You are on page 1of 30

K12 YS-10

BOOK 3

FILIPINO

lkatlong Kuwarter

Modyul 61-63
Philippine Copyright 2016

by

ANGELICUM COLLEGE

Filipino YS 10
First Edition 2016
ISBN 978-971-23-8348-9
Item Number: 93-FI-00007-3

No portion of this book may be copied or reproduced in books,

pamphlets, outlines, or notes–whether printed, mimeographed,
typewritten, photocopied, or in any form–for distribution or sale,
without the written permission of the Publisher and Author/s. The
infringer shall be prosecuted in compliance with copyright, trademark,
patent, and other pertinent laws.

Printed by

Typography & Creative Lithography

84 P. Florentino St., Quezon City, Phils.
Tel. No. 857-77-77
Modyul 61

Dula

Ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila, bagamat hindi pa
nakikilala ang katawagang dula ay nagsasagawa na ng mga pagtatanghal na karaniwa’y paawit,
patula o pasayaw, at ang mga ito’y naglalarawan ng kanilang mga ritwal at seremonyang
ginagawa tuwing may mga okasyon na ang ilan ay nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Mapapansin na ginagamit ng mandudula ang panitikan upang ipakita ang ugali ng

tao na mapanghusga o mapangmaliit sa kapwa. Ang ganitong masamang pagpapalagay,
diskriminasyon o maling pagtrato ay tungkol sa kalagayan ng tao. Sa kabilang dako, ginamit ng
mandudula ang kanilang akda upang makalikha ng isang ideal na mundo na kaiba sa tunay na
mundong umiiral.

Sa pag-aaral mo ng modyul na ito, matutuklasan mo na ang lipunan ay binubuo lamang

ng dalawang pangkat, ang makapangyarihan o mayaman, at ang walang kapangyarihan o
mahirap. Matutuklasan mo rin na sa pagbabasa mo maaari kang bumuo ng daigdig kaiba sa
karaniwan o tunay na nangyayari.

Pag-aaralan din sa modyul na ito ang pang-abay na kinakailangan sa mabisang

pagpapahayag ng iyong iniisip o saloobin.

Handa ka na ba? O, sige halika at magsimula ka na.

3
Aralin 1

DULA

Magandang araw mag-aaral! Isa marahil sa pinakamasayang pag-aralan ang tungkol sa

dula. Mahilig ka bang manood ng mga teleserye? Alam mo ba na ang mga teleseryeng iyan
ang makabagong bersyon ng mga dulang mayroon tayo noong unang panahon? Ano ba ang
pagkakapareho at pagkakaiba nilang dalawa? Bago mo tuluyang pag-aralan ang aralin na ito
ay subukang sagutan ang inihandang pang-unang pagsusulit.

Pang-unang Pagsusulit

Isulat sa patlang ang salitang tinutukoy ng pangungusap.

_____________ 1. Ang dulang ito ay pawang kabiguan ang wakas.
_____________ 2. Ang dulang ito ay nagpapaiyak sa mga manonood na kadalasang
mapapanood sa mga telebisyon.
_____________ 3. Dito makikita ang kalutasan ng mga problema o suliranin sa dula.
_____________ 4. Iba pang tawag sa dulang may isang tagpo.
_____________ 5. Ito ay dulang maikli lamang.
_____________ 6. Ito ay sadyang ginawa para itanghal o panoorin sa entablado o telebisyon.
_____________ 7. May layuning magpatawa at magbigay ng maganda o positibong wakas
_____________ 8. Ito ay sangkap ng dulang kakikitaan ng mga tauhan, tagpuan at sulyap sa
suliranin.
_____________ 9. Ito ay tumutukoy sa paglabas-masok ng mga tauhan sa entablado.
_____________10. Pinaghalo sa dulang ito ang katatawanan at iyakan at ang pangunahing
tauhan ay laging namamatay.

Pagkatapos mong masagot ang pang-unang pagsusulit, kunin ang susi ng kasagutan
at itama ang iyong sagot.

4
Marami ka bang tamang sagot? Kung Oo, binabati kita. Maaari mo nang simulang pag-
aralan ang unang aralin sa modyul na ito. Kung marami kang mali, pagkakataon mo ito upang
magbalik-aral tungkol sa aralin ito.
Nasubukan mo na ba ang makapanood ng dula? Saan ito ginaganap? Paano nagsisiganap
ang mga tauhan dito? Mahaba ba ito o maikli lamang?
Magbigay ng mga halimbawa ng dulang iyong napanood at isulat sa patlang.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Ito ang karaniwang icon ng dula, isang mukhang masaya at isang mukhang malungkot.
Bakit kaya? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

5
Ano ang dula?

Ang dula ay isang pagtatanghal ng

madulang bahagi ng buhay ng isang tao na
ginaganap sa isang tanghalan o entablado.

