You are on page 1of 30

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 4:


Mga Kaisipang Asyano na
Nagbigay-daan sa Paghubog ng
Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Mga Kaisipang Asyano na Nagbigay-daan sa
Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Mga Kaisipang Asyano na
Nagbigay-daan sa Paghubog ng
Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Kaisipang Asyano na
Nagbigay-daan sa Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Kaisipang Asyano na Nagbigay-daan sa Paghubog ng
Sinaunang Kabihasnan sa Asya!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

2
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

3
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Pinagkunan ng larawan:shutterstock.com

2
Alamin

Aralin 4 - Mga Kaisipang Asyano na Nagbigay Daan sa Paghubog ng


Sinaunang Kabihasnan sa Asya
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
● Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakinlang Asyano.
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
● Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon
na nagbigay daan sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
C. Kasanayan sa Pagkatuto:
● Napahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog
ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbubuo ng pagkakakilanlang
Asyano.

D. Tiyak na Layunin:
● Sa pamamagitan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

1. Naiisaisa ang mga relihiyong nagmula sa Kanlurang Asya, Silangang Asya


at Timog Asya.
2. Nasusuri ang mga relihiyon sa Kanlurang Asya, Silangang Asya at Timog
Asya batay sa pinagmulan, nagtatag at katuruan o doktrina.
3. Natataya ang bahaging ginampanan ng mga relihiyon sa Kanlurang Asya,
Silangang Asya at Timog Asya sa paghubog ng kabihasnang Asyano.
4. Napahahalagahan ang mga katuruan na magiging gabay sa pamumuhay
sa kasalukuyan.

1
Subukin

A. Isulat ang letrang B kung ang pahayag ay tumutukoy sa Budhismo, letrang H


kung Hinduismo, letrang I kung Islam, letrang K kung Kristiyanismo, at letrang J
kung Jainismo. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Naniniwala sa reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao
ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
2. Pinagbabawal ang pananakit sa anumang uri ng may buhay katulad ng mga
insekto.
3. Pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng
Diyos.
4. Walang ibang kinikilalang diyos maliban kay Allah.
5. Ang buhay ng tao ay puno ng kalungkutan at pagpapakasakit na bunga ng
kanyang mga pagnanais.
B. Kilalanin ang mga nagtatag ng mga sumusunod na relihiyon. Piliin ang sagot sa
kabilang hanay. Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.
6. Islam a. Guru Nanak
7. Budhismo b. Zoroaster
8. Zoroastrianismo c. Muhammad
9. Kristiyanismo d. Sidharta Gautama
10.Sikhismo e. Hesuskristo
C. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi .
11. Ang mga aral ng Taoismo ay nakapaloob sa Tao Te Ching na nilikha ni Lao
Tzu.
12. Ayon kay Confucius ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay
magdadala ng kapayapaan.
13. Sa paniniwalang Legalismo, kinakailangang pairalin ang batas upang
kumilos at gumawa ang mga miyembro ng lipunan.
14. May anyong polyteismo ang relihiyong Islam.
15.Ang relihiyon ay maaaring dahilan din ng hindi pagkakaunawaan ng ilang
pangkat ng tao.

Bago mo ipagpatuloy ang mga susunod na gawain, ay


Iwasto ang iyong sagot gamit ang gabay sa pagwawasto na nasa
huling bahagi ng modyul na ito. Aasahan ko ang iyong KATAPATAN
sa pagwawasto.

