You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan -Modyul 12: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang


Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Fornilia T. Palomino
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Allan P. Ulep
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 12
Nasyonalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa
pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timo- Silangang Asya

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Naipapahayag ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa
pagbibigay wakas sa imperyalismo
2. Natutukoy ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Timog Silangang Asya
3. Naipaliliwanag kung bakit magkaiba ang paraan ng pagpapakita ng
damdaming nasyonalismo

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Gamit ang jumbled letters, bumuo ng salitang tumutukoy sa


pahayag.

(DTUHC) 1. Sila ay mananakop ng bansang Indonesia


(SEÑOLPA) 2. Sinakop nila ang Pilipinas sa loob 333 na taon
(CHINAINDO)3. Ito ay binubuo ng mga bansang Vietnam, Laos at Cambodia
(LUSDOITAR)4. Grupong nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at
maging sa Spain
(BIRSHIT) 5. Sila ay mananakop ng Burma

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang Tama kung katotohanan ang isinasaad ng pahayag at Mali
kung hindi.

______1. Sa batas ni Manu ang isang pari ay hindi pinapayagang mag-asawa


ng mababang uri ng babae.
______2. Sa batas ni Hammurabi itinuturing ang mga kababaihan bilang
mga produkto sa kalakalan.
______3. Ayon sa dalawang kodigo ang mga kababaihan ay may sariling
kontrol sa kanilang buhay.
______4. Pinagbabawal ang pagbebenta ng asawa at anak sa batas ni
Hammurabi.
______5. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parurusahan ng
kamatayan ayon sa Kodigo ni Hammurabi
ARALIN

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang

Lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo at imperyalismong


kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil sa mga hindi makatarungang
patakaran na ipinatupad ng mga kanluranin sa mga lupain ng kanilang sinakop.
Ang mga karanasan ng mga nasakop na bansa sa Timog-Silangang Asya ang
nagbigay – daan sap ag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa rehiyong ito.
Suriin natin kung paano ito naganap sa sumusunod na bansa.

Nasyonalismo sa Indonesia
Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad
culture system at pagkontrol sa mga kalakalan ay nagkaroon ng negatibong
epekto sa kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan sa mga
nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na kanluranin.

Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil


ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito
pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong
1930 nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga Dutch ang puwersa ni
Diponegoro.

Nasyonalismo sa Burma
Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng
pagkatalo nito sa digmaan sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo
na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng
Burma. Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan
lamang ng India ang Burma.Hinangad ng mga Burmese na maihiwalay ang
kanilang bansa mula sa India. Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula
sa pananakop ng British. Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga
Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo.

Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula


noong 1900’s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa
loob at labas ng mga bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British
na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang
maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga
Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang
samahan.
Nasyonalismo sa Indochina
Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga
taga Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop ng
kanluranin. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa
pamamagitan ng pakikipagdigma sa mga kanluranin. Nagkaroon ng malaking
epekto sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa.

Si Saya-San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas maayos


na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan ni Saya-San ang
serye ng rebelyon laban sa mga British mula 1930 hanggang 1932. Nagapi ng
malakas na puwersa ng mga British ang Rebelyong Saya-San.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng Japan


ang Burma. Ang kaganapang ito ay sinamantala ng mga Burmese at idineklara
nila ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa kabila ng paglaya
mula sa mga British ay nananatili pa rin ang katotohanan na sila ay sakop ng
isang dayuhang bansa.

Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit sa


pagkakataong ito ay upang mapalayas ang mga Hapones. Itinatag ni Aung San
ang Anti-Facist People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang samahan na ito
sa hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang mga
Hapones. Dahil sa kaniyang nasilayan ni Aung San ang bunga ng kaniyang
pakikipaglaban para sa kalayaan dahil siya ay binawian ng buhay noong Hulyo
19, 1947, bago idineklara ang kasarinlan ng Burma. Ang kanyang kasamahan
na si U Nu ang pumalit sa kanya bilang pinunong ministro. Noong 1951 nahalal
si U Nu bilang Pangulo ng bansa at naulit ito noong 1956.

