You are on page 1of 61

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 6


Akdang Pampanitikan ng mga
Bansa sa Kanluran
(Talumpati)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran
(Talumpati)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Akdang Pampanitikan ng mga
Bansa sa Kanluran
(Talumpati)

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas

3
TALAAN NG NILALAMAN
TAKIP NG PAHINA PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA
Aralin 1- Parabula at Elemento ng Parabula
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 8
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11
Aralin 2 - Ang Tusong Katiwala
Alamin 12
Subukin 12
Balikan 14
Tuklasin 15
Suriin 16
Pagyamanin 19
Isaisip 19
Isagawa 20
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 23
Aralin 3 - Pagsasalaysay at Pang-ugnay
Alamin 24
Subukin 24
Balikan 26
Tuklasin 26
Suriin 27
Pagyamanin 28
Isaisip 28
Isagawa 29
Tayahin 29
Karagdagang Gawain 31

4
Aralin 4- Mensahe ng Butil ng Kape
Alamin 32
Subukin 33
Balikan 34
Tuklasin 35
Suriin 36
Pagyamanin 38
Isaisip 39
Isagawa 39
Tayahin 40
Karagdagang Gawain 41
Aralin 5- Lingguhang Pangwakas na Gawain
Alamin 42
Tayahin 42
Susi sa Pagwawasto 48
Sanggunian 53

5
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa Ikalawang Markahan hinggil sa mga Akdang
Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran (Talumpati).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga awain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Para sa Mga Magulang:


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong
kinakaharap ng ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman
ay hindi lamang limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating
mga mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

6
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

7
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa talumpati


na nagmula sa Brazil nang sa ganoon ay lalawak pa ang iyong kaalaman hinggil
dito lalo na sa Talumpati ni Dilma Rousseff (Ang Kauna-unahang Pangulong
Babae ng Brazil). Kasabay mo ring matutuhan sa modyul na ito ang pagsasanib
ng gramatika at retorika na nakatuon sa kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak
ng pangungusap.
Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa
hamon sa gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at
karunungan. Sapat na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling
kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

8
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutunan ang Sining ng Pakikipagtalastasan- Pagtatalumpati, Talumpati ni
Dilma Rousseff (Ang Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil), Ang Lathalaing
“Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino ni Manny Villar gayundin ang Kaisahan at
Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap. Sinasaklaw ng modyul na ito na
magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay
kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo.
Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod
sa asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay
maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:


 Aralin 1 - Sining ng Pakikipagtalastasan - Pagtatalumpati
 Aralin 2 - Panitikan: Talumpati ni Dilma Rouseff (Ang Kauna-unahang
Pangulong Babae ng Brazil) Isinalain sa Filipino ni Sheila C. Molina
 Aralin 3 - Panitikan: Lathalain: Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino ni Manny
Villar
 Aralin 4 - Gramatika at Retorika: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng
Pangungusap
 Aralin 5 - Lingguhang Pangwakas na Gawain - Tayahin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakikilala ang talumpati bilang uri ng sanaysay
2. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang
naririnig na balita, komnetaryo, talumpati at iba pa (F10PN-llg-h-69);
3. Naipapahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa
isang talumpati (F10PS-llg-h-71);
4. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa
tulong ng word association (F10PT-llg-h-69);
5. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng
sanaysay (talumpati o lathalain) (F10PB-lli-j-71);
6. Nasusuri ang kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap
(F10WG-llg-h-64);
7. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu
(F10PU-llg-h-64).
8.

9
Aralin Sining ng Pakikipagtalastasan-
1 Pagtatalumpati
Saklaw ng araling ito ang tungkol sa mga katuturan ng talumpati, ang mga
layunin nito gayundin ang iba pang uri ng sanaysay tulad ng lathalain at editoryal.

Alamin

Ang aralin na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo nang malaman mo ang
kahalagahan at kagandahan ng pagtatalumpati. Dito naibabahagi ng mananalumpati
ang isyu o paksang kanyang nais linawin at ipahayag sa kanyang mga tagapakinig.

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw ay;


1. Nakikilala ang talumpati bilang uri ng sanaysay;
2. Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang
naririnig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.

Subukin

10
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay isang sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng


may katha.
A. alamat C. nobela
B. balita D. talumpati

2. Bahagi ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang puntos o ideya ukol


sa paksang pinili at isinulat ng may-akda.
A. gitna o katawan C. simula
B. pamagat D. wakas

3. Alin ang di- kabilang sa mga isaalang-alang sa pagtatalumpati?


A. hilig C. pook
B. pagdiriwang D. tagapakinig

4. Alin sa mga sumusunod ang di- kabilang na maaaring pagbatayan sa


isusulat na talumpati?
A. paghihinuha C. pakikipanayam
B. pagmamasid D. Pananaliksik at pagbabasa

5. Saan mababasa ang editoryal at lathalain?


A. aklat C. pahayagan
B. diksyunaryo D. pampleto

6. Layunin ng sanaysay na ito ay manlibang kahit maaari ring magpabatid at


makipagtalo.
A. editoryal C. nobela
B. lathalain D. talumpati

7. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?


A. layunin C. sanggunian
B. paksa D. tagapakinig

8. Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. diwa C. paksa
B. ingklitik D. panaguri

9. Bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagsasabi sa pinag-uusapan.


A. paksa C. pang-abay
B. panaguri D. pang-ugnay

10. Kanino nakasalalay ang ikatatagumpay ng isang talumpati?

11
A. layunin at mananalumpati C. paksa at mananalumpati
B. mananalumpati at tagapakinig D. paksa at tagapakinig

11. Ang tawag sa taong sumusulat at bumibigkas ng talumpati.


A. manalaysay C. mananalumpati
B. mananahi D. mananayaw

12. Ito ay katangian ng talumpati na may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.


A. layunin C. napapanahon
B. mananalumpati D. tagpuan

13. Alin ang hindi kabilang sa layunin ng talumpati?


A. bumatikos C. magyabang
B. magturo D. manghikayat

14. Ano ang tawag sa Ingles ng biglaang pagtatalumpati?


A. extemporaneous C. spontaneous
B. exclamation D. declamation

15. Alin ang hindi kabilang sa uri ng sanaysay?


A. editoryal C. talumpati
B. lathalain D. tula

Balikan

Ang nobela ay bungang-isip /katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos


pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan

12
at diyalogo. Nagtataglay ito ng tatlong element. Una, isang kuwento o kasaysayan,
pangalawa, isang pag-aaral at ang panghuli, paggamit ng malikhaing guniguni.

Tuklasin

Isa na namang uri ng sanaysay ang iyong mapag-aaralan sa araw na ito.


Alalahanin kung nasa aling bahagi ng panitikan nabibilang ang talumpati. Di ba, ito’y
kabilang sa sanaysay? Tama! Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan
na maaaring pormal o di pormal, na may tatlong bahagi: ang simula, nilalaman o
gitna at ang wakas. Nararapat ding tandaan na ang mga kaisipan ay nakaayos nang
sunod-sunod. Ano pa ba ang iyong naalala ukol sa sanaysay?

Sa pagkakataong ito, kailangan mo munang malaman ang bahagi ng


sanaysay bago tuluyang talakayin ang talumpati bilang isang uri ng sanaysay.

Ano nga ba ang sanaysay?


Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na maaaring pormal o di
pormal, na may tatlong bahagi: ang simula, nilalaman/gitna at ang wakas. Isang
halimbawa ng sanaysay ay ang talumpati.
Ang panimula o simula ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay
sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa. Dapat na nakapupukaw ng
atensyon. Sa katawan o gitna makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos
ukol sa nilalaman ng sanaysay. Samantalang sa wakas naman ang pagsasara ng
talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.

