bilang 13-16


13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay
nangangahulugang ____________________.

a. pagtanggi at paglaban sa batas


b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.


a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang
_________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit


nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay
nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha c. panghihikayat
b. paglalarawan d. pangangatuwiran

17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?


a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? Ang poo’y di marapat
pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay


nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita
natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin
ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay
dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon
ng rasismo. Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang
ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?

a. itago c. kalimutan
b. ilibing d. magpatawad

Para sa bilang 20 at 21

20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa
buhay?
a. mapaghiganti b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit d. may determinasyon sa buhay

II. YUGTO NG PAGKATUTO

Tuklasin

Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa


Gawain 1: Pagkakakilanlan ng Bayan
Sagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat.

Ano-ano ang kultura ng


Ano-ano ang kulturang Africa? Iran?

Ano ang naging ambag nito sa Ano ang naging ambag nito
panitikan? sa panitikan?

Aralin 3.1

LAYUNIN
❖ Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia (F10PN-IIIa-76)
❖ Naibibigay ang pinagmulan ng salita.(F10PT-IIIa-76)
❖ Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-IIIa-71)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:
• Liongo
Panitikang pandaigdig p. 245
Panitikan: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles B.

Wika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika

Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng


Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa
Kanluran, at Sudan sa Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa Timog-
Silangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na bato,
arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may musika, at sayaw na ritmo
ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura
sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng
kultura at tradisyon ng bansang Kenya.
Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling ito ang
pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagot mo ang
mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya
na may iba’t ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasaling wika?
Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang pampanitikan
mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod na pamantayan: katapatan at
kawastuhan.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagot sa
mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na
may iba’t ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasalarawan?

Gawain 1: Magagawa Natin


Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa.Suriin ito bilang pagpapahalaga at
sagutin ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel

Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha


Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmula ang
ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin
ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng
demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa
binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may
tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito
nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.
Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa
buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Mga Tanong Mga Sagot


1. Tungkol saan ang mitolohiya?
2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman
Mainyu at ang ginawa ni Ahura
Ohrmuzd?
3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohrmuzd
kay Gayomard ang pinagmulan ng
suliranin ng kuwento?Patunayan
4. Bakit tumulong sina Mashya at
Mashyana sa pakikilaban kay Ahriman
Mainyu?

Gawain 2: Piliin ang angkop na salin sa salitang nakaitalisado sa loob ng panaklong.


Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot .
Noong unang (1.) Time (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang kalupaan
ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may
kaniya-kaniyang (2.) Covered (palaruan, nasasakupan, palayan). Si Langit ay
diyosa ng (3.) Galaxy (kalawakan, lupain, kalangitan), at si (4.) Pond .
(Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng katubigan. Sina Langit at Tubigan
ay (5.) Married (nagiibigan, nagpakasal, magkababata) at ang naging anak nila
ay apat, tatlo ang lalaki, at isa ang babae. Si Dagat ay (6.) Chic (makisig, mayabang,
mabait) malakas na lalaki at ang katawan ay mulato. Si Aldaw ay (7.) Cheerful
(masayahin, masigla, mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan ay isang (8.)
Weak (maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto.Si Bulan
ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) Only
(tanging, marami, grupo ) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) Silver
(pilak, ginto, tanso).

Linangin

Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin
ba dito ang kanilang kultura.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya.
Siya ang nagmamayari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang
lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano
mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay
mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam
nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa
kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa
Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga
kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono.
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng
mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita
ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at
nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay
siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa
paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na
naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na
pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari
ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor
at pumatay sa kaniya.
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang pinagmulan nito na
may kaugnayan sa mitolohiya.

1. _________________________________________
Matrilinear _________________________________________
_________________________________________

2. _________________________________________
Ozi _________________________________________
_________________________________________

3. _________________________________________
_________________________________________
Patrilinear _________________________________________

4. _________________________________________
Faza _________________________________________
_________________________________________

5. _________________________________________
Gala _________________________________________
_________________________________________

Gawain 4: Pag-unawa sa Akda A. Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang suliranin ng tauhan?
2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong binasang
akda?
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Alam mo ba na...
ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng
talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan
ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo.
Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin
taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang
kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng
tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong
paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang
magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay
hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na
mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit
na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa
at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang
bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa
wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat
nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at
hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang
napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong
panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng
isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

Pagsasanay 1:
A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong-gulong ___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________

B. Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit ang kasunod na
talahanayan. Lagyan ng tsek (a) ang mapipiling eskala: 5 – Napakataas, 4 – Mataas, 3
– Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa
Ang bantay ay nagronda
“The overseer rode after her, habang humihiyaw, sumisigaw.
hollerin,” Sarah flew over the Samantalang si Sarah at ang
fences. She flew over the kaniyang anak ay lumilipad sa
woods, tall trees could not bakuran, sa mga kahoy, sa mga
snag her. Nor could the nagtataasang puno na hindi
siya nakikita maging ng
Overseer. She flew like an
tagapagbantay. Lumilipad
eagle. Now, until she was
siyang tulad ng isang agila
gone from sight. No one hanggang sa unti-unti na silang
dared speak about it. makita ng mga taong nasa
Couldn’t belive it. But it was, ibaba. Walang sinuman ang
because they that was there makapagsalita tungkol dito,
saw that it was. hindi makapaniwala, subalit
nakita nila ito.

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay sa
pagsasalin

Aralin 3.2

LAYUNIN
❖ Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa tauhan tagpuan
motibo ng awtor paraan ng pagsulat at iba pa (F10PB-IIIb-81)
❖ Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.(F10PT-
IIIb-77)
\ ❖ Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota. (F10WG-IIIb-72)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:
• Mullah Nassreddin
Panitikang pandaigdig p. 254
Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles B.
Wika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa
Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

Panimula

Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng Medo, at
mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano.
Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng katotohanan
ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig.
Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mga
kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa
pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa
kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng
pilosopiya at paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa
pagsasalaysay.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at
makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapagiiwan ng
kakintalan o aral sa mga bumabasa.
Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito. Gayundin kung paano
nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng mga anekdota batay
sa sumusunod na pamantayan: a.) Ang pamagat ay maikli, orihinal, at napapanahon,
b.) mahalaga ang paksa o diwa, c.) maayos at di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari, at d.) kaakit-akit na simula at may kasiya-siyang wakas.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Gawain 1: Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sa
binasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpunan sa
talahanayan.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang
malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na
pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang
sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa
paghahalaman.

Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na


paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon
naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na
pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na
abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at
makikipagusap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang
Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya
ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos
agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong
kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong
akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang
buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong
lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang
kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.”

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Pangyayari Kaugnay na Pagdedesiyon

Alam mo ba na...

ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa


buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay
kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-
panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa
at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:

a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng


anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-
aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Linganin

Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at


tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento sa
Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan sa
bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang mga kauri nito .
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian
na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng
katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din
siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang
estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat
mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap
ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay
umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan.
Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng
“Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin,
hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay
nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si
Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati
ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita
si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang
magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang
titik ng iyong sagot sa patlang

a. Lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

______1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


______2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin.
______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Gawain 3: Ating Suriin A. Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah? Patunayan ang
sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong paksa
ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanyang mga sinulat

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Alam mo ba na...
ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o
pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat
dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino
maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang
hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili.
Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may
malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong
sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mamba basa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA


1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay
ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong
nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang
hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna
ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng
isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa – Mula

MGA URI NG PAGSASALAYSAY


1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok
at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat
upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Pagsasanay 1: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksiyon


tungkol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang anekdota.

Pagsusuri Ang Aking Reaksiyon

Kawilihan ng Paksa

Sapat na kagamitan

Kakayahang Pansarili

Tiyak na panahon o pook

Pagkilala sa mambabasa

Aralin 3.3

LAYUNIN
❖ Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) .
(F10PT-IIIf-g-80 )
❖ Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA (F10PU-IIIf-g-82)
❖ Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe ( F10WG-IIIf-g-75)

a. Sanggunian:

• Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Panitikang pandaigdig pp. 266-268
Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum B.
Wika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang
Pahayag sa Paghahatid ng Mensah

Panimula

Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na
binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng
Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa
sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa araling ito ay kailangang
maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa talumpati sa tulong ng mga
pahayag na nanghihikayat.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng balangkas ng
napakinggang talumpati upang mas madaling matukoy ang mahahalagang
impormasyon na nais nitong ipabatid. Ito ay gagawin batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) nilalaman, b.) taglay ang wastong pagkuha ng mahahalagang
impormasyon, at c.) makatotohanan.
Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang
sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at kung
paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paglalahad
nito.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin ang iyong kaalaman sa sanaysay.