Nasubukan mo na ba ang makapanood ng dula o kahit anong palabas nang nasa

kalagitnaan o patapos na? Naunawaan mo ba ang mga tagpong naabutan mo?
Hindi marahil, dahil hindi mo ito nasimulan at ang mga pangyayari ay di mo
nasubaybayan.
Ano naman ang masasabi mo kung ang bawat tagpuan ay di naganap sa ibabaw ng
tanghalan, matatawag pa rin ba itong isang dula?
Ito ang ikinaiba ng dula sa iba pang akdang pampanitikan, sapagkat ito ay kinagigiliwang
panoorin sa tanghalan.

Ang teatro o tanghalan ang

pinaglalabasan o kung saan
itinatanghal ang isang dula

Ang dula ay nahahati sa yugto (scene). Ang bawat yugto naman ay nahahati sa tagpo.
Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaano kahalaga ang pagganap ng mga tauhan sa dula?
Mahalaga ang tauhan sa dula sapagkat gumaganap ito ng mahalagang papel. Inilalarawan
nito ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng mga tao sa iba’t ibang antas ng lipunan.
Nagsisilbi rin itong salamin ng buhay sa manood upang makaaliw, makaantig ng damdamin
at makapukaw ng isipan .
Ang dula ay kinakailangan magkaroon ng isang paksa o temang namamayani, mga tauhan,
na tiyak kagigiliwan at makikilala sa iba’t ibang paraan tulad ng kanilang diyalogo o salitaan.

May tatlong mahahalagang salik ang dula.

Una, ang panimula, ito ay ang tuluy-tuloy na paglalahad ng mga

pangyayari at wakas.

6
Ikalawa, ang pagkakaroon ng maganda at kawili-wiling
paglalahad ng mga pangyayari at suliranin.

Ikatlo, ang pagbibigay-kalutasan sa suliranin na siyang

nagpapanatili ng kapanabikan at kawilihan ng mga manonood
sa dula.

Nadarama ng mga manonood ang tunggalian ng mga tauhan sa dula sa pamamagitan ng

kanilang makatotohanang kilos o galaw at pagsasalita sa tanghalan.

ALAM MO BA?
Sa bansang hapon ay may kilalang dulang katatawanan
na tinatawag na Kyogen at Nob at ito ay sa pagpapasinaya ni
Muromachi sa panahong 1333-1573 na ngayoý tinatawag na
Nogaku.

Ang dulaang Pilipino ay pinaniniwalaang nagtatanghal na bago pa dumating ang mga

dayuhan dito sa Pilipinas, ito ay isinasadula bilang iba’t ibang seremonya tulad sa kasalan, pag-
ani, pagtatagumpay sa digmaan, burol sa patay, paghingi ng ulan at iba.

Anu-ano ang
mga uri ng dula?
Ang dula ay may iba’t ibang uri.
a. Komedya – Ang tema ng dulang ito ay magaan ay katawatawa, ito
ay nagsisimula sa isang ordinaryong kuwento at nagwawakas ng
masaya.
b. Melodrama o Soap Opera – Ang dulang ito ay kinapapalooban ng mga
malulungkot na sangkap at ang tema ay mga suliranin na nagaganap
sa pang-araw-araw na buhay.
c. Parsa – Eksaheradong paraan ng pagpapatawa sa pamamagitan ng malalaki at kakatwang
kilos ng mga tauhan ang karaniwang mapanonood sa isang dulaang parsa.
d. Trahedya – Ito ay isang uri ng dula na kadalasan ang mga tauhan ay inaabot ng kamalasan
at sa huli ang pangunahing tauhan ay nabibigo o maaring ikamatay pa niya.
e. Tragikomedya – Dulang magkahalo ang katatawanan at kasawian, kilala ang mga dula
ni Shakespeare dito gumagamit sila ng mga payaso upang magsilbing tagapagpatawa
subalit sa huli ay nagiging malungkot at nararanasan ang pagkabigo ng mga tauhan.

7
Tulad ng maikling kwento ang dula ay may elemento o sangkap. Ito ay tagpuan, tauhan,
banghay, tunggalian, kasukdulan, at tema. Halika at isa-
isahin natin ang mga ito. Ano-ano ang mga
sangkap ng dula?