2
Aralin
Mga Kaisipang Asyano na
Nagbigay Daan sa Paghubog
4 ng Sinaunang Kabihasnan sa
Asya
Ang Asya ang itinuturing na lundayan ng mga pangunahing relihiyon sa mundo.
Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na “re-ligare” na ang ibig
sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob. Ito rin ay isang organisadong sistema
ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig na
nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang Diyos. Ang salitang pilosopiya ay hango
sa salitang Griyego na philo na nangangahulugang “pagmamahal” at sofia na ang
ibig sabihin ay “karunungan”, samakatuwid ang pilosopiya ay nangangahulugang
“pagmamahal sa karunungan”.
Balikan

larawan: shutterstock.com larawan: shutterstock.com


A. Kilalanin ang tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Piliin ang sagot mula sa
hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Tawag ng mga Tsino sa kanilang imperyo a. Divine Origin
2. Kaunaunahang emperador ng Japan b. Sinocentrism
3. Kahulugan ng Deva at Raja c. “Mandate of Heaven”
4. Pananaw ng mga Tsino na nakaaangat d. caliph
ang kanilang lahi sa iba. e. “diyos” “hari”

3
5. Paniniwala ng mga Hapones at Koreano f. Jimmu Tenno
g. Zhongguo
B. Isulat ang T kung ang pangungusap ay naglalahad ng tamang detalye at M
kung mali.
6. Pinaniniwalaan ng mga Tsino na may basbas ng langit o “Mandate of
Heaven” ang pamumuno ng kanilang emperador.
7. Kinikilala sa kasalukuyang panahon ang emperador ng Japan bilang
simbolikong pinuno.
8. Ang salitang “Korea” ay nangangahulugang “Land of the Rising Sun”.
9. Sa India kinikilala ang kanilang diyos bilang pinakamataas at walang
kapantay dahil hindi lamang iisang diyos ang kaniyang taglay.
10.Sa Timog-Silangang Asya pinaniniwalaang nananahan sa kapaligiran ang
espiritu ng kanilang mga diyos-diyosan.

Tuklasin

larawan: shutterstock.com
Panuto: Buuin ang mga ginulong letra upang matukoy ang mga pagtitipon o
pagdiriwang ang ipinakikita ng mga larawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong mga tanong sa sagutang papel.
Pinagkunan ng mga larawan mula sa: commons.wikimedia.org

4
Suriin

larawan:shutterstock.com

MGA RELIHIYON SA KANLURANG ASYA

JUDAISMO
● Isang monoteistikong relihiyon (pagkilala sa iisang Diyos)
● Itinatag ng mga Hudyo(Jews) o Israelites sa Israel.
● Si Yahweh ang kinikilalang nag-iisang Diyos.
● Torah ang tawag sa banal na aklat na ang ibig sabihin ay
“batas at aral” at naglalaman ng limang aklat ni Moses.
Nakasaad din sa aklat na ito ang mga aral at
salita ni Yahweh.
larawan:svgsilh.com
● “Star of David” o “Shield of David”ang simbolo ng Judaismo na sumisimbulo
ng pagpapahalaga kay David na namuno sa kahariang Israel noong 1000
hanggang 962BCE.
● Ang Purim (pagdiriwang sa pagkakaligtas ng mga Jews sa mga Persian),
Sabbath (banal na araw), Pesach o Passover (naganap na Exodus mula

5
Egypt), Rosh Hashanah (bagong taon ng mga Hudyo), at Hanukkah
(pagkabalik ng Jerusalem mula sa mga Syrian) ang ilan lamang sa mga
mahahalagang pagdiriwang na may kaugnayan sa kanilang relihiyon.
● Nakapaloob sa Sampung Utos ang mga aral ng Judaismo na nagsisilbing
gabay ng mga Hudyo o Jews sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
KRISTIYANISMO
●Isang monoteistikong relihiyon na nagmula sa relihiyong
Judaismo. Pinaniniwalaan ang pagkilala sa Santisima
Trinidad (Tatlong persona sa iisang Diyos) na pinagtibay ng
Simbahang Katoliko.
● Itinatag ni Hesuskristo na tinuturing na Mesias at
larawan:pixabay.com manunubos.
● Palestina ang banal na lupain at Jerusalem ang lugar kung saan
ipinanganak si Hesukristo.
● Bibliya ang banal na aklat na nahahati sa dalawang bahagi - Luma at
Bagong Tipan.
● Krus ang simbolo na nagpapaalala ng pagmamahal ni Kristo sa
sangkatauhan.
● Panalangin, pag-awit,pagbasa ng banal na aklat, at pangaral ng pari ay
bahagi ng seremonya ng simbahang Katoliko. Ang Araw ng Palaspas ay
hudyat ng pagsisimula ng Banal na Linggo sa Kristiyanong kalendaryo.
● Ang Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula
sa Papa sa Roma (pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko) ang
batayan ng pananampalatayang Kristiyano.

