You are on page 1of 15

10

Edukasyon Sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan –
Modyul 2 Ang Pagkukusa sa
Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ms. Mary Ann M. Breboneria


Editor: Mr. Noel E. Jomadiao, Head Teacher VI (EsP Department)
Ms. Rosalina Salvo MT at Ms. Edilyn T. Talisay
Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap – PSDS, Dr. Corazon Zinampan – PSDS at
Dr. Rodolfo de Jesus – EPS Filipino
Tagaguhit: Ms. Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Dr. Heidee F. Ferrer, Brian Spencer B. Reyes

Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS

Mr. Fredie Avendanio, ASDS

Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC CID Chief

Dr. Heidee F. Ferrer, EPS – LRMDS

Ms. Marietta S. Caballero, EPS - ESP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ang Pagkukusa sa Makataong
Kilos

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pananagutan ng Pamilya
sa Pagbuo ng Mapagmahal na Lipunan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Pananagutan ng Pamilya sa Pagbuo ng Mapagmahal na
Lipunan!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

v
Alamin
LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng pagkukusa ng makataong


kilos.

Pamantayan sa Pagganap:

Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng


paraan upang maging mapanagutan.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)

5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang
makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito

5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang


maging mapanagutan sa pagkilos

Subukin
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang letra
ng pinakaangkop na sagot. Gawin ito sa iyong kwaderno.

1. Ito ay kilos na resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kayat may


pananagutan ang tao sa paggawa nito.
a. Gawi b. Kilos ng tao c. Sinadya d. Makataong Kilos
2. Ang pagtulong sa kapwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga?
a. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
d. Ang pagtulong sa kapwa ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili.
3. Ayon kay__________, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung
magiging anong uri sya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos
na kanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang
buhay.
a. Immanuel Khant b. Agapay c. Aristoteles d. Max Scheler
4. Uri ng kilos na isinasagawa ng may kaalaman, malaya at kusa ay;
a. Kilos ng tao b. Makataong Kilos c. Di kusang-loob d. Kusang loob
5. Si Dina ay isang guro. Nakasanayan na niya na magsalita ng malakas. Sa kanilang
pag-uusap ng kanyang mister, bigla itong nagsabing “Wag mo akong sinisigawan,
hindi mo ako studyante “. Nagulat si Rina sa sinabi ng kanyang asawa dahil hindi
niya ito sinasadya. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang inilalarawan?
a. Kusang Loob b. Di kusang-loob c. Wala sa loob d. Walang kusang loob
6. Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.
a. Isip b. Kilos c. Paninindigan d. Kilos-loob

6
7. Ang kilos ay mahuhusgahan lamang natin ang pagiging mabuti o masama batay sa
a. Hilig b. Intensyon c. Gusto d. Nakagawian
8. Ang pagiging mabuti o masama ng isang kilos ay nakasalalay sa ________kung bakit
niya ginagawa ito.
a. Bunga ng Kilos b. Kusang-loob c. Layunin ng Kilos d. Walang kusang loob
9. Ayon kay Aristotle, ang kilos na makikita sa isang taong nananakit ng kapwa dahil
sa galit bilang reaksyon sa panloloko sa kanya ay _______________.
a. Kusang Loob b. Walang Kusang Loob c. Kilos Loob d. Di Kusang Loob
10. Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya mauwi sa pagiging isang
ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Mahalaga ba ang
maging mapanagutan ang tao sa kanyang kilos?
a. Depende sa dahilan ng kilos.
b. Oo, dahil wala naman na akong pagpipilian
c. Oo, dahil ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan.
d. Hindi, dahil may sitwasyon na hindi natin kontrolado.

Modyul
Ang Pagkukusa sa
5 Makataong Kilos

BALIKAN
Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Ipaliwanag ang sagot. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

Sitwasyon 1

Nasaksihan mo ang pananakit ng isang pulis sa isang lalaki na di sumu-sunod sa


protocol na pinatutupad ngayong pandemya ng pamahalaan. Dahil sa takot na baka
madamay ka pa at saktan ka rin, hindi mo ito pinansin o nireport sa kinauukulan.

Tanong:

*Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Sitwasyon 2
Nabalitaan mo sa inyong lugar na may kapit-bahay ka na nag-positibo sa COVID
kaya agad-agad mo itong inireport sa brgy. Nalaman ito ng iyong kapit-bahay at sila
ay nagalit sayo dahil ayaw nilang ma-quarantine sila, ang buong pamilya.

7
Tanong:

May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil iniulat mo sila sa


kinauukulan?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

TUKLAS
IN
Karanasan…..Kinahinatnan…..Kawastuhan!......

Magbalik-tanaw sa mga karanasan, alin sa mga ito ang totoong nangyari na sa


iyong buhay. Ano ang kinahinatnan ng kilos at paano ito winastuhan. Gawin ito sa
isang bond paper.

•Manghusga sa
kapwa......
•Naghiganti sa
kaaway.........
•Nasaktan ang
magulang........
•Nangupit dahil
nagigipit..........
•Tumulong sa panahon
ng pandemya
•Pakikipagtsismisan
•Matuksong gumawa ng
masama sa
impluwensya ng
barkada
•Manira ng kagamitan
•Panood ng malaswang
video

Karanasan Kinahinatnan Kawastuhan

Mga Tanong:

1. Paano mo ginawa ang pagkilos?


2. Ano ang kinahinatnan ng iyong kilos?
3. Paano ka naging mapanagutan sa iyong kilos?

8
SURIIN
MAKATAONG KILOS
Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na
kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil
sa isip at kilos-loob, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan,
siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat
segundo ng kaniyang buhay, siya ay kumikilos ayon sa kaniyang kagustuhan at ninanais.
Ito’y naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa mundong
kaniyang ginagalawan. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol
o pananagutan sa sarili.