Gawain 1: Alin ang totoo? Suriin ang mga pahayag: “Ayon sa pananaliksik, ang musika,
panitikan, sining, at kultura ng Africa ay nakakuha ng mataas na pagpapahalaga at paggalang
sa lipunan. Sa tingin ko, ang lumang paniniwala na ang Africa ay tulad sa isang bata, ang pag-
unlad ang naging dahilan upang hindi ito mapansin noon.”
Sagutin:
Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit? Ngayong nalaman mo na ang iyong
natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdang.
Ngayong nalaman mo na ang iyong natatanging kaalaman sa panitikan at sa akdang
tatalakayin, maaari mo nang basahin ang akda. Maligayang pagbasa.

Alam mo ba na...
ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa
paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa
mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang
impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o
kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang
panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan
na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kurokuro, saloobin, at
damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong 1580,
isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay
tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang
pagkakaiba ng dalawa:

Pormal Di-Pormal o Personal


Nagbibigay ng impormasyon Nagsilbing aliwan/libangan
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
makaagham at lohikal na pagsasaayos pang araw-araw, at personal.
sa paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang
nakikiusap-lamang
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin Subhektibo sapagkat pumapanig sa
ng may akda damdamin at paniniwala ng may-akda.

LInangin

Basahin at unawain ang talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong Mayo 10, 1994
nang siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan partikular na ang sanaysay
o talumpati sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati ay
naihahayag din nila ang pagkauhaw sa kalayaan, karapatan, at katarungan na naging bahagi
na ng kanilang buhay, ng kanilang kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…


Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang
matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.
Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa
katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng
ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng lahat.
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa
Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang
pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa
pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang
ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang
pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik
sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay
binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito
upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan,
para sa kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga
pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at
babae, walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang
kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga
pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy
President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa
pagganap sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang
transisyon sa demokrasya, mula sa “hukbong uhaw sa dugo” na nagaalangan pa ring makakita
ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.
Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan
ng pagkakahati-hati ay dumating na.
Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na
Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain
ang ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang
diskriminasyon.
Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga
natin ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na
kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.
Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng
Timog Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at
pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of
National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng
amnestiya ng mga taong kasalukuyang nakakulong.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang
bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw,
mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa,
malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay
ng kasarian.
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.
Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.
Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang
ng bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya
upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-
katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan - Analohiya


Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa talumpating binasa. Piliin ito
sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito
ang iyong naging sagot

Kagubatan Karagatan Katawan Prutas

Silid-aklatan Tinapay

1. bulaklak : hardin :: aklat : _____________


2. berde : kapaligiran :: asul : ______________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _______________
4. puso : katawan :: ___________ : puno
5. ____________ : gutom :: tubig : uhaw

Gawain 3: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati.


Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at sa isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito rin
ba ang katangiang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga
pangyayaring nagpapatunay nito.

Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng


impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din na
siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon ng kalayaan.
Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng mahahalagang
impormasyon sa isang talumpati.
Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa, basahin ang
isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay malaya sa wika o tayo
ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan?

Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum

“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa mga
wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…”
Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng
mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin, at tangkilikin.
Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay
ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking
narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay
mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno
na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng
pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay
binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan
ngayon ay tinatawag na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra,
ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang
kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga
kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at
ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa
tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad.

Ang nais iparating ng isang akda sa mambabasa ay tinatawag ding layunin at mas madaling
makita sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Ano-ano ba ang tiyak na layunin sa paggawa ng
balangkas?
1. Nakatutulong ito sa pag-oorganisa ng mga ideya.
2. Naipakikita ang materyal sa lohikal na paraan.
3. Naipakikita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Ang mga ito ay dapat ding
isaalang-alang sa pagkuha o pagtala ng mahahalagang impormasyon

Makikita natin sa binasang sanaysay ang mahahalagang impormasyong nais nitong iparating sa
mambabasa. Sa tulong ng gawain sa ibaba, alamin kung anong mahahalagang impormasyon
ang iyong nakita
Gawain 4: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na
sasalamin sa ating bansa.”
3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa katayuan
niya, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang
wikang pambansa? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa?
Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang sarili?
6. Pakinggan ang awit na Ako’y Isang Pinoy. Anong damdamin ang namamayani sa iyo tungkol
sa wika? Ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.

PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Alam mo ba na…
nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na mga
tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga
impormasyong nais bigyang linaw. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil
sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag. Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o
opinyon.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang
makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan
bago ang ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang
kaniyang sertipiko.

Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya


kaya’t kapani-paniwala. Samantalang ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagaman
batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.

Pagsasanay 1:Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na
ginamit.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang
magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na
kakayahan ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista.

Aralin 3.4

LAYUNIN
❖ Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalingha-gang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82)
❖ Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.(F10PN-
IIIc-78)
❖ Nauuri ang iba’t ibang tula at ang mga element nito. (F10WG-IIIc-73)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Panitikang pandaigdig pp. 32-36
Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
Wika: Wastong Gamit ng Simbolismo at
MatatalinghagangPananalita

Panimula

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit.
Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang
pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian
ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila
imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na
pagpili ng ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula
ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa
kanilang magulang.
Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan
mo rin ang kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa
pagiging masining sa pagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan
mo ng himig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: a.)
kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ng presentasiyon nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa ang mga tanong
na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?; Paano nasasalamin sa tulang
malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng bansang pinagmulan nito? at Paano nakatutulong
ang paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo
ng isang tula?

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya at
paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng bansang pinagmulan
nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain.
Gawain 1: Ibahagi Mo!
Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.” Pagkatapos ay
isagawa ang Think-Pair-Share. Pag-uusapan ng inyong kapareha ang kadakilaan ng ina.
Ibahagi ito sa klase.

Ang aming ina’y, masinop na maybahay


Adhikain niya’y kagaya ni itay
Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak.

Sana, sana ang kawalan ay malunasan.


Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.

Gawain 2: Isa-isahin Mo! Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at


simbolismo sa salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang mayisang
saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.

Ina
Alam mo ba na...
ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong naman ay
binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga
pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay
o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging
madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang
sumusunod:
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos.
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig
2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
Tugmang - Ganap
3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

Ngayon nama’y humakbang ka sa susunod na bahagi ng iyong pag-aaral nang sa gayo’y


matuklasan mo ang sagot sa mga tanong na paano naiiba ang tulang tradisyunal sa tulang
malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyunal ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?

Linangin

Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang kinabukasan


sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Uganda para sa kaniyang
sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin at unawain mo ang akda
upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibhan nito sa tulang
tradisyunal, maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito. Mapatutunayan mo rin na ang
mga simbolismo at matatalinghagang pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng
pagbuo ng taludturan ng isang tula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapoapohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling

Gawain 3: Tarukin Mo! Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.
1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?
2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay ang iyong
pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sangayon ka ba
rito? Bakit?
6. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniyang
ama? Sa poon?
7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos basahin
ang akda? Ipaliwanag.

PAGSANIB NG GRAMATIKA

AT RETORIKA

Naririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo upang


mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masining sa pagbuo ng
taludturan ng isang tula.

Alam mo ba na…
nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga
salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging
mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan
ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na
kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang
wika.
Halimbawa: 1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang una’y
nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa
mahirap.
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng
sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o
hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na kaniyang
nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay

Pagsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin
ang matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa
sagutang papel.
1. Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)
3. May tanging laruan isang bolang-apoy
Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

4. Siya’y mabiyayang inilatag,


Sa tubong matamis ay matingkad,
Itong disyerto’y kaniyang buhok.
Ginintuang paa’y namumukod,
At ang kaniyang dibdib ay bundok
Na sa ilog ng Nile nalulunod,
Kaya’t siya’y pinong itinakda,
Na ginawarang itim tuwina.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

5. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwa’t katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Landinsky mula sa tula ni Hafiz)

Aralin 3.5

LAYUNIN
❖ Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
(F10PT-IIId-e-79)
❖ Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa
damdaming nangingibabaw sa akd (F10WG-IIId-e-74)
f
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Ang Alaga
Panitikang pandaigdig pp. 291-294
Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson B.

