You are on page 1of 6

Inihanda ni: M’Shella Mae Palma

Batay kina Reynaldo J. Cruz, et al.


(2003), ang komunikasyon ay isang
proseso ng pagbibigay at pagtanggap
ng mga impormasyon, kaalaman,
kaisipan, impresyon, at damdamin na
nagbubunga ng pagkakaunawaan at
kaunlaran ng lipunan.
Sa pakikipagkomunikasyon ay
mahalaga ang tugon o feedback ng
kausap upang masiguro na ganap
silang nagkakaintindihan. May tatlong
uri ng tugon na isinasagawa sa
pagbibigay ng mensahe.
1. Tuwirang Tugon
-Kaagad na naipadadala at natatanggap
ang mensahe sa berbal na pamamaraan.

Halimbawa:
• Pagkukumustahan ng magkakaibigan
• Pag-uusap sa chat, video, o cell phone
2. Di- Tuwirang Tugon
-Pagpapahayag ng mensahe sa anyong di-
berbal sa pamamagitan ng galaw ng
katawan, pagtingin, o ekspresyon ng mukha.
Halimbawa:
• Kapag sinimangutan ng babae ang
lalaking nakasalubong niya sa daan dahil
nginitian siya nito, maaaring nanganga-
hulugan ito na hindi nagustuhan ng
babae ang pagbati nito dahil hindi niya
ito kakilala.
Naantalang Tugon
-Tugon na nangangailangan ng panahon.

Halimbawa:
• Pagpapadala ng liham
• Pagdedesisyon sa mahahalagang
usapan

You might also like