Suriin

Ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang


mananalumpati sa harap ng publiko. Ang kaisipang ito ay maaaring magmula sa
pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at mga karanasan. May
paksang pinagtutuunan ng pansin at isinaalang-alang din ang tagapakinig o
bumabasa, pook, pagdiriwang at iba pa. Maaaring isaulo ng bumibigkas nito ang

13
nilalalaman ng talumpati at maaari rin na biglaan na kung tawagin sa Ingles ay
extemporaneous.
Sa pagsulat ng mabisang talumpati ang unang dapat isaalang-alang ay ang
pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng
isang pagtatalumpati.
Narito ang ilang katangian na nararapat taglayin ng paksa ng isang talumpati.
1. Tumutugon sa layunin- naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na
layunin:
a. magturo
b. magpabatid
c. manghikayat
d. manlibang
e. pumuri
f. pumuna
g. bumatikos
2. Napapanahon- ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may kaugnayan sa
okasyong ipinagdiriwang.

Paano nga ba naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?


May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa
pahayagan. Halimbawa nito ay ang editoryal at lathalain.
Ano nga ba ang editoryal?
Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang
napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o
makalibang sa mambabasa.
Ang lathalain naman ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na
nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat. Hindi ito
kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay, nagtataglay ito ng
madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing
layunin nito na manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.
Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editoryal at lathalain ay naglalayon na
magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging pagkakaiba ay nasa
prayoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na ang talumpati ay isinulat upang
bigkasin na mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling
masundan at maunawaan ng mga tagapakinig.

Pagyamanin

14
Bago ka magpatuloy, mangyaring sagutin mo muna ang nasa ibaba upang
malaman kung gaano kadami ang iyong natutunan mula sa iyong binasa.

A. Suriin ang tatlong halimbawa ng sanaysay at punan ang talahanayan ayon sa


layunin, isyung pinag-uusapan, katangiang tinataglay.
Mga Layunin Isyung Katangiang Ikinaiba sa
halimbawa ng tinatalakay tinataglay mga kauri
sanaysay nito

Talumpati

Editoryal

Lathalain

B. Basahing maigi ang sumusunod at kilalanin. Piliin ang tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ito ay sanaysay na mapanuring nagpapakahulugan sa kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

2. Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

3. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap


ng publiko.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

4. Ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.


A. katawan C. panimula
B. paksa D. wakas

5. Ito ay tumutukoy sa katangian sa pagpili ng paksa kung saan may kaugnayan sa


okasyon o pagdiriwang.

15
A. layunin C. napapanahon
B. mananalumpati D. tagapakinig

6. Aling bahagi ng talumpati ang naglalaman sa kaisipang nais ibahagi ng


tagapagsalita para sa kanyang mga tagapakinig?
A. katawan/gitna C. panimula
B. pamagat D. wakas

7. Ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati ay nakasalalay sa __________.


A. nilalaman at tagapakinig C. pagkakasulat at pagkakabigkas
B. paksa at mananalumpati D. pananaliksik at pagbigkas

8. Ang ikinaiba ng talumpati mula sa iba pang uri ng sanaysay.


A. binibigkas C. pinapanood
B. kinakanta D. sinusulat

9. Alin sa sumusunod ang di- kasama sa layunin ng talumpati?


A. bumatikos C. magturo
B. magpabatid D. mang-inis

10. Alin ang hindi kasali sa bahagi ng talumpati?


A. katawan C. wagas
B. panimula C. wakas

Isaisip

Gawain: Piliin mula sa pagpipilian sa kahon ang tamang ipuno sa pangungusap


upang mabuo ang diwa nito.

16
Ang 1. ____________ ay kabuuan ng mga 2._______________ nais ipahayag ng
isang 3.______________ sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring
magmula sa 4._______________, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at
5.____________. May 6.______________ pinagtutuunan ng pansin at isinaalang-
alang din ang tagapakinig o 7._______________, pook, pagdiriwang at iba pa.
Maaaring 8.__________ ng bumibigkas nito ang 9.___________ ng talumpati at
maaari rin na 10.____________na kung tawagin sa Inglis ay extemporaneous.

Isagawa

Gawain: Mangyaring sumulat ng isang maikling talata na may layuning humihikayat


na mag-ingat hinggil sa nakamamatay ng COVID-19. Gawin sa isang buong papel
ang sagot.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay isang sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng


may katha.
A. alamat C. nobela
B. balita D. talumpati

2. Bahagi ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang puntos o ideya ukol


sa paksang pinili at isinulat ng may-akda.
A. gitna o katawan C. simula
B. pamagat D. wakas

3. Alin ang di- kabilang sa mga isaalang-alang sa pagtatalumpati?


A. hilig C. pook

17
B. pagdiriwang D. tagapakinig

4. Alin sa mga sumusunod ang di- kabilang na maaaring pagbatayan sa


isusulat na talumpati?
A. paghihinuha C. pakikipanayam
B. pagmamasid D. Pananaliksik at pagbabasa

5. Saan mababasa ang editoryal at lathalain?


A. aklat C. pahayagan
B. diksyunaryo D. pampleto

6. Layunin ng sanaysay na ito ay manlibang kahit maaari ring magpabatid at


makipagtalo.
A. editoryal C. nobela
B. lathalain D. talumpati

7. Ano ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?


A. layunin C. sanggunian
B. paksa D. tagapakinig

8. Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. diwa C. paksa
B. ingklitik D. panaguri

9. Bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagsasabi sa pinag-uusapan.


A. paksa C. pang-abay
B. panaguri D. pang-ugnay

10. Kanino nakasalalay ang ikatatagumpay ng isang talumpati?


A. layunin at mananalumpati C. paksa at mananalumpati
B. mananalumpati at tagapakinig D. paksa at tagapakinig

11. Ang tawag sa taong sumusulat at bumibigkas ng talumpati.


A. manalaysay C. mananalumpati
B. mananahi D. mananayaw

12. Ito ay katangian ng talumpati na may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.


A. layunin C. napapanahon
B. mananalumpati D. tagpuan

13. Alin ang hindi kabilang sa layunin ng talumpati?


A. bumatikos C. magyabang
B. magturo D. manghikayat

14. Ano ang tawag sa Ingles ng biglaang pagtatalumpati?


A. extemporaneous C. spontaneous
B. exclamation D. declamation

15. Alin ang hindi kabilang sa uri ng sanaysay?


A. editoryal C. talumpati

18
B. lathalain D. tula

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang bahaging ito ng talumpati. Sa iyong


palagay, nasa aling bahagi ito ng talumpati nabibilang? Ano ang layunin ng
talumpating ito? Patunayan. Isulat sa iyong kwaderno ang iyong sagot.

Ngunit bakit pa natin hihintayin ang kagipitan? Tayo ba ay sadyang walang


pananagutan upang ating ipabahala sa kapalaran ang mangyayari? Hangad kong
ang kababayan natin ay mag-angkin ng tigas ng mulawin; matibay, patuloy sa
pagtaas sa mga burol, hindi nasisindak sa sigwa, sa lintik at nanghahawak sa
sariling lakas. Kung hangad nating magtagumpay, hindi natin mapapayagang
magkaroon pa ng sagabal ang ating pagbabagong-buhay. Simulan natin ngayon ang
paghubog sa mga tunay na Pilipino.

Sagot -

19
Talumpati ni Dilma Rousseff
Aralin
(Kauna-unahang Pangulong
2
Babae ng Brazil)
Saklaw ng aralin na ito ang tungkol sa kalagayang panlipunan ng Brazil na
ibibahagi ni Dilma Rousseff (Ang Kauna-unanhang Pangulong Babae ng Brazil).

Alamin

Ang araling ito ay binuo upang makatulong sa iyo para higit mong
mapahalagahan ang mga napapakinggang talumpati sa anumang okasyon. Ito ay
naglalahad sa atin ng mga kaisipan o saloobin ng mananalumpati tungkol sa isang
paksang nais niyang ibahagi.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naipapahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon
tungkol sa isang paksa sa isang talumpati;

20
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa
tulong ng word association.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Bansa mula sa kanluran na sumailalim sa dalawampu’t isang taong pamamalakad


na diktaturyal.
A. Brazil C. Estados Unidos
B. Carribean D. Iceland

2. Nanumpa ang kauna-unahang pangulong babae ng Brazil noong _______.


A. Enero 1, 2010 C. Pebrero 1, 2010
B. Enero 1, 2011 D. Pebrero 1, 2011

3. Ang talumpati ay ibinahagi ni Pangulong Rousseff sa kanyang kababayan sa


panahon ng kanyang ____________.
A. inagurasyon C. kasal
B. kaarawan D. pagkabilanggo

4. Ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.


