You are on page 1of 16

(Mga Dulog sa Panitikan)

Inihanda ni: M’Shella Mae Palma


Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at
kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan
sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang
layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin
ng tekstong panitikan na ating binabasa.
FORMALISMO
Tinutukoy ang nilalaman ng kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng
akda.
May mga elemento ang isang akdang
pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay
ng iba pang elemento.
HUMANISMO
Nagbibigay halaga sa tao dahil ang tao ang
sentro ng daigdig.
Pokus nito ang tao at ang kanyang
saloobin at damdamin.
Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan,
ang mga natatanging talino (intelligence),
kakayahan (talent) at kalikasan ng tao
(human nature).
EKSISTENSYALISMO
Nagbibigay diin sa kalayaang pantao (human
freedom) at kanyang pananagutan (responsibility)
Malaya ang tao - siya lamang ang maaring
magdesisyon kung paano niya gugugulin ang
panahon niya habang siya ay buhay.
Responsable ang tao – siya lamang ang
responsable sa kanyang buhay kahit pa ang
desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o
kasamaan.
Indibidwal ang tao – walang isang tao na
kaparehas niya.Ang kanyang pag-iisip,
damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya
lamang.
FEMINISMO
Ang pananaw na ito ay naglalayong labanan
ang sistemang patriarchal sa kababaihan.
Tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan
ng tauhang babae sa isang kuwento o
akda.
MARKISMO
Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng
mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas sa
pagitan ng mahina at malakas, matalino at
mangmang, duwag at matapang, mahirap at
mayaman.
Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping
tauhan, babalikwas ito upang matalo ang
nang-aaping lakas.
REALISMO
Naglalarawan ng makatotohanang
pangyayari sa buhay ng tao.
Ang mga tauhan sa kuwento ay nagtataglay
ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang
usapan ay parang natural.
Pinaniniwalaan nito na higit mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan.
SOSYOLOHIKAL
Binibigyang diin dito ang pagtalakay sa
suliraning panlipunan (problem in society).
Nagbibigay diin sa usapin tungkol sa
kahalagahan at pananagutang panlipunan
(social relevance & commitment).
SIKOLOHIKAL
Makikita rito ang antas ng kanyang buhay,
ano ang kanyang paninindigan (principles),
paniniwala (belief) at kung ano ang
tumatakbo sa kanyang isipan at kamalayan
(consciousness).
ROMANTISISMO
Higit na pinahahalagahan dito ang
damdamin kaysa sa paghamon sa pag-iisip
ng mambabasa.
MORALISTIKO
Sinusuri ang panitikan batay sa
pagpahalaga/kaasalan (values).
Dapat na pinahahalagahan ang disiplina,
moralidad, at kaayusang nakapaloob sa
akda.
Pinapahalagahan sa akda ang aral o
leksyon.
IMAHISMO
Ang tuon nito ay sa imahe (image) na
pinaniniwalaang nagsasabi ng kahulugan.
Naglalayon itong magpahayag nang
malinaw gamit ang tiyak na larawang
biswal.
Karaniwang ginagamit sa pagsusuri ng tula.
DEKONSTRUKSYON
Habang isinusulat ang teksto, ang
kahulugan nito’y nasa kamalayan ng
manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay
na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng
teksto ay nasa mambabasa na.
Ito ay teoryang pampanitikan na maaari
mong baguhin ang katapusan o magdagdag
ng mga tauhan.
BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal
ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na
siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka”
na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo.
HISTORIKAL
Ang teoryang ito ay may pagdidiin sa
mahahalagang bahagi ng kasaysayan na
naging bahagi ang manunulat habang
binubuo ang kaniyang akda.

You might also like