You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan
ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa
Timog at Kanlurang Asya

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog
at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Pearl D. Villanueva


Editor: Jesila D. Cancio
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Ang mga Salik, Pangyayari at
Kahalagahan ng Nasyonalismo sa
Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Ang mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Alamin
vi
Binabati kita sa matagumpay mong pagkamit ng mahahalagang kaalaman mula sa
Modyul 2 tungkol sa mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika- 16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

Sa panibagong modyul na ito ay naipahahayag mo ang mga salik,pangyayaring at


kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang modyul upang ganap na
maunawaan ang paksang tatalakayin sa bagong araling ito.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya;

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang kahulugan ng nasyonalismo;

2. Nasusuri ang mga salik, pangyayari na nagbunsod sa pagbuo ng nasyonalismo; at

3. Napahahalagahan ang nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at


Kanlurang Asya

Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito
sa iyong kuwaderno

1. Ito ay damdaming makabayan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at


pagpahahalaga sa Inang-bayan.
A. Kolonyalismo B. Nasyonalismo C. Imperyalismo D. Kristiyanismo

2. Ano ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo na makikita sa


pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin?
A. Kalayaan B. Pagkakaisa C. Katarungan D. Pag-unlad

vii
3. Ito ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng isang tao na kung saan
may kahandaang magtanggol at mamatay para sa bayan.
A. Nasyonalismo B. Kolonyalismo C. Imperyalismo D. Kristiyanismo

4. Ito ay ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay


na asawa.
A. Suttee B. Sepoy C. Satyagraha D. Amritsar

5. Ito ay pag-aalsa ng mga Sepoy sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination.
A. Rebelyong Sepoy B. Amritsar Massacre C. Suttee D. Ahimsa

6. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violent means ng


pakikipaglaban para sa kalayaan ng India
A. Mohandas Gandhi B. Mohamed Ali Jinnah
C. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

7. Maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa


pamamaril ng mga Ingles
A. Maguindanao Massacre B. Nanjing Massacre
C. Chios Massacre D. Amritsar Massacre

8. Ito ay nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang


malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang
bansang Europeo.
A. Holocaust B. Protectorat C. Colony D. Sistemang Mandato

9. Ito ay ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o
Israelite.
A. Zionism B. Holocaust C. Suttee D. Protectorate

10. Ito ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Zionism B. Holocaust C. Suttee D. Protectorate

Balikan

https://www.fullpointcebu.com/cviraa-2015-cebu-city-ninos-continue- http://dumaguetemetropost.com/handball-tryouts-for-ph-natl-team-
to-dominate-mandaue-inches-closer p9181-437.htm

1
Sitwasyon: Nagdaos ng athletic meet sa inyong dibisyon. Isa sa mga makikipagkumpetensiya
ay ang inyong paaralan. Hindi ka kabilang sa mga manlalaro ng inyong paaralan. Bilang isa
sa mga mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa iyong paaralan. Isulat ang
kasagutan sa mga dialogue box na nasa ibaba. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Pamprosesong mga Tanong:


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Anu-ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa iyong paaralan
at sa inyong mga manlalaro?
2. Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at pagmamahal sa inyong mga
manlalaro sa pagmamahal at pagmamalasakit sa isang kababayan at sa mismong
bayan?
3. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo? Paano nakatulong ang damdaming ito sa
paglaya ng mga bansa sa Asya sa kamay ng mga mananakop na Kanluranin

Tuklasin
Picture! Picture!
Siguradong matapos mong mabuo ang konseptong nasyonalismo ay nais mo pang
maragdagan ang iyong kaalaman ukol dito. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay ukol sa
nasyonalismo ay maaari mong suriin ang collage sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang
pamprosesong tanong sa ibaba at isulat ito sa kuwaderno.

https://bit.ly/2MTVWDv

2
Pamprosesong mga Tanong:
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng larawan?
2. Mula sa larawan, ano ang mga pamamaraang ginawa ng mga kilalang lider upang
maipakita ang pagmamahal sa kanilang bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
3. Paano nakaapekto ang pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya noon at sa kasalukuyan?

Suriin
Concept Cluster Ko!
Ilagay mo ang mga kaalaman na sa palagay mo ay may kaugnayan sa nasyonalismo
sa kahon na may nakalagay na initial answer, ang tatlong kahong natitira ay iyo lamang
masasagot sa susunod nating gawain.

