You are on page 1of 46

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 7:
Epekto ng Migrasyon

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, - Module 7: Epekto ng Migrasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jackie Lou S. Matbagan
Editor: Maria Rowena R. Lee
Ella Rosario Sencio
Wella E. Pidere
Tagasuri: Wendell C. Catam-isan, PhD
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunaln na Director
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot Jr., EPS-ADM
Mga Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS in Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS Manager
Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 7:
Epekto ng Migrasyon

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan.Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas

ii
TALAAN NG NILALAMAN

TAKIP NG PAHINA PAHINA


PAHINA NG KARAPATANG –ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 4
Tuklasin 5
Suriin 6
Pagyamanin 9
Isaisip 10
Isagawa 11
Tayahin 11
Aralin 2 – Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Politikal
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 4
Tuklasin 5
Suriin 5
Pagyamanin 7
Isaisip 9
Isagawa 9
Tayahin 10
Aralin 3 – Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Pangkabuhayan
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 2
Tuklasin 3
Suriin 3
Pagyamanin 4
Isaisip 5
Isagawa 5
Tayahin 6
Karagdagang Kaalaman

iii
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ang Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto at Konteksto ng Migrasyon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handang tumulong na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy


Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
iv

Mga Tala para sa Guro


Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman,
Gawain,paalala,panulong o estraheyang magagamit sa paggabay
naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral kahit sila ay nasa kanilang sariling tahanan.

Para sa mga Magulang


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinaharap ng ating
mga mag-aaral.Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa,pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-
aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

iv
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan ang tungkol sa epekto ng migrasyon
dulot ng globalisasyon kung saan matutunghayan ang epekto sa aspektong
panlipunan,politikal at pangkabuhayan. Naglalayon din ang Modyul na ito na
matutuhan mo ang implikasyong politikal,panlipunan at pangkabuhayan. Maipakikita
rin sa modyul na ito ang usaping pambansa,pakikipag-ugnayang bilateral at
rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay
naaapektuhan ng isyu ng migrasyon, paano ito nakakatulong sa araw-araw na
pamumuhay ng mga migranteng Pilipino.
Tanggapin mo ng mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa
gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.Sapat
na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong kaparaanan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutunan ang epekto ng migrasyon sa larangan ng politikal,panlipunan at
pangkabuhayan.

vi
Ang modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman.Ang
mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod
sa asignatura.Ganoon pa man ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay
maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

. Aralin 1: Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan

. Aralin 2: Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Politikal

. Aralin 3: Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Pangkabuhayan

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito: ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong


panlipunan,pampolitikal at pangkabuhayan.

vii
Aralin Epekto ng Migrasyon sa
1 Aspektong Panlipunan

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay tumutulong na


masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang epekto ng migrasyon sa aspektong
panlipunan . Ang saklaw ng modyul na ito ay nasusuri at naipaliliwanag ang mga
implikasyon ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Masubok ang iyong paunang
kakayahan sa subukin at basahin. Ang modyul ng may panunuri upang masagutan
ang mga katanungan at mga gawain sa susunod na pahina.

Aralin 1 –Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nakasusuri ng mga panlipunang isyu sa migrasyon
2. Naipapaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan
3. Nagkakaroon ng kamalayan sa sitwasyong nakaaapekto sa kanilang
pamumuhay.

Subukin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong
paunang kalalaman sa araling ito.
_____1. Ang globalisasyon ay may mabuti at di mabuting epekto sa pamumuhay ng
mga tao. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng mabuting
dulot ng globalisasyon?

A.
http://tncandglobalisation.weebly.com/uploads/9/3/9/6/9396005/954661026.jpg?445

1
B.
http://bp0.blogger.com/_vEU5i2gWbjI/RlBRmAaqeGI/AAAAAAAAAFM/lSnmzDZLnaU/s320/ethical_investor.jpg

C.
http://cdn.techipedia.com/wp-content/uploads/2008/02/pierre-global-feedback1.jpg

D.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS_U-RrwG1NdoWjlQ5yhcgaclP
____2. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nag TNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas
ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

_____3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may
kakayahan at sapat na edukasyon?
A. Underemployed
B. Unemployed
C. Employed
D. Employment

_____4. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?


A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang
bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na
bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo sa mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.

2
_____5. Ang globalisasyon ay laganap na sa kasalukuyang panahon. Panoorin ang
nilalaman ng video sa URL link na nasa ibaba. Ano nga ba ang konsepto
ng globalisasyon? https://www.youtube.com/watch?v=As3pWXoq_as
A. Ang globalisasyon ay daigdig na walang pagitan o hadlang sa mga bansa.
B. Ang globalisasyon ay isang suliraning panlipunan na pumipigil sa
kaunlaran ng mga bansa.
C. Ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan na tumatalakay sa
pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran,
komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig.
D. Ang globalisasyon ay bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan
ng produkto, impormasyon at tao dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.

______6. Mula sa larawan, ano ang positibong ipinapahiwatig nito sa ekonomiya ng


bansa?

http://ts1.mm.bing.net/th?id=HN.607988097568476000&pid=15.1&H=117&W=160
A. Maraming produktong banyaga ang nakararating sa iba’t ibang sulok ng
mundo.
B. Maraming krimen ang maaaring maganap mula sa iba’t ibang bansa.
C. Maraming pamilya ang nawawalay sa isa’t isa.
D. Maraming klaseng polusyon ang nangyayari sa iba’t ibang sulok ng
mundo.

______7. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahl nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.*
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magaganda at gwapo.

______8. Sa mga bansang pinagmumulan ng refugees, tulad ng Afghanistan


kung saan may digmaang sibil , paano ka makatutulong sa isyu?
A. Pumunta doon at makipagdigma.
B. Magpadala ng donasyon sa ahensiya ng United Nations.
C. Ipagwalang bahala ang nangyayari.
D. Kutyain ang mga tao sa Afghanistan.

______9. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa sanhi ng migrasyon sa pag-


unlad ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng
bansa dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa
pinagmulang bansa.
3
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa
pinagmulang bansa
D. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.

_____10. Malimit hindi nababanggit ang epekto ng migrasyon sa paggawa sa


tatanggap o nagpapadala ng lakas paggawa. Alin sa mga pahayag na ito
ang nagsasaad na nakakabenepisyo ang pagpapadala at pagtanggap ng
migranteng manggagawa?
A. Ito ay isang one-way flow na pabor sa bansang nagpapadala.
B. Ang migranteng manggagawa ay isang asset sa nagpapadala at
tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo.
C. Ang mga migranteng manggaggawa ay pasanin ng tumatanggap na
bansa.
D. Napeperahan ng mga bansa ang kanilang ipinapadalang migranteng
manggagawa.

_____11. Lahat ba ng ilegal na pagpasok sa isang bansa ay kriminal?


A. Oo, dahil sila ay may masamang motibo sa pagpunta ng walang tamang
papeles.
B. Oo, dahil nagtatago sila sa may kapangyarihan.
C. Hindi, dahil kahit sila ay ilegal na nakapasok hindi ito krimen.
D. Hindi, dahil wala silang alam sa batas ng bansa.

_____12. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi


mabuting epekto sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas.
Dahil dito ang pamahalaan ay nagnanais na makamit ang pambansang
pangkaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang tagapayo ng pangulo,
anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?
A. Programang Pang-agraryo
B. Programa sa Pagbuwis
C. Programang Pang-ekonomiya
D. Programang Pangkalikasan

_____13. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang


nakakaranas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa
Saudi Arabia. Bilang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang
pinakamabisa upang matulungan at maprotektahan sila?
A. Maglunsad ng rally sa Saudi Arabian Embassy sa Pilipinas.
B. Maglunsad ng welga ng mga manggagawa sa Saudi.
C. Maglikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at ihabla ang mga
amo sa hukuman.
D. Maglikom ng pera at pauwiin na ang lahat ng mga manggagawa sa Saudi.

4
_____14. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas
paggawa ng mga kababaihan. Bilang kalihim ng Department of Labor at
Employment, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng mga karapatan
ng mga kababaihan?
A. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga proramang
proprotekta at mag-aalaga sa mga kababaihan.
B. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa iba’t
ibang sektor ng lipunan.
C. Ilarawan ang mga kababaihan sa mga kalalakehang manggagawa upang
maalagaan sila ng mabuti
D. Sumali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga
kababaihan.

