You are on page 1of 21

x

JUNIOR HIGH SCHOOL


DEPARTMENT

KWARTER 1

MODYUL 5 HANGGANG 7

S L M-SRCBAI PROPERTY
JUNIOR HIGH SCHOOL

Ang mundo ay isang malaking tanghalan na kung saan ang mga tao na naninirahan dito
ang aktor o tagaganap. Maraming uri ang dula, gaya ng mga nararanasan natin kung minsan
masaya, minsan malungkot at may trahedya pa. pero tulad nga ng isang dula, makaranas man
ang tao ng ganyang mga pangyayari tuloy pa rin ang buhay. Nakahahanap pa rin ng mga
motibasyon o dahilan para ipagpatuloy ang kuwento.

Ang kagamitang ito ay Dinisenyo upang tulungan ka na matuklasan ang mga elemento ng
dula, gayundin ang kahulugan nito. Kinakailangan ang iyong tiyaga at tiwala sa sarili upang
maisakatuparan ang araling ito.

Pagkatapos mong pag-aralan at sagutin ang modyul, ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahulugan, elemento at sangkap ng dula


2. Nauunawaan ang kahulugan ng pangungusap, paksa at mga halimbawa nito
3. Natutukoy ang mga hakbang sa paggawa ng travel brochure
4. Nalalaman ang pagkakasunod-sunod na hakbang sa pananaliksik
5. Nakikilala ang mga tanawin at pasyalan sa bansa
6. Nakalilikha ng sariling disenyo ng brochure na tumatalakay sa panturismong
Gawain
7. Nagagamit ang wikang Filipino sa paglikha ng panturismong brochure
8. Nakasusulat ng sariling patalastas na walang paksa

Naisagawa mo na ba lahat? Kung gayon handa ka na sa susunod nating talakayan. Pero


bago ang lahat, sulyap muna tayo sa nakalipas nating talakayan.

Napagtagumpayan mo ang pagsubok sa nakalipas na modyul na tumatalakay sa


pagbubuod at sa paggamit ng mga pang-ugnay sa pangungusap. Naisagawa mo na rin ang
editoryal na nanghihikayat, kung nagawa mo ito. Magaling! sa paggamit ng mga pang-ugnay
kinakailangan na alam mo ang diwa ng pangungusap. Sa tingin mo, makagagawa ka na ba ng
sarili mong pangungusap? Sa ngayon alamin mo muna ang kahulugan at mga elemento ng
dula. Sagutin mo rin ang mga inihandang tanong sa iyo ng guro. Kaya mo yan.

Sa talakayang ito masasagot ang tanong kung lumalago na ba ang iyong kaalaman.
Gayundin ang pagtukoy sa mga elemento ng dula sa ibibigay na halimbawang kuwento ng
guro.

Handa ka na ba? Simulan mo na.

Pahina |1
JUNIOR HIGH SCHOOL

MODYUL 5: DULA
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
9. Nasusuri ang pagkamatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan
10. Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo
ng patalastas

Dula – Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang sining ng


panggagaya o pagiimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng mga
tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal
upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay
ng mensahe.

Ang dula ay isang sining na


nagpapaabot sa mga manonood o
mambabasa ng damdamin at kaisipang
nais nitong iparating gamit ang masining
na pagsasatao ng mga karakter ng dulang
pantanghalan. Ito ay maaaring mauri ayon
sa paksa o nilalaman. Nagkaroon din ito ng
iba’t-ibang anyo batay sa damdaming nais
palitawin ng may akda nito. Ang epekto ng
damdaming taglay ay nagdudulot ng higit
na kulay at kahulugan di lamang sa mga
manonood kundi maging sa mga taong
gumaganap nito. (Emily V. Marasigan, 2016
p. 185)

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
SANGKAP NG DULA
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang
suliranin ang isang dula.
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian ang isang dula.

Pahina |2
JUNIOR HIGH SCHOOL

Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na


ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian.
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian.
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian
sa panig ng mga manonood.