Initial Answer Revised Answer


____________ ___________

Nasyonalismo sa
Timog at
Kanlurang ASya

Final Answer Epekto ng Nasyonalismo


___________ sa mga Bansa sa Timog
at Kanlurang Asya

Nasyonalismo sa Asya
Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga
bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng defensive nationalism o
mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita bansang Pilipinas at aggressive nationalism
o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

3
Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa. Makikita ito sa
pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan sa iisang kultura, saloobin, at
hangarin.
Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal at pagtangkilik ng mga
mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bayan.
Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatuwiran at makatarungan. Ang kahandaan
ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan ay maituturing na
pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo. Dahil sa hangarin ng mga Asyano na
wakasan ang panghihimasok ng mga Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang
pamumuhay at makamtan ang kalayaan, maraming makabayan na samahan ang naitatag sa
Asya. Ang mga samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India


Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay daan upang magising ang diwa
ng nasyonalismo rito. May iba’t iba mang wika at relihiyon ang mga Indian, sila naman ay
kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ang nagpakita
ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang mga likas na yaman ng India. Dahil sa
pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang mga patakarang hindi angkop sa kanilang
kultura, tulad ng pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang
female infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian ang hindi pantay na
pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa ang pag-aalsa ng mga
Sepoy.
Minsang naipatupad ng mga Ingles ang hindi pantay na pagtrato sa mga sundalong
Indian. Malimit na mas mataas ang ranggo at sweldo ang ibinibigay sa mga sundalong Ingles
kaysa sa mga sundalong Indian.
Tumutol din ang mga sundalong Indian, Hindu, at Muslim sa pagpapagamit sa kanila
ng langis na pinaghihinalaang nagmumula sa langis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang
mga riple at cartridge. Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang
maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.
Nagkaroon naman ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang
magkakaibang pananampalataya. Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng mga
Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag naman ang All Indian
Muslim League noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali Jinnah na kung saan ang interes ng mga
Muslim ang binigyang–pansin. Layunin ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na
estado para sa mga Muslim.
Nanguna si Mohandas Gandhi sa Layuning matamo ang kalayaan ng India. Isa siyang
Hindu na nakapag-aral. Nakilala siys sa kanyang matahimik na at mapayapang paraan o non
violent means ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa ahimsa at
satyagraha. Hinimok din ni Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa mga produkto, bagay,
ideya, at kultura na nagmula sa sariling bayan. Idagdag pa rito ang hindi nla pagbabayad ng
buwis sa mga Ingles.

4
Sinimulan din ni Gandhi ang civil disobedience o hindi sa pagsunod sa pamahaan.
Dahil sa pamumuno sa mga protesta, naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong.
Nabaril at namatay si Mohandas Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at
Muslim sa isang bansa.
Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng pagkakataong
mamahala sa India. Subalit ang mga Indian ay hindi nasiyahan sa pagbabagong ito kung
kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito ay makamtan noong Agosto
15,1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru.
Kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim
naman ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong
naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang
Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at
matatag na Imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong
1918. Matapos bumagsak ang imperyong Ottoman, masakop at mapasailalim sa mga
Kanluraning bansa, naipatupad na sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato.
Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula
sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay
pinasisimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.
Natamo naman ng Lebanon ang kaniyang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770,
at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang France.
Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal
na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng kasunduang Laussane
noong 1923, naisilang ang Republika ng Turkey.
Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang
malipol ang lahat ng teritoryo at pinangalanan niya itong Saudi Arabia. Ang Iraq naman ay
naging protekdado ng England noong 1932.
Matapos ang Ikalawang digmaang Pandaigdig noong 1945, naisagawa rin ng mga Jew
ang Zionism. Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestine ay nagsagawa na ang mga ito
ng modernisasyon sa industriya, agrikultura, pagnenegosyo, at mas mataas na antas ng
pamumuhay kaysa sa mga Arabo. Ito naman ang naging dahilan upang magkaroon ng hindi
magandang samahan ang dalawang pangkat. Kaya sa bandang huli ay hiniling ng mga Arabo
na ihinto na ang pagbabalik ng mga Jew sa Palestine. Simula nang maideklara ang Republika
ng Israel noong Mayo 14, 1948 nagsimula na ang tensyon sa Palestine.

5
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI

• Isang Hindu na nakapag-aral sa isang pamantasan sa


England.
• Nakapagtrabaho sa South Africa.
• Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga
Indian laban sa mga mananakop na Ingles.
• Inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangi-tanging
tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng
https://tinyurl.com/wjowxizz India ang kalayaan
• Nakilala siya bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”. • Tinuruan niya ang mga mamamayan
na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa
(lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban.
• Hindi rin niya sinang-ayunan ang pagtatangi sa untouchables at sati na para sa mga
kababaihan.
• Ipinakilala rin ni Gandhi ang paraang civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga
Indian na gumawa ng pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles lalo na
ang telang negosyo ng mga ito.
• Isinagawa rin niya ang pag -aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga
Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya.
• Labas masok man sa piitan ay hindi pa rin siya natakot.
• Sa halip ay nagpatuloy pa rin si Gandhi sa kaniyang mapayapang pakikibaka hanggang sa
makamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan.
• Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal
Nehru.
• Nabaril at napatay si Gandhi noong Enero 30, 1948 na hindi nagtagumpay sa kanyang
adhikain na mapagkasundo ang mga Hindu at Muslim.

