You are on page 1of 1

ANG BABAING PULUBI NG LOCARNO

ni Heinrich Von Kleist


(Kuwento mula sa Italya, salin sa Flipino ni B.S, Medina Jr.)

Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa


Ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala
Sa paanan ng Alps, malapit sa Locarno sa kaitasan ng Italya, nakatayo ang isang matandang kastilyong
pag-aari ng isang Marquez. Ang kastilyong itoay may matatayog at malalaking silid. Sa isa sa mga silid
ay may matandang sakiting babaena nakahiga sa dayami. Pinatuloy siya roon ng asawa ng Marquez
dahil sa awa mula sa pagpapalimos ng matanda.
Minsang galling sa pangangaso ang Marquez, habang inilalagak ang kanyang ripple ay nasipat niya ang
matanda sa isang silid. Habang tumatayo ay nadulas sa kanyang muleta ang babae dahil sa makinis at
makintab na sahig. Labis na napinsala ang kanyang likod. Bumagsak siyang umuungol at dumaraing
hanggang sa mamatay.
Makaraan ang maraming taon, naghikayos si Marquez dulot ng digmaan at masamang ani. Dinalaw siya
ng isang kabalyerong Florentino. Hangad ng kabalyero na bilhin ang kanyang kastilyo. Inutusan niya ang
asawa na patuluyin ang kabalyero sa silid na may magaganda at mahuhusay na kasangkapan. Subalit
isang gabi, nabalisa ang mag-asawa nang bumaba ang kabalyero . Nababahala at namumutla.
Sumusumpang nakakita siya ng multo sa silid. isang bagay na hindi makikita ng karaniwang mata ang
tumindig sa isang sulok ng silid. Tila ba may matagal nang nakahiga sa dayami. Maririnig ang yabag,
ungol at daing.
Ang pangyayaring ito ay lumikha ng balitang tumakot sa maraming mamimili. Hindi ito nakabuti para sa
Marquez. Ipinasya niyang magsiyasat nang sumunod na gabi upang mapatigil ang balita. Sa pagsapit ng
dilim, ipinaayos niya ang kama at naghintay na maghatinggabi. Lubha siyang nasindak nang biglang may
mag-angat sa kaniyang sarili patungo sa dayami. Narinig niya ang mga kaluskos, buntong-hininga at
inagy ng namatay.
Kinaumagahan, tinanong siya ng asawa kung ano ang nangyari sa kaniyang pagsisiyasat. Sinagot niya
ang babae na totoo ang tungkol sa multo. Ngayon lang nabahala ang asawa kaya’t hiningi niyang muling
magsiyasat na kasama siya. Nang sumunod na gabi, kasama ang isang matapat na kasambahay, narinig
nila ang mahiwagang tunog. Tanging ang nagduduming pagnanasang maipagbili ang kastilyo sa
anumang paraan ang nakatulong sa kanila upang masugpo ang takot na nararamdaman. Pinanhik nila
ang hagdan dala ang mga kandila. Binitbit ng Marquez ang kanyang sable at pistol. Nang tumugtog amg
orasan ay narinig na naman nila ang nakahihindikna ingay. May naaninag silang tumindig sa
pamamagitan ng muleta sa gitna ng silid. Narinig nila ang kaluskos sa dayami. Kumahol ang kanilang
alagang aso na animo’y may nakikita. Tindig ang tainga, umuungol at kumakahol nang malakas. Tila may
taong papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nanindig ang kanilang balahibo. Sinunggaban ng Marquez ang
sable at sumigaw ng “Sino ‘yan?” nang walang sumagot at nagtataga siya sa hangin sa lahat ng
direksyon na parang isang baliw.
Ang asawa ay nagahanda ng karwahe. Bago siya nagkapanahong makapaghakot n ilang bagay at
makalabas sa tarangkahan , nakita niyang nagliliyab na ang kastilyosa lahat ng dako. Samantala ang
Marquez na nasindak sa lagim ay kumuha ng kandila at sinilaban ang silid sa bawat sulok nito.
Nagpadala ang asawa ng mga taong magliligtas sa Marquez ngunit hindi na ito naabutang buhay.
Namatay ang Marquez sa lalong abang paraan. Hanggang sa kasalukuyan ag kanyang putting buto na
tinapon ng kaniyang mga kapanalig ay naroon sa sulok ng silid na pinagtindigan ng babaing pulubi ng
Locarno.

You might also like