You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Heograpiya ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Heograpiya ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod


Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilou H. Kor-oyen
Editor: Rey R. Retutar
Tagasuri: Novez S. Leal, Lana Gretel L. Gatchalian, Leonilo C. Angeles I Brian
Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI,
Tagapamanihala FREDIE V. AVENDAÑO,
Pangalawang Tagapamanihala: JUAN C. OBIERNA, Puno - CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Heograpiya ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa aralin ukol sa Heograpiya ng Daigdig.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinagtataagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Heograpiya ng Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng
gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay
may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto


ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga
magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Alamin

1. Kahulugan ng Heograpiya
2. Tema ng Heograpiya
3. Estruktura ng Daigdig
4. Anyong Tubig at Lupa ng Daigdig
5. Klima ng Daigdig
6. Likas na Yaman ng Daigdig

A. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL Pamantayang Pangnilalaman:

Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon


ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap:

Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay inaasahang nakabubuo ng panukalang proyektong


nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Kasanayan sa Pagkatuto:

Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.

Mga Tiyak na Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng heograpiya;


2. Natutukoy ang limang tema ng heograpiya;
3. Nailalarawan ang estruktura ng daigdig;
4. Nasusuri ang mga katangiang pisikal ng daigdig;
5. Nabibigyang halaga ang pag-aaral ng heograpiya at ang pangangalaga sa kalikasan.

1
Subukin

GAWAIN 1: PANIMULANG PAGTATAYA


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?


a. Kasaysayan c. Sikolohiya
b. Heograpiya d. Ekonomiks

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng pag-aaral ng heograpiyang pisikal?


a. Anyong Lupa at Tubig c. Klima at Panahon
b. Gawi ng tao d. Likas na yaman

3. Ano ang tawag sa matigas at mabatong bahagi ng planetang daigdig?


a. Crust c. Mantle
b. Core d. Pangea

4. Ano ang klima ng mga bansang malapit sa ekwador?


a. Klimang Tropikal c. Klimang Tuyo
b. Klimang Polar d. Klimang Kontinental

5. Alin sa mga sumusunod ang masa ng kalupaang nabuo ng magsimulang naghiwalay ang
kalupaan ng Pangea?
a. Terra del Fuego at India c. Laurasia at Gondwana
b. Eurasia at Antartica d. Atlantis at Lemuria

6. Anong kontinente ang may pinakamalaking sukat?


a. Africa c. North America
b. Australia d. Asia

7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban sa:


a. Bundok Everest c. Baybayin ng Bengal
b. Tangway ng Siam d. Talampas ng Tibet

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tema ng heograpiya na Paggalaw?


a. Kinahiligan ng mga Pilipino ang musikang K-pop.
b. Ang Beijing sa China ay matatagpuan sa 39.9042° N, 116.4074° E.
c. Arid at Semi- Arid ang panginahing klima sa Kanlurang Asya.
d. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga nakatira sa kapatagan.

9. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig dahil


nakaaapekto ito ng malaki sa?
a. Klima at panahon c. Kalupaan at katubigan
b. Kilos at gawi ng tao d. Buhay-hayop at buhay-halaman

10. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 429, 000 kilometro kwadrado
o katumbas ng 70.9% ng saklaw ng surface ng daigdig. Ano ang ipanahihiwatig nito?
a. Malawak ang katubigan sa mundo.
b. Mas malawak ang saklaw ng kalupaan kaysa katubigan.
c. Malalim ang katubigan ng mundo.
2
d. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.

11. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng pagkakaiba-iba ng klima sa mundo?


a. Iba-iba ang pakikiangkop at pamamaraan ng pamumuhay ng tao.
b. Iba-iba ang kinagisnang kultura at pananaw sa pamumuhay ng tao sa mundo.
c. Iba-iba ang pagtugon ng mga tao sa mga nararanasang kalamidad.
d. Iba-iba ang paniniwala at pananampalataya ng mga tao sa mundo.