A. pagiging aktibista C. pagnanakaw sa kaban ng bayan
B. pagmamahal sa kababayan D. pakikipaglaban sa diktaturya

5. Bago siya naging pangulo, siya ay nagsilbi bilang _______.


A. consultant C. Minister ng Enerhiya
B. heneral D. mahusay na tagapamahala ng partido

6. Alin sa sumusunod ang hindi binanggit ni Pangulong Rouseff sa kanyang


talumpati para sa kanyang kababayan?
A. magigising ang lahat nang mapayapa
B. lalabanan at susugpuin ang kahirapan
C. lumikha ng pagkakataon para sa lahat
D. magkaroon ng matatag na programang panlipunan

7. Ang tinatawagan ni Pangulong Rousseff sa kanyang talumpati?


A. Brazilians C. mga karaniwang mamamayan
B. mga Pilipino D. mga tagapamahala ng lipunan

8. Bakit niya nasabing nanatili sa kahihiyan ang kanilang bansa?


A. dahil sa nagproprotesta
B. marami ang nagnanakaw

21
C. sapagkat hindi nawala ang kahirapan
D. marami ang nagrerebelde sa pamahalaan

9. Paano masusugpo ang labis na kahirapan ayon sa kanyang talumpati?


A. palakasin ang panlabas na pondo
B. kailangang bigyan ng hanapbuhay ang lahat
C. damputin ang mga pakalat-kalat na pamilya sa lansangan
D. bigyang prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad

10. Ang panahon kung kailan nararapat isagawa ang pagpapaunlad.


A. sa panahon ng kabataan
B. sa susunod na henerasyon
C. sa panunungkulan ni Pangulong Lula
D. ngayon…sisimulan sa kanyang panunungkulan

11. Ang akda ay isinalin sa Filipino ni _____________.


A. Aeros Atalia C. Sheila C. Molina
B. Jesus Manuel Santiago D. Vilma C. Ambat

12. Siya ang Pangulong pinalitan ni Dilma Rousseff sa Brazil.


A. Pangulong Duterte C. Pangulong Trump
B. Pangulong Lula D. Pangulong Ver

13. Sino ang binanggit sa talumpati na sa kabila ng kanilang


pagpupunyagi ay naghihirap ang maraming bansa?
A. Brazilians C. mayayamang bansa
B. karaniwang tao D. politiko

14. Ano ang layunin ni Pangulong Rousseff sa paghahatid ng kanyang


talumpati?
A. maiahon ang bansa sa kahirapan
B. magkaroon ng maraming kakilala
C. makalikom ng maraming pondo para sa bayan
D. maipakita na siya ay magaling kaysa naunang Pangulo

15. Ang mahabang panahong pagpapaunlad, ang susugpo sa labis na


kahirapan dahil _____________________.
A. makagagawa ng sila ng mga proyekto
B. maiahon ang buong bayan sa kahirapan
C. mabibigyan ang lahat ng pagkakataon na mabuhay
D. ito ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa
darating pang henerasyon

Balikan

22
Ang aralin 2 ay tungkol sa talumpati bilang uri ng sanaysay na naghahatid sa
atin ng mahahalagang impormasyon batay sa pananaw/opinyon ng mananalumpati
ukol sa napapanahong isyu o paksang pinag-uusapan sa lipunan o bayan.
Napag-alaman mo na ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais
ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay
maaaring magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at
mga karanasan.
Alalahanin kung nasa aling bahagi ng panitikan nabibilang ang talumpati. Di
ba, ito’y kabilang sa sanaysay? Tama! Ang sanaysay ay isang uri ng akdang
pampanitikan na maaaring pormal o di pormal, na may tatlong bahagi: ang simula,
nilalaman/gitna at ang wakas. Nararapat ding tandaan na ang mga kaisipan ay
nakaayos nang sunud-sunod.
Upang lubos na maalala ang tungkol dito. Punan ang talahanayan sa
hinihiling nito at isulat sa iyong kwaderno.

Uri ng sanaysay Pagkakatulad Pagkakaiba

Lathalain

Talumpati

Editoryal

Tuklasin

23
Gawain 1. Basahin at unawain ang talata na nagpapakilala kay Pangulong Dilma
Rousseff.
Sino ba si Dilma Rousseff?
Noong Enero 1, 2011, nanumpa ang kauna-unahang babaeng pangulo ng
Brazil matapos manalo sa eleksyon noong 2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 21 Belo, Horizonte, Brazil. Ang
kanyang ama ay isang Bulgarian at ang kanyang ina ay isang Brazilian. Estudyante
pa lamang si Dilma ay naugnay na siya sa isang militanteng sosyalistang grupo kung
saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siya niyang naging
pangalawang asawa. Noong 1970, dahil sa kanyang pakikipaglaban sa diktaturyal
siya ay nakulong na tumagal ng tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas
siya nang labis na pagpapahirap tulad ng electric shocks. Nang siya ay makalaya,
tinapos niya ang kanyang pag-aaral (1977) at pumasok sa lokal na politika bilang
kasapi ng Democratic Labor Party. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni
Rousseff ang pagiging consultant at mahusay na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis “Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002,
kinuha niya si Rousseff bilang consultant. Matapos ang eleksyon hinirang siya bilang
Minister ng Enerhiya. Dahil sa kanyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay
kinuha ni Pangulong “Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang
mapagdesisyounan niyang tumakbo sa eleksyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.

Gawain: Punan ng impormasyon ang bawat kahon ayon sa hinihiling.

Suriin

24
Ngayon ay nabigyan ka na ng maikling kaalaman patungkol kay Pangulong
Dilma Rousseff. Alalahanin na ang akdang pampanitikan na ating babasahin ay
nanggaling pa sa Kanluran. Kailangan nating marinig o mabasa ang kanyang
talumpati upang lubos natin siyang makilala.
Sipi mula sa sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kanyang Inagurasyon
(Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil)
Enero 1, 2011
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Minamahal kong Brazilians,

Tinitiyak ng aking panahalaan na lalabanan at susugpuin ang labis na


kahirapan…., gayundin ang lumikha ng mga pagkakataon para sa lahat. Nakita natin
noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano
nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan. Gayunpaman, nanatili sa
kahihiyan ang bansa sapagkat hindi nawala ang kahirapan at nagkaroon ng mga
hadlang upang patunayang maunlad na nga tayo bilang mamamayan.
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang
hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-
asa at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng
pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang
pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.
Hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan, isa itong kapasiyahan na
dapat gampanan sa lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba kong
hinihingi ang suporta ng mga institusyong pampubliko at pampribado, ng lahat ng
mga partido, mga nabibilang sa negosyo at mga manggagawa, mga unibersidad,
ang ating kabataan, ang pamamahayag, at ang lahat na naghahangad ng kabutihan
para sa kapwa.
Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang
mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay
lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan
upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na
pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng
katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama
ang matibay na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na
nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin
papayagan ang lasong ito na sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap
na pamilya.
Patuloy nating palakasin ang ating panlabas na pondo upang matiyak na
balance ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin natin
nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang
maunlad at pantay na mga polisyisyang pang-ekonomiya, na pangangalagaan ang
bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon at dapat na maunawaan ang daloy ng
capital na ipinakikipaglaban.
Hindi natin pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang
sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang
sama-samang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Ipagpatuloy
nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.
25
Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na
nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan.
Malaking halaga ang kakailanganin nito para sa lahat, ngunit nangangahulugan ito
na may tiyak na pensiyon, unibersal na pangangalaga sa kalusugan at mga
serbisyong pang-edukasyon. Samakatuwid, ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko
ay kailangan habang isinasaayos natin ang paggastos ng pamahalaan.
Isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng
antas ng pamumuhunan sap unto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng
negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa
pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad.
Sa pamamagitan ng Growth Acceleration Program at My House, My Life
Program, pananatilihin natin ang pamumuhunan sa mahigpit at maingat na
pagsusuri ng Pangulo ng Republika at ng mga Ministro.
Patuloy na magsisilbing instrument ang Growth Acceleration Program na
pagtutulungan ng pagkilos ng pamahalaan at boluntaryong koordinasyon ng
pamumuhunang estruktura na binuo ng mga estado at mga munisipalidad. Ituturo rin
nito ang pagbibigay ng insentibo sa pamumuhunang pampribado na
pinahahalagahan ang lahat ng insentibo upang buuin ang pangmatagalang mga
pondong pampribado.
Ang pamumuhunan sa World Cup at Olympics ang magbibigay ng
pangmatagalang pakinabang sa kalidad ng pamumuhay sa lahat ng bumubuo ng
rehiyon. Magiging gabay rin ang prinsipyong ito sa polisiya ng panghimpapawid na
transportasyon. Walang duda na dapat nang mapaunlad at mapalaki an gating mga
paliparan para sa World Cup at Olympics. Nguni tang pagpapaunlad na nabanggit at
nararapat na isagawa na ngayon sa tulong ng lahat ng Brazilian.