Nasyonalismo sa Pilipinas

Nasakop ng mga Español ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpatupad ang
mga Español ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura
na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Marami ang naghirap dahil sa
hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at
mga produktong Pilipino. Nabago din ang kultura ng mga Pilipino dahil sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Naging laganap din ang racial
discrimination sa pagitan ng mga Español at mga Pilipino na tinatawag na Indio
ng mga mananakop. Higit sa lahat nawala ang karapatan at kalayaan ng mga
Pilipino na pamunuan ang kanilang sariling bansa. Naging sunud-sunuran sila
sa ilalim ng mapagmalupit na Español.

Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa


ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula sa mga kanluranin.
Naging tanyag at mabili sa kanluran ang mga produkto ng mga Pilipino tulad ng
asukal, kopra, tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng
kalakalan sa bansa. Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay
mayayamang Pilipino, mestisong Tsino, at Español. Ang mga anak ng gitnang uri
ay nakapag-aral sa mga kilalang unibesidad sa Pilipinas at maging sa Spain. Ang
grupong ito ay tinawag na ilustrado mula sa salitang Latin na ilustre na ibig
sabihin ay “naliwanagan”.
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga
ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga
Katipunero na magpasimula ng Katipunan.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang tamang sagot
at isulat ang sagot sa patlang.

U Nu Indio Saya-San Middle class Indio

__________1. Isang monghe na namuno sa serye ng rebelyon laban sa mga British


mula 1930 hanggang 1932.
__________2. Tumutukoy sa mga mayayamang Pilipino, mestisong Tsino, at
Español.
__________3. Ito ang itinatawag ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
__________4. Itinatag ni ______ ang Anti-Facist People’s Freedom League sa Burma.
__________5. Siya ang pumalit kay Aung San bilang punong ministro ng Burma.

PAGLALAHAT
Panuto: Sa bahaging ito ay sagutan mo ang mga kolum na Ang aking mga
natuklasan at Pawawastong Ginawa, at Ang Aking mga Patunay at Aking paglalahat.

Generalization Table
Mga Tanong Ang Aking Ang Aking mga Ang Aking mga Ang Aking
Naunang Natuklasan at Patunay Paglalahat
Pagkakaunawa Pagwawastong
Ginawa
1.Ano-ano ang
pangyayari na
nagbigay-daan sa
pagpapaunlad ng
nasyonalismo
2.Paano ipinamalas
ng mamamayan sa
Timog-Silangang
Asya ang
nasyonalismo
3.Bakit magkakaiba
ang paraan ng
pagpapakita ng
damdaming
nasyonalismo ng
mga Asyano?
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Bilang isang mag-aaral, sumulat ng panata kung paano


maipamamalas ang nasyonalismo upang maisulong ang kaunlaran at
maprotektahan ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang Aking Panata

Ako si ____________________________________________ay

________________________________________________________

________________________________________________________.

____________________________

Lagda

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat sa patlang ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mamamayan upang sila’y magbuklod at


labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Kolonyalismo
B. Imperyalismo
C. Merkantilismo
D. Nasyonalismo
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
C. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
D. Wala sa nabanggit
3. Ito ay galing sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Merkantilismo
D. Nasyonalismo
4. Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga
ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda. Ang ilustado ay tumutukoy
sa____.
A. nakapag-aral na mga Pilipino
B. anak ng mga mayayaman
C. mga Espanyol
D. mga matatapang na Pilipino
5. Anong bansa ang hindi kabilang sa Indochina?
A. Cambodia
B. India
C. Vietnam
D. Laos

SUSI SA PAGWAWASTO

5. B 5. U Nu 5. Tama

4. A 4. Aung San 4. Mali

3. A 3. Indio 3. Mali

2. A 2. Middle Class 2. Tama

1. D 1. Saya- San 1. Tama

Panapos na Pagsusulit Pagsasanay Balik-aral

5. British 4. Ilustrado 3. Indochina 2. Español 1. Dutch

Paunang pagsubok

Sanggunian
Mga Aklat:

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-


aaral)/Kagawaran ng Edukasyon /Republika ng Pilipinas

Mga Website:

https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-araling-panlipunan-ap-
dll.html?m=1

You might also like