_____15. Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga


karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic
adviser ng Pangulo, ano ang maimumungkahi para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.
D. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.

Balikan

Bago mo umpisahan ang araling ito, balikan ang mga nakaraang aralin sa paggawa.

1. Ano- ano ang mga suliraning natatamasa ng mga manggagawa sa ating bansa?
2. Bakit kaya patuloy pa rin ang problema sa contractualization?
3. Bilang mag-aaral, ano ang iyong mai-ambag sa lipunan upang maibsan ang
problema sa paggawa?

4
Tuklasin

Mga Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino


Ang migrasyon ay may malaking impluwensiya sa mga kabataan. Ang linyang
“Paglaki ko, Mag-aabroad ako!” ay nagsasaad ng masidhing pagkagusto at
pagnanais ng mga anak na mangibang bansa para makapagtrabaho tulad ng
kanilang mga magulang (Augustus T. Anonuevo at Joicel C. Sopena). Ano-ano nga
ba ang mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino? May mga kabutihan at
kaaya-ayang resulta ang pagtratrabaho at pangingibang bansa sa pamumuhay, na
senyales ng pag-unlad ayon kay Jimenez, 1988. Ayon sa kaniya, ang sumusunod ay
ang mga naidudulot na kabutihan nito: pagpapagawa ng mga bagong bahay, ang
pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga anak, ang mga patunay ng
umaasensong negosyo na naipundar, at ang kakayahang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Ang migrasyon ay patuloy na lumalawak dahil na rin sa mga positibo nitong
epekto. Narito pa ang ilan sa mga naidudulot na kabutihan nito: Ang perang padala
ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya ay nakatutulong nang malaki sa pag-aangat
ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa, naipapamalas ang kulturang Pilipino sa
ibang lahi, nagagamit at tumitingkad ang mga talino at kagalingan ng mga Pilipino sa
ibang bansa. Ang mga epekto ng migrasyon ay masasalamin sa iba’t ibang kuwento
ng totoong buhay sa likod ng pangingibang bansa ng ilang mga Pilipino.

Ang kuwento ni Claire, siya ay sampung taong gulang ng umalis ang


kaniyang mga magulang patungong Rome. “Ako ay napakabata pa nang
umalis ang aking mga magulang,” kuwento pa niya. “Syempre naaalala ko
sila palagi at nangungulila ako sa kanilang pangangalaga at atensiyon. Mas
lalo ko silang naaalala sa tuwing pinapapunta ang aking buong pamilya sa
paaralan. Mabuti na lang at nariyan palagi ang aking tiyahin at lola para
samahan ako. Minsan nalulungkot ako, kaya lang wala akong magawa dahil
sabi nila, para sa akin ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. Nasa akin
na lang na matugunan ko sa aking sarili ang mga pangangailangan na hindi
maibigay ng mga magulang ko tulad ng presensiya nila. Kailangan ko na
lang mag-aral nang mabuti at gawin ko silang inspirasyon.” Sa kasalukuyan
si Claire ay kumukuha ng kurso na nursing sa isa sa mga unibersidad sa
Maynila. Tulad ni Claire, may mga anak na nakakayanang labanan ang mga
pagsubok ng kalungkutan at pangungulila sa mga magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa at pilit na pinagbubutihan ang pag-aaral upang
magkaroon ng magandang buhay at magkaroon ng malaking kabuluhan ang
pagsasakripisyo ng mga magulang sa ibang bansa. Hango sa totoong
buhay, (The Plight of Children of OFWs, Gina Melgar at Rene Borromeo,
2008).

5
Hindi maikakaila ang mga nagiging epekto ng migrasyon sa katatagan at
pangkultural na pananaw natin sa pamilyang Pilipino. At ito ay dulot ng kahirapan,
mababang sweldo, at kakulangan ng trabaho na siyang patuloy na dahilan upang
mangibang bansa ang mga Pilipino. Sa ating kultura, ang pamilya ang siyang
institusyon na naghuhubog sa mga mamamayan ng lipunan, ang dapat mangalaga
at magbigay ng proteksiyon sa kaniyang mga miyembro. Ito ay pinagtibay ng The
New Family Code (Executive Order No. 209 as amended by Executive Order no.
227) “The Family, being the Foundation of the nation, is a basic social institution
which public policy cherishes and protect.” At ito ay dapat matugunan ng lipunan sa
bawat pamilyang Pilipino. Sa kasalukuyang makabagong panahon, unti-unting
nagbabago ang pananaw ng mga Pilipino sa ganitong konsepto ng pagpapamilya
dahil na rin sa mga ibang epekto na dulot ng migrasyon.
Panuto: Maghanap ng kapares at pag-usapan ang tanong sa ibaba. Magpalitan ng kuru-
kuro at mgdesisyon sa magiging sagot sa katanungan. Maging malikhain sa pag-ulat ng
sagot.

Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad na bansa sa


gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?

Suriin

Epekto ng migrasyon na dapat harapin ayon nina Anonuevo, Augustus T., et al, ,2008.

1. Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at


pamamaraan sa pamumuhay. Sa kabila ng
patuloy na pagtugon sa mga gastusing
pampamilya, ang mga anak na naiiwan ay
masyadong nahihikayat sa mga materyal na
bagay dala ng mas maluwag na pagtatamasa
sa mga naipapadala ng magulang. Ang mga
kabataan ay nagkakaroon ng masidhing
pagtangkilik sa produktong dayuhan kaya nakakaligtaan ang ating mga sariling
produkto. At ang patuloy na pagbabalik at paghahangad na makapagtrabaho sa
ibang lugar ay dahilan at hindi makapagserbisyo sa kapwa mamamayan at sa
sariling bayan ang ilan sa mga Pilipino. Ang mga ito ay ilan sa mga pagbabago ng
kamalayan sa pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay ng pamilyang
Pilipino.

6
2. Ang mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunan na aspekto ng
mga anak. Isang kritikal na yugto ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, ito
ang yugto na nahuhubog ang kanilang kabutihan, kaganapan ng kanilang sarili, at
ang pagpapaunlad buhat sa kabataan tungo sa mas mapanagutang pagkatao
(Erikson, 1968). Mahalaga ang presensiya at mabuting halimbawa ng magulang sa
mga anak sa panahong ito. Ang kawalan ng presensiya at tuwirang pagkalinga ng
isa sa mga magulang ay may epekto sa moral na pagpapahalaga ng kabataan.
Maaaring maging dahilan ito ng mga maling pagpapasiya ng kabataan, pagkakaroon
ng maling kamalayan sa mga bagay-bagay at sitwasyong kakaharapin niya sa
pamayanan.
3. Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at panghihina ng
katatagan ng pamilya. Hindi natin maitatanggi na nagiging dahilan din ng
paghihiwalay ng ilang mag-asawa ang matagalang pagkalayo sa isa’t isa, na
nagiging daan sa pagkasira ng kanilang ugnayang mag-asawa. Isa ring
nakalulungkot na katotohanan ay ang pagkalayo ng loob ng mga anak sa magulang
na napalayo sa kanila sa matagal na panahon dahil sa migrasyon, taliwas sa kung
parehong nakalakihan ng anak ang mga magulang, at nakapaghubog ng matatag na
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
4. Ang nagbabagong konsepto ukol sa tradisyonal na pamilya sa
transnasyunal na pamilya. Sa kulturang Pilipino, ang ama ang pangunahing
tumutugon sa mga pangangailangang pampamilya. Ang ina ang nagtataguyod ng
kaayusan at pangangalaga sa mga anak at nakadepende sa asawa sa mga
pangangailangang pinansiyal. Ang ama naman ang pangunahing tagapagpasiya sa
pamilya. Dahil sa ganitong sistema, kumpleto ang pamilya.
Sa transnasyunal na pamilya, ang mga babae ay tumutulong na sa pagtustos
ng kinapangunahing gastusin, nagkakaroon ng pagkakataong magpasiya para sa
pamilya subalit nawawalan ng pagkakataong gabayan ang mga anak, dahil sa
malayo sila sa mga ito. Ito ang ilan lang sa mga pagbabago sa nakagisnang sistema
at kultura ng pamilyang Pilipino.
5. Ang pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang
komunikasyon at atensiyon ng magulang sa anak at ng anak sa magulang. Ang
komunikasyon at paglalaan ng atensiyon sa pamilya ang nagpapatatag ng
pagkakaugnay ng bawat miyembro sa isa’t isa. Ang hamon ng globalisasyon ang
dahilan ng mga makabagong pamamaraan sa pakikipagtalastasan o ang tinatawag
na virtual na komunikasyon, na madalas nagagamit ng mga anak at magulang dahil
na rin sa makabagong panahon at ang tanging paraan para sa kanilang pakikipag-
ugnayan. Ang dating harapang pag-uusap na mas nakapagpapadama ng iba’t ibang
positibong damdamin at malayang pagpapahayag ng saloobin ay unti-unting
nagkaroon ng harang dahil sa mga sitwasyong tulad ng pagtatrabaho sa ibang
bansa.
Ang cellphone, computer, video calling at ang mga internet connection ang
tanging nag-uugnay sa mga miyembro ng pamilya. At madalas, pinansiyal na
aspekto ang mga napag-uusapan lamang, dahil sa limitadong oras at panahon,
ayaw mabigyan ng alalahanin ang mga magulang na malayo sa kanilang piling,
7
ayaw maipaalam ng magulang ang tunay na sitwasyon sa ibang bansa. Dahil sa
mga ito, ang tunay na pagkakalapit at pagpapalitan ng mga saloobin ay hindi na
napaglalaanan ng atensiyon.

Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing epekto ng migrasyon sa


pamilyang Pilipino. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan sa pamilyang
Pilipino ang harapin ang ganitong kalagayan, dahil na rin sa kahirapan. Sa ganitong
mga pagkakataon, dapat mangibabaw ang mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng
“katatagan ng pamilya at pag-uugnayan,” na mga likas na katangian ng mga Pilipino
(Shahani, Leticia 1984). Ayon naman kay Esther J. Esteban (1989), “sa pamilya
nahuhubog ang mga magiging mapanagutang mamamayan ng lipunan,” kaya dapat
hubugin at patatagin ang pagmamahalan at ugnayan ng mga sumisibol na miyembro
sa pamilya. Dahil dito mahuhubog ang mga kabataan upang maging handa sa
anumang mga pagsubok na kanilang kakaharapin sa makabagong panahon ng
globalisasyon at migrasyon.

Pagharap sa Hamon ng Migrasyon

Ang pagharap sa mga epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino ay


nangangailangan ng mga konkretong hakbang upang maging handa ang mga
anak at mga magulang at upang mapagtagumpayan ang mga negatibong epekto ng
pangingibang bansa.

Sa ganitong sitwasyon nagsisimula ang pagmamahalan ng mag-asawa. Ayon


kay St. Thomas Aquinas, “itinuturing na ang pag-aasawa at ang buhay
pagpapamilya ay nauugnay sa kalikasan ng pagkatao.” Kaya nararapat ang
pagpapatatag ng pagmamahalan ng mag-asawa. Tulad ng natutuhan mo sa Modyul
1, ang pagmamahalan ng mag-asawa ang batayan ng katatagan ng pamilya. Sa
katatagang ito nahuhubog ang pagkatao ng bawat miyembro na handang humarap
sa mga hamon ng makabagong panahon.

Ang sumusunod ay mga hakbang upang maging handa sa mga epekto ng


migrasyon sa pamilyang Pilipino: (Marie E. Aganon, 1995)

1. Pag-oorganisa at pagbuo ng mga counseling centers

2. Patuloy na paghubog ng mga pagpapahalaga at birtud sa mga anak

3. Pag-oorganisa at pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan

4. Pagbibigay ng mga programang pang OCWs tulad ng makabuluhang


pamumuhunan sa negosyo at pagsasakatuparan ng R.A. 8042

8
Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga programang inilatag ng gobyerno upang
maproteksiyonan ang mga nangingibang bansa?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Ipagpalagay na ikaw ay anak ng isang migrante, ano ang maari mong gawin
upang ikaw ay may pakinabang sa iyong pamilya?

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Magaling! Halika’t,tapusin mo ang gawaing inilaan para sa iyo sa


Pagyamanin upang mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagyamanin

Ang migrasyon ay may malalim na pinag-ugatan. Ang hamon nito ay ang pag-
agapay ng mga pamilyang Pilipino sa patuloy na pag-usad ng globalisasyon nang
may katatagan. Ayon kay Dr. Manuel Dy, “ang moral na paghusga sa globalisasyon
ay hindi madali, dahil sa katotohanang ito ay kasalukuyan pa lang nagaganap at
patuloy na pinagdedebatihan.”
Mahirap buwagin ng isang ordinaryong pamilya ang ganitong sitwasyon.
Subalit, hindi dapat maging balakid ito sa patuloy na pagpapatatag ng pamilyang
Pilipino, sa paghubog sa pagkatao ng mga miyembro nito at ang pagpapanatili sa
ating kulturang pagkakakilanlan. Sa halip harapin ito at tugunan ng may katatagan.
Bagama’t nakakatulong ito sa ekonomiya ng bawat pamilya at bansa ito ay may
kaakibat na epekto maging ito man ay mabuti o di nakakabuti.
Marami sa mga domestic helper ang napupunta sa maayos na trabaho.
Marami rin ang nahaharap sa iba’t ibang uri ng pag-aabuso tulad ng hindi
pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa bahay ng kanilang amo, hindi pinapakain,
sobrang trabaho, at ilang kaso ng matinding psychological, pisikal, at sekswal na
pang-abuso. Nakapagtala ang Human Rights Watch ng maraming kaso kung saan

9
ang pinagsamang mga kalagayang ito ay kahalintulad nang kalagayang sapilitang
pagtratrabaho, trafficking, o mala-aliping kalagayan.
Inamin ng mga opisyal ng Saudi Labor at Social Affairs na kinapanayam ng
Human Rights Watch ang problema sa pang-aabuso sa mga domestic worker.
Subalit kanilang idiniin na maayos ang trato sa karamihan ng domestic worker sa
nasabing bansa. Wala pang datos na makapagbugay ng wastong bilang ng mga
domestic worker na nahaharap sa paglabag sa kanilang karapatan sa paggawa o sa
iba pang karapatang pantao. Subalit lalong lumalaki ang banta at mahigit na gawi sa
immigration sa nasabing bansa. Maliit lamang ang pag-asa ng mga nakatikim ng
pang aabuso na tuluyang maituwid ang sinapit nila.

Panuto: Magbigay ng tatlong mga karagdagang hakbang upang maging handa sa


epekto ng migrasyon. Isulat ito sa kwaderno at ipaliwanag kung bakit iyon ang naisip
mong hakbang sa pagtugon sa epekto ng migrasyon.

Isaisip

Panuto: Ating alamin sa tekstong ito kung paano nagsimula ang migrasyon, ano
ang dahilan at epekto nito sa mamamayan at mga pamilya.
(Mula sa : http://www.slideshare.net/marcomed/grade-8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao )

1. Tungkol saan ang tekstong ito?Ano ang epekto ng migrasyon na dapat harapin ng
mga OFW?

2. Ano ang mga aspektong nagtulak sa kagustuhang makapagtrabaho sa ibang


bansa ang mga Pilipino? Ano ang mga mabuti at masamang epekto ng migrasyon
sa kabataan ng pamilya, katatagan at pang kultural na pananaw?

3. Kaninong pananaw ang ipinahihiwatig ng tekstong ito? Bakit kailangang ipaabot


ang impormasyong ito?

4. Sa kabila ng hamon ng migrasyon, ano ang mahihinuha natin sa kasabihan ni St.


Thomas Aquinas, “ Itinuturing na ang pag-aasawa at ang buhay pagpapamilya ay
nauugnay sa kalikasan ng pagkatao”

10
Isagawa

Panuto: Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang mga pros and cons ng migrasyon sa
bahaging moral, sikolohikal, panlipunan, pinansiyal?

Moral Sikolohikal Panlipunan Pinansiyal

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayain ang iyong
nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo
lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng
aytem. Kung mataas ang iyong makukuha at makakapasa, maaari ka nang
magpapatuloy sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa
hinahangad na lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at kunin ulit ang modyul na ito.