Dilma Rousseff Inauguration Speech: Brazil’s First Female President Addresses


Congress in Brasilia, kinuha noong Pebrero 26,2014
mula sa ( http://www.huffingtonpost.com/2011/01/03/dilma-rouseff-
Inaugurati_1n_803450.html)

Ngayon, bigyang - tuon muna natin ang mga nabanggit ni Pangulong


Rousseff sa kanyang talumpati. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

Pagsasanay: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa loob ng tala


(word Association).

BRAZIL pamumuhunan ekonomiya

1.____________ 1. ____________ 1. ___________


2._____________ 2. ____________ 2. ___________

26
Pagyamanin

Gawain 1: Opinyon Mo’y Ipahayag!


Ibigay ang iyong sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na
binanggit sa talumpati. Maaari kang magbigay ng mga halimbawa. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Hindi ako titigil hangga’t may mga Brazilians na walang pagkain sa kanilang
hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng
pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.

Sagot:______________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang prayoridad ang


mahabang panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay
lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.

Sagot: _____________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 2: Ibigay ang mga nabanggit na solusyon ng Pangulo sa suliraning kanilang


kinakaharap.

27
Mga Solusyong Nabanggit
1__________________
2. _________________
3. _________________
4._________________
5. _________________

Isagawa

Gawain 3: Gamitin ang talahanayan sa ibaba sa pagtatala ng iyong mga solusyon at


sabihin kung bakit epektibo o di epektibo ang nasabing solusyon.

Mga solusyon na ginawa Epektibo Hindi Epektibo


ng Pamahalaan

1.

2.

3.

4.

5.

28
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Bansa mula sa kanluran na sumailalim sa dalawampu’t isang taong pamamalakad


na diktaturyal.
A. Brazil C. Estados Unidos
B. Carribean D. Iceland

2. Nanumpa ang kauna-unahang pangulong babae ng Brazil noong __________.


A. Enero 1, 2010 C. Pebrero 1, 2010
B. Enero 1, 2011 D. Pebrero 1, 2011

3. Ang talumpati ay ibinahagi ni Pangulong Rousseff sa kanyang kababayan sa


panahon ng kanyang ____________.
A. inagurasyon C. kasal
B. kaarawan D. pagkabilanggo

4. Ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong ay _________.


A. pagiging aktibista C. pagnanakaw sa kaban ng bayan
B. pagmamahal sa kababayan D. pakikipaglaban sa diktaturyal

5. Bago siya naging pangulo, siya ay nagsilbi bilang _______.


A. consultant C. Minister ng Enerhiya
B. heneral D. mahusay na tagapamahala ng partido

6. Alin sa sumusunod ang hindi binanggit ni Pangulong Rousseff sa kanyang


talumpati para sa kanyang kababayan?
A. magigising ang lahat nang mapayapa
B. lalabanan at susugpuin ang kahirapan
C. lumikha ng pagkakataon para sa lahat
D. magkaroon ng matatag na programang panlipunan

7. Ang tinatawagan ni Pangulong Rouseff sa kanyang talumpati?


A. Brazilians C. mga karaniwang mamamayan
B. mga Pilipino D. mga tagapamahala ng lipunan

8. Bakit niya nasabing nanatili sa kahihiyan ang kanilang bansa?

29
A. dahil sa nagproprotesta
B. marami ang nagnanakaw
C. sapagkat hindi nawala ang kahirapan
D. marami ang nagrerebelde sa pamahalaan

9. Paano masusugpo ang labis na kahirapan ayon sa kanyang talumpati?


A. palakasin ang panlabas na pondo
B. kailangang bigyan ng hanapbuhay ang lahat
C. damputin ang mga pakalat-kalat na pamilya sa lansangan
D. bigyang prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad

10. Ang panahon kung kailan nararapat isagawa ang pagpapaunlad.


A. sa panahon ng kabataan
B. sa susunod na henerasyon
C. sa panunungkulan ni Pangulong Lula
D. ngayon…sisimulan sa kanyang panunungkulan

11. Ang akda ay isinalin sa Filipino ni _____________.


A. Aeros Atalia C. Sheila C. Molina
B. Jesus Manuel Santiago D. Vilma C. Ambat

12. Ang Pangulong pinalitan ni Dilma Rousseff sa Brazil.


A. Pangulong Duterte C. Pangulong Trump
B. Pangulong Lula D. Pangulong Ver

13. Sino ang binanggit sa talumpati na sa kabila ng kanilang pagpupunyagi ay


naghihirap ang maraming bansa?
A. Brazilians C. mayayamang bansa
B. karaniwang tao D. politiko

14. Ano ang layunin ni Pangulong Rousseff sa paghahatid ng kanyang talumpati?


A. maiahon ang bansa sa kahirapan
B. magkaroon ng maraming kakilala
C. makalikom ng maraming pondo para sa bayan
D. maipakita na siya ay magaling kaysa naunang Pangulo

15. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ang susugpo sa labis na kahirapan


dahil _____________________.
A. makagagawa ng sila ng mga proyekto
B. maiahon ang buong bayan sa kahirapan
C. mabibigyan ang lahat ng pagkakataon na mabuhay
D. ito ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa
darating pang henerasyon

30
Karagdagang Gawain

Alam mo ang kinakaharap na pandemya sa ngayon. Samu’t saring problema


ang dumating o nakikisabay. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kung paano mo
hinarap ang mga pagsubok na nararanasan mo sa kasalukuyan. Ang pamantayan
sa pagmamarka ay hingin mo sa iyong guro. Gayahin ang pormat at isulat sa
sagutang papel ang sagot.

Pangalan: ____________________________ Marka: ___________


Seksyon: _____________________________ Petsa: ____________

31
Aralin Lathalain: Kahirapan: Hamon sa
3 Bawat Pilipino
Saklaw sa araling ito ang isang lathalain tungkol sa kahirapan na hamon sa
bawat Pilipino

Alamin

Maingat na isinulat ang aralin na ito upang mabigyan ng kaalaman ang mga
mag-aaral tungkol sa ilang pangyayaring nagaganap sa ating lipunan. Kaya maging
mapanuri sa mga pangyayari sa ating paligid hindi sa kung saan at ano kundi
maimulat ang ating isip at puso sa mga bagay na nararapat nating ibahagi sa ating
bayan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay
(talumpati o lathalain)

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay uri ng sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.
A. balita C. lathalain
B. editoryal D. talumpati

2. Bahagi ng sanaysay na naglalahad sa kaisipan/saloobin ng sumulat.


A. katawan/gitna B. kicker
C. panimula D. wakas

32
3. Ang nagpahayag sa kasabihang “Sipag at tiyaga ang kailangan upang maiahon
ang buhay sa kahirapan”.
A. Bong Go C. Manny Pacquiao
B. Dilma Rouseff D. Manny Villar

