You are on page 1of 20

5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2
Ang Pinagmulan ng Pilipinas
Araling Panlipunan– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
UnanMarkahan– Modyul 2: Ang Pinagmulan ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Deah Love B. Arlan
Editor: Rosemarie T. Realino, PhD
Tagasuri: Jessie Magallano, Rosemarie T. Realino, PhD at Roldan L.
Roperos
Tagaguhit: Hazel Gay Sereno
Tagalapat: Deah Love B. Arlan
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESO VI
Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
Alma C. Cifra, EdD
Amelia Lacerna
Aris B. Juanillo, PhD
Fortunato B. Sagayno

Inilimbag sa Pilipinas ng________________________

Department of Education – Davao City Division

Office Address: Quirino St., Davao City


Telefax: 224-3274/224-0100
E-mail Address: lrmds.davaocity@deped.gov.ph
5

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Pinagmulan ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang AralingPanlipunan 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa Ang Pinagmulan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaralang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa AralingPanlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Pinagmulan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

2
Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahanang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlang ang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

3
Paano kaya nabuo ang kapuluan ng Pilipinas? Sa anong paraan kaya
ito nahubog sa kasalukuyang bansang ating pinaninirahan? Totoo kaya ang
mga alamat na naikuwento sa atin ng mga matatanda tungkol dito? Tunay
bang nanggaling ito sa pagputok ng bulkan? Ito at iba pang mga tanong
tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ang ating sasagutin sa araling ito.
Sa araling ito, inaasahang:
1. naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa teorya, mito
relihiyon; at
2. nakabubuo ng sariling konklusyon tungkol sa pinagmulan ng
Pilipinas.

Subukin
Ayusin ang pinaghalo-halong letra upang matukoy ang inilalarawan sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
______________1. Tumutukoy sa kaisipan o paliwanag ng isang mahalagang
konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik. (RTOEAY)
_____________ 2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust.
(TCECTNIO LTEPAS)
_____________ 3. Ang supercontinent na may 240 milyong taon na ang
nakalilipas na sinasabing pinagmulan ng mga kontinente ngayon. (NGAEPA)
_____________ 4. Ito ay kumpol ng mga tradisyunal na kuwento, mga kuwento
na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. (TOMI )
______________ 5. Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya,
paggalang, kaugalian at paniniwala na nakasentro sa isa o higit pang
diyos. (LIHIREYON)

4
Aralin
Ang Pinagmulan ng
2 Pilipinas

Isang maligayang pagbati sa iyong pagdating sa modyul na ito. Sa


araling ito, tatalakayin natin ang pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas batay
sa teorya, mito at relihiyon.
Halina’t simulan na natin ang ating pag-aaral!

Balikan

Naaalala mo pa ba ang ating aralin tungkol sa kaugnayan ng lokasyon


sa ating kasaysayan? Balik-aralan natin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
gawain sa ibaba.
Punan ng wastong sagot ang mga patlang upang mabuo ang bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang pinagsamang guhit latitud at longhitud ay bumubuo sa isang
___________.

2. Ang Pilipinas bilang isang bansang _______________ ay sinasabing nasa


estratehikong lokasyon sapagkat itinuturing itong isa sa
pinakamahalagang rutang pangkalakalan.

3. May dalawang paraan sa pagtukoy sa lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas.


Ito ay ang ___________ at ______________ lokasyon.

4. Ang mga patayong imahinasyong guhit sa globo paikot mula sa hilaga


patimog ng globo ay tinatawag na _____________.

5. Ang pagtukoy sa lokasyon ng isang bansa gamit ang mga anyong-tubig na


nakapaligid dito ay tinatawag na ____________.

5
Mga Tala para saGuro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga


panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa
mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsulat ng kanilang sagot sa mga gawain. Lahat
ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay
ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat
na marka.

Tuklasin

Gusto mo bang makinig sa isang kuwento tungkol sa pinagmulan ng


ating bansa? Makinig tayo sa kuwento ni Lola Rose tungkol sa isang alamat
kung paano nabuo ang Pilipinas.