MGA SANGKAP NG DULA

a. Tagpuan – Ito ang elemento ng dula na kababasahan
ng lugar at panahon kung kailan naganap ang dula.
Halimbawa:
Panahon – kasalukuyang panahon, panahon ng Hapon
– ikasampu ng umaga, dapithapon
Lugar – sa likod ng bahay, sa ilalim ng puno

b. Tauhan – Ang elementong ito ng dula makikilala ang magsisipagganap sa tauhan ng dula
at maging ng sa pangunahing tauhan. Mayroong dalawang uri ng tauhan, ang protagonist
na siyang bida sa dula at ang antagonista o ang katunggali o kalaban ng bida sa dula.

c. Banghay – Dito inilalahad ang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari, simula-gitna-

wakas.

d. Tunggalian – Ito ay elemento ng dula na tumatalakay sa labanan sa pagitan ng pangunahing

tauhan at sa iba pang elemento.
Hal: Tunggalian ng Tao sa tao
Tunggalian ng Tao sa sarili
Tunggalian ng Tao sa kalikasan
Tunggalian ng Tao sa lipunan

e. Kasukdulan – Dito nababatid ng mga manonood ang tagumpay o pagkabigo ng mga

tauhan, ito ang bahagi ng dulaan na kapanapanabik hanggang sa bahaging paglutas sa
mga suliraning kinaharap ng tauhan.

f. Tema – Tinatalakay sa bahaging ito ay ang mensaheng nais ipabatid sa akda.

Naunawaan mo na ba ang mga sangkap ng dula? Kung gayon gawin mo ang unang
gawain.

Gawain 1

Kilalanin ang uri ng dulang tinutukoy ng parirala. Isulat sa patlang ang sagot.
_______________ 1. Karaniwang paksa ay ang katawa-tawang ugali ng tauhan.
_______________ 2. Magkahalo dito ang katatawanan at kalungkutan.

8
_______________ 3. Nagwawakas sa kalungkutan dahil sa kamatayan ng pangunahing
tauhan.
_______________ 4. Ang pangunahing tauhan ay laging nagtatagumpay sa huli.
_______________ 5. Ginagamitan ng katawa-tawang pananalita at pagkilos ng mga tauhan.

Pareho ba tayo ng sagot? Ihambing ang iyong sagot sa aking sagot.

Gawain 2

Ano ang katangian ng dula. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

• Tagpuan

• Tauhan

• Banghay

• Tunggalian

• Kasukdulan

Kung naunawaan mo na ang aralin ay simulan mo na ang pagsusuri ng isang dula mula
sa bansang hapon.

Dula #1

Kunin mo sa iyong guro ang sipi ng mga Akdang Pampanitikan sa Filipino 10 at basahin
ang Dula#1 na may pamagat na “Ang Tagahuli ng Ibon sa Impiyerno” ni Esasbi Juwo at
pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan ukol dito.
Maaari mo ring hanapin sa internet ang nilalaman ng kwentong ito.

9
Naunawaan mo ba ang dula? Sagutin mo na ang mga gawaing inilaan para sa iyo.

Gawain 1

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong ayon sa dula.

1. Ano ang trabaho ni Koro noong siya ay nabubuhay pa sa lupa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ano at bakit gayon ang naging hatol sa kanyang patutunguhan sa kabilang buhay
bago pa siya makausap ni Yama?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sino si Yama at ano ang gampanin nila sa buhay ni Koro?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Ano ang nais ng mga demonyo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Maglahad ng ilang kultura at paniniwalang ipinakita na sumasalamin sa bansang
Hapon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
6. Iugnay ang dulang nabasa sa ilang mga isyung panlipunan na mayroon tayo sa
ngayon.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
7. Magbigay ng ibang wakas ng dula?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

10
B. Iugnay sa dula ang sumusunod na linya buhat sa iba’t ibang social media

_______________________
Pamagat

_______________________________________
____________________________________________

11
Gawain 2

Pumunta sa silid-aklatan at hanapin sa aklat sa Filipino o sa kalipunan ng mga nagwagi

sa Don Carlos Palanca Memorial Award ang dulang “Ang mukha ni Medusa”. Isulat ang buod
ng dula at ang aral na iyong napulot sa kwento. Ang gagawing buod ay hindi dapat bababa sa
100 salita.

12
Aralin 2

Ang Pananaw Klasismo sa Pagbasa ng Dula

Minsan bago pa natin makilala ang isang tao ay mayroon na tayong palagay o pagtingin
dito. Madalas ding tumitingin tayo sa kulay ng balat o labas na kaanyunan at istatus nito sa
buhay. Ang ganitong pagbasa ng akda ay tumutukoy sa klasismong pagbasa.