4. Ang poverty income threshold ay nangangahulugang ________________.


A. mahihirap na kita
B. kinikita ng mahihirap
C. halagang tinatanggap
D. halagang dapat kitain ng isang pamilya

5. Ang may-akda ng lathalain na pinamagatang, “Kahirapan: Hamon sa Bawat


Pilipino”.
A. Dilma Rouseff C. Manny Villar
B. Manny Pacquiao D. Rodrigo Duterte

6. Ang lathalaing Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino ay para sa ________.


A. Kabataang Pilipino C. mayayaman
B. mamamayang Pilipino D. Pilipinong naghihira

7. Dahil sa pagbabagong nangyari, ilang milyon ang ibinaba ng bilang ng mahihirap


at mamamayang dukha?
A. apat na milyon C. isang milyon
B. dalawang miilyon D. tatlong milyon

8. Ibinahagi ang paksa hindi para ____________ ang pamahalaan kundi para ipakita
na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.
A. amuin C. protestahan
B. parangalan D. tuligsain

9. Ano ang kasingkahulugan ng tuligsain?


A. sasabihan C. sisihin
B. sisigawan D. sisiraan

10. Ano ang nawawala na dapat kakainin ng mga bata, bunga sa pagbabago sa
pinakamababang komposisyon ng pagkain sa Metro Manila?
A. itlog C. kanin
B. gatas D. sinangag

11. Ano ang bumaba na kailangan ng mga bata na dulot ng pagbabagong ito?
A. kahirapan C. lakas
B. kalusugan D. sustansiya

12. Ibinaba ang halagang dapat kitain ng pamilyang may limang miyembro
mula sa ____________ para hindi mabilang na mahirap.
A. P6,500 hanggang P6,000 C. P8,500 hanggang P8,000
B. P7,953 hanggang P7,017 D. P9,500 hanggang P9,000

33
13. Layunin sa lathalain ni Manny Villar ay _______________________.
A. ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin.
B. pagandahin ang larawan ng kahirapan
C. pagmamanipula sa mga panukat ng kahirapan
D. tuligsain ang pamahalaan dahil sa kahirapan

14. Alin ang di kabilang sa pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan sa paglutas sa


problema ng kahirapan?
A. magtataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino
B. magpababa sa bilang ng mga mahihirap
C. pagtuunan ng pansin ang mga proyektong makalilikha ng hanapbuhay
D. pabayaan na magsikap ang mga mahihirap

15. Ano ang unang hakbang para malutas ang kahirapan?


A. manipulahin ang panukat para maibsan ang kahirapan
B. pagtuunan ng pansin ang suliraning ito
C. tanggapin na ito ay suliranin ng bansa
D. tuligsain ang pamahalaan tungkol dito

Balikan

Mula sa nabasa mong talumpati ni Dilma Rousseff, mangyaring alam mo na


ang naging layunin niya sa pagpaparating nito sa kanyang mga kababayan. Ano-ano
ang mga karanasang dinanas na pakikibaka para sa kanyang bayan? Paano niya
nilabanan ang lahat ng mga pagsubok sa buhay?

Tuklasin

Sino ang naalala mo sa katagang “Sipag at Tiyaga ang kailangan upang


buhay ay maiahon sa kahirapan.” Magaling! Siya ay si G. Manny Villar. Ang
lathalaing iyong babasahin ngayon ay mula sa kanya. Mangyaring unawain kung
ano ang nais niyang ibahagi rito. Alamin kung ano ang kanyang layunin sa
pagbabahagi nito sa kanyang mambabasa.

Suriin

34
Ipagpatuloy mo ang pagbabasa at unawain ang lathalain na isinulat ni G.
Manny Villar.
Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino
Ni Manny Villar

Hindi nakapagtataka na ang bawat administrasyon ay nagsisikap na


pagandahin ang larawan ng bansa sa kabila ng matinding suliranin, pero kung
minsan ay tila nakakainsulto dahil sa kalabisan.
Isang halimbawa ang mga ginawang pagbabago sa paraan ng pagtataya sa lawak
ng kahirapan.
Isa sa mga binago ay ang pinakamahabang komposisyon ng pagkain ng mga
nasa Metro Manila upang ang isang pamilya ay hindi mabilang na dukha.
Sa dating panukat, ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, sinangag,
kape para sa matatanda at gatas para sa bata.
Sa bagong panukat, ang dapat ihain sa almusal ay pritong itlog, kape na may
gatas at kanin. Wala na ang gatas para sa bata. Marami ring nawala sa bagong
panukat para sa tanghalian, meryenda at hapunan.
Dahil sa pagbabagong ito. Bumaba ang katumbas na sustansiya mula sa kinakain
ng mga Pilipino para hindi mabilang na dukha.
Ibinaba rin ang poverty income threshold o ang halagang dapat kitain ng
isang pamilyang may limang miyembro para hindi mabilang na mahirap, mula sa
dating P7,953.00 hanggang P7,017.00.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang bilang ng mahihirap na pamilya ay
bumaba mula 4.9 milyon hanggang 3.9 milyon, at ang bilang ng mamamayang
dukha ay bumaba ng isang milyon- mula sa 24.1 milyon hanggang 23.1 milyon. Sa
aking pananaw, hindi malulutas ng anumang pagbabago sa panukat ang kahirapan.
Kahit 23.1 milyong lugmok sa kahirapan ay napakalaking bilang pa rin.
Tinatalakay ko ang paksang ito hindi para tuligsain ang pamahalaan kundi
para ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga
Pilipino. Ang unang hakbang para malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito
ay suliranin ng bansa. Sa isang maysakit, walang magagawa ang sinumang
manggagamot hangga’t hindi tinatanggap ng isang pasyente na siya ay maysakit.
Sa halip na pagandahin ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang
mga proyektong makakalikha ng hanapbuhay, na magtaas ng antas sa pamumuhay
ng bawat pamilyang Pilipino at sa bandang huli ay tunay na magpapababa sa bilang
nga mahihirap.

Kahirapan Hamon sa Bawat Pilipino, kinuha noong Nobyembre 8, 2014 mula sa


(http://www.balita.net.ph/2012/18/kahirapan-hamon-sa-bawat-pilipino/)

Pagyamanin

35
Gawain: Nabanggit ni G. Manny Villar sa lathalain na “Ang unang hakbang para
malutas ang kahirapan ay ang pagtanggap na ito ay suliranin ng bansa.” Ano
ang iyong pang-unawa tungkol dito?

Ipaliwanag:

Isaisip

Sagutin:
1. Ayon kay G. Manny Villar, ano ang ginawang pagbabago sa paraan ng pagtataya
sa lawak ng kahirapan? Sa iyong palagay, ito ba ay naaangkop sa kalagayan ng
mamamayan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isagawa

36
Gawain: Mangyaring sumulat ng isang maikling talata tungkol sa paksang may
kaugnayan sa kahirapan. Bumuo ng sarili mong pamagat. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay uri ng sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.
A. balita C. lathalain
B. editoryal D. talumpati

2. Bahagi ng sanaysay na naglalahad sa kaisipan/saloobin ng sumulat.


A. katawan/gitna B. kicker
C. panimula D. wakas

3. Ang nagpahayag sa kasabihang “Sipag at tiyaga ang kailangan upang maiahon


ang buhay sa kahirapan”.
A. Bong Go C. Manny Pacquiao
B. Dilma Rouseff D. Manny Villar

4. Ang poverty income threshold ay nangangahulugang ________________.


A. mahihirap na kita

37
B. kinikita ng mahihirap
C. halagang tinatanggap
D. halagang dapat kitain ng isang pamilya

5. Ang may-akda ng lathalain na pinamagatang, “Kahirapan: Hamon sa Bawat


Pilipino”.
A. Dilma Rouseff C. Manny Villar
B. Manny Pacquiao D. Rodrigo Duterte

6. Ang lathalaing Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino ay para sa ________.


A. Kabataang Pilipino C. mayayaman
B. mamamayang Pilipino D. Pilipinong naghihira

7. Dahil sa pagbabagong nangyari, ilang milyon ang ibinaba ng bilang ng mahihirap


at mamamayang dukha?
A. apat na milyon C. isang milyon
B. dalawang miilyon D. tatlong milyon

8. Ibinahagi ang paksa hindi para ____________ ang pamahalaan kundi para ipakita
na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin ng lahat ng mga Pilipino.
A. amuin C. protestahan
B. parangalan D. tuligsain

