You are on page 1of 16

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 1: Kabihasnang Asyano
Pambungad sa Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Tagalikom/
Tagakontekstuwalisa: Arlyn A. Alfante Dev.Ed. D, MT -I, Abellana National School

Tagasuri Alice S. Ganar, SSPIII, OIC-PSDS, SD-8, Asst. Div. Coor-SHS


Emelita T. Lanaria, Principal IV, OIC-PSDS, SD-6
Rudolph S. Paqueo, HT-III, Cebu City National Science High School
Emily Baranggot, Assistant Principal, Pardo NHS

Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud Ed.D, Schools Divisions Superintendent


Danilo G. Gudelosao Ed.D, Asst. Schools Divisions Superintendent
Grecia F. Bataluna, Curriculum and Implementation Division Chief
Luis O. Derasin Jr., EPSvr. LRMS
Vanessa L. Harayo, EPSvr. LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City, Region VII

Office Address: Imus Ave., Barangay Day-as, Cebu City


Telefax: 255-1516, CID:
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 1: KONSEPTO NG
KABIHASNAN AT MGA
KATANGIAN NITO
Paunang Salita
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
paaralan upang gabayan ka. Ninanais din matulungan ka upang makamit ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang iyong pinanagtagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyong mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan.


Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

i
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan. (Pamprosesong Tanong)
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay
Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
Isagawa
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin
ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

ii
Modyul 1: Konsepto ng Kabihasnan
[

at mga Katangian Nito


Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

Kakayahan:
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.

Paksa/Subject Code: Kahulugan, Konsepto at Katangian ng Kabihasnan.


/ AP7KSA-IIB 1.3

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa araling tatalakayin. Kinakailangang pagtuunan mo ng pansin ang mga tanong
na hindi tiyak ang iyong sagot at alamin ang wastong kasagutan sa mga ito. Kung nakuha mo ang
lahat na tama ang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

KILALANIN ANG TINUTUKOY. Tukuyin ang pinakaangkop na tamang sagot mula sa mga
katanungang inihanda sa ibaba tungkol sa konsepto ng kabihasnan ng Asya. Sa isang sagutang papel,
isulat ang letra lamang ng iyong napiling sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mga taong


namuhay sa Panahon ng Lumang Bato o “Paleolithic Age”?
A. Kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy.
B. Nanatili sa permanenteng lugar o tirahan.
C. Nangalap ng pagkain sa kapaligiran.
D. Gumamit ng magagaspang na bato.

2. Paano nabubuo ang mga sinaunang kabihasnan?


A. Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.
B. Nalinang ang pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng
pagsulat.
C.Lumago ang populasyon at napangkat ang tao ayon sa kanilang
kakayahan.
D. Naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
3. Paano natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng bato?
A. Natuklasan ang paggamit ng bato nung pinukol ito sa mga hayop at nakita nila ang epekto nito.
B. Sinasabing ang unang tao ay walang ibang pinagkukunan ng kagamitan kundi ang bato.
C. Naninirahan ang mga unang tao sa kweba at doon natuklasan ang paggamit ng bato.
D. Sinasabing ang unang tao ay walang alam sa paggawa ng ibang materyales.

4. Sa anong panahon bago lumitaw ang kasaysayan kung saan nangangalap ng


pagkain ang mga tao na karaniwan ay halaman?
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

5. Anong kaganapan ang siyang naging daan ng tao para gamitin ang apoy?
A. Nang minsang tamaan ng kidlat ang isang puno at nakagawa ng apoy.
B.Noong natuklasan ng tao na mas masarap ang pagkaing luto sa apoy.
C. Nang sinubukan ng taong paghampasin ang dalawang bato.
D.Lahat ng nabanggit na pangungusap ay tama.

