You are on page 1of 24

TA N D AA N !

Huwag kalimutang
maglog-in sa Google meet,
limang minuto bago ang
klase.
TA N D AA N !
Huwag gumamit ng
UPPERCASE dahil ito’y
hindi naaangkop at maaaring
nagpapakita ng maling
interpretasyon sa iyong
kausap.
TA N D AA N !
Bawal kumuha ng
Bidyo o Larawan ng
klase, kaklase, guro at
aralin.
TA N D AA N !
Huwag pumunta
ng ibang apps o
website.
TA N D AA N !
Gamitin ang raise
hand botton o chat
box kung may
sasabihin.
Ikalawang
Markahan-
Modyul 5
DULA
Antony at Cleopatra
Ni William Shakespeare
Balik-
Aral
• Pamagat ng akdang pinabasa ng guro sa
bahay?
• Sino- sino ang tauhan sa alamat?
• Ano ang simula ng kuwento?
• Ano ang naging suliranin sa akda?
• Ano ang wakas ng kuwento?
• Anong mensahe ang nakuha mo sa akdang
binasa mo?
Layunin:
1. 1. Nailalahad ang kultura ng lugar na
pinagmulan ng dula sa binasang usapan ng
mga tauhan.
2. Nakasusuri ng mga tradisyon at kaugalian sa
binasang dula.
3. Nakasusulat ng maikling iskrip ng dula na
nagpapakita ng kultura ng bansa.
Dula
• Ang dula ay isang bahagi ng
panitikang nagbibigay ng kaaliwan at
kalungkutan sa mga bumabasa o kaya
naman ay sa sumasaksi nito.
Dula
• Kalimitan, habang binabasa o pinanonood ang dula,
pansamantalang nililisan natin ang totoo at kasalukuyang
buhay natin at tayo ay nakikiisa at nakikibahagi sa mga
tauhan o aktor at pilit nating kinikilala ang sariling pagkatao
sa nagaganap sa dula. Habang natatapos ang pagbabasa o
panonood sa dula, unti-unting nagbabalik ang realidad sa
ating sarili.
Mga Sangkap
ng Dula
01
Tauhan – May dalawang uri ang tauhan sa dula,
protagonista o bayani ng dula o ang pangunahing
tauhan na may suliraning kailangang lutasin at ang
antagonista o ang katunggali ng pangunahing
tauhang nagsisilbing hadlang sa layunin ng bayani

02 Tagpuan– panahon at pook kung saan naganap ang


mga pangyayaring isinaad sa dula
Mga Sangkap
ng Dula
03
 Sulyap sa suliranin– bawat dula ay may suliranin,
walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysayang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mgapangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula
04 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas
ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
Mga Sangkap
ng Dula
05
 Tunggalian- ito ay maaaring sa pagitan ng mga
tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan
laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng
higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang
dula.
Kasukdulan– climax; dito nasusubok ang katatagan
06 ng tauhan; sa sangkap na ito tunay na pinakamatindi
o pinakamabugso ang damdamin.
Mga Sangkap
ng Dula
07
 Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa
kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
tunggalian.

Kalutasan– sa sangkap na ito nalulutas,


08 nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian; ngunit maaari ring magpakilala sa
bagong suliranin o tunggalian.
Elemento
ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay(Plot)-
pinakakaluluwa ng isang dula.
2. Gumaganap o Aktor/Karakter- sila ang mga
sumasabuhay ng mga tauhan sa iskrip.
3. Dayalogo- mga binibitawang linya ng mga
tauhan na siyang sandata upang maipakita
at maipadama ang damdamin.
Elemento
ng Dula
4. Tanghalan- ito ang lugar kung saan
ginaganap ang dula.
5. Tagadirehe o direktor- siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa
itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagbigkas ng mga
dayalogo ng tauhan.
Elemento
ng Dula
6. Manonood- sa kanila nakabatay ang
ikapapanalo ng isang dula. Sila ang mga
nagkokomento sa dula.
7. Tema- ito ang pinakapaksa ng isang dula.
Antony at Cleopatra
Ni: William Shakespeare
Salin ni: Lorena O. Quindoza

Basahin ang dulang


ito at tatalakayin ng
klase sa susunod na
pagkikita.
Mga Dapat Sagutan!
MODYUL 5
1. Balikan
2. Tuklasin
3. Talasalitaan
4. Pag-unawa sa binasa
5. Gawain 1
6. Isaisip

You might also like