MOHAMED ALI JINNAH

• Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan”, isang


abogado at pandaigdigang lider.
• Ipinanganak noong Disyembre 25, 1876, sa
Karachi, Pakistan.
• Ang kaniyang mga magulang ay sina Jinnahbha
Poonja at Mithibai.
• Panganay na anak sa pitong magkakapatid.
• Nakapag-aral sa Pamantasan ng Bombay,
Lincoln Inn, Christian Missionary Society High
School, Sind Madrassa Gohal Das Tej Primary
School at Sindh Madrasatul-Islam.
https://www.pinterest.ph/pin/835417799621145991

6
• Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na isang dayuhan tulad ni Sir Frederick Leigh Craft
na mag-aral sa London.
• Kabilang si Ali Jinnah sa Khoja Muslim sect.
• Siya ay nakapag asawa sa edad na 15 taong gulang.
• namuno sa Muslim League noong 1905. Layunin ng samahan ang magkaroon ng hiwalay
na estado para sa mga Muslim.
• Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa India.
• Noong Agosto 14, 1947 nang ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan.
• itinanghal na kauna - unahang gobernador heneral ng Pakistan.
• Namatay si Mohamed Ali Jinnah noong Setyembre 11, 1948.

MUSTAFA KEMAL ATATURK


• Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi ng imperyong Ottoman
noon, ngayon ay Saloniki, Greece.
• Ang kaniyang mga magulang ay sina Ali Riza Efendi at
Zubeyde Hanim
• Sinasabing nagmula sa pamilya ng mga Nomads sa
Konya, Turkey.
• Nakapag-aral ng elementarya sa Semsi Efendi School.
https://tinyurl.com/2bvkbqys • Nag-aral sa Monastir High School noong taong 1899.
• Taong 1905 nang matapos ng pag-aaral sa Ottoman Military College si Mustafa, at naging
ganap na isang sundalo.
• Naging Kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5th Army sa Damascus na ngayon ay Syria
hanggang noong 1907.
• Isa si Mustafa na hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong matapos ang
kanilang digmaan noong 1911 hanggang 1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman.
• Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of
Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000
Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga
Italyano
Si Mustafa Kemal ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila
na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece
at Armenia.
• Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing
tagapagsalita (speaker).
• Ito ang Grand National Assembly ng Turkey.
• Ito ang nagbigay daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan
ng bansang Turkey.
• Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand National Assembly kasama ang mga Kanluranin ay
lumagda sa isang kasunduan na tinawag na Treaty of Luasanne na kumikilala ng kalayaan
ng Turkey.
• ang unang nahalal na pinuno ng Bagong Republika.
• Tinawag siyang Ataturk na nangangahulugang Ama ng mga Turko.

7
AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI KHOMEINI

• Isinilang noong Setyembre 24, 1902, lumaki sa


pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin, matapos
mamatay ang kaniyang ama sa kamay ng mga bandido.
• Nang mamatay ang kaniyang ina siya ay naiwan sa
pangangalaga at pagsusubaybay ng kaniyang
nakatatandang kapatid.
• Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa
larangan ng politika.
https://www.pinterest.ph/pin/144044888054797645/

• Kasama siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang


Shah sa mga mamamayan at ang tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga
dayuhan tulad ng Estados Unidos.
Si Ayatollah rin ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban
sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito
sa Israel.
• Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayatollah na umani ng
malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa.
• Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq noong
Nobyembre 1964, dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang
kaniyang bansa.
• Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic
(Islamic Revolution) noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran
na muling tinanggap ng mga mamamayan.
• Noong Pebrero 1989, siya ay nagpalabas ng isang Fatwa sa estasyon ng Tehran Radio na
nagbibigay ng parusang kamatayan laban sa isang manunulat na Ingles na si Salman Rushdie
at sa kaniyang tagapagpalimbag ng aklat na may titulong Satanic Verses.
• Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3, 1989 sa gulang na 70 taon.
• Kinikila siya bilang isa sa mga malupit na lider ng ika-20 siglo.

IBN SAUD

• Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.


