You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol, Carmen West District
ISABEL S.J GUJOL MEMORIAL HIGH SCHOOL
Alegria, Carmen, Bohol

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 10

Pangalan:_______________________________ Taon at Seksyon:_____________________ Petsa:___________Iskor:_________

I.MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.
____ 1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nanarasan sa mga bahagi ng daigdig
B. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
C. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
D. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo.\
_____2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B.Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
____3.Maaaring suriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Inshoring B. Nearshoring C. Offshoring D. Onshoring
____4. Maaring uriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
____5. Ano ang iskemang subcontracting?
A. Sistema ng pagkuha ng kompanya ng ahensiya na subcontractor upang gawin ang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o
serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
____6. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga migrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang
mahihinuha rito?
A. Malaki ang oportunidad sa labas ng Asya .
B. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga mamamayan sa Asya.
C. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
D. Kinakakitaan ng malaking oportunidad ng Asyano ang ibang lugar bunga ng mga hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa
kanilang natapos
____7. Ano ang ibig sabihin ng migrasyon?
A. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy ito sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
D. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente
____8. Aling pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino. C. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
____9. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Alin sa mga ito?
A.Edukasyon B. Hanapbuhay C. Tirahan D. Turismo
____10. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito.
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang pumupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon D. Migration transition
____11. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
____12. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
_____13. . Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Hanapuhay B. Turismo C. Edukasyon D. Tirahan
_____14. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang
manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I.Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
_____15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
a. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa
kompanya.
b. Paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
c. Paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
d. Paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod
at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
______16. Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa na ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay
batay sa pangangailangang local. Ano ito?
a. Multinational company b. transnational company c. proctor company d. seven-eleven company
_____17. Isang anyo ng iskemang subcontracting na ang subcontractor ay walang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Ano ito?
a. Subcontracting b. iskemang subcontracting c. job-contracting d. labor-contracting
_____18. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang Sistema
ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
a. Humigpit ang pagpoproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga
world class workers.
b. Tumaas ang kalidad ng mga local na produkto sa pandaigdigang pamilihan kayat kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa
ibang bansa para sanayin ang mga local na manggagawa.
c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kayat kinailangang pababain ang sweldo ng mga local
na manggagawa.
d. Nagging Malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pangungontra lamang
sa mga local na manggagawa.
______19. Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa ibang bansa na ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay
hindi nakabatay sa pangangailangang local ng pamilihan. Ano ito?
a. Multinational company b. transnational company c. proctor company d. seven-eleven company
______20. Alin sa mga sumusunod ang solusyonsa pagharap ng hamon ng globalisasyon?
a. Unfair trade b.bottom million c. guarded globalization d. international globalization
______21. Alin sa mga sumusunod ay ang mga hindi magandang implikasyon ng pagkakaroon ng TNCs at MNCs sa ating lipunan,
maliban sa isa.
a. Pagkalugi ng local na namumuhunan c. nakakalikha ng trabaho para sa mga manggagawang Pilipino
b. Nagdulot ng paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap d. maraming namumuhunang local at tuluyang nagsara
______22. Ang mga sumusunod ay mga suliranin sa paggawa, maliban sa isa.
a. Job mismatch b. mataas na pasahod c. mura at flexible labor d. open economy
______23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa ayon sa DOLE?
a. Employment pillar b. worker’s right pillar c. social protection pillar d. social conversation pillar
______24. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho.
a. Underemployment b. job mismatch c. flexible labor d. unemployment
______25. Alin sa mga sumusunod ang magandang implikasyon ng pagkakaroon ng TNC at MNC sa ating lipunan?
a. Nagdulot ng paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap c. pagkalugi ng local na namumuhunan
c. Nakakalikha ng trabaho para sa mga manggagawang Pilipino d. maraming namumuhunang local at tuluyang nagsara
______26. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay komokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isangtakdang panahon. Ano ito?
a.job contracting b. labor contracting c. iskemang subcontracting d. contracting
______27. Alin sa mga sumusunod ang mabuting implikasyon ng globalisasyong teknolohikal at sosyo kultural?
a. Hindi aktibong nakikibahagi ang netizen sa mga usaping lubos na nakakaapekto sa kanila
b. Hindi nalinang at nagpapakita ng talent sa paglikha ng ibat ibang digital form
c. Naipahayag ang kanilang saloobin
d. Pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses

II.Suriin kung anong anyo ng globalisasyon ang nasa bawat bilang. Isulat ang E kung ito ay Globalisasyong Ekonomiko, P kung ito ay
globalisasyong political at TS naman kung ito ay globalisasyong teknolohikal at sosyo-kutural.

_______1. pagtangkilik ng mga mamamayan sa cellular phones o mobile phone


______2. samahang rehiyunal ng ASEAN
______3. pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino
______4. Pag-usbong ng MNC at TNC
______5. Pag-usbong ng BPO
______6. Pagsali sa organisasyong APEC
______7. ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa ibang mga bansa
______8. Pag-usbong ng social networking sites
______9. paggamit ng computer
______10. Pagbabasa ng e-books

III. Suriin ang mga sumusunod kung sa anong uri ng namumuhunang kompanya napabilang ang bawat isa. Isulat sa loob ng
kahon ang mga sagot.

McDonalds Unilever Starbucks Google Shell


Toyota Motors Coca-Cola Accenture Sensodyne UBER
Telus International Philippines Seven-Eleven Kompanyang petrolyo

TRANSNATIONAL COMPANY MULTINATIONAL COMPANY

You might also like