Pang-unang Pagsusulit

Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na tumutukoy sa Klasismong pagbasa.

________ 1. Ang mga taong galing sa pamilyang mahihirap na hindi makabili ng mga usong
kasuotan ay karaniwang tinutukso o tinatawag na baduy.
________ 2. Ang mga taong sobrang puti ay karaniwang tinatawag na “anak araw”.
________ 3. Ang mga kasuotang Pilipino ay tinaguriang klasikal.
________ 4. Ang mga taong maiitim o sunog ang balat ay karaniwang tinatawag na negro o
mababang uri.
________ 5. Ang mga bagay na luma ay tinatawag na antigo at mamahalin.

Pareho ba tayo ng sagot? Iwasto mo upang malaman mo.

Marami ka bang tamang sagot? Kung Oo, binabati kita. Kung may mga mali ay huwag
malungkot at pag-aaralan mo pa ito.

Sa iyong kalagayan ngayon sa buhay, may pagkakataon ba na naging mababa ang iyong
pagtingin sa mga sumusunod na tao sa lipunan? Lagyan ng tsek ( ) ang kahon.

1. Mga batang lansangan

2. Mga pulubing namamalimos

3. Mga anak ng negro

4. Mga anak sa labas

5. Mga batang may kapansanan

6. Mga nanghahalukay ng basura

13
7. Mga taong may di matinong pag-iisip

8. Mga anak ng labandera o karpintero

9. Mga holdaper sa dyip

10. Mga magulang na ginagamit ang mga anak sa pamamalimos

Marami ka bang nalagyan ng tsek? Ibig sabihin lamang na mahilig kang manghusga sa
mga taong may mababang kalagayan sa buhay. Tama ba ang ganitong pagpapalagay? Syempre
naman ay hindi, kaya nga narito ka sa paaralan ginagabayan ka ng iyong mga magulang at guro
upang itama ang maling pananaw na ito.
Ang Klasismong Pananaw ay mayroong layuning maglahad ng mga payak na pangyayari
patungkol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang taong nag-iibigan, tao sa kapwa nya.
Pansinin ang mga pahayag na sumusunod:

Palibhasa’y Sa public school

Bisaya kasi taga-iswkater lang nag-aaral

Ang ganitong panghuhusga ay bunga ng pagiging klasis ng isang tao.

Sa “Mukha ni Medusa” na binasa mong dula, pansinin ang maling paghuhusga ng kanyang
mga kapatid kay Felicia at Tonya. Ano sa palagay mo ang tingin ng mga magkakapatid kay
Felicia at kay Tonya?

Felicia Tonya

Hindi ba’t mababa ang tingin nila kay Fecilia bilang ikalawang ina at kay Tonya na kulang
sa tamang pag-iisip?

14
Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong saloobin sa mga taong ganito ang katayuan sa
buhay? Isulat ang sagot sa bilog.

Sa mga Sa mga
Madrasta Special Child

Upang lalo mong maunawaan kung paano tumingin at magpalagay ang isang klasis na
tao ay simulan mo ang gawaing ito.

Gawain 1

Suriin ang larawang ito at itala ang mga impormasyong hinihingi.

15
A. Kapag tiningnan mo ang dalawang larawan, sa pananaw ng isang klasis, ano ang masasabi
mo sa mga taong nakatira sa dalawang gusali. Isulat ang sagot sa patlang.

B. Tama ba ang ganitong pag-iisip sa isang tao? Kung hindi, ano ang maipapayo mo sa
ganitong uri ng tao kung mag-isip. Isulat ang iyong payo sa nakatiklop na papel.

Ang maipapayo ko sa mga taong negatibo ang pag-iisip ay…

Ipagpatuloy ang iyong pagsagot sa mga gawain.

16
Gawain 2

Kilala mo ba ang mga taong ito? Magbigay ng ilang katangian ng mga sumusunod. Isulat
ang sagot sa loob ng kahon.

1. Aiza Seguerra

2. Heneral Luna

3. Rodrigo Duterte

4. Miriam Defensor Santiago

B. Pumili ng isa sa mga tao sa itaas at magsaliksik tungkol sa kanilang talambuhay at isulat
ang sagot sa iyong notbuk.

__________________________________ __________________________________

Pareho ba tayo ng iniisip? Kung nagawa mo ang mga gawain sa araling ito,
kumuha ka ng panghuling pagsusulit.