MGA ELEMENTO NG DULA


1. Actor - Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
2. dayalogo - dayalogo ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang
sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.
3. Director - ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng
iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan. Siya ang namamahala at nagpapakahulugan
sa isang iskrip ng dula.
4. Iskrip - ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang
iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
5. Manonood - ang nagbibigay – halaga sa dula. Ang karaniwang target ng
pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood. Sa kanila inilalaan ang isang dula.
- Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga actor.
6. Tanghalan - ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang
isang dula. Ang tanghalan ay maaaring isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili
upang pagtanghalan ng dula. Anumang pook na pagdausan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan.
7. Tema - ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng
mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng tema ng dula.

Tunghayan ang buod ng dulang Sa Pula, Sa Puti. Upang mas maunawaan ang
kuwento ng dula, hanapin sa youtube ang link ng video nito na makikita sa ibaba ng larawan.

Sa Pula, Sa Puti
ni Francisco "Soc" Rodrigo
https://www.youtube.com/watch?v=tmg5knoDHFw&t=393s
MGA TAUHAN SA DULA:
Ø KULAS- Karaniwang tagalalawigan na
kinahumalingan ang sabong bagamat ang
kanilang tahana'y nakatirik malapit sa mismong
sabungan.
Ø CELING - Maybahay ni Kulas na di
sang-ayon sa kinahiligan ng asawa.
Ø TEBAN - Kasambahay nila Celing na
may kahinaan ang ulo.
Ø CASTOR - Kaibigan ni Kulas sa
humimok na magsabong muli't mandaya.
Ø SIONING - Kaibigan ni Celing na
tumestigo sa kasunduan nilang mag-asawa.
Ø ALING KIKAY - Isang tagatinda ng sabon sa kanilang lugar.

Pahina |3
JUNIOR HIGH SCHOOL

MASUSING PAGBUOD NG AKDA


Nagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang
tanawin sa lalawigan. Sa pamamahay Nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong
kasalukuyan. (o sa panahong binabasa binibigyang buhay sa isip, puso ng isang mambabasa o
taga-tanghal.)
Matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na'y nagpapausok
mula sigarilyo si Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta
man din ni Kulas ang asawa bagay na manghihingi na naman siya ng perang pangsabong.
Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga pinaniniwalaang palaatandaang panginip
ni Kulas. Na nang una'y ahas na numero 8, kaya't pintakasi nitong sa ika-8 ng Pebrero
magsasabong ngunit natalo man din. At ngayon na naman ay hinabol siya ng puting kalabaw
na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan, tiningnan
ni Celing ang balisang asawa at naisip na walang saysay ang makipagtalo kaya't binigyan na
lamang niya ito.
Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang
si Sioning papunta sa kanila. Kagya't namang inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina
ang ulong si Teban na pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya
sa nagtatakang si Sioning na pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong
Hindi sila magugutom o mawalan ng pera sa kakasabong nito.
Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay
Celing. Lalabas na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong
ang talunang si Kulas. Lumo namang nitong sinusumpa na Hindi na magsasabong pang muli.
Bagay na Hindi isinusulat na lamang ni Celing sa tubig.
Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na
magsabong muli. Tinuruan din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa
sariling tinali upang matalo ito't lihim na pagpusta sa kalabang manok.
Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong (malaking
halaga na ito noon) pangpusta upang makabawi sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang,
ito'y ang kahuli-hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay Sioning na pakakatay niyang lahat
ang kanyang mga tinali. Tulad ng dati'y nagpapusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa
kalabang manok.
Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta't
patungkol sa pera. Ngunit Hindi siya nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong
panalo pa rin ang asawa kundi sa patuloy na pagsasabong nito at masamang ibubunga
nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong si Kulas na sinisisi na naniwala pa siya
kay Castor. Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito. Dito na sila
nagkabukingan, nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na Hindi naman. Pinagdudahan
nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang manok
ni Kulas at natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din
siyang nandaya siya't pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo.
Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na
Hindi na muling magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na
rin ng asawa. Ipinaimbitahan niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang
gagamitin sa pagluluto.
Nakitawa na lang din si Kulas. Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit
makikita sa kilos ni Kulas na hindi na muling magsasabong pa kailanman.

