You are on page 1of 8

DULOG

SIKOLOHIKAL
Ang Aking Krismas Tri
ni Mary Grace Del
Rosario
boud
Taon-taon nang pinagaganda ng ina ang krisma
tri ng pamilya. Nariyan ang mga nakasabit na
mamahaling pulang bola na nakaikot sa puno.
Mga naglalakihan at nagagandahang poinsettia.
Taon taong may bagong dekorasyon ang puno.
Pilit na pinagaganda at pinatitibay ang puno
mahalaga daw ito sa kanilang pamilya. May
sangang bali-baliko ngunit itinayo sa loob at
tinatabunan ng palamuti. Marupok na ang mga
paa nito ngunit pilit na pinapatibay. May mga
krismas lights na lalong nagpapakulay nito.
Nakakalungkot isipin ngunit dumating din
ang paskong hindi na nagtayo ng krismas tri
ang pamilya. Hinahanap- hanap ang
kaligayahan sa bawat materyal na
pumapalibot dito. Dumating na rin ang
huling panahon na kumpleto na ang pamilya.
Ang akdang ito ay binibigyang diin ang
dulog na sikolohikal. Ang dulog na
sikolohikal ay nagbibigay halaga sa
emosyon sa pagkilala ng katauhan dahil
ang damdamin ng isang tao ay isang
mahalagang salik upang pasimulan ang
isang gawain. Ibat ibang damdamin ang
nadarama ng isang tao: galit, takot,
pangamba pagkabigo, o pagsisi na
nararapat lamang angkupan ng positibong
pandama: pagmamahal, paghanga, at
pagbibigay atensiyon.
Ang paglinang sa kalagayang pang-emosyunal
ng isang indibidwal ay malaking tulong sa
buhay ng mga manunulat sapagkat ito ang isa
sa nagiging sukatan nila sa pagsasabuhay ng
kanilang mga likhang tauhan. Dahil sa
paglalantad ng ibat ibanng emosyon ay
dagling nakikilala ng mga mambabasa ang
kanilang mga katangian at kapintasan. Kagaya
halimbawa ng akdang Ang Aking Krismas
Tri, madarama ng mambabasa ang
naghaharing emosyon sa akda. Lungkot at
panghihinayang ang mamayaning damdamin
sa kabuuan ng akda.
Mga Tanong
Masasabi mo ba kung ano ang kalagayan
ng pamilya ng may-akda batay sa nilalaman
ng kanyang akda?

Kung ikaw ang may-akda, pipilitin mo pa


rin bang mabuo ang iyong pamilya upang
mapasaya si Gelo, Paolo, at Vince?
Ipaliwanag?
Kung ikaw ang may-akda babaguhin mo ba
ang wakas? Bakit?

You might also like