larawan:shutterstock.com

6
ISLAM
● Monoteistikong relihiyon na tinatag ni Muhammad sa
Medina, Saudi Arabia.
● Galing sa salitang Arabic na salam na nangangahulugang
kapayapaan, pagsunod at pagsuko kay Allah.
commons.wikimedia.org
● “Walang ibang Diyos kundi si Allah, si Muhammed ang “Propeta ng Diyos”,
ito ang pahayag ng pananalig ng mga Muslim. Si Allah lamang ang
kinikilalang Diyos at tagapaglikha ng mga Muslim.
● Qur’an o Koran ang kanilang banal na aklat na nagsisilbing gabay sa
pangaraw-araw na buhay ng mga Muslim.
● Crescent moon ang simbolo ng Islam na may kaugnayan sa bagong buwan na
pagsisimula ng kalendaryong Lunar ng mga Muslim.
● Eid Ul Fitr o “Night of Power” - pinakamahalagang huling gabi ng Ramadan
na ayon sa paniniwalang Muslim ito ang gabi kung saan nagpakita at
kinausap si Muhammed ni Anghel Gabriel.
● Itinuturo ng Islam ang pagkakaroon ng mabuti at masama sa daigdig at ang
bawat indibidwal ay may pananagutan sa kanyang mga kilos at uri ng
pamumuhay na kanyang tinatahak. Hindi sila kumakain ng baboy at
umiinom ng alak, ang lalaki ay maaring magkaroon ng apat na asawang
Muslim. Tunguhin nila ang pagkakaroon ng kapayapaan, kawalan ng
kaguluhan, pluralism at consultative system of leadership.
● Ang Limang Haligi ng Islam o “Five Pillars” ang pundasyon ng Islam na
inaasahan na maisasagawa ng bawat Muslim. Ito ay ang mga sumusunod:
⮚ Shahadah o Pananalig - pagpapahayag ng katagang “Walang ibang
diyos kundi si Allah at si Muhammed ang kanyang Propeta”.
⮚ Salah o Panalangin - pagdarasal ng limang ulit sa loob ng isang araw.

⮚ Zakat o Pagbibigay ng limos/pagtulong sa kapwa (pagbabahagi ng


bawat Muslim ng bahagi ng kanyang kita o kayamanan sa mahihirap).
⮚ Saum o Pag-aayuno - hindi pagkain, hindi pag-inom at pagpigil sa
seksuwal na relasyon ng mag-asawa sa buong buwan ng Ramadam na
magsisismula sa ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.
⮚ Hadji o Paglalakbay patungo sa Mecca (The Black Stone of Kaaba)
kahit isang beses man lamang sa kanyang buhay.

ZOROASTRIANISMO
● Tinuturing na isa rin sa pinakamatandang relihiyon sa
daigdig (600B.C.E.) na itinatag sa Persia (Iran).