12. Alin sa mga sumusunod ang HIGIT na nagpapakita ng pangangalaga sa likas na yaman ng
daigdig?
a. Paggamit ng mga renewable energy tulad ng solar at wind energy na
hindi nauubos.
b. Huwag mangisda sa mga maliliit na ilog at dagat.
c. Pagtatapon sa tamang basurahan.
d. Pagtatanim ng mga pagkain sa sariling bakuran upang hindi maubos ang likas na
yaman.

13. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao na nakatira sa mga kapatagan?
a. Pagtatanim at paghahayupan
b. Pangangaso at pagtotroso
c. Pangingisda at pagmimina
d. Pangangalap at pangangaso

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa mahalagang gampanin ng mga anyong lupa at
tubig at mga likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao?
a. Ang mga anyong lupa ay nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop.
b. Ang mga anyong lupa at tubig ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang likas na
nililinang ng mga tao.
c. Ang mga anyong lupa at tubig ang pinanggalingan ng mga hilaw na materyales na
kinakailangan ng mga tao upang gawing mga produkto.
d. Ang mga anyong lupa at tubig nagiging dahilan ng hidwaan at pag- aagawan ng teritoryo
ng mga magkakalapit na bansa.

15. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng


mga tao sa larangan ng agrikultura?
a. Ang mga likas na yaman ay pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa
mga pagawaan.
b. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa at maging ang mga produktong iniluluwas nito
ay nagmula sa pagsasaka.
c. Sa patuloy pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng pangangailangan at
pananahan nito.
d. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapadami ang produksyon at
mapataas ang pambansang kita ng isang bansa.

GAWAIN 2: HAND WEB


3
Para sa bilang 1-6: Isulat sa kamay ang anim na pangunahing Rehiyon ng Asya mula pinakamalaki
hanggang sa pinakamaliit (Ayos ng pagsulat: Palad, hinlalaki hanggang sa hinliliit)
Para sa bilang 7-12: Isulat sa tabi ng rehiyon sa “Hand web” ang kinabibilangan ng mga
sumusunod:

Tanong Sagot
7. Mt. Apo – Philippines
8. Mount Fuji – Japan

9. Dead Sea – Israel

10. Wuhan,Hubei Province


(pinagmulan ng Covid19) – China
11. Burj Khalifa – United Arab
Emirates.
12. Taj Mahal – India
13. Lake Baikal – Siberia (Russia)
14. Tian Shan mountains in
Kyrgyztan
15. Mt. Everest – Nepal

4
Tuklasin

GAWAIN 3.A: NAME THE PIC WITH DESCRIPTION


Panuto: Ibigay ang pangalan at bansa o kontinenteng katatagpuan ng magagandang anyong lupa at
tubig na kinilala sa buong mundo.

1. Tinatawag din na Mt. Huangshan sa Anhui 2. Pinakamalaking Disyerto sa buong mundo. (Para
Province”.Ipinangalan kay emperor Shih HuangTi. sa bilang na ito ibigay ang pangalan at kontinente)

4. Matatagpuan sa Malay, Aklan, “Voted as best


3. Pinakamataas na “Waterfall” sa buong mundo. island for 2019”.

5. Sinilangan ng pinakamatandang kabihasnan sa 6. Kabilang sa “Seven Summits of the


Aprika.Pinakamahabang ilog sa mundo. World”.Pinakamataas na North America

5
7.Ang larawan ay hango sa kwento sa bibliya. Ito
ang anyong tubig na hinati ng Diyos upang
makatawid sina Moises pabalik sa sa Canaan
(Israel). (Para sa bilang na ito ibigay ang pangalan
at ang dalawang kontinenteng iniuugnay)

GAWAIN 3.B
Panuto: Magbigay ng tatlong kahalagahan ng mga anyong lupa at tubig sa ekonomiya at sa araw
araw na pamumuhay ng mga tao.
1._____________________________________________
2._____________________________________________
3.______________________________________________
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na mapuntahan ang isa sa mga ito, saan ito at bakit?