17
Panghuling Pagsusulit

A. Isulat sa loob ng kahon ang pagkakaunawa mo sa klasismong pananaw.

Naibigay mo ba ng wasto ang kahulugan ng klasismong paniniwala? Ipakita mo sa guro

ang iyong sagot upang malaman mo kung pareho kayo ng iniisip.

18
Aralin 3

Ang Romantisismong Pananaw

Ikaw ba ay isang taong romantiko? Bakit mo naman nasabing Oo o kaya’y hindi? Alam
mo ba ang ibig sabihin ng pagiging isang romantik?
Ang romantisismo bilang isang sining ay nagbibigay-halaga sa emosyon. Higit na
pinahahalagahan ang damdamin ng taong romantik kaysa lohikal na pag-iisip. Minsan pa
ang taong romantik ay lumilikha ng isang mundong malayo sa tunay na buhay at kanyang
kapanahunan. Upang lalo mo itong maunawaan, sagutin mo muna ang pang-unang pagsusulit.

Pang-unang Pagsusulit

Isulat kung wasto ang sinasabi ng pangungusap tungkol sa Romantismong pananaw.

Itiman ang bilog.

1. Sa mga romantiko, mas mahalaga ang nararamdaman, kaysa ang sinasabi ng

isipan.

2. Sa mga romantikong tao, ang sinasabi ng ibang tao ang binibigyan ng mas
importansya.
3. Ang mga romantiko ay praktikal na tao.

4. Ang mga romantiko ay nagpapamalas ng pagmamahal sa kalikasan.

5. Ang mga romantiko ay nagpapakita ng pagmamahal sa kalayaan, sa lupang

sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad.
6. Ang mga romantiko ay palaging naghahangad ng mga bagay na materyal,
nagpapahalaga sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan.
7. Ang mga romantiko ay nagpapakita ng kahandaang magmahal sa babae/
lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.

B. Guhitan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito.
__________ 1. Mabilis magbihis ang mga modelo.
__________ 2. Sabay-sabay na nagsidatingan ang mga panauhin.
__________ 3. Ngayon ang alis ng mga panauhing pandangal pabalik sa kanilang bansa.

19
__________ 4. Pupunta ang mag-anak sa Singapore, kapag umuwi ang kanilang tatay
galing ng Dubai.
__________ 5. Nagsuntukan ang dalawang koponan dahil sa kantiyawan ng mga
manonood.

Pareho ba tayo ng sagot? Ihambing ang iyong sagot sa aking sagot.

Kung naiwasto mo na ang iyong mga sagot ay magsimula ka na.

Alam mo ba ang kwentong Romeo at Juliet ni William Shakespeare?

Hindi ba’t kapag ang pinag-usapan ay ang pagiging romantik ng isang akda, ang unang
pumapasok sa ating isipan ay ang kwentong ito?

Bakit mo nasabing romantik ang akdang ito? Magbigay ng tatlong dahilan.

1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________

Romantisismo, ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europa noong ikalawang

hati ng ikalabingwalong daantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang
higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas
ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan, sa lupang sinilangan,
paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay
na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan
at kahandaang, magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang
katangian, inspirasyon at kagandahan.

Panahon ng Renaissance sa Inglatera nang sumikat ang mga akda ni

William Shakespeare. Ang isang patunay ng walang kamatayan niyang akda
ay ang Romeo at Juliet.

Sino nga ba si William Shakespear?

• Siya ay isang manunulat ng dula

• Ipinakikita niya sa kanyang mga dula
ang paghanga sa sangkatauhan.
• Ipinakikita rin niya ang iba’t ibang
emosyon sa kanyang mga dula.

