You are on page 1of 2

3 Halimbawa ng Awiting Panudyo O Tulang Panudyo.

1. Ako ay isang lalaking matapang


Huni ng tuko ay kinatatakutan .
Nang ayaw maligo ,
Kinuskos ng gugo Pedro panduko ,
Matakaw sa tuyo
2. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
3. Mga dumi sa ulo
Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes
5 Halimbawa Tugmang De Gulong.
1. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
2. And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
3. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.
4. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan
5. Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.

3 Halimbawa ng Palaisipan na may kasamang sagot.

Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay


nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat.
Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?

Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC

– Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon
ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?

Sagot: Ikatlo
Isang Halimbawa ng Mito.
Ang Kwento ng Pagbuo sa Pilipinas – Noong unang panahon, wala pang
lupa. Ang makikita lamang ay ang Langit, Karagatan at isang tila-ibon na
nilalang. Ang Ibon ay lumilipad sa pagitan ng Langit at Karagatan. Dahil
wala siyang madapuan, napagpasyahan niyang pag-awayin ang dalawang
nilalang.
Nag-away nga ang dalawa. Nagpadala ng kidlat si Langit at humampas
naman ang alon ng Dagat. Upang mapatigil si Dagat, nagpaulan ang
Kalangitan ng mga bato. Ang mga naipong bato ang siyang
pinaniniwalaang pinagmulan ng Pilipinas.

You might also like