9. Ano ang kasingkahulugan ng tuligsain?


A. sasabihan C. sisihin
B. sisigawan D. sisiraan

10. Ano ang nawawala na dapat kakainin ng mga bata, bunga sa pagbabago sa
pinakamababang komposisyon ng pagkain sa Metro Manila?
A. itlog C. kanin
B. gatas D. sinangag

11. Ano ang bumaba na kailangan ng mga bata na dulot ng pagbabagong ito?
A. kahirapan C. lakas
B. kalusugan D. sustansiya

12. Ibinaba ang halagang dapat kitain ng pamilyang may limang miyembro
mula sa ____________ para hindi mabilang na mahirap.
A. P6,500 hanggang P6,000 C. P8,500 hanggang P8,000
B. P7,953 hanggang P7,017 D. P9,500 hanggang P9,000

13. Layunin sa lathalain ni Manny Villar ay _______________________.


A. ipakita na ang kahirapan ay isang hamon na dapat harapin.
B. pagandahin ang larawan ng kahirapan
C. pagmamanipula sa mga panukat ng kahirapan
D. tuligsain ang pamahalaan dahil sa kahirapan

14. Alin ang di kabilang sa pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan sa paglutas sa


problema ng kahirapan?

38
A. magtataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino
B. magpababa sa bilang ng mga mahihirap
C. pagtuunan ng pansin ang mga proyektong makalilikha ng hanapbuhay
D. pabayaan na magsikap ang mga mahihirap

15. Ano ang unang hakbang para malutas ang kahirapan?


A. manipulahin ang panukat para maibsan ang kahirapan
B. pagtuunan ng pansin ang suliraning ito
C. tanggapin na ito ay suliranin ng bansa
D. tuligsain ang pamahalaan tungkol dito

Karagdagang Gawain

Gawain: Sumipi o kumuha ng anumang lathalain mula sa pahayagan o magasin.


Isulat sa sagutang papel ang iyong pananaw ukol dito.

Aralin Kaisahan at Kasanayan sa


4 Pagpapalawak ng Pangungusap
39
Saklaw sa araling ito ang kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng
pangungusap na makatutulong sa maraming mag-aaral upang maipahayag nang
lubusan ang nasa isip at saloobin. Mga simpleng salita at pagpapahayag ang
ginamit upang higit na maunawaan at magiging maayos ang mga gawain.

Alamin

Minabuting isinulat ang aralin na ito para sa mga mag-aaral na nahihirapang


magpahayag ng kanilang mga saloobin at kaisipan. Sa tulong ng araling ito ay
magagawa mong palawakin ang mga ninanais mong ibahagi. Hindi magiging
limitado ang iyong pagpapahayag.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nasusuri ang kaisahan at kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap
2. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa kontrobersyal na isyu

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. paksa C. pandiwa

40
B. panaguri D. pangngalan

2. Ito’y naglalarawan o nagsasabi ukol sa pinag-uusapan sa pangungusap.


A. paksa C. panghalip
B. panaguri D. pangngalan

3. Ang talumpati ay ibinahagi ni Pangulong Rouseff sa kanyang kababayan sa


panahon ng kanyang
A. inagurasyon C. kasal
B. kaarawan D. pagkabilanggo

4. Ito ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang


pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pokus

5. Ito ay may paglalarawan sa paksa ng pangungusap.


A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pang-abay

6. Bahagi ng pananalita na nagbibigay –turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay.
A. pandiwa C. pangngalan
B. pang-abay D. pang-uri

7. Maayos na maayos ang talumpati ng aking kapatid. Ang ginamit sa


sinalungguhitang parirala ay
A. modipikasyon
B. komplementong kaganapan
C. pariralang lokatibo o panlunan
D. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari

8. Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. Ang


sinalungguhitan sa pangungusap ay nasa ________.
A. kaganapang layon C. kaganapanag tagaganap
B. kaganapang ganapan D. kaganapang tagatanggap

9. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang _____ ng
pangungusap.
A. direksyon C. paksa
B. kaganapan D. panaguri
10. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.
Ang mga sinalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
A. pang-abay C. pang-ugnay
B. pang-angkop D. Pang-uri

11. Talagang palabasa ang kanyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang
______________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
A. ingklitik C. pang-abay
B. komplemento D. pang-uri

41
12. Siya pala ang nagbigay ng aginaldo sa buong pamilya. Ang sinalungguhitang
salita ay ________________.
A. ingklitik C. panaguri
B. komplemento D. pang-abay

13. Umulan nang malakas kaninang umaga kaya nahuli siya sa klase. Ang
sinalungguhitang salita ay _______________.
A. pandiwa C. pang-abay
B. pangngalan D. pang-uri

14. Nagkasakit ang kanyang anak dahil nabasa ng ulan. Anong Kaganapan ang
ginamit sa sinalungguhitang salita?
A. direksyunal C. layon
B. ganapan D. sanhi

15. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa


ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
A. atribusyon C. komplemento
B. ingklitik D. pangngalan

Balikan

Sa pagsulat o pagbuo ng sariling talumpati o anumang uri ng sanaysay,


maaari kang mahirapan kung hindi mo alam kung papaano mapapalawak ang iyong
mga pangungusap. Alalahanin mo na ang pangungusap ay binubuo ng panaguri at
paksa.
Bago ang pagpapatuloy, bigyang-pansin muna ang sumusunod upang
matiyak natin na wala kang nakakaligtaan sa nakaraang aralin. Tulad ng iba pang
lathalain, ang talumpati ay isang tekstong naglalahad. Mangyaring dugtungan ang
pangungusap na nasa kahon.

Tuklasin

42
Gawain 1: Basahin at unawaing mabuti ang mga batayang pangungusap. Subukang
palawakin ang mga ito gamit ang tamang salita/parirala na nasa loob ng
kahon.

Batayang pangungusap:
1. Maganda ang nabili niyang bulaklak.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
2. Ang isinuot kong damit ay bigay sa akin.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
3. Marami ang nahihirapan sa panahon natin ngayon.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
4. Malaki ang pakinabang na natanggap ng pamilya sa panahon ng
pandemya.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batayang Pangungusap:
5. Ikaw ang maiiwan sa bahay at kami’y aalis.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batayang Pangungusap:
6. Umalis siya ng bahay patungong bayan.

43
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batayang Pangungusap:
7. Itinayo sa gitna ng bayan.
Pagpapalawak ng Pangungusap:

Batyang Pangungusap:
8. Nabigyan ng ayuda ang mga nangangailan ng tulong.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
9. Siya ang nakita kong naglalakad sa gitna ng daan.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Batayang Pangungusap:
10. Nagtalumpati ang miyembro ng cabinete.
Pagpapalawak ng pangungusap:

Suriin

Sa pagsulat ng sanaysay, lathalain o sa pagbubuo ng sariling talumpati,


maaari kang mahirapan kung hindi mo alam kung papaano mapapalawak ang iyong
mga pangungusap. Alalahanin mo na ang pangungusap ay binubuo ng panaguri at
paksa.
Ngayon, kailangan mong malaman kung paano mapapalawak ang panaguri
gayundin ang iyong paksa. Pansinin mula sa ibaba kung paano natin mapapalawak
ang pagpapahayag.
Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng ng pangungusap. Ang
panaguri at paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na bahagi. Napapalawak ang
pangungusap sa mga maliliit na bahaging ito. Nagagawa ito sa tulong ng
pagpapalawak ng panaguri at paksa, at pagsasama o pag-uugnay ng dalawa o higit
pang pangungusap.
Sa pagsusuri ng pangungusap ay tinitingnan kung paano ito pinalawak.
Upang masuri ang pagpapalawak ng pangungusap kailangang malaman ang mga
paraan kung paano ito ginagawa. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng
panaguri at paksa gayundin ang pagsasama-sama o pag-uugnay ng dalawa o higit
pang pangungusap. Hindi dapat na pinalawak lamang ang pangungusap, kailangang
suriin ang kasanayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.
Pagpapalawak ng Pangungusap at Pagsusuri

44
Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak
sa panaguri sa tulong ng ingklitik, komplemento, pang-abay at iba pa. Napalalawak
naman ang paksa ng pangungusap sa tulong ng paksa at sa tulong ng atribusyon o
modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang naghahayag ng
pagmamay-ari.
Narito ang mga paraan:
Panaguri- Nagpapahayag tungkol sa paksa
1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Batayang Pangusap: Si Dilma Rousseff ang Pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil.
 Si Dilma Rousseff ba ang pangulo ng Brazil?
2. Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri
na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa
pagpapalawak ng pangungusap.
* Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan.
(Tagaganap)
* Ang talumpating binigkas ni Dilma Rousseff ay para sa mga mamamayan
ng Brazil. (Tagatanggap)
 Ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan. (Layon)
 Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. (Ganapan)
 Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga panukat. (Kagamitan)
 Dahil sa pagbabagong ito, marami sa mga mamamayan ang natutuwa.
(Sanhi)
 Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang makinig sa talumpati
ng pangulo. (Direksyunal)
3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at
totoong humanga ang lahat.
Halimbawa:
 Marami rin ang nasa Luneta upang making ng talumpati.
Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap.
1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng
pangungusap
Halimbawa:
 Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo.
2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng lugar.

