You are on page 1of 23

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Anyo ng Globalisasyon at Pagharap
sa Hamon ng Globalisasyon
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:


 Leksyon 1 – Anyo ng Globalisasyon
 Leksyon 2 – Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang;


1. natutukoy ang mga anyo ng globalisasyon;
2. nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao at sa lipunan; at
3. naipaliliwanag ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng iyong kasagutan Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay anyo ng globalisasyon maliban sa


a. ekonomiko c. sosyo-kultural
b. sikolohikal d. teknolohikal

2. Alin sa mga sumusunod ang positibong implikasyon ng paglitaw ng multinational


companies at transnational companies?
a. bumababa ang presyo ng produkto
b. pagsasara ng mga lokal na industriya
c. pagkalugi ng lokal na namumuhunan
d. pag-unlad ng mayamang bansa

3. Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon


a. ekonomiko c. sosyo-kultural
b. OFW d. teknolohikal

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi negatibong implikasyon ng paghahanap-


buhay ng mga OFW sa ibang bansa?
a. brain drain c. nagpapasok ng dolyar sa bansa
b. brawn drain d. pagkaubos ng propesyunal

5. Anyo ng globalisayon na tumutukoy sa pagbabago sa mabilis na paggamit ng


makabagong teknolohiya
a. ekonomiko c. sosyo-kultural
b. politikal d. teknolohikal

6. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng globalisasyong teknolohikal?


a. intellectual dishonesty
b. laging nasa uso ang gamit
c. mabilis ang pagkuha ng impormasyon
d. online shopping

7. Mabilis na ugnayan sa pagitan ng mga bansa at kinatawan ng pamahalaan


a. globalisasyong ekonomiko
b. globalisasyong politikal
c. globalisasyong sosyo- kultural
d. globalisasyong teknolohikal

8. Anong rehiyon sa Asya ang kadalasang pinupuntahan ng mga OFW para


maghanapbuhay.
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya

2
9. Anong rehiyon sa Asya ang bumubuo sa organisasyong ASEAN?
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya
10. Kung ang Brain Drain ay tumutukoy sa mga propesyunal na manggagawa,
kanino naman tumutukoy ang Brawn Drain?
a. domestic workers c. skilled workers
b. construction workers d. overseas workers

11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkuha ng mga produkto at


serbisyo sa kalapit na bansa?
a. inshoring c. offshoring
b. outshoring d. nearshoring

12. Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng globalisasyong teknolohikal


maliban sa_____________
a. computer virus c. online shopping
b. cyber crime d. pagkalat ng fake news

13. Tumutukoy ito sa pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa


isa pang kompanya sa ilalim ng isang kontrata.
a. near-shoring c. onshoring
b. offshoring d. outsourcing

14. Tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa mga lokal na namumuhunan


a. kota c. subsidiya
b. pagpapautang d. taripa

15. Sa panahon ng kanyang panunungkulan nagsimula ang pangingibang bayan ng


mga Pilipino.
a. Carlos Garcia c. Fidel Ramos
b. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin

1 Anyo ng Globalisasyon

Binago at patuloy na binabago ng globalisasyon ang buhay ng tao.


Nakakaapekto ito sa aspektong ekonomikal, sosyo-kultural at politikal na buhay ng
tao. Mayroon itong postibo at negatibong epekto sa ating pamumuhay. Halina at pag-
aralan natin upang maintindihan pang lubusan ang globalisasyon.

Balikan

GLOBALIZATION CHEKLIST, IBIGAY MO

Upang matiyak kung natutuhan at naunawaan mo ang nakalipas na aralin,


narito ang isang gawain na susubok sa iyong kakayahan.Isulat ang hinihingi sa
loob ng tseklist. Magbigay ng limang perspektibo o pananaw ukol sa
globalisasyon.Isulat ang iyong sagot sa activity sheet.

Globalization Checklist
1.

2.

3.

4.

5.