Wika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon


Panimula

Matapos mong pag-aralan ang mito, anekdota, sanaysay, at epiko, ang maikling kuwento
naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito.
Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na
isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa
pagmamahal na inukol ng isang tao sa kaniyang alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa
at sa paglalahad.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng isang patalastas na
pasulat batay sa sumusunod na pamatayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa
paksa, at d.) maayos ang paglalahad.

Aalamin natin kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng


kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. Gayundin, kung bakit mahalagang
maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Gawain 1: Checklist Lagyan ng tsek (a) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan
maikling kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na
magpapahayag tungkol sa maikling kuwento.

_____ 1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan


_____ 2. maaaring pormal at di-pormal
_____ 3. banghay
_____ 4. Wakas
_____ 5. simula
_____ 6. suliranin
_____ 7. tunggalian
_____ 8. may mga kabanata
_____ 9. kasukdulan
_____ 10. mga tauhan

Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ______________


______________________________________________________________
Gawain 2: Anticipation Guide
Bago basahin ang akda, basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang kolum
kung sang-ayon o di-sang-ayon na mababasa ang pahayag sa tatalakaying akda. Pagkatapos
mabasa ang akda, lagyan ng tsek (a) ang ikatlong kolum na wasto ang iyong naging hinuha.

Sang-ayon o di-sang- Pahayag


ayon?
Hindi na naging interesado ang mga kasamahan ni
Kibuka sa kaniya
Isang biik ang pasalubong ng paboritong apo ni
Kibuka sa kaniya
Sa una ay naisip ni Kibuka na ang biik ay alagaan.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang
baboy ay maraming problemang dumarating. Sa
nagganap na aksidente, ang baboy na alaga ni
Kibuka lamang ang nakaligtas.
Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na
siya nang maayos

Alam mo ba na…
ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa
isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar
na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang
kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan
ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang
tagpuan; (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan – ang binibigyang diin
ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa
katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid.

Linangin

Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong
ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang
kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa
Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga
kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng
kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.
Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang
dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung
kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang
makalat na mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng
tanggapan, nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na
hindi dapat makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila
walang pakialam ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa
telepono habang napaliligiran ng ilang babae.
Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang
mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.
Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin.
Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country
para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na
lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa
ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang
pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang
mga apo, mataas, payat, at kaboses ni Kibuka.
Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.
“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda ako ng
maiinom na tsaa.”
“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang
katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha
kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa
buhay, puno na siya ng kapanabikan.

“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya mapakain
doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung


minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga
kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang
kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.

Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami na
ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu.
Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang
sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya.
Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.
Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tirang pagkain sa
sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki
na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng matoke si Kibuka sa mga
kaibigan at kapitbahay.
Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi na
nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat
ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na
ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni
Kibuka. Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.
Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito,
pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na
malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy.
Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema
ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon
karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta
ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si
Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.
Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya
noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay
Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang
baboy at itatali na lamang sa puno.
Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na
sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi.
Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog. Hindi
tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang
Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang
mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na
maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang
naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang baboy na
kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila
nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging
magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat
hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang
dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa
papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy.
Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang
oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
Gaano pa katagalang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni
Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa
alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin
itong pagtataksil sa alaga.
Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa
kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Si
Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay
na siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na
sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na
tila hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha
at makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.
Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at
doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit
ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-iwan sa
kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang
hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan
si Kibuka at namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang
titingnan. Dumating si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at
pagkatapos nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay
niya.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng
pahayag. Magpahinga muna kayo.”

“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”


“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti
sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng
klima ngayon.”
Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip
niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng
isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng
paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito.
Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay
sa namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.
Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati ito
sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-
ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy.
Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot
na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang
umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya
sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng
maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan
kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.
“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa akin
pagpunta roon?”
Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na
dinala sa kaniya ni Musisi.
“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”
Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga
detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa
kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si
Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang
hindi nagkita kaya magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian.
“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay ng
maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”
“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,”
pahayag naman ni Miriamu.
May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang
alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang
nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya
maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang maayos.
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos, gamitin
ang mga ito sa sariling pangungusap.
1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa
alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi
niya ito maipagbibili.
5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon
sa iba’t ibang direksiyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang pangyayari ang naganap.
Gawain 4: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Itala ang kaniyang kalakasan at
kahinaan bilang tauhan.
2. Batay sa mga pangyayari sa akda, paano mo ilalarawan ang isang alaga nang
may pagpapahalaga?
3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at
pandaigdig.
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Basahin at unawain ang impormasyon tungkol sa gramatika upang maunawaan kung bakit
mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. Makatutulong ang
mga pagsasanay sa bahaging ito upang mas lalo mo pang maunawaan ang kahalagahan nito.
Alam mo ba na…
ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin? Nais nitong
ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:
sa palagay ko…
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
batay sa aking paniniwala…
sa tingin ko…
maaaring…
baka…
siguro…

Pagsasanay 1: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita o pahayag na naglalahad ng


opinyon batay sa sumusunod na sitwasyon.
1. Pagkakaroon ng Senior High School
2. Pagtaas ng bilihin
3. Ekonomiya ng bansa
4. Krimen na nangyayari sa bansa
5. Pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot
Aralin 3.6

LAYUNIN
❖ Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo. (F10PN-IIIh-i-81)
❖ Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan(F10PT-IIIh-i-81)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Paglisan (Buod)
Panitikang pandaigdig pp. 323-325

Panitikan: Paglisan (Buod)


Nobela mula sa Nigeria
ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Wika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag

Panimula

Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa
kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil
na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa
pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin
ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din
ang nakatulong upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng
makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga
taga-Nigeria. Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria
ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.
Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng kanilang
panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa
Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.
Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa atin ang
kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng
maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts
na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang
pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan.
Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung
ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwatao ng mapayapa
para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay
namang hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain
na angkop sa nais nilang ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila
makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng
maniningil upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at
nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong
suliranin.
Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo bagama’t sila sa
maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at nakagisnang mga gawi. Ginawa ni
Achebe ito sa nobela upang maipabatid na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng
pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo.
Ang Aralin 3.7 ay naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan” mula sa Nigeria na isinulat ni
Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahang magpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Africa sa tulong ng mga pangugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa
halaw ng isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal ka ng isang puppet show na
nagpapakita ng mga kulturang nananatili pa sa inyong lugar.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Gawain 1: Scrambled Letter, Gawing Better Ayusin ang mga letra sa bawat bilang
upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay
ibinigay na. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. KMOUINAKSNO
2. PGALLIIWNGAA
3. EPSRIUTI
4. TARDISOYN
5. INGNN-BYANA

Gawain 2: Hula-ooppss! Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba.


Gamit sa teatro at telebisyon artistiko
at produktibong solusyon
sa komersyo’y mainam na produksyon
sa kalusugan bawas alta presyon
sa mga bata ay isang atraksyon
karilyo ito noong unang panahon
ano ito sa ating panahon?
Sagot: _________.

Linangin

Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria. Kasunod ang
ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang akda upang sa gayo’y
maipamalas mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang Africa lalo na
sa Nigeria.
Alam mo ba na…
ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng mga
pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng
isang matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. May mga elemento
ang nobela tulad ng sumusunod:
1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag kasali ang may-
akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayarihan

Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib
sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu
ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay
magsasaka at mangangalakal.