20
Basahin at unawain natin ang kabuuan ng dula sa pamamagitan ng buod nito.

Romeo at Juliet
ni William Shakespear

Ang dulang Romeo at Juliet ay isang dulang pumapaksa ng matinding pag-iibigan

magkasintahang sina Romeo na isang Montague at Juliet na isang Capulet. Sa kabila ng
matinding hidwaang namamagitan sa mga pamilya ng magkasintahan ay nanaig pa rin
ang wagas at walang kapantay na pag-ibig sa isa’t isa ngunit Ang kanilang pag-iibigan ay
humantong sa lihim nilang pagpapakasal na isinagawa ni Padre Lawrence.
Lingid sa kaalaman ng ama ni Juliet ang kasalang naganap kaya ipinagkasundo ni
Lord Capulet si Juliet sa isang maharlikang si Paris. Hindi nagawang tumutol ni Juliet
sa kagustuhan ng kanyang ama sa halip, pumunta siya kay Padre Lawrence at ibinuhos
ang kanyang sama ng loob. Para kay Juliet, mas nanaisin pa niya ang mamatay kaysa ang
makasal sa lalaking hindi niya minamahal. Nakaisip ng plano ang pari. Paiinumin si Juliet
ng “dinalisay na alak” na siyang magpapatulog sa kanya na tila isang patay.
Ipinaalam ng pari kay Romeo ang naisip niyang plano sa pamamagitan ng isang
mensahero subalit hindi agad ito nakarating kay romeo dahil sa banta ng isang salot. Bago
ang itinakdang araw ng kasalan ay ininom ni Juliet ang gamut. Nakarating ang balita
kay Romeo na namatay ang kanyang kasintahan at sa tindi ng kapighatiang kanyang
naramdaman ay naisip niyang kitlin ang sariling buhay. Bumili siya ng lason at dagling
tumungo sa libingan ng mga Capulet. Nagtago sina Paris at kanyang mga kasama nang
makita nilang paparating sina Romeo at iba pa. Binuksan ni Romeo ang puntod ng
iniibig nang dagling lumabas si Paris upang siya ay pigilan. Nakipagtunggali siya kay
Paris at kanya itong napatay. Sa tindi ng pagmamahal ni Romeo, na masilayang muli ang
minamahal ay winakasan niya ang kanyang buhay bago magising si Juliet.
Dumating si Padre Lawrence sa musuleo at nagulat nang makita ang bangkay nina
Paris at Romeo. Nagising si Juliet at nakita ang bangkay ni Romeo. Mabilis na nagtago
ang pari nang marinig na may dumarating at naiwan si Juliet sa tabi ng walang buhay na
iniibig. Dahil sa kawalang pag-asa kinitil ni Juliet ang kanyang buhay. Namangha ang
mga Capulet, mga Montague, at ang pari nang makita nila ang mga labi nina Paris, Romeo
at ni Juliet na sa kanilang tantiya ay kamamatay lamang. Dahil sa nangyari, ang pamilya
ng Montague at Capulet ay nagkasundo na wawakasan na ang kanilang hidwaan.

Basahin mo ang isang bahagi ng dulang ito mula sa sipi ng mga Akdang Pampanitikan
sa Filipino 10.

Nagustuhan mo ba ang dulang binasa mo? Kung gayon halina’t talakayin natin.

21
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.

________ 1. Walang kapantay ang pag-ibig sa isa’t isa sa kabila ng hidwaan ng kanilang
pamilya.
________ 2. Lingid sa ama ni Juliet ang lihim na pagpapakasal ng dalawa.
________ 3. Dahil sa tindi ng kapighatian na kanyang nadarama ay nagplanong kitlin ang
kanyang buhay.
________ 4. Tumalilis ang pari nang marinig na may paparating.
________ 5. Napilitang makipagtunggali si Romeo kay Paris.

Gawain 1

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan na may kinalaman sa kwentong Romeo at Juliet.
1. Ano ang nakitang hadlang sa nabubuong pagmamahalan nina Romeo at Juliet?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Anong paraan ang kanilang ginawa upang di matuloy ang pagpapakasal ni Juliet kay
Paris?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Juliet at magkagalit ang pamilya ninyo, paano mo
ipaglalaban ang inyong pagmamahalan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay kung magkasundo ang kanilang pamilya, saan kaya hahantong ang
pagmamahalan ng dalawa?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Ano ang pinatunayan ng dulang ito tungkol sa dalisay na pagmamahalan sa isa’t isa?
Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

22
6. May nababalitaan ka pa bang tulad ng ganitong kwento ng pag-ibig sa kasalukuyang
panahon?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 2

Piliin sa loob ng kahon ang kaisipan, kaugalian o damdaming nakapaloob sa pahayag.

Isulat sa patlang ang sagot at ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong sagot .

Nahihiya Pagbibigay-babala
Pagkalito
Desidido Nagtataka

1. “Sino kang nakakubli sa gabing madilim na nakatuklas ng aking lihim?”

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. “Ang pook na ito ay kamatayan, pag natagpuan ka rito ng sinumang sa aking kasamahan”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. “Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal, pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil

niyong batong humahadlang”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. “Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan”

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. “Batid mong mukha ko ay natatakpan ng dilim, kung hindi ay mamumula ang pisngi ko
dahil sa narinig kong sinabi mo kanina”
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Ipagpatuloy mo ang iyong pagsagot sa mga gawain.