Suriin

ANG KAHULUGAN NG HEOGRAPIYA

➢ Ang katagang heograpiya ay hango sa salitang Greek na geographia. Ang geo ay


nangangahulugang “lupa” samantalang ang graphein ay “sumulat”. Samakatuwid, ang
heograpiya ay nangangahulugang pagsusulat ukol sa lupa o paglalarawan ng daigdig.
➢ Ang heograpiya ay nahahati sa dalawang dibisyon ng pag-aaral – Heograpiyang
Pisikal at Heograpiyang Pantao. Ang heograpiyang pisikal ay nakaukol sa pag-aaral
ng katangiang pisikal ng daigdig at ang Heograpiyang Pantao ay pag-aaral sa
mga taong naninirahan sa daigdig at ang interaksyon nito sa kaniyang kapaligiran.

Tema ng Heograpiya

Mayroong limang tema ng heograpiya ayon sa mga Heologo o dalubhasa sa pag-aaral ng


heograpiya. Ito ay ang lokasyon, lugar, interaksyon ng tao sa kapaligiran, paggalaw, at rehiyon.

1. Lokasyon – Ang temang ito ng heograpiya ay nakatuon sa pagsagot sa tiyak na kinaroroonan


ng isang lugar sa daigdig. Maaaring matukoy ang isang lugar batay sa absolute o
tiyak na lokayon at relatibong lokasyon. Gumagamit ng latitude at longhitude upang

6
matukoy ang absolute na lokasyon, samantala sa relatibong lokasyon inilalarawan
ang mga katabing lugar, bansa o mga anyong tubig at lupa, sa tinutukoy na
lokasyon.
Ang Longitude at Latitude
•Ang latitude ay ang distansya ng mga linya
pahilaga o patimog mula ekwador. Ang Equator
o Ekwador ay ang linya na 0 degree Sa pagitan
ng hilaga at timog na hemispero. Ang longitude
naman ay tawag sa distansya ng mga linya
pakanluran o silangan mula sa Prime Meridian
o linyang patayo na may 0 degree.
•Parallel lines ay mga linyang kaagapay ng ekwador.
•Meridians ay ang linyang kaagapay ng Prime https://commons.wikimedia.org/wiki/File:La
Meridian. ttitude_and_Longitude_of_the_Earth.svg

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga likhang linya sapagkat nagsisilbi itong tiyak na lokasyon ng
isang lugar o bansa na ginagamit ng buong daigdig. Makikita ito sa mga mapa at globo o mga
representasyon ng daigdig.

Ilan pa sa mga pangunahing linya ay ang mga sumusunod:


Antarctic Circle – 66.5˚ Timugang Latitude
Equator - 0˚ Latitude
Tropic of Cancer – 23.5˚ Hilagang Latitude
Tropic of Capricorn – 23.5˚ Timugang Latitude
Prime Meridian - 0˚ Longitude

2. Lugar – Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal at katangiang kultural ng mga taong


naninirahan sa isang lugar. Bahagi ng pinag-aaralan dito ay ang mga klima, behitasyon,
anyong tubig at lupa, populasyon, rehiyon, arkitektura, sistemang politikal at iba pa.

3. Paggalaw – Ito ay ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa iba pang lugar tulad
ng mga teknolohiya, produkto, kaalaman at ideya. Gayundin, ang pag-alis ng mga tao
tungo sa ibang bayan o bansa. Maging ang pisikal na bahagi ng ating kalikasan ay kabilang
rin dito tulad ng hangin.