3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na


nagpapahayag ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
 Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral.
Pagsusuri sa Kasanayan at Kaisahan sa Pagsusuri ng Pangungusap

45
Mahalaga ang pagsusuri sa kasanayan at kaisahan sa pagsusuri sa
pangungusap. Sa kasanayan at kaisahan, nagiging gabay ang mga ito upang
malaman kung paano gagamitin ang bahagi ng pananalita sa pagpapalawak ng
pangungusap. Nasusuri na mula sa batayang pangungusap, nasasanay at
nagkakaroon ng kaisahan kung paano lumalawak ang pangungusap sa tulong ng
pagdaragdag ng salita at parirala na angkop sa ginawang pagpapalawak. Sa
kaisahan, kailangan ng konsistensi ng gamit ng mga paraan ng pagpapalawak ng
pangungusap.

Pagyamanin

Gawain: Bumuo ng simple at pinalawak na pangungusap gamit ang sumusunod:

Pagpapalawak ng Panaguri:
Ingklitik
1. (muna)

Pang-abay
2.(mabilis)

Komplemento/Kaganapan
3.(sa pamamagitan ng)

Pagpapalawak ng Paksa:
Atribusyon/Modipikasyon
4. (ang pinakamagaling)

Pariralng Lokatibo/Panlunan
5.(ang nasa plasa)

Pariralang Nagpapahayg ng Pagmamay-ari


6. (ang aking kapitbahay)

Isaisip

46
Gawain: Basahin at unawain ang maikling talata. Piliin mula sa pagpipilian ang
angkop na salitang ipupuno sa patlang.

Ang 1.______________(ating, kanyang) bansa ay nakararanas ngayon ng matinding


suliranin, lalong- lalo na sa pagpasok 2.___________ (rito , dito) ng pandemya ,ang
COVID-19. Hindi lamang iisang tao ang nahihirapan kundi ang buong bayan.
Abalang-abala ang gobyerno sa pangangalap ng pondo 3.___________(upang ,
maging) matustusan ang pangangailangan ng mamamayan.4.
__________(Matiyagang , Magaling) pinag-uusapan ang mga paraang nararapat
gawin para sa ikabubuti ng lahat. Sa ngayon, maraming pagbabago ang
ipinatutupad. At 5. _______(ngunit , dahil) sa mga pagbabagong ito, marami sa
mamamayan ang nahihirapan kung paano maibigay ang pangangailangan ng
pamilya.

Isagawa

Gawain: Susubukan natin ang iyong natutunan mula sa aralin. Kayang-kaya mo


itong gawin.

Bumuo ng sariling talumpati kung saan ang pinapaksa ay tungkol sa


pagpapahalaga sa kaligtasan ng mamamayan higit sa lahat ng mga kabataang tulad
mo laban sa nakamamatay na COVID-19. Paano mo hihikayatin ang kapwa mo
kabataan na maging ligtas sa nasabing sakit? Bumuo ng pamagat na angkop sa
nilalaman ng iyong talumpati.

Pamantayan sa Paggawa

Tayahin/Ebalwasyon

47
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. paksa C. pandiwa
B. panaguri D. pangngalan

2. Ito’y naglalarawan o nagsasabi ukol sa pinag-uusapan sa pangungusap.


A. paksa C. panghalip
B. panaguri D. pangngalan

3. Ang talumpati ay ibinahagi ni Pangulong Rouseff sa kanyang kababayan sa


panahon ng kanyang
A. inagurasyon C. kasal
B. kaarawan D. pagkabilanggo

4. Ito ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang


pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.
A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pokus

5. Ito ay may paglalarawan sa paksa ng pangungusap.


A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pang-abay

6. Bahagi ng pananalita na nagbibigay –turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay.
A. pandiwa C. pangngalan
B. pang-abay D. pang-uri

7. Maayos na maayos ang talumpati ng aking kapatid. Ang ginamit sa


sinalungguhitang parirala ay
A. modipikasyon
B. komplementong kaganapan
C. pariralang lokatibo o panlunan
D. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari

8. Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. Ang


sinalungguhitan sa pangungusap ay nasa ________.
A. kaganapang layon C. kaganapanag tagaganap
B. kaganapang ganapan D. kaganapang tagatanggap

48
9. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang _____ ng
pangungusap.
A. direksyon C. paksa
B. kaganapan D. panaguri

10. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat.
Ang mga sinalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
A. pang-abay C. pang-ugnay
B. pang-angkop D. Pang-uri

11. Talagang palabasa ang kanyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang
______________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.
A. ingklitik C. pang-abay
B. komplemento D. pang-uri

12. Siya pala ang nagbigay ng aginaldo sa buong pamilya. Ang sinalungguhitang
salita ay ________________.
A. ingklitik C. panaguri
B. komplemento D. pang-abay

13. Umulan nang malakas kaninang umaga kaya nahuli siya sa klase. Ang
sinalungguhitang salita ay _______________.
A. pandiwa C. pang-abay
B. pangngalan D. pang-uri

14. Nagkasakit ang kanyang anak dahil nabasa ng ulan. Anong Kaganapan ang
ginamit sa sinalungguhitang salita?
A. direksyunal C. layon
B. ganapan D. sanhi

15. Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa


ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
A. atribusyon C. komplemento
B. ingklitik D. pangngalan

Karagdagang Gawain

Gawain: Sumipi ng isang magandang talumpati mula sa internet, magasin o sa iba


pang aklat. Ibahagi kung anong uri ng talumpati at sabihin kung ano ang
layunin ng may- akda sa pagbabahagi nito. Ito ay maaaring iprint o
kopyahin.

49
Aralin Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

Alamin

Saklaw sa bahaging ito ang mga katanungang susubok sa iyong kakayahan


mula sa iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

Tayahin/Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang buong
papel.

1.Ito ay isang sulatin na kadalasang naglalaman ng punto di vista (pananaw) ng


may katha.
A. alamat C. nobela
B. balita D. talumpati

2.Bahagi ng sanaysay na naglalaman ng mahahalagang puntos o ideya ukol sa


paksang pinili at isinulat ng may-akda.
A. gitna C. simula
B. pamagat D. wakas

3. Alin ang di kabilang sa mga isaalang-alang sa pagtatalumpati?


A. hilig C. pook
B. pagdiriwang D. tagapakinig

4. Alin sa mga sumusunod ang di- kabilang na maaaring pagbatayan sa isusulat na


talumpati?
A. pakikipanayam C. pagmamasid
B. paghihinuha D. pananaliksik at pagbabasa

5. Saan mababasa ang editoryal at lathalain?


A. aklat C. pahayagan
B. diksyunaryo D. pampleto

6. Layunin ng sanaysay na ito ay manlibang kahit maaari ring magpabatid at

50
makipagtalo.
A. editoryal C. talambuhay
B. lathalain D. talumpati

7. Ano ang nararapat unang isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?


A. layunin C. sanggunian
B. paksa D. tagapakinig

8. Ito ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.


A. diwa C. paksa
B. ingklitik D. panaguri

9. Bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagsasabi sa pinag-uusapan.


A. paksa C. pang-abay
B. panaguri D. pang-ugnay

10.Kanino nakasalalay ang ikatatagumpay ng isang talumpati?