6. Ang panahon na nagsimula ang pagtunaw ng glacier, umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at
dagat.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

7. Anong panahon natutong magpaamo ng hayop ang mga tao?


A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

8. Sa kaganapang ito natutong magsaka at nanatili sa permanenting lugar ang mga tao.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D. Panahong Metal

9. Ang panahong ito ay nakilala ang paggawa ng alahas at kagamitang pandigma ng mga tao.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

10. Ang kinilalang pinakamatigas na uri ng metal na nakapagpaunlad sa teknolohiya ng tao.


A. Bakal B. Bronse C. Lata D. Tanso

11. Ang pangkat ng sinaunang Indo-Europeo na nakatuklas ng bakal.


A. Chaldean B. Griyego C. Hittite D. Persiano

12. Bakit mahalaga ang sistema ng pagsulat bilang isang salik sa pagbuo ng kabihasnan?
A. Malaki ang ambag nito sa pagsalin ng mga ideya sa pamamagitan ng mga titik o simbolo.
B. Hindi magkakaintindihan ang tao kung walang uri ng komunikasyon.
C. Dito napapahayag ang gustong sabihin ng isang tao.
D. Ang sistema ng pagsulat ay larawan ng kabihasaan.

13. Alin ang pinakaakmang pahayag ang tumutukoy sa pamumuhay sa panahong mesolitiko?
A. Ginagamit ng mga sinaunang tao ang balat ng hayop para makagawa ng bag.
B. Nadiskubre ng mga sinaunang tao ang paggamit ng posporo para makagawa ng apoy.
C. Natuto ang tao na gumawa ng sasakyang pandagat dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.
D. Sa yungib o kweba minsan tumira ang sinaunang tao bilang panangga sa mababangis na hayop.

14. Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay sa panahong Neolitiko MALIBAN sa:
A. Naganap sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop.
B. Sa kanilang pananatili sa isang lugar nagsimula ang pagtatag ng pamayanan.
C. Nalinang ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
D. Ang pinakamahalagang pagbabago sa pamumuhay sa panahong ito ay ang
pagsisimula ng agrikultura.

2
15. Ang mga sumusunod ay salik sa pagbuo ng kabihasnan MALIBAN sa:
A. Pamahalaan B. Panuntunan C. Relihiyon D. Sistema sa pagsulat

Alamin
Kumusta? Binabati kita dahil ikaw ngayon ay nasa ikalawang markahan para sa taong ito! Halina at sabay nating
alamin ang mga aralin dito. Sa unang aralin, binibigyang-diin ang kahulugan ng konsepto ng kabihasnan. Inaasahan
na maisasagawa mo ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
A. makagagawa ng konsepto at kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon;
B. maisasalarawan ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang panahon mula sa panahon ng
lumang bato, mesolitiko, bagong bato, at metal;
C. maibibigay ang kahalagahan ng mga bagay na nagbigay daan sa pag-unlad ng mga buhay sa sinaunang
kabihasnan at sa kasalukuyan; at
D. naihahanay ang mga deskripsyon ayon tungkol sa iba’t ibang panahon ng sinaunang tao..

Panimulang Gawain

Ano nga ba ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon? Gamit ang dayagram sa ibaba, magbigay
ng iyong ideya o kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong sariling pananaw at pag-unawa.
Isulat mo ito sa pamamagitan ng pangungusap para makabuo ng konsepto at kahulugan.

kabihasnan sibilisasyon
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

Illustrasyon ay nagmula sa DepEd LM: “ASYA, pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”

Pamprosesong Mga Tanong:

1. Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano ang maipapakahulugan mo sa salitang kabihasnan at
sibilisasyon?
Ang kabihasnan ay __________________________________________________________________.
Ang sibilisasyon ay ___________________________________________________________________.
2. Mayroon kaya silang pagkakaiba? Anu-ano ang mga ito?
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

3
Tuklasin at Suriin

Sa bahaging ito ng aralin ay sisikapin nating tuklasin ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan
at kung paano ito sumibol, umunlad at nagpatuloy sa kasalukuyang panahon. Lilinangin ang dating
mga kaalaman, at pag-unawa. Marahil ay handa kana kaya halina!

Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin at bigyang kahulugan kung ano ang naging halaga
nito sa Sinaunang Asyano. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

balat ng hayop

balat ng hayop dahon mga bato

kahoy kweba apoy

Illustrasyon ay nagmula sa DepEd LM: “ASYA, pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bagay na nasa larawan? ___________________________________________


____________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa sinaunang kabihasnan? _________________________________
____________________________________________________________________________________________________
3. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon at sa kasalukuyan?
____________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________.

