You are on page 1of 45

MGA

TEORYANG
PAMPANITIKAN
TEORYANG PAMPANITIKAN
•Isang sistema ng mga kaisipan at
kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, kabilang ang layunin ng
may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.
BAYOGRAPIKAL
• Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na
inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
• Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-
akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan
na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang
teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may-akda
sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang
mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng
may-akda upang mas mapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din
ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan
ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na
nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
HISTORIKAL
•Ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang karanasan ng isang lipi ng tao
na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
• Historikal– ang teoryang ito ay patungkol sa
pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa
mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga
akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga
salitang naaayon sa panahon at sa kultura na
may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang
mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,
ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa
lahat ang ating pananampalataya.
• Halimbawa: Noli Me Tangere at El Filibusterismo
KLASISMO/KLASISISM
O
• Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng
mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.
• Pinanaig ang isipan kaysa damdamin. Ang mga
tauhan ng mga akdang klasisismo ay
nakakaangat sa karaniwang buhay.
Pinahahalagahan ang pagiging marangal at
maginoo sa pananalita at maging sa pagkilos.
Kadalasang tumatalakay sa mga akdang may
kinalaman sa pulitika, moralidad, kabuhayan, at
relihiyong matutuklasan.
• Halimbawa: ‘Florante at Laura’ ni Francisco
Balagtas
KATANGIAN NG MGA AKDANG KLASIKO:
• Malinaw
• Marangal
• Payak
• Matimpi
• Obhetibo
• Magkakasunud-sunod
• May hangganan
HUMANISMO
•Ang layunin ng panitikan ay
ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo; ay binibigyang- tuon
ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino,
talento at iba pa.
• Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na
sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-
aaral na kumikilala sa kultura. Tao bilang
sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t
mahalagang maipagkaloob sa kanya ang
kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya.

• Renacimiento o Muling Pagsilang sa Italya


ROMANTISISMO
• Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang
iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao
sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang
ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
• Ang teoryang romantisismo na nababatay sa kasaysayan at
paghanga sa kagandahan ay nagpapakita ng napakaraming
pagbabago na nagaganap sa panitikan. Ito ay makikita sa mga
akdang tumatalakay sa mga paksang pag-ibig, mga awit at
korido na ang pinapaksa ay buhay-buhay ng mga prinsesa at
prinsipe. Tumatalakay din ito sa mga katutubong buhay sa
malalayong nayon. lagi itong nagbibigay aral at itinatanim sa
isipan na ang nagksala at masama ay parurusahan. Halimbawa
nito – Ibong Adarna at Romeo at Juliet
• Pagtakas mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga
sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di
tuwiran, maaaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa
ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba
itong kahulugan at kaisipan.
• Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong
sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong
dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo
sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo
ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa
kalayaan at sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi
mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi
sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at
kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.
REALISMO
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda
ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat.
• Inilalarawan ang buhay sa katotohanan at walang
idealismo.
• Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Ayon
sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at
lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang
isasagawang paglalarawan o paglalahad.
• PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan,
krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan,
prostitusyon, atb.
• Mga Halimbawa: ‘Noli Me Tangere’ at ‘El
Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
FORMALISTIKO/FORMALIS
MO
• Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.
• Tanging pisikal na katangian ng akda ang
pinakabuod ng pagdulog na ito.
• Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
• Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa
ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan
ng mga salita, istruktura ng wika, metapora,
imahen, at iba pang elemento ng akda.
EKSISTENSYALISMO
•Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na may kalayaan ang tao na pumili
o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo
(human existence).
• Huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon
• Ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. Maihahalintulad ito sa
dalawang teorya: romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na
paraan ng pagpapahayag o ekspresyon; modernismo dahil nagpipilit itong
magwasak ng kasaysayan.
• Halimbawa: ’Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla ‘Aanhin Nino ‘Yan?’
Panitikang Thai Salin ni Lualhati Bautista
FEMINISMO
• Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng
mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat
babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
• Isa sa pinakabagong teoryang pampanitikan. Ang
pagsilang ng ganitong teorya ay bunga ng
paghihimagsik sa kaisipang: ang kakabaihan ay
karaniwang inilalarawan sa simplistiko at
nakatakdang paraan-masamang babae/birhen,
mayumi/marahas, masamang impluwensya sa
kalalakihan, emosyonal, irasyonal, histerikal, walang
utak, pantahanan lamang, walang buhay sa labas ng
kanyang pamilya, sa madaling salita, ang panitikan
bilang institusyon ay isang ahente na nagpapatuloy
ng stereotype tungkol sa kababaihan na karamihan
ay negatibo.
• Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang
mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal,
pantahanan at masama.  Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga
indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.
• Mabuting maging akdang suri sa teoryang ito ang mga akdang nagbibigay-
diin sa karanasan, katangian at kakayahan ng mga kababaihan-ang
kanilang pananagumpay, pagkabigot muling pagbangon at kapangyarihang
taglay na nggmpanan ng 1 llki. Ang pggmit s teorya ay ngppkita ng
pgkkpntay o maaaring kahigitan pa ng 1 babae sa isang lalaki anumang
larangan-pag-ibig, hanapbuhay, politika, panulat, edukasyon atbp.