• Isinilang noong Nobyembre 24,1880 sa Riyadh, anak ni
Abdul Rahman Bin Faisal.
• Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong
tradisyunal ng kilusang wahhabi ng Islam (ultra orthodox).
• Minsang nakulong sa Kuwait ang kaniyang pamilya.

https://www.pinterest.ph/pin/634515034987179482 /

• Taong 1902 nang muling mapasakamay nila ang Riyadh, samantalang taong 1912 naman
nang masakop niya ang Najd at dito ay bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo.
• Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kaniya,
ngunit di ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali na si Husayn Ibn
Ali ng Hejaz.
• Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili
bilang hari ng Hejaz at Nejd.

8
• Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn
Saud ang kaniyang kaharian ng bagong pangalan bilang Saudi Arabia.
• Nagtagumpay siya na mahimok ang mga Nomadikong tribo o pangkat-etniko na mapaayos
ang kanilang pamumuhay at iwasan na ang gawain ng panggugulo at paghihiganti.
• Sa kaniya ring pamumuno ay nawala ang mga nakawan at pangingikil na nangyayari sa
mga dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina.
• Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos
noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.
• Pinatunayan ng bansa na ang mina ng langis ang pinakamayaman sa daigdig na
nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-unlad.
• Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay nanatiling neutral ngunit di
rin naiwasan na siya ay minsang pumabor sa mga Allies.
• Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab Israel noong 1948.
• Pinalitan siya ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud.

Pagyamanin

Gawain A: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolumn ng Data Retrieval Chart.
Kopyahin ang talahanayan at isulat ang iying sagot sa iyong kwaderno.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Rehiyon Bansa Salik ng Pamamaraang Manipestasyon Epekto


Pagpapakilala Ginamit para ng sa mga
ng Matamo ang Nasyonalismo Bansang
Nasyonalismo Kalayaan Asyano

Timog
Asya

Kanlurang
Asya

Gawain B. Loop a Word

9
Kopyahin mo sa kuwaderno ang krossalita at subukan mong hanapin, sa anumang
direksiyon, ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan ang salita at pagkatapos ay
isulat ito sa tabi ng bawat aytem.

______1. Pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na


asawa.
______2. Pinakamalaking kontinente sa daigdig.
______3. Katutubong sundalong Indian.
______4. Rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang India at Pakistan.
______5. Binubuo ng mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala, at mga batas
ng isang bansa.
______6. Paraan ng pakikipaglaban ni Mohandas Gandhi para makamit ang kasarinlan ng
India mula sa mga Ingles
______7. Tumutukoy sa hindi pag sang-ayon ng isang tao sa isang bagay o kaya naman ay
ideya.
______8. Damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inang-bayan.
______9. Pangkat ng tao na nagtataglay ng magkatulad at natatanging pisikal na katangian.
______10. Ito ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo.

10
Isaisip
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at sumulat ng tatlo hanggang limang salita sa
bawat larawan. Gawin ito sa iyong kwaderno. (Pwede rin na magdilit ng larawan saiyong
kwaderno tungkol sa mga salitang Amtitsar Massacre, Holocaust at Suttee)

Amritsar Massacre Holocaust

https://tinyurl.com/tqeb05r5
https://www.pinterest.ph/pin/35817759524561111/

Suttee

https://www.pinterest.ph/pin/392868767465330665/

Isagawa
Sumulat ng isang maikling sanaysay sa pahayag ni Mahatma Gandhi. Isulat ito sa iyong
kuwaderno. May pamantayan o rubrics sa paggawa nito.

“Mas malakas ang pwersa ng walang karahasang lumaban, malaya


sa poot at walang armas na kailangan”

Pamantayan o RUBRICS
Gamitin ang iskala sa ibaba sa pagwawasto ng sanaysay.

1 Mahina 4 Napakagaling 2 Magaling 3 Magaling-galing 5 Superyor

11
__ (Organisasyon) Lohikal ang presentasyon at nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga
ideya
__ (Nilalaman) May ebidensya ng pagkaunawa sa pangunahing mga konsepto
__ (Presentasyon) Wasto ang mga pangungusap at maayos ang pagkakasulat
__ (Kabuuang epekto) Epekto sa nagwawasto
20 – Kabuuang Iskor

Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito
sa iyong kuwaderno
1. Ito ay damdaming makabayan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at
pagpahahalaga sa Inang-bayan.
A. Kolonyalismo B. Nasyonalismo C. Imperyalismo D. Kristiyanismo

2. Ano ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo na makikita sa


pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin?
A. Kalayaan B. Pagkakaisa C. Katarungan D. Pag-unlad