23
Gawain 3

A. Paghambingin ang mga tauhang tulad nina Florante at Laura, Ibarra at Maria Clara ukol
sa pagpapakita ng marubdob na pagmamahalan sa isa’t-isa.

Pagkakatulad sa Pagkakaiba o naging

Mga Tauhan pagpapakita ng wakas ng kanilang pag-
pagmamahal iibigan

Florante

Laura

Crisostomo Ibarra

Maria Clara

B. Dapat bang ang mga magulang ang masunod sa pagpili sa mamahalin ng kanilang mga
anak? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Nasagot mo ba ang lahat ng mga gawain? Natutuwa ako sapagkat alam kong nagustuhan
mo ang inihanda kong aralin para sa iyo.
Narito ang isa pang aralin na alam kong magiging madali para sa iyo.

Kasanayang Pangwika

Basahin ang mga pangungusap na galing sa dulang binasa.

• Nakasuot panluksa si Felicia at mahinang humihikbi.

• Talagang itinapon na ninyo sa akin si Tonya.

24
Pansinin ang mga salitang tinuturingan ng mga salitang initiman. Ang mga ito ay pandiwa
o kaya pang-uri tulad ng napag-aralan sa mga nakaraang modyul. Ang tawag dito ay pang-
abay. Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pang-uri o pandiwa.
Maaari rin itong maglarawan sa kapwa pang-abay.

Pandiwa (kilos) Pangngalan

PA Pang-uri
PA Panghalip

Halimbawa:

• Tunay na mahinhing lumakad si Tesa sa kanyang pagpasok na

sasaliwan ng biyolin at malamyon na tugtugin.

Iba’t Ibang Uri ng Pang-abay

• Panlunan – tumutukoy sa lugar na pinagganapan, pinaggaganapan o paggaganapan ng
kilos.
Halimbawa: Dinala niya sa Maynila ang amang maysakit.
• Pamaraan – naglalarawan sa paraan ng pagganap sa kilos
Halimbawa: Pahagis niyang ibinigay ang prutas sa mga turista.
• Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos.
Halimbawa: Nagbabasa ako ng dyaryo araw-araw.
• Panggaano – sumasaklaw sa timbang, sukat, dami o halaga
Halimbawa: Kulang ang binili niyang isang kilong lansones
• Panunuran – tinutukoy dito ang ayos ng pagkakasunud-sunod sa hanay o kalagayan.
Halimbawa: Ang kauna-unahang ginawa niya ay humingi ng payo sa magulang.
• Kusatibo – nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos.
Halimbawa: Siya ay nagka-goitter dahil sa kakulangan niya ng iodine sa katawan.
• Benepaktibo – nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkakaganap sa kilos.
Halimbawa: Mag-aaral akong mabuti para sa aking kinabukasan.
• Panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon.
Halimbawa: tunay, Oo, sadyang , Opo, at iba pa.
Totoong may nadaramang kaligayahan sa pagbibigay.
• Pananggi – nagsasaad ng pagtutol o pagtanggi.
Halimbawa: hindi, wala, aywan, huwag, hindi nga, malay ko
Marami pa rin ang ayaw magpanibagong isip sa kabila ng kanilang
maling pamumuhay.
• Pang-agam – nagsasaad ng di-katiyakan o di-kasiguruhan
Halimbawa: Nadala yata ni Rose ang payong ni Marie.

25
• Kundisyunal – mga sugnay o parirala na nagsasaad ng kondisyon upang maganap ang
kilos na isinasaad ng pandiwa
Halimbawa: Mahirap magbiyahe kapag umuulan.

Upang matiyak na nauunawaan mo na ang araling ito subukang gawin ang inihandang
gawain.

Gawain 1

Guhitan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.

1. Di-gaanong malinaw ang sulat kaya hindi maintindihan.

2. Mabilis na umakyat sa puno ng niyog ang batang taga-bundok.
3. Huwag kang kakain nang marami.
4. Kapag mabuti ang itinanim, mabuti rin ang aanihin.
5. Waring natutulog ang katarungan ng kalangitan ngunit baka sa kanyang paggising, higit
na malupit ang kaparusahan.
6. Oo, gawin mo ang iyong kinatatakutan at ang pangamba’y maglalaho nang tuluyan.
7. Nagkagulo ang mga tao dahil sa kakulangan ng impormasyon ng namamahala.
8. Mangunguha ako ng dahong bayabas para panggamot ng sugat.
9. Kapirasong lupa lamang ang pinag-aawayan ng magkakapatid.
10. Sa ibang bansa nangangarap makapagtrabaho ang karamihan sa mga Pilipino.