4. Interaksyon ng tao at kapaligiran – Sa temang ito makikita ang ugnayan ng mga tao sa
kanilang kapaligiran. Ilan sa mga mahahalagang konsepto na nakapaloob rito ay ang
pakikiayon ng mga tao sa kapaligiran, ang tao ay umaasa sa kalikasan at ang
pagbabagong ginagawa ng tao sa kanilang kapaligaran.

5. Rehiyon – Ito ay ang pagsasama-sama ng mga bansa o lugar dahil sa kanilang


pagkakatulad sa iba’t ibang aspekto tulad ng pisikal na anyo ng kalupaan, kasaysayan,
wika, kultura, lahi at iba pa.

7
GAWAIN 4: CONCEPT MAPPING
Panuto: Pumili ng isang lugar sa mundo na nais mong mapuntahan. Magsaliksik ng mga
impormasyon sa bansang napili pagkatapos ay magbigay ng mga halimbawa na naaayon sa limang
tema ng heograpiya. Gamitin ang mapa sa ibaba.

Pamprosesong mga tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa heograpiya ng napili mong bansa?


2. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pang-unawa sa heograpiya ng isang
bansa?

ANG KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG


Ang Daigdig ay maliit lamang kung ihahambing sa iba pang mga planeta sa Solar
System ngunit ito ay natatangi at pinakamahalaga sapagkat ito ay ang tinitirahan ng mga tao.
Tinatayang nasa 4.6 na bilyong taon na ang daigdig ayon sa pag-aaral. Mahalagang alamin natin kung
ano ang mga katangiang pisikal ng ating daigdig.

8
ESTRUKTURA NG DAIGDIG
Ang daigdig ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi ang crust, mantle at core.

https://conceptdraw.com/a2996c3/p31/preview/640

MGA ANYONG LUPA


Ang kabuuang kalupaan ng daigdig ay nasa 29.2 na porsiyento at ang natitirang
porsiyento ay mga katubigan sa daigdig. Ating alamin ang mga iba’t iba at natatanging anyong
lupa na makikita sa ating daigdig.

Mga Kontinente. Ang kontinente ay isang malawak na masa ng lupa sa daigdig. Ayon sa
Continental Drift Theory ni Alfred Wegener, mayroon lamang isang malaking kontinenente sa buong
daigdig na tinawag na Pangaea. Dahil sa pag-uga sa ilalim ng karagatan, nahati ito sa dalawa-
ang Laurasia at Gondwana. Sa patuloy na pag-inog ng daigdig, nagpatuloy ang paghahati ng
masa ng lupa at nagkahiwa-hiwalay ang mga ito hanggang nabuo ang pitong kontinente. Ang mga ito
ay ang mga sumusunod;

1. Asya. Ito ang pinakamalaking kontinente ng daigdig. Dito matatagpuan ang pinakamataas na bahagi
ng daigdig – ang Mt. Everest – gayundin ang pinakamababang bahagi – ang Challenger Depths
sa Karagatang Pasipiko. Sa kontinente ding ito umusbong ang tatlong mga sinaunang kabihasnan,
ang kabihasnang Mesopotamia, India at China. Nahahati ang Asya sa limang rehiyon, ang
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Hilagang Asya.

2. Africa. Ikalawang pinakamalaking kontinente


sa daigdig ang Aprika. Talampas ang kalakhang
bahagi nito na balot ng mga disyerto,mga kagubatan,
mga ilog at mga damuhan. Sa kontinente na ito
matatagpuan ang pinakamalawak na disyerto sa
mundo ang Sahara Desert at ang pinakamalawak
na ilog ang Nile River.
https://www.needpix.com/photo/33442/world
-map-robinson-projection-globe-latitude

9
3. Hilagang Amerika. Ang Hilagang Amerika ay kontinente na makikita sa Hilaga at
Kanlurang Hemispero. Ito ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ang
pinakamataas na bahagi ng kontinente ay matatagpuan sa Denali (Mt. Mckinley)
sa Alaska, samantala ang pinakamababa namang bahagi nito ay ang Death Valley sa California.

