You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-


Silangang Asya.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: BERNARDO D. YARIN


Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Hakbang sa Paglaya ng Silangan at
Timog-Silangang Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-
Silangang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-Silangang Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan


ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog –Silangang Asya

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Naisa-isa and mga pamamaraang ginagamit ng Silangan at Timog-
Silangang Asya sa pagtatamo ng Kalayaan mula sa kolonyalismo
2. Nasusri ang ga pamamaraang ginagamit ng Silangan at Timog-
Silangang Asya sa pagtatamo ng Kalayaan mula sa kolonyalismo

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Iayos ang mga pinaghalong letra upag makabuo ng isang salita na
tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap.
BALIK-ARAL

MATCHING TYPE

PANUTO: Gamit ang iyong panulat, itugma ang Hanay A sa Hanay B.

A B
1. Kadalasan, tumutukoy ito sa • Kilusang
masidhing pagmamahal sa bayan. Propaganda

Subalit, maliban dito, ito rin ay
nangangahulugan ng pagkakatanto
ng isang nilalang o lahi na
mahalagang ipagtanggol ang • Middle Class
kaniyang bansa laban sa panlulupig
ng mga banyaga.

2. Tumutukoy sa panggitnang uri ng


tao sa lipunan. Sila ay nasa pagitan • Panahon ng Meiji
ng mayayaman at mahihirap na Restoration

grupo ng tao. Kadalasang batayan
nito ay pagkakaroon ng kayamanan
at kapangyarihan sa lipunan na
kinabibilangan.
• Culture System
3. Samahang itinatag ng mga Ilustrado
sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.
Layunin nito na maisulog ang

reporma sa bansa sa ilalim ng
pamahalaang kolonyal ng España. • Nasyonalismo

4. Isang rebolusyonaryong samahan.


Itinatag ito ng Supremo na si Andres
Bonifacio upang isulong ang ganap
• • Katipunan
na kalayaan ng Pilipinas mula sa
mga Español.

5. Si Emperador Mutsohito ang


nanguna sa pagyakap sa
Impluwensya ng mga kanluranin
bilang paraan sa modernisasyon ng •
Japan noong 1867 hanggang 1912.
ARALIN

HAKBANG TUNGO SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG-SILNGANG ASYA


Paglaya ng China
Dahil sa kasikatan ng produktong Tsino sa Europa, hinangad ng mga Europeo na
makipagkalakalan sa China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol
ang lupain nito. Ang pagkatalo ng China sa Dalawang Digmaang Opyo ay nagging daan ng
hindi makatwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang
Europeo sa teritoryo ng China.
Tatlong Uri ng Nasyonalismo ang umusbong:

