You are on page 1of 11

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
“Pasiya at Kilos ko,
Pananagutan ko!”
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: “Pasiya at Kilos ko, Pananagutan ko!”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose


Tagapamanihala: Johanna N. Gervacio, PhD, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rachelle C. Vizcarra
Editor: Jocelyn T. Leonardo
Haydee B. Cabie
Mario J. Atilano
Tagasuri: Mary Grace P. Valenton
Tagalapat: Rahelle C. Vizcarra
Tagapamahala: Veronica B. Paraguison, PhD, CID Chief
Lordennis T. Leonardo, PhD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Office Address: Sto. Nino 1st, Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija
Telefax: (044) 331-0285
E-mail Address: sanjosecity@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng mag-


aaral sa pamantayan ukol sa:

1. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga


sirkumstansiya ng makataong kilos (EsP10MK-IIg-8.2)
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa
isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito
(EsP10MK-IIg-8.3)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang


letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang kilos na may pagsang-ayon at kaalaman na may mataas na
pananagutan?
a. layunin c. sirkumstansiya
b. paraan d. kahihinatnan

2. Ano ang tawag sa panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang


makamit ang layunin.
a. layunin c. sirkumstansiya
b. paraan d. kahihinatnan

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa panloob na kilos kung saan


nakatuon ang kilos-loob?
a. layunin c. sirkumstansiya
b. paraan d. kahihinatnan

4. Ano ang kilos na nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan?


a. layunin c. sirkumstansiya
b. paraan d. kahihinatnan

5. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa


etika ni Sto. Tomas de Aquino? Ito ay sapagkat ________________.
a. nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
b. malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan

1
c. nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katuwiran
d. napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o
masama.

Balikan

GAWAIN: CONCEPT MAP MAKING


Panuto: Gamit ang concept map, bigyan ng kahulugan ang salitang
makataong kilos batay sa iyong napag-aralan noong nakaraang
aralin.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel at ipasa sa iyong guro.

MAKATAONG
KILOS

2
Aralin
“Pasiya at Kilos ko, Pananagutan
7 ko!”

Mahalagang masuri ng bawat tao ang kabutihan at pananagutan ng


mga isinasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan ng aralin na ito ay mas
lalo pang mapagnilayan kung ano at paano nga ba makapagsasagawa ng
makataong kilos.

Tuklasin at bigyang linaw natin ito sa mga susunod na gawain at sa


magiging talakayan sa araling ito. Simulan natin ito sa pamamagitan ng isang
maikling pagbabalik-aral.

Tuklasin

GAWAIN: MAGKUWENTUHAN TAYO!

Panuto: Sumulat ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan


nagpapakita ng iyong naging kilos. Isulat mo ang layunin, paraan at
sirkumstansiya ng iyong pasya o kilos sa sitwasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel at ipasa sa iyong guro.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa kilos na iyong ginawa? Mabuti ba ito o


masama? Patunayan.

2. Ano ang iyong layunin, paraan at sirkumstansiya ng iyong pasya o kilos


sa sitwasyon?

3. Paano nakatulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?

4. Ano ang reyalisasyon mo sa iyong isinulat na karanasan?

3
Suriin

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong
kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel
na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng
kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensyon ng isip. Ang panloob na kilos
ay nagmumula sa isip at kilos-loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay
ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos.

BUMUBUO SA MAKATAONG KILOS:


1. LAYUNIN
Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito
ang motibo o dahilan kung bakit gagawin ang kilos.Hindi ito nalalaman ng
iba sapagkat ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos.

2. PARAAN
Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang
layunin.May nararapat na obheto ang kilos. Ang paraan ng kilos ay ang
nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat
na obheto nito.

3. SIRKUMSTANSIYA
Tumutukoy sa isang sitwasyon o kundisyon o kalagayan ng kilos na
nakabawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ito
ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan
ng kilos.

4. KAHIHINATNAN
Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at may
kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan.
Mahalaga na dapat pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang
anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan
na dapat isa-alang-alang.

4
Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging
resulta ng anumang kilos na gagawin.

Pagyamanin

GAWAIN: SURI-KWENTO
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang bawat LAYUNIN,
PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, at KAHIHINATNAN sa bawat ipinapakitang
kilos. Isulat ang sagot sa sagutang papel at ipasa sa iyong guro.

1. Napag-alaman ni Anna na ang kanyang kaibigan ay mayroon ng nobyo. Subalit


hindi ito alam ng kaniyang mga magulang. Isang araw nakasalubong ni Anna ang
nanay ng kaniyang kaibigan at tinanong siya tungkol dito. Hindi niya sinabi ang
totoo.

LAYUNIN__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________

PARAAN__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________

SIRKUMSTANSYA_________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________

KAHIHINATNAN___________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________

5
2. Gustong-gusto ni Jazz na bumili ng cellphone. Isang araw habang siya ay mag-isa
sa kanilang silid-aralan ay nakita nyang naiwan ng kanyang kamag-aral ang
cellphone nito. Kinuha niya ito at itinago.
LAYUNIN___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PARAAN____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

SIRKUMSTANSYA____________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

KAHIHINATNAN______________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Isaisip

GAWAIN: SANAYSAYAN
Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa modyul na ito sumulat ng maikling
sanaysay na binubuo ng hindi hihigit sa sampung (10) pangungusap na
may temang “Pasiya at kilos ko, Pananagutan ko!” Isulat ito sa sagutang
papel.

6
Isagawa

GAWAIN: FULL OF GRATITUDE


Panuto : Gumawa ng isang journal kung saan isusulat mo ang mga bagay
na ipinagpapasalamat mo sa bawat araw. Kopyahin ang pormat na nasa
ibaba at sagutan ito sa sagutang papel.

A. TALAAN NG PAGPAPASALAMAT

Tatlo (3) desisyon na iyong ginawa Dahilan kung bakit ito


Ipinagpapasalamat

1.

2.

3.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay


wasto at isulat naman ang salitang MALI kung hindi wasto. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

_____1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong
kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
_____2. Ang panloob na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang
isakatuparan ang panloob na kilos.
_____3. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos.
_____4. Ang panloob na kilos ay tumutukoy sa kilos ng iba.

_____5. Ang sirkumstansiya ay nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan


ng kilos.
_____6. Ang layunin ay dapat nalalaman ng iba sapagkat ito ay personal sa
taong gumagawa ng kilos.
_____7. Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging
resulta ng anumang kilos na gagawin.
_____8. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos.
_____9. May nararapat na obheto ang kilos, ito ay ang panloob na kilos.
_____10. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang
makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-
isipan.

8
Susi sa Pagwawasto

Tama 10.
Tama 9.
Tama 8.
Tama 7.
Mali 6.
Tama 5. D 5.
Mali 4. C 4.
Tama 3. A 3.
Mali 2. B 2.
Tama 1. D 1.

Tayahin Subukin

Sanggunian:

Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9990-54-3


5th Floor bldg.., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines

You might also like