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang


nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa
dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito
ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa
pangungusap. Ang paksa ay tinatawag din na simuno.

Pahina |4
JUNIOR HIGH SCHOOL

Pangungusap na walang paksa


1. Eksistensiyal - ang mga pangungusap na eksistensiyal ay nagpapahayag ng
pagkamayroon o ng kawalan.
Halimbawa:
a. May mga magsisipanood na sa kalye. (nagpapahayag na mayroon nang nanonood
sa kalye)
b. Wala pang nanonood. (nagpapahayag na wala pang nanonood)
2. Modal - nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, puwede, maaari, dapat, o
kailangan.
Halimbawa:
a. Puwedeng sumali?
b. Maaari ba?
3. Padamdam - nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
a. Bilis! C. Kay ganda ng buhay!
b. Laban! D. Ang bait!
4. Maikling sambitla - Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Naku! C. Aray!
b. Grabe! D. Ay!
5. Panawag - Matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing salita o
panawag na pangkamag-anak.
Halimbawa:
a. Arthur! C. Hoy!
b. Ginoo! D. Kuya!
6.Pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

May Dalawang Uri Nito


a. Penomenal - pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring
pangkalikasan o pangkapaligiran.
Halimbawa:
1. Maalinsangan ngayon.
2. Lumilindol! (nagsasaad na ngayo’y lumilindol)
b. Temporal - nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian Halimbawa:
1. Alas dose na.
2. Sabado ngayon.
3. Pasukan na.
7. Pormularyong Panlipunan - Mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa:
a. Mabuhay! C. Magandang araw.
b. Makikiraan. D. Salamat.
Tandaan:
Ang Patalastas o babala ay nagpapahayag ng isang bagay na nais ipaalam agad
sa maraming tao. Maikling pagbabalita tungkol sa isang mahalagang pangyayaring maaaring
magbunga ng sakuna kung hindi agad maipaaalam sa mga tao.
Ang patalastas ay maaaring mahalagang impormasyon tungkol sa: Gaganaping
palatuntunan/iba pang gawain, panawagan sa madla, kautusan ng bayan/ paaralan,
Pangangailangan sa hanapbuhay at nawawala.
Halimbawa ng patalastas:

MAGTANIM NG MGA PUNO. IWASAN ANG BAHA SA PAMAYANAN

Pahina |5
JUNIOR HIGH SCHOOL

Pinapaaalalahanan ang mga mamamayan na iwasan ang pagputol ng puno sa


bundok at kagubatan dahil unti-unti nang nakakalbo ang gubat na nagiging dahilan ng
pagbaha sa buong pamayanan.

Panuto: TAMA O MALI. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang tama
sa patlang kung ang isinasaad ay tama at isulat ang mali kung ang isinasaad ay mali.

__________1. “Bunso!” Ay halimbawa ng panawag.

__________2. “Ngayon ay lunes” ito ay pangungusap na modal.

__________3. Ang actor ang siyang gumaganap at bumibigkas ng mga diyalogo sa isang dula.

__________4. Kalutusan dito nagaganap ang kasukdulan ng isang dula.

__________5. “Puwede po bang pumasok?” ay halimbawa ng temporal.

__________6. Saglit na kasiglahan ito ay saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa


suliraning nararanasan.

__________7. Si Kulas ang isa sa pangunahing tauhan sa kwento.

__________8. Ang “Sa Pula at sa Puti” ay isinulat ni Francisco Soc Rodrigo.

__________9. Ayon kay Aristotle, ang tula ay isang sining ng panggagaya o pagiimita sa
kalikasan ng buhay.
_________10. Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng tula.