Kung ang inilista mong sagot ay ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa


bawat isa, ito ay mahabang siklo ng pagbabago, ito ay may anim na wave o panahon,
ang simula nito ay mauugat sa pangyayaring naganap sa kasaysayan, at ito ay
penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo . Mahusay! sapagkat tunay
ngang naunawaan mo ang nakalipas na pinag-aralan at handa ka nang unawain
ang susunod na paksang aralin.Halina’t simulan muna.

4
Tuklasin

NAUNAWAAN MO, ISULAT MO.


Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa susunod na pahina. Sagutan ang
pamprosesong tanong sa iyong activity sheet.

Si Maria ay isang batang masayahin lagi lang siyang nasa loob ng bahay
bilang pagsunod o pagtalima sa utos na quarantine protocol ng pamahalaan.
Hindi man siya makalabas ng bahay ay masaya naman siya. Gamit ang kanyang
cellphone ay nakakapaglaro siya, nakakausap niya ang kaniyang mga mahal sa
buhay at mga kaibigan . Nalilibang niya ang kanyang sarili sa panunuod sa
kanilang smart TV ng mga palabas mula sa Netflix kung saan nakikita niya ang
kaniyang idolong artista. Kung siya naman ay nagugutom ay nag-oorder siya sa
sa fast food gamit ang isang delivery application. Sa pamimili naman ng mga
pangangailangan sa bahay, hindi na nila kailangang lumabas dahil gamit ang
kanyang touch screen na laptop ay nag-oonline shopping sila ng kanyang
nanay. Tunay na nabago ang sistema ng pamumuhay ni Maria dulot ng
globalisasyon.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang napansin mo sa mga gamit ni Maria?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano siya naiimpluwensiyahan ng mga ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ganito ka rin ba? Paano mo ginawang kapaki-pakinabang ang iyong oras sa
panahon ng quarantine?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo sa mga tanong ay makabago, nasa uso at napapanahon


ang mga gamit ni Maria at malaki ang nagiging impluwensiya nito sa kanyang buhay
dahil nakakatulong ito upang magkaroon siya mabilis na komunikasyon, nalalaman
niya ang kultura ng ibang bansa na minsan ay nagagaya niya at mabilis niyang
nabibili ang kaniyang pangangailangan ay binabati kita sapagkat may kahandaan
ka ng matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka!

5
Suriin

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig.(Ritzer,2011)

Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan. Ito ay ekonomiko,


teknolohikal, sosyo-kultural at politikal, samantalang ang Overseas Filipino Worker
(OFW) ay itinuturing na buhay na manipestasyon nito.

Anyo ng
Globalisasyon

Ekonomiko Teknolohikal Sosyo-Kultural Poltikal

Globalisasyong Ekonomiko

Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga


bansa sa daigdig. Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at
transnational companies na naging dahilan ng paglitaw ng maraming produkto at
serbisyo.

a. Multinational companies – kompanyang namumuhunan sa ibang bansa.


Layunin nito na palawigin ang kalakalan upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan ng konsyumer maging lokal man o international. Ang
mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay hindi pangangailangang lokal.
Halimbawa: Coca Cola, Toyota Motor, McDonald’s, Unilever, Starbucks,
Seven-Eleven

6
b. Transnational companies – mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa
ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang
lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT
consulting at iba pang kauri nito. Halimbawa: Shell, Accenture, Glaxo-
Smith Klein at TELUS International Phils.

Ipinakilala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong


ginagamit natin sa ating pamumuhay.

Pangkaraniwan ang mga korporasyon at kompanyang ito ay pag-aari ng lokal


at dayuhang namumuhunan na may malaking puhunan na matatagpuan sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Ayon sa datos ng International Monetary Fund ang ilan sa
multinational companies at transnational companies ay mataas ang kinikita sa
Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa.

Batay sa artikulong Top Filipino firms building Asean empires na nailathala


ng Philippine Daily Inquirer noong Pebrero 9, 2017 ang ilan sa mga multinational
companies at transnational companies tulad ng Jollibee, Unilab, San Miguel
Corporation na matatagpuan sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga
Pilipino.