_____1. Ang globalisasyon ay may mabuti at di mabuting epekto sa pamumuhay ng


mga tao. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng mabuting
dulot ng globalisasyon?

A.
http://tncandglobalisation.weebly.com/uploads/9/3/9/6/9396005/954661026.jpg?445

11
B.
http://bp0.blogger.com/_vEU5i2gWbjI/RlBRmAaqeGI/AAAAAAAAAFM/lSnmzDZLnaU/s320/ethical_investor.jpg

C.
http://cdn.techipedia.com/wp-content/uploads/2008/02/pierre-global-feedback1.jpg

D.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS_U-RrwG1NdoWjlQ5yhcgaclP
____2. Ano ang ibig sabihin ng migrasyong panlabas?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga nag TNT sa ibang bansa
C. Ito ay paglipat ang mga tao upang manirahan sa ibang bansa o paglabas
ng tao sa bansa.
D. Ito ay ang pagpasok ng mga dayuhan na gustong bumisita sa ibang bansa.

_____3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may
kakayahan at sapat na edukasyon?
A. Underemployed
B. Unemployed
C. Employed
D. Employment

_____4. Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?


A. Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang
bansa.
B. Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na
bansa.
C. Sila ay mula sa mayamang bansa patungo sa mayaman ding bansa.
D. Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.

12
_____5. Ang globalisasyon ay laganap na sa kasalukuyang panahon. Panoorin ang
nilalaman ng video sa URL link na nasa ibaba. Ano nga ba ang konsepto
ng globalisasyon? https://www.youtube.com/watch?v=As3pWXoq_as
A. Ang globalisasyon ay daigdig na walang pagitan o hadlang sa mga bansa.
B. Ang globalisasyon ay isang suliraning panlipunan na pumipigil sa
kaunlaran ng mga bansa.
C. Ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan na tumatalakay sa
pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran,
komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig.
D. Ang globalisasyon ay bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan
ng produkto, impormasyon at tao dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.

______6. Mula sa larawan, ano ang positibong ipinapahiwatig nito sa ekonomiya ng


bansa?

http://ts1.mm.bing.net/th?id=HN.607988097568476000&pid=15.1&H=117&W=160
A. Maraming produktong banyaga ang nakararating sa iba’t ibang sulok ng
mundo.
B. Maraming krimen ang maaaring maganap mula sa iba’t ibang bansa.
C. Maraming pamilya ang nawawalay sa isa’t isa.
D. Maraming klaseng polusyon ang nangyayari sa iba’t ibang sulok ng
mundo.

______7. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?
A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahl nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.*
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magaganda at gwapo.

______8. Sa mga bansang pinagmumulan ng refugees, Tulad ng Afghanistan


kung saan may digmaang sibil , paano ka makatutulong sa isyu?
A. Pumunta doon at makipagdigma.
B. Magpadala ng donasyon sa ahensiya ng United Nations.
C. Ipagwalang bahala ang nangyayari.
D. Kutyain ang mga tao sa Afghanistan.

______9. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa sanhi ng migrasyon sa pag-


unlad ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng
bansa dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa
pinagmulang bansa.
13
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa
pinagmulang bansa
D. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.

_____10. Malimit hindi nababanggit ang epekto ng migrasyon sa paggawa sa


tatanggap o nagpapadala ng lakas paggawa. Alin sa mga pahayag na ito
ang nagsasaad na nakakabenepisyo ang pagpapadala at pagtanggap ng
migranteng manggagawa?
A. Ito ay isang one-way flow na pabor sa bansang nagpapadala.
B. Ang migranteng manggagawa ay isang asset sa nagpapadala at
tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo.
C. Ang mga migranteng manggaggawa ay pasanin ng tumatanggap na
bansa.
D. Napeperahan ng mga bansa ang kanilang ipinapadalang migranteng
manggagawa.

_____11. Lahat ba ng ilegal na pagpasok sa isang bansa ay kriminal?


A. Oo, dahil sila ay may masamang motibo sa pagpunta ng walang tamang
papeles.
B. Oo, dahil nagtatago sila sa may kapangyarihan.
C. Hindi, dahil kahit sila ay ilegal na nakapasok hindi ito krimen.
D. Hindi, dahil wala silang alam sa batas ng bansa.

_____12. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi


mabuting epekto sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas.
Dahil dito ang pamahalaan ay nagnanais na makamit ang pambansang
pangkaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang tagapayo ng pangulo,
anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?
A. Programang Pang-agraryo
B. Programa sa Pagbuwis
C. Programang Pang-ekonomiya
D. Programang Pangkalikasan

_____13. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang


nakakaranas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa
Saudi Arabia. Bilang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang
pinakamabisa upang matulungan at maprotektahan sila?
A. Maglunsad ng rally sa Saudi Arabian Embassy sa Pilipinas.
B. Maglunsad ng welga ng mga manggagawa sa Saudi.
C. Maglikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at ihabla ang mga
amo sa hukuman.
D. Maglikom ng pera at pauwiin na ang lahat ng mga manggagawa sa Saudi.
14
_____14. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas
paggawa ng mga kababaihan. Bilang kalihim ng Department of Labor at
Employment, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng mga karapatan
ng mga kababaihan?
A. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang
proprotekta at mag-aalaga sa mga kababaihan.
B. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa iba’t
ibang sektor ng lipunan.
C. Ilarawan ang mga kababaihan sa mga kalalakehang manggagawa upang
maalagaan sila ng mabuti
D. Sumali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga
kababaihan.

_____15. Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga


karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic
adviser ng Pangulo, ano ang maimumungkahi para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.
D. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.
15
Arali
Epekto ng Migrasyon sa
n
Aspetong Politikal
2

Alamin

Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan ng migrasyon.
Ang saklaw ng modyul na ito ay naipapaliwanag at nasusuri ang mga epekto ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon. Ihanda ang iyong sarili upang higit na
mapagtibay ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito. Gamitin ang iyong mga
natutuhan sa bahagi ng Suriin upang maisagawa ng maayos ang mga gawain sa
susunod na bahagi ng modyul, ang Pagyamanin at Isagawa.

Aralin 2 – Epekto ng Migrasyon sa Aspetong Politikal

Pagkatapos ng modyul na ito. Inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao,
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at epekto ng migrasyon isyung pampoltikal,
3. Nakabubuo ng mungkahi sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa
pamumuhay ng mamamayan dulot ng globalisasyon.

Subukin

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang


kanilang pinanggalingan.
A. Tama, nakakatulong.
B. Mali, dahil ‘di lahat sumasahod
C. Hindi , dahil wala silang pakialam
D. Minsan,kung magbibigay sila

_____2. Ang paghahanap ng ligtas na tirahan dulot ng kalamidad o terorismo ay


isa sa mga dahilan ng migrasyon.
A. Tama
B. Mali
C. Minsan
D. Hindi gaano

_____3. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling
1
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi
ng kalamidad.
A. Politika
B. Sosyal
C. Refugee
D. OFW

_____4. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga
tao ay lumilisan sa kanilang lugar upang maghanap ng ligtas na tirahan.
A. Kalamidad
B. Kasal
C. Eleksyon
D. Pista

_____5. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang


maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang
bilang ng populasyon. Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na
ng magandang pagkakakitaan o tirahan.
A. Heograpikal
B. Sosyolohikal
C. Kritikal
D. Politikal

_____6. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa at


pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang
maiwasan ang mga walang sapat na papeles upang magtrabaho na
laganap sa ibat ibang panig ng mundo.
A. OFW
B. Land-based workers
C. Migrant
D. Undocumented migrants

_____7. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa upang magtrabaho at


makatulong sa ekonomiya ng pamilya maging sa bansang kanyang
pinanggalingan.
A. Domestic workers
B. Overseas Filipino Worker
C. Factory Worker
D. Construction worker

_____8. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Worker saan man


panig ng mundo.
A. OWWA
B. PSA
C. DILG
D. DSWD

_____9. Ang Syria sa pangkasalukuyan ay nagkakaroon ng digmaang sibil na


2 ang mga mamamayan at naiiipit sila doon
siyang dahilan kung bakit umaalis
lalo na ang mga nandarayuhan doon. Nagkakaroon ng forced evacuation
ang mga dayuhang nagtratrabaho sa mga lugar kung saan mainit ang
labanan. Kung ikaw ang kinatawan ng bansa, paano ka makatutulong sa
mga sibilyan at mga taong nandarayuhan?
A.Hayaan lamang ang mga bansa ng mga mamayang ito na mag-ayos ng
kanilang problema.
B. Makipag-ugnayan sa mga bansang kasangkot at gumawa ng plano tulad
ng pagpapadala ng peacekeepers.
C. Magpadala ng mga mandirigma upang pababain sa pwesto si Pres. Assad.
D. Awayin ang mga sibilyan sa kanilang kapabayaan.