Noong unang panahon ay


walang lupa kundi langit at tubig
lamang. May isang uwak na walang
madapuan. Naisipan ng uwak na
paglabanin ang langit at dagat.
Nagkaroon ng isang labanan.
Malalaking alon ang isinaboy ng
dagat sa langit. Ang langit naman ay
naghulog ng malalaking bato sa
dagat. Sa mga batong ito nagmula
ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang
naturan ay ang Pilipinas.

6
Tungkol saan ba ang kuwento ni lola Rose? Bakit kaya nag-aaway ang
langit at dagat? Batay sa kuwentong ito, saan nagmula ang pulo ng Pilipinas?
Naniniwala ka ba sa kuwentong ito? Bakit?

Suriin

Mayroong iba’t ibang impormasyon ang mababasa natin tungkol sa


pinagmulan ng Pilipinas. Sa araling ito, tatalakayin natin ang tungkol sa
pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas; batay sa teorya, mito at relihiyon.
A. Teorya
May tatlong pangunahing teorya na pinanininiwalaan ng mga
siyentipiko at mga heologo kung paano nabuo ito.
1. Teoryang Bulkanismo (Pacific)
Ayon sa siyentistang Amerikano na si Bailey Willis; nabuo ang bansa
sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng
lupa. Ang mga magmang ito ay galing sa mga aktibong bulkang nasa
kailaliman ng Karagatang Pasipiko. Ang mga ibinugang lava, magma at iba
pang solidong bagay ng mga bulkan ay nagkapatong-patong at natuyo na
kalaunan ay naging mga pulo ng Pilipinas. Upang patunayan ang teoryang
ito ay ginamit na ebidensiyang pagkakatulad ng katangian ng mga batong
matatagpuan sa ilalim ng mga kabundukan na nasa bansang may batong
makikita sa ilalim ng dagat. Higit pang napagtibay ang teoryang ito ng
katotohanan na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Pacific
Ring of Fire o lugar sa Karagatang Pasipiko kung saan matatagpuan ang
maraming bilang ng mga bulkan.

7
Teoryang Continental Drift
Ayon kay Alfred Wegener isang siyentistang German, ang mundo ay
dating binubuo ng isang malaking masa ng lupa o isang supercontinent na
may 240 milyong taon na ang nakalilipas na tinatawag na Pangaea (salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay “lahat ay lupa”). Ito ay unti-unting nahati at
nagkahiwa-hiwalay hanggang sa marating ang kasalukuyang anyo ng mga
lupain ng daigdig. May 200 milyong taon naman ang nakalilipas nang dahan-
dahang nahati ang Pangaea sa dalawang bahagi; sa Laurasia sa hilagang
hating-globo at Gondwanaland sa timog hating-globo. Mula sa kontinente ng
Laurasia pinaniniwalaang nagmula ang Pilipinas. Dahil sa patuloy na
paggalaw ng mga kontinente, patuloy ring nahati ang mga kontinente sa
kasalukuyang kaanyuan nito.

Ilan sa mga patunay ni Wegener sa kaniyang teorya ang sinasabing


pagiging puzzle-like fit ng mga kontinente; pagkakaroon ng magkatulad na
uri ng fossilized na labi ng hayop sa South America at Africa; pagiging akma
ng hugis ng silangang baybayin ng South America sa kanlurang baybayin ng
Africa; at ang magkatugmang hugis ng mga bato sa mga kabundukan sa
South America at South Africa.
Iniuugnay sa teoryang ito ni Wegener ang Teoryang Plate Tectonics.
Ang ibabaw ng mundo ay binubuo ng malalaking tipak na malalapad na bato
na tinatawag na platong tektonik. Sa paglipas ng panahon at sa patuloy na
diyastropismo o ang paggalaw ng mga tectonic plates sinasabing nabuo ang
mga kontinente ng mundo. Ang diyastropismo ay nangyayari sa pagtaas
(uplift) at paglubog (subsidence) ng ibabaw ng mundo na nagbubunga ng

8
pagkakahati ng mga lupain at siyang naging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay
ng mg kontinente at ilang bahagi ay naging pulo kung saan kabilang na rito
ang kapuluan ng Pilipinas.