7
● Zarathustra na kilala rin siya bilang Zoroaster sa
Greece at Zarathosht sa India at Persia (Iran)
● Zoroaster ang kinikilalang propeta.
● Ahura Mazda - tagapaglikha at tagapag-taguyod ng
daigdig. Siya nga Diyos ng Zoroastrianismo.
commons.wikimedia.org
● Zend Avesta ang banal na aklat na naglalaman ng mga pangaral at awit ng
relihiyon.
● Itinuturo ng relihiyong ito ang paggawa ng mabuti at pag-iwas sa paggawa ng
masama sa kapwa.

larawan:shutterstock.com

RELIHIYON MULA SA SILANGANG ASYA

SHINTOISMO
● Tradisyunal na relihiyon sa Japan. Ito ay nangangahulugang
“kami no mihi” o “way of gods”.
● “Kami” ang tawag sa Diyos na pinaniniwalaang nananahan sa
kalikasan tulad ng bundok, ilog, hangin, halaman, puno,
bato at iba pang aspekto ng kalikasan.
Commons.wikimedia.org
● Ang Mt.Fuji ang isa sa mga sinasamba nilang kami. Itinuturing din nilang
kami ang mga mahuhusay nilang namatay na emperador, pinuno at samurai
at kanilang ninuno.
● Musuhi ang tawag sa kapangyarihan ng kami na gamit sa paglikha ng
mabuting ugnayan ng tao at kalikasan, at pagbibigay ng mabuting kalooban
sa tao na tinatawag na makoto.
● Pinahahalagahan ang paglilinis at pagtatanggal ng masamang ispiritu kung
saan ang panlabas na katawan ay nililinis sa pamamagitan ng paghuhugas
ng bibig at kamay gamit ang tubig bago ang ritwal samantalang ang panloob
na ritwal ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsamba sa mga kami sa
pamamagitan ng pagsayaw, pag-awit at pag-aalay ng pagkain.
● Ang Matsuri ay mahalagang pagdiriwang kung saan nagpapasalamat sila sa
kanilang mga kami sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain, musika at
sayaw. Mahalaga din ang pagbubuklod ng pamilya kung kaya’t karaniwang
nauugnay sa pamilya ang mga selebrasyon o pagdiriwang.

8
MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA

HINDUISMO
● Politeistikong relihiyon (pagkilala sa maraming diyos) na
nagmula sa hilagang-kanlurang bahagi ng India kung saan
umusbong ang kabihasnang Indus na itinatag ng mga Aryan.
● Sagradong aum ang simbolong Hinduismo, kung saan ang
commons.wikimedia.org a ay simula; u ay pag-unlad; at ang m ay hangganan. Sa
kabuuang ang aum ay nangangahulugang
“ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad,at paggunaw
ng mundo ay magmumula lamang sa Panginoon”.
● Ang Veda o Vedas ang banal na aklat ng mga Hindu na naglalaman ng mga
panalangin, awit at mga pilosopiya. Itinuturo sa aklat na ito kung paano
magkakaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao.
● Brahma (Tagapaglikha), Vishnu (Tagapangalaga) at si Shiva (Tagawasak) ang
mga pangunahing diyos ng mga Hindu.
● Ang Holi at Divali ay ang makukulay na pagdiriwang ng mga Hindu.
● Naniniwala sila sa pagsasama at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na
nagdadala ng pagkakaisang ispirituwal. Ang konsepto ng karma o “isang
bagay na nilikha o bunga ng gawi ng isang tao” ay nagmula din sa mga
Hindu.
● Naniniwala ang mga Hindu sa Reinkarnasyon o siklo ng kapanganakan at
kamatayan na kapag namatay ang isang tao, ang kaluluwa ay muling
mabubuhay na nakabatay sa kanyang karma na kung siya ay mabubuhay
muli sa mas mataas o mas mababang antas o uri ng nilalang.
● Naniniwala sila sa Nirvana o tunay na kaligayahan at kapayapaan. Ito ang
sukdulan na layunin ng mga Hindu ay makawala sa siklo ng Reinkarnasyon
at makamit ang ganap na katiwasayan at kalinisan ng kaluluwa.
BUDDHISMO
● Nagsimula sa India noong ikaanim na siglo B.C.E. na
nakabatay sa mga aral at katuruan ni Siddhartha
Gautama o mas kilalang Buddha “Ang Naliwanagan”.
● Ang “Gulong ng Buhay”o “Wheel of Life” ang simbolo ng
Budhismo na sinasabing pinagalaw ni Buddha nang una
commons.wikimedia.com siyang nangaral.