• Mga Halimbawa:  ‘Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata’t Paraluman’ ni


Lilia Quindoza Santiago (tula)  ‘Sandaang Damit’ ni Fanny Garcia
(maikling kwento)  ‘Sumpa’ ni Rowena Festin (tula)  ‘Paano Tumutula
ang Isang Ina’ ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula)
IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba
pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang
ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan
at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng
pahayag sa loob ng panitikan.
MARKISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na
ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang
dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa.
ARKITAYPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang
mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-
uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito
ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing
gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga
katulad na suliranin.
Queer
 Ang layunin ng panitikan ay
iangat at pagpantayin sa paningin
ng lipunan sa mga homosexual.
Kung ang mga babae ay may
feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala
ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda
ang mga kaugalian, paniniwala at
tradisyong minana at ipasa sa mga sunod
na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat
lipi ay natatangi.
Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang
iba’t ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang
kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang
tugon sa suliraning dinaranas sa halip na
ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t
ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
•Ito ay teoryang pampanitikan na
pwede mong baguhin ang katapusan
at pwede ka ding mag dagdag ng
mga tauhan ngunit hindi mo
pwedeng buhayin ang mga namatay
na sa akda.
SIKO-ANALITIKO
Nakatuon sa kalagayan ng
isang tao. Maaaring sa pag-iisip o
sa kanyang pag-uugali. Pag-aaral
sa kilos o gawi ng mga tauhan at
pananalitang ginagamit ng
tauhan.
SIMBOLISMO
Ang paggamit ng simbolismo sa pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan ay kakikitaan ng paglalahad ng
mga bagay, damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng
mga sagisag.
Ang mga sagisag ay maaaring katawanin ng mga
bagay, kilos, tauhan, pananamit, at pangalang ginamit
ng may akda. Karaniwang angkop na gamitin ang
ganitong pananalig sa mga akdang nagpapakita ng
kahiwagaan at mga kaisipang pumapaksa sa
metapisika.
NATURALISMO
Ito ang pananalig na nagsisikap na mailarawan ang
kalikasan ng buong katapatan. Nais na bigyan ng diin ang
siyentipikong paglalarawan ng mga tauhang pinagagalaw
sa mga puwersang impersonal.
Ang mga akdang nagbibigay – diin sa teoryang ito ay
nagpapakita ng mga pangyayaring natural at
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang
pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan
ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng
katarungan, sa mga tauhan nito. Ito’y isa sa mga
namamayagpag sa kasalukuyan.
Ito ay nagtataglay ng mga pinakamasidhing katangian
ng teoryang Realismo. Itinuturing na mabangis na gubat
ang buhay sa mga walang kalabanlabang mga tao at mas
detalyado ang mga kasuklam – suklam na mga pangyayari
sa buhay ng tao.
Teoryang nag-uugnay ng syentipikong pamamaraan sa
pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng
nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang
lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing
pagsusuri.
Sa panitikan, layon ng naturalismo na ipakita nang walang
panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
May pagkakapareho ito sa realismo, kaya tinawag din itong
ekstensyon ng realismo.
Nagpapakita na kahit simpleng tao ay dumadaan rin sa
mahirap na suliraning panlipunan. Ang akdang literari sa
teoryang ito ay naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig
na higit na maganda ang marumi at karumal-dumal na
pangyayari. Nabibigyang pansin din sa teoryang ito ang mga
saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
SURREALISMO
Sa pananalig na ito, maraming bagay
ang nagaganap sa guniguni ng tauhan.
Pinagsasama ang realidad at
superealidad. Nagbibigay tuon ito sa mga
paniniwalang tungkol sa pantasya,
pangarap at panaginip na may
katotohanan o realidad na nakahihigit pa
sa karaniwan.
IMPRESYUNISMO
Ang pananalig pampanitikang inilalahad ng
manunulat ay batay sa impresyong naikintal o
naiwan sa kanyang isipan. Ang mga akdang
mabuting suriin sa ganitong pananalig ay dapat na
naglalahad ng mga reaksyon sa mga aktwal na
pangyayari sa lipunan at kultura. Ito ang pananalig
pampanitikang kakikitaan ng paghihimagsik sa
mga tradisyunal at nagpupumiglas sa ritwal na
kaganapang lumulunod sa kalayaan.
EKSPRESYUNISMO
Sa pananalig na ito ay walang
pagkabahalang ipinahahayag ng
manunulat ang kanyang kaisipan at
nadarama. Ang paghahanay ng mga
salita ay naiiba kausa karaniwan. Kung
tutuusin ay bihirang makakita ng akdang
nagtataglay ng pananalig na ito.
MODERNISMO
Nagbibigay-diin sa pagbabago
kung kaya ipinakikita ang
paghihimagsik sa isang tradisyon,
pananampalataya, kaugalian o
paniniwala.
Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t
ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling
sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon
na rin sa kaantasan nito.
MORALISTIKO
Sa pananalig na ito, ipinalalagay na may
kapangyarihan maglahad ang akda, di lamang ng
mga literal na katotohanan kundi ng mga
panghabambuhay at unibersal ng katotohanan at
mga di mapapawing pagpapahalaga. Higit na
pinahahalagahan ang mga aral o leksiyong
ibibigay ng akda sa mga mambabasa at di ang
katangian nito bilang akda na may sinusunod na
prinsipyo.
ISTRUKTURALISMO
Binibigyang-pansin dito ang istruktura ng wikang
ginamit, ang denotasyon at konotasyon, antas ng mga
salita at kaangkupan nito, istruktura ng nilalaman at
ugnayan ng mga bahagi ng isang akda
Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito
ang kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng
maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa
paghubog ng kamalayang panlipunan. -’di-makatao’
Unang dekada ng ika- 20 dantaon.

You might also like