Sinasaad sa artikulo ni John Magun hindi lamang sa Timog Silangang Asya


matatagpuan ang mga korporasyong pag-aari ng mga Pilipino maging sa bansang
China ay itinayo rin ang mga sumusunod na korporasyong Pilipino SM, PNB, Metro
Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation at ito ay mababasa sa pahayagang
Business Mirror na nailathala noong Marso 9, 2017.

Positibo at negatibong epekto ng pagdami ng multinational at transnational


corporations:
a. Pagdami ng produkto at serbisyo na mapagpipilian ng mga mamimili na
naging dahilan upang bumaba ang presyo nito
b. Nagkakaloob ng hanapbuhay
c. Pagkalugi ng lokal na namumuhunan dahil sa hindi patas na kompetisyon
d. Pagsasara ng mga lokal na namumuhunan
e. Higit na paglakas at pagyaman ng multinational companies at transnational
companies

Outsourcing
 Ang outsourcing ay ginagamit ng
Outsourcing
malalaking pribadong kompanya.
 Pagbili ng serbisyo ng isang
kompanya mula sa isang Batay sa
Batay sa layo
kompanya na may bayad serbisyong
at distansya
Halimbawa: Ang paniningil ng mga ibinibigay
institusyong pinansiyal
sa mga credit card holder imbes na sila ang direkta na maningil
ina-outsource nila ito sa ibang kompanya.

7
Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa Serbisyong Ibinibigay

1. BPO (Business Process Outsourcing)- ay isang pamamaraan ng


pangongontrata sa isang kompanya para sa iba’t ibang operasyon ng
pagnenegosyo. Halimbawa: Accenture Inc., Telephilippines Inc., Coca-Cola Far
East Ltd, Convergys Philippines services Corp. at iba pa.
2. KPO (Knowledge Process Outsourcing)-sumasaklaw sa pagkuha ng mga
serbisyong teknikal na kailangan ng isang kompanya tulad ng pagsusuri sa
mahahalagang impormasyon, mga usaping legal at pananaliksik.

Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at Distansya

1. Offshoring – pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa


ibang bansa na may mas mababang kabayaran. May mga outsourcing na
kompanya mula sa United States at mga bansa sa Europa na kumukuha ng
serbisyo sa mga bansang Asyano upang makatipid. Ang mga halimbawa nito
ay ang pagbebenta ng produkto at serbisyo at paniningil ng bayad sa nagamit
na serbisyo. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng produkto
at serbisyo, paninigil sa bayad sa nagamit na serbisyo halimbawa ay
paniningil sa serbisyo ng internet, pagkuha ng impormasyon ng mga
namumuhunan sa mga mamimili.

2. Nearshoring- pagbili ng produkto at serbisyo mula sa kompanya sa isang


kalapit na bansa

3. Onshoring – pagbili ng produkto o serbisyo sa isang kompanya sa loob ng


bansa

Sa kasalukuyang panahon, sa Pilipinas pangkaraniwan sa mga kompanya ay


offshore outsourcing, halimbawa nito ay ang paglitaw ng maraming call center
company na ang nagmamay-ari ay mga dayuhan mula sa United States, United
Kingdom at Australia.Sapagkat mataas ang pasahod sa mga call centers ito ang
dahilan kung kaya’t maraming graduates ang dito ay nagtatrabaho.

Sa top 100 outsourcing destinations for 2016, ang Maynila ay pangalawa sa


mga siyudad sa buong mundo na destinasyon ng BPO batay ito sa Tholons. Mula sa
indutriya ng outsourcing tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Ito ang nagsilbing
pangalawa sa pinagkukuhanan ng dolyar ng ating bansa, malamang na malagpasan
pa nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW batay sa Information Technology and
Business Process Association of the Philippines (IBPAP)

Nakatulong din ito upang magkaroon ng karagdagang kita ang maraming


Pilipino na nagbunsod sa pagkakaroon ng surplus na budget na inilagak sa
institusyong pinansiyal bilang ipon.

