You are on page 1of 35

NOT

10
Araling Panlipunan
Unang Markahan
KONTEMPORARYONG ISYU AT
HAMONG PANGKAPALIGIRAN

Department of Education ● Republic of the Philippines

i
Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 4: Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph

ii
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 4:
Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan.Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas

iii
TALAAN NG NILALAMAN
Takip ng Pahina PAHINA
Pahina ng Karapatang-ari
Pahina ng Pamagat
Talaan ng Nilalaman
Aralin 1: Hazard Assessment
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 4
Tuklasin 5
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 9
Karadagang Kaalaman 12
Aralin 2: Vulnerability Assessment
Alamin 13
Subukin 13
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 16
Pagyamanin 17
Isaisip 17
Isagawa 18
Tayahin 18
Karagdagang Kaalaman 20
Aralin 3: Capacity Assessment
Alamin 21
Subukin 21
Balikan 23
Tuklasin 24
Suriin 26
Pagyamanin 27
Isaisip 27
Isagawa 27
Tayahin 28
Karagdagang Kaalaman 29

iv
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ang Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Angkop na approach sa pagharap ng
suliraning pangkapaligiran

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idesenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy


Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Para sa mga Magulang


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinaharap ng ating
mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakiki-isa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-
aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila

v
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

vi
Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan ng mag-aaral ang tungkol sa mga
kontemporaryong isyu at hamong pangkapaligiran kung saan matutunghayan ang
mga pagpapakahulugan ng mga isyu, dahilan at epekto nito sa pamumuhay ng tao.
Naglalayon din ang Modyul na ito sa paanong paraan ang kontemporaryong isyu
nakaaapekto sa paggalaw ng mga tao, bagay, imporasyon sa iba’t-ibang direksyon
na nararanasan ng iba’t -ibang panig ng daigdig. Maipakikita rin sa modyul na ito
ang iba’t-ibang dahilan kung paano tayo magiging handa sa panahon ng sakuna at
paano ito nakaktulong sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Tutulungan ka
ng modyul na ito na matutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng kontemporaryong
Isyu at maiuugnay ang mga isyu nito sa mga suliraning kinaharap ng ating bansa.
Gayundin, mapapalawak ang iyong kaalaman kung ano ang bahaging
ginagampanan ng kontemporaryong isyu at hamong pangkapaligiran. Matutunan mo
ring bumuo ng sariling pananaw at saloobin tungkol sa epekto ng kontemporaryong
isyu at suliraning pangkapaligiran sa buhay ng tao.
Tanggapin mo ng mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa
gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.
Sapat na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong kaparaanan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipan na hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutunan ang Kontemporaryong Isyu, konsepto, at kahalagahan nito. Ang
modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura.
Ganoon pa man ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring
mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:
. Aralin 1: Kasalukuyang Kalagayang Pangkapaligiran ng Pilipinas

. Aralin 2: Epekto ng Suliraning Pangkapaligiran


. Aralin 3: Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kasalukuyang pangkapaligiran ng Pilipinas.
2. Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at
pagtugon sa hamong pangkapaligiran.

viii
Arali
Disaster Prevention and
n
Mitigation
1

Alamin

Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang


sagot ay makatutulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang mga ito. Sa Hazard
Assessment inaasahang ikaw ay mapapangatuwiranan ang mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pag aaral ng natural na kalamidad.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top down approach


sa pagbuo ng DisasterRrisk Reduction and Management (DRRM) plan
A. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero
upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at
matagalang pag baha sa darating na tag-ulan.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan
mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang
komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba
pang proyekto bilang paghahanda sa ibat’t ibang kalamidad.
D. Pinamunuan ni Kerwin ang isang lider ng Non-Government Organization
NGO sa pagtukoy ng mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang
komunidad
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago
at sa panahon ng pagtama ng kalamidad?
A. Disaster preparedness
B. Disaster response
C. Damage assessment