Ngayun naman ay tunghayan natin ang pag-unlad ng tao mula sa panahong paleolitiko hanggang sa
panahong metal. Hihimayin natin ang mga pangyayari at pagbabagong naganap sa bawat panahon,
kapaligiran at mga tao na naging dahilan ng pag usbong ng kabihasnan. Simulan na natin!

4
PALEOLITHIC (Panahon ng Lumang Bato)
Ang terminong paleolitiko ay nagmula sa dalawang salitang
griyego na “palaios” na nangangahulugang luma at “lithos”
na nangangahulugang bato. Ang Panahon ng Lumang Bato o
“Paleolithic Age” ay nakilala dahil sa mga kagamitan ng mga
tao noon na magagaspang na bato. Sinasabing maaaring
natuklasan nila ang paggamit ng bato nang ipukol nila ito sa
ilang hayop at nakita nila ang epekto nito. Ang mga tao noon
ay naghahanap at nangangalap lamang ng pagkain na
karaniwan ay mga ligaw na halaman. Bukod dito, sila ay
nangangaso ng mailap na mga hayop at ang mga balat nito ay
kanilang ginagawang damit
na nagsisilbing sanggalang sa labis na lamig.
Yungib o kweba ang karaniwan nilang tinitirahan
na naging pananggalang nila laban sa mababangis
na hayop. Sa may bandang huling bahagi ng
panahong ito, natuklasan ang pag-gamit ng apoy,
nang minsang tamaan ng kidlat ang isang puno.
Natuklasan nila na ang init na galing sa
nagbabagang sanga ay magaling na proteksyon sa
lamig. Natuklasan din nila na higit na masarap ang “Prehistoric stone tools from archaeological
mga pagkaing luto sa apoy. excavations in southern Africa” by gbaku is
licensed under CC BY-SA 2.0

MESOLITIKO (Panggitnang Panahon ng Bato)

Nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag-agapay sa pagbabago ng


kapaligiran. Nagsisilbing isang transisyon ng panahon sa kulturang
Neolitiko. Nagsimula ang pagtunaw ng glacier umusbong ang mga
kagubatan at mga ilog at dagat. Natutong magpaamo ng hayop, gumawa
ng mga damit na galing sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa
kanilang katawan at naganap ito sa panahong mesolitiko na naging
transisyon sa panahong neolitiko. Isa sa mga mahalagang ambag ng
panahong ito ay ang unang sasakyang pandagat na tinatawag na dugout
at ito ang naging dahilan ng pagsimula ng paglipat ng tirahan sa ibayong
lupain na naging daan sa pagsimula ng barter at pag-unlad ng
transportasyon at komunikasyon ng tao.

NEOLITIKO (Panahon ng Bagong Bato)

Lumaki ang populasyon dulot ng mga pagbabagong naganap


sa buhay ng mga unang tao at ang sumunod na panahon ay
ang Panahong Neolitiko. Ang salitang neolitiko ay nagmula
sa dalawang salitang griyego na “naios” na ang kahulugan
ay bago at “lithos” na nangangahulugang bato. Sa pagdaan
ng panahon, natuklasan ng tao ang higit na mahusay na
paggawa ng mga kagamitang yari sa bato. Ang
pinakamahalagang pagbabago sa pamumuhay sa panahong
ito ay ang pagsimula ng agrikultura. Sa pagsisimula ng
pagsasaka, naiba ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimulang
magtanim ang mga tao at hindi na mangangalap ng pagkain.
Kasabay sa pagtuklas ng agrikultura ay ang paggawa ng
palayok buhat sa luwad. Maliban sa mga nabanggit, isa pang

5
pagbabagong naganap sa panahong ito ay ang pag-
aalaga ng hayop. Naging palagiang pinagkukunan
nila ito ng karne at gatas. Sa kaganapang ito,
naging sapat ang suplay ng pagkain at sila ay
nanatili sa isang lugar at naitatag ang pamayanan
at nagsimula ang pamahalaan at relihiyon. Dulot
ng pag-unlad na ito, naging komplikado ang
pamumuhay ng mga unang tao at
nangangailangan sila ng sistema ng pagsulat
“Neolithic tools (See Description)” by Gary Lee upang maitala ang kanilang ani, bilang ng mga
Todd, Ph.D. is marked with CC0 1.0 hayop at magagamit nila ito sa kalakalan at iba
pang transaksiyon.