9
● Ang “Four Noble Truths” o ang apat na ideya ang pinangaral ni Buddha na
binubuo ng mga sumusunod:
o puno ng pagdurusa ang buhay ng tao;
o nagmumula ang pagdurusa sa masidhing paghahangad;
o magwawakas ang pagdurusa sa pagwawakas ng paghahangad; at
o mawawakasan ang pagdurusa sa pagsunod sa Eightfold Path na
tinatawag ding Middle Path na nagsisilbing gabay ng tao upang
makamit ang Nirvana (paraiso o kaluwalhatian) na kung saan ito ang
sukdulang layunin ng mga Budista.
▪ Eightfold Path
● tamang pag-iisip;
● tamang pananaw;
● tamang intensiyon;
● wastong pagsasalita;
● wastong pagkilos;
● wastong konsentrasyon;
● wastong hanapbuhay, at
● wastong pagpupunyagi.
● May dalawang uri ng sekta ng Budhismo: ang Hinayana o Theravadana na
lumaganap sa Timog Silangang Asya (Sri Lanka, India, Tibetan) at ang
Mahayana o Vajrayanan na lumaganap sa Tsina at Japan.

JAINISMO
● Itinatag sa India ni Rsabha, ngunit ang pinakapinuno ay si
Mahavira o Vhardamana.
● Kamay at gulong ang simbolo ng Jainismo na kung saan
mababasa ang ahimsa, ang banal na panata ng mga Jain sa
kawalang karahasan.

commons.wikimedia.org
● Naniniwala sa reincarnation. Nakasentro ang kanilang pangaral sa buhay na
walang karahasan hindi lamang sa kapwa tao maging sa halaman at hayop.
Ipinagbabawal ang pananakit sa anumang uri ng may buhay. Ito ay
tinatawag na ahimsa o kawalan ng karahasan.
● Pinahahalagahan din ng Jainismo ang asetismo o pagpapasakit at mahigpit
na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.

10
SIKHISMO
● Monoteistikong relihiyon na nagmula sa Punjab, India
noong ika-15 siglo.
● Itinatatag ni Guru Nanak, ”Tagasunod”o “disipulo” ang
kahulugan ng Sikh. Naniniwala sila sa iisang diyos na
kilalang walang kamatayan at hugis. Kilala ang relihiyong ito na
kombinasyon ng elementong Islam at Hindu.
pixabay.com
● Ang mga aral ng Shikh ay nagbibigay-diin sa pagkapantay-pantay,
paglilingkod, at pagbibigay proteksyon sa mahihirap laban sa walang
katarungan, pagsunod sa mga itinakdang alituntunin kasama ang pagiging
vegetarian o pagkain lamang ng mula sa halamang tanim.

GAWAIN 1: I SHOUT OUT MO…!


Panuto: Ipaliwanag mo ang iyong kaisipan at saloobin kung paano ang mga
katuruan o doktrina ng mga relihiyon na iyong sinuri ay naging bahagi sa
paglinang o paghubog ng kabihasnang Asyano. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gamitin gabay sa pagsagot ang graphic organizer sa ibaba.

11
shuttersstock.com

MGA PILOSOPIYA SA ASYA

CONFUCIANISMO
● Tinatag ni Confucius na kilala rin bilang K’ung-fu-tzu
na ang ibig sabihin ay “Master King”.
● Nakatuon ang mga aral o turo sa pagkakaroon ng tamang
asal at moralidad at pagsusulong ng mabuting pamamahala.
● Binibigyang diin din ang pag-aaral para sa mga kalalakihan
upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at maging mabuting
commonswikimedia.org mamamayan. Ayon sa kanya, ang lalaking nakapag-aral ay
magtataglay ng jen (kagandahang loob), li (kagandahang asal at decorum) at xiao
(paggalang sa magulang). Kung taglay ito ng isang lalaki, magiging karapat-dapat
siyang maglingkod at mamuno sa pamahalaan, samantalang ang mga hindi
nakapag-aral ay gagamitin ang lakas-katawan upang maglingkod sa lipunan.
● Nakapaloob sa Five Classics ang mga aral o turo ni Confucius.
● Ang Pagsusulit sa Serbisyo Sibil (Civil Service Examination) ay isa sa
mahalagang ambag ng pilosopiyang Confuciasmo.

