You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Dahilan, at Epekto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asys
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sherwina N. Daquiwag
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Dahilan, Paraan at Epekto
Ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at


Ikapitong Baitang ng Modyul para sa araling Dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang


Modyul ukol sa Dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok – Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


Na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.
Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit – Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan
at Timog-Silangang Asya.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


Natatalakay ang mga dahilan,paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang asya, particular


sa China.
A. Espanya C. Pransya
B. Portugal D. Great Britain
2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluranin.
A. Silangan at Timog-Silangang Asya C. Timog at Kanlurang Asya
B. Timog-Silangang at Kanlurang Asya D. Silangan at Timog Asya

3. Dalawang bansa sa kanluranin na naguna sa pananakop ng mga lupain.


A. Espanya at Pransya C. Espanya at Portugal
B. Portugal at Pransya D. Portugal at Inglatera

4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.


A. Islam C. Buddismo
B. Kristiyanismo D. Hinduismo

5. Pangunahing dahilan ng Espanyol sa pananakop sa Pilipinas


A. Mayaman sa Pampalasa C. Sentro ng Kalakalan
B. Mayaman sa ginto D. Relihiyong Kristiyanismo
BALIK-ARAL

Panuto: Punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang mabuo ang mga
pangyayaring nagbigay daan sa pananakop ng mga kanluranin. Piliin ang tamang
salita sa loob ng kahon.

PAGLALAKBAY PAGLALAYAG KRUSADA BAGONG MERKANTILISMO

1. Paglulunsad ng_________________________
2. ______________ ni Marco Polo
3. Paghahanap ng ____________ ruta ng Pangkalakalan
4. Pagbabago sa __________________
5. Paniniwala sa _____________________

ARALIN

Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Unang
Yugto ng imperyalismong Kanluranin.
Sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, nagkaroon ng tuwirang
kompetisyon sa pagitan ng nag-aagawang Spain, Portugal, Great Britain,
Netherlands, at France para sa mga lupain sa Asya. Tinatawag na kolonyalismo
ang anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa panahong ito.

Maibubuod sa tatlo ang layunin ng mga kanluranin sa pananakop sa Asya. 3Gs:


God, kung saan layunin palaganapin ang Kristiyanismo, Gold, Pagpapaunlad ng
ekonomiya, na kung saan mapapakinabangan ang mga likas na yaman sa mga
lupain na nasakop at Glory, Pagpapalawak ng kapangyarihan.
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga kanluranin, nagtayo ng kolonya ang
mga kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga kanluranin sa pagsakop sa
mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga
rehiyon na lubusang naapektuhan ng pananakop.

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa
mga bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga
nito, nabatid ng mga kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya.
Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang
Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa
metatag na pamahalaan ng mga bansa ditto.
Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin

1. China at Formosa
• Sumakop – Portugal
• Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa
(Taiwan)
• Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na
yaman, Palawakin ang relihiyong kristiyanismo at pakikipagkalakalan.
• Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
• Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa
silangang asya dahil sa metatag na pamahalaan at hindi nagtagal ay
nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

Timog-Silangang Asya
Sagana ang Timog-Silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang nagging mitsa sa
paglaganap ng kolonyalismong kanluranin sa rehiyon. Sa katunayan, sa unang
yugto ng kolonyalismo sa Asya, Kalakalan ang sinasabing nakaakit sa mga
kanluranin na magtungo sa Timog-Silangang Asya. Isa sa mga lugar na ito ay ang
Spice Islands.

Matatagpuan ang Spice Islands(Kasalukuyang Moluccas) sa Silangang Indonesia sa


pagitan ng Sulawesi at New Guinea. Dahilsa mga pampalasang makukuha sa lugar,
maraming Europeo ang naghangad na makontrol ang Moluccas. Nagtungo rit ang
mga Portuguese,Dutch,British,at iba pang kanluranin.

Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang


magtungo ang mga kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa nito ang
pagtalaga ng Spain ng mga misyonerong Espanyol upang ipalaganap ang
Kristiyanismo sa rehiyon.
Mga Bansang Nasakop ng Kanluranin

2. Pilipinas
• Sumakop – Espanya
• Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang
bahagi ng Mindanao.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan
tulad ng Maynila.
• Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel
Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga local na pinuno,
paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo.
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Tributo- pagbabayad ng
buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol; 2. Polo’y Servicio -
sapilitang paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang
edad 16 hanggang 60. 3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol
ang kalakalan.
Pampolitika: 1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng
Espanyol angGobernador-Heneral na pinakamataas na pinuno sa
Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang
pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglinkod
sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon. 2. Ang
Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga Espanyol na
pari at kura paroko. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng
Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. 2. Wika
at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at
pagdaraos ng mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan,
Santacruzan,Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan may kaugnayan
ang pagdiriwang sa kristiyanismo.
3. Indonesia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal,
Amboina at Tidore sa Moluccas: inagaw ng Netherlands mula sa
Portugal. Panandaliang nakuha ng England subalit ibinalik din sa
Netherlands. Batavia(Jakarta), nasakop din ng Netherlands.
• Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng
kalakalan at maayos na daungan.

• Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga


himpilan ng kalakalan at nagsimulang palaganapin ang relihiyong
kristiyanismo ng narrating nila ang Ternate sa Moluccas noong 1511.
Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges noong 1655 at sinakop ang ang
mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na
puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule
Policy((Paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng
mananakop ang mga local na pinuno)
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming mga produkto
ang kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay pumanig
sa mga kanluranin. 2. Sapilitang pagkontrol (momopoly) inuna ng
mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.Ipinagbawal ang
pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga pribadong
mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo sa pamilihan.
Pampolitika: 1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan. 2.
Ginamit ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng
buwis.. Pangkultura: 1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa
pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng mga kanluranin ito ay
nagdulot tension sa mga kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan at
patayan.
4. Malaysia
• Sumakop – Portugal, Netherlands at England
• Mga lugar na sinakop: Malaysia
• Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin ang
Kristiyanismo.
• Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at pagpapalaganap ng
relihiyong kristiyanismo
• Epekto ng Pananakop: Pangkabuhayan: 1. Maraming katutubo ang
naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
Pangkultura: 1Sinubukan ng mga Portuguese na palaganapin ang
kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon.
Samantala, hindi gaanong naimpluwensyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

PORTUGAL
M M
A G
N NETHERLAND A
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA A
SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA N N
A A
ENGLAND
K S
O A
P K
SPAIN O
P

Pagsasanay 2

Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart.

Nasakop na Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Epekto


bansa Bansa na Pananakop Pananakop
nakasakop
China
Pilipinas
Indonesia
Malaysia
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang mga patlang sa loob ng talata upang mabuo ang konsepto.

Sa araling ito, natutunan ko na may iba’t-ibang dahilan ang mga Kanluranin sa


pagtuklas at pananakop ng mga lupain sa Asya tulad ng __________, ___________ at
___________. Sa Kabuuan, napagtatanto ko na ang pinagplanuhan at pinagpasyahan
ng mga kanluraning pananakop sa Asya ay ______________________.

PAGPAPAHALAGA

Anong masasabi mo?

Kung ikaw ay nabuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa pagdating
ng mga mananakop? Sa Kasalukuyang panahon, kung sakali na may mananakop
na dumating sa bansa, ano ang iyong gagawin? At kung sa hinaharap ay may
darating na mananakop, paano mo ito haharapin?

Sagot:

Noon:____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Kasalukuyan:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Hinaharap:______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pinahahayag ng pangungusap at M kung di


wasto ang konsepto na isinasaad.

1. Ang Pagiging mayaman sa ginto ng Pilipinas ang pangunahing dahilan ng


Espanyol sa pananakop.
2. Ang Silangan at Timog-Silangang Asya ang dalawang rehiyon sa Asya na
lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga kanluranin.
3. Ang Portugal at Pransya ang dalawang bansa sa kanluranin na nanguna sa
pananakop ng mga lupain.
4. Ang Relihiyong Islam ang isa sa mga ginamit na paraan ng pananakop ng
mga kanluranin.
5. Ang Portugal ang bansang kanluranin na naghangad na magkaroon ng
kolonya sa Silangang asya, particular sa China.

SUSI SA PAGWAWASTO

SPAIN - PILIPINAS 4.
ENGLAND – MALAYSIA AT INDONESIA 3.
NETHERLANDS – MALAYSIA AT INDONESIA 2.
PORTUGAL – MALAYSIA, INDONESIA AT CHINA 1.

PAGSASANAY 1

T 5. MERKANTILISMO 5. B 5.
M 4. PAGLALAYAG 4. B 4.
M 3. BAGONG 3. C 3.
T 2. PAGLALAKBAY 2. A 2.
T 1. KRUSADA 1. B 1.
Panapos na Pagsusulit Balik- Aral Paunang Pagsubok
Sanggunian
Mga Aklat:

1. RomelaM. Cruz, E.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Manguabnan, Michael M.
Mercado, Jerome A Ong, Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan(Pilipinas,
Vibal Group,Inc., 2015), pp.370-400
2. R.C. Blando, A.A Sebastian, Espiritu, Golvegue, A.M. Jamora, R.R. Capua &
R.R. Mariano, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, ( Pilipinas, Vibal
Group, Inc., 2014), pp.322-327

Mga Website:

1. Mga Dahialn at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at


Timog-Silangang Asya, January 21, 2019.https://www.slideshare.net>mobile
2. Epekto ng Pananakop sa Asya. August 7, 2014.
https://www.slideshare.net>olhen
3. Dahilan at Paraan ng Pagpasok ng mga Kanluranin, August 27, 2019.
https://www.scribd.com>presentation.

You might also like