Pagkatapos mong masagot ang inihandang gawain, kunin ang susi ng kasagutan at
itama ang iyong sagot.

Gawain 2

Gumawa ng tigdalawang (2) halimbawa ng pangungusap sa sumusunod na uri ng pang-abay.

1. Kusatibo
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

26
2. Kundisyunal
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Benepaktibo
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Pang-agam
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Pananggi
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
6. Panunuran
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
7. Panang-ayon
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pareho ba tayo ng iniisip? Ipakita mo ang sagot sa guro bago mo ipagpatuloy mo ang
pagsasanay.

Panghuling Pagsusulit

A. Magbigay ng tatlong katangian ng isang romantisismong pananaw.

1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________

27
B. Gumawa ng isang maikling usapan na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pang-abay bilang
panimulang bahagi ng isang dula.

Nagawa mo ba ang panghuling pagsusulit?

Bilang pangwakas na gawain, ikaw ay isang artista, magkakaroon ng awdisyon sa isang

bagong teleseryeng ipapalabas. Naghahanap ang direktor ng bagong artistang gaganap
sa nasabing teleserye. Isang pangkat kayong mag-aawdisyon at isasadula ninyo ang isang
bahagi ng dulang inyong napusuan.

Narito ang rubriks na magiging pamantayan sa pagpili ng mga magiging artista.

Napakahusay Mahusay Kailangan Pa ng

Krayterya Pagsasanay Kabuuan
5 3 1
Ekspresyon ng Naipakita nang May Walang
Mukha tamang-tama pagkakataong ekspresyon ang
ang ekspresyong walang mukha.
hinihingi. ekspresyon ang
mukha.
Pagbigkas ng Maliwanag ang May mga Maraming
Linya pagbigkas sa salitang hindi salitang hindi
mga linya at maunawaan. malinaw ang
salita. pagkabigkas.
Lakas ng Boses Angkop ang May mga Pare-pareho
lakas ng boses pagkakataong ang lakas ng
sa damdaming humihina o boses sa lahat ng
ipinahahayag. lumalakas ang pagkakataon.
boses kahit hindi
kailangan.
Galaw ng Maayos at tama May mga Hindi naipakita
Katawan ang galaw ng pagkakataong ang angkop
katawan. kulang ang na galaw ng
galaw ng katawan.
katawan.

28
Pansariling Ebalwasyon
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, bilang mag-aaral ay inaasahan kong
naunawaan mo ang:

Mga Kasanayan Aking Natutunan OO HINDI

1. Dula
a. Nakilala ko ang elemento at uri ng dula
b. Nakasuri ako ng dula ayon sa teoryang romantisismo
at klasismo
2. Pang-abay
a. Natukoy at nagamit ko ang iba’t-ibang pang-abay sa
pangungusap
b. Naisadula ang napili kong bahagi ng dula

29
SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. et.al. 2000. Kudyapi Aklat sa Filipino III. Pasig City; Anvil Publishing
House.

Baisa-Julian, del Rosario, et.al. 2014. Pinagyamang Pluma 9 (K-12 ) Aklat 1, Phoenix Publishing
House Inc.

Marquez Guimare, Aida et. al. 1999. Daloy ng Diwa III. Meycauayan, Bulacan:

Trinitas Publishing, Inc.

Marquez Guimarie, et.al. 2000. MITHI III. Meycauayan, Bulacan;Trinitas Publishing, Inc.

Matienzo, Narciso V. 2000. Mabisang Filipino sa Sining ng Pakikipagtalastasan. Manila; Marren

Publishing House Inc.

Mendoza-Lucila, et. Al. 2015. Daluyan, Modyul sa Filipino- Grade 9 (Salig sa Kurikulum ng
K-12, JIMCZYVILLE PUBLICATION

Ortiz, Allan A. et.al. 2003. LIPI III (Batayang Aklat sa Literatura at Gramatika) Sta. Cruz, Manila;
Hope Publishing House.

Reyes, Maurita A. et..al. Hiyas ng Kayumanggi III. Quezon City; Abiva Publishing House Inc.

San Juann, 2014. Diwa ng Wika at Panitikan 9 Edisyon K-12, Diwa Learning System Inc.

Sauco, Consolacion P. 2001. Sining ng Komunikasyon (Binagong Edisyon) IV. Quezon City,
Omniscience Publishing Inc.

30

You might also like