TAOISMO
●Tinatag ni Lao Zi (Lao Tzu) na nangangahulugang “Old
Master”, sa China sa panahon ng dinastiyang Zhou.
● Nakabatay ang Taoism sa “Tao” na nangangahulugang “daan”
na siyang nag-uugnay at nag-iisa sa lahat ng bagay sa
sanlibutan.
● Kabilang sa turo ng Taoismo ay: “kapag gumawa ka ng
masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan,
commonswikimedia.com ang buhay at kamatayan ay magkasama, mga birtud ng
pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba at ang estado ay
nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa”. Ang “Tao Teching” ay sinulat ni Lao
Tzu na naglalaman ng pangunahing aral ng Taoismo.

LEGALISMO
●Naitatag sa China sa panahon ng dinastiyang Zhou (4 BCE)
nina Shang Yang (mahusay na adminitrador) at Han
Feizi (bumuo ng kaisipan sa pagpapatakbo ng pamahalaan)
● Nakabatay ang Legalismo sa pagpapalawak,
pagpapatatag at pagpapalakas ng puwersa ng estado.

12
● Naniniwala rin sila na mahalaga ang mahigpit na batas sa
pamahalaan at estado upang ang lahat ng miyembro ng
lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at mahusay.
commonswikimedia.org Mahalaga ang paglilingkod ng mga mamamayan sa estado at
karangalan ang maging sundalo at maging magsasaka. Ang mahigpit at malupit na
pamumuno o paggamit ng “Kamay na Bakal” ay itinataguyod ng pilosopiyang ito.

larawan:shutterstock.com

GAWAIN 2: HANAPIN ANG DAAN


Panuto: Tulungan ang bata na hanapin ang tamang daan patungo sa paaralan. Ang
sampung (10) letra na kanyang madadaanan ay may katumbas na katanungan na
nakatala sa ibaba. Sagutin mo ito upang mabagtas ang daan patungo sa paaralan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
pinagkunan ng larawan:Kidsfront.com

MGA TANONG:

13
1. Paggamit ng “Kamay na Bakal” o malupit at mahigpit na pamumuno ang
pinahahalagahan ng pilosopiyang ito.
2. Ang Qur’an o Koran ang banal na aklat ng relihiyong ito.
3. Pagkakaroon ng tamang asal at moralidad at pagsulong ng mabuting
pamamahala ang pangunahing katuruan ng pilosopiyang ito.
4. Ang “Gulong ng Buhay” ang simbolo ng relihiyong ito.
5. Relihiyong nakabatay sa buhay at aral ni Hesukristo.
6. Nakapaloob sa kasulatan ng “Tao Teching” ang mga paniniwala at turo ng
pilosopiyang ito.
7. Pangunahing aral ng relihiyong ito ay ang Sampung Utos ng Diyos.
8. Pag-iwas sa anumang uri ng pananakit o sa anumang uri ng nilalang maging
sa mga insekto ang pinagbabawal sa relihiyong ito.
9. Naniniwala sa reinkarnasyon at karma ang relihiyong ito.
10.Ito ay nagmula sa salitang Latin na “re-ligare” na ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at pagbabalik loob.

Pagyamanin

TALAS-ISIP: May Konek!