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia,


isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze,
ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa
maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan
ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay
mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat
nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang
kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan
niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno,
pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging
asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.
Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay
kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang
ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa
kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna
ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at
magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang tagaUmuofia, ang
planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si
Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat
isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil
dito, gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang
tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng
kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit
nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng
mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa
harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang
naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang
tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay
Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos.
Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t
upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo
siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya
ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo,
ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng
konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng
babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na
tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa
paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa
lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na
taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang
nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng
Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ariarian
at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina
dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang
pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod
naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila
sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil
na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni
Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang
kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito
at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa
makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni
Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti
ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na
si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa
kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-
tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong ang
Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa
dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-
Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa
hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng
mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang
itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang simbahan.
Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan
ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit
na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang
tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit
ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya.
Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni
Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang
pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si
Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at
bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala
at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya
sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na
kahulugan ng salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.
1. Palamuti abubot dekorayon
2. Ipinabatid ipinaalam isinangguni
3. Napagwagihan napagtagumpayan nalampasan
4. Magpatirintas nagpasalapid nagpapusod
5. Kagimbal - gimbal kagulat-gulat kataka-taka

Gawain 4: Komprehensiyon at Reaksiyon sa Leksiyon Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng
pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna? Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na
mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at
paninindigan?
PAGSANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat bigyan
ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual, una,
kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang
major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat
ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong
tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos
na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng
mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay
sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip
at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng
iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang
Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan:
(1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado,
at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang
malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa
mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang
pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang
aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa
n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban
dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit
din sa mahusay na pagpapaliwanag
Pagsasanay 1:Gamit ang Venn Diagram, ano-anong kultura at tradisyon ng mga taga-Africa
ang may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas. Tandaang mula ito sa limitado nating
kaalaman tungkol sa dalawang kultura.

AFRICA PILIPINAS

2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng iskrip at gamit ng pang-


ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring pampelikula

Modyul – 4 EL FILIBUSTERISMO

A. Panimula

Basahin at unawain ang teksto


Dalawang Nobela: Sakit at Lunas?
Ang May akda

Dalawang nobela ang isinulat ni Dr. Jose P Rizal, ang pambansang bayani ng
Pilipinas. Ang mga ito ay ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterimo, ang mga akda
na anghawan ng daan upang maisiwlat ang kanser sa lipunan at ang mga maling
Sistema ng pamamalakad ng pamahalaang Kastila. Binuo ni Rizal ang mga naturang
nobela upang maipamalas at malaman ng mga Pilipino at buong mundo ang mga
karimarimarin nas sakit na dinaranas ng PIlipinas sa ilalaim ng pamamahala ng mga
Kastila at ang tamang paraan ng paglunas tungo sa pagbabago at pagkamit ng tunay
na kalayaan sa mapayapng paraan.
Aralin 4.1

LAYUNIN
❖ Nabibigyang- puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang
akdang nabasa, napanood o napagaralan . (F10PN-IVg-h-86)
❖ Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang
katulad na akdang binasa. (F10PN-IVg-h-88)
❖ Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10PN-IVg-h-
81)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Dalawang Nobela : Sakit at Lunas?


Tudla p. 331

Ang Noli Me Tangere


Ang Noli ME tangere ay unang inilathala noong Marso 1987 sa Berlin, Almanya. Ang pamagat
ng nobelang ito ay hango sa Ebanghelyo ni Juan, na naglalahad ng pagkakaisa ni Maria
Magdalena kay Hesus nanag muli itong nabuhay at sinabing “ Humag mo akong salingin” Sa
paggamit ng katagang ito bilang pamagat ng kanyang nobela. Ipinapahiwatig ni Rizal na ang
pagsisiwalat tungkol sa kanser ng lipunan ay hindi maaring salingin ninuman.
Inialay ni Rizal sa Inang Bayan ang nobelang ito upang ipaalala sa mga Pilipino noon at
ngyon na an gating lupang sinilangan ay marapat na ipagtanggol sa mga manlulupig at bigyang
katwiran ang mga paninirang ipinaparatang sa mga Pilipino at sa Pilipinas.
Bilang isang nobelang romantiko, mababakas sa Noli Me Tangere ang iba’t ibang uri ng
pag-ibig: pag-ibig ng anak sa magulang at ng magulang sa anak; pag-ibig sa kasintahan o
kabiyak; pag-ibig sa Diyos; at pag-ibig sa bayan.
Ipinapakita rin sa nobela ang mga kasiyahan at katatawanang maaaring maranasan sa
gitna ng kahirapan at kapighatian, at ang mga matatayog na idelohiya sa kaalinsabay ng mga
mapangaraping tauhan.
Kabilang sa mga tinutukoy na mapangaraping tauhan si Crisostomo Ibarra, ang
protagonists ng nobela, na unang matutunghayan sa isang pagtitipong ginanap upang
ipagdiwang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula sa Europe. Ilang taon din siyang
nanirahan sa Kontinente upang mag-aral at dooon niya natutuhan ang mga ideolohiyang nais
niyang itaguyod sa bansa.
Subalit sa pagtatapos ng nobela ay mamamalas ang pagkawala ng kanyang pagiging
idealistiko kasunod ng pagkawala ng kanyang mga pinakamamahal sa buhay. Huling
matutunghayan ng mga mambabasa si Ibarra na tumalon sa ilog upang takasan ang mga
guwardiya sibil na tumutugis sa kanya.

Ang El Filibusterimo

Samantala, ang El Filibusterismo ay inilathala noong Setyembre 1891, katulad ng naunang


nobela, ang El Filibusterismo na nanganghulugang “kalaban ng pamahalaan” –ay nagsiwalat ng
maling pamamalakad at kabuktutan ng mga kastilang pinuno ng gobyerno at simbahan. Isinulat
ito ni Rizal upang gisingin ang mga Pilipino at hikayatin silang maglunsad ng mapayapang
paghihimagsik sa mga mapanili na Kastilla.
Inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez,
Jose Burgos, at Jacinto Zamora, na mas kilala sa bansag na Gomburza na pinaratangan ng
mga Kastila na sumanib sa isang pag-aalsa at pinatay sa pamamagitan ng paggarote. Lubos
silang hinangaan ni Rizal dahil sa pagsasakripisyo ng kanilang sarili at hindi pagtatanggal ng
kanilang mga abito hanggang sa huli, na nagpapatunay ng kanilang kawalang-sala.
Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na naglalarawan sa kalupitan at
kapaitan ng buhay ng mga Pilipino tungo sa isang paghiihimagsik. Isiniwalat ng akda ang tunay
na mukha ng buhay, lalo na ang malaking pagkakaiba ng mayayaman at mahihrap, at maging
ang kawalan ng hustisya sa lipunan sa ilalim ng rehimen ng mga Kastila. Sa ganitong paraan ay
nilayon ni Rizal na udyukan ang mga kababayan na makiisa sa paghanap ng tunay na lunas sa
mga sakit ng lipunan tungo sa pagbabago, na magbibgay daan sa isang Malaya at
mapayapang bansa.
Mula sa simula ng nobela na naganap sa isang barkong hugis tabo ng lulan ang mga
pasaherong magkakaiba ang estado sa buhay at lipunan hanggang sa katapusan nito—ang
pag-inom ng panugnahing tauhan ng lason upang takasan ang kapighatian ng kanyang
buhay—mababakas ang panginigbabaw ng bugso ng isip kaysa damdamin at ang poot
nananahan sa dibdib ng bawar tauhan.

Gawain 1:Iguhit sa patlang ang check (√) kung pahayag ay may kaugnayan sa Noli Me tangere
at ekis (×) kung ito ay may kinalaman sa El Filibusterismo.
_____________1. Naniniwala si Dr. Jose P. Rizal na dapat Ibalik ang karangalang nawala sa
tatlong paring martir.
______________2. Ibanaon niya ang kayaman sa lupa at nangibang bansa.
______________3. Nangingibabaw ang galit sa puso ng mga tauhan.
______________4. Uminom siya ng lason upang isakripisyo ang sarili
______________5. May kasiyahan at masayang pagsusuyuan ang bawat tauhan sa gitna ng
mga suliranin.
Gawain 2: Magbigay ng mga kaugnay na salita ng mga pamagat ng mga nobela ni Rizal.
Ipaliwanag ang mga sagot.