PANAHON NG METAL

Sa makatuwid nagpatuloy ang


daloy ng panahon hanggang
dumating ang panahon ng
Metal. Ito ay nahahati sa
tatlong yugto batay sa uri ng
metal na malawakang ginamit
ng mga tao.
Panahon ng Tanso. Ang
unang yugto ay ang paggamit
ng tanso. Nalinang na mabuti "File:Copper ax, Copper Age, Museum of
ang paggawa at pagpapanday Kladno, 176028.jpg" by Zde is licensed
ng mga kagamitang yari sa under CC BY-SA 4.0
tanso. Ang unang natutunang
gamitin na metal ng mga unang tao ay ang tanso o copper.
Hindi inaasahan ang pagkatuklas ng tanso. Ito ang nangyari
ng magluto sila ng pagkain. Buhat noon, pinapainitan nila ang copper ore ng uling
upang maging metal na tanso. Madalas nilang gawin itong alahas o kagamitang
pandigma.

Panahon ng Bronse. Ang ikalawang yugto ng panahong metal ay ang panahon ng


bronse. Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang
panibagong paraan ng pagpapatigas dito saa
pamamagitan ng paghalo nila ng tanso at tin at
ang nabuong metal ay tinawag na bronse na mas
matibay na metal at matatalim ang kagamitan
kaysa tanso. Nakalikha sila ng mga kagamitang
pansaka at mga kagamitang pandigma. Subalit
sa katagalan, pumurol din ang mga kagamitan
na yari sa bronse. Bukod dito, ang bronse ay
mahirap makuha kaya sadyang kaunti lamang
ang kagamitang nagawa buhat dito.

Panahon ng Bakal. Paglipas ng maraming


1“NYC-Metropolitan Museum of Art-Yatagan” by
panahon ay natuklasan ang bakal ng mga
wallyg is licensed under CC BY-NC-ND 2.0
Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na
naninirahan sa dakong Kanlurang Asya sa tinatayang 1,500 B.C. Matagal nilang
pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Ang bakal ay ang
pinakamatigas na uri ng metal. Bagaman, mas marami ang bakal kaysa bronse,
naunang natuklasan ang huli dahil sa higit na masalimuot ang pagtunaw sa bakal.

6
Gayunpaman, sa pagkakatuklas ng bakal ang mga kagamitang yari sa bronse ay
napalitan ng gamit na yari sa bakal at mas napaunlad ang pamumuhay ng tao gamit
ang mabisang kagamitan at umunlad ang teknolohiya. Naitatag din ang mga lungsod
at nangyari ang ispesyalisasyon sa paggawa at naging malawakan ang kalakalan at
naging malimit ang digmaan.

Isaisip

Sa pagkakataong ito, may sapat kanang kaalaman tungkol sa aralin. Inaasahang


magagamit mo ito upang tiyak ang iyong sagot sa nakahandang gawain sa ibaba.
Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at
sibilisasyon. Matapos mong mabasa ay sagutan ang mga gawain na itinakda.

Sinasabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay nagsimula noong natuto ng magbasa


at sumulat ang mga unang tao. Ang kakayahang ito ay nagtulak upang maitala ang
kaalaman, pamumuhay at kasaysayan. Nakamit ito dahil sa pag-unlad ng kanilang
uri ng pamumuhay at pagkatao. Ang sama-samang kakayahan ang pinanggalingan
ng sibilisasyon. Binubuo ito ng kaugalian, organisadong lipunan, mataas na antas
ng teknolohiya, kakayahan sa mga gawaing panlipunan, sining at agrikultura pati na
ang pamahalaan, relihiyon at ispesyalisasyon ng paggawa. Dahil dito, naitatag ang
mga lungsod na naging batayan ng pagsimula ng mataas na antas ng pamumuhay
na tinatawag na kabihasnan. Lahat ng ito ay umiral sa Asya dahil sa sunod-sunod at
magkakaugnay na pangyayari sa buhay ng mga unang tao.