8
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon

Sila ang mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho at nangingibang


bayan upang maghanapbuhay. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino ay
nagtutungo sa Timog Kanlurang Asya partikular sa mga bansang Qatar, Saudi
Arabia, at United Arab Emirates, Silangang Asya tulad ng Taiwan, Hongkong, South
Korea, China at Japan. Marami ding Overseas Filipino Worker (OFW) ang
nakikipagsapalaran upang maghanapbuhay sa kontinente ng Europa at America
partikular sa bansang Canada at United States .

Nagsimula ang pagtungo ng mga OFW sa ibang bansa sa panahon ng


administrasyon ni dating pangulo Ferdinand Marcos. Ang pangingibang bayan ng
mga OFW upang maghanapbuhay ay nagdudulot ng implikasyon kung saan marami
ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar, nababawasan ang bilang ng
mga propesyunal (Brain Drain na manggagawa) at skilled workers (Brawn Drain)
ng ating bansa.

Globalisasyong Teknolohikal

Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na


nagreresulta ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang
mapagaan at mapabilis ang mga gawain.

Ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ay pinasimulan ng


maunlad na bansa hanggang sa ito ay tinangkilik gamitin ng buong mundo dahil sa
kahagahan na naipagkakaloob nito.

9
Batay kay Dr. Pertierra ang cellphone ay nagsisilbing ekstensyon ng buhay ng
tao, ibig sabihin bahagi na ng buhay ng tao ang cellphone dahil ito ang kagamitan
na pangunahing gamit natin sa mabilis na pakikipagkomunikasyon. Malaki ang
hatid na pagbabago sa atin sa paggamit ng computer at internet sapagkat ito ay
nagiging kaagapay ng ibat’ ibang uri ng serbisyo tulad ng email. Maging ang pag-a-
aply sa trabaho ay naisasagawa na rin online, madali na rin ang pag-alam sa resulta
ng pagsusulit sa kolehiyo, maging pagkuha ng impormasyon at balita ay mabilis na
rin dahil sa tulong ng paggamit ng internet gayundin ang pagbili ng produkto.

Bunga ng paggamit sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter,


Instagram at MySpace ay naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa isang paksa.
Ang mga netizen ay lubos na nakikibahagi sa usaping nakakaapekto sa kanya.
Netizen ang tawag sa mga taong tumatangkilik sa mga social networking site bilang
paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Nalaman natin ang mabuting hatid ng
globalisasyong teknolohikal sa ating buhay subalit sa kabila nito mayroon din itong
negatibong epekto tulad ng pagkalat ng iba’t ibang viruses at spam, intellectual
dishonesty kung saan nakokopya ang mga impormasyon, pagkalat ng maling
impormasyon, at ang paggamit ng mga terorista sa internet bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan.

Globalisasyong Sosyo-kultural

Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi


lamang sa produkto at serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na
nagreresulta ng pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.

Ang impluwensiyang ito ng ibang bansa ay makikita natin sa pananamit,


pagsasalita, at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino. Ang impluwensya
ng bansang Amerika ay nagdudulot upang maging liberal ang kaisipan ng ibang
bansa gaya ng Pilipinas.

Epekto ng Globalisasyong Sosyo-Kultural

Positibong Epekto Negatibong Epekto

Unti-unting nawawala ang


Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pagkakakilanlan at kultura ng bansa
bansa. dahil sa impluwensya ng kultura ng
ibang bansa.

Globalisasyong Politikal

Paglawak ng pandaigdigang samahang politikal, maging ito man ay sa pagitan


ng mga bansa, rehiyunal o pang-internasyunal. Nagkakaroon ng epektibong
ugnayan ang bawat bansa na nagreresulta ng mabilis na kalakalan, paglaganap ng
ideya at kalagayang teknikal at migrasyon dahil sa kasunduang bilateral at
multilateral.

10
Ang maayos na ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea,
Thailand, US at iba pang bansa ay nakatulong upang magkaroon ng opurtunidad
ang ating bansa sa pang-ekonomiko at pangkultural. Ang mga bansang miyembro
ng ASEAN sa Timog Silangang Asya ay mas solido ang ugnayan kaya ito ang dahilan
ng pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.