_____10. Paano nakatutulong ang globalisasyon sanhi ng migrasyon sa pag-unlad


ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng
bansa dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa
pinagmulang bansa.
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa
pinagmulang bansa
D. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.

_____11. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang higit na makakatulong sa


Pilipinas upang makasabay sa mga hamon ng globalisasyon?
A. Kailangang pasimulan ang rebelyon sa imperyalistang globalisasyon at
mga dikta ng IMF-WB/WTO dahil sa kapag nanatili sunud-sunuran,
lulubog at lulubog din sa krisis ang bansa.
B. Kailangan ng patakaran sa industriyalisasyon ng ekonomiya upang
mabawasan ang brain drain ng mga Pilipino at magkaroon modernisasyon
ng agrikultura upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
Pilipino at makapagluwas ito ng mga kalakal sa ibang bansa.
C. Pigilan ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas upang walang maging
kaagaw ang mga Pilipino sa mga oportunidad sa ating bansa.
D. Kailangang isulong ang patriotismo at nasyonalismo ng mga Pilipino upang
mapigilan ang brain drain ng mga Pilipino.

_____12. Ang globalisasyon ay laganap na sa kasalukuyang panahon. Ano nga ba


ang konsepto ng globalisasyon?
A. Ang globalisasyon ay daigdig na walang pagitan o hadlang sa mga bansa
sa daigdig.
B. Ang globalisasyon ay isang suliraning panlipunan na pumipigil sa
kaunlaran ng mga bansa sa daigdig.
C. Ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan na tumatalakay sa
pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran,
komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig.
D. Ang globalisasyon ay bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan
ng produkto, impormasyon at tao dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa
komunikasyon at transportasyon.

_____13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng


migrasyon? 3
A. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng kawalan ng trabaho sa
pamayanan.
B. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng mas magandang oportunidad
sa ibang bansa.
C. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng pagkawasak ng pamilya.
D. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng digmaang sibil.

_____14. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakamainam na solusyon


upang malutas ang o maiwasan ang transnational crimes ng mga bansa
sa buong mundo?
A. Gumawa ng sariling polisiya sa migrasyon upang maiwasan ang
terorismo.
B. Maglaan ng pondo pansuporta sa mga nagsusulong ng taransnational
crimes.
C. Makipagpalitan ng kaalaman at intelligence report sa ibang bansa upang
maisulong ang seguridad ng rehiyon.
D. Isara ang bansa sa mga dayuhan upang masigurong walang terorista.

______15. Ayon sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) ngayon


ay tinatayang 2,000 araw araw ang mga Pilipino na umaalis ng bansa sa
pamamagitan ng ang 1600 opisyal na ahensiya sa emigration, at bawat
taon ay umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang nagtutungo ng ibang bansa.
Ano ang maaaring hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
A. Gumawa ng mga polisiyang proprotekta sa mga manggagawang Pilipino
sa ibayong dagat.
B. Tanggapin nang malugod ang mga donasyong ibinibigay ng mga OFW at
OCW sa mga nasalanta ng kalamidad.
C. Maging mahigpit sa mga remittances ng mga Pilipino.
D. Hayaan silang pagmalupitan at makulong sa ibang bansa.

Balikan

Bago mo umpisahan ang araling ito balikan ang mga mahalagang aral sa
paksang migrasyon.
Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano-ano ang mga ahensiya na tumutulong sa mga kababayang nasa ibang


bansa?

2. Paano nakatutulong sa ekonomiya ng bansa ang mga OFW?

Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa epekto ng


migrasyon sa panlipunan. Maaari ka nang
4 tumungo sa susunod na bahagi ng
modyul upang higit na mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa
paksang ito.

Tuklasin

Panuto: Dugtungan ang pangungusap sa ibaba kung ano ang iyong naisip nang
marinig mo ang epekto ng migrasyon sa aspetong politikal.

Ang pumasok sa isipan ko


ay
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
__________________.

Suriin

GLOBALISASYONG POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay
ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na maituturing ang
mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng
pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang mga kasunduang bilateral
at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at
episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng
mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-kanilang
mamamayan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South
Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-
5
ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang economic and
technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project ng
Japan, BEST Project ng Australia, military assistance ng US, at mga tulad nito.
Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang
miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na
ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat
ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib
nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang
koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan,
kalakalan, at pagtutulungang politikal.
Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang “The Reality of
Global”, kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga
pandaigdigang institusyon. Ang pandaigdigang organisasyong tulad ng United
Nations, European Union, Amnesty International at mga tulad nito ay nagpapatupad
ng mga polisiya at programang nakakatulong sa mga isyung dulot ng globalisasyon.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay
tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at
proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin
itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang
bibigyang pansin.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal,
politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na
nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa
buong mundo.

Lokal na ekonomiya, dapat palakasin


Pinapatotohanan ng krisis pandaigdig na hindi dapat iasa ang kabuhayan ng
mga Pilipino sa pangingibang-bansa, at ang ekonomiya ng Pilipinas sa dolyar na
kanilang ipinapadala.
Ayon sa Migrante, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya ang tanging
pangmatagalang solusyon sa krisis. “Kahit kalahati pa ng populasyon ang mag-
abroad, hindi lalakas ang ekonomiya hangga’t walang pambansang
industriyalisasyon at reporma sa lupa na lilikha ng trabaho,” sabi ni Martinez.
Inaasahang titindi pa ang krisis ng kapitalismo. Magpapatuloy ang pagtumal
ng ekonomiyang lokal at pandaigdig. Nasusukat at naipapakita ito ng mga
estadistika. Ang hindi kailanman masusukat ay ang mga sakripisyo ng milyun-
milyong migranteng Pilipino na lalong walang seguridad, at lalong
pinagsasamantalahan, sa gitna ng krisis.
http://pinoyweekly.org/new/2011/10/migrasyon-sa-gitna-ng-krisis-pandaigdig/
Sa kabila ng masalimuot na mga6 nangyayaring dulot ng globalisasyon ay
buong pusong tinaguyod ng mga indibidwal ang bawat buhay na tinatamasa. Ang
mga epektong dulot nito ay may kagandahang dala tulad na lang ng pagtaas ng
bilang ng turismo sa Pilipinas. Kalaonan ay nagustuhan nila ang klima dito.
Gumanda at lumalaki ang kita ng mga ticketing office, Tourist spots, hotels,
negosyong itatayo at iba pang kaakibat na negosyo. Samantala meron ding ‘di
magandang dulot o epekto ito sa atin. Halimbawa ay ang mga maliliit na negosyante
ay hindi kayang kalabanin ang mga mayayamang inbestor.
Sa kabilang banda hindi mapipigil ang mga gustong mangingibang bansa
upang matakasan ang kahirapan at maka-ahon sa buhay ng may maipapa-aral at
maipapakain sa mga anak. Walang maibigay na trabaho at magandang sahod ang
ating bansa o gobyerno kaya’t marami ang nagdesisyong mag abroad na lang
upang giginhawa ang buhay alintana ang pangamba sa pupuntahang bansa.

Panuto: Ikaw ay gagawa ng isang Liham ng Pangako sa iyong magulang sa abroad.