1
D. Loss assessment
3. Ano ang mga hakbang at gawain ang nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura?
A. Disaster response
B. Disaster assessment
C. Disaster rehabilitation and recovery
D. Disaster preparedness
4. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na
maaaring masalanta ng hazard. Ano ang tawag sa pagtukoy na ito?
A. Damage assessment
B. Hazard mapping
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay nahaharap sa isang
sakuna sa isang partikular na panahon ?
A. Disaster
B. Damage assessment
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
6. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng unang yugto ng Community-Based
Disaster Risk Reduction Management Plan?
A. Capability Assessment
B. Hazard assessment
C. Loss Assessment
D. Vulnerability Assessment
7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pgsusuri sa lawak, sakop at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
kalamidad sa isang partikular na panahon?
A. Capability Assessment
B. Hazard assessment
C. Loss Assessment
D. Vulnerability Assessment
8. Bakit kailangan ang CBDRM approach sa pagharap sa mga hamong at
suliraning pangkapaligiran?
A. Sapagkat ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya at paghahandang
nakapaloob sa disaster management plan ay tungon sa pagbuo ng
isang pamayanang handa sa mga kalamidaad
B. Sapagkat ito makakatulong sa mga tao sa panahon ng sakuna
C. Sapagkat isa itong programa ng gobyerno na dapat sundin ng lahat
D. Sapagkat bilang isang mamamayan kailangan nating maging handa sa
lahat ng sakuna.
9. Ano ang dalawang Konsepto na naka- ayon sa CBDRM approach
A. Bottom to Up at Top to Down approach
B. Disaster and Hazard approach
C. Risk and Disaster approach
D. Vulnerable approach

2
10. Ano ang CBDRM plan?

A. Mga plano at programa ng Lokal na pamahalaan


B. Mga plano ng Pangulo ng Pilipinas
C. Mga plano ng pamahalaang National
D. Mga plano ng mga Senador na nag papatupad ng mga batas

Magaling! Upang mas lalong maihanda ang


sarili, isagawa ang gawain sa Balikan

Balikan

Panuto: Sagutan ang mga katanungan.


1. Ano ang CBDRM approach?
2. Ano ang Dalawang approach ng CBDRM?

Tuklasin

Panuto: suriin ang mga larawan sagutan at Kompletuhin ang salita sa ibaba ng
larawan.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Ftheconversation.com%2Fstorm-surge-this-misunderstood-threat-can-be-every-bit-as-
deadly-as-a-tsunami-
116453&psig=AOvVaw3v64R0c1WYy5c9xlzmyC_X&ust=1593471817355000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNiRlarPpeoCFQ
AAAAAdAAAAABAE
h z d a s s m n t

3
Suriin

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation Sa bahaging ito ng disaster


management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa
pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan
sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment
kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at
Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang
komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. Bakit kailangang mauna ang
pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil
kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga
hazard, mga risk, ano at sino ang maaaring maapektuhan at masalanta ng
kalamidad.

Hazard Assessment
Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna
o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard
assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa
ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard
assessment, dapat bigyang pansin ang pisikal at temporal na katangian nito.
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at
kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang
maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard
Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang
kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity
Assessment. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng
Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas
ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring
maapektuhan at masalanta ng kalamidad.
Pisikal na katangian ng Hazard
Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard
at kung paano ito umusbong sa isang lugar
Katangian Pag- alam sa uri ng Hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaring idulot ng
hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa angkop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o
maapektuhan sa hazard
Predictability Panahon kung kalian maaaring maranasan ang hazard.
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang
hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala.

4
Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian ng
hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong hazard
assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga
pisikal na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.

Temporal na katangian ng Hazard


Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na
maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang
mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: ang Hazard Mapping
at Historical Profiling/Timeline of Events. Ang Hazard Mapping ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard
at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman at kabahayan na maaaring mapinsala.
Sa Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng historical profile o
timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa
isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.

Ang talahanayan 1.7 ay isang halimbawa ng historical profile na ginagamit sa


pagsasagawa ng hazard assessment. Gaya ng ipinakikita sa talahanayan, ang
Historical Profile ay isang paraan sa pagsasagawa ng Hazard Assessment.
Kinakailangan ang koordinasyon sa mga opisyales ng barangay o kaya ay ng
pamahalaang panlungsod o sa ibang lugar ay pambayan upang ito ay mapunan ng
tamang impormasyon.