Tinutukoy din sa globalisasyong politikal ang papel ng pandaigdigang


institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Batay sa The Reality of Global ni Prof.
Randy David ang mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations,
European Union, Amnesty International ay lumalahok sa mga polisiya at programa
na kinahaharap ng bansa.

Positibong Epekto Negatibong Epekto


1. Nagkakaroon ng pagtutulungan 1. Mas lalong napaiiral ang
ang mga bansa dahil sa pagtatag kapangyarihan ng maunlad na
ng samahan. bansa sa mahirap na bansa.

2. Bumibilis ang transaksyong 2. Sagabal sa pag-unlad ng bansa


gobyerno ng bawat bansa. kung sariling interes ang
bibigyang-pansin.

Pagyamanin

A. Anyo Ng Globalisasyon, Isa-Isahin Mo

Panuto: Isulat sa loob ng tsart ang mga anyo ng globalisasyon at bigyan ng


halimbawa ang bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Anyo ng Globalisasyon HALIMBAWA

1.

2.

3.

4.

11
B. Nilalarawan Sa Sitwasyon, Tukuyin Mo

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong anyo ng
globalisasyon ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang GE kung
Globalisasyong Ekonomiko, GT kung Globalisasyong Teknolohikal, GSK, kung
Globalisasyong Sosyo-kultural, at GP kung Globalisasyong Politikal. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

_________1. Masayang nag-uusap ang magkaibigan gamit ang kanilang bagong


cellphone.

_________2. Ang magkakabarkada ay libang na libang sa panunuod ng mga palabas


sa Netflix.

_________3. Mabilis na nakaorder ng pagkain si Edna gamit ang kanyang cellphone.

_________4. Ang isang bansa na tinamaan ng kalamidad o sakuna ay madaling


nakakabangon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat bansa.

_________5. Si Ana ay bumibili ng kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng


pag-order sa online.

_________6. Sina Susan at Karen ay abalang-abala sa paghahanda sa nalalapit na


panunuod ng concert ng Momoland.

_________7. Si Raymond ay nahihilig bumili ng sapatos na Nike sapagkat ito ay


kanyang koleksyon.

_________8. Mabilis na natatapos sa kanyang trabaho si Celya sa bahay sapagkat


mabilis ang linya ng kanilang internet.

_________9. Sa dami ng mga produktong pagpipilian sa pamilihn ay nalilito si Jaime


kung ano ang bibilhin.

_________10. Mabilis na natatapos ni Sandy ang kanyang paglalaba at pagluluto sa


tulong ng paggamit ng washing machine at gas stove.

C. Multinational Companies o Transnational Companies

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga halimbawa. Isulat ang MC kung


Multinational Companies at TC kung transnational companies. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

________1. Mc Donald’s _________6. Shell

________2. Glaxo-Smith Klein _________7. Starbucks

________3. Coca Cola _________8. Accenture

________4. Jollibee _________9. Seven Eleven

________5. Unilever _________10. Toyota Motor

12
D. Kahong Ito, Buoin Mo

Panuto: Buuin ang mahahalagang salita mula sa araling tinalakay batay sa


kahulugang ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pagbili ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang kompanya na may bayad

2. Pagbili ng produkto at serbisyo mula sa kompanya sa isang kalapit na bansa

3. Pagbili ng produkto o serbisyo sa isang kompanya sa loob ng bansa

4. Pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa

5. Mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto


at serbisyo ay pangangailangang lokal.

6. Ayon sa investment advisory firm na ito ang Maynila ay pangalawa sa mga siyudad
sa buong mundo na destinasyon ng BPO.

7. Isa pang anyo ng ____________ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal
kaya murang naipagbibili ang mga ito.

8. Tumutukoy sa mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa ngunit ang mga


produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi pangangailangang lokal.