Teoryang Tulay na Lupa

Ayon sa teoryang ito, nabuo ang kapuluan ng Pilipinas ng matunaw


ang mga yelong bumabalot sa malaking bahagi ng North America, Europe at
Asya. Batay rito ang mga isla ng Pilipinas ay magkakarugtong. Ilan sa mga
patunay ay ang mababaw na bahagi ng West Philippine Sea na nakapagitan
sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya. Bukod pa rito napakalalim ng
Pacific Ocean na patunay na ang Pilipinas ang dulong bahagi ng Asya. Dagdag
pa rito ay magkakatulad ang uri ng halaman, puno, hayop sa Pilipinas at bato
sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.

B. Mito at Alamat
Ang Mito at Alamat ay kumpol ng mga tradisyunal na kuwento na
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.

Maraming kuwento o alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ilan


sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang Magkalabang Higante


Ang Pilipinas ay nagmula sa pagpupukulan ng tipak-tipak na lupa at
malalaking bato ng tatlong naglalabang higante upang patunayan kung sino
sa kanila ang pinakamakapangyarihan sa Pasipiko. Ang malaking bato at
lupang bumagsak sa karagatang ito ang siyang pinagmulan ng kapuluan.
2. Si Pilina

9
Ito ay tungkol sa isang babaeng nakatira sa isang kagubatan.
Pinangalanan siya ng kanyang ina na Pilina at binigyan siya ng isang kwintas
at nakalilok dito ang kaniyang pangalan. Isang araw bigla na lang umapoy at
nasunog ang buong kagubatan. Hindi nagtagal nilamon din ng apoy ang mag-
ina. Dumagundong at nagkabitak-bitak ang lupa. Pagkaraan ng mahabang
panahon, may mga manlalakbay na nakarating sa lugar na iyon at
nagustuhan nila ito. Habang nilalakbay nila ito, may nakita silang kwintas
na may nakaukit na pangalang “Pilina”. Mula noon, tinawag nilang Pilipinas
ang lugar.
3. Batay sa mitolohiya ng mga Bagobo; nilikha daw ng diyos nila na si Melu
ang mundo at ang Pilipinas ay mula sa libag ng kaniyang katawan.
4. Batay sa Mitolohiya ng mga Manobo; ang daigdig ay mula sa kuko ng
kanilang Diyos.
C. Relihiyon
Ang relihiyon ay isang organisadong sistema ng pananampalataya,
paggalang, kaugalian at paniniwala na nakasentro sa isa o higit pang diyos.
Ang Pilipinas batay sa relihiyon ay nagmula sa pagkalalang ng
mundong kaniyang kinabibilangan. Isang makapangyarihang Manlilikha ang
gumawa ng daigdig.

Pagyamanin

Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon
na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Bulkanismo Pangaea
Panrelihiyon Tulay na Lupa
Mito o Alamat Pacific Ring of Fire

10
1. Ayon sa Continental Drift ni Alfred Wegener, ito ang kalupaan sa
daigdig na bahagi ng Pilipinas na dating binubuo ng isang malaking
masa ng lupa.
2. Ito ang teorya ni Bailey Willis na nagsasabing ang Pilipinas ay nabuo
bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
3. Isang uri ng kuwento na pinamagatang “Magkalabang Higante”.
4. Batay sa paniniwalang ito tungkol sa pagbuo ng Pilipinas, may isang
makapangyarihan na Manlilikha ang gumawa ng daigdig.
5. Ito ang tawag sa mga lugar sa Karagatang Pasipiko kung saan
matatagpuan ang maraming bilang ng mga bulkan.