4. Timog Amerika. May apat na pangunahing rehiyon ang kontinenteng Timog Amerika; ang
baybayin sa silangan na pinaliligiran ng Karagatang Pasipiko; ang mga kabundukan ng Andes;
ang Central Plains na nasa silangan ng Andes; at Eastern Highlands. Sa kontinenteng ito
matatagpuan ang pinakamataas na talon sa mundo, ang Angel Falls sa Venezuela at ang
pinakatuyot na lugar, ang Atacama Desert.

5. Antarctica. Nakalubog ito sa halos 29 na milyong kilometrong kubiko na yelo. Walang


bansa sa kontinenteng ito dahil sa matinding lamig na hindi nababagay na panirahan ng
tao. Gayunpaman, mayroong mga taong nagtutungo dito upang magsaliksik at mangisda.

6. Europa. Ito ay nasa Hilagang Hemisphere. Nahihiwalay ito sa Asya ng Kabundukang Ural.
Binubuo ng apat na pangunahing lupain ang Europa- mga kabundukan sa Hilagang Kanluran, ang
Great European Plains, ang Central Uplands at ang bahagi ng Europa mula Spain patungong Dagat
Caspian.

7. Oceania. Ito ang kontinenteng may pinakamaliit na sukat, mababa at patag maliban sa mga
kataasan sa kanlurang baybayin. Kabilang ito sa rehiyong Oceania, kasama ang New Zealand,
Micronesia, Polynesia at Melanesia. Matatagpuan sa kontinenteng ito ang may pinakamalawak
na coral reef sa buong mundo, ang Great Barrier Reef.

• Mga Bulubundukin at mga Bundok. Ang mga bulubundukin at mga bundok ang pinakamataas
na bahagi ng kalupaan. Ang pinakamataas na bulubundukin ay ang Himalayas sa Timog Asya kung
saan makikita ang Mt. Everest, at ang pinakamahaba naman ay ang bulubundukin ng Andes sa
Timog Amerika. Ilan pang mga halimbawa ay ang bulubundukin Karakoram kung saan makikita
ang pangalawang pinakamataas na bundok, ang K2 at Great Dividing Range sa may silangang
bahagi ng Australia.

• Pulo o Isla. Higit na maliit ang pulo kaysa sa kontinente. Ito ang masa ng lupa na napaliligiran
nang kabuuan ng tubig. Ilan sa mga pangunahing pulo sa daigdig ang Greenland, New Guinea, Borneo,
Madagascar, Baffin, Sumatra, Honshu, Great Britain, at Celebes.

• Peninsula o Tangway. Peninsula o Tangway ang isang anyong lupa na nakausli mula
sa punonglupain papunta sa dagat. Isang bahagi nito ang nakadugtong sa isang kontinente, pulo o
sa isang pangunahing masa ng lupa.

Mga halimbawa ng peninsula ang India, Arabia, Korea, at Iberia na binubuo ng Spain at
Portugal:
• Isthmus o Dalahikan. Isang makitid na pirasong lupa ang isthmus na nagdurugtong sa
dalawang malaking masa ng lupa. Nagdurugtong ang Isthmus ng Bosphorus sa dalawang
bahagi ng Turkey na nasa Europa at Asya. Pinagdurugtong din ng Isthmus ng Suez ang bahagi ng
Egypt sa Aprika at ang mas maliit na bahagi nito sa Asya. Nagdurugtong naman ang Isthmus ng
Panama sa dalawang kontinente- ang Hilaga at ang Timog Amerika.

• Cape o Tangos. Isang kapiraso ng mataas na lupa sa may baybaying dagat na nakaungos sa
isang malawak na tubig. Mga halimbawa nito ang Tangos ng Agulhas sa katimugang dulo ng
kontinenteng Aprika at ang Cape of Good Hope sa hilagang-kanluran ng Agulhas.