13
9. Ang malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay hindi lamang sa Timog
kanlurang Asya, Silangang Asya nagtutungo upang maghanapbuhay maging sa
kontinente ng Europa at _____________________

10. Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon


at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig

E. Tama O Mali

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at
Mali kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____________1. Dahil sa mga social networking sites tulad ng Facebook, twitter,


instagram at my space naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin.
____________2. Karamihan sa mga OFW ay nagtutungo sa Timog Kanlurang Asya,
Silangang Asya at maging sa kontinente ng Amerika at Africa upang
maghanapbuhay.
____________3. Ayon kay Dr. Cruz ang paggamit ng cellphone ay nagsisilbing
ekstensyon ng buhay ng tao.
____________4. Dahil sa kasunduang bilateral at multilateral nagkakaroon ng
epektibong ugnayan ang bawat bansa.
____________5. Mula sa industriyang outsourcing umangat ang ekonomiya ng ating
bansa.
____________6. Ang pamahalaan ay may malaking gampanin sa pagharap sa hamon
ng globalisasyon.
____________7. Ayon sa artikulong Top Filipino firms building ASEAN empires na
nailathala ng Philippine Daily Inquirer ang ilan sa mga MNCs at TNCs
na matatagpuan sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng
mga Hapones.
____________8. Netizen ang tawag sa mga taong gumagamit ng social networking site
bilang midyum ng pagpapahayag.
____________9. Ang impluwensya ng bansang Japan ay nagdudulot upang maging
liberal ang kaisipan ng ibang bansa gaya ng Pilipinas.
____________10.Ang anyo ng globalisasyon ay nagdudulot ng malaking implikasyonsa
buhay ng tao.

14
F. Kahulugan Ko, Kilalanin Mo

Panuto: Tukuyin ang sinasaad ng mga sumusunod na pangungusap sa


pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Globalisasyong Politikal Globalisasyong Sosyo-kultural OFW


Globalisasyong Teknolohikal Multinational companies Outsourcing
Globalisasyong Ekonomiko Transnational companies Brain Drain
Brawn Drain

__________1. Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon.


__________2. Mabilisang ugnayan ng mga bansa, samahang rehiyunal at
pandaigdigang organisasyon na pinamumunuan ng pamahalaan.
__________3. Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa
hindi lamang sa produkto at serbisyo kundi maging pelikula,
artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa mga
ideyang nagmumula sa ibang bansa.
__________4. Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na
nagreresulta ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao,
tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga gawain.
__________5. Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa
pagitan ng mga bansa sa daigdig.
__________6. Kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang
produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal.
__________7. Kompanyang namumuhunan sa ibang bansa. Layunin nito na
palawigin ang kalakalan upang matugunan ang lahat ng
pangangailangan ng konsyumer maging lokal man o international.
Ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay hindi
pangangailangang lokal.
__________8. Pag-alis ng mga manggagawang propesyunal papuntang ibang
bansa upang doon magtrabaho.
__________9. Pag-alis ng mga skilled workers upang magtrabaho sa ibang bansa.
_________10. Pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya sa isa pang
kompanya.

Nagawa mong sagutan ang mga gawain at pagsusulit sa pagyamanin. May


ilan pang gawain na inihanda para sa iyo. Alam ko na mas kakayanin mo ang mga
susunod na hamon sa iyo.

15
Isaisip

Kukumpleto Sa Akin, Piliin Mo


Panuto: Piliin ang tamang sagot na bubuo sa diwa ng pangungusap.isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ang _______________(outsourcing, multinational companies, globalisasyon,


transnational companies) ay may ibat’t ibang anyo at manipestasyon.

2. Ang ____________(outsourcing, transnational, multinational, nearshoring)


kompanyang namumuhunan sa ibang bansa. Ang mga produkto at serbiyong
ipinagbibili ay hindi pangangailangang lokal.

3. Ang mga bansang miyembro ng _____________(United Nations, ASEAN, European


Union, Amnesty International) sa Timog Silangang Asya ay may solidong
ugnayan kaya ito ang dahilan ng pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.
4. Ang paggamit ng ____________(libro, TV, radyo, cellphone) ay pinasimulan ng
maunlad na bansa hanggang sa ito ay tinangkilik ng buong mundo dahil sa
kahalagahan na naipagkakaloob nito upang mapabilis ang komunikasyon.