El
Noli Me Tangere Filibusterismo

Paliwanag Paliwanag
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
Pagsasanay 1 : Sagutin ang mga tanong
1. Ano ang Kaugnayan ng dalawang nobela sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal?
2. Magbigay ng mga salitang naglalaman kay Rizal sa pagsusulat ng dalawang nobela.
3. Ano ang nagbunsod kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?
4. Naniniwala ka bang karugtong ng Noli Me Tangere ang El Filibusterismo?
5. Ano ang higit mong naibigan: ang Noli me Tangere o ang El Filibusterismo?Bakit?
6. Makatwiran bang ialay ng ating bayani ang nobelang El Filibusterismo sa tatlong
paring martir? Ipaliwanag?
7. Sa palagay mo, paano makatutulong ang dalawang nobela sa mga kabataan? Sa
kamalayang global? Ipaliwanag ang sagot.
Aralin 4.2

LAYUNIN
❖ Nabibigyang-pansin, sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang ilang
katangiang klasiko sa akda (F10PB-IVi-j-94)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo


Tudla pp. 337-340

Panimula

A. Teksto
Basahin at unawain ang teksto

Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Ayon sa
Kasaysayan kung ikukumpara ito sa naunang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere, mas Malaki
ang naitulong ng El Filibusterismo sa mga Pilipino, particular sa.
Gawain 1: Sa tulong ng dayagram, isulat sa kahon ang hinihinging impormasyon batay sa
binasang Teksto.

Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Mga Petsa/Lugar Mga Dahilan Mga Balakid

Gawain 2: Sagutin ang mga tanong


1. Paano nakatulong ang El Filibusteismo sap ag papasiklab ng himagsikan?
2. Bakit tinuglisa at pinagbantaan ang buhay ni Rizal sa sariling bayan?
3. Makatuwiran bang lisanin ni Rizal ang Pilipinas sa gitna ng panggigipit sa pamilya’t
kaibigan? Bakit?
4. Bakit nilayuan siya ng kanyang mga kaibigan? Ipaliwanag?
5. Ano ang nagbunsod kay Rizal na ibigay kay Valentin Ventura ang unang sipi ng El
Filibusterismo?
6. Sino si Ferdinand Blu.mentritt? Ano ang kaugnayan niya kay Rizal?
7. Patunayang higit na ginugol ni Rizal ang kanyang panahon sa pagsulat ng El
Filibusterismo kaysa sa Noli Me tangere.
8. Ano ang kalimitang paksa ni Rizal tuwing nagkikita-kita sila ng mga Pilipino sa Europa?
Ipaliwanag?
9. Ipaliwanag ang ibig sabihin ni Rizal na nakisama siya at nakilahok sa himagsikan sa
isang mapayapang paraan.
10. Sa palagay mo, paano nakatulong ang nobelang ito sa kasalukuyan?

Pangangalang-diwa
Sa paghahatid ng impormasyon, mahalaga ang paggamit ng pangngalang –diwa. Ang
pangngalang-diwa ay tumutukoy sa mga salitang angbibigay ngalan sa kilos na taglay ng
pandiwa. Hinango ito sa panlaping makangalan at salitang-uri ng pandiw. Ang batayang anyo
ng pangngalang-diwa ay pandiwa, at batay sa ginagamit na panlapi ang pagbuo rito.
Ang mga sumusunod ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangngalang-diwa ayon sa
panlapi.
1. Pandiwa sa panlaping makadiwang um- o –um- hango sa pandiwa na may unlapi
o gitlapi na um at ng unlaping pag

Halimabawa:

Sumulat -- pagsulat
Kumanra -- pagkanta
Umamin -- pag-amin
2. Pandiwa sa panlaping makadiwang mag- binubuo ng pandiwa na may unlaping mag,
unang pantig ng salitang-ugat, at unlaping pag

Halimbawa

Maglimbag -- paglilimbag
Magsanay -- pagsasanay
Magtiis -- pagtitiis

3. Pandiwa sa panlaping makadiwang mang- binubuo ng pandiwa na may unlaping


mang, uanang pantig ng salitang-ugat, at unlaping pag

Halimbawa:

Manggulo – panggugulo
Mang-umit – pang-uumit
Manggaya -- panggagaya
Pagsasanay 1: Punan ang patlang ng wastong anyo ng pangngalang-diwa batay
sa salita sa panaklong.

1. Ang paraan ng _________________(manghimok) ni Dr. Jose P. Rizal ay


nakatulong nang Malaki sa mga Pilipino.
2. Isang gawaing maka-Diyos ang _________________(magpatawad)
3. Ang _______________(kumalat) ng nobelang El Filibusterismo ang nag-udyok
sa mga Pilipino na lumaban sa mga mapang-aping Kastila.
4. Kailangnang manaig sa ating puso ang _______________(umunawa) upang
matutuhan nating mahalin ang kapwa.
5. Hindi mabuting ugali ang _____________ (magtanim) ng galit sa kapwa.
6. Hangad ng mga mamamayang Pilipino ang ____________________(umiral) ng
katanyagan sa lipunan.
7. Ang ______________(magsabi) ng tapat ay ________________(magsama)
nang maluwat.
8. Hindi karuwagan ang _____________________(umiwas) sa gulo.
9. Ang ________________(manggantso) ay masamang Gawain.

Aralin 4.3

LAYUNIN
❖ Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng mga
tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes kawilihan kagalakan/
kasiglahan pagkainip/ pagkayamot pagkatakot pagkapoot pagkaaliw/
pagkalibang - at iba pa (F10PN-IVi-j-87)
Mga kakailanganin:
c. Sanggunian:

• Kilala mon a sila, Kilalanin pa ang iba


Tudla p 346

Panimula

A. Teksto
Basahin at unawain ang teksto
Kilala Mo na Sila, Kilalanin pa ang iba!
Ilan sa mga tauhan ng nobelang El Filibusterismoay nakilala na natin sa unang nobela ni
Jose P. Rizal, ang Noli me Tangere. Sa pagpakilala ni Rizal ng mga bagong tauhan sa kanyang
ikalawang nobela, lalong napatingkad at naging epektibo ang paglalarawan at paglalahad ng
may-akda sa mga kaganapan sa Pilipinas noong panahon ng Kastila. Makikita natin sa El
Filibusterismo na ang bawat tauhan ay iba’t iba ang kalagayan sa lipunan at ng kabuhayan.
Gayundin, iba’t iba rin ang kanilang mga pananaw sa pulitika, relihiyon at maging sa buhay, sa
pangkalahatan. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, may mga tauhan pa rin na nagkakaisa sa
isang mithiin at pawang nagbibigay-buhay sa mga masasalimuot na pangyayari sa nobela.
Halina’t kilalanin natin ang mga tauhang nagpatingkad at nagbigay-kulay sa nobelang pumukaw
sa diwang makabayan ng mga Pilipino.

El Filibusterismo
Simoun
➢ Isang mayamang mag-aalahas
➢ Madalas mapagkamalang may lahing Europeo or Amerikano dahil sa kulay ng balat at
sa tikas ng katawan, at mukhang misteryoso, lalo pa’t laging may suot na madilim na
salaaming may asul na lente
➢ Malapit sa gobernador-heneral

Basilio
➢ Isang idealistikong mag-aaral na nangangarap maging doctor
➢ Nais magpatayo ng paaralan upang matuto ang mga Pilipino ng wikang Kastila
➢ Kasintahan ni Juli

Isagani
➢ Isang mag-aaral ng medisina na may matayog na kaisipan
➢ Kasama ni Basilio sa pangkat ng mga mag-aaral na nagsusulong sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
➢ Kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino
Padre Florentino
➢ Pilipinong pari na tahimik at mukhang malungkutin
➢ Hindi sang-ayon sa pakikipaglaban para sa kalayaan sa marahas na pamamaraan
➢ Tiyuhin ni Isagani na kanyang kinupkop at pinag-aral.
Don Custodio
➢ Isang Kastilang opisyal ng pamahalaan at may mataas na katungkulan sa ilang
organisasyon, tulad ng Obras Pias at Sociedad Economico de los Amigo del Pais
➢ Dinudulugan ng mga mag-aaral upang humingi ng suporta sa pagpapatayo ng
akademya
➢ Nakapangasawa ng isang Pilipina mula sa mayamang pamilya
Ben Zayb
➢ Pilipinong manunulat at mamahayag
➢ Hambog at iniisip na siya lamang ang intelekwal na tao sa buong Maynila
➢ Laging nakikipagdebate kay Padre Camorra