10
MGA ANYONG TUBIG
Nasa 70.8 na porsiyento ng daigdig ang katubigan. Nabibilang dito ang mga karagatan,
mga dagat, mga lawa, mga look, mga ilog at maliliit pang umaagos na tubig, at mga talon.
• Karagatan at mga Dagat. Ang karagatan ang pinakamalawak na anyong tubig. Ang dagat ay mas
maliit sa karagatan. Narito ang tala ng mga pangunahing karagatan at dagat sa daigdig at gaano
ang lawak ng bawat isa.

Karagatan Lawak (km kwadrado)


Dagat Lawak (km kwadrado)
Pacific Ocean 155, 557, 000
Mediterranean Sea 2, 965, 800
Atlantic Ocean 76, 762, 000
Caribbean Sea 2, 718, 200
Indian Ocean 68, 556, 000
South China Sea 2, 319, 000
Southern Ocean 20, 327, 000
Bering Sea 2, 291, 900
Arctic Ocean 14, 056, 000

• Mga Ilog. Anyong tubig na umaagos sa kahabaan patuloy sa dagat o lawa. Narito ang mga
pangunahing ilog sa daigdig at gaano kahaba ang bawat isa.

Ilog Haba (km kwadrado)


Nile River (Egypt) 6, 650
Amazon River (Peru) 6, 575
Yangtze River (China) 6, 300
Mississippi River (US) 6, 275
Yenisei River (Russia) 5, 539
Huang River (China) 5, 464

• Mga Lawa. Ito ay anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Mga halimbawa nito ang Great Lakes
(Superior, Michigan, Huron, Erie, at Ontario) sa pagitan ng United States at Canada, Caspian
Sea (na pinaliligiran ng Kazakhstan, Georgia, Azerbaijan, Iran, at Turkmenistan)
na pinakamalaking lawa sa daigdig, ang Lake Victoria (sa pagitan ng Uganda, Kenya, at Burundi),
ang Lake Baikal sa Russia na pinakamatanda at pinakamalalim na lawa sa daigdig at ang
Aral Sea sa pagitan ng Kazakhstan at Uzbekistan na pangalawa sa pinakamalaking lawa
sa mundo. Kabilang sa maliliit na lawa ang pinakamataas na lawa, ang Lake Titicaca sa pagitan ng
Peru at Bolivia.

• Mga Golpo. Bahagi ng mga golpo ng karagatang naliligid o nakukulong ng lupa. Ang
pinakamalaking golpo sa daigdig ay ang Mexican Gulf. Tanyag din ang Persian Gulf (na
dalampasigan ng Bahrain, Kuwait, Qatar at United Arab Emirates), Gulf of Thailand, Gulf
of Lion (Spain at France), Gulf of Suez (Egypt) at Gulf of Aden (timog Arabia).

11
GAWAIN 5: PANGKATIN MO
Panuto: Igrupo ang mga anyong lupa at mga anyong tubig sa ibaba kung saan kontinte sila
matatagpuan.

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Daigdig


Mt. Everest Gulf of Lion
Sahara Desert Mississippi River Mexican Gulf
Lake Titicaca Micronesia Southern Ocean
Huang River Iberian Peninsula Cape of Good Hope
Lake Superior Indian Peninsula European Plains
Nile River Death Valley Andes Mountains

Pamprosesong mga tanong:

1. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao at pag-unlad ng
bansa?

ANG KLIMA
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.
Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaayaayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon
o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba- iba ng mga klima sa daigdig ang
natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon,
distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

Ang mga uri ng Klima sa Daigdig:


• Klimang Kontinental. Ang katangian ng klimang ito ay ang pagkakaroon ng mainit sa panahon
ng tag-init, lubhang malamig sa panahon ng taglamig, at mayroon lamang kaunting
pag-ulan. Kadalasan itong nararanasan ng mga bansa na nasa gitnang bahagi sa kalagitnaang bahagi
ng mga kontinente sa hilagang hemisphere.