5. Pangkaraniwan ang MNCs at TNCs ay pag-aari ng lokal at dayuhang


____________(mamimili, suplayer, namumuhunan,broker).

Isagawa

Globalisasyon, Impluwensiya Sa Gawain Ko

Panuto: Isulat sa loob ng tsart kung paano ka naimpluwensiyahan ng globalisasyon


sa pagsasagawa ng mga sumusunod na gawain at sagutan ang pamprosesong
tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain Impluwensiya ng Globalisasyon

1. Pagbili ng produkto

2. Paglilibang

16
3. Komunikasyon

4. Transportasyon

5. Gawaing Bahay

Pamprosesong Tanong:

1.Paano binago ng globalisasyon ang iyong buhay?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Nagdulot ba ito ng kabutihan sa iyo o hindi? Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Sa palagay mo, ang globalisasyon ba ang susi upang makamit ang pag-unlad ng
isang bansa? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon.
a. ekonomiko c. sosyo-kultural
b. OFW d. teknolohikal
2. Alin sa mga sumusunod na internasyunal na organisasyon ang binubuo ng mga
bansa sa Timog-Silangang Asya?
a. United Nations c. ASEAN
b. APEC d. European Union

17
3. Mabilisang ugnayan ng mga bansa, samahang rehiyunal at pandaigdigang
organisasyong pinamumunuan ng pamahalaan.
a. globalisasyong politikal c. globalisasyong teknolohikal
b. globalisasyong sosyo-kultural d. OFW
4. Tumutukoy ang Brain Drain sa anong uri ng mga manggagawa?
a. professional workers c. skilled workers
b. domestic workers d. local workers
5. Ang mga sumusunod ay anyo ng globalisasyon maliban sa______________.
a. ekonomiko c. sikolohikal
b. politikal d. teknolohikal
6. Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang
sa produkto at serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na
nagreresulta ng pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. OFW
7. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang kadalasang pinupuntahan ng
mga manggagawang Pilipino upang maghanapbuhay.
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya
8. Kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto at
serbisyo ay pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng
petrolyo, pharmaceutical IT consulting at iba pang kauri nito.
a. multinational companies c. outsourcing
b. nearshoring d. transnational companies
9. Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta
ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan
at mapabilis ang mga gawain.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. globalisasyong teknolohikal
10. Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga
bansa sa daigdig. Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at
transnational companies.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. globalisasyong teknolohikal

11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbili ng mga produkto o serbisyo
mula sa loob mismo ng bansa?
a. inshoring c. offshoring
b. onshoring d. nearshoring

12. Alin sa mga sumusunod ang negatibong implikasyon ng globalisasyong


teknolohikal?
a. intellectual dishonesty
b. mabilis na komunikasyon
c. napapabilis ang mga gawain
d. online selling

18
13. Alin sa mga sumusunod ang negatibong implikasyon ng paglitaw ng maraming
MNCs at TNCs?
a. Nagkakaloob ng hanapbuhay
b. Nalulugi ang lokal na namumuhunan.
c. Pagbaba ng presyo ng produkto
d. Pagdami ng produkto at serbisyo

14. Sa panahon ng administrasyon niya nagsimula ang pangingibang bansa ng mga


OFW.
a. Corazon Aquino c. Fidel Ramos
b. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay

15. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng globalisasyong teknikal?


a. cyber crime c. intellectual dishonesty
b. fake news d. mabilis na komunikasyon

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pag-


aaral sa paksa ng ating modyul. Dahil dito, handa ka nang harapin ang susunod
na modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsagot sa mga
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa ating aralin. Muli
ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Positibo, Negatibo
Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart. Ibigay ang positibo at negatibong epekto
ng anyo ng globalisasyon sa buhay ng tao at maging sa lipunan. Sagutan ang
pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Anyo ng Globalisasyon Positibong Epekto Negatibong Epekto

Ekonomiko

Teknolohikal

Sosyo-kultural

Politikal

19
Pamprosesong Tanong:

1. Sa mga anyo ng globalisasyon ano ang higit na nakakaapekto sa iyong buhay?


Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Sa palagay mo, kailangan bang magpatuloy ang pag-unlad ng globalisayon?