(maaari ring kapatid o kamag-anak na nasa abroad ang bibigyan ng sulat)

LIHAM NG PANGAKO

______________
______________
______________

Mahal kong ______________,

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________

Nagmamahal,
________________________

Pagyamanin
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New
Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang
ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Aprika.
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t
ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na
7
ipinatutupad sa mga destinasyong bansa. Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang
nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga
bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal
at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu
ng migrasyon. Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang higit na kooperasyon
at ugnayan sa pagitan ng mga bansang kasangkot sa usaping ito.
Migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan
ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
Ang tao ay naghahanap ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang
kanilang lugar nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik at
mapayapa. Ito ay tinatawag na migrasyong panloob. Ang ganitong kalakaran ay
matagal nang laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Katulad sa nangyari sa
nakaraaang Marawi Seige, ang mga biktima ng karahasan at digmaan ay nagsilikas
at sapilitang iniwan ang kanilang lugar upang makaiwas sa pinsala at gulo. Pumunta
ang mga biktima sa kanilang mga kalapit lugar at mga kapamilya at doon manirahan.
Maroong pumirmi na sa kanilang nilipatan iyong iba naman ay bumalik sa kanilang
lugar sa kabila ng pangamba. Bahagi rin ng mga migrante ang refugee na lumikas
sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at
gutom sanhi ng kalamidad. Sa ganitong sitwasyon mahihirapan ang gobyernong
kontrolin kung ang hanap ng tao ay pantawid gutom at buhay.

Isulat sa kalahating papel ang iyong kasagutan sa mga tanong sa ibaba.


1. Ano ang implikasyon ng mas malaking bilang ng lalaking OFW’s kay sa mga
babaeng OFW’s?

2. Paano matutugunan ang mga problemang kinakaharap ng pamilyang naiiwan ng


magulang?

3. Kailangan bang kontrolin ang bilang ng mga taong gustong manirahan sa isang
lugar? Bakit?
Isaisip 8

Ang tao ay naninirahan sa isang lugar kapag siya ay nakaramdam ng


pagiging komportable sa buhay. Klima at panahon ay mga kalagayang
pangkapaligiran ay isa din sa dahilan kung bakit may nagaganap na migrasyon.
Halimbawa na lamang ang ang mga lugar na biktima ng landslide o bagyo.
Kinakailangan ng tao ang lumikas upang maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na
kanilang pupuntahan tataas ang bilang ng populasyon. Maaring hindi na babalik ang
iba dahil nakakuha na nang magandang pagkakaitaan o tirahan. Hindi kontrolado ng
gobyerno ang bilang ng taong gustong manirahan sa isang lugar kaya’t sisiksikan sa
lungsod o syudad naninirahan.

Panuto: Sa sitwasyon sa ibaba, basahing mabuti at magdesisyon kung ano ang


dapat at tamang gawin. Isulat ito sa isang buong papel.

Ang lungsod ng Kalilangan ay malawak at progresibo. Sagana ito sa yamang


lupa kung saan makikita ang mga bukirin na puno ng pananim at magandang
tanawin ang mga sakahan ng palay. Matiwasay at tahimik ang lugar ngunit
nagkaroon ng krisis ang lugar sanhi ng pandemic na COVID-19. Maraming gustong
lumikas na galing sa siyudad na karatig sa nasabing lugar at doon pansamantalang
manirahan hanggat hindi pa natatapos ang pandemiya. Kung ikaw ang alkalde sa
lungsod, paano mo tugunan ang mga sitwasyong kinakaharap at maging sanhi ng
pagtaas ng populasyon sa iyong nasasakupan? Ipaliwanag kung bakit iyon ang
naging desisyon.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang bawat kahon sa Synthesis Journal.


Synthesis Jornal

Ano Ang Aking Ano ang Aking Mga Paano ko to


Ginawa? Natutuhan? Magagamit
Tayahin 9

Ating alamin ang lawak ng iyong nalalaman sa paksa ng modyul na ito sa


pamamagitan ng pagsagot sa Pre-test. Pindutin mo lamang ang letra ng iyong sagot
at kailangan mong sagutan ang lahat ng aytem. Pagkatapos ng iyong pagsagot ay
malalaman mo na agad ang iyong nakuha. Pakatandaan ang mga aytem na hindi
mo nasagot ng tama sapagkat mahahanap ang kasagutan nito habang
pinagpapatuloy mo ang modyul na ito.

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang


kanilang pinanggalingan.
A. Tama, nakakatulong.
B. Mali, dahil ‘di lahat sumasahod
C. Hindi , dahil wala silang pakialam
D. Minsan,kung magbibigay sila

_____2. Ang paghahanap ng ligtas na tirahan dulot ng kalamidad o terorismo ay


isa sa mga dahilan ng migrasyon.
A. Tama
B. Mali
C. Minsan
D. Hindi gaano

_____3. Bahagi rin ng mga migrante ang _____na lumikas sa kanilang sariling
bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan at gutom sanhi
ng kalamidad.
A. Politika
B. Sosyal
C. Refugee
D. OFW

_____4. Isa sa mga sanhi o dahilan ng politikal na migrasyon kung saan ang mga
tao ay lumilisan sa kanilang lugar upang maghanap ng ligtas na tirahan.
A. Kalamidad
B. Kasal
C. Eleksyon
D. Pista

_____5. Dahilan ng migrasyon na kinakailangan ng tao ang lumikas upang


maiwasan ang kalamidad. Sa lugar na kanilang pupuntahan tataas ang
bilang ng populasyon. Maaring hindi na babalik ang iba dahil nakakuha na
ng magandang pagkakakitaan o tirahan.
A. Heograpikal
B. Sosyolohikal

C. Kritikal 10
D. Politikal

_____6. Nagpanukala ng tamang edad ng mga babaing manggagawa at


pagbabawal sa pagpasok ng mga domestic workers. Ito ay upang
maiwasan ang mga walang sapat na papeles upang magtrabaho na
laganap sa ibat ibang panig ng mundo.
A. OFW
B. Land-based workers
C. Migrant
D. Undocumented migrants

_____7. Tawag ng mga Pilipinong nangingibang-bansa upang magtrabaho at


makatulong sa ekonomiya ng pamilya maging sa bansang kanyang
pinanggalingan.
A. Domestic workers
B. Overseas Filipino Worker
C. Factory Worker
D. Construction worker

_____8. Ahensiya na nangangalaga ng mga Overseas Filipino Worker saan mang


panig ng mundo.
A. OWWA
B. PSA
C. DILG
D. DSWD

_____9. Ang Syria sa pangkasalukuyan ay nagkakaroon ng digmaang sibil na


siyang dahilan kung bakit umaalis ang mga mamamayan at naiiipit sila doon
lalo na ang mga nandarayuhan doon. Nagkakaroon ng forced evacuation
ang mga dayuhang nagtratrabaho sa mga lugar kung saan mainit ang
labanan. Kung ikaw ang kinatawan ng bansa, paano ka makatutulong sa
mga sibilyan at mga taong nandarayuhan?
A.Hayaan lamang ang mga bansa ng mga mamayang ito na mag-ayos ng
kanilang problema.
B. Makipag-ugnayan sa mga bansang kasangkot at gumawa ng plano tulad
ng pagpapadala ng peacekeepers.
C. Magpadala ng mga mandirigma upang pababain sa pwesto si Pres. Assad.
D. Awayin ang mga sibilyan sa kanilang kapabayaan.

_____10. Paano nakatutulong ang globalisasyon sanhi ng migrasyon sa pag-unlad


ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng
bansa dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa
pinagmulang bansa.
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa
pinagmulang bansa
D. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.

_____11. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang higit na makakatulong sa


Pilipinas upang makasabay sa mga 11 hamon ng globalisasyon?
A. Kailangang pasimulan ang rebelyon sa imperyalistang globalisasyon at
mga dikta ng IMF-WB/WTO dahil kapag nanatili sunud-sunuran, lulubog at
lulubog din sa krisis ang bansa.
B. Kailangan ng patakaran sa industriyalisasyon ng ekonomiya upang
mabawasan ang brain drain ng mga Pilipino at magkaroon modernisasyon
ng agrikultura upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
Pilipino at makapagluwas ito ng mga kalakal sa ibang bansa.
C. Pigilan ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas upang walang maging
kaagaw ang mga Pilipino sa mga oportunidad sa ating bansa.
D. Kailangang isulong ang patriotismo at nasyonalismo ng mga Pilipino upang
mapigilan ang brain drain ng mga Pilipino.