A. paksa at tagapakinig C. layunin at mananalumpati
B. paksa at mananalumpati D. Mananalumpati at tagapakinig

11. Tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan,


panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay sa loob ng pangunusap.
A. ingklitik C. pangngalan
B. pandiwa D. pang-uri

12. Salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay sa loob ng


pangungusap.
A. paksa C. pang-abay
B. panaguri D. panghalip

13. Ang talumpati ay ibinahagi ni Pangulong Rousseff sa kanyang kababayan sa


panahon ng kanyang
A. inagurasyon C. kasal
B. kaarawan D. pagkabilanggo

14. Sinang-ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng mamamayan. Ang salitang


may salungguhit ay _______________.
A. ingklitik C. modipikasyon
B. komplementong kaganapan D. pokus

15. Ito ay may paglalarawan sa paksa ng pangungusap.


A. ingklitik
B. komplementong kaganapan
C. modipikasyon
D. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari

16. Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon. Ang mga salitang may

51
salungguhit ay mga ___________.
A. pandiwa C. pangngalan
B. pang-abay D. pang-uri

17. Maayos na maayos ang talumpati ng aking kapatid. Ang ginamit sa


sinalungguhitang parirala ay __________.
A. komplementong kaganapan
B. modipikasyon
C. pariralang lokatibo/panlunan
D. pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari

18. Nagtalumpati ang pangulo sa plasa. Ang salitang sinalungguhitan ay ____.


A. kaganapang layon C. kaganapang tagatanggap
B. kaganapang ganapan D.kaganapang tagaganap

19. Inayos ang plasa sa Brazil. Ang sinalungguhitang parirala ang siyang _____ ng
pangungusap.
A. direksyon C. paksa
B. kaganapan D. panaguri

20. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Ang mga sinalungguhitang salita
ay halimbawa ng _____.
A. ingklitik C. pang-angkop
B. pang-abay D. pang-uri

21. Ngunit ang pagpapaunlad na nabanggit ay nararapat na isagawa na ngayon sa


tulong ng lahat na Brazilians. Sino ang pinatutungkulan ng pangulo sa huling
bahagi ng kanyang talumpati?
A. mga kalalakihan ng bansa C. kanyang mga mamamayan
B. mga kababaihan ng bansa D. opisyales ng pamahalaan

22. Nagtungo ang mga mamamayan sa harap ng palasyo upang makinig sa


talumpati ng pangulo. Ang salitang may salungguhit ay _________
A. ingklitik C. pang-abay
B. kaganapan D. pariralang lokatibo o panlunan

23. Tawag sa mga mamamayan sa Brazil ay ________


A. Amerikano C. Mexicano
B. Brazilians D. Meztizo

24. Ang katumbas ng salitang consultant sa Filipino ay ________.


A. kalihim C. tagapayo
B. tagamasid D. tagasuri

25. Sino si Carlos Araujo sa buhay ni Dilma Rousseff?


A. kabiyak C. matalik na kaibigan
B. kaklase sa kolehiyo D. tagapayo

26. Mahusay na nagtalumpati ang ating pangulo kanina. Ang salitang kanina ay

52
nabibilang sa ___________.
A. ingklitik C. pang-abay
B. modipikasyon D. pariralang panlunan

27. Inayusan nang maigi ng mga kinauukulan ang tanggapan ng pangulo. Ang
may salungguhit ay nabibilang sa _______________
A. ingklitik C. pang-abay
B. modipikasyon D. pariralang panlunan

28. Pakikinggan ko muna ang pagbabalita ng aking kaklase. Ang may salungguhit
ay nabibilang sa __________________.
A. ingklitik C. pang-abay
B. modipikasyon D. nagpapahayag ng pagmamay-ari

29. Tingnan mong maigi ang nagsasalitang opisyal ng bayan. Ang salitang may
salungguhit ay nabibilang sa __________________.
A. ingklitik C. pang-abay
B. modipikasyon D. kaganapan

30. Ang kanyang inagurasyon ay naganap noong _________, 2011 sa Brazil.


A. Abril C. Marso
B. Enero D. Pebrero

31. Ito ay sanaysay na mapanuring nagpapakahulugan sa kahalagahan ng isang


napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

32. Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

33. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa


harap ng publiko.
A. editoryal C. pahayagan
B. lathalain D. talumpati

34. Bahagi ng talumpati na siyang pambungad na dapat makakakuha ng atensyon


ng mga nakikinig.
A. katawan C. panimula
B. paksa D. wakas

35. Bahagi ng talumpati na nagbibigay ng paliwanag sa paksang akma sa


pagdiwirang o okasyon.
A. katawan C. panimula
B. paksa D. wakas

36. Bahagi ng talumpati na nagbibigay ng kongklusyon sa paksang inihahayag.

53
A. katawan C. panimula
B. paksa D. wakas

37. Ito’y tumutukoy sa katangian ng paksa kung saan may kaugnayan sa


okasyon o pagdiriwang.
A. layunin C. napapanahon
B. mananalumpati D. tagapakinig

38. Aling bahagi ng talumpati ang naglalaman sa kaisipang nais ibahagi ng


tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig?
A. katawan C. panimula
B. pamagat D. wakas

39. Ano ang ikinaiba ng talumpati mula sa iba pang uri ng sanaysay?
A. binibigkas C. pinapanood
B. kinakanta D. sinusulat

40. Alin sa sumusunod ang di- kasama sa layunin ng talumpati?


A. bumatikos C. magturo
B. magpabatid D. mang-inis

41. Alin sumusunod ang hindi kasali sa bahagi ng talumpati?


A. katawan C. wakas
B. panimula D. wagas

42. Si Dilma Rousseff bago naging pangulo sa Brazil ay naging Minister ng


_______,
A. edukasyon C. kalusugan
B. enerhiya D. transportasyon

43. Ang ama ni Dilma Rousseff ay isang ______________.


A. Amerikano C. Bulgarian
B. Brazilian D. Mexicano

44. Ilang dekada ang pagiging consultant ni Dilma Rouseff sa Democratic


Labor Party?
A. isang dekada C. tatlong dekada
B. dalawang dekada D. kalahating dekada

45. Ang Extemporaneous Speech sa English ay tinumbasan sa Filipino ng


___________________.
A. biglaang talumpati C. sinaulong talumpati
B. talumpating binasa D. pinaghandaang talumpati

46. Lahat ay nababasa sa pahayagan, maliban sa isa.


A. balita C. lathalain
B. editoryal D. talumpati

47. Siya ang nagsalin sa talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff sa Filipino.

54
A. Jesus Manuel Santiago C. Manny Villar
B. Macky Macaspac D. Sheila C. Molina

48. Sa anong taon naging Chief of Staff ng Brazil si Dilma Rousseff?


A. 2002 C. 2004
B. 2003 D. 2005

49. Sa anong taon, napagdesisyunan niyang tumakbo bilang pangulo ng Brazil?


A. 2009 C. 2011
B. 2010 D. 2012

50. Ang ina ni Dilma Rousseff ay isang _____________.


A. Americana C. Italyana
B. Brazilian D. Mexicana

***WAKAS***

“Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay, buhay na matiwasay ang kanya
namang alay.”

ARALIN 1

Susi sa Pagwawasto

55
ARALIN 2

56
ARALIN 3

57
ARALIN 4

58
ARALIN 5

Sanggunian

Ambat, Vilma C., et. al., Filipino 10 Patinikang Pandaigdig –Modyul para sa Mag-
aaral,pp. 126-140 5th Floor Mabini Bldg., Deped Complex, Meralco Avenue Pasig
City, Viral Group, Inc.
( 2015)

Balazo, Iluminada C., et.al., Wika at Panitikan (SEMP IV) Ikaapat na Taon Batayang
Aklat, pp.229-233, JGM & S Corporation, Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta. Mesa
Heihts, Quezon City, (2000)

59
60
61

You might also like