Pahina |6
JUNIOR HIGH SCHOOL

FILIPINO 7 – MODYUL 5

Pangalan: _______________________________________ Petsa : ___________


Baitang : _______________________________________ Iskor : ___________
Guro : _______________________________________

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng isang patalastas, gumamit ng mga pangungusap o salita na walang
paksa. Isulat sa likod ng papel at gawing gabay ang rubric na aking inihanda. (ang mga mag-
aaral ang bahalang pumili ng kanilang paksa. Halimbawa: Patalastas Panturismo sa Real,
Quezon)

Rubrik sa Pagmamarka ng Patalastas

KRAYTIRYA PUNTOS PUNTOS NG GURO


NILALAMAN 5
MALIKHAIN 5
ORIHINALIDAD 5
KALINISAN AT KAAYUSAN 5
GINAMITAN NG 5
PANGUNGUSAP NA WALANG
PAKSA
KABUUAN 25

Pahina |7
JUNIOR HIGH SCHOOL

MODYUL 6: PANGWAKAS NA GAWAIN 1


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
11.Naiisa-isa ang mga hakbang na ginagawa sa pananaliksik mula sa
napakinggang pahayag
12.Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong
panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


1. Unang Hakbang
•Pumili at maglimita ng paksa
•Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may
sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
2. Ikalawang Hakbang
• Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
II. Ilahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Ikatlong Hakbang
• •Magtala ng sanggunian
• •Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.
4. Ikaapat na Hakbang
• Mangalap ng datos
• Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat
na.
• Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian
5. kalimang Hakbang
• Bumuo ng konseptong papel
• Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
• Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay-linaw sa isusulat.
6. Ikaanim na Hakbang
• Gumawa ng dokumentasyon
• Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at
obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
7. Ikapitong Hakbang
•Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.
Basahin ang pahayag na nagmula sa DENR, tungkol sa kalagayan ng basura sa ating bansa.

Pahina |8
JUNIOR HIGH SCHOOL

Tamang pangangasiwa ng basura, dapat magsimula sa mga bahay: DENR

Sa gitna ng nakababahalang problema ng basura sa bansa, nagpaalala ang Department of


Environment and Natural Resources na dapat manggaling mismo sa mga tao ang solusyon dito.
Ayon sa ahensiya, dapat simulan sa mga bahay at barangay ang wastong pangangasiwa ng
basura.
Isang halimbawa rito ang Barangay Potrero sa Malabon, na pinarangalan ng Best Solid
Waste Management Program award ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa mga bahay pa lang ng mga residente ng barangay, naka-segregate o hiwalay na ang mga
basurang nabubulok at hindi nabubulok.
Tuwing umaga, kinokolekta ang basura para dalhin sa waste recovery facility ng barangay.
Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga pinagbalatan na gulay at prutas ay ginagawang
compost at ibinabaon sa lupa para maging fertilizer o pataba.
Ginagawa namang mga coin purse o pitaka ng mga residente ang mga residual waste o iyong
mga plastic sachet na nilalagyan ng mga produkto gaya ng kape at shampoo.

RESIDUAL WASTE
Ayon sa environmental group na Mother Earth Foundation, nakababahala ang pagdami ng
residual waste dahil hindi ito madaling i-recycle o mapakinabangan muli kaya madalas ay
nauuwi lang sa mga basurahan at dumpsite.
Hindi rin nabubulok ang residual waste kaya patuloy umano itong nagiging salot sa
kapaligiran.
Isa sa mga hakbang na ginawa ng Mother Earth Foundation kontra residual waste ay ang
pagpulong sa mga kompanyang nagbebenta ng mga produktong inilalagay sa plastic sachet.
Hinimok ng grupo ang mga kompanya na gumawa ng paraan para mabawasan ang
paggamit ng plastic sachet.
"Kung puwedeng palitan nila 'yong materials na dapat if it is compostable or recyclable," ani
Mother Earth Foundation chairperson Sonia Mendoza.
Sa pahayag ng Unilever, isa sa mga kompanyang pinulong, sinabi nitong pinag-aaralan na
nila kung paano mas magiging "eco-friendly" o iyong hindi nakakasira sa kapaligiran ang
kanilang packaging.
Tumutulong na rin daw ang Unilever sa maayos na pamamahala ng mga basura sa ilang
lungsod.
Nasa higit 40,000 toneladang basura ang itinatapon sa buong bansa kada araw, katumbas
ng higit 4,000 malalaking garbage truck, ayon sa DENR.
Nasa 9,000 tonelada rito ay galing umano sa Metro Manila.
-- Ulat nina Apples Jalandoni at Ferdie Dugay, ABS-CBN News

Paggawa ng Isang Travel Brochure - isang uri ng print


advertisement ang brochure na madalas gamitin ng mga
turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais
nilang puntahan. Tulad ng ibang uri ng advertisement,
kailangan itong paglaanan ng panahon, sapat na detalye at masusing paglalagay ng iba’t ibang
larawan at disenyo na angkop sa tema at layunin ng gagawing brochure.
TRAVEL BROCHURE
Ano-ano ang mga lugar na maaaring puntahan upang lalong makilala ang paksa?