_____12. Ang globalisasyon ay laganap na sa kasalukuyang panahon. Ano nga ba


ang konsepto ng globalisasyon?
A. Ang globalisasyon ay daigdig na walang pagitan o hadlang sa mga bansa
sa daigdig.
B. Ang globalisasyon ay isang suliraning panlipunan na pumipigil sa
kaunlaran ng mga bansa sa daigdig.
C. Ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan na tumatalakay sa
pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran,
komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig.
D. Ang globalisasyon ay bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan
ng produkto, impormasyon at tao dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa
komunikasyon at transportasyon.

_____13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng


migrasyon?
A. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng kawalan ng trabaho sa
pamayanan.
B. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng mas magandang oportunidad
sa ibang bansa.
C. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng pagkawasak ng pamilya.
D. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng digmaang sibil.

_____14. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakamainam na solusyon


upang malutas o maiwasan ang transnational crimes ng mga bansa sa
buong mundo?
A. Gumawa ng sariling polisiya sa migrasyon upang maiwasan ang
terorismo.
B. Maglaan ng pondo pansuporta sa mga nagsusulong ng transnational
crimes.
C. Makipagpalitan ng kaalaman at intelligence report sa ibang bansa upang
maisulong ang seguridad ng rehiyon.
D. Isara ang bansa sa mga dayuhan upang masigurong walang terorista.
______15. Ayon sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration) ngayon
12 mga Pilipino na umaalis ng bansa sa
ay tinatayang 2,000 araw araw ang
pamamagitan ng 1600 opisyal na ahensiya sa emigration, at bawat taon
ay umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang nagtutungo ng ibang bansa. Ano
ang maaaring hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
A. Gumawa ng mga polisiyang proprotekta sa mga manggagawang Pilipino
sa ibayong dagat.
B. Tanggapin nang malugod ang mga donasyong ibinibigay ng mga OFW at
OCW sa mga nasalanta ng kalamidad.
C. Maging mahigpit sa mga remittances ng mga Pilipino.
D. Hayaan silang pagmalupitan at makulong sa ibang bansa.
Arali
Epekto ng Migrasyon sa
n
Pangkabuhayan
3

Alamin

Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para sa pangkaisipan. Ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan ng migrasyon .
Ang saklaw ng modyul na ito ay naipaliliwanag at nasusuri ang mga dahilan ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon. Sa araling ito ikaw ay magsusuri at maisa-isa
ang mga dahilan na dulot ng migrasyon. Ihanda ang iyong sarili upang higit pang
mapagtibay ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito. Gamitin ang iyong mga
natutuhan sa bahagi ng Suriin upang maisagawa ng maayos ang mga gawain sa
susunod na bahagi ng modyul, ang Pagyamanin at Isagawa.

Aralin 3 –Epekto ng Migrasyon sa Pangkabuhayan

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

1. Nasusuri ang mga epekto ng migrasyon na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao,


2. Natutukoy ang mga mabuti at masamang epektong dulot ng migrasyon na dulot
ng globalisasyon
3. Naiuugnay ang iba’t ibang epekto ng globalisasyon sa migrasyon bilang isyung
panlipunan,
4. Nagkakaroon ng kamalayan sa sitwasyon ng mga OFW sa ibang bansa.

Subukin

Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang wastong sagot na angkop sa
bawat pagganap. Isulat ang titik sa nakalaang ispasyo bago ang bilang.

A. Kahirapan E. Pagtangkilik
B. Alternative Learning System F. Diploma
C. Remittances G. Globalisasyon
D. Pamilya H. New Family Code
E.1994 I. TESDA

_____1. Sa ating kultura, ang _________ ang siyang institusyon na naghuhubog sa


mga mamamayan ng lipunan, ang dapat mangalaga at magbigay ng
proteksiyon sa kaniyang mga miyembro.

_____2. Isa sa mga pangyayaring lubusang


1 nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan ay ang __________________.

_____3. Ang mga kabataan ay nagkakaroon ng masidhing __________sa


produktong dayuhan kaya nakakaligtaan ang ating mga sariling produkto.

_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng Pilipinas


sa pamamagitan ng _______.

_____5. Isa sa mga nagiging epekto ng migrasyon sa katatagan at pangkultural


na pananaw natin sa pamilyang Pilipino.

_____6. Sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos nabuo ang ahensiyang ito upang
iangat ang antas ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat
manggagawang Pilipino.

_____7. Ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa formal school


paaralan ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of Education na
makapag-aral sa pamamagitan ng _______________.

_____8.Ano ang makukuha o matatangap ng studyante sa ALS kapag siya ay


nakapasa sa A&E test?

_____9. Pinagtibay ng __________ ang pamilya ang siyang institusyon na


naghuhubog sa mga mamamayan ng lipunan.

_____10.Kailan itinatag ang ahensiyang tumutulong sa paghubog ng kasanayan ng


mga manggagawang ng Pilipino o TESDA?

Balikan

Bago mo umpisahan ang panibagong aralin, balikan muna na natin ang mga
epektong dulot ng globalisasyon sa migrasyon sa aspetong pampolitika.
1. Anong batas ng Pilipinas ang naging proteksiyon ng mga manggagawang Pinoy
sa ibang bansa?
2. Anong ahensiya ang nangangalaga sa mga Overseas Filipino Worker?
3. Sino ang tinatawag na undocumented workers?
Tuklasin

Sa pagdami ng umaalis, mas maraming pumapasok na salapi at nagkaroon


ng matatag na pamumuhay. Ang perang pinapadala ng mga OFW’s ay ang
pinakamalaking pakinabang sa bansa sa pandarayuhan. Dahil sa pera, naragdagan
ang kinikita ng pamilya at tumaas ang antas2 ng kanilang pamumuhay at nabawasan
ang kahirapan. Natutugunan ang pangangailanagn at nagbuo ng samahan na
nagbibigay tulong sa bansa. Maraming dulot ang migrasyon isa na dito ang
pangkabuhayan ng mamamayang Pilipino. Ang pagkakaroon ng trabaho ay sapat
upang nakatulong sa sarili, pamilya, kaibigan at sa bansa. Huwag ugaliin ang umasa
sa iba tiyak na giginhawa.
Panuto: Basahin ang salawikain na galing kay Adam Smith at ipaliwanag kung ano
ang ibig sabihin nito.

“ Labor was the first price, the original


purchase-money that we paid for all
things. It was not by gold or by silver, but
by labor, that all wealth of the word, was
originally purchased”

Suriin

Hanapin at panoorin ang weblink na ito https://www.youtube.com/watch?v=fBdDEAV5rF8


upang mapanood at masusuri ang epektong dulot ng migrasyon sa bansa. Mabuti
nga ba ang migrasyon? Paano ito nakakaapekto sa mga bansang nilisan at bansang
pinuntahan?
Mga solusyon sa unemployed

TESDA
Ito ay unang naitatag bilang batas ng dating Pangulo na si Ginoong Fidel V.
Ramos ng ika-Agosto 25, 1994. Ang pagsasama-sama ng National Youth Council
(NMYC), Department of Labor and Development (DOLE), TheBureau of Technical
and Vocational Education (BTVE) Department of Education, Culture and Sports
(DECS), Bureau of Local Employment (BLE)ang nagbigay daan upang mabuo ang
TESDA. Ang batas na ito ay may layunin na paigtingin ang partisipasyon at
pagtutulungan ng pamahalaan, industriya, teknikal, bokasyonal at pribadong sektor
para iangat ang antas ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat
manggagawang Pilipino.