• UNA, Nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga kanluranin at


ang impluwensya nito na pinangunahan ng Samahang Boxer.
• IKALAWA, Nasyonalismong may impluwensya ng kanluran na ang layunin ay
maging republika ang China yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan
ni Dr. Sun Yat-Sen at Chiang Kai-Shek.
• IKATLO, Nasyonalismong may impluwensya ng komunismo na pinangunahan ni
Mao Zedong.
Sa paglakas ng nasyonalismo sa China, nabahala ang Japan nab aka maapektuhan ang
interes nito sa China kung kaya’t nagging sunod-sunod ng ginawang pakikidigma at
pananakop nito.
Una, ang Manchurian Incident, sinundan ng Rape of Nanjing na nasundan pa ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan
sa China sa pagitan ng pwersa ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai-
Shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat ang Mainland China
samantalang ang nasyonalista ay lumakas noong October 1, 1949 at pumunta sa isla ng
Formosa.
Paglaya ng Indonesia
Nakamit ng Indonesia ang Kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed
Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyong laban sa Dutch/Olandes.
Umigting ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pagkalooban ng simbolikong
kalayaan si Sukarno noong sakupin sila ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ngunit nang natalo ang Japan, dumating muli ang mga Olandes upang ibalik ang kanilang
pamamahala sa Indonesia.
Subalit ang Indonesia na nakaranas ng Kalayaan ay lumaban. Pinamunuan ni Sukarno ang
Indonesia sa loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang Guided Democracy
(limited democracy) base sa Pancasila.
Limang Patnubay na Prinsipyo
1. Paniniwala sa Diyos
2. Nasyonalismo
3. Pagkakawanggawa
4. Demokrasyang Gagabayan ng Karunungan
5. Katarungang Panlipunan
Tinanggap at ipinagbunyi ito ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabang-buhay
noong 1963. Subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang-aabuso
niya sa kapangyarihan.
Paglaya at Pagkahati ng Korea
Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang
kanilang kabishanan.
Bunsod nito, maraming ginawang pagtatangka ang Korea upang mapatalsik ang mga
Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo
ang mga Hapones.
Paglaya ng Burma
Nakamit ng Burma ang Kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang
punong Ministro ng Republika ng Burma na kalaunan ay nilipat kay Heneral Ne Win na isng
diktador militar.
Bilang pinuno ng mga hukbong armado, pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar Way to
Socialism kung saan kinukumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan
, bangko at mga pribadong ari-arian. Ito ang dahilan kaya nawalan ng hanap-buhay ang
mga dayuhan.
Noong hindi pa nakakamit ng Burma ang Kalayaan, ang kumokontrol dito ay ang India sa
tulong ng England at China. Bilang pagtugon sa pananakop na ito, nagtatag sila ng iba’t
ibang kilusang naghahangad ng kalayaan. Nang maramdaman ng mga Ingles ang
pagpupunyagi sa Kalayaan ng mga Burmese, nagkaroon ng pagbabago sa bansa na
humantong sa paghihiwalay ng Burma sa India noong 1935.
Ilan pang pagbabago ang tinangka ng Pamahalaang Ingles ngunit hindi ito nangyari dahil sa
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang sinakop ng bansang Japan ang
Burma.
Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese, maagang ipinahayag ng Japan
ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San Suu Kyi ng Dobama
Asiayone (Burma for Burmese) ay nakipagkasundo sa Japan tungkol sa pagtustos sa
sandata at sa pamumuno sa military.
Sila ay nagsanib pwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles. Kahit
ipinahayag ng Japan ang kalayaang ng Burma sa katotohanan ay sakop pa rin nito ang
bansa. Sa kalaunann ay nadama ng mga Burmese ang tunay na layunin nang pagtulong na
ito ng Japan. Ito ay hindi upang sila ay palayain, kundi para sakupin.
Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya
nagtatag sila ng kilusan laban sa Japan, ito ay ang Anti-Fascists People’s Freedom League
sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng makademokratiko at komunistang pangkat.
Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles, subalit hindi na pumayag ang
mga Burmese kaya’t sunod-sunod na usaping pangkalayaan ang naganap.
Bunga nito, pinagtibay ang kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag ng Kalayaan sa
Burma noong Enero 4, 1948. Sa kasawiang palad, pinatay si Aung San at ang kanyang
gabinete ng upahang armado ng kanyang talunang kalaban na si U Saw. Nang maaresto si
U Saw ay ipinagpatuloy ni U Nu ang naiwan ni Aung San.
Paglaya ng Pilipinas
Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio
Aguinaldo. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga
Espanyol sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na
ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya’t
idineklara ang Kalayaan at nagtatag ng isang Demokratikong Pamahalaan.
Samantala, iba naman ang ikinilos ng mga Amerikano. Nagpalabas ito ng patakarang
Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris nagpapahayag ng paglilipat ng
pamahalaan ng Pilipinas sa Amerika mula sa Espanyol. Naging hayagan ang pagtutol ng ma
Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kaya’t sumiklab ang digmaang Pilipino-
Amerikano.
Subalit may ibang Pilipinong hindi nakiisa, walang pakialam at sa halip ay nakiisa sa mga
Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang mga Amerikanon ng
Pamahalaang Kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang
edukasyong makabanyaga.
Tinugis din nila ang mga Pilipinong lumalaban paara sa Kalayaan at ipinatapon ang ibang
Pilipinong lider sa ibang bansa.
Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong ang paghingi ng
Kalayaan sa mga Amerikano. Dahil ang Kalayaan ay hinihingi ng matagal, bago ito naibalik
sa bawa’t paghingi nito, ito ay tinutumbasan ng malaking kapalit, katulad ng mga likas na
yaman at pagkontrol sa kalakalan.
Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano ng ang Pilipinas ay masangkot
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil ang Pilipinas ay kaalyado ng Amerika, at dahil
narito rin ang pinakamalaking Base Militar ng Amerika, ang Pilipinas ay nilusob ng Japan.
Sa kasagsagan ng digmaan, nilisan ng mga lider-Amerikano ang Pilipinas at naiwan ang
mga Pilipino upang lumaban at ipagtanggol ang kanilang kalayaan.
Ang Pilipinas ay sinakop ng Japan sa loob ng limang taon. Natalo ang Japan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kaya’t bumalik ang mga Amerikano at ibinigay ang kasarinlan sa
Pilipinas noong July 4, 1946. Ayon kay Renato Constantino, hindi naman ganap na
nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan dahil nanatili pa ring makapangyarihan at
maimpluwensya ang mga Amerikano sa Pilipina sa larangan ng kabuhayan at politika.
MGA PAGSASANAY
PANUTO: Iyong natunghayan kung paano lumaya ang mga bansa sa Asya at upang
magkaroon ng buong pananaw sa pag-laya ng mga bansa. Buuin ang
talahanayan at ihambing ang bawat datos na iyong makakalap.