Padre Camorrra
➢ Kura paroko ng bayan ng Tiani, Laguna
➢ Sinasabing mukhang artilyero dahil sa bruskong hitsura
➢ Mahilig sa magagandang dalaga
Padre Irene
➢ Isang kanonigong prayle
➢ Kapanalig ng mga kabataan sa paghingi ng pahintulot upang makapagpatayo ng
akademya
➢ Matalik na kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago
Makaraig
➢ Isang mayamang Pilipinong mag-aaral na mayroong matatayog na pangarap para sa
bansa
➢ Isa sa mga pinuno ng mga mag-aaral na nais magpatayo ng akademya
➢ Nagpapatulong kay Don Custodio sa paghingi ng pahintulot sa pagtatag ng akademya
Placido Penitente
➢ Mag-aaral ng abugasiya
➢ Nawalan ng gana sap ag-aaral ng abugasia dahil sa pang-aalipusta ng mga guro
➢ Sumapi sa mga rebolusyonaryo
Juanito Pelaez
➢ Mayamang Pilipinong mag-aaral na umaasa sa katalintuhan ng iba upang pumasa sa
mga klase
➢ Inilalarawan bilang isang kuba at mapanuksong binate
➢ Karibal ni Isagani sap ag-ibig ni Paulita
Sandoval
➢ Mag-aaral na Kastila na nagtratrabaho rin bilang isang kawani ng pamahalaan
➢ Kaisa ng mga mag-aaral sa pagpapatayo ng akademya
➢ Tumatayo ring pinuno ng mga kabataan
Kapitan Tiyago
➢ Matandang lalaki nanagmamay-ari ng mga lupain sa bayan ng San Diego, Laguna at
isang malaking bahay sa Calle Anloague sa Maynila
➢ Nalulong sa opyp magmula nanag pumasok sa kumbento ang kaisa-isang anak
➢ Kumukupkop kay Basilio at nagpapaaral dito
Juli
➢ Isang maganda at mayuming dalaga mula sa Tiani, Laguna
➢ Handang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay
➢ Kababata at kawsintahan ni basilio anak ni Kabesang Tales, Kapatid ni Taino at apo ni
Tandang Selo.
Paulita
➢ Maganda at mayamang dalaga na taga-Maynila
➢ Nais ng maganda at marangyang pamumuhay
➢ Kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya Victoria
Kabesang Tales
➢ Isang amgsasaka sa bayan ng Tiani
➢ Naging tulisan nang kamkamin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka
➢ Ama nina Juli at Tana at anak ni Tandang Selo
Tandang Selo
➢ Matandang mangangahoy sa bayan ng Tiana
➢ Sumapi sa mga tulisan nang may mangyaring masama sa apo
➢ Ama ni kabesang Tales, at lolo nina Juli at Tano
Tano
➢ Sapilitang sumapi sa guwardiya sibil
➢ May pagmamalasakit sa kapwa Pilipino lalo na sa mga pinagmamalupitan ng mga
Kastilang sundalo
➢ Anak ni Kabeang Tales, kapatid ni Juli at apo ni Tandang Selo
Padre Salvi
➢ Isang Pransiskanong prayleng namamahala sa kunbento ng Sta. Clara
➢ Mukbang sakitin at mahina
➢ May itinatagong lihim tungkol sa kanyang nakaraan
Padre Sibyla
➢ Dominikanong prayle na siiyang bise-rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas
➢ Batid ang mga sakit ng lipunan ngnit pinipiling magbulag-bulagan sa mga tao.
➢ May nalalaman sa mga pangyayari sa Maynila at sa bayan ng San diego, Laguna may
labintatlong taon na ang nakalilipas

Kapitan Basilio
➢ Mayamang kapitan ng bayan ng San Diego
➢ Inilalarawan bilang mayabang at arogante
Padre Fernanadez
➢ Isang prayle at propesor sa Ateneo Municipal
➢ May liberal na paninindigan at malasakit sa mga mag-aaral at sa kanilang adhikin,
ngunit natatakot sa maaring mangyari sa kanila
➢ Ngsisilbing tagapayo ni Isagani
Padre Millan
➢ Isang prosesor ng pisikal at heograpika sa Ateneo Municpal
➢ Kilala sa pagiging dalubhasa sa pilosopiya at pakikipagdebate
➢ Nang-insulto kay Placido Penitente sa harap ng mga kaklase nito
Donya Victorio
➢ Matandang baabeng nag-aasal Rspanyol gayong purong Pilipina naman.
➢ Mayaman at mapagmataas na laging nakakolorete at nakasuot ng mga damit na
estilong Europeano
➢ Tiya ni Paulita at asawa ng isang matandang doctor na Kastila
Don Timoteo Pelaez
➢ Isang mayamang mangangalakal na taga-Maynila
➢ Bumili sa bahay ni Kapitan Tiyago sa Calle Anloague
➢ Ama ni Jaunito Palaez
Kabesang Andang
➢ Isang cabeza se barangay sa isang bayan sa Batangas
➢ Relihiyong at mayroong matinding paniwala sa bias ng misa at panalangin
➢ Ina ni Placido Penitente, na kanyang pinipilit na huwag huminto sa pag-aaral
Hermana Penchang
➢ Matandang babae na taga-Tiani
➢ Isang saradong Katoliko na aktibo sa mga gawaing simbahan
➢ Pinaglilingkuran ni Juli na itinuturing nyang makasalanan sahil hindi nito kabisado ang
mga dasal na Latin.
Hermana Bali
➢ Isang babaeng taga-Tiani na aktibo sa mga Gawain sa simbahan
➢ Kilala sa pagiging pusakal n panggingera (isang uri ng sugal)
➢ Humimok kay Juli na lapitan si Padre Camorra upang humingi ng tulong
Quiroga
➢ Mangangalakal na Tsino na naninirahan sa Maynila, kung saan mayroon siiyang mga
bodegang pinaglalagakan ng mga kalakal
➢ Naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Tsino sa Maynila
➢ Malapit sa mga pari
Ginoong Pasta
➢ Pinakatanyag at pinakamahusay na manananggol sa Maynila
➢ Nilapatan ni Basilio upang magpatulong sa binabalak ng mga kabataan na akademya
➢ Abogado at tagapayo ni Don Custodio
Pepay
➢ Isang Pilipinang mananayaw sa Maynila
➢ Naisip ng mga mag-aaral nag awing tulay kay Don Custodio
➢ Nababalitang kalaguyo ni Don Custodio
Gobernador-Heneral
➢ Pinakamataas na opisyal sa Pilipinas
➢ Nagpapanggap na tanging kapakanan ng mga Pilipino ang iniisip subalit ang totoo’y
mas binibigyang-halaga ang mga kapwa Kastila at ang interes ng Espanya
➢ Malapit kay Simoun, na nagsisilbing kanyang tagapayo kanang kamay
Mataas na Kawani
➢ Isang Kastila may mataas na katungkulan sa pamahalaan
➢ Kilalang matuwid at salungat sa maling pamamalakad ng gobernador-heneral
Matusalem at Noel
➢ Mga guwardiya sibil
➢ Inilarawan na labag sa loo bang pagtupad sa tungkulin
➢ Bumugbog sa isang kutsero nang wal itong maipakitang sedula
Monsieur Jouy at G. Leeds
➢ Isang Pranses na pinuno ng samahan ng mga nagtatanghal ng opera at isang
Amerikanong mahikero
➢ Pawang nagtanghal sa Maynila—ang una ay ng operetta na Les Cloches de Corneville
at ang huli ay isang palabras ng mahika, kung saan nagpakita siya ng abo na naging ulo
na tao na nagpakilala bilang si Imuthis, isang lalaking nabuhay samatandang Ehipto.
Gawain 1: Tingnan ang mga pangalan ng tauhan sa loob ng parihaba. Bilugan ang naiiba at ipaliwanag
ang sagot.

