You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Cebu Province
District of Liloan

PANGKALAHATANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
UNA, IKALAWA, IKATLO AT IKAAPAT NA MARKAHANG SAKLAW | S.Y. 2020 – 2021

Pangalan_________________________________ Marka: ____________________________


Baitang/ Seksyon: __________________________ Lagda ng Magulang: _________________

PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat katanungan at piliin ang pinakatamang
sagot. Itiman (shade) ang bilog na kumakatawan sa titik ng pinakatamang sagot.

1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.

A. Isyung showbiz B. Kasaysayan C . Kontemporaryong Isyu D. Balita

2. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?

I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.


II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.

A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV

3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung

A. kilalang tao ang mga kasangkot


B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?

A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa


kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay
ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan.
5. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan,
pangkalakalan,
pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?

A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan


B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging
plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Paglipat ng pook tirahan C. Pagdami ng populasyon
B. Ilegal na pagtotroso D. Ilegal na pagmimina
7. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng
Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
A. pagbaha C. pagguho ng lupa
B. pagkawala ng tirahan ng mga hayop D. lahat ng nabanggit

8. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa


_____________.
A. solid waste C. ilegal na droga
B. climate change D. pagkasira ng mga likas na yaman

9. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’tibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang
A. Ecological Garbage Management Act of 2010
B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000
D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

9. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura.
Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang
A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura
10. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura at
may adbokasiyang zero waste.
A. Greenpeace C. Mother Earth Foundation
B. Bantay Kalikasan D. Clean and Green Foundation
11. Ito ay tumutukoy sa kababaihan o kalalakihang may atraksiyon sa indibidwal na nabibilang
sa opposite sex.
A. Bisexual B. Heterosexual C. Homosexual D. Neutrality

12. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng katangian ng sex?


A. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag)
B. Ang mga lalaki ay magaling magmaneho ng sasakyan.
C. Ang mga babae ay maaaring pumili ng kanilang makakatalik.
D. Ang mga babae ay mahusay sa pagsagawa ng mga gawaing-bahay.

13. Ano ang tawag sa tradisyon kung saan ipinagkanulo at pinakasal ng mga magulang ang
kanilang mga anak na babae sa edad na 15 o mas bata pa?
A. Arranged Marriage
B. Child Labor
C. Child Marriage
D. Female Genital Mutilation

14. Kinukulong ni Aling Mirna ang kanyang anak sa bahay dahil ito ay maysakit sa
pag-iisip. Anong paglabag sa karapatang pantao ito?
A. Paglabag sa karapatan sa buhay
B. Paglabag sa karapatan sa kalayaan
C. Paglabag sa seguridad
D. Pang-aalipin

15. Si Erma ay napilitang sumama sa hindi ni kakilala ngunit nangako sa kanya ng magandang
trabaho sa Maynila dahil gusto nilang matulungan ang kanyang mga magulang na maiahon sa
kahirapan. Ngunit ng siya ay makarating sa Maynila imbes na magandang trabaho ay sa isang bar
siya dinala at pilit siyang pinapasayaw ng hubad. Si Erma ay nakaranas ng ________?
A. Kahirapan
B. Kakulangan sa Trabaho
C. Mabilis na Pagkita
D. Panlilinlang

16. Bakit sinasabing kahit ang isang simpleng mamamayan ay mayroong karapatan o
kakayahan na makapagbigay hakbang o solusyon sa isang isyung panlipunan
A. Gusto nitong mabigyang pansin
B. Nais nitong marinig ang kanyang saloobin
C. Sapagkat nais lamang nitong makialam
D. Tungkulin nito bilang mamamayan ang makilahok sa mga isyung
panlipunan

17.Anu-ano ang mga nakaakibat sa ating pagkamamamayan o pagiging kabilang sa isang


estado?
A. Dignidad at dangal
B. Gampanin at tungkulin
C. Kapangyarihan at kalayaan
D. Posisyon at responsibilidad

18. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting Pilipino maliban sa isa, alin
dito?

a. Humihinto kapag ang ilaw ay pula


b. Inaalagaan ang kanyang kapaligiran
c. Nagtatago sa ilalim ng puno
d. Tinutupad ang kanyang mga tungkulin

19. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang legalidad ng kanyang pagkamamamayan
sa isang bansa?

A. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin


B. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
C. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
D. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan

20. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng
Pilipinas.
B. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay
Pilipino,na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-
Batas na ito.
D. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

AP 10 Answer Key
1. C
2. C
3. C
4. D
5. C
6. A
7. C
8. C
9. C
10. B
11. B
12. A
13. C
14. B
15. D
16. D
17. B
18. C
19. B
20. B

You might also like