Isaisip

Punan ng wastong sagot ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang _____________ay isang uri ng kalupaang binubuo ng mga pulo;
tinatawag din itong arkipelago.
2. _____________ ang tawag sa taong dalubhasa sa pag-aaral ng agham sa
mundo, kasama ang mga komposisyon, estruktura, at pinagmulan ng
mga bato.
3. _________________ ang lugar sa karagatang Pasipiko kung saan
matatagpuan ang maraming bilang ng mga bulkan.
4. Ang ________________ ay tumutukoy sa kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng
pananaliksik.
5. Ang _______________ ay ang paggalaw ng solidong bahagi ng mundo. Ito
ay nangyayari sa pagtaas (uplift) at paglubog (subsidence) ng ibabaw
ng mundo na nagbubunga ng pagkakahati ng mga lupain.

11
Isagawa
Batay sa tatlong teorya sa pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas na ating
napag-aralan, anong teorya ang labis mong pinaniniwalaan? Bakit?
Sumulat ng isang talata upang maipaliwanag mo ang iyong sagot.
Gawin ito sa isang buong papel. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba sa
pagsasagawa ng gawain. (5 puntos)

RUBRIKS PARA SA SANAYSAY


Deskripsiyon Puntos Nakuhang Marka
Wasto at makabuluhan ang 2
nilalaman.
Sapat ang naibigay na detalye. 2
Maayos ang daloy at 1
organisasyon at wasto ang
gramatika at bantas.
KABUUANG PUNTOS 5

Tayahin

Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Siya ang siyentistang German na naghain ng Teoryang Continental


Drift.
A. Alfred Wegener C. Henry Otley Beyer
B. Bailey Willis D. Karl Fredrich Loos
2. Ito ang tinawag sa malaking masa ng lupa na bumubuo sa daigdig.
A. Kapuluan C. Pacific Ring of Fire
B. Pangaea D. Tectonic plates
3. Ayon sa teoryang ito, dating pinagdugtong ng mga tulay na lupa ang
mga pulo ng Pilipinas sa isa’t isa.

12
A. Bulkanismo Continental Drift
B. Tulay na Lupa Pangaea
4. Bakit higit daw na kapani-paniwala ang Teorya ng Bulkanismo kaysa
sa ibang teorya ng pagkakabuo ng Pilipinas?
A. May mga lumulubog na bahagi ng Pilipinas.
B. Kabilang ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.
C. Nagtataglay ng lupang bulkaniko ang Pilipinas.
D. Patuloy pa rin ang paglitaw ng mga bagong isla.
5. Paano mo pag-uugnayin ang mga Teorya ng Bulkanismo at Continental
Drift upang makabuo ng higit na kapani-paniwalang teorya tungkol sa
pinagmulan ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay nabuo sa pagsabog ng malaking bulkan. Ang Luzon
ay bahagi ng Pangaea.
B. Ang Pilipinas ay bahagi ng Pangaea. Ang ilang mga pulo ay nabuo
sa pagputok ng mga bulkan.
C. Ang Pilipinas ay bahagi ng Laurasia na nagkahiwa-hiwalay dahil sa
pagsabog ng mga bulkan.
D. Ang Pilipinas ay bahagi ng Gondwanaland na naanod sa Karagatang
Pasipiko nang sumabog ang bulkan.

Karagdagang Gawain

Suriin ang mga pahayag tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Isulat ang


T kung ito ay batay sa Teorya; M kung ito ay batay sa Mito; at R kung ito ay
batay sa Relihiyon.
_____ 1. Ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa malaking tipak ng lupain sa
daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang taon na ang nakalilipas.

_____ 2. Ang kapuluan ng Pilipinas ay nabuo dahil sa magkalabang higante


na nagpukulan ng tipak-tipak na lupa ta malalaking bato.

13
_____ 3. Ang pagbuo ng Pilipinas ay dahil sa may isang Makapangyarihang
Manlilikha ang gumawa ng daigdig.

_____ 4. Ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga sa pagtaas ng lebel sa karagatan


at natabunan ang mga tulay na lupang nag-uugnay sa ilang bahagi sa Timog-
Silangang Asya.

_____ 5. Ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim


ng karagatan.

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian

(Maria Annalyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, Mary Dorothy dL. Jose,


2016)Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa

(Ailene Baisa- Julian, Nestor S. Lontoc,2017)Bagong Lakbay ng Lahing


Pilipino

16
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education –Region XI


DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax:(082) 224 0100
Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like