1. Isagani Basilio Simoun

2. Padre Fernanadez Padre Maillon Padre Sibyla

3. Kabeang Tales Tandang selo Pasta

4. Paulita Maria Clara Sinang

5. Matusalem Monsieur Jouy G leeds


Gawain 2: Gawain ang mga sumusunod
1. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mataas na kawani at ng gobernador-heneral
sa pamamagitan ng Venn diagram
2. Sa iyong palagay, mayroon pa rin ba ngayong nagpapaalila upang matubos ang ama
tulad ni Juli? Patunayan
3. Kung papipiliin ka ng isang tauhan na nais mong tularan, sino siya at bakit?
Gawin 3: Pagpapayaman ng Talasalitaan
Magbigay ng mga salitang kaugnayan ng salita sa loob ng tala. Bigyan ito ng
kahulugan at gamitin sa makabuluang pangungusap.

Kaugnay ng Salita Kahulugan Pangungusap

Pangangatwiran

Mahalagang gamit ng wika ang pangangatwiran dahil ito ay nagbibigay ng


pagkakataon sa isang tao na mapatunayan o mapabulaanan ang isang kuro-kuro o
mahalagang paksa. Sa pangangatwiran, gumagamit ng mga pangungusap na
nagsasaad ng mga pang-abay na panang-ayon (tulad ng tunay, sadya, sadya, siyempre
at iba pa) at pang-abay na pananggi (tulad ng hindi, di, ayaw, at iba pa).

Pangatnig
(Panubali, Panlinaw, at Panahi)
Ang pangatnig ay mga salita o kataga na nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o
kaisipan sa isa pang salita o kaisipan.
Sa pangangatwiran, nakatutulong ang paggamit ng mga sugnay na pinangunguhanan
ng pangatnig na panubali, panlinaw o pananhi, upang maging malinaw at mabisa ang
pangangatwiran.
1. Pangatnig na panubali - ginagamit kulang ang sugnay ay nagsasaad ng di-ganap
na pagkukuro o pag-aalinlangan. Nangangailangan ito ng ibang diwao pangungusap
upang mabuo ang kahulugan na pinangungunahan ng mga salitang kung, kapag, at
sakali.
Halimbawa:
Tunay na mababawasan ang karahasan sa bansa kung mananaig ang pag-ibig
sa puso ng tao.
2. Pangatnig na panlinaw –Halimabawa:

Hindi nakayanan ng mataas na kawani ang maling Sistema ng pamamalakad sa


pamahalaan kaya nagbitiw siya sa ginagamit upang dagdagan ang kalinawan ng
salita o kaisipan. Ilan sa mga pangatnig na panlinaw ay ang mga salitang kya, kung
gayon, gayunman at sana.

tungkulin

3. Pangatnig na pananhi – ginagamit upang makatugon sa tanong na bakit, o upang


mapakilala ang mga dahilan ng isang pangyayari at ng iniisip o niloloob. Kabilang sa
mga pangatnig na pananhing karaniwang ginagamit ay ang mga salitang sapagkat,
dahil sa, sanhi ng, at palibhasa.
Halimbawa:
Maraming kabataan ang naghimagsik sapagkat nagalit sila sa maling
pamamalakad ng pamahalaan at simbahan.

Pagsasanay 1 Dugtungn ang bawat pahayag ng angkop na kaisipan at pangatnig.


Salungguhitan ang ginagamit na pangatnig at isulat sa patlang kung ito ay panubali, panlinaw, o
pananhi.

1. _____________________ Sang-ayon ako sa K to 12


kurikulum_____________________________________________________________
2. _____________________ Talagang marami ang
nagugutom____________________________________________________________
3. _____________________ Sumisigaw ang kanyang
puso.________________________________________________________________
4. _____________________ Dapat lamang ipatupad an mahigpit na batas hinggil sa
parusang
kamatayan._____________________________________________________________
______________________________________________________________________
Aralin 4.4

LAYUNIN

❖ Naisasagawa ang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng nobela


(F10PS-IVi-j-89 )

Mga kakailanganin:
d. Sanggunian:

• Ang Paglalakbay
Tudla p 371

Panimula

A. Teksto
Basahin at unawain ang teksto

Ang Paglalakbay

Isang umaga ng Disyembre, naglalayag ang bapor Tabo sa Ilog Pasig mula sa Look ng Maynila
tungo sa Laguna de Bay. Dahan dahan nitong sinasalunga ang agos ng ilog, at pamaya’t maya
ay tumigil dahil sa sinasaadito ng buhanginanat dahil nahihirapan itong bagtasin ang paliko-
likong ilog.
Gawain 1: Tukuyin ang tauhang nagsabi sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang.

_____________________1. Ang mga patay ay naiiwang patay at ang malalakas lamang


ang binibigyan ang katwiran sa mga darating na panahon.
_____________________2. Darami ang balut. Nakapandidiri.
_____________________3. Pipiliin ko ang lahat na baying kalapit na mag-alaga ng
pato.
_____________________4. Naiinom ang tubig at pumapawi sa lasa ng alak, saka
pumapatay ng apoy.
_____________________5. Huwag ninyong tawaging isang tulo ng tubig ang lawang
ito.

Gawain 2: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng


pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
_____________________1. Naglalayag isang umaga ng Disyembre ang bapor Tabo sa
Ilog Pasig.
_____________________2. Nahahati sa dalawang uri ang mga pasaherong lulan ng
barko.
_____________________3. Nilisan ni Simoun ang ibabaw ng kubyerta
_____________________4. Sa ilalim ng kubyerta, naroong nagsisiksikan ang mga
Tsino, mestiso, at Indo.
_____________________5. Pinauwi si Basilio sa Sab Diego upang malayang
makahithit ng opyo si Kapitan Tiyago.
_____________________6. Nabanggit ni’ Simoun na di siya Napapagawi sa lugar nina
Isagani.
_____________________7. Nainsulto ang dalawang estudyante kaya kaagad na
sumabad si Basilio kay Simoun.
_____________________8. Namulat ang mga Pilipino sa mga kabuktutan ng
pamahalaang Kastila.
_____________________9. Binanggit ang alamat tungkol sa sagradong bato.
_____________________10. Sa yungib na tumanda, namatay, at inilibing si Donya
Geronima

Gawain 3: Sagutin ang mga tanong

1. Ano ang piangkaiba ng mga tauhan sa bapor Tabo? Iapaliwanag.


2. Paano nabuksan ang usapan tungkol sa pagpapaalam sa Ilog Pasig?
3. Ibigay ay Ipaliwanag ang nagging mungkahi ni Don Custodio sa pagpapalalim sa ilog.
4. Ilahad ang nagging paliwanag ni Simou.
5. Bakit tinutulan ni Don Custodio ang mungkahi ni Simoun? Pangatwiran.
6. Bakit mapilit ang mga kabataan sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila?
7. Maktwiran ba ang ginawa ng arsobisyo na pagpapatira ng kanyang kasintahan sa
yungib? Iapaliwanag.
8. Paano ipinabatid ng may-akda na milagroso si San Nicolas?
9. Ano ang mga nagging reaksyon ni Simoun nang pinagkwentuhan ang tungkol kay
Ibarra?
10. Ano ang ibig sabihin ng kapitan ng bapor na “Huwag ninyong balewalain ang isang tulo
ng tubig ng lawa?
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, pook, o pangyayari. Ang mga pangyayari sa isang alamat ay hindi makatotohanan
at hindi kapani-paniwala. Layunin nitong libangin ang mga mambabasa.
Ayon sa kasaysayan, bago pa man dumating angmga Kastila ay mayaman na ang mga
Pilipino sa alamat. Bagama’t ilan sa mga ito ang nasusulat, karamihan sa mga laamt na
hanggang ngyon ay alam ng mga Pilipino ay nagpasalin-salin lamang nang pasalita mula noong
unang panahon. May nagsasabing may mga ginagawang pagbabago ang mga misyonerong
Kastila sa mga katutubong alamat, lalo na yaong mga alamat na kasalungat ng
pananampalatayang Katolisismo.

Pangatnig (Pansubordiansyong)
Magagamit sa pagpapalawak ng ideya ang mga pangatnig na pansubordinaston. Ang mga ito
ay mga pagatnig na nagsasaad ng nakababang ideya, ang sugnay na di makapag-iisa, at ang
nakataas ay ang malayang sunay.
Ilan sa mga karaniwang pangatnig na pansubordinasyon ay ang mga sumusnod.
Bago habang sapagkat sa gayon
Nang palibhasa kahit na hanggang
Samantala upang kapag/pag dahil sa

Halimbawa:
Ngunit sa isang malawak na pag-unawa, ang lupang ito’y hindi na natin maitatalaga pa.
Ang pagtatalaga at pag-ukol ay naisasagawa na nang buong dangal ng matatapng na
lalaking nagpangmook ditto.