Ang travel brochure ay maglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging
kumpleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang ang detalyeng ilalagay dito dahil kaunti lang
ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan rin ng magandang disenyo at letrato kung
mayroon.
a. Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan
b. Ang kahalagahan ng bawat lugar

Pahina |9
JUNIOR HIGH SCHOOL

c. Mga makikita at maaaring gawin doon

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Travel Brochure

1. Nakapupukaw-pansin na pabalat - ang pagkakaroon ng malikhain at magandang


pabalat ay nakatutulong upang higit na makuha ang interes ng mga turista
2. Alamin ang target audience - mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na
brochure sa pagsasaalang-alang ng pagpili ng mga lugar na maaaring ayon sa
badyet ng mga turista
3. Payak at malinaw na nilalaman - mahalaga ang travel brochure na mga
konkretong detalye. Gayunpaman, kailangan itong maging simple upang madali
nila itong maunawaan at hindi magkaroon ng kalituhan sa pagkakaunawa nila sa
nilalaman nito.

Mga Nilalaman ng isang Travel Brochure

1. Introduksiyon o panimula - maglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring


gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto nna makapupukaw sa interes ng turista
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan - Higit na magiging madali sa mga
turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots kung may kasama itong mapa o
paraan kung paano ito pupuntahan. Di dapat makaligtaan ang paglalagay ng mga lugar
na may makatawag pansin na outdoor activities tulad ng paglangoy, pag-akyat ng
bundok, pagsakay sa zipline, at iba pa.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga - Ito ang isa sa pinakamahalagang
nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan. Marapat isama sa brochure ang mga
lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga delicacies ng nasabing lugar
4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan -
Mas madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa larawan kaysa sa mga detalye,
kaya mahalagang sa unang tingin pa lang ay nakapupukaw na ito ng atensiyon. Higit na
makapagbibigay ng ideya sa turista ang mga larawan na ilalagay sa brochure.
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin - Makatutulong ito nang Malaki sa mga
turista upang mapaghandaan ang mga maaaring gastusin upang makapagtabi ng sapat
na halaga Sanggunian: read, write, think international reading association.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyektong Panturismo


1. Poster - Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng ideya ang ibang tao sa kagandahan ng
kanilang bayan na maaaring hindi pa nila alam. Gumamit ng larawan o imahen na
talagang magpapakita ng dapat asahan ng mga tao.
2. Presentasyon - Ano ang kanilang mga nalaman tungkol dito.
Ang mga layunin ng presentasyon:
I. Masagot ang gabay na tanong na binigay bago ninyo umpisahan ang proyekto
II. Mahikayat ang mga taong subukan ang pinag-aralang pagkain/ produkto/ kasiyahan/
lugar at iba pa
III. Maipaliwanag ng may kaayusan, kabuuan, at kaisahan ang pagsusuri
IV. Maipakita ang kagandahan at katangi-tanging kuwento ng inyong bayan
V. Makapagbigay ng paraan o mga paraan kung paano ninyo mapalalaganap ang inyong
proyekto Halimbawa: Nais ninyong ipaskil ang inyong poster sa ibang paaralan, ipa-
imprenta ang inyong travel brochure sa tulong ng local na gobyerno at ipadala sa ibang
bayan, isali ang inyong blog site sa mga website na panturismo, at iba pa.

3. Travel Brochure - Ito ay maglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang
maging kompleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang ang detalyeng ilalagay dito dahil
kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan ng magandang disenyo at
larawan kung mayroon. Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan, ang kahalagahan ng
bawat lugar at makikita at maaring gawin doon.

