You are on page 1of 15

Mga uri ng Panghalip

Inihanda ni: M’ Shella Mae Palma


Ang mga panghalip ay mga salitang
humahalili sa mga pangngalan. May apat na
uri nito:

1. Panghalip na Panao
2. Panghalip na Pamatlig
3. Panghalip na Panaklaw
4. Panghalip na Pananong.

Ginagamit ang panghalip upang hindi paulit-


ulit na binabanggit ang mga pangngalan sa
pagpapahayag.
Panghalip na Panao
Ang panghalip panao ay nakikilala sa Ingles
bilang personal pronoun. Ipinapalit ito sa
ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, o
sa taong pinag-uusapan.

Halimbawa ng panghalip panao ay ang mga


salitang ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin,
inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, at kanya.
Panghalip na Panao
Mga Halimbawa ng Panghalip Panao sa
Pangungusap:

1. Sa akin ang tuwalyang pula.


2. Ako ay kumain ng sopas.
3. Sa inyo kami kakain ng hapunan.
4. Binili ko ang sumbrero sa mall.
Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip pamatlig o demonstrative
pronoun sa wikang Ingles ay inihalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan
ng pangngalan. Ito ay inihahalili rin sa
pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita,
kinakausap, o nag-uusap.

Halimbawa: ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan,


iyon, roon, at doon.
Panghalip na Pamatlig
Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa
Pangungusap:

1. Ito ang bibilhin ko sa aking sahod.


2. Iyan ang paboritong ulam ni tatay.
3. Doon pumunta ang mga bata.
4. Sabi niya dito daw lumabas ang aso.
Panghalip na Panaklaw
Ang panghalippanaklaw na tinatawag na
indefinite pronoun sa Ingles ay salitang
panghalili o pamalit sa pangngalan na
sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang, o
kalahatan.

Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga


salitang lahat, madla, sinuman, bawat isa,
alinman, anuman, saanman, at ilan.
Panghalip na Panaklaw
Mga Halimbawa ng Panghalip Panaklaw sa
Pangungusap:

1. Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng


hari ay parurusahan.
2. Ang ilan sa inyo ay sumama sa akin.
3. Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay
ng Diyos.
4. Matigas ang ulo ng madla.
Panghalip na Pananong
Ang panghalip pananong na kilala sa Ingles bilang
interrogative pronoun ay mula sa salitang
‘tanong’, kaya’t may pakahulugan itong
‘pantanong’. Maari itong isahan o maramihan na
ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao,
hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba
pa.

Halimbawa ng salitang pananong sa isahan ay ang


ano, sino,, alin,, magkano, gaano, at. Sa
maramihan naman ay ang mga salitang anu-ano,
Panghalip na Pananong
Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong sa
Pangungusap:

1. Saan galing si Marga?(Isahan)


2. Sino ang kumuha ng pera? (Isahan)
3. Anu-ano ang kinain mo kanina?
(Maramihan)
4. Sinu-sino ang kasama mo sa Luneta?
(Maramihan)
Mga Gamit ng Panghalip sa
Pangungusap

Tulad ng pangngalan, ang mga panghalip


ay ginagamit bilang paksa at kaganapang
pampaksa ng pangungusap.
Panghalip bilang Paksa
Gumaganap na paksa ang panghalip kung ito ang
pinag-uusapan sa pangungusap.

•Ako ang tutulong sa paghahanda ng aming


pagdiriwang. (panao)
• Ito ang isusuot ko sa araw ng pista.
(pamatlig)
• Ang lahat ay masaya sa pagdiriwang ng pista
sa nayon. (panaklaw)
• Sino-sino ang mga sasali sa mga palaro sa
Panghalip bilang Kaganapang Pampaksa
Gumaganap naman ang panghalip bilang
kaganapang pampaksa kung ito ang
ng pangungusap.

Halimbawa:
• Ang nagluto ng kare-kare ay siya. (panao)

Ang panghalip na siya ay gumaganap na


kaganapang pampaksa dahil tinutukoy nito kung
sino ang nagluto ng kare-kare.
Panghalip bilang Kaganapang Pampaksa
Halimbawa:
• Ang paborito kong pagkain sa handaan ay iyan.
(pamatlig)
Ang panghalip na iyan ay tumutukoy sa
paboritong pagkain sa handaan.

• Hahanapin ka raw niya saanman. (panaklaw)


Ang panghalip na saanman ay tumutukoy sa
kahit saang lugar.

You might also like