Pagsasanay 1 Dugtungan ang angkop na sugnay at kaisipan angmga sumusunod na pahaayg

1. Ang mga tao ay nagbuwis ng kanilang


buhay_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Pinatnubayan tayo ng
Diyos__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Tangkilikin mo
ito____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Umiwas sa masamng
bisyo__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Nararapat lamang na tumpak an gating
gagawin_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
6. Panatilihin mo ang pag-
asa___________________________________________________________________
______________________________________________________________________
7. Manalangin ka lagi sa
Panginoon______________________________________________________________
______________________________________________________________________
8. Kalimutan ang
problema_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
9. Ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang
buhay_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
10. Narito tayo sa
daigdig________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Aralin 4.5

LAYUNIN
❖ Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang
pahayag ng awtor / mga tauhan (F10PT-IVi-j-86)
Mga kakailanganin:
e. Sanggunian:

• Ang Pangarap
Tudla p 382

Panimula

A. Teksto
Basahin at unawain ang teksto

Ang mga Pangarap


(Kabanataan 4-7, 10-11 at 14-15)

Si Juliana de dios, na mas kilala sa ngalang Juli, ang nabanggit na kasintahan ni Basilio,
Si Juli ay ang mahinhinat mayuming anak ng isang magsasakang nakatira sa Tiani.
Marami ang humahanga sa dalaga dahil sa angkin niyang ganda, at di
Gawain 1 Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag ayon sa salitang
masasalunguhitan. Kung ito ay Mali, isulat ang salitang angkopsa pahayag.

________________1. Dinalaw ni Basilio ang puntod ng kanyang ama upang


ipagdasal ang kaluluwa nito
________________2. Nagkita sina Isagani at Basilio sa kagubatan
________________3. NAgtipon-tipon ang mga estudyante sa bahay ni Makaraig
upang pag-usapan ang isang petisyon tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila
________________4. Ipinatawag ni Padre Florontino si Isagani upang pag-usapan
ang batak na pakikipaglaban sa karapatan ng mga kabataan
________________5. Si Juli ay nagpaalila kay Padre Camorra bilang pagbabayad-
utang

Gawain 2: Ayusin ang gma letra sa loob ng biluhaba upang makabuo ng salitang
kasingkahulugan ng may salungguhit. Isulat sa patlang ang salitang nabuo.
1. Bigla ang pagkatuklas _____________________________

Malpaaakg

2. Siya’y niyakag ___________________________________

Iayayn
3. Walang papanigan____________________
aphakjkamn
4. Himala ng birhen_______________________

lgarmio

5. Palaganapin ang wika___________________

Pagsasanay 1
Sagutin ang mga tanong
1. Paano natamo ni Basilio ang magandang pagtingin ng kanyang guro at mga kaklase?
2. Bakit pumayag si basilio na pauwiin siya sa San Diego ni Kapitan Tiyago?
3. Paano nakilala ni Basilio si Simoun? Patunayan
4. Sa palagay mo, bakit hindi sumang-ayon si G. Pasta sa balak ng mga mag-aaral?
5. Bakit nawala ang respeto ng mga mag-aaral sa mga pati?
6. Sino-sino sa mga tauhan ang naiibigan mo? Bakit?
7. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng bawat tauhan? Patunayan
8. Paano nalutas ng bawat tauhan ang kanya-kanyang suliranin?
9. Makatotohanan ba ang mga tauhang nilika ni Rizal/ Pangatwiran?
10. May mga tao bas a kasalukuyan na maihahalintulad sa mga tauhang nabanggit sa El
Filibustersimo? Patunayan.
Aralin 4.6

LAYUNIN
❖ Nabibigyang-kahulugan ang matalinghagang pahayag na ginagamit sa
biansang kabanata ng nobela (F10PT-IVb-c-83)
Mga kakailanganin:
a. Sanggunian:

• Hamon sa Suliranin
Tudla p 398

Panimula

A. Teksto
Basahin at unawain ang teksto

Hamon sa Suliranin

Isang mag-aaral sa pamantasan si Placido Penitente. Masipag at matiyaga siyang mag-


aaral, dahil nais maging mahusay na abogado tulad ng pangarap ng kanyang ina. Bukod sa
pagiging ulirang anak at estudyant, siya rin ay may paggalang sa kababaihan at wlang bisyo.
Gawain 1 Isulat sa loob ng Pyramid ang kasagutan sa bawat nakatalang clue
Clue
1. Unang letra ng tauhan ayaw nang mag-aral
2. Inisyal ng bayan at lalawigan pinanggalingan ng tauhan sa bilang 1
3. Asignaturang itinuturo ni Padre Millon (tatalong pantig)
4. Kursong kinukuha ng tauhan sa bilang 1 (apat na pantig)
5. Lugar kung saan niya sa pamantasan
6. Ang kanyang ina
7. Taon ng pag-aaral niya sa pamantasan
8. Ang ayaw niyang manakaw sa kanyang sarili
9. Lugar na babalikan niya kapag siya’y nangibang-bansa
Gawain 2: Punan ng tamang letra ang kahon upang mabuo ang kasingkahulugan ng bawat
salita
1. Panlalait -
p - i s o
2. wasakin -
s n
3. kaso –
u p
4. tinanong
I U G a
5. hinay –hinay
D H - n

Gawain 3 Sagutin ang mga katanungan

1. Ano ang ipinahihiwatig ng pangalang Placido Penitente? Ibigay ang katangiang


taglay niya bilang mag-aaral
2. Bakit nawalan ng ganang mag-aral si Placido?
3. Makatwiran bang mag-walk out siya sa paaralan? Ipaliwanag
4. Paano niay natuklasan ang lihim ni Simoun?
5. Bakti bigla na lang nagbago ang isip ni Placido tungkol sa paghinto sa pag-
aaral?
6. Bakit nais tulungan ni Simoun si Quiroga? Tama ba ang kanyang hangarin?
Bakit?
7. Bakit hinimatay si Padre Salvi nang marinig ang salaysay ni Imuthis?
8. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang pagkakatanggal sa puweso ng mataas na
opisyal nang subukan niyang tulungn si Basilio? Bakit?
9. Kung ikaw si Juli, gagawa ka rin ban g maaari mong ikapahamak upang
matulungan ang isang kapamilya, kaibigan o kasintahan? Bakit?
10. Maituturing bang makatotohanan ang mga pangyayaring inilahad sa akda?
Patunayan.

Antas ng Wika
(Pormal at di-Pormal)
Sa pagsulat at pakikipagtalastasan, mahalagang malaman ang pagkakaiba ng pormal at
di-pormal na antas ng wika.
Ang pormal na antas ng wika ay ginagamit sa publikasyon tulad ng mga aklat at panulat
na akademiko o teknikal. Piling-pili at tiyak ang mga salitang ginagamit ditto.
Dagdag pa rito, gumagamit ito ng bokabularyong kumplikado at mga pangungusap na
naayon sa panutunang gramatikal.
Halimbawa:
Talahanayan
Kalatas

Samantala, ang di-pormal na antas ng wika ay ginagamit sa pang-araw araw na


pakikipag-usap, kung kaya’t simple lamang ang bokabularyo at madaling maunawaan. Kumpara
sa pormal na antas ng wika, higit na mabilis ang daloy ng pakikipag-usap gamit ito, sapagkat di
ito mahigpit sa panuntunang gramatikal
Halimabawa
Hamo (hayop n)
Gorabels (tara na)

Pagsasanay 1 Tukuyin ang antas ng wika ng mga sumusunod na salita. Lagyan ng tsek ang
tamang hanay. Pagkatapos, ibigay ang katumbas na salita o kasingkahulugan nito.

Salita Pormal Di-Pormal Katumabas


1. alat
2. salapi
3. bebot
4. ama
5. ermat
6. datung
7. kaberks
8. syota
9. bilanggo
10. chaka

You might also like