Alinman sa dalawang nabanggit na halimbawa ang gamitin sa pagsasagawa ng


hazard assessment, mahalaga pa rin sa CBDRM Approach ang partisipasyon ng
mga mamamayan dahil mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard sa
kanilang lugar. Mas mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan kung
sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang pamayanan.

Panuto:  Naunawaan mo sa bahaging ito na ang mga hakbang at kahalagahan ng


hazard assessment. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo naman
kung ano ang nilalaman ng Vulnerability at Capacity Assessment at kung paano ito
makatutulong sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard
assessment map?
2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa
ng hazard assessment map?

5
Pagyamanin

Panuto: Gumawa ng isang ng photo gallery na naglalarawan ng isang Hazard


Assessment. Gawain ito sa inyong papel at ipaliwang ang mga larawan.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng


hazard asessment?

2. Paano ninyo hinarap ang mga mabigat na hamon?

Ito ang Rubriks na gagamitin sa pagmamarka sa iyong gawain (holistic)

Nilalaman 10
Pagsusuri 10
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 30

6
Isaisip

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nag lalaraawan sa Hazard


Assessment

Rubrics sa pagmamarka ng sanaysay


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos
Pag-unawa Malinaw na nailahad 6
ang kahalagahan ng
CBDRM approach.
Nakapagbigay ng
mga kongkretong
halimbawa upang
suportahan ang mga
paliwang.
Organisasyon Komprehensibo at 5
malinaw ang daloy
ng ideya. Maayos na
naipahayag ang
pagkakaiba at
pagkakaugnay ng
mga tinalakay na
konsepto
Nilalaman Wasto at 5
makatotohanan ang
impormasyon.
Nakabatay ang
nilalaman sa mga
tinalakay na paksa
Teknikalidad Sumunod sa mga 4
pamantayan sa
pagsulat ng
sanaysay tulad ng
paggamit ng tamang
bantas, kaayosan ng
pangungusap, at
pagdedevelop ng
kaisipan.
Kabuuang Puntos 20

7
Isagawa

Panuto: Gumawa ng hazard assesment map na magpapakita ng iba’t ibang


hazard sa inyong lugar. Ipaliwanag ito sa inyong papel
Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang:

1. Alamin kung anong uri ng hazard ang nakatalagang suriin.

2. Humingi ng kopya ng mapa ng inyong barangay sa kinakuukulan.

3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong barangay,


maaari itong hingin. Mag-ikot sa inyong barangay upang matukoy ito o kaya
ay gumawa ng katulad na mapa na nakapokus lamang sa inyong sariling
kalye, o kapitbahayan.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard


assessment map?

2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon?

3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ang mga mamamayan sa paggawa


ng Hazard Assessment.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top down approach


sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) plan.
A. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na mag linis ng
estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring mag dulot ng
malalim at matagalang pag baha sa darating na tag-ulan.

8
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang
nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo
C. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa
kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first
aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa ibat’t ibang
kalamidad.
D. Pinamunuan ni Kerwin ang isang lider ng Non-Government
Organization o NGO ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring
maranasan sa kanilang komunidad
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago
at sa panahon ng pagtama ng kalamidad?
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Response
C. Damage Assessment
D. Loss Assessment
3. Ano ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura?
A. Disaster response
B. Disaster assessment
C. Disaster rehabilitation and recovery
D. Disaster preparedness
4. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na
maaaring masalanta ng hazard. Ano ang tawag sa pagtukoy nito?
A. Damage assessment
B. Hazard maping
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay nahaharap sa isang
sakuna sa isang partikular na panahon?
A. Disaster
B. Damage assessment
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
6. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng unang yugto ng Community-Based
Disaster Risk Reduction and
Management Plan?
A. Capability Assessment
B. Hazard assessment
C. Loss Assessment
D. Vulnerability Assessment
7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pgsusuri sa lawak, sakop at
pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
kalamidad sa isang partikular na panahon?
A. Capability Assessment
B. Hazard assessment