Bakit?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B. Tsart Na Ito, Buoin Mo

Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart batay sa hinihinging impormasyon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

ANONG MAGAGAWA MO UPANG MAIBSAN ANG MASAMANG EPEKTO NG


IBA’T IBANG ANYO NG GLOBALISASYON
Globalisasyong Globalisasyong Globalisasyong Politikal
Ekonomikal Teknolohikal at Sosyo-
Kultural

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain at pagsusulit.


Ngayon ay maari ka nang dumako sa susunod na paksang aralin.

20
RUBRIC PARA SA MGA GRAPHIC ORGANIZER AT TSART

Di
Kahanga- Katanggap-
Pangkarani- Pagtatangka
hanga tanggap
Kraytirya wan 1
3 2
4
May
Angkop at
kaugnayan
may
May sa paksa Walang
1. Kalidad ng kaugnayan
kaugnayan ngunit ang kaugnayan at
datos ang mga
sa paksa ibang datos di - angkop.
datos sa
ay di -
paksa.
angkop.
Higit sa Nakasunod
2. Bilang ng May ilang Maraming
itinakdang sa itinakdang
datos kakulangan kakulanagn
bilang bilang
May kaiga-
May kaiga - Maayos ang Di- maayos
igayang
3. Kayarian ng igayang pagkaka-type ang pagkaka-
kayarian,
graphic kayarian, subalit di- type at di-
artistiko,
organizer o maayos ang organisado organisado
maayos ang
tsart kabuuang ang mga ang mga
kabuuang
ginawa. slides slides
ginawa.
Nakapagsumi Nakapagsumi
Nakapagsu- Higit sa 1
-te sa te ngunit huli
4. Pagsusumi-te mite sa linggo ang
itinakdang sa itinakdang
tamang oras. kahulihan.
araw. araw.

21
22
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN PAGYAMANIN
1.taal na nakugat A
1. B 11. D sa bawat isa. Nasa restriksyon 1. Globalisasyon
2. A 12. C 2.Mahabang siklo
ng guro ang Ekonomiko
3. B 13. D ng pagbabago
3.Ang globalisasyon pagwawasto ng 2. Globalisasyong
4. C 14. C tamang sagot Teknolohikal
ay naniniwalaang
5. D 15. B may anim na 3. Globalisasyong
6. A wave o panahon. Sosyo-kultural
7. B 4.Ang simula ng 4. Globalisasyong
8. B globalisasyon ay politikal
9. D mauugat sa
pangyayaring Ang sagot sa
10. C
naganap sa halimbawa ay
kasaysayan. nakabatay sa
5.Penomenong
disresyon ng guro.
nagsimula sa
kalagitnaan ng
ika-20 siglo.
PAGYAMANIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
B. D E F
1.GT 6. GSK 1. Outsourcing 1. Tama 1.OFW
2.GSK 7. GE 2. Nearshoring 2. Mali 2.Globalisasyong
3.GT 8. GT 3. Onshoring 3. Mali Politikal
4.GP 9. GE 4. Offshoring 4. Tama 3.Globalisasyong
5.GE/GT 10. GT 5. Transnational 5. Tama sosyo-kultural
6. Tholons 6. Tama 4.Globalisasyong
7. Subsidiya 7. Mali Teknolohiya
8. Multinational
PAGYAMANIN 8. Tama 5.Globalisasyong
9. Amerika
C. 9. Mali Ekonomiko
10. globalisasyon
1.MC 6. TC 10.Tama 6. Transnational
2.TC 7. MC 7.Multinational
3.MC 8. TC 8.Brain Drain
4.MC 9. MC 9.Brawn Drain
5.MC 10. MC 10.Outsourcing
TAYAHIN ISAISIP ISAGAWA AT
1. B 6. C 11. B KARAGDAGANG GAWAIN
2. C 7. B 12. A 1.globalisasyon
3. A 8. D 13. B 2. multinational Nasa diskresyon ng
4. A 9. D 14. B 3. ASEAN guro ang pagwawasto
5. C 10. A 15. D ng tamang sagot
4. Cellphone
5.namumuhunan
Susi sa Pagwawasto

You might also like