P a h i n a | 10
JUNIOR HIGH SCHOOL

4. Blog- Nakalagay dito kung ano ang mga mahalagang impormasyong nais mong ibahagi
sa iba.
Narito ang mga ilalagay sa blog:
I. Mga karanasan habang nangangalap ng impormasyon
II. Mga taong inyong nakilala
III. Mga impormasyong natuklasan
IV. Saloobin o opinyon tungkol sa karanasan, lugar at iba pa.
V. Mga mungkahing gawain kung pupunta ang isang turista sa bayan at nais itong
makilala
VI. Maaari ring ipakita o ipakilala dito ang mga produkto, pagkain, kaisyahan, tao,
kabuhayan na sinuri

5. Audio-visual presentation (AVP) -Paano hihikayating bumisita ang ibang tao sa


kanilang bayan. Ilan sa mga maaaring ipakita sa AVP:
I. Larawang may caption o maikling paliwanag
II. Maikling kuha o video (Hal. Aktuwal na paggawa ng pagkain, ng mayor na tumutulong,
ng pista o kasiyahan
III. Maikling pag-uulat mula sa mag-aaral (Hal. Mag-aaral na nagbabahagi ng kasaysayan ng
simbahan habang nasa labas ng simbahan)

Mga halimbawa ng Brochure na panturismo


Makikita rito ang mga nakamamanghang tanawin ng bansas. Sa pagbuo mo ng brochure,
malalaman nila kung saang lugar magandang magtungo. Sa maiiksing mga salaysay, nararapat
na nailalahad agad dito kung ano ang matatagpuan sa lugar na kanilang pupuntahan. Lalo na
ang mga pagkain na hindi nila dapat palagpasin kapag pumunta sila sa lugar na iyon.

Brochure patungkol sa mga karaniwang laro ng bansa


Sa larawang ito naman makikita ang maiikling pagsasalaysay sa mga karaniwang laro
ng mga batang 90’s na paminsan-minsan ay isinasagawa pa rin sa kasalukuyan. Makikita sa
larawan ng bawat laro ang sayang nakukuha ng mga bata sa kanilang paglalaro. At kung paano
nabubuo ang kanilang pagkakaibigan at samahan sa pamamagitan ng laro.

P a h i n a | 11
JUNIOR HIGH SCHOOL

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan.

1. Sa mga hakbang sa pananaliksik ito ang dapat unang ginagawa.


a. Magtala ng sanggunian b. pumili at maglimita ng paksa c. bumuo ng konseptong papel

2. Dito isinusulat ang pinal na kopya ng pananaliksik


a. ikalimang hakbang b. ikaanim na hakbang c. ikapitong hakbang

3.Sa hakbang na ito dapat kang magtala ng pansamantalang balangkas


a. unang hakbang b. ikalwang hakbang c. ikatlong hakbang

4.Ang ikatlong hakbang ay kinakailangan na


a. magtala ng sanggunian b. mangalap ng datos c. gumawa ng
dokumentasyon

5.Ginagawa kapag sigurado ka sa paksang sasaliksikin


a.ikalimang hakbang b. ikaanim na hakbang c. ikapitong hakbang

Panuto: Suriin ang pahayag na ibinigay ng DENR. Sagutin ang mga sumusunod na tanong
batay sa inyong sariling karanasan.

1. May katotohanan ba ang problema ng bansa sa basura sa kasalukuyan?


a. Oo, sapagkat karaniwan sa mga gamit ngayon ay gawa sa plastic.

P a h i n a | 12
JUNIOR HIGH SCHOOL

b. Hindi, sapagkat ang mga plastik sa tahanan ay sinusunog na lamang.