• Klimang Polar. Nararanasan dito ang lubhang napakalamig dahil sa nababalot ng yelo
ang mga lugar na ito dulot ng hindi direktang sinag ng araw. Kadalasan na umaabot lamang
ang temperatura dito sa 10˚C at bihira ang pag-ulan tulad ng nararanasan ng North Pole at South
Pole.

12
• Klimang Tropikal. Ang klimang ito ay binubuo lamang ng dalawang uri ng panahon- ang
tag-init at tag-ulan na panahon. Kadalasan mayroon itong mainit na temperatura at madalas
na pag-ulan sa buong taon. Nararanasan ito ng mga bansang nasa bahagi ng Tropic of Cancer
at Tropic of Capricorn. Mayroong tatlong klasipikasyon ang klimang tropikal – ang Tropical
Rainforest, Tropikal Monsoon at Tropical wet and dry na nagkakaiba batay sa lokasyon ng
kinaroroonan nito sa bahagi ng daigdig.

• Klimang Tuyo. Sa klimang ito nakararanas lamang ng mababang porsyento ng pag-


ulan kung kaya lubhang tuyo ang lupa at pagkakaroon ng mataas na temperatura. Nararanasan ito
sa mga disyerto ng iba’t ibang bahagi ng daigdig.

GAWAIN 6: TUKUYIN MO
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng klima ang nararanasan ng mga bansa/kontinente sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Pilipinas
2. Antartika
3. U.S.A.
4. Sudan
5. Mexico

Pamprosesong mga tanong:

1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t-ibang panig ng daigdig?


2. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?

LIKAS NA YAMAN
Ang likas na yaman ay mga yaman na ating nakukuha sa kalikasan. Nauuri ito sa
apat – ang yamang lupa, yamang mineral, yamag tubig, yamang gubat at yamang hayop.

• Yamang Lupa. Ang lupa na ating tinatamnan ay isang kayaman sapagkat nakapagtatanim tayo ng
maari nating kainin tulad ng mga gulay, palay at prutas.
• Yamang Tubig. Ang mga isda at mga lamang dagat ay makukuha natin sa bahagi ng katubigan
tulad ng mga ilog at mga karagatan. Napakahalaga ng tubig sa buhay ng tao sapagkat ito rin ang
ating pinagkukunan ng malinis na inumin.
• Yamang Mineral. Ang yamang mineral ay nakukuha sa kailaliman ng lupa at kadalasan muna itong
minimina upang magamit ng tao. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang langis, mga uri ng metal at
mga mahahalagang bato tulad ng diyamante. Ang Kanlurang Asya ay ang pangunahing rehiyon na
nagppprodyus ng langis.
• Yamang Gubat. Ang mga troso na nakukuha natin sa kagubatan ay mahalaga upang
makabuo ng mga bahay, gusali at marami pang mga bagay. Ang mga bansang nasa klimang
tropical tulad ng Timog-Silangang Asya ay sagana sa yamang gubat. Gayundin sa mga bahagi ng
daigdig na nasa Tropikal Rainforest.
• Yamang Hayop. Ang mga hayop ay pinagkukunan din ng yaman. Dito nagmumula ang iba’t-ibang
klase ng mga pagkain kagaya ng mga karne, gatas, keso, itlog at iba pa. Ang iba namang hayop
ay ginagamit para gawing mga produkto kagaya ng mga corals at oysters na ginagawang mga alahas
at handicrafts.
Sagana sa likas na yaman ang ating daigdig at natatangi ang mga yaman na ito sa bawat
kontinente ng daigdig. Subalit ang likas na yaman ay nauubos din at kung hindi ito papalitan
o pangangalagaan darating ang panahon na wala na tayong mapagkukunan.

Paalala: Ang mga susunod na GAWAIN ng MODULE 1 ay tatalakayin sa susunod na linggo.

13

You might also like