May dalawang uri ng kilos ang tao:

1. Ang Kilos ng Tao (Acts of Man) – ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay ang likas
sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob. Ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama – kaya walang
pananagutan ang ang tao kung naisagawa ito.

2. Makataong Kilos (Human Act) – ay kilos na isinagawa ng tao nang may akaalaman,
malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-
loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag
itong kilos na niloob, sinagya at knusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsable, alama niya ang kaniyang gignagawa at ninais niyang gawin
ang kilos na ito.

Tandaan na
* kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababng digri ang pagkukusa.
kung mas mataas o mababang digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang
pananagutan
* Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito
ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang
may pang-unawa at pagpili dahil may kapanagutan (Accountability)

ANG MAKATAONG KILOS AY KILOS NA MALAYANG PINILI MULA SA PAGHUHUSGA AT


PAGSUSURI NG KONSENSIYA.

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

1. Kusang-loob – ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng


kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob – ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na
dapat isakatuparan.
3. Walang kusang-loob – ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa
kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t
walang pagkukusa.

9
LAYUNIN: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos

Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o


mabuti. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan
kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay
sa intensyon kung bakit ginawa ang kilos.

Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Ang layuning ito ay
nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang
kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob
na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan – ang kaniyang sariling
kabutihan o mas mataas na kabutihan. Ito ay ang itinuturing na
pinakamataas na telos – ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang Diyos

Makataong kilos at Obligasyon

•Ayon kay SantoTomas, “ang isang gawa o kilos ay obligado lamang


kung ang hindi pagtuloy pag-gawa nito ay may masamang mangyayari.”

Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan – ang kabutihan ng


sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin.

Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos


Ayon naman kay Aristotle, may mga eksepsyon sa kalalabasan ng
isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos.

10
Paglalayon

• kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong


kilos?

Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin

• ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi


lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin?

Pagpili ng pinakamalapit na paraan

• nagkaroon ba ng kalayaan sa mga ospsiyon? Umiiwas lamang


ba sa masusing pag-iisip? Para lamang ba sa pansariling
kabutihan?

Pagsasakilos ng paraan

• ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na


tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.

PAGYAMANIN
Panuto : Sa iyong kwaderno kumpletuhin ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Nakasalalay sa uri ng kilos na ginagawa ng tao at gagawin pa sa nalalabing araw


ng kaniyang buhay dahil sa…..……….
____________________________________________________
2. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama
kaya……………
____________________________________________________
3. Ang makataong kilos ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos- loob
kaya’t..........
____________________________________________________
4. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat
……….
____________________________________________________

5. Ang gumagawa ng kilos……..

________________________________________________
6. Ang layunin ng makataong kilos ay nakakabit sa…………..
____________________________________________________
7. Ito ay tinuturing pinaka mataas na telos -……………
____________________________________________________

11
8. Ang isang gawa o kilos ay……………
____________________________________________________
9. Dapat piliin ng tao ang…………..
____________________________________________________
10. Ayon kay Aristoteles, may mga eksepsyon sa kalalabasan ng isang kilos kung
may………………
___________________________________________________

ISAISIP
Pag-isipan!.......
Panuto: Unawain at punan upang mabuo ang konsepto sa mula sa iyong binasa. Gawin ito
sa isang malinis na papel.

Layunin
Uri ng Kilos
1._______________
2._______________
Obligasyon

kilos

Uri ng kilos ayon sa


Kabawasan ng Pananagutan
kapanagutan
1._______________________
1._________________
2._______________________
2._________________
3._______________________
3._________________

ISAGAWA

Panuto: Sa iyong kwaderno magtala ng mga makataong kilos na nakita mo o napansin


ngayong panahon ng pandemya o sa nagdaang bagyong Ullysses. Isulat ito sa unang hanay
sa tsart sa ibaba. Sa pangalawang hanay, isulat ang sa tingin mo na layunin ng makataong
kilos na nakita o napansin mo. Sa ikatlong hanay, isulat kung paaano ito pinanagutan ng
mga taong nagsagawa nito.

12
Makataong Kilos Layunin Kapanagutan
1.

2.

3.

4.

5.

TAYAHIN
Panuto: Ibigay ang sagot ng bawat bilang ayon sa iyong pang-unawa. Isulat ang mga sagot
sa iyong sagutang papel o sa iyong kwaderno.

1. Ano ang ibig sabihin ng kilos?


2. Ano ang dalawang uri ng kilos ng tao?
3. Ibigay ang tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan.
4. Sa tatlong uri ng kilos, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit?
5. Katapat ng kilos na ating ginagawa?
6. Ano ang layunin ng makataong-kilos?
7. Kailan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag.
8. Paano nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos?
9 – 10. Ibigay ang apat na element sa kakulangan sa Proseso ng Pagkilos.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng makataong kilos at tukuyin ang
posibleng layunin nito at kapanagutan. Gawin ito sa isang bond paper.

13
SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN

1. d 6. c

2. c 7. b

3. b 8. c

4. b 9. d

5. d 10. c

Sanggunian :

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa


Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya, Edukasyon sa Pagpapakatao 10, M odyul para sa Mag-aaral (2015)
Edukasyon sa Pagpapakatao 10,

Gabay sa Pagtuturo (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LAMP (2019-2020)

Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020-21

14

You might also like