3. Ito ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng isang tao na kung saan


may kahandaang magtanggol at mamatay para sa bayan.
A. Nasyonalismo B. Kolonyalismo C. Imperyalismo D. Kristiyanismo

4. Ito ay ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay


na asawa.
A. Suttee B. Sepoy C. Satyagraha D. Amritsar

5. Ito ay pag-aalsa ng mga Sepoy sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o
racial discrimination.
A. Rebelyong Sepoy B. Amritsar Massacre C. Suttee D. Ahimsa

6. Nakilala siya sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non violent means ng


pakikipaglaban para sa kalayaan ng India
A. Mohandas Gandhi B. Mohamed Ali Jinnah
C. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

7. Maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa


pamamaril ng mga Ingles
A. Maguindanao Massacre B. Nanjing Massacre
C. Chios Massacre D. Amritsar Massacre

12
8. Ito ay nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang
malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang
bansang Europeo.
A. Holocaust B. Protectorate C. Colony D. Sistemang Mandato

9. Ito ay ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o
Israelite.
A. Zionism B. Holocaust C. Suttee D. Protectorate
10. Ito ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Zionism B. Holocaust C. Suttee D. Protectorate

Karagdagang Gawain
Mapa Sikat

Muli mong kilalanin ang mga pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya. Gumamit
ka ng mapa. Itapat mo ito at sa anong bansa nagmula ang mga pangalan ng lider
nasyonalista ang nakasaad sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang tanong na nasa ibaba. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.

Mohandas Gandhi Mustafa Kemal Ataturk Ayatollah Khomeini

https://www.pinterest.ph/pin/218846863115839702 / https://www.findagrave.com/memorial/2496/mustafa - https://www.pinterest.ph/pin/144044888054797645 /


kemal-atat_rk
13
Ibn Saud Mohamed Ali Jinnah

https://www.pinterest.ph/pin/634515034987179482/ https://www.pinterest.ph/pin/835417799621145991/

1. Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya ng nais


mong tularan? Bakit?

2. Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan na katulad mo ang maaaring


magpamalas ng pagmamahal sa bansa sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

3. Sino sa mga lider sa Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan ang kakikitaan natin
ng pagiging makabayan sa kabila ng mga naranasang kaguluhan sa kanilang
bansa? Bakit?

14
Susi sa Pagwawasto

Paunang 1. Pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa


Pagtataya/Tayahin libing ng namatay na asawa.-SUTTEE
1.B _2. Pinakamalaking kontinente sa daigdig.-ASYA
2.B _3. Katutubong sundalong Indian.-SEPOY
3.A _4. Rehiyon sa Asya kung saan kabilang ang India at
4.A Pakistan. TIMOG

5.A _5. Binubuo ng mga katutubo at katangi-tanging kaugalian,


paniniwala, at mga batas ng isang bansa. KULTURA
6.A
_6. Paraan ng pakikipaglaban ni Mohandas Gandhi para
7.D
makamit ang kasarinlan ng India mula sa mga Ingles
8.D MAPAYAPA
9.B _7. Tumutukoy sa hindi pag sang-ayon ng isang tao sa isang
10.A
bagay o kaya naman ay ideya. PAGTUTOL
_8. Damdaming makabayan na maipapakita sa matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan.
NASYONALISMO
_9. Pangkat ng tao na nagtataglay ng magkatulad at
natatanging pisikal na katangian. LAHI
_10. Ito ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo.
PAGKAKAISA

15
TALAHULUGAN
Nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inang-bayan
Suttee – pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa
Rebelyong Sepoy - ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang
pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
Amritsar Massacre – maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon
dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay
namatay ang may 379 katao at mayroong halos 1,200 na katao ang
nasugatan.
Sistemang mandato – nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang
maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim
muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Sebastian, Adelina A., Espiritu, Angelo C.,et al. ASYA: Pagkakaisa
sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan 7 Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines: Eduresources Publishing, Inc. 2014 pp. 222-234
Website
https://www.pinterest.ph/pin/835417799621145991
https://www.findagrave.com/memorial/2496/mustafa-
https://www.pinterest.ph/pin/144044888054797645/
https://www.pinterest.ph/pin/218846863115839702/
www.facebook.com/workingclasshistory/posts/on-this-day-13-april-1919-the-amritsar-
massacre-took-
https://www.pinterest.ph/pin/35817759524561111/
https://www.pinterest.ph/pin/392868767465330665/
https://www.fullpointcebu.com/cviraa-2015-cebu-city-ninos-continue-to-dominate-mandaue-
inches-closer
http://dumaguetemetropost.com/handball-tryouts-for-ph-natl-team-p9181-437.htm

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like