Suriin ang pinakamahalagang aral o katuruan na natutuhan mo sa
mga relihiyon at pilosopiya sa Kanlurang Asya, Timog Asya at
Silangang Asya. Iugnay mo kung paano nakaimpluwensya ang mga
aral at katuruang ito sa paghubog ng kabihasnang Asyano sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong tanong. Isulat ang
iyong sagot sa papel.
kindpng.com
PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano nagkakatulad at nagkakaiba
ang mga aral at katuruan ng mga
relihiyon at pilosopiya Asya?
2. Paano nakatulong ang relihiyon at
pilosopiya sa pagbuo at paghubog ng
kabihasnang Asyano?
3. Bakit napanatili ng mga Asyano
ang paggalang at pag-unawa sa
bawat isa kahit magkakaiba ng
relihiyon at
pilosopiyang pinaniniwalaan?

excelshe.com

14
Isaisip

Isagawa

MAY DAHILAN BA TALAGA?


Dugtungan ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa isang buong papel ang iyong
sagot.

A. “Ang Diyos ay hindi gumawa nang wala sa kanyang plano”


Para sa akin ang mensaheng ito ay ___________________________.
B. 1)Ang Batas ng Diyos; 2) Ang Batas ng Tao. Alam natin na ang bawat batas
ay dapat sundin o tuparin sapagkat kapag ating ito ay sinuway ay may
karampatang parusang naghihintay. Para sa akin ang mensahe
na ito ay _____________________________________________________.
C. Ang batas ng karma ay hindi isang marahas na batas upang parusahan tayo
bagkus ang batas na ito ay isang makatuwiran at patas na batas upang tayo
ay matuto sa ating mga nagawang mali. Para sa akin ang mensahe na ito ay
_______________________________________.
D. Ang mga nararanasan natin sa ating buhay ay bunga lamang ng mga maling
aksiyon natin sa nakaraan. Para sa akin ang mensahe na ito ay ____________.
Pinagkunan:ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,Modyulpara sa mag-aaral,Gawain 20,
May dahilan ba talaga?pp.168-170

15
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa mo ang gawaing ito?
2. Paano mo isasabuhay ang mga natutuhan mong kaisipan, aral o katuruan
sa mga relihiyon at pilosopiya sa Asya?
3. Sa panahong dumaranas ng pandemya ang buong mundo, paano mo
palalakasin ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon?

Tayahin

shuttersstock.com

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensya ng relihiyon sa
buhay ng mga Asyano?
a. Sinasamba nila sa kanilang Diyos
b. Nag-aalay sila ng panalangin at handog
c. Gabay ng kanilang buhay ang aral at katuruan nito
d. Mayroon silang takot sa Diyos
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng papel ng relihiyon bilang bahagi
ng lipunan dahil napapasunod nito ang mga tao?
a. Nagkaroon sila ng takot sa Diyos
b. Ang mga tao ay takot maparusahan sa imperyo
c. Ang relihiyon ay nagpapanatili ng kaayusan ng lipunan
d. Maraming tao ang sumusunod sa relihiyon