Illustrasyon ay nagmula sa DepEd LM: “ASYA, pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”

Batay sa binasang teksto sa kahon, isulat mo sa bawat blankong bahagi ng pie graph ang mga salik at batayan
sa pagbuo ng kabihasnan.

MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUO NG


KABIHASNAN

6 1

5 2

4 3

7
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga katangian ng kabihasnan?
2. Bakit mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan?
3. Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa rin bang isang
kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
4. Napapakinabangan pa ba natin sa kasalukuyan ang mga salik ng
kabihasnan? Sa anong paraan?

Isagawa o Pagyamanin

Pagkatapos mong nalinang ang aralin, iyo namang gagampanan ang bahaging ito
bilang pagtataya sa antas ng iyong natutuhan. Piliin sa kahon ang mga katangian
ng sinaunang panahon ayon sa uri ng mga kagamitan at sistema ng pamumuhay ng
tao. Isulat ang bawat isa sa angkop na hanay kung ito ay sa Paleolitiko, Neolitiko, o
Panahon ng Metal.

• Gamit ang magagaspang na bato


• Gamit ang tanso para sa karaniwang kagamitan at mga palamuti
• May gamit na bakal para sa iba't ibang kagamitang sandata
• May gamit na makikinis at masining na bato
• Nangangalap ng pagkain at nangangaso
• Natuklasan ang paggamit ng apoy
• Pagsimula ng relihiyon at pamahalaan
• Ispesyalisasyon sa paggawa
• Pagsibol ng mga lungsod
• Unang sasakyang pandagat
• Barter o pagpapalitan ng produkto
• Pag-aalaga ng hayop
• Pagsisimula ng agrikultura o pagtatanim
• Palipat-lipat ng tirahan tulad ng sa yungib o kweba
• Pananatili sa isang lugar upang masubaybayan ang kanilang mga
tanim

Panahon ng Lumang Panahong Panahon ng Panahon ng


Bato Mesolitiko Bagong Bato Metal
(Paleolitiko) (Neolitiko)

8
Tayahin

Matapos mong nalinang ang aralin, iyo namang gagampanan ang bahaging ito bilang pagtataya sa antas ng iyong
natutuhan. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatuklas ng bakal.


A. Chaldean B. Griyego C. Hittite D. Persiano
2. Ang mga tao sa panahong ito ay nangangalap ng pagkain na karaniwan ay
halaman.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

3. Sa panahong ito natutong gumawa ng alahas at kagamitang pandigma ang mga tao.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

4. Sa panahong ito natutong magpaamo ng hayop ang mga tao.


A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

5. Ang mga sumusunod ay salik sa pagbuo ng kabihasnan MALIBAN sa:


A. Pamahalaan B. Panuntunan C. Relihiyon D. Sistema sa pagsulat

6. Ang pinakamatigas na uri ng metal.


A. Bakal B. Bronse C. Lata D. Tanso

7. Nagsimula ang pagtunaw ng glacier, umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at dagat.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

8. Sa panahong ito natutong magsaka at gumawa ng palayok ang mga tao.


A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D. Panahong Metal

9. Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay sa panahong Neolitiko MALIBAN sa:


A. Naganap sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop.
B. Sa kanilang pananatili sa isang lugar nagsimula ang pagtatag ng pamayanan.
C. Nalinang ng mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa
tanso.
D. Ang pinakamahalagang pagbabago sa pamumuhay sa panahong ito ay ang
pagsisimula ng agrikultura.

10. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa katangian ng mga taong namuhay sa


Panahon ng Lumang Bato o “Paleolithic Age” MALIBAN sa_______________.
A. kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy.
B. nanatili sa permanenteng lugar o tirahan.
C. nangalap ng pagkain sa kapaligiran.
D. gumamit ng magagaspang na bato.

11. Ang paraan kaya natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng bato.
A. Natuklasan ang paggamit ng bato nung pinukol ito sa mga hayop at nakita nila ang epekto nito.
B. Sinasabing ang unang tao ay walang ibang pinagkukunan ng kagamitan kundi ang bato.
C. Naninirahan ang mga unang tao sa kweba at doon natuklasan ang paggamit ng bato.
D. Sinasabing ang unang tao ay walang alam sa paggawa ng ibang materyales.