c. Hindi, sapagkat ang mga kabataan ngayon ay marunong magtapon ng basura sa
tamang lagayan.
2. Ano ang isa sa ginawang hakbang ng Mother Earth Foundation kontra residual waste?
a. Pagpulong sa mga kompanyang hindi nagbebenta ng mga produktong inilalagay sa
plastic sachet.
b. Hinimok ng grupo ang mga kompanya na gumawa ng paraan para mabawasan ang
paggamit ng plastic sachet.
c. Hinimok ng grupo ang mga kompanya na gumawa ng mas maraming plastic sachet.
3. Saan maaaring mapakinabangan ang mga basurang nabubulok gaya ng mga pinagbalatan ng
mga prutas at gulay?
a. Ipakin sa mga hayop para tumaba.
b. Itapon nalang sa malayo at hayaang nakakalat.
c. Ibaon upang maging pataba.
4. Maliban sa mga nabubulok na basura mayroon ding hindi nabubulok o tinatawag na residual
waste sa ingles. Ano ang maaaring gawin upang mapakinabangan pa ang mga ito matapos
gamitin?
a. Pitaka
b. Itapon na lang
c. Hayaan na lang sa isang tabi
5. Ano ang pinakaproblema patungkol sa Residual Waste, sa kasalukuyan?
a. Ito ay mabilis mabulok.
b. Hindi ito nabubulok.
c. Hindi ito maaaring gamitin muli.

FILIPINO 7 – MODYUL 6

Pangalan: _______________________________________ Petsa : ___________


Baitang : _______________________________________ Iskor : ___________
Guro : _______________________________________

P a h i n a | 13
JUNIOR HIGH SCHOOL

PANUTO: Tingnan at suriin ang larawan sa ibaba na halimbawa ng isang brochure at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang makikita sa brochure?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Kaakit-akit ba ng brochure?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang gagawa ng brochure, ano pa ang iyong idadag sa halimbawang aking
ibinigay?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

MODYUL 7: PANGWAKAS NA GAWAIN 2


Mga Kasanayang Pampagkatuto:
13. Naipapaliwanag ang salitang ginamit sa paggawa ng proyektong
panturismo (Halimbawa: ang paggamit ng akronym sa promosyon)
14. Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa
youtube o ibang website na maaaring magamit

P a h i n a | 14
JUNIOR HIGH SCHOOL

15. Nagagamit ng wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng


isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo

Bibigyan ka ng isang araw para isagawa ang


talakayang ito. Kailangan mong magsaliksik ng isang video
sa youtube na nagpapakita ng mga magaganda at kamangha-manhang tanawin at kainan sa
bansa. Pero, kinakailangan ang gabay ng iyong magulang o nakatatandang kapatid sa
paghahanap ng mga video na ito.

Matapos makapanood at magsaliksik sa mga panturismong tanawin, maaaring sa inyong


lugar o sa buong bansa. Ikaw ay hinihikayat ko na magsalaysay o magbahagi ng mga napanuod
mong video. Maikling salaysay o pagkukuwento. Pagkatapos ay lilikha ka ng sarili mong
brochure na naglalaman ng mga hindi pa nakikilala ngunit masasabing kamangha-manghang
lugar na ipinagmamalaki ng iyong bayan.

Subalit bago ‘yon, atin munang pag-aralan ang wika at mga kaantasan nito.

KAANTASAN NG WIKA

Ano nga ba ang Wika?

Ang WIKA ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan Kalipunan ng mga simbolo, tunog at


mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ang Wika ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang


malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.

TATLONG KATEGORYA NG WIKA

1. Pormal

2. Impormal o Di pormal

a. Pambansa

b. Pampanitikan o Panretorika

3. Balbal/ Slang

a. Lalawiganin

b. Kolokyal (Colloquial)

PORMAL - Ito ay ang mga salitang karaniwan o pamantayan dahil kinikilala,


tinatanggap ng higit na nakararami lalo na sa ng mga nakapag- aral ng wika.

2 uri ng Pormal

1. Pambansa - Ito ang mga salitang gingagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa
mga paaralan.

P a h i n a | 15
JUNIOR HIGH SCHOOL

2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay mga salitang matatayog, malalalim, makukulay


at masining na salita

Pambansa Pampanitikan o Panretorika


Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasiraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay
Katulong Katuwang
Kapatid Kapusod

IMPORMAL O DI-PORMAL - Mga salitang karaniwng palasak at madalas gamitin sa


araw-araw na pakikipag-usap. Ginagagamit sa mga hindi pormal na usapam at
pakikipagsulatan sa mga kaibigan at kakilala.