16
3. Kamay at gulong ang simbolong relihiyong ito kung saan nakabatay ang
ahimsa o kawalang- karahasan.
a. Budhismo b. Jainismo c. Hinduismo d. Judaismo
4. Nakabatay ang pilosopiyang ito sa pagpapalawak, pagpapatatag at
pagpapalakas ng puwersa ng estado.
a. Legalismo b. Taoismo c. Shintoismo d. Confucianismo
5. Sa isang lipunang may karahasan at kaguluhan, anong pilosopiya ang
nararapat na pairalin?
a. Devaraja b. Cakravartin c. Confucianismo d. Ahimsa
6. Nagsilbing gabay ng relihiyong ito ang wastong pagkilos at pamumuhay na
nakapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
a. Islam b. Judaismo c. Zoroastrianismo d. Kristiyanismo
7. Pinaniniwalaan ng relihiyong ito ang pagkilala sa Santisima Trinidad o
Tatlong Persona sa iisang Diyos.
a. Islam b. Zoroastrianismo c. Kristiyanismo d. Hinduismo
8. Pinagbabawal sa relihiyong ito ang pagkain ng karne ng baboy, pag-inom ng
alak at pinapayagan ang pagkakaroon ng higit sa apat na asawa.
a. Islam b. Hinduismo c. Budhismo d. Jainismo
9. Ito ay tumutukoy sa pagtatamo ng ispirituwal na kapayapaan, walang
pagpapasakit, kasakiman, kapootan at panlilinlang.
a. Nirvana b. Eight-Fold Path c. Reinkarnasyon d. Ahimsa
10. Ito ay paniniwala na ang kaluluwa ay muling mabubuhay sa mas mataas o
mababang kalagayan sa lipunan batay sa kabuuang pagkilos ng tao.
a. Eight-Fold Path b. Nirvana c. Ahimsa d. reinkarnasyon
11.Tawag sa relihiyon ng mga Persiano na naniniwalang may dalawang
puwersang naglalaban upang makuha ang kaluluwa ng tao at huhusgahan
ng tao batay sa kaniyang ginawa at kung kaninong pangkat siya sumanib.
a. Shintoismo b. Jainismo c. Zoroastrianismo d. Islam
12.Ito ay binubuo ng walong gabay sa kaisipan at gawi ng tao na mistulang
isang hagdan patungo sa espiritwal na kaganapan.
a. karma b. Eight-Fold Path c. ahimsa d. 5 Pillars
13.Nakapaloob dito ang lahat ng kautusan at ritwal ng mga Muslim.
Binabalangkas din nito ang mga katungkulan ng isang Muslim sa
pagpapasakop kay Allah.
a. 5 Pillars b. Eight-Fold Path c. Torah d. Nirvana
14.Pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim na kung saan kinausap ni
Anghel Gabriel si Muhammed.
a. wesak b. Eid ul Adha c. Eid Ul Fitr d.Linggo ng Palaspas
15.Kinikilalang Diyos na tagalikha ng mga Hindu na nagtataglay ng apat na ulo
at apat na kamay.
a. Vishnu b. Brahma c. Shiva d.Ahura Mazda

Karagdagang Gawain

Paggawa ng Book Mark. Gumawa ng isang bookmark na


naglalaman ng iyong mga natutuhang kaisipan tungkol sa

17
kahalagahan ng mga katuruan o aral ng mga rehiliyon at pilosopiya na naging
gabay mo sa pamumuhay at ng mga Asyano sa kasalukuyang panahon.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG BOOKMARK pinterest.com
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Konsepto Malinaw na naipahayag ang konseptong nais iparating; 8
Naipakita ang kahalagahan ng mga aral o katuruan ng relihiyon at
pilosopiya sa iyong buhay
Paliwanag Makabuluhan ang mga konsepto o salita na ginamit 7
Pagkamalikhain Orihinal ang gawa; angkop ang ginamit na kulay, guhit 5
at disenyo
Kabuuan 20

18
Susi sa Pagwawasto

19
Sanggunian
Aklat at artikulong Sanggunian:
1. ASYA: Pagkakaiba sa Gitna ng Pagkakaisa:Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral,pp 168-170
2. KAYAMANAN:Araling Asyano Batayan at sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan.,nina: Maria Carmelita B. Samson et al.,Rex Book
Store.,pp.248-272
3. ARALING ASYANO: Tungo sa pagkakakilanlan.,nina Romela M.
Cruz,Ed D. et al.,Vibal Publishing House.,pp 260-288

4. PAGLINANG SA KASAYSAYAN:Araling Asyano.,nina:bbey Rose A.


Celada et al.,Diwa Textbooks.,pp.143-148

Elektronikong Sanggunian:
1. https://google.search.com
2. https://youtube.com
3. https://commons.wikimedia.org/
4. https://pikist.com

20
5. https://flickr.com
6. https://publicdomainpictures.net
7. https://pxfuel.com
8. https://pinterest.com
9. https://shuttersstock.com
10.https://excelshe.com

21
22

You might also like