9
C. Loss Assessment
D. Vulnerability Assessment
8. Bakit kailangan ang CBDRM approach sa pagharap sa mga hamong at
suliraning pangkapaligiran?
A. Sapagkat ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya at paghahandang
nakapaloob sa disaster management plan ay tungon sa pagbuo ng
isang pamayanang handa sa mga kalamidaad
B. Sapagkat ito ay makatutulong sa mga tao sa panahon ng sakuna
C. Sapagkat isa itong programa ng gobyerno na dapat sundin ng lahat
D. Sapagkat bilang isang mamamayan kailangan nating maging handa sa
lahat ng sakuna.
9. Ano ang dalawang Konsepto na naka- ayon sa CBDRM approach
A. Bottom to Up at Top to Down approach
B. Disaster and Hazard approach
C. Risk and Disaster approach
D. Vulnerable approach
10 Ano ang CBDRM plan?
A. Mga plano at programa ng Lokal na pamahalaan
B. Mga plano ng Pangulo ng Pilipinas
C. Mga plano ng pamahalaang National
D. Mga plano ng mga Senador na nag papatupad ng mga batas

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang poster na naglalarawan sa Hazard Assessment.

Nalagpasan mo ang hamon ng ating aralin…


Handa ka na ba sa susunod nating paksa?
Tara na

10
Arali VULNERABILITY AT
n CAPACITY ASSESSMENT
2

Alamin

Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay
malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na
makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang Vulnerability at Capacity
Assessment. Pagkatapos nito inaasahang ikaw ay mapangangatuwiranan ang mga
dahilan kung bakit mahalaga ang pag- aaral ng man made na kalamidad.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagtataya ng kahinaan o kakulangan ng


isang tahanan o komunidad na harapin at bumangon mula sa pinsala dulot ng
hazard
A. Vunerability Assessment
B. capacity Assessment
C. Hazard Assessment
D. Risk Assessment
2. Tumutukoy sa mga material na yaman tulad ng sweldo mula sa trabaho,
pera sa bangko at mga likas na yaman.
A. Panlipunan
B. Pag-uugali tungkol sa hazard
C. Pisikal o Material
D Hazard Mapping

11
3. Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng
tao sa isang lipunan
A. pisikal
B. material
C.panlipunan
D. pag-uugali tungkol sa hazard
4. Mga paniniwala at gawi ng mga mamamayan na nakahahadlang sa
pagiging ligtas ng isang komunidad.
A. pag-uugali tungkol sa Hazard
B. Pisikal o material
C. capacity assessment
D. panlipunan
5. May tatlong kategorya ang Vulnerability. Alin ang mga ito?
A. pisikal at materyal, panlipunan at pag-uugali tungkol sa hazard
B. hazard mapping, historical profiling at timeline of evnts
C. disaster, hazard at risk
D. vulnerability, hazard at capacity
Isulat ang salitang TAMA kung salitang may salungguhit ay angkop sa konsepto ng
pahayag. Isulat ang TAMANG SAGOT kung hindi angkop ang isinasaad na
pahayag.
6. Ang yugto ng Disaster Preparedness ay kakikitaan ng mga gawain na
naglalayong maipanumbalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa mga
nasalantang komunidad. ______________________________
7. Isinasagawa ang Capacity Assessment upang matukoy ang kakayahan ng isang
komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
__________________________________
8. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na Disaster
Response. ____________________
9. Nakapaloob sa Disaster Preparedness ang mga gawain tulad ng hazard
assessment at capability assessment. ___________________________________
10. Ang yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery ay tumutukoy sa mga gawain
upang mapanumbalik ang kaayusan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
_________________________________

12
Balikan
1. Anong Hazard Assessment?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Magtala ng limang katangian ng isang komunidad na walang pakialam sa


mga programang pangkaligtasan

Suriin

Vulnerability at Capacity Assessment


Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isa
komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang
lugar. Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Samantala sa Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at
Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang vulnerability: ito ay ang pisikal o
material, panlipunan at pag-uugali tungkol sa hazard.