9
12. Ang akmang pahayag na tumutukoy sa pamumuhay sa panahong mesolitiko.
A. Ginagamit ng mga sinaunang tao ang balat ng hayop para makagawa ng bag.
B. Salat ang suplay ng pagkain kaya pumunta sa ibayong lugar at gumamit ng dugout.
C. Nadiskubre ng mga sinaunang tao ang paggamit ng posporo para makagawa ng apoy.
D. Gumamit ng kahoy ang mga sinaunang tao bilang pinakaunang kagamitan sa pang-araw araw.

13. Mahalaga ang sistema ng pagsulat bilang isang salik sa pagbuo ng kabihasnan sapagkat ________.
A. naisalin ng tao ang kanyang kaalaman o ideya sa pamamagitan ng mga titik o simbolo.
B. hindi magkakaintindihan ang tao kung walang uri ng komunikasyon.
C. dito napapahayag ang gustong sabihin ng isang tao.
D. naipapabatid nila ang kanilang gustong mangyari.

14. Nalinang ang kabihasnan sa pamamagitan ng ________________.


A. pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, sining, teknolohiya at
sistema ng pagsulat.
B.pagkakaroon ng organisadong relihiyon, sining, arkitektura, kultura at sistema
ng pagsulat.
C. lumago ang populasyon at napangkat ang tao ayon sa kanilang
D. naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran.

15. Sinasabing ang kaganapang ito ang siyang daan ng tao para gamitin ang apoy.
A. Nang minsang tamaan ng kidlat ang isang puno at nakagawa ng apoy.
B.Noong natuklasan ng tao na mas masarap ang pagkaing luto sa apoy.
C. Nang sinubukan ng taong paghampasin ang dalawang bato.
D.Lahat ng nabanggit na pangungusap ay tama.

Karagdagang Gawain

Ngayon, may taglay ka nang kaalaman tungkol sa aralin. Sa bahaging ito, sagutin ang sumusunod na
mga tanong ukol sa pagkakaroon ng apoy. Isulat lamang ito sa isang sagutang papel:

BATO POSPORO LIGHTER


1. Alin sa mga sumusunod na gamit ang pinakalumang paraan sa paglikha ng apoy? _______________
2. Sa kasalukuyan, alin sa tatlo ang karaniwang gamit ng mga tao sa pang araw-araw na
pangangailangan ng apoy? _____________________________________________________________________
3. Sa anong pagkakataon naging banta ang paggamit ng apoy? Magbigay ng mga halimbawa.
____________________________________________
4. Paano nakatulong ang pagkatuklas ng apoy sa pagsimula ng panahon ng metal at pag-unlad ng
teknolohiya? _____________________________________________________________
5. Ipaliwanag kung bakit ang pagsimula ng agrikultura ang nagging daan sa pagsibol ng
kabihasnan.________________________________________________________________

10
Sanggunian

Mga Aklat

Blando, R. C., Sebastian, A. A., Espiritu, E. C., & Jamora, A. C. (2014). Asya: Pgkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba .
Pasig City: Eduresources Publishing , Inc.

Website

http://aralingpanlipunan9santolanhs.files.wordpress.com/2015/08/modyul-3-sinaunang-kabihasnan-sa-
asya1.pdf
https://www.slideshare.net/QUEENIE_/panahon-ng-mesolitiko
https://www.slideshare.net/almsmillicent/mga-batayang-salik-sa-pagbuo-ng-kabihasnan
http://creativecommons.org/

Mga larawan

“File:Copper ax, Copper Age, Museum of Kladno, 176028.jpg” by Zde is licensed under CC BY-SA 4.0
“Prehistoric stone tools from archaeological excavations in southern Africa” by gbaku is licensed under CC BY-SA 2.0
“Neolithic tools (See Description)” by Gary Lee Todd, Ph.D. is marked with CC0 1.0
“NYC – Metropolitan Museum of Art - Yatagan” by wallyg is licensed under CC BY-NC-ND 2.0
“Burning Match Stick” by b_imam77 is licensed under CC BY-NC 2.0
“Lighter Flame” by CPSutcliffe is licensed under CC BY-NC-SA 2.0

11

You might also like