You are on page 1of 3

Pangalan ng Guro Grace S.

Cabada Baitang 7 Sections Mga Oras


Asignatura Araling Panlipunan Calla lily MTW 8:30 to 9:30
Markahan bilang 2 Anthurium WTHF 9:45 to 10:45
Paksa bilang 2 Sunflower WTHF 2:00 to 3:00
Pamantayan sa Pagkatuto: Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
Pamantayang Ang mga mag-aaral ay napahahalagahan ang mga bagay at kaisipang pinagbatayan
Pangnilalaman (sinocentrism, divine origin, devajara) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan.
Mga Layunin Sa dulo ng araling ito, 85 porsyento ng mga mag-aaral ay:
Kaalaman sa paksa Nauunawan ang ibat-ibang kaisipan na luminang sa mga
sinaunang kabihasnan.
Kakayahang may Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
ugnay sa paksa relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan
sa Asya.
Pag-uugali ukol sa Nabibigyang halaga ang epekto ng mga kaisipang Asyano sa
paksa kasalukuyang panahon.
I. Paksang Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Aralin Paksa: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng mga Emperyo
Code: AP7KSA-IId-1.5
Sanggunian: Modyul sa araling panlipunan 7, pp. 116 to 126
Mga Kagamitan: Pisara, Chalk, at Tsart
Larawang may ugnay sa paksa
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Balik Aral
Motibasyon: Sa inyong palagay, bakit kaya ang mga bansa sa Asya ay nagkakaiba-iba pagdating
sa uri ng pamumuno?
B. Paglinang ng Aralin
 Hahatiin ang klase sa tatlo, at bawat grupo ay itatalaga para gumawa ng banghay ng ibat-ibang
Kaisipag Asyano na makikita sa pahina 116 ng librong “Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba”.
 Bawat grupo ay sasagutan ang tsart na isusulat ng guro sa pisara. Ang tsart ay makikita sa
ibaba:
 Pagkatapos sagutan ang tsart sa pisara ay kukuha ng kinatawan sa bawat grupo na mag-
papaliwanag sa harap ng klase kung anu ang kanilang isinulat sa pisara.

C. Pagtalakay sa Paksa (analysis)


1. Sa inyong palagay, paano nakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga imperyo sa
Asya?
2. Magbigay ng mga kaisipang Asyano na masasalamin na pinagyayaman sa mga kasalukuyang pag-
uugali ng mga Asyano.
3. Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag-unlad ng mga estado sa kasalukuyang panahon?
D. Pangwakas na Gawain – Magkakaroon ng maikling pagpapaliwanag at diskusyon ukol sa mga
kaisipang Asyano na nakatulong sa pagbuo ng mga emperyo. Ang susunod ay nagpapakita ng ilan sa
mga kaisipang ito.
E. Paglalapat
Recitation: Bilang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan?
III. Pagtataya
Kumuha ng kapirasong papel at sagutin ang susunod na tanong.
1. Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang _________?
2. Sa mga Muslim, ang kanilang pinuno ay tinatawag na __________?
3. Para sa mga Hapones, ang Emperador nila ay nagsimula kay ___________?
4. Ayon sa mga Tsino, ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay anak ng
Langit o _____________.
5. Para sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ang mga namumuno ay kinikilala batay sa
Katapangan, Kagalingan, at Katalinuhan o ___________.
Mga kasagutan.
1. Devajara
2. Caliph
3. Amaterasu
4. Son of Heaven
5. Men of Prowess
IV. Takdang Aralin
Magsaliksik at magbasa ukol sa mga sinaunang pamumuhay ng mga unang kabihasnan at
pamayanan sa Asya.

You might also like