13
Vulnerability Assessment
Ang pagiging Vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroong
itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas
malawak ang pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay
walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi
nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga
mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging
biktima ng sakuna o kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may
maliit na kita ay maituturing rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang
kanilang sweldo upang tustusan ang dagdag na gatusin sa panahon ng sakuna tulad
ng bagyo o baha.
Tatlong Kategorya ng Vulnerability:
1. Pisikal o Materyal
Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa
bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na
pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable
o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard
2. Panlipunan
Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa
isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan,
maysakit at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard. Kasama rin
dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan.
3. Pag-uugali tungkol sa Hazard
May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging
ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad.
Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability
Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at
Location of people at risk.
Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito, halimbawa,
mas vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar. Samantalang vulnerable
naman sa landslide ang mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ipinakikita
sa talahanayan ang halimbawa ng instrumento na ginagamit sa pagsasagawa ng
Vulnerability Assessment. Mahalaga rin ang mga impormasyon na makukuha sa
Vulnerability Assessment dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster management
ng isang pamayanan.

Panuto: Gumawa ng isang Semantic Web hingil sa Vulnerability Assessment.

14
Isaisip
Panuto: Ipaliwang ang iyong mga sagot.

1. Bakit mahalagaang matutuhan mo ang katergorya ng Vulnerability


Assessment
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Paano nakakaapekto sa ating bansa ang pagkakaroon Vulnerabilty


Assessment?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng Vulnerability at


implikasyon ng suliranin ng kawalan ng trabaho sa inyong pamumuhay

15
Tayahin

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung salitang may salungguhit ay angkop sa
konsepto ng pahayag. Isulat ang TAMANG SAGOT kung hindi angkop ang
isinasaad na pahayag.
1. Ang yugto ng Disaster Preparedness ay kakikitaan ng mga gawain na
naglalayong mapanumbalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa
mga nasalantang komunidad. ______________________________
2. Isinasagawa ang Capacity Assessment upang matukoy ang kakayahan ng
isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
__________________________________
3.Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na Disaster
Response. ____________________
4. Nakapaloob sa Disaster Preparedness ang mga gawain tulad ng hazard
assessment at capability assessment.
___________________________________
5.Ang yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery ay tumutukoy sa mga
gawain upang mapanumbalik ang kaayusan sa mga lugar na nasalanta ng
kalamidad. _________________________________
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa mga pagpipilian.

6. Alin sa mga sumusunod ang nag tinataaya ang kahinaan o kakulangan ng


isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsala dulot ng
hazard
A. Vunerability Assessment
B. capacity Assessment
C. Hazard Assessment
D. Risk Assessment
7. tumutukoy sa mga material na yaman tulad ng sweldo mula sa trabaho,
pera sa bangko at mga likas na yaman.
A. Panlipunan
B. Pag-uugali tungkol sa hazard
C. pisikal o Material

16
D Hazard Mapping
8. tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao
sa isang lipunan
A. pisikal
B. Material
C.Panlipunan
D. pag-uugali tungkol sa hazard
9. May mga paniniwal at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa
pagiging ligtas ng isang Komunidad.
A. pag-uugali tungkol sa Hazard
B. Pisikal o material
C. capacity assessment
D. panlipunan
10. Ano ang tatlong kategorya ang Vulnerability
A. Pisikal at Materyal, panlipunan at pag-uugali tungkol sa hazard
B. hazard mapping, historical profiling, at timeline of evnts
C. disaster, hazard, risk
D. vulnerability, hazard, capacity

Binabati kita sa pagsagot mo ng buong husay sa ating pagtataya!