Alternative Learning System


Sa Pilipinas, ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa paaralan
ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of Education. Ikaw ay magsasanay sa
loob ng 10 buwan o maaring higit pa at pagkatapos nito ay bibigyan ka ng
³Accreditation & Equivalency Test´. Dito3 malalaman kung ang iyong natutunan ay
katumbas ba ng diploma sa mababa o mataas na paaralan. Sa mga edad na 12
pababa, ito ay katumbas ng diploma para sa elementarya at sa edad 15-16 naman,
ito ay katumbas ng diploma para sa hayskul. Ang pagkuha ng Alternative Learning
System ay may dalawang paraan. Sa pamamagitan ng modules o sa pamamagitan
ng internet. Isa sa kilalang personalidad na nakinabang dito ay ang tanyag na
boksingerong si Manny Pacquiao. Siya ay nakatapos lamang ng unang antas ng
hayskul at kumuha ng ALS at nakamit ang diploma para sa hayskul na nagbigay
daan sa kanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. 60% sa mga walang
trabaho na aking na nasiyasat ay nagsabi na ang di nila pagtatapos ng pag-aaral
naging dahilan kung kayat wala silang mahanap na maayos na trabaho. 40% naman
ang nagsabi na hindi angkop ang kurso nila sa mga trabahong maaari nilang
pasukan.
Puntahan ang website na ito, https://www.youtube.com/watch?v=hXMgA1l8j4Y "
Kagyat at Pangmatagalang Solusyon sa Krisis sa Trabaho" upang mapanood ang
video. Mula sa mga datos at impormasyon na nagmula sa iba’t ibang pinagkunan,
iyong timbangin ang implikasyon ng mga desisyong mungkahi ng ating pamahalaan
o organisasyon na may kakayahan na magbigay solusyon sa suliranin sa paggawa.

Pagyamanin

Hindi maikakaila ang mga nagiging epekto ng migrasyon sa katatagan at


pangkultural na pananaw natin sa pamilyang Pilipino. At ito ay dulot ng kahirapan,
mababang sweldo, at kakulangan ng trabaho na siyang patuloy na dahilan upang
mangibang bansa ang mga Pilipino. Sa ating kultura, ang pamilya ang siyang
institusyon na naghuhubog sa mga mamamayan ng lipunan, ang dapat mangalaga
at magbigay ng proteksiyon sa kaniyang mga miyembro. Ito ay pinagtibay ng The
New Family Code (Executive Order No. 209 as amended by Executive Order no.
227) “The Family, being the Foundation of the nation, is a basic social institution
which public policy cherishes and protect.” At ito ay dapat matugunan ng lipunan sa
bawat pamilyang Pilipino. Sa kasalukuyang makabagong panahon, unti-unting
nagbabago ang pananaw ng mga Pilipino sa ganitong konsepto ng pagpapamilya
dahil na rin sa mga ibang epekto na dulot ng migrasyon.

Ang pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay sa


kabila ng patuloy na pagtugon sa mga gastusing pampamilya, ang mga anak na
naiiwan ay masyadong nahihikayat sa mga materyal na bagay dala ng mas maluwag
na pagtatamasa sa mga naipapadala ng magulang. Ang mga kabataan ay
nagkakaroon ng masidhing pagtangkilik sa produktong dayuhan kaya nakakaligtaan
ang ating mga sariling produkto. At ang patuloy na pagbabalik at paghahangad na
makapagtrabaho sa ibang lugar ay dahilan na hindi makapagserbisyo sa kapwa
mamamayan at sa sariling bayan ang ilan sa mga Pilipino. Ang mga ito ay ilan sa
mga pagbabago ng kamalayan sa pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay
ng pamilyang Pilipino.

Basahin ang nasa loob ng kahon at gumawa ng tula patungkol sa mga OFW,
magulang na nagpakalayo at nagtratrabaho alang-alang sa kanilang pamilya.
Maging malikhain sa paggawa nito.
Si Leonil, 20 anyos ay drop-out sa high school noong siya ay nag-aaral.
4
Naghihintay lang siya ng padalang pera ng kaniyang ina na nasa Italy.
Ginagastos niya ang perang padala sa sugal, alak, at babae. Naging pabaya
siya sa pag-aaral at sa buhay niya. Sa kasalukuyan ay inaayos niya ang
kaniyang buhay at nag-aaral sa isa sa unibersidad sa Batangas. Subalit,
nasayang na niya ang napakaraming lumipas na taon at perang nilustay,
nasayang saIsaisip
kabila ng pagsasakripisyo ng kaniyang mga magulang. Hango sa
totoong buhay, (The Plight of Children of OFWs’, Gina Melgar at Rene
Borromeo, 2008).

Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan,
panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang
manipestasyong ito. Paano nito binago ang ating pamumuhay? Nakikita mo ba ang
iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang bansa? Nakabuti ba
ang pangingibang-bayan sa kabila ng pagtitiis na mapalayo sa mga mahal sa
buhay? Ito ang mga katanungan na dapat isaalang –alang dahil karamihan ang
pagsasakripisyo ay nauuwi sa wala at pagsisi. Kung mayroon mang kakayahan na
magagamit upang pagkakakitaan mas mainam itong palaguin at gamitin ng sa
ganoon ay kikita at giginhawa ang buong pamilya sa tabi ng bawat isa. Solusyunan
ang kahirapan, Trabaho ang kailangan upang ang mamamayan ay hindi na
mangingibang bayan.

Isagawa

Maraming dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga manggagawang


Pilipino. Ito ay may mabuti at di mabuting dulot sa pamilyang Pilipino at maging sa
isang ekonomiya ng bansa. Kung ikaw ay anak ng isang manggagawa, alin ang
pipiliin mo? Manatili sa bansa o mangibang bansa ang mga propesyonal mong mga
magulang?
Ang inyong pangkat ay hahatiin sa dalawang panig at magpahiwatig ng
inyong saloobin, paniniwala o pananaw tungkol sa isyu sa pamamagitan ng isang
debate on –line.
Pumunta sa website sa ibaba at sundin ang panuto.
www.CreateDebate.com
1. Mag log-in o magpa miyembro sa www.createdebate .com
2. Hintayin na ang ipinasok na title at positions ng guro ay maging Public na.
3. Kapag miyembro na ay maaaring mag post ng mga arguments o saloobin tungkol
sa panig na napili ayon sa pagkakahati ng grupo.
4. Inaasahan na ang sumasali ay nag-oobserba ng tamang ettekita sa paglalagay ng
mga post sa debate forum.
5. Gumamit lamang ng tamang pagkakakilanlan sa debate forum upang mabigyan
ng pansin ang mga mag-aaral na sumali sa online-debate.

5
Tayahin

Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang wastong sagot na angkop sa
bawat pagganap. Isulat ang titik sa nakalaang ispasyo bago ang bilang.

A. Kahirapan E. Pagtangkilik
B. Alternative Learning System F. Diploma
C. Remittances G. Globalisasyon
D. Pamilya H. New Family Code
E.1994 I. TESDA

_____1. Sa ating kultura, ang _________ ang siyang institusyon na naghuhubog sa


mga mamamayan ng lipunan, ang dapat mangalaga at magbigay ng
proteksiyon sa kaniyang mga miyembro.

_____2. Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan ay ang __________________.

_____3. Ang mga kabataan ay nagkakaroon ng masidhing __________sa


produktong dayuhan kaya nakakaligtaan ang ating mga sariling produkto.

_____4. Ang mga OFW ay tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng Pilipinas


sa pamamagitan ng _______.

_____5. Isa sa mga nagiging epekto ng migrasyon sa katatagan at pangkultural


na pananaw natin sa pamilyang Pilipino.

_____6. Sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos nabuo ang ahensiyang ito upang
iangat ang antas ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat
manggagawang Pilipino.

_____7. Ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa formal school


paaralan ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of Education na
makapag-aral sa pamamagitan ng _______________.

_____8.Ano ang makukuha o matatangap ng studyante sa ALS kapag siya ay


nakapasa sa A&E test?

_____9. Pinagtibay ng __________ ang pamilya ang siyang institusyon na


naghuhubog sa mga mamamayan ng lipunan.

_____10.Kailan itinatag ang ahensiyang tumutulong sa paghubog ng kasanayan ng


mga manggagawang ng Pilipino o TESDA?

Susi sa Pagwawasto

Epekto ng Migrasyon sa Epekto ng Migrasyon sa


Aspektong Panlipunan Aspektong Politikal

Epekto ng Migrasyon sa
Aspektong Pangkabuhayan
TAYAHIN/SUBUKIN
1.D
2.G
3.E
4.C
5.A
6.I
7.B
8.F
9.H
10.E

7
Sanggunian

Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson
Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga
Kontemporaryong isyu, Binagong Edition
Learners Manual, Mga Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10
http//.google.com
TAYAHIN
/SUBUKI
N
1.D

You might also like