2 Uri ng pormal o di-pormal

1. Lalawiganin - Ito ay mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan.

Halimbawa:

1. Ditse (Ate)

2.Sangko ( Kuya)

3.Pasanin (problema)

4.Talukbong ( pandong)

5.Bahay ( balay)

2. Kolokyal (colloquial) - Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap


ngunit may kagaspangan at pagkabulgar bagamat may mga anyong repinado at malinis
ayon sa nagsasalita.

Pormal Kolokyal
Nasaan Nasan
Winika ko Ikako
Taniman Tam’nan
Piyesta Pista

BALBAL 0 SLANG - Tinatawag na salitang kanto o salitang kalye. Ito ng di-pamantayang


paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.

Pormal Balbal
Pulis Lespu,Parak
Takas Iskapo
Tatay Erpats
Bakla Jokla
Mapapel Epal
Pagkain Chibog
Kotse Tsikot

P a h i n a | 16
JUNIOR HIGH SCHOOL

PANUTO: Magbigay ng sampong salitang lalawiganin at limang salitang balbal.

Halimbawa ng Lalawiganin: Kidya- Calamansi


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Halimbawa ng salitang balbal: Epal- Magulo


1.
2.
3.
4.
5.

FILIPINO 7 – MODYUL 7

Pangalan: _______________________________________ Petsa : ___________


Baitang : _______________________________________ Iskor : ___________
Guro : _______________________________________

GAWAIN 1
PANUTO: Manood ng isang video clip na naglalaman ng magagandang tanawin sa youtube, dito
ay makapupulot ka ng idea kung ano ang iyong gagawin at ilalagay na mga larawan sa bubuuin
mong brochure. (magpatulong sa inyong mga magulang o kapatid) Gumamit din ng wikang
Filipino o pumili ng mga pormal na salita sa pagbuo ng brochure at kinakailangan na
nakahihikayat sa turismo.

P a h i n a | 17
JUNIOR HIGH SCHOOL

GAWAIN 2
PANUTO: Matapos bumuo ng sariling brochure tungkol sa panturismong gawain, panahon ng
para isulat mo rito ang mga salitang iyong ginamit sa pagbuo ng brochure. Itala mo isa-isa,
matapos ay ibigay mo ang kanilang mga kahulugan. (ISULAT SA LIKURAN ANG MGA
SALITANG NAPILI MO KASAMA NG MGA KAHULUGAN.)
Halimbawa:
Lilim ng mangga – Ilalim ng punong kahoy o ilalim ng mangga
Magtampisaw – Maglaro sa tubig

MODYUL 5:

1.TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. MALI


6.TAMA 7. TAMA 8. TAMA 9. MALI 10. TAMA

MODYUL 6:

GAWAIN A. 1. B 2. C 3. B 4. A 5. A

P a h i n a | 18
JUNIOR HIGH SCHOOL

GAWAIN B. 1. A 2. B 3. C 4. A 5. B

MODYUL 7:

1. ADYO- AKYAT
2. SALAKAM- MALAKAS

P a h i n a | 19
JUNIOR HIGH SCHOOL

Pinagyamang Pluma 10 [Book] / auth. Emily V.Marasigan Mary Grace G.Del Rosario. - 927
Quezon Ave. Quezon City : PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC., 2016. - Vol. Aklat 1.

brainly.ph/question/389161

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/dula-149031046

http://howardraycodagreat.blogspot.com/2012/12/sa-pula-sa-puti.html

http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/

https://brainly.ph/question/302378

https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Pangungusap

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/dula-149031046

https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipino-6-dlp-3-halinat-gumawa-ng-babala

http://kagandahanngbohol.blogspot.com/2013/12/kagandahan-ng-bohol.html

https://newsamplec.blogspot.com/2019/06/sample-of-flyers-tagalog.html

https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-pananaliksik

https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-ng-basura-dapat-
magsimula-sa-mga-bahay-denr

https://baitang7.files.wordpress.com/2012/08/gabay-sa-guro_baitang7_ikatlong-
markahan_08032012.pdf

https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/proyektong-panturismo-travel-brochure

https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika

https://www.slideshare.net/RochelleNato/kaantasan-ng-wika-81447228

P a h i n a | 20

You might also like