Para lalo mo pang maisasaloob ang mga natutunan mo sa araling ito
gawin ang huli nating Gawain

17
Karagdagang Gawain

Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging vulnerable sa


mga Disaster?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

18
Arali CAPACITY and RISK
n ASSESSMENT
3

Alamin
Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang
sagot ay malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na
inilaan na tutulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang Capacity Assessment
Pagkatapos nito, inaasahang ikaw ay mapapangatuwiranan ang mga dahilan kung
bakit mahalaga ang Pag aaral ng Man-Made na kalamidad.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Ito ay isang assessment na sumusuri ang kapasisdad ng Komunidad na haraapin


ang ano mang hazard Anong Assessment ito?
A. Vulnerability Assessment
B. Capacity Assessment
C. Pisikal o material Assessment
D. Panlipunan Assessment
2. Ano ang tatlong kategorya ng mamayan tungkol sa hazard
A. Material, Panlipunan, at pag-uugali
B. Material, di material, panlipunan
C. Pisikal, element risk, at people in risk
D. People in risk, location risk, at element risk

3. Ito ay isang katergorya sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan
na muling isa aayos ang mga structural?
A. Material o Pisikal Aspekto
B. Lipunan
C. Panlipunan
D. Pag-uugali

4. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa pag-iwas sa mga Hazard at kalamidad


A. Hazard
B. Disaster Prevention
C. Risk

19
D. Disaster
5. Ano ang dalawang Uri ng Mitigation?
A. Disaster at hazard
B. Risk at natural hazard
C. Structural at non-structural
D. Disaster at risk
6. Ang mitigation na tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng
pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad.
A. Non- structural
B. Structural
C. Disaster
D. Risk
7. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
kaayusan ng isang komunidad
A. Structural
B. Non- structural
C. Capacity
D. Disaster
8-10. Piliin lang ang tamang letra at isulat ito sa bawat bilang
A. To advise
B. To inform
C. To instruct
D. To give
8. Magbigay ng impormasyon tungkol a Gawain para sa proteksyon sa sakuna
9. Nagbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, at pisikal na katangian ng
komunidad
10. Nagbibigay ng mga hakbng na dapat Gawain, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan sa oras ng Hazard

Balikan

Panuto: Sagutin ang tanong

1. Ano vulnerability at Capacity Assessment?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

20
Tuklasin

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Freliefweb.int%2Fsites%2Freliefweb.int%2Ffiles%2Fstyles%2Fattachment-large%2Fpublic%2Fresources-pdf-previews%2F1406643-Needs
%2520and%2520Capacity%2520Assessment%2520Book-min%25202019-07-05%252007-47-13.png%3Fitok%3DggGPqL2L&imgrefurl=https%3A%2F%2Freliefweb.int%2Freport%2Fnepal%2Fneeds-
and-capacity-assessment-fourteen-rural-and-urban-municipalities-disaster-risk&tbnid=byyKMGCcETuVuM&vet=12ahUKEwjo5Irx6qXqAhULCpQKHeoCDRsQMygWegUIARDWAQ..i&docid=e6HSwlUi-
JUF1M&w=613&h=859&q=capacity%20assessment%20in%20disaster%20management&hl=en&ved=2ahUKEwjo5Irx6qXqAhULCpQKHeoCDRsQMygWegUIARDWAQ
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.ifrc.org%2FPageFiles%2F40699%2Fp-ZWE0223_464.jpg&imgrefurl=https%3A
%2F%2Fwww.ifrc.org%2Fen%2Fwhat-we-do%2Fdisaster-management%2Fabout-disaster-management
%2F&tbnid=fSZu2eJCzPc8SM&vet=12ahUKEwjV0tC866XqAhVZAKYKHY_7BkcQMyg6egQIARA_..i&docid=UbaIZdiE27Hb5M&w=464&h=250&
q=capacity%20assessment%20in%20disaster%20management
%20QUIPMENT&hl=en&ved=2ahUKEwjV0tC866XqAhVZAKYKHY_7BkcQMyg6egQIARA_

R A S M

Suriin

Risk Assessment
Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at
kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan
ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga
hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz
at Redito, 2009).
Dalawang uri ng Mitigation
Structural migitation- Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng
pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang
mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood
gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro na may fire
exitinguisher ang mga ipinatatayong gusali.
Non -Structural migitation- Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng
pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng
hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan,
pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas,
information dissemination at hazard

21
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment
Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala
sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard
sa kanilang komunidad.
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan.
Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya
upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at
magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard
at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na
atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
Ang mga naunang hakbang ay nakapaloob sa Disaster Prevention. Sa unang yugto
ng CBDRM Plan ay isinasagawa rin ang mga hakbang para sa Disaster Mitigation
na kinapapalooban naman ng Risk Assessment. Tunghayan ito sa susunod na
bahagi ng aralin. Risk Assessment kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa
pag-iwas sa mga hazard at kalamidad. Sinisikap naman ng mga gawain sa disaster
mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang
pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).