Bansa sa
Mga Ideolohiyang
Silangang Araw ng Pamamaraang
Bansang Namuno Taglay at
Asya (na Paglaya Ginamit sa Paglaya
Nanakop Gamit
nasa teksto)

Bansa sa
Timog- Mga Ideolohiyang
Araw ng Pamamaraang
Silangang Bansang Namuno Taglay at
Paglaya Ginamit sa Paglaya
Asya (na Nanakop Gamit
nasa teksto)
PAGLALAHAT

Paano ipinakita ang mga bansa sa Silangan at Timog-Slangan Asya ang pagmamahal
sa bansa? Magbigay ng patunay sa iyong sagot.

PAGPAPAHALAGA

Paano hinubog ng ideolohiya (malayang demokrasya, sosyalismo, at komunismo)


ang paglaya ng mga basa sa Silangan at Timog-Silangan Asya?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang Sistema o lipon ng ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag
tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay
demokrasiya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo, autoritaryanismo,
soyalismo, at komunismo.
a. Heograpiya c. Topograpiya
b. Ideolohiya d. Wala sa nabanggit
2. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa sa buong
mundo na nagdulot ng malawakang pagbabago.
a. Digmaang Pandaigdig c. Digmaang Sibil
b. Cold War d. Lahat ng nabanggit
3. Pagpapalwak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan ng pananakop
ng hindi lang isa kundi maraming teritoryo o bansa.
a. Kapitalismo c. Nasyonalismo
b. Komunismo d. Imperyalismo
4. Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa upang
makontrol at magamit ang likas na yaman nito para sa pansariling interes.
Bunga nito ay karaniwang naabuso at napagsasamantalahan ang bansa at
mamamayan na nasakop.
a. Totalitaryanismo c. Kolonyalismo
b. Sosyalismo d. Komunismo
5. Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig pang matigil na ang
kanilang sigalot o ‘di pagkakaunawaan, nagkakaroon ng usapan o
kompromiso ang magkabilang panig.
a. Kasunduan c. Eleksyon
b. Pagpupulong d. Wala sa nabanggit

SUSI SA PAGWAWASTO

A 5.
C 4.
D 3.
A 2.
B 1.
PAGSUSULIT
PANAPOS NA
Himagsikan 5.
Demokrasya 4.
Komunismo 3.
Nasyonalismo 2.
Kalayaan 1.
BALIK-ARAL PAUNANG PAGSUBOK
Sanggunian
Mga Aklat:

• DpEd 2013. Asya: pinagmulan, kasaysayan, kayamanan, pagkakakakilanlan,


pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba (Modyul sa Sariling Pagkatuto sa A.P.8)
pp.437-459
• Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon II. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikalawang Taon. Kasaysayan ng Asya. 1999. Rex Bookstore. 856 Nicanor
Reyes Sr. St. Manila Philippines. pp. 280-330.
• Ball, Macmahon W. Nationalism and Communism in East Asia. Melbourne
University Press. 1956. pp. 1-211.
• Beck, Roger B. et. al. A Modern History of the World. Word History. Patterns
of Interaction. McDougal Littell Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204.
1999. pp. 332-340, 482-486, 512-516
• Beck, Roger B. et.al. Word History. Patterns of Interaction. McDougal Littell
Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999. pp. 712-720, 892-896.
• Camagay, Ma. Luisa T. et. al. Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura.
Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.
2010. pp. 302-316.
• Clyde & Beers. The Far East A History of the Western Impact and the Eastern
Response (1830-1970). Prencite-Hall, Inc. Englewood cliffs, New Jersey,
U.S.A. 1971. pp. 209-222, 491-512.
• Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human
Experience. Glencoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio
43081. 1999. pp. 804-807, 909-915.
• Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. St. Bernadette
Publishing House Corporation. 173 Rodriquez S. Ave., Kristong Hari, 1112
Quezon City. 2009. pp.322-343.
• Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Mifflin Company Boston,
Massachusetts, USA. 1989. pp. 757-762.
ZRhoads, Murphey. A History of Asia 6th Edition. Longman, 2008.
• Whitfield, Susan. Life along the Silk Road. University of California Press, 2001.
• B. Websites A joint resolution in support of the restoration of a free and
independent Cambodia and the protection of the Cambodian people from a
return to power by the genocidal Khmer Rouge.
http://thomas.loc.gov/cgibin/bdquery/z?d096:HR02200:@@@D&summ2=m
& Retrived on December 17, 2012.
• Flag of Burma. https://www.cia.gov/library/publications/the-
worldfactbook/docs/flagsoftheworld.html. Retrieved on December 18, 2012.
• Map of Asia. www.worldpress.com. Retrieved on October 20, 2012.

You might also like