You are on page 1of 1

MGA DULOG SA PAGSUSURI NG DULA

DULA- ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa tanghalan sa


pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.
DULOG- Ito ay tumutukoy sa pamamaraan o paraan ng pag-aaral o pagsusuri ng
isang tiyak na paksa. Ito ay ang sistemang ginagamit upang maunawaan at masuri
ang mga konsepto, ideya, o mga pangyayari.

• MARXISMO
 Ang Dulog na ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na
tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na guma- gamit ng
materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan.
• REALISMO
 Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa
ang kalagayang na nangyayari sa lipunan, tulad ng korapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Mada las itong nakapukos sa lipunan at
gobyerno.
• FEMINISMO
 Ang layunin ng teorya ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay Feminismo sapagkat babae ang
pangunahing tauhan at namamayagpag ang mabuti at magan- dang
katangian ng tauhan.
• HISTORICAL
 Hinihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.
Ang layunin ng dulog na ito ang ipakita ang karanasan ng isang pangkat ng
tao na siyang Pwedeng gawing basihan ng kasaysayan at bahagi ng
pagkahubog.
• BAYOGRAPIKAL
 Layunin nito’y ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
 Ipinapahiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na ang lahat ng “pinaka na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan.

Tagapag-ulat:
Ma. Necole E. Sabandal

You might also like