PANUTO: Gumawa ng isang poster na nagpapapakita sa kahalagahan Risk


Assessment.

Gabay na tanong:

1. Sapat ba ang kakayahan ng inyong paaralan, kapitbahayan, o barangay


sa pagharap sa kalamidad?

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

22
Pagyamanin

Panuto: gumawa ng isang Graphic organizer sa ibaba at alamin kung


ano ang pagkakakaiba ng structural at non-structural mitigation

Dalawang Uri ng Mitigation

Isaisip

Panuto ipaliwang ang iyong mga Sagot

1. Bakit mahalagaang matutuhan ang kahalagan ng Risk Assessment


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Paano nakakatulong sa ating bansa ang pagkakaroon ng disaster risk


Assessment?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

23
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang Editorial Cartoon na nagpapakita ng


Structural Mitigation at implikasyon ng suliranin ng kawalan ng trabaho sa inyong
pamumuhay

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Ito ay isang assessment na sumusuri ang kapasidad ng Komunidad na harapin
ang ano mang hazard. Anong Assessment ito?
A. Vulnerability Assessment
B. Capacity Assessment
C. Pisikal o material Assessment
D. Panlipunan Assessment
2. Ano ang tatlong kategorya ng mamayan tungkol sa hazard
A. Material, Panlipunan, at pag-uugali
B. Material, di material, panlipunan
C. Pisikal, element risk, at people at risk
D. People at risk, location risk, at element risk
3. Ito ay isang kategorya sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan
na muling isa aayos ang mga structural?
A. Material o Pisikal na Aspekto
B. Lipunan
C. Panlipunan
D. Pag-uugali
4. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa pag-iwas sa mga Hazard at kalamidad
A. Hazard
B. Disaster Prevention
C. Risk
D. Disaster
5. Ano ang dalawang Uri ng Mitigation?
A. Disaster at hazard
B. Risk at natural hazard

24
C. Structural at non-structural
D. Disaster at risk
6. Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad. Anong klasing Mitigation ito?
A. Non- structural
B. Structural
C. Disaster
D. Risk
7. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa mga paghahanda ang ginagawa sa pisikal na
kaayusan ng isang komunidad
A. Structural
B. Non- structural
C. Capacity
D. Disaster
8-10. Piliin ang tamang letra ng sagot at isulat sa bawat bilang.
A. To advise
B. To inform
C. To instruct
D. To give
8. Magbigay ng impormasyon tungkol a Gawain para sa proteksyon sa sakuna?
9. Nagbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, at pisikal na katangian ng
komunidad
10. Nagbibigay ng mga hakbng na dapat Gawain, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan sa orss ng Hazard

Karagdagang Gawain
Dapat bang iasa ang mga gawaing pang-rehabilitasyon sa
Pamayanan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Magaling!
Natapos mo ang aralin nang buong husay!

25
Susi sa pagwawasto Modyul 1

Subukin

Susi sa pagwawasto

1.D
Tayahin
2.A
Susi sa pagwawasto
3.B
1.D
4.A
2.A
5.B
3.B
6.C
4.A
7.A
5.B
8.A
6.C
9.A
7.A
10.A
8.A

9.A
Susi sa Pagwawasto Modyul 2
10.A Tayahin
Subukin
1.T
1.T
2.T
2.T
3.T
3.T
4.T
4.T
5.T
5.T
6.A
6.A
7.C
7.C
8.A
8.A
9.A
9.A
10.A
10.A

26
n Susi sa Pagwawasto Modyul 3

Subukin Tayahin
1.c 1.c
2.a 2.a
3.a 3.b
4.b 4.b
5.c 5.c
6.a 6.a
7.a 7.a
8.a 8.a
9.b 9.b
10.c 10.c

27

You might also like